You are on page 1of 2

ANG KAALAMAN SA PAGKILATIS NG PEKENG IMPORMASYON NG MGA MAG-

AARAL NG BEED 2-1 NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

Mga Kaugnay na Literatura

Upang mabigyan ng malinaw na kahulugan ang Pag-aaral na ito ninais ng mga Mananaliksik na
tukuyin ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa mga pekeng Balita at ang una na nga rito
ay ang Kaalaman. Ayon sa (Wiley Online Library, 2017) “Ang kaalaman ay isang mataas na
pinahahalagahan na estado kung saan ang isang tao ay nasa kognitibong kaugnay ng
katotohanan” dagdag pa rito, ang Kaalaman sa pamamagitan ng pagkakakilala ay hindi lamang
nakapaloob ang pagkilala sa tao o bagay kundi ang pag-alam din sa estado ng mentalidad ng
umaalam. Samantala, sa artikulo naman ni (Gelfert, 2018) sa kaniyang artikulong Fake News: A
Definition sinabi niya rito na ang Pekeng Balita ay nangangahulugang “mga kaso ng sadyang
paglalahad ng (karaniwang) mali o mapanlinlang na mga pahayag bilang balita, kung saan ang
mga ito ay nakapanlinlang sa pamamagitan ng disenyo” ang tinutukoy dito na disenyo ay ang
sistematikong mga tampok ng disenyo ng mga mapagkukunan at channel kung saan
mapapalaganap ang mga pekeng balita, maaari itong magamit sa radyo, telebisyon, dyaryo,
magazine at ang mas kilala ngayon na pang malawakang paghahatid ng impormasyon at yun nga
ang iba’t-ibang platform ng social media na ginagamitan ng internet. Sa isa namang pahayag
mula kay (Kalsnes, 2018) sinabi niya na ang Pekeng Balita ay hindi naman na bago sa ating
lipunan bagkus mas lumala pa nga ito dahil sa pahintulot ng mga bagong teknolohiya ng
komunikasyon ang mga bagong paraan upang makagawa, mamahagi, at kumonsumo ng pekeng
balita, na nagpapahirap sa pagkakaiba-iba kung anong impormasyon ang mapagkakatiwalaan.
Sumakatuwid naging banta pa nga ito at nakaapekto sa maraming bansa tinawag ito ng ilang
mananaliksik na imaduming impormasyon (Wardle & Hossein, 2017), pagmamanipula ng media
(Warwick & Lewis, 2017), o digmaang impormasyon (Khaldarova & Pantti, 2016). 

Samantala, binigyang paliwanag naman ni (Shu et al., 2020) ang paraan kung paano ba
lumalaganap ang pekeng balita at base sa kanila ito ang di-intensyonal na pekeng balita dahil
ayon sa kanila ay maaaring patuloy na magbago ang mga paksa sa paglipas ng panahon at
maging sari-sari na maaring maging peke at totoong balita mula sa pinagmulan nitong orihinal na
source. Ngunit lumalabas sa maraming panayam at talumpati na ang talagang tagaphatid ng
balita ay ang mismong mga media o mga  kumpanya na nag-uulat nito dahil maging sa panahon
ng digmaan taong 1896 pinangalanan na ang mga ganitong gawain na “freak journalism” o
“yellow journalism” partikular na noong Spanish War na kung saan ang ibig sabihin ay “pag-
publish ng nilalaman na walang ebidensya at samakatuwid ay hindi tama, kadalasan para sa
mga layunin ng negosyo” (Molina et al., 2019)

https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/9781405164863.ch3

https://www.erudit.org/en/journals/informallogic/1900-v1-n1-
informallogic04379/1057034ar/abstract/

https://oxfordre.com/communication/communication/view/10.1093/acrefore/9780190228613.00
1.0001/acrefore-9780190228613-e-809

https://www.liebertpub.com/doi/full/10.1089/big.2020.0062

https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/0002764219878224

You might also like