You are on page 1of 2

RETORIKA AT MABISANG PAGPAPAHAYAG

ANG RETORIKAAT ANG MABISANG PAGPAPAHAYAG Ang retorika ay tumutukoy


sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akitna pagpapahayag upang
maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.Dalawang kawastuan ang
kinakailangan sa pagpapahayag : ang kawastuang pambalarilaat ang kawastuang
panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag : (a) pagpapahayagna pasalita at
pagpapahayag na pasulat. DALAWANG SANGKAP NG PAGPAPAHAYAG May
dalawang mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at (b)pananalita.
Sinasabing may nilalaman ang isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may
pahatid o mensaheng mahalaga (b) may mahalagang impormasyon o pabatid (c)may
kaalamang mapapakinabangan (d) kapupulutan ng magandang halimbawa at
(e)makalilibang. Mga Maaaring Pagkunan ng Nilalaman Ang mga sumusunod ay
maaaring pagkunan ng mga nilalaman: 1.Karanasan May kasabihang pinakamagaling
na guro ang karanasan sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa kanyang kabataan
hanggang sa kanyang pagtanda nahindi dumanas ng mga karanasan sa buhay. Ang
karanasan ng isang tao ay hindi angnaganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano
ang ginawa niya sa pagyayari sakanyang buay upang siya y magtagumpay na malutas
ang kanyang suliranin, ng kanyangmga kasama at maaaring ng sangkatauhan. 2.
Pakikipanayam Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapitat
pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan. Kinakailangan
ihandamuna nang maayos ang mga katanungan bago makipanayam nang
maiwasangmaaksaya ang panahon. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa
pakikipanayam :(a) mga tanong na sasagot sa mga kaalamang kailangan (b)
nakipagkita sakakapanayamin sa araw at oras na kanyang itinakda at (c) maging
magalang sa taongkinakapanayam. Matapos ang pakikipanayam, dapat pasalamatan
ang taongkinapanayam.
Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng
pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha
ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan
na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.

May mga uri ng pakikipanayam ayon sa bilang ng taong kasangkot sa


pakikipanayam gaya ng mga sumusunod:
1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam - ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y
nagtatanong na siyang kumakapanayam (interviewer) at ang isa'y kinakapanayam
(interviewee). Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng isang Guidance Counselor
sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos tungkol sa kanya.
2. Pangkatang pakikipanayam - higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa
uring ito. Ang halimbawa nito ay ang isang mananaliksik na nagnanais makapanayam
ang mga tao sa isang nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay. Maari niyang pakiusapan
ang kapitan ng baranggay na tipunin ang mga tao sa pook na iyon upang kanyang
makapanayam sapagkat kung isa-isa niyang pupuntahan ang mga iyon sa bahay-bahay
ay malaking panahon ang kanyang aaksiyahin. Isa lamang ang kumakapanayam at
marami ang kanyang kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang kinakapanayam at marami ang kumakapanayam
katulad ng isang artistang nagbigay ng isang press conference, maraming
mamamahayag ang kumakapanayam sa kanya.
3. tiyakan at diitiyakang pakikipanayam (Directive or Non-directive) - Sa tiyakang
pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin nang tiyakan ng kinakapanayam. Kapag
nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungan ang kumakapanayam sa
kinakapanayam at nagsasalita nang mahaba ang kinakapanayam, ito'y di-tiyakang
pakikipanayam.
4. Masakalaw na pakikipanayam (depth interview) - sa uring ito, ang kumakapanayam
ay nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan ay mga opinyon, paniniwala,
saloobin at pilosopiya

You might also like