You are on page 1of 5

FIL03

FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Balangkas ng Posisyong Papel

Mga Miyembro ng Pangkat:

Cabral, Julia Marie D.

Estaris, Simone

Marcelo, Ana Mari

Tan, John Carlos

Velasco, James Randall

IS201

Isinumite kay:

Bb. Princess Joy C. Ragsac


FIL03
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

I. Pagpapakilala sa Paksa

a. Ang media at pamamahayag ay isa sa pinakatanyag na gawain at propesyon ng isang


tao, ngunit sa Pilipinas ay tila hindi ito itinuturing na mahalaga. Ang mga Pilipino ay
patuloy pa rin na naniniwala sa maling impormasyon, fake news, o ‘di kaya mga
‘vlogger’ na umaasa lang din sa mga ‘balita’ na walang tanyag na pinagmulan.

II. Paglalahad ng inyong Posisyon

a. Ang kalayaan sa pamamahayag o ‘press freedom’ ay hindi ligtas sa bansang Pilipinas.


Marami pa ring mamamahayag na pinatay at patuloy na pinapatay dahil lamang sa
pag-uulat ng katotohanan at pagpuna sa kasalukuyang gobyerno at lipunan. Ayon sa
artikulo ni Arao (2021), isa sa pinaka delikadong lugar ang Pilipinas kung ikaw ay
papasok sa industriya ng pahayagan bagkus ang press freedom at karapatang pantao
ay patuloy na tinutugis ng bansang sariling gobyerno.

b. Hindi nararapat ang mga ‘vloggers’ bilang tagapagpahayag at unang makakatanggap


ng balita galing sa Malacañang. Umaasa sila sa mga reaksyon, komento, at
pagbabahagi upang mapanatili ang kanilang kabuhayan. Ang mas maraming
viewership na nakukuha nila, mas "kapanipaniwala" sila sa kanilang audience
(Perez, 2022). Hindi dahil sila ay nasa sosyal midya at may koneksyon sa mga tao ay
ibig sabihin mayroon na silang kredibilidad at kakayahan na makapagsalita ng
makatotohanan na balita.

III. Pagtatala ng mga Pagtutol o Oposisyon

a. Ang bagong administrasyon ni President Marcos Jr. ay balak na bigyan ng parehong


pribilehiyo o i-accredit ang mga influencers at vloggers, sa pribilehiyo ng mga
mamamahayag sa bansa.

b. Ang mga tao ay naniniwala na makakapagbigay ng maayos at tapat na balita ang mga
‘influencers’ na kanilang napanood sa sosyal medya.
FIL03
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

IV. Pagpapaliwanag sa iyong Posisyon.

a. Ang mga mamamahayag ay nagsasagawa ng pananaliksik at nagbibigay ng


maaasahang impormasyon na sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga paksa (Great
Value Colleges, 2018).

b. Ang pinakamahusay na mga mamamahayag ay nagbibigay ng maasahang


impormasyon tungkol sa mga kaganapan, isyu, at mga tao na may epekto sa lipunan o
pang-araw-araw na buhay (Dugger, n.d.).

V. Pagigiit na ito ay Mainam at Wasto

a. Ang pagbibigay ng kredibilidad sa midya ay nararapat na gawin sapagkat


nilalabanan nila ang mga labag sa katotohanan at mga bagay na hindi dapat
ipalaganap sa bansa. Hindi lamang katotohanan ang ipinaglalaban ng advocacy
journalism kundi kapakanan at pangangailangan ng mga marhinalisadong sektor ng
lipunan (Ilagan & Rosales, 2015).

b. Karamihan sa mga nagttrabaho sa midya ay nagbubuwis buhay para lamang na


maisawalat ang katototohanan lalo na kung ito napakadelikado lalo na kapag ang
pinaguusapan ay gobyerno at mga namamahala sa bansa (Abbas, 2018). Sila ay dapat
bigyan ng pagkakataon na ilabas ang mga nalalaman dahil sila ay nagtapos din sa pag-
aaral upang ipahayag ang katotohanan at hindi ang kasinungalingan.

VI. Paglalagom

a. Hindi karapat dapat bigyan ang mga social media vloggers o influencers ng
karangalan at pribilehiyo pagdating sa pagpapalathala ng tanyag na balita mula sa
gobyerno dahil ito ay maaaring magdulot ng tunay na panganib sa mga mamamayang
naniniwala sa maling balita o distortion.

b. Dahil sa kasalukuyang administrasyon ng Pilipinas, ang mga dating iginagalang na


journalists at tagapagpahayag ay pinapalitan ng mga content creators sa social media
na walang kredibilidad at tamang edukasyong nakamit hinggil sa propesyong
natanggap.

c. Ang tunay na balita, na walang kinikilingan, ay makakamit lamang sa pamamagitan


ng pagkonsumo ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon lalo
FIL03
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

na sa midya, ngunit ang mga tagapag-ulat ay kadalasang nakakaranas ng


kapahamakan.

VII. Pagbibigay ng mga Aksyon o Hakbang.

a. Bigyan ng proteksyon ang mga journalist na nagpahayag ng mga impormasyon ng


walang takot at pangamba sa kanilang buhay sa pamamagitan ng paggamit ng boses
na patuloy itaas at ipaliwanag ang totoong nangyayari sa bansa.

b. Himukin ang mga tao na maging matalino at responsable sa pagbibigay ng mga


komento sa bawat paksa na maririnig dahil hindi lahat ay totoo , ang iba ay gawa-
gawa lamang ng tao at wag agad maniniwala sa mga impormasyon na ibinibigay sa
mga social media vloggers o influencers.
FIL03
FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

SANGGUNIAN

Abbas, R. (2018, May 3). Pagtaas ng kaso laban sa mga miyembro ng media ikinabahala ng ilang grupo. Radio

Inquirer 990AM. https://radyo.inquirer.net/115122/pagtaas-ng-kaso-laban-sa-mga-miyembro-ng-media-

ikinabahala-ng-ilang-grupo.

Arao, D. A. (2021, November 6). Press freedom is no joke in the Philippines. East Asia Forum.

Retrieved October 12, 2022, from https://www.eastasiaforum.org/2021/11/07/press-freedom-

is-no-joke-in-the-philippines/

Dugger, A. (n.d.). What is journalism? Study.com.

https://study.com/learn/lesson/whatisjournalism.html

Great Value Colleges. (2018). Five ways that journalism benefits society.

https://www.greatvaluecolleges.net/lists/five-ways-that-journalism-benefits-society/

Ilagan, C.& Rosales, E. (2015, May 7). Midyang Lumalaban sa Krisis ng Bayan: Pagbusisi sa

Kredibilidad at Kabuluhan ng Advocacy Journalism. Manila Today.

https://manilatoday.net/midyang-lumalaban-sa-krisis-ng-bayan-pagbusisi-sa-kredibilidad-at-

kabuluhan-ng-advocacy-journalism/

Perez, A. F. (2022, June 6). Journalists versus vloggers. Philstar.com. Retrieved October 12, 2022,

from https://www.philstar.com/thefreeman/opinion/2022/06/07/2186598/journalists-versus-

vloggers

You might also like