You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Gonzalo Aler National High School
Alayao, Capalonga, Camarines Norte
FILIPINO 9
KARAGDAGANG GAWAIN
PANGALAN: BAYTANG AT SEKSYON:
MODYUL: 3
Panuto: Isulat ang iyong opinyon tungkol sa mga pahayag sa ibaba. Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
1. Mas mainam na gamitin ang mga tao bilang tauhan sa pabula sa halip na mga hayop.
2. Sapagkat piksyon ang mga karakter sa pabula, maituturing itong mababaw na uri ng panitikan.
3. Inilalayo ng pabula ang mga mambabasa sa realidad ng buhay.
4. Ang mga kuwento sa pabula ay walang katotohanan at hindi nangyayari sa tunay na buhay.
5. Ang pabula ay kapupulutan ng mga aral at kaisipan na makatutulong sa pang-araw-araw na buhay.
MODYUL 4:
GAWAIN 1: Panuto: Isulat nang wasto ang iyong magiging pahayag kung ikaw ay nasa sumusunod na sitwasyon.
1. Inuutusan ka ng nanay mo pero nagseselpon ka.
2. Bigla kang tinawag ng guro sa recitation.
3. Naiinis ka sa iyong madaldal na kaklase.
4. Nakita mong nagkokodigo ang iyong kaklase habang nag eexam.
5. Tinawag kang baduy ng iyong crush.
GAWAIN 2: Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong nang malinaw at nasa tatlong pangungusap.
1. Sa iyong palagay, bakit patuloy na pinag-aaralan ang sanaysay?
2. Kung magsusulat ka ng isang sanaysay, tungkol saan ito? Ipaliwanag.
MODYUL 5:
Panuto: Ipaliwanag ang mensahe ng mga sumusunod na talinghaga.
1. “Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.”
2. “Anak na di paluhain, Ina ang patatangisin.”
3. “Kung nagbibigay ma’t mahirap sa loob, ang pinapakain ay hindi mabubusog. “
4. “Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.”
5. “Ang pili nang pili, natatama sa bungi.”

MONALIZA M. PAITAN
Guro sa Filipino

You might also like