You are on page 1of 1

Carandang, Liezel O.

 Panayam- Kilala bilang “Interview” sa ingles, ito ay isang sistematikong pagtatanong kung saan
makakakuha ka nang mga impormasyon sa porma nang opinion, kaisipan o ideya, mga
karanasan, kaalamang kadalubhasaan sa isang paksa, na nagmumula sa isang tanyag na tao o sa
mga nasasakupan nang iyong paksang gusting malaman. Madalas itong ginagamit sa mga
researches na pang akademiko, pangtrabaho, o sa larangan nang pamamahayag.

 Pangkatang Panayam- kilala bilang “group interview” o “focus group” sa wikang ingles. Ang
layunin nito ay upang makakalap nang isang kolektibang ideya o kaisipan, opinion o karanasan
sa isang grupo o pangkat nang tao na may kaibahan o kaparehas sa isang partikular na paksa.
Marahil magagamit rin ito sa mga kandidatong tatakbo sa isang posisyon o pag aapply sa isang
trabaho upang Makita kung sino ang lilitaw na magaling sa isang usapin o coordination sa
kanilang kagrupo.

 Natatanging Panayam- Ito ay tinatawag na “Exclusive interview” sa ingles. Ito sarado lamang sa
dalawang tao, ang kumakapayanam (interviewer) at ang kinakapanayam (interviewee). Isa sa
mga halimbawa nito ay ang pakikipagpanayam nang isang estudyante sa kaniyang guidance
counselor.

 Kuro-Kurong Panayam- ito ay tinatawag na “inference interview” sa salitang ingles. Ito ay isang
uri nang panayam kung saan nagpupukaw nang interes sa mga manonood o nakikinig upang
makuha ang komento ng madla o publiko tungkol sa isang paksa. Kadalasan ito ay maiikling
suhestyon, reaksyon, o opinion sa isang popular na balita o chismis. Madalas itong nakikita sa
usaping politika o showbiz.

 Impormatibong Panayam- sa ingles, “Informative interview” kung saan ang layunin nito ay
makapagbigay nang makatotohanang datos patungkol sa isang indibidwal, grupo o pangyayari
na nais magbigay paglilinaw na pumapatungkol sa mga bagay na itinatanong.

You might also like