You are on page 1of 6

Pakikipanayam

Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng


isang impormasyon ay isang paraaan ng
pagkuha ng impormasyon o kabatiran
nang harap-harapan. Kung nais nating
makuha ang kinakailangan nating
kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa
kanilang larangan na nagtataglay ng
ganap na kaalaman sa nais nating
mabatid.
Pakikipanayam

May mga uri ng pakikipanayam ayon sa


bilang ng taong kasangkot sa
pakikipanayam gaya ng mga sumusunod:

1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam -


ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y
nagtatanong na siyang kumakapanayam
(interviewer) at ang isa'y kinakapanayam
(interviewee). Ang halimbawa nito ay ang
pakikipanayam ng isang Guidance
Counselor sa isang mag-aaral upang
malaman ang personal na datos tungkol
sa kanya.
2. Pangkatang pakikipanayam - higit sa
isa ang kumakapanayam o
kinakapanayam sa uring ito. Ang
halimbawa nito ay ang isang
mananaliksik na nagnanais
makapanayam ang mga tao sa isang
nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay.
Maari niyang pakiusapan ang kapitan ng
baranggay na tipunin ang mga tao sa
pook na iyon upang kanyang
makapanayam sapagkat kung isa-isa
niyang pupuntahan ang mga iyon sa
bahay-bahay ay malaking panahon ang
kanyang aaksiyahin. Isa lamang ang
kumakapanayam at marami ang kanyang
kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang
kinakapanayam at marami ang
kumakapanayam katulad ng isang
artistang nagbigay ng isang press
conference, maraming mamamahayag
ang kumakapanayam sa kanya.

3. Tiyakan at Ditiyakang Pakikipanayam


(Directive or Non-directive) - Sa tiyakang
pakikipanayam ang mga tanong ang
sasagutin nang tiyakan ng
kinakapanayam. Kapag nagbibigay
lamang ng ilang patnubay na katanungan
ang kumakapanayam sa kinakapanayam
at nagsasalita nang mahaba ang
kinakapanayam, ito'y di-tiyakang
pakikipanayam.
4. Masakalaw na pakikipanayam (depth
interview) - sa uring ito, ang
kumakapanayam ay nagbibigay ng mga
tanong na ang mga kasagutan ay mga
opinyon, paniniwala, saloobin at
pilosopiya sa buhay.

May kaugnay na midya tungkol sa


Interviews ang Wikimedia Commons.

Ang lathalaing ito ay isang usbong.


Makatutulong ka sa Wikipedia sa
pagpapalawig (https://tl.wikipedia.org/w/i
ndex.php?title=Pakikipanayam&action=e
dit) nito.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Pakikipanayam&oldid=1825660"

Huling pagbabago: 14:26, 20 Disyembre 2020. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like