You are on page 1of 15

UNIVERSITY

LABORATORY SCHOOL
ARALIN 11- Pagkilala sa
Talumpati at
Pakikipanayam bilang
Pagpapahayag at
Pamamahayag
Kahulugan, Kalikasan, At Katangian Ng
Talumpati
Ang talumpati ay isang uri ng pagpapahayag na binibigkas sa
harap ng publiko. Ito ay isang paraan para magtawid sa iba ng
kaalaman, ideolohiya, pananaw, prinsipyo, o simpleng kaisipan.
Sinasabing ang salitang ito ay nagmula sa dalawang salita, talon
(water falls) at kalapati (dove). Iyon marahil ay sa dahilang ang
tunog na likha ng talon at ng palakpak na pagtawag sa kalapati
ay iniuugnay sa di-matapos-tapos na palakpakan sa tuwing may
bumibigkas ng talumpati na kaakibat ng paghanga sa husay sa
pagbigkas at sa mapanghikayat na mga pananalita.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Maaaring pormal at may paghahanda ang isang talumpati o
maaari din namang di-pormal tulad sa ilang mga kalagayan na
biglaan.
Ang pormal na talumpati ay karaniwan nang binibigkas sa mga
pormal ding okasyon. Ang isang pormal na talumpati ay kadalasan
nang may paghahanda, may tiyak na paksa, at may nakasulat na
anyo. Ang mga halimbawa ng pormal na talumpati ay ang Taunang
Ulat ng Pangulo Sa Kalagayan ng Bansa o State of the Nation
Address (SONA), mga presentasyon ng pananaliksik o lektura,
Talumpati ng Susing Tagapagsalita sa isang kombensyon o
asembleya at marami pang iba.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Ang mga di-pormal na talumpati naman ay karaniwan nang walang
paghahanda (impromptu). Maaaring ito ay pagpapakilala ng sarili sa
unang araw ng klase o sa unang araw ng trabaho, pagsambot sa
isang tagapagsalitang wala pa o hindi darating, kapag naatasang
manguna sa toast ng isang okasyon sa kompanya, pagsagot sa
tanong sa isang panel na hindi kasama sa set ng mga inihandang
tanong, interbyu sa paghahanap ng trabaho, kapag kinakapanayam
ng isang reporter sa pagbabalita, bigla kang tinawag sa miting para
magbigay ng update tungkol sa iyong trabaho sa kompanya o sa
samahan ng mga mag-aaral at marami pang iba.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


May tinatawag din namang talumpating ekstemporaneo. Ito
ang talumpating nagkakaroon ng limitadong paghahanda
(karaniwang 30 minuto o mas maikli pa nga) tungkol sa
isang paksa. Maihahalimbawa mo ito sa pagbibigay ng
paksa sa iyo ng inyong guro sa loob ng klase na kailangang
maipaliwanag pagkalipas ng isang tiyak na limitadong
panahon ng paghahanda.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Maituturing ding ekstemporaneo kung sa halip na
magpokus sa salita sa iyong talumpati, nakatuon ka sa
mga ideya o konsepto para makapagpaliwanag ka sa
sarili mong salita. Sa gayon nagiging mas natural o
parang nakikipag-usap lamang ang tono ng iyong
pagsasalita na kailangan lalo na kung nais mo talagang
makumbinsi ang iyong mga tagapakinig.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Mga Mungkahing Hakbang Sa Pagsulat Ng
Talumpati

Bago Sumulat:

1. Pag-isipan kung sa anong okasyon bibigkasin ang iyong


talumpati at kung may nakatakda bang tema na dapat
pagbatayan. Ano-ano ang mga layunin ng iyong talumpati?

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


2. Alamin kung sino ang iyong mga tagapakinig? Ano ang kanilang
natapos sa pag-aaral? Ano ang kanilang lipunang ginagalawan?
Anong wika ang higit na nauunawaan nila o anong wika ang
kahilingan sa programa kung saan mo bibigkasin ang talumpati?

3. Gumawa ng balangkas ng iyong talumpati. Ano ang pangunahing


paksa na iyong tatalakayin? Ano-ano ang mahahalagang punto na
kaugnay ng iyong paksa? Ano-anong mga sumusuportang detalye
ang magagamit mo upang ipaliwanag ang iyong mga kaugnay na
paksa?

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Mga Mungkahing Hakbang Sa Pagsulat Ng
Talumpati

Habang Sumusulat:

1. Sa pamamagitan ng balangkas na iyong inihanda bago


sumulat, magsimula sa paraang makakakuha ng atensyon ng
iyong mga tagapakinig.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


2. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan ng iyong mga
tagapakinig. Marami ang nagsasabi na kinakailangang gumamit
ng mga idyomatiko o matatalinhagang mga salita sa talumpati.
3. Maaaring magsimula sa isang retorikal na tanong, isang
anekdota, isang kasabihan o siping pahayag mula sa isang
personalidad na kilala nila o may kauganayan sa iyong paksa.
4. Organisahin ang katawan ng iyong talumpati sa tulong ng
inihandang balangkas. Iwasang lunurin ng napakaraming
impormasyon ang mga tagapakinig.
5. Katulad ng pambungad o simula, kinakailangang tumatak sa
isipan ng iyong mga tagapakinig ang wakas ng iyong talumpati.

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Mga Mungkahing Hakbang Sa Pagsulat Ng
Talumpati

Pagkatapos Sumulat:

1. Basahin ang nabuong talumpati. Alamin kung nakasunod ba


ito sa wastong gramatika. Tingnan kung naiintindihan mo ba
mismo ang iyong sariling talumpati. Tanungin ang sarili: Madali
bang maunawaan ang aking mga salita? May mga bahagi bang
malabo o ambiguous?

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


Pakikipanayam
Ang pakikipanayam ay pangangalap ng
impormasyon mula sa dalubhasa sa kanilang
larangan na may malawak na kaalaman sa ibig nating
LABORATORY SCHOOL

malaman. May mga pakikipanayam sa isahan. Sa


ganitong uri ng pakikipanayam, naghahanap ang
dalawang tao, ang isa ay nagtatanong o
UNIVERSITY

nakikipanayaman at ang isa naman ay sumasagot o


kinakapanayam. May mga pagkakataon naman na
higit sa isa ang kinakapanayam.
Tiyakan- pakikipanayam na may mga taong na tiyak
na sasagutin ang kinakapanayam.

Di-tiyakan- pakikipanayam na ginagamitan lamang ng


LABORATORY SCHOOL

ilang patnubay na katanungan kaya nakapagsasalita


nang mahaba ang kinakapanayam.

Masaklaw na Pakikipanayam- ang kumakapanayam


UNIVERSITY

ay nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan ay


mga opinyon, paniniwala, saloobin, at pilosopiya sa
buhay.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like