You are on page 1of 486

Jonaxx - End This War

END THIS WAR BY JONAXX


Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas
lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong
masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin
ba pag pinaiyak ka na?
Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang
kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author’s imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

---------------------------------------------------------------------------------

Posted: Nov. 1, 2013

Ang Simula

Nakipag high five si Clark sa mga kasamahang photographers nang natapos ang
pageant. Sinusundan ko siya para kumbinsihin pero ayaw niyang makinig sakin.

"Clark, hindi ako makakapagcollege kung hindi ako uuwi doon." Sabi ko.

Nakatalikod siya at nililigpit niya ang kanyang mga equipment. Nilalagay niya sa
loob ng bag ang lens, sa isang bag naman ang camera. Binitbit niya rin ang
dalawang tripod na dala niya. Sunod lang ako nang sunod sa kanya.

"Sige, dude!" Sabay ngisi at fist bump niya sa isa pang photographer.

Bumaling sakin ang photographer na iyon saka ngumisi. Nginitian ko na din siya.

"Sige, Ches, sama ba kayo mamaya sa after party?" Tanong niya sakin.

Ngumuso ako.

Gusto ko sanang makipag usap kay Clark para mapag usapan naming mabuti itong
problema ko. Bago ko pa matanggihan ang alok ay tumango na si Clark sa
photographer.

"Oo." Wika niya.

Page 1
Jonaxx - End This War
Umalis ang photographer kaya bumaling ako sa boyfriend kong nagliligpit ulit ng
mga camera. Ni hindi niya ako nililingon. Alam ko, galit siya. Ayaw niyang
magkahiwalay kaming dalawa ng matagal. Gusto niyang dito lang ako sa tabi niya.
Sweet. Kaya lang gusto kong maging praktikal. Kailangan ko ang opportunidad na
ito kaya hindi ko iyon sasayangin.

"What?" Bumaling siya sakin at halatang iritado.

"Gusto kong mag usap tayo tungkol dito, Clark. Di pwedeng pumunta tayo sa party
na iyon at hayaan na lang ito. Bukas agad ang alis ko papuntang Alegria."

"I said no, Chesca. Ayaw ko." Bumaling siya.

Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko kung gaano siya ka seryoso sa kanyang titig
sa akin.

"Ayaw kong umalis ka." Aniya saka kinuha ang mga bag na nasa tabi niya. "Nakaya
mo namang whole summer ng pa gig gig ka lang, ah? Kaya mo namang maging
photographer o model. Kaya mong mabuhay nang di umuuwi doon."

"Kaya ko! Paano ang pamilya ko? At, Clark, gusto kong mag college. Kung ikaw ay
kaya mo kasi mayaman kayo at kumikita ka na, ako hindi. Hanggang sa community
college lang ako doon sa Alegria. Hindi ko kaya ang malalaking unibersidad lalo
na sa estado namin ngayon."

"Then, I'll pay for you, what's wrong with that, Chesca?" Hinawakan niya ang
baywang ko.

Nanghina agad ako sa haplos niya. Ngumuso ako. Nandito kami sa loob ng venue
nitong prestihiyosong pageant na ginanap sa isang magarang hotel. Isa si Clark sa
mga official photographers nila. At syempre, dahil supportive akong girlfriend ay
nandito ako at nakaaligid sa kanya.

Siniil niya ako ng halik. Buti na lang at wala na gaanong tao. Nakaalis na ang
lahat. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

Isang taon pa lang kami ni Clark pero pakiramdam ko ay ipinanganak na akong


kasama siya. Ganun siguro talaga pag naging masyado ka ng dependent sa isang tao.
Kahit na hindi naman ako yung tipong mag dedepende sa iba, hindi ko parin kayang
itanggi na nitong nakaraang dalawang buwan ay dumepende ako sa kanya.

Nasa Alegria ang parents ko. Nandoon kasi ang negosyong inaalagaan nina mama at
papa. Iyon nga lang ay pabagsak na ito. Hindi ko alam kung bakit. Imbes na mag
co-college ako sa isang malaking unibersidad ay pinili kong sumunod doon at
tulungan na lang sila sa gawaing bukid. At pinangakuan din naman ako ni mama na
ipag aaral niya ako sa isang community college na bagong tayo sa Alegria.

"Tara na! Diretso na tayo sa Eclipse." Anyaya niya.

Pinagmasdan kong mabuti ang magulo niyang buhok at ang dimple niyang lumilitaw
Page 2
Jonaxx - End This War
tuwing ngumingisi. Umiling na lang ako at nagpatianod sa higit niya.

Dumating kami sa bar gamit ang sasakyan ni Clark. Nandoon na nga ang ibang mga
kasama sa pageant. Maging ang isa sa mga nanalo ng titulo na kaibigan kong si
Janine ay nakita kong sumasayaw sa stage at ipinapakita ang mahaba niyang legs.

"FRANCESCA ALDE!" Sigaw niyang umalingawngaw kahit na maingay sa loob.

Napalingon lingon ako sa hiya. Nakita kong pinag tinginan ako ng mga taong
nandoon. Kinagat ko ang labi ko at nilagay ang ilang hibla ng buhok sa tainga
bago lumapit sa kanya.

"Janine!" Bulong ko kahit panay ang nganga niya dahil hindi niya ako marinig.

Umiling na lang ako sa ginagawa niyang pagsasayaw sa tabi ng pole. Adik lang.
Nahagip ng tingin ko ang dalawa ko pang kaibigan na si Desiree at Tara.

"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan mong nilaklak yung isang bote ng Jose Cuervo."
Umirap si Desiree at hinawi ang buhok.

Umupo ako sa tabing highchair niya. Kumakain ng mani si Desiree habang abala sa
cellphone si Tara. Bumaling ulit ako sa nagsasayaw na si Janine na ngayon ay
pinaglalaharan ng kamay ni Clark. Lumingon si Clark sa akin at sinenyasan akong
tinatawag sila ng isang top photographer. Tumango ako at sinundan sila sa titig
habang umaalis.

"May offer siguro." Utas ko kay Desiree. "In speaking of offer, balita ko
tinanggihan mo daw yung offer ng isang tee company?" Naagaw nung tanong ni
Desiree ang atensyon ni Tara. Ngayon, silang dalawa na ang nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat ako, "Kailangan kong umuwi ng probinsya-"

Habang nagsasalita ako ay may biglang humigit sa braso ko. Nilingon ko agad kung
sino at nakita ko ang kapatid kong nakasimangot.

Humugot ako ng malalim na hininga at binuga ang pangalan niya, "CRAIIIIIG!" Sigaw
ko.

Siya ang nakababatang kapatid kong si Craig. At hindi ko alam kung bakit siya
narito!

"Anong ginagawa mo dito?"


Narinig kong nagsinghapan ang dalawang kaibigan ko sa table pero hinigit na ako
palayo doon ni Craig bago sila umalma.

Page 3
Jonaxx - End This War
"Obviously, lumuwas ako. Pinapasundo ka na ni mama. Bakit ka raw nagtatagal dito?
Kailangan na raw ng transcript of records ang school na papasukan mo at...mag
eentrance exam ka pa. Sa Lunes na kaya ang pasukan!"

Pinisil ko ang kamay ko sabay tingin kay Clark na ngayon ay seryosong nakikinig
sa isang top photographer.

"Si Clark na naman ba, ateng?"

Sumimangot ako sa tawag niya sa akin. Ngumisi siya. Nang iinis!


"Wala ka talagang respeto-"
"Sumama ka na raw sakin. Ngayong gabi ang alis natin!"

"Ano ka? Kakaluwas mo lang dito tapos babalik ka agad? Tsss."


Inirapan niya ako, "Yun ang bilin sa akin nina mama. Papalayasin ako doon sa oras
na umuwi ako at wala ka."

Umiling ako. Hindi ko kayang umalis. Hindi ko kayang iwan si Clark. Hindi pa kami
nakakapag usap ng maayos.

"Kakausapin ko muna si Clark-"

"Hindi ba hindi siya pumapayag? Paano kung hindi ulit siya pumayag?" Tinaas niya
ang kanyang kilay. "Hindi ka na naman ba uuwi? Ayaw mo bang mag college? Umuwi
nga si Teddy para tulungan sina Tita Lucy. Tapos ikaw, dito ka lang?" May halong
tabang ang tono ng boses ni Craig.

Alam ko. Siya itong may ayaw sa Alegria. Ayaw niya doon. Mahal na mahal niya ang
syudad. Kahit ako, hindi ko naimagine na ang kapatid kong puro branded ang gamit
at party animal ay ipag ha-highschool sa Alegria National High School. Wala
namang kaso sa akin ang Alegria, iyon nga lang ay hindi ako sanay doon. Hindi ito
ang unang pagkakataong makakaapak ako doon pero pakiramdam ko ganun. Hindi kasi
kami madalas pumunta ng Alegria. Bukod sa malayo ito at mahal aksaya lang ng
oras, pakiramdam din kasi nina mama at papa noon na hindi na namin kailangan pang
bumalik sa Alegria. Nang iluluwas na sana si Lola Siling pa Maynila ay nagkasakit
siya kaya umuwi si mama at papa, noon lang sila nakabalik ulit. Biglaan namang
nagkaproblema sa negosyo kaya mas lalong kakailangan kami sa Alegria.

"Ganun ba talaga ka laki ang problema sa negosyo?" Ito ang tanong na noon ko pa
gustong itanong kay Craig.
Ngumuso siya at nakapamaywang akong tinitigan.

Para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

"Chesca," Iyan ang tawag niya pag seryoso na siya. "Para malaman mo, sa oras na
mawala yung negosyo, ang bubuhay na lang sa atin ay yung mga manok sa bakuran
nina Teddy. Kaya mag isip-isip ka na!"

Page 4
Jonaxx - End This War

Napalunok ako. Hindi ko talaga makuha kung ano ang problema sa Alps at bakit
ganito kung makareact ang kapatid kong ito.

"Bakit? Ano? Natuyo ba yung spring?" Halos matawa ako sa sarili kong tanong.

"Buti pa umuwi ka na doon at nang malaman mo." Umirap siya at humalukipkip naman.
"Come on, Ate. Sabihin mo na lang sa magaling mong boyfriend na babalik ka rin."

Ngumuso ako at pinagmasdang mabuti ang maamong mukha ni Clark na tumatango tango
sa kanyang kausap. Pumikit ako at nag desisyon. Sige. Pupunta ako. Pero una sa
lahat... si Clark.
Nilapitan ko ang boyfriend ko. Kinalabit ko siya at binigyan ng ligalig na
ekspresyon. Tinaas niya ang kanyang kilay.

"What?"

Nagsasalita parin ang importanteng photographer. Lahat ay nakikinig sa kanya.


Maging ang mga modelo.

"Clark, sinusundo kasi ako ni Craig." Kinagat ko ang labi ko.

Kumalabog ang puso ko. Kitang kita kasi sa ekspresyon niyang hindi niya
nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit siya nandito? Akala ko nasa probinsya siya?"


"Sinusundo niya kasi ako." Matagal kong kinagat ang babang labi ko bago
dinugtungan. "Pupunta muna akong Alegria."
Napaawang agad ang kanyang bibig para magsalita pero hindi ko siya pinagbigyan.

"Babalik din naman ako dito!" Dagdag ko.


Umiling siya at hinawakan ang baywang ko.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na nag papakita siya ng affection sa harap
ng maraming tao. Madalas ay pag kaming dalawa lang. Kaya naman naagaw niya ang
atensyon ng ibang photographers. Uminit pa lalo ang pisngi ko nang
pinagtitinginan kami kahit na nagsasalita yung sikat na photographer.

"Okay... Just make sure you'll come back to me." Hinalikan niya ang pisngi ko.

Halos umusok ang tainga ko sa ginawa niyang pag halik sa harap ng ibang tao.
Tumango na lang ako at tinitigan siya.

Page 5
Jonaxx - End This War

"Thank you." Utas ko at binalikan ang kapatid na ngayon ay nakahalukipkip.

"So, ano, naghiwalay ba kayo?" Pambungad na inis ni Craig nang nasa bus na kami
papuntang Alegria.

Gabing gabi na pero babyahe parin kami. Tama lang din para magkarating doon ay
umaga na. Tatlong beses pa kaming sasakay sa ibang bus. Wala kasing direktang pa
Alegria na byahe kaya mas lalong nakakatamad bumalik doon.

"Ano ba talagang problema mo kay Clark?"

Nagkibit balikat siya at hindi ako sinagot.

Si Craig ang nag impake ng gamit ko. Ayaw ko kasing gawin iyon dahil natatakot
akong umalis. Pero nag volunteer siyang gagawa kaya hinayaan ko na.

"Ako dito!" Sigaw ko nang nakitang papasok na siya sa bus at papunta na sa upuang
katabi ang bintana.

Pinag awayan pa namin iyon. Aniya'y scare crow lang daw at dilim ng gabi ang
makikita kong view. Iginigiit ko kasi na dapat ako doon dahil madalas na siyang
bumyahe pa Alegria. Pinagbigyan niya ako sa usapang sa pangalawang bus ay siya
naman ang malapit sa bintana.

Tulog ako buong byahe, puyat na puyat ako dahil maaga akong gumising kanina para
lang samahan si Clark sa gig niyang iyon.

"Sa pangatlong bus ako naman ang nasa salamin, a?" Utas ko at natulog ulit sa
pangalawang bus.

At dahil maginoo naman si Craig, pumayag siyang ako ang nasa tabi ng salamin sa
pangatlong bus. Masaya pa nga ako noon dahil nakikita ko na ang view. Umaga na
kasi at sumisikat na ang araw. Isang oras pa lang bago mag Alegria pero natatanaw
ko na ang matalahib na lambak at kapatagan. Maya't maya ay nadadaanan namin ang
mga bangin at mga bulubundukin.

Ilang sandali ang nakalipas ay umulan ng napakalakas. May na kaya madalas na


talagang umulan. Panay ang punas ko sa salamin para lang mawala yung halumigmig
ng ulan at aircon ng bus.

"Oh? Wa'g mo sabihing may El Nino kaya walang tubig sa spring ng Alps?" Tumawa
ako.

Page 6
Jonaxx - End This War
Hindi ko talaga alam kung paano magkakaproblema ang spring ng Alps na pag aari ng
lolo kong patay na.

"Eh... mukhang..."

Tumigil ang bus dahil may bumabang pasahero. Natigilan din ako dahil sa malalawak
na pine trees ng Alegria ay may isang lalaking nangangabayo ng topless sa gitna
ng ulan.

"Mukhang ano, Ches?" Tanong ni Craig sa akin.


"M-Mukhang sagana naman sa tubig dito." Sabi ko sabay titig sa lalaking pinipilig
ang buhok at bumababa sa kabayo.

Hinaplos niya ang kabayo kaya likod lang ang nakita ko sa lalaki. Kumunot ang noo
ko.

Baliw. Ang lamig kaya pero may pa topless topless pang nalalaman. Nagpapalaway
lang. Ang yabang!

Maiksi ang kanyang buhok, tulad ng gupit ng isang normal na lalaki. Pero may
kaonting mga hibla ng buhok sa likod ng kanyang batok ang mahaba at umabot
hanggang likod.

"What's with the hairstyle?" Tumaas ang kilay ko at napaismid na lamang hanggang
sa umandar ulit ang bus.

Kabanata 1

Dela Merced

Pinuno ako ng yakap nina mama, at tiya Lucy nang makarating sa ancestral house
namin. Iginala ko ang mga mata ko sa bahay na itinayo noong panahon pa ng
kastila. Two-storey ang bahay na ito at medyo malaki. Dito tumira ang
magkakapatid na Alde. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng Alp spring na mahigit
limang ektarya at sa mga alagang sasabunging manok ng yumao kong lolo.

"Mama, si Francesca po." Sabay lahad ni tiya Lucy sa akin kay Lola Siling.
Ngumiti ako pero kumunot ang noo ni Lola Siling.

"Bakit walang nagsabi sa akin na burol na pala ni Daniel!" Nanggagalaiting bungad


sa akin ni lola.
"La, matagal na ho yun." Paglalambing ni Teddy.

Tumingin ang pinsan ko sa akin at umiling habang pinapatayo ang nagaalburotong si


Page 7
Jonaxx - End This War
Lola Siling. The last time I saw her, she's not like that.

"Lumalala na yata ang Alzheimer's ni mama." Buntong hininga ni Tiya.

Hindi ako makapaniwala. SIguro ay matagal-tagal na talaga akong di nakakabalik.


Sa pagkakaalala ko ay matalas pa ang memorya ni Lola noon. Pero sa bagay, iyon
naman ang madalas na sakit ng matatanda. Ninety-seven years old na si Lola at
puno na ng puting buhok ang kanyang ulo.

"O, Craig, iakyat mo yung gamit mo ni Chesca sa taas. Dun sa kwartong katabi ng
sayo." Utos ni mama sa kapatid ko nang nakita ang bagaheng dala ko.
Pinisil ko ang kamay ko at pinasadahan ulit ng tingin ang bahay na inaanay na ang
haligi, "Mama, di ako magtatagal dito."
Kumunot ang noo ni mama at hinila ako sa sofa ng sala.

Umupo sa magkabilang gilid ko si mama at Tiya Lucy. Si tiyo at papa naman ay


mukhang abala sa backyard.

"Gusto ko ng bumalik sa bahay." Pag amin ko.

Concrete ang bahay namin at kahit paano'y maayos naman. Nagtatrabaho sa gobyerno
si papa kaya kahit paano ay nakakaahon kami noon. Kasabay pa ng natatanggap
naming pera galing dito sa Alegria ay tamang tama lang iyon. Pero ngayong
napilitan siyang mag early retirement dahil sa kalagayan ni lola at dinagdagan pa
ng pagbagsak ng Alps sa di malamang kadahilanan ay medyo tumagilid na ang buhay
namin.

"Ches, kung wala na kaming choice, baka ipagbibili na namin yung bahay." Ani
mama.
"HA? Bakit?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala. Matagal na kami sa bahay na iyon at kailanman hindi ko


naisipang aabot kami sa ganitong desisyon.

"Ano ba kasi talaga ang problema, mama? Bakit ba mukhang malulugmok na tayo sa
kahirapan?"

Nagkatinginan sina mama at tiya Lucy sa akin. Unang nagsalita si Tiya na ngayon
ay mukhang nahihirapan kung paano sasabihin sa akin ang lahat.

"Si Teddy pinauwi ko nga. Yung Alps, Chesca, wala sa atin ang titulo nun."

"Paanong wala, e, atin yun diba?"


Page 8
Jonaxx - End This War
Umiling agad si Tiya. "Sinangla yun ni mama sa mga Dela Merced about 15 years
ago."
"HA?" Nalaglag ang panga ko.

"Oo." Nagkibit balikat si Tiya. "Pero hindi naman yun legal na sangla.
Magkaibigan kasi ang lolo mo at yung si Don William Dela Merced. Alam mo naman
yung lolo mo, sugarol. Kaya napilitang isangla yung Alps. Walang kaso noon dahil
magkaibigan naman ang dalawa. Pero ngayong patay na silang dalawa at pinasurvey
namin ulit ang buong lupain, hindi na namin makuha ang rights noon dahil wala na
ang titulo."

"Nasan?"
"Ano ba, Chesca? Nasa mga Dela Merced."

Hindi ako magaling sa mga apelyidong sikat dito sa Alegria. Hindi naman ako dito
ipinanganak at hindi ako pamilyar sa mga taong nakatira dito. Ang alam ko lang ay
ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao dito ay farming dahil sa matabang lupa at
malalawak na kapatagan at bulubundukin.

"So? Kung hingin natin-"

"Kailangang bayaran ang utang ng lolo mong 500 thousand pesos bago iyon makuha sa
mga Dela Merced."

Nakita ko ang panlulumo sa mga mata ng mama at tiya ko. Napalunok ako. Ganun ka
laking pera?

"Ngayong nag eexpand ang cattle ranch nila ay nag papasurvey na rin ang mga Dela
Merced ng kanilang lupa. Alam mo namang gilid lang ng Alps yung simula ng lupa ng
mga Dela Merced, dinig namin na isasali nila ang buong Alps Spring sa
pagpapasurvey."
"Grabe naman, Tita. Hindi pa ba sapat na sa kanila ang Tinago? Tsss." Untag ng
kabababang si Craig.
showall.png

Masama agad ang tingin niya sa akin. Ako rin ay binigyan siya ng masamang tingin.

Ngumuso ako kay Tiya at mama, "Anong magagawa ko para sa Alps kung nandito ako?"

Iyon ang palaisipan sa utak ko. Wala akong magagawa. Magiging pabigat lang ako
dito sa bukid ng Alegria dahil wala naman akong alam na gawain bukod sa kumain.

Pinukpok ko ang cellphone ko nang nakitang isang bar lang ang signal ko. May mga
mensaheng pumapasok pero pahirapan sa pag send ng isa pang mensahe. Sa isang
network, medyo okay kasi dalawa ang bar ng signal at nakakapag text ako ng
maayos. Kaso ay paubos na ang load ko.

Page 9
Jonaxx - End This War
"Tara! Yuhoooo!" Sigaw ni Teddy.

Nagpasya silang dalawa ni Craig na mamasyal na lang dahil halos manggalaiti sa


galit si mama sa akin dahil ayaw kong mag enrol sa community college. Oo, gusto
kong maging praktikal. Pero ngayong nahiwalay na ako kay Clark at narealize na
tama siya, sana ay hinayaan ko na lang siyang tulungan ako sa pag aaral ay
nawalan ako ng gana dito.

Naiirita ako. Kasi si Craig na hate na hate ang bukid ay mukhang chameleon na nag
bi-blend in na dito. Naka shorts at white sleeveless silang pareho ni Teddy. Si
Teddy naman ay may ball cap habang nag dadrive sa lumang pick up nila.

"Ateng, wa'g ka ng malungkot. Masaya naman dito sa Alegria." May bahid na sarcasm
ang pagkakasabi ni Craig sa akin nun.
"Oo nga. Ayan." Tinuro ni Teddy ang isang malawak na soccerfield. "Diyan
naglalaro ng soccer ang mga taga Alegria."

Pinagmasdan ko ang mga lalaking naglalaro ng soccer doon. Sa di kalayuan ay


natanaw ko naman ang isang simbahan.

"Diyan nag sisimba."

"Obviously." Umirap ako.

Madalang ang tao sa mga daanan doon. Siguro ang pinaka maraming taong nagtitipon
ay doon lang sa soccerfield. Iyon yata ang sentro ng Alegria. May market pa sa
unahan ng simbahan kung saan dinadagsa na kasi malapit na ang pasukan.

"Mamimili muna kami ni Craig. Ikaw? Gusto mo mamili?" Tanong ni Teddy.


"Bakit ako mamimili, e, di naman ako dito mag aaral."

"Aarte ka pa ateng e wala ka ng choice wala na tayong pera para sa Maynila."


Banayad na sinabi ni Craig.

Lumabas kami sa sasakyan.

"Dito na lang ako maghihintay." Sabi ko at sumandal sa pintuan ng sasakyan.

Tumango silang dalawa at umalis. Humalukipkip naman ako at pinapanood ang mga
taong nagkakagulo para sa mga jologs na gamit. Yes. Nakikita ko sa kinatatayuan
ko na pinag aagawan ng mga ka age kong babae ang isang damit na hindi ko
maintindihan ang disenyo. Malayo pa lang ako ay kitang kita ko na ang kapangitan
ng materyales na ginamit dito.

Page 10
Jonaxx - End This War
Natawa akong mag isa habang iniisip na mamamatay muna ako bago ako mananatili sa
remote area na ito. Umayos ako sa pag tayo nang bigla kong naramdaman ang
pagkakapunit ng floral sleeveless top ko.

"Leche! Kinakalawang na pala tong pick up ni Teddy!" Utas ko sabay layo doon nang
nakitang nagkabutas ang damit ko.

Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang laki ng butas sa damit ko.

"Shit! Ito pang mamahalin. Walangya talaga. Badtrip." Bulong ko sabay tingin
parin doon sa butas.
"Oppps, sorry!" Humalakhak ang isang naka jerseyng lalaki.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba akong bungguin o talagang humaharang ako sa
daanan niya. Pero sa mukha niya ngayon ay mukhang sinadya niya ito. Naka evil
smile kasi at kumikindat pa.

"Ew. Jejemon." Bulong ko sa sarili ko.

"Ako nga pala si Koko." Sabay lahad niya ng gusgusing kamay sa akin.

Kinagat ko ang labi ko kasi natatawa ako. Hindi sa tuwa kundi sa panunuya sa
pangalan niya. Coco? Coco Martin? Koko Crunch!? Halos sumabog ako sa kakatawa
kaya mas lalo ko na lang kinagat ang labi ko.

Tumango lang ako at tinanggap ang kamay niya.

"Chesca." Utas ko.


"Koby, tara na!" Sigaw ng isang lalaki na naka jersey din.

"See ya later, alligater."

Umiling na lang ako. Jusko. To hell with you! Ang korni talaga. Kinindatan niya
pa ako bago pumihit. Unti-unti na lang nalaglag ang panga ko nang nakita ang
likod ng jersey niya.

"Dela Merced." Kibot ko.

Hindi siya naalis sa utak ko hanggang sa dumating si Craig na nagsasabi nito...

"Binilhan kita nitong notebook at baka magbago ang isip mo. Hindi ko alam kung
yung mga halaman ba ang gusto mo o yung mga aso-"
Page 11
Jonaxx - End This War
"Leche!" Nag init ang mukha ko sa galit. "Sabing ayoko!"

"Oh, e, wala na tayong magagawa! Bumili na ako." Sabay lapag niya sa mga notebook
sa loob ng sasakyan.

Panay ang galit ko habang pinapasyal ulit kami ni Teddy sa buong Alegria. Wala
akong inatupag kundi ang mag mura at pansinin ang mga kapangitang ng Alegria.

"Ano ba ito? Lubak lubak? Hindi ba ito sinisemento? Hindi ba umaabot ang semento
dito?"

Habang tumatagal ay mas lalo kong inayawan ang Alegria. It was not so bad at
first, pero ngayong kasabay ng pangungulila ko kay Clark at sa aircon at mabango
niyang sasakyan ay ang pagdurusa ko dito sa walang kabuhay buhay na lugar na ito
ay wala na akong nagawa kundi ang ilingan ang alok na dito ako mag aaral.

Nasa Alps kami nang medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Basta ba wa'g lang akong
kausapin ng lintek kong kapatid ay bumubuti naman ang pakiramdam ko.

"Nagtanggal ng tao si papa nung isang araw. Kaya hindi na masyadong namimaintain
ang kalinisan." Sabay pulot ni Teddy sa mga dahon na nahuhulog sa sahig ng
spring.

Marami parin naman ang pumupunta at naliligo dito. Pero ang sabi ni Teddy ay baka
humingi na ng hating kita ang mga Dela Merced sa oras na matapos ang survey ng
lupa nila.

"Bakit ba nila pinapasurvey ang lupa?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga
bata na naliligo sa mainit na tubig sa isang lagoon. "At nga pala... may nakita
akong Dela Merced kanina sa market."
Ngumuso si Teddy sa akin. "Pinapasurvey nila yung lupa kasi itatransfer na nila
ang pangalan ng buong rancho sa natatanging taga pag mana."

Tumango ako, "Sino ang tagapag mana."


"Siguro yung nakita mo kanina. Siya lang naman ang Dela Merced."

Hinawi ko ang buhok ko at tinaas ang kilay.

"Mayabang yun, ah?" Sabi ko.

"Hmmm. Siguro. Hindi ko alam. Hindi ko naman nakakasalamuha iyon." Humalakhak si


Teddy.

"Kung babae lang ako..." Boses pa lang ni Craig ay nag iinit na agad ang baga ng
galit sa sistema ko. "Papaibigin ko yang Dela Merced na yan. At papaikutin ko.
Sasabihin ko sa kanyang ibigay na lang ang lupa satin. Hmmm. Or pwede ring
hahanapin ko sa bahay nila yung kasulatan kasama ang titulo ng lupa at iuwi sa
Page 12
Jonaxx - End This War
atin."

Nag evil smile si Craig at si Teddy sa akin. Umiling ako at inirapan ang dalawa.

"Wa'g niyo akong isali sa kagaguhan ninyo." Mataray kong utas.

Kabanata 2
Hector

Dahil gustong maligo nina Craig at Teddy, naisipan naming puunta sa Tinago Falls.
Hindi naman iyon kalayuan sa Alps kaya mabilis naming narating. Humalukipkip ako
nang nakitang nag hubad ang dalawa at agad tumalon sa tubig.

Ayaw kasi nila sa Alps dahil mukhang mabenta ito ngayon. Maraming customer. Kaya
dito kami sa Tinago na wala gaanong customer dahil masyado itong malalim para sa
iba.

Umupo ako sa bato at tiningnan ang dalawang sumisisid sa malalim na parte. May
mga babae pang tumitili doon sa kabila habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Heyyy..." Matigas na bati ng isang lalaki sa akin.

Napangiwi ako nang nakita ko kung sino iyon. Si Koko ay nakasoot parin ng jersey
at humalukipkip kasama ko dito sa batong inuupuan.

"Hindi ko alam na agad pala kitang makikita sa araw ding ito." Aniya.

Hindi ako sumagot. Diretso ang tingin ko sa mga flirt kong relatives na ngayon ay
pumupunta na sa mga babaeng nagpapapansin.

"Oh, suplada." Humalakhak siya.

Pairap ko siyang tiningnan at nakita ko ang pagmumukha niya, Live, HD! Medyo
kayumanggi ang balat niya, sunog siguro sa araw sa pagbibilad, ngipin niyay
puting puti at mukha siyang si Enchong Dee na kulang ng labing limang paligo.

"Pwede ba, I don't talk to strangers." Sabi ko at umirap ulit.


"Whoa! Spokening dollars!" Humalakhak siya.

Halos mabaliw na ako sa inis. He's getting under my skin. Sarap na niyang
Page 13
Jonaxx - End This War
bigwasan. Relax, Chesca!

May nag ilaw sa utak ko sa mga sandaling iyon. AHA! Nakakainis siya! Hindi ako
maiinlove sa isang tulad niya at hindi ako ma-guiguilty dahil isa 'tong Jejemon
ang paiibigin ko! Pasintabi sa mga jejemon pero talagang gusto kong warakin ang
Dela Merced na ito at kunin ang hindi niya deserve na titulo ng lupa namin!

Bumaling ako sa kanya at plastik na ngumisi. Tumaas ang kilay niya at ni head to
foot niya ako gamit ang malagkit na mga mata.

"Taga Maynila ka, ano?" Aniya.


"Oo. Ikaw? Taga san ka?"
"Taga rito lang, Chesca."

Kinilabutan ako nang tinawag niya ako sa pangalan ko. Ngumisi siya at umiling.

"Naku! Ang ganda mo. Kung dito ka sana mag aaral, edi mag kaklase tayo. Anong
year ka na sa highschool?"

"Ah! Kakagraduate ko lang." Inipit ko agad ang labi ko nang sa ganun ay di ko na


madagdagan.

"See? Ako rin! Mag aaral ako sa Alegria Community College. Yung nasa may sentro."
Kumindat siya.

WHOA! I'm actually surprised na nag aaral ang jejemon na ito!

"Nagbabakasyon ka lang ba dito?" Tanong niya.

Ngumuso ako at tiningnan siyang mabuti. Spur of the moment akong sumagot ng half
truth.

"Oo. Pero baka dito na rin ako mag aral." Sabi ko.

"Ganun? Sa Alegria CC din diba? Syempre! Anong kukuhanin mong kurso? Education,
Agri Business at Business Ad lang ang offer dito, e." Aniya.
"Business Ad siguro." Ngumisi ulit ako.

Mas lalong kumislap ang kanyang mga mata sa sinabi ko. Hindi siya mapakali at
para siyang baliw na lumilingon lingon sa tuwa.

"So na enrol ka na?"

Page 14
Jonaxx - End This War
"Hindi pa nga."
Napawi ang ngiti niya. "Ano? Bukas na ang last day, a? At mag ti-take ka pa ng
exam."

Sus! Kung exam lang naman sa isang community college, sisiw lang iyon. Naipasa ko
nga ang exam sa isang malaking unibersidad, iyon pa kaya?

"Oh, don't worry about it." Sabi ko at nagkibit balikat.


"Koko!" May sumigaw na matanda sa likod niya.

"Opo! Okay, Chesca, see ya later, alligater."

Pumikit ako sa nakakabwisit niyang linya. Okay. Kaya ko kaya? Kaya ko kayang...
hindi paibigin. Kasi alam kong kaya kong paibigin ang isang jejemon na iyon. Pero
ang ibig kong sabihin ay maatim ko kayang maging girlfriend-kuno ng lalaking iyon
para lang sa titulo ng lupa namin? I don't know but I will try.

Tumawag si Clark sa akin. Parang nawala ang isang malaking batong nakapatong sa
dibdib ko. Akala ko kasi ay nakalimutan niya na ako.

"Chesca... honey..."

Uminit ang pisngi ko sa tinawag niya sa akin. Iyon ang tawag niya sa akin tuwing
naglalambing siya.

"I miss you." Bumuntong hininga siya.

"I miss you, too." Pangiti kong sinabi.


"Kelan ka ba uuwi?"

Napawi ang ngiti ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ngayon
ay gusto ko munang matapos ang problema bago ako bumalik.

"Clark-"

"I know that tone, Ches. Hindi ka ba uuwi dito?" Medyo magaspang na ang tono niya
ngayon.
"Clark..." Pumikit ako pero bumigay din. "Okay, give me two weeks." Sabi ko.
"TWO DAMN WEEKS?"

Napapikit ako sa mura niya, "Oo. I'm sorry. I'll come back, I promise."
"Chesca, two weeks? Really? Hindi ka pa nawawala sakin ng ganun ka tagal. Ni
isang linggo hindi. At ngayon bibiglain mo ako ng dalawang linggo?"

Page 15
Jonaxx - End This War
Napangiti ako. Wala akong ibang maisip kundi ito...

"I love you so much, Clark Joson."

He sighed, "I love you, too."

Binaba ko ang cellphone ko. Parang kahapon lang ay ayaw ko pang mag enrol pero
heto ako ngayon at kinukuha ang resulta ng exam. Tiningnan ako ng School
Registrar sa likod ng kanyang salamin bago inabot sakin ang isang papel na may
nakalagay sa taas na "Passed".

"Ateng, kilala mo na ba ang kalaban?"

Sumimangot agad ako sa tanong ni Craig na para bang may pupuntahan akong giyera
sa school na ito.

Hindi naman ako ni encourage nina mama at tiya na pumasok para paikutin ang Dela
Merced na iyon. Pero hindi naman ako yung tipong hindi marunong makiramdam. I
know Craig and Teddy's right. Mali ito. Baliw yata ako at nagpaloko sa dalawang
iyon. Inisip ko na lang na kung hindi ko mababawi ang titulo ay baka kung pwede
ay malaman ko na lang ang iniisip ng buong pamilya niya tungkol sa utang ni lolo
sa kanila. Tutal, my grandpa is a good man to them.

"Tumahimik ka, Craig, at baka mabigwasan kita." Napansin ko agad na


pinagtitinginan kami ng mga tao doon. "Ganito ba talaga sa probinsya? Pag may
bagong salta ay parang artista lang kung sambahin nila?"

"Ateng, feeling mo, ah? Panong di ka titingnan, e, ang laki kaya ng aviators mo.
Parang artista." Tumawa siya at ngumuso ako.

Agad kong sinabit ang aviators ko sa soot kong white sleeveless top. May soot din
akong checkered polo para naman medyo pormal at hindi makaagaw ng atensyon.

"At isa pa, ateng, kung ayaw mo ng atensyon sana di ka nag sosoot ng shorts sa
loob ng school." Tumawa siya.

Umirap na lang ako. Saka na ako tutugon sa mga rules kung pasukan na. Ngayong
huling araw pa lang ng enrolment, hindi na muna.

"Iwan na kita." Utas niya nang nakitang mahaba-haba pa ang fi-fill upan ko.
"Okay. Buti pa. Baka mabungal ka ng wala sa oras pag nanatili ka dito."

Tumatawa siyang umaalis habang ako naman ay abala sa pag fi-fill up ng forms. Ang
dami nito, ah? Apat na forms. Nalula ako doon.

Page 16
Jonaxx - End This War
Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang init dito sa kinatatayuan ko. Inuuhaw tuloy ako.
Nagpasya akong pumunta sa canteen nang at least ay may mainom akong softdrinks
habang nag fi-fill up ng forms.

Tumingala ako. Halos hindi ko na makita ang araw dahil sa kapal at taas ng mga
kahoy dito. May concrete pathway patungo sa canteen at nakahilera sa magkabilang
gilid nito ang nagtataasang Mahogany. Tanging tunog lang ng dahon ang maririnig
mo pag nasa pathway ka. Not bad for a starting school. Nakita ko rin ang malawak
na soccerfield sa gilid ng covered court dito. Maliit lang ang building ng school
pero malaki ang area ng buong campus.

Nang humakbang na ako sa hagdanan papasok sa open spaced na canteen ay naaninag


ko agad ang iilang magkakabarkadang taga bukid na nag uusap-usap sa isang table
doon, nakita ko rin ang sabay sabay nilang pag lingon sa akin kaya hindi ko na
tinagalan ang pagtingin ko sa kanila. Humanap na agad ako ng mauupuan nang
biglang.

"CHESCAAAA!" Humarang si Koko sa daanan ko.

Natigilan ako at tiningnan siyang mabuti. Maayos ayos ang mukha niya ngayon pero
ganun parin ang reaksyon ko, nawiwindang parin ako tuwing nakikita ko ang mukha
niya ng HD.

"Pinagtagpo talaga tayo ng tadhana!" Aniya.

Napangiwi muna ako bago ko pinalitan ng kagalakan ang ekspresyon ko. Pinilit kong
ngumiti at magkunwaring natutuwa.

"Whoa! Oo nga." Shit lang!

Mas lalog lumaki ang kanyang ngisi, "Siguro na inspire kang mag enrol dito dahil
dito rin ako nag aaral ano?"

Shit lang ha! Yumuko ako at ngumisi para magkunwaring nahihiya sa katotohanang
sinabi niya.
"Sinasabi ko na nga ba!" Pasigaw niyang sinabi at kinurot ang pisngi ko saka
kinuha ang kamay ko. "Lika! Pakilala kita sa mga kaibigan ko!"
"Kok-" Hindi ko na napigil ang pag higit niya sa akin.

Hinarap niya na agad ako sa nag titipong magkakabarkada na nakita ko kanina.


Kakagaling lang nila sa biruan pero nang umubo ng kunwari si Koko ay naagaw nito
ang atensyon ng lahat. Umalis pa sa harap ang isang lalaki para lang maipakita si
Koko sa buong barkada.

Hindi ko kayang tingnan sila ng isa-isa. Nakakahiya. Nahihiya ako dahil hawak ni
Koko ang kamay ko. Si Koko na walangyang jejemon. Okay, fine, this isn't so bad.
Hindi ako dapat mahiya dahil mukha namang jejemon din ang mga ito. Binawi ko ang
kamay ko kay Koko. Hindi niya pinansin ang ginawa ko.
Page 17
Jonaxx - End This War

"Guys, ito nga pala si Chesca." Ngumisi si Koko sabay madramang yumuko.
"Sino yan, Koko? Taga kabilang bayan?" May bahid na pangungutya na sinabi ng
isang matangkad na babae sa kay Koko.

Inangat ko ang mukha ko para sa wakas ay tingnan silang lahat, isa, isa. Nakita
kong nakangisi ang halos lahat ng nandoon. Walong nakangising babae ang nakita
ko. Yung iba ay nakatayo, yung iba ay nakaupo sa upuan ng canteen. Limang lalaki
din ang nakangisi pero may isang nakaupo na ngumunguso at pinagtataasan ako ng
kilay. Nakanguso siya kahit alam kong natatawa din siya.

And I cannot deny it... He's damn good looking! Unti-unting napaawang ang bibig
ko sa kakatitig sa kanya. Napansin ko rin ang paunti-unti niyang pagtapik sa
canteen table gamit ang kanyang mga daliri na para bang may hinihintay siya.

"Hindi, si Chesca ay taga Maynila."

Napatingin ako kay Koko. Thank God! Hindi na ako titingin pa ulit sa lalaking
iyon. Baka ma loka ako. Biruin niyo? Relief pa sa akin ang pagmumukha ni Koko.
Nakakatawang isipin.

Hindi naman ako madalas na napapatunganga ng isang lalaki. Noon pa man ay hindi
ko na talaga ugaling maghanap ng gwapo para kalokohan sila. Naniniwala akong
kahit sino pa yan, basta mahal ako at mabait naman ay okay na sa akin. Siguro,
yung mga babaeng tulad ko ang paniniwala ay nabibiyayaan ng gapong boyfriend.
Kaya nandyan si Clark Joson, gwapo, at in love sa akin. Siguro, yung mga choosy
sa mukha ang mas madalas na minamalas. Yung hindi choosi'ng tulad ko ay
siniswerte naman.

Well, as for Koko. Hindi ko siya matatawag na sobrang pangit. Hindi ko rin siya
matatawag na gwapo. Let's just say, he's mediocre. Pero yung lalaking nakanguso
at nakaupo? Hindi ko na talaga maexplain. Gusto ko na lang matawa sa kabaliwan.

"GF mo?" Tanong ng matangkad na babaeng may hawak na suklay at may malaking
ribbon headband sa buhok.

Oh, please! Ngumisi ako.

"Hindi... pa." Kumindat si Koko at inakbayan ako.

Napatingin agad ako sa kamay niya sa balikat ko. Malagkit iyon. Hindi literal
pero feeling ko may bahid iyon ng kamanyakan. Hinawi ko agad iyon. Napawi ang
ngisi ni Koko lalo na nang nagtawanan na silang lahat sa table.

Page 18
Jonaxx - End This War
Shit! Hindi nga pala... Oo nga pala... Dapat ko nga palang kunin ang loob niya.

"Ah! Not so fast, Koko."

Kinilabutan ako sa sinabi ko. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Sino ba
kasing may planong ganito? Naisip ko ulit ang pagmumukhang traydor ni Craig. That
evil brat. Pero ito din naman ang desisyon ko. Kasi gusto ko ng umuwi ng Maynila,
umuwi kay Craig, hindi ko na kaya dito. Kailangang sa madaling paraan ko makuha
yung titulo. If this is what it takes to be with him, then I'll do it.

"Bakit? Manliligaw muna ako?" Tumaas ang kilay ni Koko.

"Hmmm... Oo."

Parang umaalis ang kaluluwa ko sa katawan ko. Para bang hindi ko matanggap ang
pinagsasabi ko na pati ang kaluluwa ko ay iniiwan na ako.

"UYYYY! SA WAKAS!!! IN LOVE NA SI KOKO!!!" Hiyawan ng mga nasa table.

Napawi ang hiyaw nila ng tumayo ang lalaki.

"Saglit lang, ginugutom ako."

Nagsitayuan ang mga babaeng nasa paligid niya at mga lalaking kaibigan niya.
Kinagat ko ang labi ko nang nakita kong tumayo siya para tumalikod papunta sa
cashier ng canteen.

Nakita ko ang buhok na pamilyar sa akin. Yung buhok ng lalaking nangangabayo


kahapon. Yung buhok na may buntot.

Sayang! Sobrang gwapo pero ayaw ko talaga sa hairstyle niya, huh!

"Hector, anong kakainin mo?" Malambing na tanong ng babae.

Nilingon niya ang babae at napaawang ulit ang bibig ko nang mas nakita ko ang
mukha niya. Hindi siya kayumanggi pero hindi rin siya sobrang puti. Tamang tama
lang. Yung tipong kutis na gugustuhin ko imbes na magkaroon ng maputlang balat
(tulad ng meron ako). Mamula-mula at makinis. Pulang pula din ang kanyang lips.
At bawat pagkurap ng kanyang mata ay parang tumitigil ang oras. Napatingin siya
sa akin. Siguro ay naagaw ko ang atensyon niya nang nakita akong laglag pangang
nakatulala sa kanya.

"Depende kung anong nakahain."


Page 19
Jonaxx - End This War

Tumaas ang kilay niya sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko sa kaba.
Napakurap kurap ako. Kinagat niya ang labi niya at pinilig ang ulo bago pumihit
ulit papuntang cashier.

Kahit na humahakbang na siya palayo ay dinig na dinig ko parin ang aftershocks ng


kalabog ng puso ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito?
Kabanata 3
Jeep Commander

Inalis ko agad sa isipan ko ang lalaking may buntot ang buhok sa likod. Magdamag
na lang akong nakakulong sa kwarto sa mga sumunod na araw at panay ang text kay
Clark. Bukod doon sa pagtitext ko sa kanya ay, kahit papano, tumutulong naman ako
sa gawaing bahay. Tinuruan na rin ako ni Tiyang mag bungkal ng lupa (na ayaw na
ayaw kong gawin). Masakit sa kamay at ayaw ko ng trabahong may kinalaman sa lupa.

"Yung tagapagmana ng mga Dela Merced ay ka age mo yata, Ches." Utas ni Teddy
habang pinapanood akong nilalagyan ng mais ang lalagyan ng pagkain para sa mga
manok.

"Oo. Nakita ko na siya." Sabi ko.


"Ah! Oo nga pala. Of course, di naman siya mahirap hanapin." Humalakhak siya.
"He's a hearthrob. Ang daming nahuhumaling sa kanyang taga Alegria kaya di kita
masisisi kung-"

"Kung ano? Maiinlove ako sa kanya? Hell, no, Ted. I have a boyfriend and besides
he's not my type."

Gumuguhit sa utak ko ang pagmumukha ni Koko at naiinis na lang ako. Gusto kong
matawa sa pag iisip na maiinlove ako sa kanya. Ano ba itong si Teddy, hindi niya
ba alam kung anong type ko?

"Tsss... Well, then, that's good."

Napangiwi ako. Kung makapagsalita ang isang ito ay para bang hindi
kapani-paniwalang hindi ako maiinlove kay Koko.
"Isa lang din siya sa mga Dela Merced kaya iniingatan yun ng tita niya."

Niligpit ko ang ibang patuka ng mga manok at naghugas ng kamay. Mamaya


magkakakalyo ako nito dahil sa gawain dito sa bukid.

"Bakit tita niya, wala na ba siyang mommy at daddy?" Wala sa sarili ko ang
tanong.

"Hmmm. Hindi mo ba alam? Na ambush yung mommy at daddy niya noong bata pa lang
sila. Alam mo na, si Don William, maraming kalaban yun. Tapos nung tumakbong
gobernador sa buong lalawigan, mas dumami."

Page 20
Jonaxx - End This War

Natigilan ako sa pinagsasabi ni Teddy. Nagkibit balikat siya nang bumaling ako sa
kanya.

"Akala nila kasama si Don William sa convoy nung sasakyan. Inambush. Ayun, patay
yung dalawang mga magulang niya."

"TALAGA?" Nanliit ang mga mata ko.

Ibang klase din pala ang dinanas ni Koko.

"Kaya pala ganun siya?" Jejemon at mukhang pariwara?


"Hmmm... Ewan ko. Hindi ko naman siya gaanong kilala. Alam mo na, hindi tayo
magka batch." Tumawa siya. "Pagkatapos nung nangyari, pinadala siya sa States.
Dun sa tito niyang isa pa."
"HA?" Ibang klase na ang ikinalaglag ng panga ko.

Kaya ba masyado siyang 'See ya later, alligater?' Pero ang korni talaga at hindi
ko matanggap na galing siyang States!

"Pero tatlong taon lang ata yun, Ches. Binalik din siya dito nung namatay si Don
William. At mula nun, dito na talaga siya."

Napalunok ako. Ibang klase pala talaga ang mga naranasan ni Koko. Kahit na
nakakagambala sa akin ang mukha niyang High Definition kong naaninag sa likod ng
utak ko, meron din pala siyang dinanas na masakit sa buhay niya.

"Anyway, Ted." Hindi ko na napigilan.

Dahil sa bawat pag flashback ng mukha ni Koko sakin ay mas lalo kong naaaninag
ang gwapong mukha nung lalaking misteryoso. Not that I'm interested or
whatever...

"Hmmm?" Nilingon niya ako habang naglalagay naman ng tubig para sa mga manok.
"May kilala ka bang lalaki na medyo gwapo na kaibigan din ng Dela Merced na
iyon?"
"Hmm? Sino? Yung mga kabarkada niyang umaaligid sa kanya ay halos babae. At meron
din naman siyang kaibigang mga lalaki pero di ako sigurado sa mga pangalan."

Inabala niya ang sarili niya sa paglalagay ng tubig. Gusto kong mag tanong ng mas
specific. Yung lalaking may buntot sa likod at nangangabayo? Yung lalaking
matangkad, sobrang gwapo at matipuno. Pero iniwasan ko iyon.

Page 21
Jonaxx - End This War

"Clark." Utas ko nang nakitang may tumatawag sa cellphone ko.

Mahirap mawalay kay Clark. Nangungulila ako lalo na't abala sina Teddy at Craig
sa mga lakad na inuutos sa kanila nina mama at tiya. Si papa naman at si tiyo ay
abala rin sa pangangasiwa ng Alps. Kaya wala akong magawa kundi magmuni-muni sa
bahay o di kaya ay sumama kina Craig. Sakay lang ako nang sakay sa kinakalawang
na pick up. Nakakamiss ang aircon na Vios ni Clark.

"Hello, mahal ko." Napatalon ako nang biglang sumulpot si Koko sa harap ko habang
hinihintay sina Craig at Teddy na namamalengke.
Nasa tapat ako ng soccerfield dahil doon din nipark ang pick up nila. Ayaw ko
namang sumama sa palengke dahil mabaho at basa doon. Ayoko sa feeling na may
naapakan akong basa.

"Anong ginagawa mo dito, Koko?" Iritado kong tono.

Agad kong narealize na hindi dapat ganun ang pakikitungo ko sa kanya kaya ngumiti
ako pambawi.

"I mean, bigla ka na lang sumusulpot." Humalakhak ako.

"Syempre, may binililang sa palengke." Kumindat siya. "Kasama mo na naman tong


kinakalawang na pick up niyo, ah?"

Uminit ang pisngi ko.

Nakakahiya, ah? I know, he's probably the richest jejemon around. At ang tawaging
ganun ang sasakyan namin ay medyo sapak para sa akin.

"Eh, sorry na kung poor." Ngumisi ako.

Tumawa siya, "Okay lang yan."

Ang yabang nito, ha? Mas masarap wasakin ang puso pag ganito. Pero pag naiisip ko
ang pinagdaanan niya noon? Napapabuntong hininga na lang ako.

"Nakapagsimba ka na ba?" Sabay muwestra niya sa simbahan.


Umiling ako.

"Simba tayo next time?"


Namilog ang mga mata ko sa anyaya niya. Sa ngisi niya ngayon ay mukhang alam ko
na kung saan tutungo ang usapan.

Page 22
Jonaxx - End This War
I want to back off. Iniisip ko si Clark. Iniisip ko yung mahal na mahal kong
boyfriend na iniwan ko sa Manila. Hindi ko kayang manloko. Hindi naman ito
panloloko kasi hindi ko naman gusto si Koko. Asa ka, Chesca! This is just the
same... Sa oras na tumanggap ako ng ibang lalaki, panloloko na rin ang tawag dun.
Inuusig na yata ako ng konsensya ko.

"Hmmm. Depende."

Napawi ang ngisi niya, "Oh akala ko ba gusto mo ko?"


Aba't kelan ko sinabi iyon? Hindi ko alam! "Ha?"
"Eh diba binigyan mo ako ng pagkakataong manligaw?"

"Ha? Ah... eh..."

Napakamot ako sa ulo sabay tingin sa nag eexpect niyang mukha. It's now or never.
Madali siyang utuin, pero nakakaawa siya, inuusig pa ako ng konsensya ko para kay
Clark. Hindi ko kaya pero taliwas ang sinabi ko.

"Oo."

Halos mapatalon siya sa sinabi ko. Nakita kong pinagpawisan siya sa kakaabang sa
sagot ko.

"SALAMAT!"

Biglaang may bumusina sa gilid ng pick up. Sabay kaming lumingon doon. Tinted na
tinted iyon kaya hindi ko alam kung ano ang problema ng malaking itim na
sasakyang ito. Medyo maputik ang kanyang mga gulong pero kitang kita ang kintab
ng katawan.

"Ay, andito na." Pabulong na sinabi ni Koko.

Shit! Ang ganda ng SUV nila! Ganun ba ito ka yaman? Parang hinahayaan lang nilang
napuputikan ang SUV na ito, ah?

"Sige, Chesca. Anyway, pwedeng malaman ang full name mo?"


"Seriously?" Nakangisi ako dahil naloloka na ako sa tanong niya pero sinagot ko
parin iyon. "Francesca Alde."
"Alde?" Nanliit ang mga mata niya.

Patay! Kilala kaming Alde dito at baka marealize niya yung plano ko dahil dito.
PATAY!

"Kaya pala maganda." Kumindat siya.

"Huh?"
Page 23
Jonaxx - End This War
"See ya later, alligater." Aniya at umalis agad.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat. Naaninag ko agad ang braso ng driver na
nakahawak sa manibela. Kitang kita ko ang itim na relo na nandoon. Kinilabutan
ako sa di malamang kadahilanan. Para bang may kung ano sa braso na iyon... Gusto
kong humakbang palapit para makita kung sino ang nag da-drive.

"Oh come on, Chesca. Hindi yung driver ang aakitin mo. It's the damn Dela
Merced."

"Nga pala..." Sigaw ni Koko. "Bukas, susunduin kita sa gate ng mga seven thirty.
Patingin ng sched mo."

Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtinidigan sa kindat niya bago pumasok sa


loob. Gusto kong tumanggi pero huli na ang lahat. Unti-unti ng umalis ang
kanilang sasakyan.

Sa likod ng SUV ay nakita ko ang Plater Number.

"MDM. Ni walang numero. Hindi yan pwede sa Manila." Humalukipkip ako nang may
biglang bumatok sa akin.

"Ano ba!?" Sigaw ko sa kapatid kong tumatawa.

"Sinong tinitingnan mo diyan?" Tanong ni Craig.

Tinapik ni Teddy ang balikat niya sabay nguso sa sasakyang umaalis. Sabay din
nilang sinabi ito, "Magaling! Totoo palang nakilala mo na siya."

Nagtawanan ang dalawa.

"Ganda ng sasakyan, Jeep Commander. Tsk. Bakit kaya kailangan pa nila ng


karagdagang lupain? Limang ektarya lang naman ang Alps. Yung kanila? Aabot
hanggang Camino Real."

Napatingin ako kay Teddy.

"Ganun ka lawak ang lupain nila at aabot sa kabilang bayan?"

Tumango siya.

Damn, Dela Merced. Kaya pala.


Kabanata 4

Page 24
Jonaxx - End This War
Nakakainis

Tumupad si Koko sa usapan. Nandoon na agad siya sa gate nang dumating ako sa
unang araw ng eskwela. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Napapangiwi sila
sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Sino yan? Bago?" May narinig pa akong nagsasalita sa likod ko.

Nilingon ko at sinimangutan pero hindi sila natinag. Tinakpan lang nila yung
bibig nila at nakatingin parin sa akin habang nag uusap. Oo! Sige! Alam kong
hindi niyo na ako pinag uusapan kasi nakatakip na kayo ng bibig. Shit lang, I'm
not dumb!

Let's face it, Chesca. Ganun talaga ang mga tao. Pag may bagong mukha, iyon ang
laman ng usap-usapan. Lalo na't galing sila sa iisang high school noong
highschool, mas close na sila sa isa't-isa. At ako? Wala akong kilala bukod kay
Koko na ngayon ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ang sched naming dalawa.

"Alde daw." May narinig akong bumulong.

Wow! Ang bilis ng balita! May pakpak!

"Mukhang kaklase ata tayo dito." Sabay turo niya sa isang klaseng bukas pa. "Pero
wala pa masyadong pasok ngayon kasi unang araw pa lang naman. Yun ang alam ko."
Kumindat siya sakin.
Tumango naman ako at inayos ang buhok.

Napatingin siya sa buhok ko. Kinilabutan naman ako sa malagkit niyang titig
kaya...

"Koko, pupunta na ako sa first class ko." Utas ko.


"Ha? Pero wala pang prof dun ngayon." Aniya.

Pero naglakad parin ako palayo sa kanya.

"Uy, Chesca! wait for me!" Aniya at hinabol ako sa paglalakad ko.

"Koko, mamaya na lang tayo magkita." Sabi ko nang di siya tinitingnan.


"Eh nililigawan kita, gusto ko lagi tayong nagkikita."
"Mamaya na, Koko."

Page 25
Jonaxx - End This War
Nakukuha na naming dalawa ang halos buong atensyon ng mga nasa campus. Paano ba
naman kasi, panay ang habol niya sakin kahit na nag ha-halfrun na ako sa
corridor.

“Koko, tama na nga yan. Ayaw daw niya.” Humalakhak ang isang nakakakilabot na
boses sa classroom na papasukan ko na sana.

“Hector...” Seryosong utas ni Koko. “Pero akala ko...”


Nilingon ko agad si Koko at nginitian ko, “Ayokong magloko ka sa school. Siguro
mas maganda kung pumasok ka sa klase mo at papasok din ako sakin.”
Umaliwalas ang kanyang mukha sa sinabi ko. “Tama!”

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

“Thanks, see ya later, alligater!” Aniya at umalis din.

Lintek. Ayoko na talaga. Masyado na akong kinikilabutan kay Koko. Napalingon ako
sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong
nakataas ang kilay niya sa akin.

“Bakit mo gusto si Koby?” Tanong niyang bigla sa akin.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Gwapo pero pakialamero.

“Ba’t ka nakekealam?” Sabi ko at nilagpasan siya para umupo sa loob ng classroom.

Nagulat ako nang nakitang tatlong estudyante lang ang naroon. Tama nga si Koko.
Hindi pa siguro mag ka-klase ngayon dahil unang araw pa lang. Napatingin ang
dalawang lalaki sa gilid sa akin. May sumipol na isa.

“Ganda!” Utas nila.

Umupo ako at umirap sa kawalan. Kainis ha? Lahat ba dito mala-Koko?

Bumaling ako sa lalaking nasa gilid ko naman at tinitingnan yung sumisipol


kanina. Nakita kong nag igting ang kanyang bagang. Nalaglag ang panga ko... Hindi
ko talaga mahugot ang mga tamang salita para mabigyan ng hustisya ang kagwapuhan
niya. Kitang kita ko ngayon ang buhok niya sa likod. Mahaba iyon. Iyon lang
siguro ang naging ayaw ko sa ayos niya, pero overall wala na akong masabi.

Napatalon ako nang bigla niyang ibinaling sa akin ang titig niya. Nag iwas agad
Page 26
Jonaxx - End This War
ako ng tingin.

“Hindi mo naman talaga siya gusto.” Matama niyang sinabi na nakapagpabalik agad
sa tingin ko sa kanya.
“Ano?”

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mukhang mabubuking
niya na ako o dahil yung gwapo niyang mukha naman ang naka HD sa paningin ko.

“Kita ko sa mga mata mo. Hindi mo siya gusto.” Ngumisi siya.

I clenched my jaw. Yes, totoo. Pero paano niya nalaman yun? Anong ibig niyang
sabihin na kita niya sa mga mata ko? Gwapo pero panira ang isang ito!

“Look, mister... Hindi ko alam kung anong nakikita mo sa mga mata ko pero wala ka
naman sigurong pakealam sa akin.” Umirap ako. “Kung sasabihin kong gusto ko siya,
edi gusto ko siya.”

Humalukipkip ako at iniwasan siya ng tingin. Tumindig ang balahibo ko nang tumabi
siya sa akin at humilig pang talaga. Naamoy ko agad ang bango niya. Hindi ko alam
kung anong gamit niyang perfume pero effortless ang bango niya. Hindi masakit sa
ilong. Lalaking lalaki. Bahagya akong umiwas. Ni hindi na ako makatingin sa kanya
sa sobrang kaba ko.

What is happening to me?

“Ang taray mo. Bago ka pa nga lang dito.”

Napalunok ako at napatingin sa sobrang lapit na mukha niya.

“Paanong di ako magtataray sayo? Nangengealam ka!” Galit kong sabi. “Ano ngayon
kung gusto ko yung tao. Bakit? May problema ka ba dun at sino ka ba para
makealam?”

Umangat ang labi niya.

Napalunok ulit ako. God, why is he so beautiful? Tumayo siya sa kinauupuan niya.
May parte saking nagdiriwang, may parte saking na disappoint.

“Kasi di ko maintindihan kung bakit sinasabi mong gusto mo siya kahit na kitang
kita kong hindi naman.”

“Pakealamero.” Utas ko nang humakbang siya palayo.


Page 27
Jonaxx - End This War

Nilingon niya ako. Tumaas ang kanyang kilay kaya inirapan ko na lang.

"Anong sabi mo?" Utas niya nang nakakunot ang noo.

"So what if I like him? Mabait naman si Koko. Okay siya para sakin." Tinaas ko
ang isang kilay ko.
Nagtaas din siya ng kilay, "Tsss." inirapan niya ako.

Aba't ang arte ng lalaking ito, huh? Gwapo pero suplado at sobrang arte. At anong
meron sa buhok niyang may iilang hibla na mahaba sa likod? Bago niya ako
tinalikuran ulit ay may umistorbo sa titigan naming dalawa.

“Hector?” Tawag nung matangkad at mapapel na babae sa labas. “Nandito ka kahit


alam mong walang pasok?”

Bahagya akong tiningnan nung babae pero bumaling din agad siya kay Hector.

"Wala, tiningnan ko lang kung nandito ba yung prof." Nagkibit balikat siya.

Napangiwi ako. Okay, umalis na kayo. Chupi! Wa'g na kayong magtagal, please. Wala
naman akong mapuntahan kaya dito lang ako. Pinaglaruan ko ang ballpen ko habang
pumapangalumbaba sa upuan ko.

"Talaga? Diba alam mo namang di siya darating?"

Tumaas muli ang kilay ko.

Nagkibit balikat si Hector, "Tiningnan ko lang kung anong meron dito. Yun naman
pala, walang kwenta." Malamig niyang utas.

Kinagat ko ang labi ko. Parang nagpaparinig ang isang ito sa akin, ah?

"Suplado!" Bulong ko sa sarili ko na narinig nilang dalawa.

"Anong sabi mo?" Sigaw ng mapapel na babae sa akin.

Umirap ako. Nakakainis lang. Sino ba itong si Hector at kung makapagsalita siya
ay parang diyos? At bakit may tagapagtanggol agad siyang alipores? Isumbong ko
kayo kay Koko, eh.

Page 28
Jonaxx - End This War

"Wala!" Umirap ako at tumayo para umalis na lang.


"Teka nga..." Sinugod ako ng galit na matangkad na babae.

Nakita kong nag igting ang muscles sa braso ni Hector nang hinawakan niya ang
braso ng babae. Nakakunot ang noo kong pinapanood ang dalawa na malapit sa
isa't-isa. Pumula ng parang kamatis ang kanyang pisngi.

"Hayaan mo na siya, Kathy."

Nanlaki ang mga mata nung babae at mas lalong pumula ang pisngi pero si Hector ay
titig na titig at parang wala lang sa kanya ang pangyayari.

Hindi niya ba nakikita ang epekto niya sa ibang tao? Look at that girl, Hector!
Para siyang nag hang dahil sa ginagawa mo. Umiling na lang ako at kinuha ang bag.

"H-Hindi, e-eh." Nauutal na utas ng babae.

"Nauutal pa." Bulong ko sa sarili ko.

"A-Anong sabi m-mo?" Nilingon ako nung babae pero tinalikuran ko na silang
dalawa.

"Kung makapag moment, sa harap ko pa. Yes, yes, naiinis ako. Wala yung boyfriend
ko dito at miss na miss ko na siya. Oh shit!" Malutong kong mura nang nakita kong
napatalon si Koko sa malayo dahil nakikita niya akong mabilis na naglalakad sa
corridor.

Iiwasan ko na sana siya pero hindi ko na nagawa kasi tumakbo siya palapit sa
akin.
"Sabi sayo, e, walang prof diba?" Ngumisi siya.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Lika! Sama ka sakin!" Mas lalong lumaki ang ngisi niya dahil ngayon ay nakahawak
na siya sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay kong mahigpit niyang hinahawakan.

"K-Koko, hindi mo pa pwedeng hawakan ang kamay ko... K-Kasi naman, ano, hindi pa
tayo-"

"Patungo din naman tayo diyan, Chesca. Gusto mo ako, gusto din naman kita. Sagot
mo na lang ang hinihintay ko."

SERIOUSLY? Umabot kami ng ilang taong magkakilala ni Clark bago siya nanligaw! At
itong si Koko ay hindi pa nga nag iisang linggo kung makapagsalita ay parang
Page 29
Jonaxx - End This War
kanya na ako, ah? Nakakainis. Halos mag palpitate ang kilay ko sa sobrang inis.

Breathe in, breathe out, Ches. This is just a game. Pagkatapos nito, uuwi ka na
ng Manila at hindi na ulit babalik dito para makalimutan na ang lahat.

"Puntahan natin ang mga kaibigan ko!"

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya. Dumaan kami sa pathway ng
mga matatayod na mahogany bago nag canteen. Excited na excited siya na para bang
nanalo siya sa lotto dahil dala niya ako ngayon.

Pinilig ko ang ulo ko nang una kong natingnan ang mga mata ni Hector na nakatitig
sa akin pa akyat pa lang doon. Umiling siya at nag igting ang bagang nang nakita
ako.

Galit? E, siya naman ang unang nang inis. Dapat nga ako ang magalit diba.
Humalukipkip yung matangkad na babaeng si Kathy sa gilid niya. Nagtatawanan naman
ang ibang kaibigan ni Koko.

"Kamusta, guys!" Bati ni Koko gamit ang nakakapunit-labing ngiti. "Pwede ba


kaming tumabi ni Chesca dito?"

"Oo naman, Koko. Walang problema." Sabay halakhak ng isang babae.

Nakakahiya. Pero okay lang siguro, nandyan naman si Koko. Hindi niya naman siguro
ako hahayaan.

"Nakakainis talaga..." Sabi nung isang babae na nagsasalita kanina pa.

Umupo ako sa tabi ni Koko at panay ang titig at ngiti niya sakin. Diretso naman
ang tingin ko sa kawalan. Niliko ko talaga ang vision ko para lang hindi
matitigan si Hector sa harap ko.

"Hayaan mo na yun. Ganun talaga yung babaeng yun. Akala niya maganda siya!"
Tumawa yung isang babae.
"Insecure."
"Huy, huy, kayo talaga! Sinong pinag uusapan ninyo? Tumigil nga kayo. Sa tono
niyo ngayon parang kayo pa ang insecure." Utas ng isang lalaking chinito sa mga
babaeng napangiwi ngayon.
"Totoo namang nakakainis, eh. Akala niya naman crush siya ni Hector." Nilingon
nung babae si Hector.
"Mas nakakainis kaya yung nakipagpustahan samin nung isang araw sa basketball!"
Utas naman ng isa pang lalaking chinito at medyo matangkad.

Page 30
Jonaxx - End This War
"Oo nga. Panalo na tayo nun." Sabi ng isa.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko. Nakisali na kasi si Koko sa mga usapan
nilang nakakainis. At nang sa wakas ay napatingin na ako sa lalaking nasa harap
ko ay agad kumalabog ang puso ko. Malalim ang titig niya sa mga mata ko. Oo,
naramdaman ko na kaninang tinititigan niya ako, pero ngayon ay na kumpirma ko na
dahil hindi maalis ang tingin niya sa akin kahit nakatitig na rin ako sa kanya.

What are you doing, Hector?

Tumagilid ang ulo niya at kinagat ang labi bago nag iwas ng tingin sakin.

"Mas nakakainis yung mga taong nagpapanggap na gusto nila ang isang tao." Untag
niyang nakaagaw ng atensyon.

Kabanata 5

Holdaper!

Ganun ang trato ni Hector sa akin buong araw. Walang pasok kaya dinadala ako
palagi ni Koko sa barkada niya tuwing nakikitang gumagala kung saan-saan.

Naiirita pa ako dahil panay ang gapang ng kamay niya ngayon sa likod ng monoblock
chair na inuupuan ko habang nakikipag biruan siya sa matangkad na intsik na si
Oliver. Napatingin ako sa balikat ko habang damang dama ko ang bawat daliri
niyang unti-unting dumadapo sa balat ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at nag kunwaring okay lang. Nang bumaling ako
pabalik sa mga nag uusap ay agad ko na namang nakikita ang naka ngising si
Hector. Kumunot ang noo ko at inirapan na lang siya.

"Hay, naku, uwi na ako." Nakangising sambit ni Hector at agad tumayo.

Nahulog ang kamay ni Koko sa balikat ko dahil naagaw ni Hector ang atensyon ng
lahat.

"Ha? Hindi ba maliligo dapat tayo ngayon sa Tinago? Hintayin mo kami?" Utas ni
Oliver.

Nakita kong sumimangot ang mga babae. Napailing naman ang lalaki.

Humikab si Hector, "Next time na lang. Uuwi na ako. Inaantok." Aniya. "Ang boring
dito." Lumingon lingon siya na para bang naghahanap ng mapaglilibangan.
Page 31
Jonaxx - End This War
"Wala ka ng pasok, diba? Buti ka pa, Hector." Ani Kathy na nag pout at hinawakan
ang malaking nakahulmang braso ni Hector.
"Ako rin, wala na." Tumawa yung isang chinito na si Mathew. "Sabay na tayo
palabas, dude." Utas niya.

Timing at tumunog ang bell, hudyat sa klaseng pang alas tres. Nagsitayuan kami.
May isa pa kasi akong klase hanggang alas kwatro. Wala na naman akong kilalang
kaklase. Si Koko ay nasa ibang minor subject naman. Nakakainis lang, late enrolee
kasi.

"O sige, next time, ah?" Sabi ni Koko kay Hector.


"Hector, hintayin mo naman ako, oh." Sabi ng mapapel na si Kathy.

Yung isang maganda at kulot na babaeng katabi ni Kathy ay napangiwi sa sinabi ng


kaibigan. Mukha atang hindi sila magkakasundo pagdating kay Hector.

"Sorry, Kath, next time na lang. Inaantok talaga ako." Ngumisi siya at sumulyap
sakin.

Ngumuso ako at naunang umalis ng canteen.

"Teka lang, Chesca!" Agad akong sinundan ni Koko.

Bumaling ako sa kanya at tinitigan ulit ang mukha niya. Ayan na naman...
kinikilabutan na naman ako. Tuwing ngumingiti siya sa akin ay parang may parte sa
buhay kong namamatay. Ngayon ko lang siya natitigan nang maayos mula ulo hanggang
paa. Napagtanto kong kulay dark blue ang t-shirt niyang may medyo nabuburang
print sa gitna, faded ang pants niya at ang sapatos ay medyo old-fashioned.

"Ano, Koko?"
"Hindi ba last class mo na ito?" Aniya.
Tumango ako. Anong gusto niyang mangyari?

"Last class ko na rin ito kaya sabay na tayo mamaya? Ihahatid kita sa inyo? Kina
Teddy Alde ka lang naman, diba?"
"Hmmmm..." Shit! Ano ba itong napasukan ko?
"Wala ng isip isip pa, talagang magsasabay tayo!" Humalakhak siya at kinawayan
ako, "See ya later, alligater."

Nagtindigan na naman ang balahibo ko. Habang tumatagal mas lalo siyang
nakakairita at nakakainis. Nung una ay nakakatawa pa, pero ngayon ay medyo na
tu-turn off na ako ng sukdulan.

Page 32
Jonaxx - End This War

For the land, Chesca. Limang ektaryang lupa ng Alps. Iyon lang. Humugot ako ng
malalim na hininga nang nakita kong tatlong lalaki lang ang nasa loob ng
classroom. Nag tinginan sila sa akin at naghahalakhakan. Nang naupo ako ay agad
nila akong nilapitan upang magpakilala.

"Chesca Alde? Wow! Hindi ko alam na may pinsang maganda si Teddy!" Utas ng isang
lalaking di ko na matandaan ang pangalan.
Ngumisi na lang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.

Nakakailang. Hilaw ang ngisi ko. I don't wanna be rude but I'm not a friendly
person. Hindi ko alam kung paano gumaan ang loob ng iba at nakakapagbiro sa
bagong kilala nila. Well, maybe Koko is an exception. Makapal kasi ang mukha niya
at hindi ko na kailangang mag isip ng topic dahil siya mismo ay maraming tanong.

"Uwi na lang tayo!" Napagkasunduan nila. "Wala atang prof."

Kaya lumabas kami sa classroom pagkatapos ng limang minuto. Hindi ko alam kung
saan ang classroom ni Koko at wala din akong numero sa kanya. Kaya nauna na akong
umuwi pagkatapos ng labing limang minuto.

Pagkalabas ko ng campus, doon ko narealize kung anong nag aabang sa akin. Sa


kabilang banda ay matarik na daan kung saan kitang kita mo ang bulubundukin ng
Alegria, at sa kabilang banda naman ay matalahib at kitang kita mo ang umaapaw na
tubig ng ilog galing sa Tinago Falls.

May mga tricycle na nakaabang. Pumara ako ng isa pero napangiwi ang driver sa
akin dahil mag isa lang daw ako.

"Dapat pag bababa, marami. Mahirap umakyat ulit dito. Malulugi ako." Aniya.

Hindi na ako tinignan pang muli ng driver. Shit lang, ha? Ganun ba dito? Ilang
minuto pa akong nanatiling nakatayo sa waiting shed at ni isang sasakyan ay
walang dumaan. Nang sa wakas ay may dumaan, nakita kong isang karomata iyon.

"Hay nakooo!" Napapadyak ako.

Sumasakit na ang binti ko sa kakatayo dito.

"Manong!" Wala na akong choice kaya pinara ko na lang.

May lamang mga saging sa likod ng karomata. Pero kaya kong mag tiis at sumakay sa
Page 33
Jonaxx - End This War
likod basta makababa lang ako. Kahit di na lang ako ihatid sa bahay.

"Manong, pasentro po ba kayo?" Tawag ko.

Nilingon ako ng nag da-drive ng karomata, "Hindi. Pero pababa ako. Sa bunganga
lang ng sentro. Sakay ka?"

Wala akong naging choice kundi ang sumakay sa likuran at hayaan ang mga saging na
mag mantsa sa damit ko. Hindi ko kabisado ang buong Alegria pero sa oras na
mapadpad ako sa sentro, mapapadali siya. Sasabihin mo lang naman sa driver ng
tricycle na kina Alde ako pupunta, ihahatid ka rin naman sa bakuran ng mga Alde.

Halos Sampung minuto ang naging byahe. Kung tricycle siguro ay limang minuto
lang, pero dahil kalabaw lang ang naglalakad para sa amin, medyo natagalan iyon.

"Salamat po." Sabay tanggal ko ng dumi sa damit ko.

Badtrip.

Binigyan ko siya ng pamasahe pero hindi niya iyon tinanggap. Hindi naman daw ako
nakaabala kasi pababa din naman daw siya.

Ngayon ay kaharap ko na ang mga bahay-bahay ng Alegria pero napagtanto kong


malayo pa ako sa sentro. Siguro ay mga tatlong minutong lakad pa.

Kinuha ko agad ang cellphone ko para sana tawagan si Teddy o di kaya naman ay si
Craig pero nagulat ako nang may tumatawag na sa akin.

"HELLO!" Maligaya kong bati sa boyfriend kong miss na miss ko na.

"Chesca!" Tumikhim si Clark sa kabilang linya.


"I miss you." Utas ko.
"I miss you more. How was your day? Kanina pa kita tinatawagan pero di mo ako
sinasagot."

"I'm sorry, hindi ko namalayan."

Nakangisi ako habang naglalakad papuntang sentro. Okay lang kahit nakakabadtrip
ang araw na ito, basta ba nandyan si Clark.

"Ikaw? How was your day?"


"Syempre, eto, pumasok na ako kanina. It's weird coz you're not around."

Page 34
Jonaxx - End This War
Nag init ang gilid ng mga mata ko sa sinabi ni Clark.

Narinig ko kasi ang pangungulila sa boses niya. Pinipiga ang puso ko at gustong
gusto ko na ulit bumalik ng Maynila.

"Hey..." Aniya habang tahimik pa ako sa pag eemote sa kanyang sinabi. "I got to
go. May tawag sa isang professional photographer." Narinig ko ang pagmamadali
niya. "I'll call you later, okay?"

"Okay..."
"I love you." Aniya.
"I love you, more." Suminghap ako at binaba niya agad ang tawag.

Paano na ba ito? Miss na miss ko na si Clark. At pakiramdam ko kailangan ko ng


umuwi sa kanya. Hindi niya deserve ito. Kahit na nagpapanggap lang ako kay Koko
ay nagui-guilty parin ako.

Sa gitna ng pag iisip ko ay may biglang humarang saking isang lalaki. Seryoso ang
mukha nitong parang hinigupan ni Cell sa Dragon Ball Z. Mukha siyang adik at
walang nakain ng ilang linggo. Agad akong napaatras lalo na nang naglahad siya ng
maruming kamay.

"Akin na cellphone mo o papatayin kita."

Nangatog ang binti ko at kumalabog ng malakas at mabilis ang puso ko.


Pinagpawisan ako ng malalamig dahil alam ko, kita ko sa mga mata niya, na hindi
siya nag bibiro.

Umatras ako at nag panic nang bigla siyang nagpakita ng kutsilyo. Nanginig ang
kamay ko nang inaabot sa kanya ang cellphone kong isang taon na sa akin. Touch
screen iyon at mahigit kumulang dalawampung libong piso nang binili ni daddy para
sa akin. Hindi ako makapaniwalang mawawala iyon sa akin ngayong naghihirap pa
kami.
Marahas niyang hinablot sa kamay ko. Tatakbo na sana ako nang may biglang humila
sa kamay ng lalaking nasa harap ko.

"AHHHH!" Napatili ako sa sobrang kaba lalo na nang nakita kong may dumugo.

Sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako. Ang tanging sigurado ay ang


mahabang buntot ng buhok sa likod ng lalaking nakikipaglaban ngayon sa hayop na
holdaper!

"Tulong!" Desperada kong sigaw nang nakitang dumudugo ang braso ni Hector dahil
nahiwa iyon ng kutsilyo.

Page 35
Jonaxx - End This War

Humandusay ang lalaki sa sahig sa pangatlong suntok ni Hector. Sumulyap ang


seryoso at nag aalab na mga mata niya sa akin bago yumuko para pulutin ang
cellphone ko at ang kutsilyo ng lalaki.

May dumating namang mga concerned citizen na nasa paligid kanina.

"Paki hatid niyan sa sentro. Holdaper." Utas ni Hector.

May mga tumingin sa akin para makiusisa pero silang lahat ay nasa paligid ni
Hector at nung lalaking nakahandusay.

"Mukhang dayo, 'to." Sabi nung isang may sumbrero. "Dayo 'to, Hector."
Tumango si Hector.

"Hector, may sugat ka." Sabi ng isang matandang babae na may dalang bilao. "Sa
bahay ka na lang muna para gamutin ko yan!"

Ngumiti si Hector at tiningnan ang sugat niya, "Okay lang po manang Ising. Punta
na lang muna ako sa ilog. Huhugasan ko lang-"

"Pero, Hector! Mas mabuting sa bahay! Tara na!" Halos hilain siya ng manang
habang ang iba ay abala sa pagtatali sa lalaking nakahandusay.

"Hindi na po talaga. Makakaabala lang ako." Ngumisi ulit si Hector at tumingin


sakin.

"Naku!" Bigong sinabi ng matanda.

Lumapit si Hector sa akin. Namilog ang mga mata ko kaya napangisi siya. Inabot
niya ang cellphone ko.

"Akala ko ba sasabay ka kay Koko? Ba't mag isa?"

Paano niya nalaman iyon? Hindi ko alam. Magsasalita na sana ako pero hindi niya
naman ata kailangan ng sagot pagkat umalis na siya at dumiretso sa matalahib na
daan sa gilid ng tinatayuan ko.

"Hector!" Tawag ko.

Patalikod lang siyang kumaway. Pulang pula ang kabilang braso niya at umaapaw ang
dugo nun. Napalunok ako at napatingin sa cellphone kong walang gasgas.

"Hector!" Tawag ko nang nakita siyang nakalayo na.

Page 36
Jonaxx - End This War
Walang pag aatubiling sinundan ko siya patungo sa daang iyon. Tatlong minuto
siguro yung lakad at hindi niya parin ako nililingon kahit panay na ang sigaw ko
sa pangalan niya. Ang lalaking ito! Nakakairita! Magpapasalamat lang sana ako
dahil kahit naging mabaga ang una naming pag uusap, may kabutihan din naman
siyang ipinamalas.

Napanganga ako nang unti-unti kong naaninag ang kumikislap na tubig ng ilog. May
mga puno sa paligid at may munting board walk patungo sa isang maliit na gazebo
na nakatayo sa ilong mismo. Diretso ang lakad niya patungo sa gazebo. Sa pag
iingat ko, mas lalong bumagal ang paglalakad ko.

"Hector!" Tawag ko ulit.

Nag echo ang boses ko sa kagubatan. Tumingala ako at halos hindi ko na makita ang
langit sa sobrang tayog ng mga punong kahoy.

"Ba't ka sumunod?" Tanong niyang di man lang lumilingon sa akin.

Umupo siya sa gilid ng gazebo. Nakalagay ang sneakers niya sa gilid at hinugasan
niya ng tubig ilog ang dumudugo niyang sugat sa braso.

"Para san pa edi mag pasalamat!" Galit kong utas saka nilapag ang bag ko sa tabi
ng sapatos niya.

Hinalukay ko ang loob para hanapin ang panyo at alcohol ko.

"Ang harsh mo namang magpasalamat." Tumawa siya at nagpatuloy sa paghuhugas ng


kanyang sugat.

Kabanata 6

Kiliti

"Ang harsh mo namang magpasalamat." Tumawa siya at nagpatuloy sa paghuhugas ng


kanyang sugat.
Matalim ko siyang tiningnan kahit hindi niya naman iyon nakikita.

Lumapit ako sa kanya at tumabi upang makita ng malapitan ang sugat. Napatingin
siya sa akin. Ngumisi siya at mas lalo akong sumimangot.

"Akin na nga yan!" Galit kong utas at hinawakan ng marahas ang braso niyang
nagdurugo parin.

Page 37
Jonaxx - End This War
"Ow!" Reklamo niya.

Pumikit siya sa sakit pero ngumisi din. Kainis, huh! Pasikat ang isang ito.
Pacute pa.

"Sorry." Malamig kong sinabi at tiningnang mabuti ang kanyang sugat.

Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon pero di ko magawang iangat ang paningin
ko para makita siya. Nanatili akong nakatitig sa sugat niya. Mukha namang hindi
gaanong malalim iyon pero di pa humuhupa ang pag dugo nito.

"Gagamutin ko na." Sabi ko at bumaling sa kanya.

Nakaangat ang kanyang labi at matama akong tinitingnan. Kung makatingin siya sa
akin ay para bang may nakakatawa.

"Dahan-dahan, ah? Hindi naman kaya tuluyan mo ako?" Humalakhak siya.

Inirapan ko siya, "Anong akala mo sakin? Tsss."

Nilagyan ko ng alcohol ang panyo. Habang ginagawa ko iyon ay nakita kong naghubad
siya ng t-shirt. Nag igting ang bagang ko at iniwasan ko ang pagtitig sa katawan
niya. Pero kahit panay ang iwas ko, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang
nakabalandra niyang biceps. Mabuti na lang at nakatagilid siya kaya hindi ko
makita nang lubusan ang buong katawan niya.

Hindi ko naiwasan ang pagtingin sa kanyang braso dahil iyon ang gagamutin ko.

"Ba't ka pa naghubad?" Sabay ismid ko nang nilalagyan ko na ng alcohol ang sugat


niya.

"Para mas madaling magamot."

Hindi ako tumitingin sa mukha niya pero alam ko na namang nakangisi siya. Hindi
ko alam kung may nakakatawa ba o ano. Habang tumatagal ay mas lalong tumitigas at
na define ang muscles niya sa braso sa paningin ko. God, he is hot. Braso niya pa
lang ang nakikita ko pero alam ko... Siguro ay hinubog itong katawan niya dito sa
bukid. Masyado siyang na expose sa mga gawaing pambukid kaya ganito na lang ang
katawan niya kahit kaedad pa lang kami.

Don't get me wrong. Maganda din naman ang katawan ni Clark. Medyo mas payat siya
kay Hector ng kaonti. Kontin abs at muscles na nakuha niya sa pag g-gym. Nasa 5'6
ang height ko, kaya hula ko nasa 5'7 o 5'8 si Clark dahil hindi naman kalayuan
yung tangkad naming dalawa. Pero itong si Hector, halatang 6 footer. Bakit ko nga
ba kinukumpara? Pinilig ko ang ulo ko at nag concentrate sa pag lalagay ng
alcohol sa kanyang sugat.
Page 38
Jonaxx - End This War

"Ba't ka galit?" Tanong niya.


"Hindi ako galit." Malamig kong sinabi.
"Galit ka, e." Makulit niyang sinabi.

"Hindi nga sabi ako galit!" Medyo iritado kong sinabi habang nilalagyan ulit ng
alcohol ang panyo.
"Galit ka..." Matama niyang sinabi nang natatawa.
"HINDI SABI!" Sabay diin ko sa sugat niya.

"ARAY!" Napaatras siya sa ginawa ko.


"Ang kulit mo!"
Tumawa siya, "Totoo namang galit ka..." Tumawa ulit siya.

Inirapan ko na. Ang nonsense ng pinag aawayan naming dalawa pero nakakairita lang
kasi.

Hindi na ako nagsalita. Ayoko na. Bahala siya kung anong isipin niya. Ang
panghuli kong ginawa sa sugat niya ay ang pagpulupot ko ng panyo sa braso niya.

"Sa susunod kasi wa'g mo ng gamitin yung cellphone mo lalo na pag mag isa ka sa
daanan." Pangaral niya sakin.

Niligpit ko yung alcohol ko. Siya naman ay sunusoot ang t-shirt niya habang
tumatayo.

"Hindi ko naman alam na hanggang dito may holdaper! Sa Manila lang ang alam ko."
Nilagay ko sa balikat ang bag ko at tinalikuran si Hector.
"Meron din naman dito. Anong akala mo sa Alegria, langit?" Nanunuya niyang
sinabi.

Nilingon ko siya, "Pwede ba? Hindi ako tanga pero di ko naman ineexpect na
magkakaganun." Inirapan ko siya at nagsimulang umalis.
"Oh, san ka pupunta? Uuwi?"
"Oo. Obviously."

"Samahan na kita. Mamaya sa unahan mahohold up ka uli." Tumawa na naman siya.


Nakakunot noo na ako nang nilingon ko siya, "Tigilan mo nga ako. Hindi
nakakatuwang ma hold up! It's not funny, Hector."

Tumaas ang kanyang kilay at natigilan siya sa sinabi ko.

"Sorry." Aniya ilang sandaling paglalakad ang nakalipas.

Page 39
Jonaxx - End This War
Mabilis akong nagmartsa paalis doon sa paraisong iyon. Sayang, paraiso nga pero
may kasama naman akong bruto. Panay naman ang sunod niya sakin nang di
nagsasalita. Okay lang. Mabuti na rin yung nakatikom ang bibig niya. Puro pang
iinis lang kasi sakin ang lumalabas doon.

Nang nakarating na kami sa sentro ay panay na ang lingon-lingon ko para


makapaghanap ng tricycle. Nakatingin siya sakin habang lumilingon-lingon ko kaya
nakakaasiwa.

"Para!" Aniya sa isang malayong tricycle.

Hindi ako makapaniwalang agad lumapit yung tricycle.

"Pahatid po, manong, kina Alde." Utas niya sabay ngisi sa akin.

Nakakunot ang noo ko nang tiningnan ko siya. Hindi ko alam pero hindi ata
natatanggal ang kunot ng noo ko at hindi rin natatanggal ang ngisi niya.

"Sige na, Chesca, pasok ka na." Sabay lahad sa loob ng tricycle.


"Kina Alde? Ito ba yung pinsan ni Teddy, Hector?" Tanong ng driver.

"Opo, manong." Sigurado namang sagot ni Hector.

Aba't kilala ako? BInalewala ko na lang lahat. Syempre, maliit lang ang Alegria
kaya malamang ay magkakilala ang mga tao dito. Pumasok ako sa loob at nagulat ako
nang sumakay din siya.

"Saan ka naman, Hector? Kina Alde din?" Tanong ng driver habang nag dadrive na
papunta samin.

"Hindi po, sa rancho na lang ako." Aniya.

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya at kinindatan ako.

ADIK!

"Sa rancho ng mga Dela Merced?" Tanong ko.


Sinagot iyon ng driver, "Walang ibang may rancho dito kundi ang mga Dela Merced.
Madalas pagsasaka yung negosyo ng iba."
"Anong gagawin mo sa rancho, Hector? Magpapastol ng kambing?" Tumawa ako.

Ngayon, ako naman ang tatawa. Hindi pwedeng palagi na lang akong naiinis sa
kanya.
Page 40
Jonaxx - End This War

Nanliit ang mata ni Hector, "Oo. Anong problema mo dun?"


"Mehehehe. Mehehe." Tumawa ulit ako nang pakambing, panunuya ko sa kanya.
"Trabaho mo ba ang pagpapastol?"
Umangat ang labi niya, "Oo, bakit? Anong problema mo?"

"Wala lang." Tumawa ako.

Trabahador pala si Hector sa rancho nina Koko. Kaya pala malaki ang katawan niya.
Pero ang nakapagtataka ay mas makinis parin siya kumpara kay Koko. Siguro ay nasa
lahi iyon. Siguro ay hindi ganun ka kinis ang mga Dela Merced. Iyon ang akala ko.

Tumatawa pa ako nang tumigil sa harapan ng bahay ang tricycle.

"Salamat po." Patawa kong sinasabi.

Naiimagine ko kasing panay ang hila ni Hector sa pisi ng mga nag aalburutong
kambing. Siguro ay nahihirapan siya sa trabaho. Kahit pala ngisi at nang iinis
siya sakin, siguro pagdating sa trabaho ay siya naman ang naiirita.

"Ba't ka tumatawa?" Tumatawang tanong ni Hector sa akin.

Umiling ako habang natatawa parin.

Bigla niya akong kiniliti habang nakakagat siya sa labi.

"Tinutukso mo ba ako?" Sabay kiliti sakin.

Panay ang tulak ko sa mga kamay niya at umalingawngaw na ang tawa ko dahil sa
pangigiliti niya.

"Pati ba kabayo ay inaalagaan mo sa rancho?"

Nanliit ang mga mata niya pero bakas parin ang ngisi sa labi niya, "Oo. Bakit?"
"Kaya pala pang kabayo ang hairstyle mo!" Humagalpak ulit ako sa tawa.

Nakakagat labi ulit niya akong kinikiliti.

"Shit!" Mura ko at mabilis na lumabas sa tricycle. "Yan ang bagay sayo! Akala mo
ikaw lang marunong mang inis, ha! Nye!" Umisli ang aking dila para inisin pa siya
lalo.
Page 41
Jonaxx - End This War

Tumawa siya at lumabas sa tricycle. Mabilis din akong tumakbo papasok sa gate ng
bakuran namin. Nakita kong nandoon si Teddy, nakatambay sa duyan sa ilalim ng
puno ng Durian. Pinagmasdan niya ako habang tinitingnan si Hector sa gilid ng
tricycle.

"Nye!" Tumawa ako.


"Patay ka sakin, Chesca! Humanda ka bukas!" Banta niya habang umiiling at
sumasakay pabalik sa tricycle.

Tumawa na lang ako at patuloy ko siyang pinapakitaan ng dila hanggang sa nawala


na ang tricycle. Hiningal ako sa ginawang pagtawa. Papasok na sana ako sa bahay
nang narinig ko ang palakpak ni Teddy. Naroon na rin si Craig na ngayon ay naka
jersey at nakanguso.

"Very good, Chesca!" Ani Teddy.


"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Close na close na pala kayo ng tagapagmana ng mga Montenegro at Dela Merced."

Napangiwi ako. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Teddy.

"Sinong Montenegro? At ha? Paano niyo nasabi?"

"Si Hector yun, diba? Yung kasama mo?"

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Napaawang ang bibig ko. Ano ngayon kung si
Hector iyon? Bakit? Anong problema kay Hector?

"Hector Immanuel Montenegro Dela Merced." Kumpletong sinabi ni Craig at


humalukipkip.

WHAT? SI HECTOR ANG DELA MERCED? HINDI SI KOKO? Nalaglag ang panga ko sa kanilang
sinabi.

"S-Si Hector ang Dela Merced? Hector Dela Merced?"


Tumango silang dalawa, "Bakit? Sino ba yung iniisip mo?"
Kabanata 7

Sige pa, Chesca

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Buong akala ko ay si Koko ang Dela Merced.
Page 42
Jonaxx - End This War

"Sino ba ang tinutukoy mo, ateng?" Tanong ni Craig sakin.

Tulala kasi ako nang nalaman ko iyon. Si Hector ang Dela Merced, hindi si Koko!
Pero Dela Merced din naman siguro si Koko? Sinoot niya yung jersey na may Dela
Merced, at isa pa, sinusundo siya ng Jeep Commander ng mga Dela Merced.

"Parang pornstar lang." Tumatawang utas ni Craig kay Teddy.


"Hector." Nagtawanan ang dalawa.

Napangiwi ako sa panunuya nila. Hindi ko na binanggit na nagkamali ako. Ni hindi


ako nagtanong kung Dela Merced din ba si Koko. Ngayon paano na ang plano?
Nasimulan ko na ang pagpapahiwatig kay Koko! Si Hector pala ang dapat!

Napahiga ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina. Simula sa pagliligtas
niya sakin hanggang sa nang kiniliti niya ako. Uminit ang pisngi ko. Sinabi ko pa
sa kanyang trabahador siya sa rancho! Ni hindi niya man lang sinabi saking
tagapagmana siya nun! Shet!

"Chesca, hapunan na!" Tawag ni papa.

Bumangon ako agad at nagpunta sa hapag kainan. Hanggang ngayon ay hindi parin mag
sink in sa akin na si Hector ang Dela Merced at hindi si Koko.

"Kamusta ang eskwela, Chesca?" Tanong ni mama.


"Okay lang." Nagsimula akong kumain.

Pinagtitinginan ako nina Teddy at Craig habang kumakain. Seryoso si papa at tito
sa pag uusap tungkol sa bagyong nasa TV. Si tiya at mama naman ang umuusisa sa
pag pasok ko ng school.

"May mga naging kaibigan ka ba?" Tanong ni mama.

"Hmmm... Meron din naman." Nagpatuloy ako sa pagkain.


"Sino? Naku, dapat pinakilala kita dun sa anak ng mga Fajardo. Si Kathy?" Sabi ni
tiya.

Natigilan ako.

Si Kathy? Yung matangkad, echosera at mapapel na kaibigan ni Hector? Naku salamat


na lang!

Page 43
Jonaxx - End This War
"Ah... Okay lang po. Kilala ko rin po siya. Silang mga kaibigan ni Koko."

Nagkatinginan si mama at tiya. "Koko Marasigan? Koby Marasigan?" Tanong ni tiya.


"Marasigan po ang apelyido ni Koko?"
Tumango siya, "Oo. Anak yan ng ranchero ng mga Dela Merced diba?" Tanong ni tiya
kay tiyo.

Tumango si Tiyo at nagpatuloy sa pakikipag usap kay papa.

Napapikit ako. What a wrong idea! Bakit hindi ko iyon naisip? Bakit agad akong
nag conclude na si Koko ay isang Dela Merced dahil lang sa kanyang jersey? At isa
pa, bakit siya nakasakay sa Jeep Commander nina Hector?

"Okay ka lang ba, Chesca?" Tanong ni tiya.

Dumalat ako at uminom ng tubig, "Okay lang po."

Ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko o may magagawa pa ba ako. Akala ko
si Koko ang Dela Merced kaya siya ang pinaghirapan ko. At ngayong nalaman kong si
Hector pala ang Dela Merced, hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa kanya.

Sa sumunod na araw, pumasok ulit ako. Di tulad ng unang araw, may professor ng
nagpapakita. Naaninag ko agad ang umaliwalas na mukha ni Koko nang nakita akong
pumasok. Tinapik niya agad ang upuan sa tabi niya. Kinagat ko ang labi ko. Oo nga
pala, magkaklase kami ni Koko dito.

Anong gagawin ko? Chesca, anong gulo itong pinasukan mo?

Lumingon-lingon ako at sa nahagip agad ang ng mata ko si Hector na umaayos sa pag


upo at ngumingisi sa akin. Pinapalibutan na siya ng mga kaibigan niya pero may
isang upuang walang nakaupo.

"Hector, ako ba dito?" Tanong ng kararating lang na si Kathy sabay turo sa upuang
walang nakaupo sa tabi niya.
"Di, Kathy, doon ka na lang sa likod."

"Huh? Bakit? Sinong nakaupo dito?"

Tumaas ang kilay ni Hector at tumingin sakin.

"Tsaka, anong nangyari sa braso mo?" Puna ni Kathy sabay yuko para tingnan ang
nakabandage na braso ni Hector.
"Ah, wala, galos lang." Ngumisi si Hector at tumingin ulit sa akin.

Page 44
Jonaxx - End This War
Napatingin na rin ang mga kaibigan niya sa akin. Curious kung kanino bumabalik
ang atensyon niya. Imbes na tumunganga ako doon ay dumiretso na ako sa isang
abandonadong upuan sa pinaka likod ng classroom. Nakita ko ang pagsimangot ni
Koko at ang pag upo naman ni Kathy sa upuang katabi ni Hector.

Aapila sana si Koko. Umamba siyang tumayo para puntahan ako kaya lang dumating
nang bigla ang isang matanda at istriktong professor.

"Good morning, class!" Matigas ang kanyang tono.

"Good morning, sir!"

Si Sir Magdale ang professor sa isang major subject namin dito sa Alegria
Community College. Tanyag siya sa pagiging bihasa sa Marketing at Business
Management. Medyo matanda na kaya istrikto (iyon ang narinig ko sa mga tao dito
sa campus).

Medyo traditional si Mr. Magdale. Ayaw niya ng nalilate at lagi siyang nag
chi-check ng attendance. Ang worst ay masyado siyang maraming requirements.
Dalawang oras pa ang klase niya kaya dalawang oras din ang kalbaryo namin.

"Ichi-check ko ang attendance." Aniya at umupo sa teacher's table.

Kahit na nakumpirma ko na kina mama at tiya ang tungkol kay Hector at Koko,
kinabahan pa rin ako ngayong babanggitin na ni Mr. Magdale ang mga pangalan
naming lahat.

"Boys." Aniya. "Cartel."

"Present, sir!"

"Dela Merced." Hindi niya na hinintay na magsalita si Hector. Marami pa siyang


tinawag bago, "Marasigan."

"Present!" Utas ni Koko sabay tingin sa akin.

It really is true. Hindi siya Dela Merced. Maaring ang jersey na soot niya ay
bigay lang ni Hector dahil masyado na siyang maraming damit at si Koko naman ay
nauubusan na! What a freaking fail!

Nang matapos na siya sa mga lalaki ay babae naman ang kanyang tinawag.

"Alde, Francesca P." Natigilan si Mr. Magdale at tiningnan niya ako sa likod ng
kanyang salamin.

"Present, sir!"

Page 45
Jonaxx - End This War
Nanliit ang kanyang mga mata kaya pinagtitinginan din ako ng mga kaklase ko. May
ibang nagbulungbulungan pa tungkol sa pagiging bago ko dito sa Alegria.

"Taga Manila siyang Alde. Pinsan ni Theodore."

Pinaglaruan ko na lang ang ballpen ko.

"Anak ka ni Francis Alde?" Tanong niya.


"Opo."
Tumango si Mr. Magdale bago nagpatuloy sa kanyang pag chi-check ng attendance.

Hindi ko alam kung saan niya nakilala si papa o yung pamilya ko pero hindi ko na
gaanong pinagtuonan iyon ng pansin. Normal naman iyon sa Alegria. Maliit na lugar
lang ito kaya di malayong magkakilala lang ang mga tao.

Nang natapos ang klaseng iyon ay nagmadali na ako sa pag labas.

"Chesca!" Tawag ni Koko.

Pumikit ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakaka guilty. Paano ko babawiin sa


kanya ang mga sinabi ko? Hindi ko alam kaya hindi ko muna siya haharapin.

Mabilis na lumipas ang mga klase ko. Wala naman akong naging problema bukod sa
isang subject na agad nag quiz ang prof. Nang mag lu-lunch na ako, dumiretso na
ako sa canteen. Nag iwas agad ako ng tingin nang nakita ko ang kabarkada nina
Hector.

"Chesca!" Tumayo si Koko at agad akong pinuntahan.

"Hmmm?" Tanong ko habang kinukuha ang tray at pinasadahan ng tingin ang mga luto
sa canteen.
"Iniiwasan mo ba ako?" Madrama niyang tanong habang sumusunod sa pagpili ko ng
mga pagkain.

"Hindi, Koko."
"Kung ganun, ba't di mo ako pinapansin?"

Pinili ko ang menudo at isang cup ng kanin. Umorder din ako ng coke at agad na
umupo sa isang table na walang nakaupo.

"Chesca, dun ka na umupo sa table namin." Aniya.

Page 46
Jonaxx - End This War
"Koko, dito lang ako." Seryoso kong sinabi.

Unti-unting umaliwalas ang kanyang mukha.

"Ah! Alam ko na ang gusto mong mangyari..." Ngumisi siya at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Anong naisip niya? Shit lang, ha! Lumapit siya sa
kanyang mga barkada para kunin ang bag niyang naroon.

"See ya later, alligater." Paalam niya.

"Oh, saan ka Koko?" Tanong nung isang babae.


"Doon na ako kay Chesca. Gusto niya atang mapag isa kaming dalawa."

WHAT? Pinilig ko ang ulo ko at napainom sa malamig na softdrinks. Anong sinasabi


ni Koko? Gusto ko siyang pagsabihan. Gusto kong sabihin sa kanya ang tunay kong
nararamdaman pero hindi ko magawa dahil may konting parte saking naawa sa kanya.

"Ayos!" Aniya at umupo sa harapan ko. "Sana sinabi mo na lang agad. Pagbibigyan
naman kita!"

Hindi na ako nagsalita. Baka kasi may masabi lang akong masama sa kanya.

Ganun ang naging eksena buong araw. Panay ang lapit niya sakin, panay naman ang
iwas ko sa kanya. Hindi ko nga lang masabi ang katotohanang hindi ko naman talaga
siya gusto.

Sa sumunod na araw, humupa kasi wala kaming naging klase na magkakaklase kaming
dalawa. Naging panatag ang loob ko. Samantalang may dalawang klase naman kaming
magkaklase ni Hector. Yung unang klase kung saan umaligid sa kanya ang mga
babaeng kabarkada... At yung panghuli, isang section na extension ng isang block.
Para lang ito sa mga huling nag paenrol. Madalas ang kaklase namin ay lalaki.
Tatlong babae lang ang nasa klaseng ito at wala akong ni isang kilala bukod kay
Hector.

Umayos ako sa pag upo nang nakita kong palapit siya sa upuan ko.

"Hi!" Kumindat siya at nagpakita ng evil smile.

Eto na naman. Mang iinis na naman siguro ito.

"Tigilan mo ako, Hector." Panangga ko agad.

Page 47
Jonaxx - End This War
Napangiwi siya, "Ito naman. Binabati lang naman kita." Humalakhak siya.
"Okay, hi!" Matamlay kong sinabi.
"Ang sungit nito." Humalakhak ulit siya.

Bumaling ako sa kanya gamit at matalim kong titig. "Ano bang ikinatutuwa mo?
Bakit lagi kang tumatawa o ngumingisi?"

"Bakit? Anong gusto mo umiyak ako pag nakikita ka?" Tumaas ang kilay niya.
Umirap ako, "Pilosopo mo!"

Tumawa ulit siya.


"Nakakairita ha! Anong tinatawa tawa mo? May dumi ba ako sa mukha?"
"Kung meron, kanina ko pa inalis." Ngumisi siya.

"Tumigil ka nga."

Ngumuso ako. Magsasalita pa sana siya pero dumating ang prof namin. Medyo mabait
at maganda ang babaeng prof namin. Bata pa siya at mukhang dalaga pa. Kaya naman
panay ang sipol ng mga lalaki kong classmate. Pero si Hector, imbes na makisali
sa mga lalaki ay walang ginawa kundi inisin ako.

"Kumusta na kayo ni Koko?" May bahid na panunuya sa kanyang tanong.


"Wala." Sagot ko.

"Kwento niya sakin nagiging malamig na raw ang turing mo sa kanya."

"Feeling niya lang yun. Tsaka, ba't ka ba nangengealam saming dalawa?" Umirap
ako.

Humalakhak na naman siya, "Alam mo bang nagugustuhan ko ang pagtataray mo?"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at napatingin.

"Ha? Anong nagugustuhan ang pagtataray? So ibig mong sabihin gusto mo si Kathy?
Mukhang mataray yun!"
Umangat ang labi niya at kinagat niya iyon, "Bingi ka ba? Sabi ko 'pagtataray
mo'. Hindi pagtataray niya."

Kumalabog ang puso ko. Ano ba itong sinasabi ni Hector!

"W-Wa'g mo nga akong bolahin!" Galit kong sinabi.

"Sige pa, Chesca, magtaray ka pa. Mamaya agawin kita sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa blackboard. Para akong natutunaw sa
kinauupuan ko. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun. Hanggang sa natapos
ang klase ay hindi siya nagsalita.
Page 48
Jonaxx - End This War

Slow motion kong niligpit ang gamit ko. Hanggang ngayon nanlalambot pa ako sa
utas niya sa akin.

"Hector! Tapos na klase! Laro tayo!" Anyaya ng isang kaklase ko sa kanya.

"Sige ba! Pang ilang beses na talo niyo na ito?" Tumawa siya.

Nilingon ko siya. Paalis na rin naman siya kasama ang mga kaklase kong lalaki
kaya okay na siguro siyang tingnan ngayon.

Nakita ko ang likod niyang nang palabas na siya sa pintuan. Pero nang tuluyan na
siyang nakalabas at panay na ang palibot ng mga lalaking kaklase ko sa kanya ay
nilingon niya ako gamit ang seryosong mukha.

Bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko hanggang sa nakaalis na siya ng tuluyan.


Napaupo ako sa upuan ko. What the hell?

Kabanata 8

Wala Ka Palang Kwenta

"Hello, honey." Bati ni Clark sa akin isang gabi.

Gabi ko siya pinapatawag nang sa ganun ay hindi na ako abala sa gawain dito sa
bahay at sa school.

"Hi!" Ngumisi ako at mas lalong hinigpitan ang yakap ng unan ko.
"Kumusta?" Tanong niya.

"I'm okay."

Pang apat na araw ko ngayon sa school. Ganun parin ang ginagawa ko kay Koko.
Palagi ko siyang iniiwasan. Alam ko. Alam kong kailangan ko ng sabihin sa kanyang
hindi ko naman talaga siya gusto.

"You?" Tanong ko pabalik kay Clark.


"May offer ako sa isang magazine shoot." Natunugan ko ang saya sa boses niya.

"Talaga? Kelan? Sasama ako!"


"Huh? Sa Sabado na iyon, Chesca. Hindi ka pa makakauwi nun."
Napabuntong hininga ako, "I'm sorry."

"It's okay, honey. Pag balik mo dito ididate kita kahit saan."
Page 49
Jonaxx - End This War
Ngumisi ako.

Sa ngayon, iyon lang ang pinanghawakan ko saming dalawa ni Clark. Nakakalungkot.


Nakakalungkot kasi dati aypalagi kaming magkasama. Ngayon, boses niya na lang ang
naririnig ko. At hindi ako kuntento nun.

Bago ako natulog ay ni check ko ang calendar ng cellphone ko.

"Oh my? Monthsary namin sa Sabado!"

Isang taon at isang buwan na kami ni Clark. At sa loob ng isang taon at isang
buwan, wala kaming pinalagpas na monthsary na hindi kami magkasama. Naipakilala
niya na ako sa parents niya kaya malaya akong pumunta sa bahay nila. Hindi ko pa
nga lang siya naipapakilala sa parents ko. Hindi kasi nagkakaroon ng time dahil
ilang buwan ng pabalik balik sina mama at papa sa Alegria bago nila naisipang
manatili na doon.

Natulog ako sa gabing iyon nang may baong determinasyong umuwi sa Sabado. I will
go home for our monthsary! Hindi bale na kung hindi ako makauwi next week. Ang
importante ay makasama ko siya sa monthsary namin.

Maaga akong nagising nung Biyernes. Pumasok ako at nanatili ang pang iinis ni
Hector sa akin.

It's okay, Chesca. Bukas, uuwi ka na kay Clark. Hayaan mo na ang pang iinis ni
Hector. Kaya lang, tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa ay lagi akong
nawawala sa sarili ko.

Naglalakad lakad ako sa tabi ng soccerfield. Malayo pa lang ay kitang kita ko na


si Hector na naglalaro sa covered court. Naka shoot siya at kitang kita ko ang
pagsasayaw ng buntot ng buhok niya habang nag fa-fast break. Tumigil ako at
pinagmasdan siya sa malayp. May grupo ng mga babae na panay ang tili at hiyaw.

"HECTOR! HECTOR! GWAPO MO! HECTOR!" Awit nila.

Hindi naman nawiwindang si Hector doon. Para bang sanay siyang maraming
tumitingala, humahanga at sumasamba sa kanya.

Lumapit pa ako ng konti. Kalaro niya iyong mga kaklase namin sa last subject
ngayong araw. Oo. Tapos na ang klase. Uuwi na sana ako pero naisipan kong gumala
muna. Tutal uuwi naman akong Maynila bukas.

"Hectoooor! YEHEY!"
Page 50
Jonaxx - End This War

Nakashoot ang bruto ng isang 3 points. Nakita kong naka braid ang walanyang buhok
niya sa likod habang sumasayaw ito sa bawat galaw niya.

"Ang galing mo, Hector!" Sigaw ng mga tao.

Natigilan si Hector at bumaling bigla sa akin. Ngumisi siya.

"Tara ayusin natin! Nandito crush ko!" Tumawa siya at mabilis na tumakbo para
mang agaw ng bola.

"WAAA! Sino crush mo, Hector? Ako?" Tumatalon talon ang mga babae sa gilid sa
sobrang kilig sa sinabi ni Hector.

Uminit ang pisngi ko. Ayaw kong mag fe-feeling pero ako ba yung pinaparinggan
niya? Hindi ko alam. Kinagat ko na lang ang labi ko at lumingon ako sa kabilang
side ng court. Humalukipkip si Kathy kasama ang kanyang dalawang chinitang mga
kaibigan habang pinagmamasdan si Hector. Kakarating lang din yata nila.

"Si Kathy siguro yung tinutukoy ni Hector!" Bulungbulungan naman ngayon nung mga
babae sa gilid.

Naistorbo ang pag iisip ko nang biglang sumulpot ang nakangising si Koko sa harap
ko.

"K-Koko, anong ginagawa mo dito?"


"Akala ko umuwi ka na! Buti at nakita kita para sa wakas ay maihatid na kita!"
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko.

Agad kong binawi ang kamay koo.


"Koko, wa'g na. Ako na. Kaya ko namang umuwi mag isa." Malamig kong sinabi.
"Huh? Ayaw mo bang ihatid kita? Kaya ko namang ihatid ka, Chesca." Ngumisi siya.

"Hindi, talaga, ako na."


Kumunot ang noo niya, "May problema ba tayo?"
"Wala! At walang tayo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Chesca," Ngumiti siya. "Nirerespeto ko ang pagpapakipot mo-"


"Hindi ako nagpapakipot."

Medyo bumilis na ang paghinga ko ngayon. Walang kasalanan si Koko, alam ko.
Pinaasa ko siya kaya heto siya at umaasa nga. Pero walang madaling paraan para
Page 51
Jonaxx - End This War
gisingin siya at iparealize sa kanya na nagkamali ako at hindi ko siya gusto. Ito
lang. Ang masakit na katotohanan.

Besides, hindi ako naniniwala na hulog na hulog na siya sa akin. Isang linggo pa
lang kaming magkakilala. Hindi pwedeng agad niya na akong mahal.

"Chesca, alam ko ang ugali ninyong mga babae na nag papa hard-to-get.
Naiintindihan kong mahinhin ka lang kaya mo ako tinatanggihan." Bigla niyang
hinaplos ang braso ko.

Napatingin ako sa braso ko at kinilabutan ako sa haplos niya. Hinawi ko ang kamay
niya at bumaling.

"Koko, hindi. Totoo talaga ito. Hindi ako nagpapakipot."


Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. "Chesca, nag seselos ka ba kasi lumalapit
si Abby sa akin? Nakita mo ba ang paglapit niya?" Umamba ulit siyang hawakan ang
braso ko pero agad akong umatras.
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, Koko."

"Ches, mas maganda ka pa dun. Hindi ko yun papatulan. Ikaw ang gusto ko."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya kaya lang naiirita ako nang sobra sobra.

"Koko! Nirerespeto kita at gusto ko respetuhin mo rin ang desisyon ko."

"CHESCA! Anong pinagsasabi mo! WA'G KANG PAKIPOT!" Umalingawngaw ang desperadong
sinabi ni Koko.

Napatingin agad ako sa mga taong bumaling sa amin.

"God!" Umatras ako sa kahihiyan.

"Respetuhin mo, Koko. Alam ko. I'm sorry kung pinaasa kita pero akala ko biruan
lang yun lahat." Palusot ko. "Hindi ko alam na seseryosohin mo. At ngayon ayoko
na!" Tinalikuran ko siya sa kahihiyan.

Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Chesca, nagpapakipot ka lang." Pag uulit niya.

"Hindi ako nagpapakipot. Hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo dahil hindi
kita gusto." Medyo iritado kong singhal.

"CHESCA!" Tawag niya.


Page 52
Jonaxx - End This War

Hinablot niya ang braso ko. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na maiwasang ipag
tulakan siya.

"A-Ano ba, Koko!" Sigaw ko.

Narinig kong natigil ang laro ng basketball. May iilang lumapit na rin sa amin.

"Anong nangyayari, Koko?" Dinig kong tanong ng isang kaklase namin.

Nagkatinginan kami ni Koko. Nakita kong tuliro siya kahit tinititigan niya ako.
Para bang hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"Isang linggo pa lang, Koko." Paliwanag ko. "Don't tell me you're already in love
with me." Natawa ako sa huling pangungusap na sinabi ko.

It's impossible. Really impossible. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero


naranasan ko na ito noong highschool. Tuwing may mapapalapit na lalaki sa akin,
parating naiinlove sa akin. At sa huli, masasaktan ko lang sila. Naka ilang beses
na ako na ganito. At sa lahat ng mga lalaking iyon, si Koko ang pinaka mabilis.
Isang linggo! Ano yan, isang linggong pag ibig?

"PERO SINABI MO SAKING GUSTO MO AKO!" Sigaw niya.

Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Kumuyom ang kamay ko sa


sobrang inis sa mga narinig.

"Kay bago-bago nag kakalat agad!"

"Narinig mo rin yung landian nila sa canteen, diba? Nilandi niya si Koko."
"Ano kayang nangyari? Siguro paasa lang talaga siya."
"Nagmamaganda naman masyado."

"Karmahin sana."
"Sino ba siya? Alde? May pinsan pala si Teddy na babae? Akala ko yung Craig
lang."

"Ang laki ng ulo. Porket taga Maynila feeling agad na kayang paikutin ang mga
taga probinsya."

Lumingon lingon ako para tignan kung sino ang mga nagsasalita. Nakikita ko ang
mga mukha nilang iritado, galit at mukhang na ooffend sa akin.

Page 53
Jonaxx - End This War

"Tumigil nga kayo!"

Napatalon ako sa lalaking biglang nagsalita. Nasa likod ko siya at naramdaman


kong papalapit siya dahil sa paunti-unting pag dribble niya ng bola.

"Hector! Wa'g kang lumapit sa Chesca na yan! Baka mamaya, tayo naman ang maloko
niyan! Kapal ng mukha. Porket Alde. Papalubog na ang negosyo niyo oy, kaya wa'g
kang feeling." Mataray na singhal ni Kathy sa may likuran ko.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na nakaya niya
iyong sabihin iyon sa harap ko. Tinikom ko ang bibig ko sabay lunok. Nag init ang
gilid ng mga mata ko. Gusto kong magsalita pero nanginig ang lalamunan ko sa
galit.

"Shut up, Kathy!" Pagtatanggol ni Hector.

Napuna ko ang matigas na ingles ni Hector. Para bang sanay na siyang gamitin ang
bawat salitang ito sa buong buhay niya. Doon ko lang nalaman kung anong meron
talaga ngayon. I'm in front of them. All of them. Nakatunganga sila sa akin na
para bang may pinapanood na palabas.

"Walang ka palang kwenta, Chesca." Matabang na sabi ni Koko.


"Koko!" Sigaw ni Hector.

"Wa'g mo nang ipagtanggol, Hector. Bukas ikaw naman lolokohin niyan."

Napapikit ako. Imbes na pagtatampalin ko ang mga taong nasa paligid ay tinulak ko
na lang sila para makadaan ako at makapag walk out.

Enough of this. I'm going back to Manila! At hindi na ako babalik! Wala akong
pakealam kung mamulubi ako doon! Hear that? I HATE ALEGRIA!

WARNING: SPG: Lengwahe.


-----------------------

Kabanata 9
Ang Pinakamamahal Ko

"Chesca, ano na namang gagawin mo sa Maynila?" Sinusundan ako ni mama habang


nilalagay lahat ng gamit ko sa pack bag ni Craig.

Hindi ko makuha iyong luggage na dinala ko dahil nasa kwarto nina mama at hindi
Page 54
Jonaxx - End This War
niya ako pinapayagang lumuwas.

"Ma, ayoko dito. Ayoko!"

"Ha? Akala ko ba maayos ang naging takbo ng linggo mo?"

Pinapanood nila ako ngayong naghahalungkay ng gamit ko sa bag.

"Ano ba, Chesca!" Sigaw ni mama at hinarap ako sa kanya.

Mabilis ang paghinga ko nang hinarap ko siya.

"Doon na ako titira!" Galit kong utas.


"Ikawng bata ka, gaano ba kahirap isaksak sa kokote mo na naghihirap na tayo
dito! Wala na tayong magagawa kundi manatili sa bukid! Pinaputol ko na ang
kuryente at tubig sa bahay natin sa Manila! At ilang buwan na lang, ibebenta na
namn iyon para mabayaran ang Alps!"

Umiling ako, kahit anong sabihin ni mama ay hindi na mapipigilan ang pag alis ko.

"Chesca!"

"Chesca, makinig ka sa mama mo." Mahinahong sabi ni tiya. "Kung sanay


makakapagtrabaho ka doon ng maayos, yung may malaking sweldo, wala kaming
problema!"

Matalim kong tinitigan si tiya.

"Iyon lang ba ang iniisip ninyo? What about my feelings? Paano yung... yung
pakiramdam ko dito sa buong bukid na ito!"

Natahimik sila.

"Anong feelings ang sinasabi mo diyan!" Tumawa si mama na para bang nahihibang na
siya sa pinagsasabi ko. "Francis! Pagsabihan mo nga yang rebelde mong anak!"

Sinarado ko ang zipper ng bag ko at bumaling kina mama at papa.

"Wa'g na wa'g kang umasa sa pera namin para sa pamasahe mo!" Galit na sigaw ni
mama habang si papa naman ay panay ang buntong hininga sa gilid.

Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Nilagpasan ko siya. Sinubukan niyang hablutin


ang braso ko pero nagmatigas ako at kumawala.
Page 55
Jonaxx - End This War

"CHESCA!" Sigaw niya. "May lalaki ka ba sa Maynila! Magtatanan na ba kayo!?"

Natigilan ako sa sigaw niya. Noong highschool pa ako, lagi niyang pinaparinig sa
akin na bawal na muna akong magka boyfriend. Nagsisisi daw siyang hindi siya
nagtapos ng highschool dahil maaga siyang nabuntis sakin. Ayaw daw niyang matulad
ako sa kanya. Kaya kahit pagbisita ng isang lalaki sa bahay ay ipinagbabawal
niya.

Ito ang unang pagkakataon na tinanong niya ako tungkol sa lalaki.

"Ano ngayon kung meron?" Galit kong tanong sa kanya.

Nalaglag ang panga niya, maging si papa ay nagulat sa sinabi ko. Pumalakpak si
Tiya Lucy at tumawa.

"Mayaman ba, Chesca? Baka sakaling pwedeng makautang kapalit ng pagpapakasal


ninyo?"

WHAT?

"Lucy!" Sigaw ni mama kay Tiya.

Umiling ako at tinalikuran silang lahat. I can't believe it. Naiintindihan ko na


desperada na ang buong pamilya ko. Kahit si Teddy at Craig ay desperado na sa
pagsalba ng Alps. Si mama at papa, kahit di nagpapakita ng pagkaka depressed
nila, ramdam ko iyon. Si Tiya at Tiyo ang halatang mas desperada. Patunay nito
ang sinabi ni Tiya, at ang malimit na pagsusugal ni Tiyo.

"Ayokong maligo! Ayokong maligo!" Dinig kong paulit ulit na sinasabi ni lola
Siling sa duyan nang nilagpasan ko siya.

"ARGGHHHH!" Tumakbo na ako kaya nag takbuhan din ang mga manok na palakadlakad at
patuka tuka sa bakuran namin.

Mabilis akong nakarating sa terminal ng bus. Siyam na oras pa ang hihintayin ko


bago makabalik ng Maynila. Alas sais pa ng umaga at nakapwesto na ako sa tabi ng
bintana. Sa wakas, wala na ako dun! Wala na ako sa impyernong iyon! Alam kong
pamilya ko sila at dapat hindi ko ginawa ang pag alis, pero sa ngayon, ang
tanging makakapagpalubag loob sa akin ay ang pakikipag usap kay Clark.

Hula ko, mga nasa alas tres o alas kuwatro ng hapon ako makakarating ng Maynila.
Page 56
Jonaxx - End This War
Kinuha ko ang cellphone ko para ipaalam kay Clark na uuwi akong Maynila. Kung
hindi ako pwede sa bahay, pwes, pupunta ako sa kanyang apartment.

"Battery Empty. Langya." Sabi ko sabay tago sa sarili kong cellphone.


Oo nga pala! Dahil sa pag iyak ko kagabi ay hindi ko na iyon na charge. Ni hindi
ko namalayang hindi kami nakapag usap ni Clark. Ipinagkibit balikat ko na lang
iyon.

Naging matagal ang byahe. Nahirapan ako kasi ito ang unang pagkakataon na babyahe
akong mag isa.

Nawala ang bigat ng dibdib ko nang sa wakas ay naaninag ko ang bukana ng Maynila.
Hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako. Ngayon ko lang napagtanto kung
gaano ko ka miss ang lugar na ito.

Uminit ang mga luhang nagbabadyang lumandas sa gilid ng aking mga mata. Nangatog
ang binti ko. Hindi na ako makapaghintay na pumunta kay Clark. Miss na miss ko na
ang mga yakap niyang maiinit at nakakapagpa secure sa akin.

Nagkakilala kami ni Clark nung highschool. Mahilig na talaga siyasa photography


noon pa man. Hindi kami magkaklase pero isang araw hinarangan niya ako sa school
at pinakitaan ng tatlong candid shots ko.

"You're pretty. I want you to be my model."

Presko ang pagkakasabi niya nun. At ayaw na ayaw ko sa mga presko kaya
tinanggihan ko siya. Pero akalain niyo? Imbes na tigilan niya ako dahil sa
pagtataray ko ay nagpatuloy siya sa pagkuha ng mga candid pictures ko. Dinikit
niya iyon sa mga bulletin board ng school, sa CR, sa corridor at kung saan saan
pa.

Apat kaming magkakaibigang babae, si Janine, Tara, Desiree at ako. Nakilala ko


sila nung nag highschool ako. Maswerte ako kasi medyo may pagka FC si Janine.
Lagi niya akong kinakausap at laging niyayaya kahit madalas akong tumatanggi kasi
awkward. Pero kalaunan ay gumaan din ang loob ko sa kanila. At nang nalaman nila
ang pinaggagawa ni Clark sa akin, nagpasya silang ireto kaming dalawa.

Suminghap ako nang maalala ko ang mga araw na iyon. Wala akong inaalala kundi ang
mga mangyayari kinabukasan sa school, mga school reports, mga tampuhan sa
kaibigan ko, at kung anu-ano pa. Madalas na magkatampuhan kasi sina Desiree at
Janine dahil sila ang pinaka close. Si Janine kasi, medyo rebelde, at si Desiree
naman ay naturingang control freak at may pagka nerdy kaya madalas silang di
nagkakasundo kahit magbestfriends ang dalawa.

Miss na miss ko na rin ang mga babaeng iyon! Gusto ko sana silang makita, kaso
low bat ako at di ko alam kung saan sila tumatambay ngayong nasa isang
unibersidad na sila para mag aral.
Page 57
Jonaxx - End This War

Kumain muna ako dahil nalipasan na ako ng gutom sa byahe. Narealize ko ring pwede
pa akong magbagal dahil mukhang busy si Clark ngayon sa kanyang gig.

Nang gumagabi na, narealize kong pupunta na lang talaga ako sa apartment nina
Clark. Hindi bale na kung hindi pa siya nakakauwi o ano, ang importante ay nandun
na ako.

Inilatag ko na sa isipan ko ang mga gagawin ko habang nandito ako. Una kong
gagawin ay maghanap ng trabaho. Alam kong welcome na welcome ako sa apartment ni
Clark. Madalas naman ako doon, noon. Hindi nga lang pwedeng makitira dahil...

"Ayaw ko talaga sa live in live in na yan. Kung gusto niyong magsama, pakasal
kayo!" Dinig kong bulalas ni mama sa kay Tiya nang minsang lumuwas sila sa
Maynila.

Narinig kasi nilang nag li-live in na daw yung isang kaibigan ni Teddy at yung
girlfriend niya. Hindi iyon pwede kay mama. Nagsalita siya! Siya nga itong
nabuntis habang nag aaral sa highschool! Oh well, kaya nga hindi ko siya
gagayahin, diba? Dahil sa takot kong matulad kay mama, halos tumagal pa ng
tatlong buwan bago ako nahalikan ni Clark. At hanggang doon lang kami. May
respeto naman siya sa akin kaya hindi niya ako pinipilit. Pero maiintindihan ba
iyon ni mama na puro "DELIKADESA, KALINISANG-PURI AT PAGKASOLTERA" ang tanging
pangarap para sa akin?

Yes. Pwera lang kay Craig. Aniya'y malayo ang mararating ni Craig. Hindi ko lang
alam kung ano ang naging basehan niya doon.

"Ang mga lalaki kasi yung nagdadala ng estado sa buhay. Kung mayaman ang lalaki
at pobre ang babae, aangat ang babae kasi pinakasalan niya iyong mayamang lalaki.
Samantalang, babae ang pabigat." Sabay tingin ni mama sa akin.

Alam kong sumasang ayon si Tiya dito sahil tumatango siya. Ngunit nang nakita
niyang nakatingin siya sa akin ay umiiling siya na parang disappointed. Hindi ko
alam kung anong meron.

"Pabigat kasi pag isang mayamang babae ang makakapangasawa ng pobreng lalaki,
hindi aangat ang lalaki, mananatili siyang pobre, at hahatakin niya pabagsak ang
babaeng napangasawa. In short, silang dalawa na ngayon ang mahirap."
Hindi ko alam kung ilang beses niya na iyong nasabi. Ang alam ko lang ay hindi
iyon ang huling beses. Pabalik balik niya iyong sasabihin, lalo na pag nasa
paligid ako.

Or probably that was before... Yung mga panahong walang kaagaw sa Alps. Yung
panahong considered pa kami bilang mayaman.

Page 58
Jonaxx - End This War
Kumatok ako sa pintuan ng apartment ni Craig. Walang sumagot.

"Walang tao. Dito na lang ako." Niyakap ko ang sarili ko.

Lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas. Lumalalim na rin kasi ang gabi.
Nilingon ko ulit ang pintuan niya at nagbakasakaling bukas. Pinihit ko ang
doorknob at nagulat ako nang bukas nga ito.

"Lucky!" Tawa ko.

Nakita ko agad ang sapatos ni Clark na nakalagay sa rug. Parang nagmamadali sa


pag iwan ng sapatos si Clark ah. Siguro sumakit ang tiyan?

Tumawa ako nang maalala ang isang araw na nagka LBM kaming pareho. Umiling ako at
inayos ang sapatos niya.

Isosorpresa ko siya! Siguro nasa loob siya ng kwarto o di kaya sa banyo. Ngumisi
ulit ako at nilapag ang pack bag ko sa sofa. Kumunot ang noo ko nang may nakitang
pink na scarf sa sofa. Ipinagkibit balikat ko iyon.

Anong gagawin ko para kay Clark? Ipagluluto? Wala akong alam na lutuin. Ganun din
siya. Kaya naman panay ang aral ko. Pag pi-prito pa lang ang alam ko. Kaya iyon
siguro ang gagawin ko. Nag stretch muna ako bago tumungo sa kusina.

Pero bago ako nakarating doon ay dumaan muna ako sa kwarto niya. Hindi ko naman
sana iyon bubuksan, kaya lang...

"Ahh... Ahh..." Dinig kong boses ng isang babae.

Unti unti kong naramdaman ang pamimigat ng dibdib ko. Mas mabigat pa sa
naramdaman ko nang umalis ako sa Alegria. Siguro ay dahil alam kong, kahit anong
mangyari, kaya kong bumalik sa pamilya ko... Pero ito? Hindi ko na ito babalikan
kung tama ang hinala ko.

Natigilan ako. Nagbara agad ang lalamunan ko nang narinig ko ulit ang ungol ng
isang babae.

"AHH! Clark! Ahhh! Sige-Ahh!"

SHIT! FUCK!? Lumipad ang kamay ko sa bibig ko at namuo ang luha sa mga mata ko.

Page 59
Jonaxx - End This War

"Ahh! Clark! Ang sarap!"

Mabilis kong pinihit ang doorknob at padabog kong tinulak ang pintuan para
maabutan lang si Clark, nakapatong kay Janine at pareho silang hubo't-hubad.

Umiling ako.

"FUCK YOU!" Halos mapaos ako sa sigaw ko.

Namutla si Clark. Si Janine ay napatihaya at napakagat labi.

"FUCK!"

Tiningnan ko ulit si Clark na ngayon ay nagmamadaling isoot ang kanyang boxers.


Ang inuwian ko! Ang pinakamamahal ko! SHIT LANG! SHIT NA SHIT!

Kabanata 10
Lubayan Mo Ako

Mabilis siyang pumunta sakin. Hahawakan na sana ni Clark ang mga braso ko dahil
nanginginig ako sa galit pero napaatras ako sa pandidiri.

"FUCK YOU, DON'T YOU DARE TOUCH ME!" Sigaw ko.

Natigilan siya at napalunok. Wagas ang pagkasuklam ko sa kanilang dalawa. Sa kay


Clark na hanggang ngayon ay namumutla parin siya. Tuliro siya at halatang
nagugulantang parin sa biglaang pagsulpot ko.

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Clark at kay Janine. Hindi parin umaalis si
Janine sa kama ni Clark. Nandoon lang siya at gulantang na nakatingin sa amin
habang nakatapis lang ng kumot.

"MGA HAYUP KAYO!" Sigaw ko.

"Chesca, Let me explain!" Ani Clark.


Halos matawa ako sa sinabi niya.

Iyon lagi ang linya ng mga cheater. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito sa
Page 60
Jonaxx - End This War
akin. Tatanggapin ko sana kung nag landian lang ang dalawa... shit, right?
Tatanggapin ko! Pero itong may ganitong eksena na sa utak ko, hindi ko matanggap!
Nasusuka ako! Bumabaliktad ang sikmura ko! At hindi ko alam kung kaya ko pa ba
silang tanggapin sa buhay ko.

Sinubukan ulit ni Clark na hawakan ako dahil panay na lang ang tulo ng luha ko at
tingin sa kanya ng matalim.

Sinampal ko agad siya. Isang sampal na galing pa sa baba kaya naman agad pumula
ang kanyang pisngi. Hindi ko maalala kung nakasampal na ba ako ng tao noon pero
ito na yata ang pinaka di makakalimutang sampal na ginawa ko.

Naiiyak na humarap si Clark sa akin.

"Ches, I'm sorry. Honey."


"FUCK YOU, CLARK JOSON! FUCK YOU, CAMPOS!" Halos mapaos ako sa pagsisigaw ko.
"Mga baboy kayo-"
"Sorry, honey-"

Nairita ako kaya tinadyakan ko na agad ang maselang bahagi niya. Napayuko siya at
napadaing sa sakit.

"Wa'g mo akong ma honey-honey, tangina mo!" Hindi ko na napigilan ang pagmumura.


Masyado na akong nadala at nandiri. "Shit, Janine!" Bumaling ako sa kaibigan kong
nakatunganga parin doon. "Alam kong makati kang babae pero..." Umiling na ako at
bumuhos ang luha ko.

"Ches..." Umiling din siya at umiyak.


"WALANGYA KA!" Sigaw ko sabay sugod at hila sa buhok niya. "Wala kang karapatang
umiyak!"

"Chesca, tama na!" Sigaw ni Clark.

Hinawakan ko ang buhok niya at hinila siya paalis ng kama. Kumalabog ang sahig
dahil sa pagkakahulog niya sa kama. Tumambad ulit sa akin ang hubo't-hubad niyang
katawan.

Nag dilim na talaga ang paningin ko lalo na nang hinawakan ni Clark ang braso ko.
Binitiwan ko ang buhok ni Janine at binalingan si Clark para sampalin ulit.

"Let me explain!" Pag uulit niya.


"SHIT! FRANCESCA!" Sigaw ni Janine na ngayon ay nakahandusay ang kalahati ng
katawan sa sahig at ang kalahati sa kama.

Page 61
Jonaxx - End This War
"Explain mong mukha mo! Walangya ka! Monthsary natin ngayon, Clark!" Hindi ako
makapaniwalang sa galit ko ay nakaya ko paring humagulhol at magdamdam. "One year
and a month. Isang linggo. Isang linggo lang akong nawala!" Sigaw ko.
"Chesca," Mahinahong sambit ni Clark. "Pag usapan natin 'to. N-Nabigla lang ako.
Nakainom k-kami galing event. Nagkayayaan-"

Pinunasan ko ang luha ko.

"Kahit na sabihin mo sakin ngayong na possess ka lang ng demonyo, nothing will


change my mind, Clark."

Nilagpasan ko siya pero sinundan niya ako. Hinarap ko ulit sila at tiningnang
mabuti.

"Napaka walang hiya niyo." Mas mahinahon kong sinabi. "Grabe. Hindi ako
makapaniwala." Lumandas ulit ang mga luha ko.

Umalis ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag hugas ng braso. Gusto ko nga
sanang maligo pero ayoko ng magtagal sa bahay na ito.

"Chesca, I'm sorry." Nasa likod ko ulit si Clark, ngayon ay nakabihis na.

Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lang siya hanggang sa nakabalik akong sala
at kinuha ko ang bag ko.

"I'm sorry... Ches, please, nagmamakaawa ako. Please. Gagawin ko ang lahat.
Please!" Pumiyok ang boses ni Clark. Ang boses ng taong pinakamamahal ko.

Parang pinipiga ang puso ko. Nababasag ito ng paunti-unti sa bawat segundong
lumilipas. Hindi ko kaya. Nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi
pa nag iisang oras o nag tatatlumpung minuto man lang pero ganito na agad ang
nangyari.
"I'm sorry din, Clark. Wala na tayo." Matigas kong sinabi.

"CHES! Please... please... maawa ka sakin. Hindi ako mabubuhay kung wala ka.
Ches..."

Hinawakan niya ang pants ko pero dama ko ang panghihina niya dahil hindi niya na
mahawakan ng maayos iyon. Nakawala ako. At padabog kong sinarado ang pintuan.

Lumabas siya para habulin ako. Pero hindi ko siya pinansin. Parang konsensyang
bumubulung bulong sakin habang naglalakad palayo.

Page 62
Jonaxx - End This War
"Ches, maawa ka. Chesca, please, mahal na mahal kita."

Bawat banggit niya sa pangalan ko ay parang ginigiba ang puso ko nang


paunti-unti. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya.
Mahal ko siya at kung babalik ako sa kanya sa gitna ng kanyang pagkakamali,
palagi ko itong dadalhin. Palagi ko iyong maisusumbat sa kanya. At hindi na ulit
maayos pa... hindi ko na maibabalik ang noon. Ayoko na.

"Good bye, Clark!" Matapang kong sinabi at sumakay na agad ng jeep.

Umiiyak ako sa loob ng jeep. Sa pag baba at pag sakay ulit ng isa pang jeep
patungo sa terminal ng bus ay umiiyak parin ako. Gabing gabi na at kumakalam na
ang sikmura ko. Ilang beses akong malilipasan ng gutom sa araw na ito? At ilang
beses akong masasaktan?

Bagay lang ito sayo, Chesca. Na karma ka agad. Iyan ang nangyayari pag tinatakwil
mo ang pamilya mo. Yan... Naka isa sila sayo. Si Clark na buong akala mo'y mahal
na mahal ka ay pinagtaksilan ka pagkatapos mong balewalain ang pamilya mo.

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong ng isang Ale na nakatabi ko sa jeep.


Ngumisi ako, "Okay lang po."

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong luha. Masyado ng makapal ang mukha ko para
umiyak na lang nang umiyak sa loob ng jeep, hindi inaalintana ang mga nagtatakang
titig ng ibang pasahero.

Konti na lang ang pera ko pero makakauwi pa naman ako kung di mahulog ang isang
piso. Hindi na rin ako kakain ng kahit kendi para makauwi ako ng Alegria.
Nakakatawang isipin na tinatawag ko ng 'pag uwi' ngayon ang pag punta ng Alegria.

Sa huli, ang pamilya parin ang takbuhan. Kahit anong takwil natin sa kanila, sila
parin ang mababalikan natin. Bakit ba ngayon ko lang ito naisip? Bakit ba inisip
ko noong mapagkakatiwalaan ko si Clark?

Bumuhos na naman ang luha ko kasabay ang pag buhos ng ulan sa labas ng
tumatakbong bus. Naaalala ko na naman ang mapupungay na mata ni Clark, ang
kanyang magulong buhok at ang malalim na dimple na lumilitaw tuwing ngumingisi
siya sa akin. Ang bawat haplos niyang marahan... shit! At yung mismong haplos na
iyon ang humaplos din sa katawan ng kaibigan ko! Hindi ko iyon matanggap. Humikbi
na lang ako at tinakpan ang bibig habang nakasandal sa bintana ng bus.

Hindi ko alintana ang gutom ko nang dumating ako ng alas sais ng umaga sa
Alegria. Naalimpungatan ako at agad pumara nang nakitang lumagpas na ako sa
terminal na dapat kong binabaan. Ang resulta ay napadpad ako ngayon sa boundary
na ata ng susunod na probinsya. Umaambon at wala akong dalang payong. Alam kong
basa ang loob ng pack bag ko. Yung cellphone ko lang ang siniguro kong ilagay sa
Page 63
Jonaxx - End This War
loob ng cellophane.

"Malas!" Sigaw ko sabay sipa sa bato sa gilid ng kalsada ng Alegria. "I freaking
hate boys!" Sigaw ko nang may isang naglalakong lalaki na kumikindat kindat sa
akin.

Sinimangutan ko siya. Nasa pagitan naman namin ang kalsada kaya naglakas loob
akong irapan siya. Nakita kong tumawa siya at nanlisik ang kanyang mga mata.

"LECHE!" Napasigaw na ako nang bigla siyang tumawid ng kalsada at bahagyang


tumakbo para sundan ako.

Tumakbo din ako ng sobrang bilis sa kaba ko. Shit! Mari-rape na ba ako? Shit!
Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko! Panay parin ang takbo ko at nadarama ko
na ang kamay na hihila sa akin pabalik sa kanya kung sakaling maabutan niya ako.

Pero habang tumatakbo ako ay umalingawngaw ang tawa niya sa malayo. Bumagal ang
takbo ko sabay baling sa lalaking malayo na sa likuran ko. Tumatawa siya at
umiiling. Para bang tuwang tuwa siya kasi takot na takot ako.

Nanghina ang tuhod ko at mas lalo akong mapaiyak. Umalis ako ng Alegria dahil sa
nangyari sa amin ni Koko, bumalik ako para kay Clark at umalis din dahil sa
kanya, ngayon pagkabalik ko ng Alegria ay may lalaking manti-trip sa akin? At
nung isang araw lang ay muntik na akong nasaksak nang sinuyupan ni Cell na
holdaper na iyon!

"MAMATAY SANA ANG MGA LALAKI!" Sigaw ko sabay mura ng malulutong. "Pakshit! Mga
walang hiya! Sa mga libro ko na lang ata matatagpuan ang isang mabuting lalaki.
Wala na iyon sa totoong buhay."

Humagulhol ulit ako habang naaalala yung pagkapatong ni Clark kay Janine.
Nakakainis din pala ang mga babae. Pero, come on... Si Clark itong committed.
Kung hindi siya nagpatianod kay Janine para sa akin, dapat hindi ito nangyari. He
just didn't love me enough... His love wasn't enough. I wasn't enough. Nothing is
enough. We always need more.

Boys need more than what you can give. Patuloy ang cycle na iyan. Hindi na iyan
mawala sa susunod pang henerasyon. Cliche na lang ang bawat pagtataksil dahil
iyon ang paulit-ulit na nangyayari.

"Mamatay ka!" Sigaw ko at pumikit sa galit.

Lumakas ang ulan. Kasabay niyon ang pagkarinig ko ng mga kabig ng hayop sa
likuran. Nung una akala ko mga kalabaw na nakawala sa di kalayuang rancho, pero
nang nilingon ko at tumigil iyon sa harapan ko. Nagulat ako kung sino ang aking
nakita.

Page 64
Jonaxx - End This War
"Tsss." Inirapan ko agad.

Isa pa ang isang ito. Ayoko na talaga. Alam kong masamang mag generalize, pero
hindi ko na maiwasan iyon. Kasi hindi lang ako ang nakaranas ng ganitong sakin.
Hindi ako ang unang babaeng nasaktan ng isang lalaki, at hindi rin ako ang
magiging huli. Marami pa kami. At cliche na ang umasa na may darating pa ngayong
nakita mo na sa experiences ng iba na wala na.

Napaawang ang kanyang bibig habang tinititigan akong mabuti. Umirap ulit ako at
umiling sa kanya. Hindi parin siya nagsasalita. Para bang may gusto siyang
sabihin pero hindi niya iyon masabi sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi bago
bumaba sa puting kabayong basang basa na rin sa ulan.

Nakita ko ng mas maayos ang kabuuan ng katawan niya. Oo, dahil nakatopless na
naman siya ngayon. Basag basa ang kanyang buhok sa ulan at ang naka braid niyang
buntot ay namamahinga sa balikat niya. Sa dulo ng kanyang buhok, tumutulo ang mga
patak ng ulan pababa sa perpektong hubog ng katawan niya. Halos tumunganga ako sa
muscles niya sa braso at sa bawat bitak ng kanyang dibdib. Those perfect pecks
and those tight burning abs... Shit! Nalilimutan ko ang problema ko! Lalo na nang
bumaba pa lalo ang tingin ko. Maganda ang katawan ni Clark, pero hindi ganito ka
kisig. Iyong tipong tinitingnan mo pa lang na lo-loose thread na ang panty mo. At
hindi ko gusto ang pagiging mahalay bigla ng utak ko ngayon.

Oh those perfect tight burning abs. Halos umaaso pa ito dahil sa lamig ng mga
patak ng ulan.

Nang napatingin ako sa kanyang mukha ay tumataas na ang kanyang kilay.

"Ano? Uuwi ako sa amin!" Galit kong sinabi para pagtakpan ang paninitig ko sa
kanya.

Iginala niya ang paningin niya sa akin.

"Bakit ka n-nagpapaulan? At saan ka galing?" Medyo galit niyang tanong.


"Tss." Natawa ako sa tanong niya at umirap ulit. "Anong pake mo?" Nilagpasan ko
siya.

Umismid siya at kumunot ang kanyang noo, "Chesca!" Tumaas ang tono ng boses niya.
"ANO?" Pagalit kong singhal. "Lubayan mo nga ako!"
Bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napaharap ako ng mas malapit sa katawan
niya ngayon. Pumikit siya ng mariin at nag igting ang kanyang mga bagang bago
dumilat.

Naramdaman ko agad ang init ng kanyang katawan. Halos ibalot ako nito. Halos
manghina ako. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko pero parang humuhupa iyon bigla
dahil sa bilis ng palatak ng pusong traydor ko.
Page 65
Jonaxx - End This War

I said I hate boys. I SHOULD AVOID BOYS! Hindi pwedeng ganito. Eto na naman tayo,
nagsisimula na naman tayo pero hindi ko mapigilan ang bilis ng pintig ng puso ko.
Nasasanay na yata itong magwala pag nandyan si Hector.

"Bakit kita lulubayan kung hindi ko kaya?" Mariin niyang sinabi.


Kabanata 11

Abbadon

Napangiwi ako sa linya niya. Binawi ako ang brasong hinahawakan niya.

"Tigilan mo ako, Hector." Sabi ko at tinalikuran ulit siya.

Aktong pagkatalikod ko ay hinawakan niya ulit ng mas mahigpit ang braso ko.
Napaangat talaga yung braso ko kaya binalingan ko ulit siya. Kahit na umuulan at
sobrang lamig ay nag init ang galit sa kaloob looban ko.

I HATE BOYS AND YOU ARE NOT AN EXCEPTION! Kahit na gwapong gwapo ka (despite sa
buhok mong may buntot) at sobrang angas ng katawan mo ngayong mamasa-masa ito sa
harapan ko, hindi kita patatawarin.

Para siyang napaso nang hinarap ko ulit siya. Nanghina ang kamay niya at parang
nasilaw sa akin. Nag iwas siya ng tingin at nagmura ng malulutong.

"Minumura mo ba ako?" Galit kong untag nang nahuli siyang pumu-putang ina sa
gilid.

Nanliit ang mga mata ko at hinuli ko ang titig niya. Napatingin siya sa akin at
pumikit ulit at nag mura. Nilayuan niya ako at may kinuha siya sa gilid ng kabayo
niya. Isa iyong itim na t-shirt.

"May t-shirt ka pala, ba't ka naghuhubad? Tsss. At minumura mo ba ako?" Galit


kong untag.

Hinarap niya ako at agad pinulupot ang t-shirt niya sa katawan ko.

"Mababasa din naman ako, ba't pa ako mag aabalang mag t-shirt." Medyo tuliro niya
pang sinabi.
"Oh!? Mababasa rin naman ako, ba't ko pa kailangan ng karagdagang t-shirt?"

Page 66
Jonaxx - End This War
Tinanggal ko iyon at ibinigay ulit sa kanya. Hindi na naman masyadong malakas ang
ulan, at isa pa, basang basa na ako kaya wala ng kwenta.

"PWEDE BA!" Kinagat niya ang kanyang labi at iginala ulit ang paningin sa katawan
ko bago niya pinilit sa akin ang t-shirt niya. "KITANG KITA KO DITO ANG PULA MONG
BRA!"

Nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko umalis na lang bigla ang kaluluwa ko sa
aking sarili. Tinraydor ako ng kaluluwa ko at iniwan sa ere. Nangatog ang binti
ko. Hindi ko alam kung ititikom ko ba ang bibig ko o magsasalita ako.

Umirap na lang ako at hinayaan yung t-shirt niya sa akin. Tinalikuran ko siya at
nagsimula akong maglakad ng mabilis palayo.

Gusto ko na lang lamunin ako ng damo dito sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumuhod
at maging tubig papuntang lupa at hindi na magpakita pa ulit. Mas lalo lang
naging malala ang pakiramdam ko nang sinilip ko ang puting t-shirt ko at naaninaw
ko ang pulang bra kong kitang kita.

"Chesca!" Sigaw ni Hector.

Sumusunod na pala siya. Ang hayup! Sumakay pa siya sa kabayo niya at kinakabig
niya ito sa tabi ko.

"Sumakay ka na dito. Ihahatid kita sa bahay namin o kina Aling-"

"Shut up! I don't need your help."

I don't need a man. I don't need you.

"Kaya kong umuwi."


"Kung ganun, ihahatid kita sa inyo." Matama niyang sinabi.
"Tsss! Kaya kong umuwi mag isa." Iritado kong sinabi.

Mas mabilis akong naglakad ngayon. Medyo malayu layo pa ang sentro. Pero siguro
pagkatapos ng kahabaan ng kagubatang ito ay may makikita din naman akong
tricycle.

"Sumakay ka na sakin, Chesca!" Masuyong sinabi ni Hector.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung epekto ba ni Janine at Clark yung
Page 67
Jonaxx - End This War
mahalay kong pag iisip o ano... Lintik! Naalala ko na naman yung eksenang
sumasakay si Clark kay Janine!

"TIGILAN MO NGA YANG BUNGANGA MO, HECTOR!" Halos sinugod ko siya sa sobrang inis
na naramdaman ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

"TUMIGIL KA AT NAHAHIGH BLOOD AKO HA!"

Narealize ko agad na nakaawang ang kanyang bibig ngayon at biglang bigla sa pag
aalburuto ko. Iniwan ko siya doong biglang bigla sa burst out ko. Buong akala ko
ay na offend ko na siya at tumigil na rin siya sa kakahabol sa akin pero
nagkakamali ako.

Sa sobrang bilis ng lakad ko ay nadulas ako sa putik.

"ARAY!"

Ang malas ko talaga? Bakit mabilis ang karma sa akin at mabagal iyon dumating sa
ibang tao!?

Ang sakit ng pwet ko dahil iyon ang unang tumama. Punong puno ng putik ang pwet,
likod, binti at tuhod ko. Nag splash kasi yung mga putik na naupuan ko. At nang
sinubukan kong punasan ang mukha ko dahil sa buhok kong sumagabal ay halos
makakain na rin ako ng putik galing sa braso ko.
"SHIT LANG HA! WOW HA!" Tumatawa ako kasi nababaliw na ako.

Hindi ko talaga kinaya ang kabalbalang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko may


kumukulam sa akin kahit na ako naman dapat yung nang kukulam ng mga tao dito.
Nakakawalanghiya!

"ANO BA, CHESCA!" Sigaw ni Hector sabay pulupot ng kanyang braso sa baywang ko.

Sumunod siya! At hindi niya lang ako pinatayo, sa isang hawi lang sa binti ko ay
nabuhat niya na agad ako.

"HECTOOOOR!" Sigaw ko sa sobrang kalabog ng puso ko.

Hindi ito kumakalabog dahil kay Hector, ah? Kumakalabog ito dahil nininerbyos ako
sa ginawa niya. Nilingon ko agad ang naka dapang puting kabayo sa gilid niya.
Page 68
Jonaxx - End This War

"Good boy, Abbadon!"

Tumunganga na ako dahil nakasakay na siya sa nakadapang kabayo ngayon habang


buhat buhat niya ako.

"AYOKO!" Sigae ko pero di ako gumalaw sa takot na magwala ang kabayo niya.
"Tumigil ka, Chesca. Magagalit si Abbadon. Tatadyakan ka." Humalakhak siya.

Matalim ko siyang tiningnan. Kinagat niya ang kanyang labi habang ngumingisi sa
akin. Gusto ko siyang sapakin pero natatakot akong konting galaw lang namin ay
maistorbo ang kanyang kabayo.

Pinilig niya ang kanyang ulo at nag iwas ng tingin sa akin.

"Ano ba, Hector! Ibaba mo ako dito!" Utos kong di niya dininig.

Tinapik niya ang kabayo at agad itong tumayo sa pagkakadapa.

"Sige, subukan mong bumaba, mahuhulog ka, Chesca. Pag iiwan mo ako, mahuhulog
ka."

Kahit umaambon na lang ay para akong giniginaw sa pag tindig ng balahibo ko.
Napalunok ako at hinigpitan ang hawak sa bag kong inilagay niya sa harapan ko.

"Kumapit ka kung ayaw mong mahulog." Bulong niya sa akin sabay hawak sa pisi ng
kabayo.

Ito ang unang pagkakataong nakasakay ako ng isang kabayo kaya hindi ako huminga
dahil sa sobrang takot ko. Nanigas na yata ako habang patalon talon itong
tumatakbo sa gilid ng kalsada.

"Relax." Humalakhak si Hector sa tainga ko.


"Tumigil ka, ha! Lumayo ka nga ng konti!" Sabi ko habang nag coconcentrate sa pag
galaw ng kabayo. "T-Tsaka wa'g ka ngang bumubulong sa tainga ko!"
"Sungit." Humalakhak siya at mabilis pang pinatakbo ang kabayo.

LECHE! Gusto kong magmura pero sa sobrang takot ko ay wala na akong ginawa kundi
kumapit ng mahigpit sa braso niya.
Page 69
Jonaxx - End This War

"Kapit pa, Chesca." Bulong niya habang bumibilis ang takbo ng kabayo.
"ANO BA? W-Wala namang horse race, ah? Ba't ang bilis?" Inis kong sinabi.
"Pag di ko binilisan magkakasakit ka." Aniya.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero kalaunan ay imbis na pagtuunan ko
ng pansin ang kabayo ay bumaling na ako sa tanawin. Una kong nakita ang taniman
ng tubo. Matataas ang mga tubo at unang tingin ay parang mais na mas malaki.
Nakakatakot tingnan dahil madilim kung papasukin ang buong taniman dahil sa
nagtatayugang mga tubo. Ang sumunod ay taniman ng palay at mais, common ito sa
Alegria. May nakita akong ganito sa unahan ng sentro. Mas malawak iyon sa palay
at mais dito. Ang sumunod ay taniman ng mangga, pinya, strawberries at kung
anu-ano pang prutas.

Nasa teritoryo ba kami ng mga Dela Merced? Kung ganun, bakit puro prutas ang nasa
ranchong ito? Asan na ang mga kambing na pinapastol ni Hector?

Iniliko niya pa iyon at mas marami pa akong tanawing nakita. Mabilis ang takbo ng
kabayo pero hindi parin natatapos ang tanawin na nakikita ko.

Bumagal lang ang takbo ng kabayo nang may natanaw akong isang magandang pero
lumang bahay. Hindi ito ang mansyon nila dahil sa pagkakaalam ko ay nandoon iyon
malapit sa gazebo na napuntahan namin. Sa gitna ng sentro at ng lugar na iyon.

Itinigil ni Hector ang kabayo sa harapan ng bahay. Agad siyang bumaba. Nakita ko
agad ang ebidensya ng putik sa likod ko, balot na din ang buong katawan niya ng
putik. Naglahad siya ng kamay at ngumisi.

"Nasan tayo?" Tanong ko.


"Alegria." Kibit balikat niya.

"Wa'g kang pilosopo!" Inirapan ko siya.


"Nasa bahay nina Aling Nena." Hindi parin natanggal ang kamay niyang kalahad.
"Tanggapin mo ang kamay ko."

Hindi ko iyon tinanggap, imbis ay sinubukang bumaba mag isa. Halos maka split ako
dahil sa taas ng binabaan ko galing sa likod ng kabayo. Muntik na rin akong
mabungal, kung hindi lang ako agarang sinalo ni Hector.

"Sabing tanggapin mo ang kamay ko kung ayaw mong mahulog."

Nakahawak siya sa kamay ko at matama akong tinitingnan sa mga mata. Pa-fall din
ang isang ito, ha? Hindi naman sa na fo-fall ako. Pero kung isang mahinang babae
at nawiwindang sa kagwapuhan at sa mga salitang binibitawan lang ako,
Page 70
Jonaxx - End This War
paniguradong kanina pa ako bumigay.

"Tumigil ka, Hector!"

Umangat ang labi niya at kinagat niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang
nakitang magkahawak parin ang kamay naming dalawa. Maging ako ay namilog ang mga
mata. Tinanggal niya agad ito at nag iwas siya ng tingin.

"Shit." Nilagpasan niya ako habang nagmumura pa.

Adik ba iyon? Hindi ko alam.

"Hector, ikaw ba yan?" Boses ng isang matanda ang narinig ko.

"Opo, aling Nena. Pwede po bang maligo?" Tanong niya.

Sumunod ako habang binibitbit ang medyo maputik na ring bag.

"Kukuha lang po ako ng damit sa cabinet." Aniya.

Nakita ko ang isang matandang medyo naging kuba na dahil sa katandaan. May
sungkod ito at nakaupo lang sa isang cottage sa labas ng kanyang bahay.

"O, sige, sige. Diyan ka na sa poso." Sabay turo ng matanda sa isang poso sa
bakuran.

No. Way.

"A-Ah!" Tumawa si Hector at nilingon ako bago nagsalita sa matanda, "May kasama
po akong babae, Hindi siya pwedeng maligo diyan, Aling Nena. Pwedeng sa loob po
siya? Ako na lang dito."
"Babae? Sino? Si Kathy ba iyan?" Tanong ng matanda.

Hello? Ang layo ko kaya sa pagmumukha ng Kathy'ng iyon! Mukhang di na yata


nakakakita masyado ang matanda dahil kahit anong panliliit ng kanyang mga mata ay
hindi niya ma figure out na hindi ako si Kathy.

"Hindi po."

At isa pa... palagi niya bang kasama si Kathy at bakit wagas makapag conclude si
Aling Nena?
Page 71
Jonaxx - End This War

"Si Francesca Alde, po."


Kinilabutan ako sa sinabi ni Hector.
"At sa loob na lang po siya, ayoko pong mabosohan siya ng mga trabahador." Matama
niyang dinagdag.

Natahimik sandali ang matanda bago nagsalita, "Wala naman akong kapitbahay,
Hector. At wala naman sina Isko ngayon kaya pwede siya sa poso. Walang mamboboso
sa kanya ngayon."
"Ayoko po! Sa loob na po siya."

Napaawang ang bibig ng matanda at patuloy akong tinitingnang mabuti. Kumalabog


tuloy ang puso ko. Tiningnan ako ni Hector na ngayon ay seryoso ang tingin.

"Tara na, Chesca, sa loob ka na maligo." Aniya.

Kabanata 12
Kapag Hinihimas, Nagagalit

Pumasok ako sa loob ng lumang bahay. Mabuti na lang at nakita kong maayos naman
ang banyo nila. Nagpupunas si Hector ng putik galing sa sarili habang ako naman
ay ineexamin ang loob ng banyo.

Wala akong damit na maisosoot. Meron sa bag ko, pero puro iyon basa dahil sa
ulan.

"Yung damit ko na lang ang sootin mo. May mga damit ako sa taas. Kukunin ko
ngayon."

Nilingon ko siya at akto kong nakita ang matamang pagpupunas niya sa kanyang abs.
Kinunot ko ang noo ko habang pinagmamasdan siyang nagpupunas sa kanyang tight
burining abs.

Ngumisi siya nang nakita ang pagtunganga ko sa dibdib niya kaya nag iwas tingin
agad ako.

"Okay, maliligo na ako."

Pumasok na agad ako sa banyo at sinarado ang pinto. Bumuntong hininga ako. Hindi
ko alam na kanina pa pala ako nagpipigil ng pag hinga. Damn that abs! Ilang taon
na siya? Mag ka age lang kaming dalawa, diba? Siguro ay nasa 18 o 19 na siya,
pero grabe yung hubog ng katawan niya. Parang yung nakikita ko na foreigner
models sa magazine.

Page 72
Jonaxx - End This War

Pinilig ko ang ulo ko at nagsimulang maligo. Mabuti na lang at hindi gaanong


nabasa ang bra at panty ko sa loob ng bag kaya naisoot ko rin ito pagkatapos
maligo.

Habang nag aayos na ako ay naaalala ko na naman ang nangyari sa Manila. Nahuli ko
si Clark at Janine na may ginagawang milagro sa kama. Hindi ko ata kaya yun.
Sumisikip ang dibdib ko tuwing naaalala iyon. Lalong lalo na tuwing naaalala ko
ang pagsisisi sa mga mata ni Clark, ang pagmamakaawa niya at lahat na.

Napatalon na lang ako nang may kumatok sa pinto.

"SINO YAN?" Galit kong sigaw.

Bwisit ha, nag eemote pa ako dito at biglaang may kakatok.

"Nandito sa labas ang tuwalya at damit ko. Grabe, kahit may pagitan tayo ang
sungit mo parin." Humalakhak siya.

Umirap naman ako sa loob at dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko sa
isang silya ang mga sinasabing damit ni Hector.

Napangiwi ako nang isa iyong puting t-shirt at isang jersey shorts. Okay na yung
puting t-shirt pero di ko ata maatim magsoot ng jersey shorts. Hinalukay ko agad
ang bag ko para maghanap ng medyo tuyong shorts. Mabuti na lang at nakahanap nga
ako. Konti lang ang basa niya dahil nasa ilalim siya. Kaya iyon ang sinoot ko
kasama ang puting printed t shirt na kalaunan ay narealize kong medyo masagwa ang
print.

"Kapag hinihimas, nagagalit." WHAT THE?

Anong klaseng print ito? Malaki ang t-shirt sakin, halatang panlalaki. Lumagpas
nga iyon sa shorts ko kaya kung hindi mo ako titingnang mabuti, aakalain mong
wala akong pang ibaba. Well, I have no choice.

Lumabas ako sa banyo para makita si Aling Nena na nag hahanda ng kape sa kusina.
Lumingon lingon agad ako para maghanap kay Hector pero wala siya doon.

"Nasa poso si Hector, naliligo." Malamig na utas ng matanda sakin.

Hindi ako umimik. Sinuklay ko na lang ang basa kong buhok.


"Ano bang nangyari sa inyo at bakit naligo kayo ng putik?"
"Ah... Nadapa po ako."

Umismid ang matanda, "Saan?"


Page 73
Jonaxx - End This War
"Sa may kalsada po, kakababa ko lang ng bus."

"Bakit kayo magkakilala?"

Ang dami namang tanong ng matanda. Inilapag niya sa harap ko ang tasa ng kape.
Mainit pa ito at nakaka engganyong inumin kaso natatakot ako sa tingin niya.

"Sa school, classmates kami ng iilang subjects." Uminom ako ng kape nang
tinalikuran niya ako.

Suminghap siya at bumaling ulit sa akin dahilan kung bakit muntik ko nang matapon
ang kape.

"Didiretsuhin na kita... Kilala ko ang mga Alde at alam ko kung bakit ka


nakikipaglapit kay Hector Dela Merced."

Nanliit ang mga mata ko sa linya ng matanda. Nanghina ang boses niya.

"Tuso si Siling. Tuso si Francisco nung buhay pa siya. Tuso ang mga Alde. Alam
kong nandito ka para sa lupa ninyo. Mababait ang mga Dela Merced. Lalong lalo na
si Hector. Kaya mabuti pa ay layuan mo na siya."

Nag igting ang bagang ko sa sinabi ng matanda. Alam kong may plano kami ng pinsan
kong ganun nga ang gawin, pero hindi ko naman iyon ginawang misyon sa buhay ko
para seryosohin niya ng ganito. Hindi ko naman inakit ng husto si Hector para
lang sa titulo ng lupa namin. Wala akong ginawa.

"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo." Sabi ko.


Tinikom niya nang mariin ang kanyang bibig bago nagsalita ulit, "Tuso ka nga.
Hindi ako makakapayag na gagawin mo yan kay Hector."

"Mawalang galang na po. Wala po akong pakealam kay Hector. Kung lalayuan ko man
siya balang araw, hindi po dahil sinabi niyo saking layuan ko siya. May sariling
utak ako. At hindi ako sunudsunuran kahit kanino, kahit sa pamilya ko."
"Tuso talaga. Hmm..." Umiling siya at tinalikuran ulit ako.

Hindi ko alam kung paano naisip ng matandang iyon ang plano namin ni Teddy at
Craig. Pero sa ngayon, may katotohanan parin ang sinabi ko. Masyado akong
maraming problema para dagdagan pa nitong tungkol kay Hector.

"Tingnan mo nga naman. Kaninong anak ka ba? Kay Francis?" Tumawa siya. "Tuso
talaga."

Naiirita na ako sa matandang ito, ha! Ilang beses niya na nasasabi ang salitang
Page 74
Jonaxx - End This War
tuso!

"Dahil sa kabaliwan niya, binuntis niya agad para di na makawala. Baka mamaya,
dahil sa ka desperada mo, magpabuntis ka rin sa tagapagmana ng Dela Merced nang
mapasa inyo lang ang lupa."

Padarag kong binitiwan ang tasang ininuman ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi
ng matanda.

"PINANGALAGAAN KO PO ANG SARILI KO! NI HINDI KO BINIGAY ANG SARILI KO SA TAONG


PINAKAMAMAHAL KO AT IBIBIGAY KO YUN PARA LANG SA LUPA NAMIN? MY GOD! Hindi po ako
ganung klaseng tao! Wa'g ho kayong mag alala! Inyong inyo na si Hector. Hindi ko
siya hahawakan o kakalabitin man lang! Kung may choice lang akong umalis sa
punyetang bukid na ito, matagal na ho akong umalis!"
"Bakit? Hindi ka ba makakaalis dahil lang sa plano ng pamilya mong paikutin si
Hector?" Matapang niyang sinabi.

Gusto kong baliktarin ang mesa sa harapan ko. Pero imbis na gawin ko iyon ay
dinampot ko na lang ang bag ko para makaalis na. Hindi ako magtatagal sa bahay ng
matandang ito. Sa luma at masapot na bahay na ito.

"Hindi po kami ganyang tao!" Huli kong sinabi bago ako nag walk out.

Naririnig ko ang umaagos na poso at nakikita ko sa gilid ng mga mata ko si Hector


na naliligo. Hindi ko siya nilingon. Wala akong pakealam kung hindi ko alam ang
daanan para makalabas sa ranchong ito. Basta ang alam ko ay uuwi ako ng wala si
Hector.

"Chesca!" Sigaw niya.

Mabilis parin ang lakad ko.

Narinig ko ang pagmumura niya. Lumiko na agad ako sa palayan at tumakbo. Alam
kong sa lawak ng lupaing ito, kahit na mag marathon pa ako dito, mukhang mamaya
pa ako makakaalis. Lalo na't hindi ko alam ang mga short cut. Wala akong mapa at
ito ang unang pagkakataong napunta ako dito.

Ilang sandali ang nakalipas ay narinig ko na naman ang kabig ng isang kabayo. Si
Abbadon iyon, sigurado. At siya nga, dahil malayo pa lang, dinig na dinig ko na
ang mga tawag ni Hector.

"CHESCA! ANO BA?" Sigaw niyang galit.

Page 75
Jonaxx - End This War
Hindi ako tumigil sa paglalakad. Hanggang sa may nakita akong grupo ng magsasaka
na may dala-dalang mga dayami.

"Oh, Hector." Nakangising bati ng isa.

Nakatingin silang lahat sa akin habang nilalagpasan nila ako.

"Mang Isko, paki hatid si Abbadon sa kuwadra." Sabi ni Hector sa isa sa mga
magsasaka.

"Ha?"

Hindi na nagsalita si Hector. Tumakbo na siya patungo sa akin.

"Anong nangyayari sayo? Ba't ka galit?" Nagawa niya pa akong pasadahan ng tingin.

"Pwede ba? Bumalik ka na nga dun. Ba't mo pa ba ako sinusundan?"

"Ano bang problema mo? Alam kong masungit ka pero wag namang ganito."

Napatingin ako sa kanya. Gusto kong bigwasan ang gwapo niyang pagmumukha. Gusto
kong sabihin sa kanya na ba't di niya tanungin si Aling Nena? Pero umuurong ang
sikmura ko.

"Lika nga dito!" Galit niyang sinabi at hinila ang kamay ko.

Papaliko na sana ako sa isa pang maisan nang hinila niya ako sa isa pang daanan.

"ANO BA!" Binawi ko agad ang kamay ko.

"Diba gusto mo ng umuwi? Edi dito tayo sa short cut!" Aniya.


"Saan ba? At hindi 'tayo'! Ako lang! Dito ka na sa rancho ninyo!"
Nilingon ko ulit ang dadaanan ko dapat kanina at nakita ko ang iilan pang
magsasaka na may dala dalang mga dayami at kung anu-ano pang ani.

"LIKA NA NGA!" Sigaw ulit ni Hector sabay hila sakin sa kabilang daan na aniya'y
short cut daw.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sabay kuha ulit sa kamay.

Patuloy akong naglakad. Ganun din ang ginawa niya.

Page 76
Jonaxx - End This War
"Ang sungit sungit mo." Medyo malat niyang sinabi.

Panay ang talak niya kaya patuloy ang pagiging iritado ko buong paglalakad.

"Hindi ko alam ba't ang sungit sungit mo." Humalakhak siya.

Umiling ako habang iniilagan ang mga tae ng kung anu anong hayop sa daanan.

"Bagay sayo ang t-shirt ko pero bakit ganyang ang shorts mo?"

Hindi ako sumagot. Tutal nagpapatuloy naman siya sa pagsasalita kahit na walang
kumakausap sa kanya. Baliw ata ang isang ito.

"Bagay sayo yung binabalot, eh. Di pwedeng ganyan sakin. Ang iksi masyado. Parang
basta basta lang kung makapagsoot ng damit. Masyadong kita ang balat mo."

Bwisit ang isang 'to. Daming alam.

"Sino ka ba at bakit ka nakekealam?" Sa wakas ay nasabi ko nang nasa pinaka dulo


na kami ng daanan.

Naririnig ko na ang agos ng tubig. Pakiramdam ko malapit na kami makalabas sa


buong rancho.

Naaninag ko agad ang concrete na foot bridge o something. May mga bukid sa
magkabilang panig. Mukhang ito ata ang matatagpuan mo sa unahan ng Gazebo na
napuntahan naming dalawa noon. Malapit din ata dito ang tinago. Hula ko ay yung
malakas na agos kung saan na naririnig ko ay nanggaling sa Tinago.

May nakita akong isang karatula sa may steel bar.

"Dela Merced Dam."

Dam ito ng mga Dela Merced? Seryoso? May dam sila? Ngayon ko lang nalaman ah?

"Sino ako, Chesca?"

Nilingon ko siya at nakita ko ang nakakapanindig balahibo niyang ngisi sa akin.


Page 77
Jonaxx - End This War

"Ako si Hector Dela Merced, pag aari ko ang lupang tinatapakan mo. Hmm. Pero may
isa pa akong gustong angkinin." Ngumisi siya.

Nangatog ang binti ko. Ngayon ko lang narealize kung gaano ka gwapo ang lalaking
ito. Bawat galaw niya ay nakakapangilabot. Ang paghalukipkip niya at ang paglitaw
ng muscles sa kanyang braso ay nakakawala sa sarili. Ngumisi siya at kinagat niya
ang kanyang labi, tinitingnan niya ako na para bang hinahamon niya ako sa isang
labang hindi ko maintindihan.

Umihip ang malakas na hangin galing sa mga bukid sa paligid at lumitaw ang
nakabraid niyang buhok na nagpapatianod dito.

Tumawa ako. Defense mechanism. Ayoko na ng lalaki. At mas lalong ayaw ko sa


pinaparamdam niya sa akin. Kakauwi ko lang galing Maynila. Nasaktan ako ng husto
nang nalaman kong nangangaliwa si Clark. At kung ano man itong papasukin ko kay
Hector ay alam kong ganun parin ang kahahantungan.

"Sayang, okay ka sana pero ayoko sayo. Ayoko sa buhok mong may buntot. Ayoko sa
ibang bagay tungkol sayo. Ayoko sa mga lalaki. Ayoko na talaga..." Ngumisi ako at
tinalikuran siya.
Kabanata 13

Problema

Kabadong kabado ako nang naaninag ko ang bahay namin. As usual, si lola lang ang
nasa duyan at panay ang bulong niya sa kanyang sarili.

Maingat kong binuksan ang gate. Mukhang wala namang nakakahalatang pumasok ako
bukod sa mga nag iingayang manok sa bakuran.

Tumingin si Lola sa akin. Lumapit ako sa kanya para mag mano. Hinayaan niya ako
at tinitigan parin.

"Magandang umaga po, La." Bati ko.

"Bakit ka nandito? Ayaw kong maligo." Aniya.

Umangat ang labi ko. Minsan nakakatuwa si lola. Isip bata na dahil sa kanyang
sakit.

Umupo ako sa puting bakal na upuan malapit sa duyan.

Page 78
Jonaxx - End This War
"La, kilala niyo po ba si Don William Dela Merced?"
"Si William? Yung kaibigan ni Francisco. Oo. Bakit?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pero bago pa
ako makapag formulate ng bagong question ay napatalon si lola.

"SI FRANCISCO!" Galit niyang sinabi.

Kinilabutan ako. Akala ko nakikita niya ang kaluluwa ni lolo. Pero napagtanto ko
ring hindi... ito na naman siya...

"BAKIT WALANG NAKAPAGSABI SAKING PATAY NA SIYA? BAKIT DI AKO NAKAPUNTA SA BUROL
NIYA?" Panay na naman ang kanyang talak.
"La..." Narinig kong lumabas si Teddy.

Laking gulat niya nang nakita ako na nandoon. Tumayo ako at inirapan na lang ang
kanyang nakangising mukha. Pinasadahan niya ako nang tingin bago ako kinamusta.

"Anyare sa misyon mong bumalik ng Maynila, Chesca? Ba't ka umuwi?"

"Bakit? Gusto mo bang mabulok ako dun?" Inirapan ko siya.

"Akala ko mabubulok ka dun. Ang aga yata ng pagbabalik mo? Parang kahapon lang ay
umalis ka... kahapon pa pala talaga." Humagalpak siya sa tawa.

"Tedd-" Nalaglag ang panga ni Craig nang nakita akong nakatayo doon at kausap si
Teddy. "Saan ka ba galing, Chesca? At ba't bumalik ka pa? Alalang alala si mama
at papa sayo at hindi ka pa makontak sa cell mo! MAAAA!"

Bago pa ako makapagsalita ay pinagtatawag na ni Craig ang mga magulang namin.


Inirapan ko silang dalawa.

"Andito na po si Chesca!"
"HA? ANONG-! WA'G MO KONG BIRUIN NG GANITO CRAIG!" Narinig ko ang panginginig sa
boses ni mama habang nagmamadali silang lumabas ng bahay para makita ako.

Niyakap ako ni mama. Si papa naman ay umismid sa akin. Si Tiya at Tiyo ay


parehong nakahalukipkip sa gilid. Humagulhol si mama at dinama ang mukha ko.
Parang kinukurot ang puso ko... kahit na ganito, pamilya ko parin talaga sila.
Sila parin ang maasahan kong sumalo sakin pag walang wala na ako.

"Saan ka galing? A-Ang ibig kong sabihin, galing ka bang Maynila? Anong nangyari
dun?" Mabilis na nagpaulan si mama ng tanong.

"Umuwi na po ako."
Page 79
Jonaxx - End This War
"Obviously, tsss." Singit ni Craig sa gilid.

"Eh..." Napalunok ako.

Naalala ko ang nangyari. Naaalala ko ang pagkapatong ni Clark kay Janine. Naalala
ko lahat ng sakit na natamo ko sa Maynila. Napaupo na lang ulit ako sa upuan
habang tinitingnan si mama.

"Yung boyfriend mo, Chesca?" Tanong ni tiya.


"Nangaliwa, ano?" Singit naman ni Craig.

Matalim kong tiningnan si Craig. Wala akong sinabi pero napagtanto agad iyon ni
mama.

"Sino ba yang boyfriend mo, Chesca? Anong ginawa niya sayo?"

Pinilit kong buuin ang boses ko.

Panahon na siguro para magsabi ako ng totoo sa pamilya ko. Tutal naman nagawa ko
nang lumayas sa kanila... may malaking kasalanan ako at nararapat lang na bigyan
ko ng explanation ang lahat.

"Sorry po talaga." Nanginig ang boses ko.

Kahit anong pagbuo ko nito ay lagi paring bumabalik sa panginginig. Pinakilala ko


sa kanila si Clark Joson, ang boyfriend ko mula highschool. At kinwento ko sa
kanila kung paano niya ako inalok na siya na mismo ang magbabayad sa tuition fee
ko pagka college. Mayaman din kasi ang pamilya nina Clark kaya kayang-kaya akong
tustusan. Syempre, tumanggi ako dahil ayokong nagmumukha akong manggagamit ng
tao. Isa pa, nag aalala ako sa pamilya ko kaya sumunod ako dito.

"Naku, eh, anong nangyari? Sayang pala at malaking unibersidad pa ang inalok
sayo-" Siniko ni tiyo si tiya Lucy.
Binanggit ko rin sa kanila ang nangyaring kataksilan. Iyon nga lang, hindi ko
binanggit na si Janine ang ibang babae niya.

"Susmaryosep, diyos mio." Sabi ni tiya at umalis para ihatid si lola sa loob.

Umupo si mama sa duyan habang ako ay nagpipigil ng luha. Mahal na mahal ko si


Clark. Buong alaala ko noong highschool ay siya ang laman. Iyong mga obsessive
pictures niya sa akin na nilalagay niya sa bawat bulletin board sa school at ang
mga salita at pangakong binitiwan niya sa akin, hindi rin madaling kalimutan ang
mga yun.

Page 80
Jonaxx - End This War
Hinaplos ni mama ang aking mukha at inangat ito para magkatinginan kaming dalawa.

"Sabi sayo, Chesca. Hindi pa panahon para mag love life ka ngayon. Dapat ay nag
aaral ka muna."

Tumango ako. Don't worry, mom, I hate boys.

"Pag may pinag aralan ka na, aangat ang value mo. Hindi ka na basta basta
lolokohin ng kahit sino. At isa pa... hindi ko pinagsisihang nabuntis ako ng
maaga noon sayo, pero mas mabuti parin na magtapos muna ng pag aaral bago
magpamilya. Mas maayos sana ang buhay natin ngayon kung nagtapos ako."

Tama si mama. Tumayo siya at tinalikuran ako. Pero bago siya tuluyang umalis para
ipaghanda ako ng merienda ay may binitiwan siyang salita...

"Kontrolin mo yang puso mo. Nasa baba yan ng utak kasi alipin yan ng utak. Kung
babaliktarin mo silang dalawa, malulunod ka lang. May rason kung bakit nasa ulo
ang utak. Ito ay upang siya ang makinig, makakita, makaamoy at makapagsalita.
Samantalang ang puso ay nasa dibdib, para lang makiramdam. Wa'g mong hayaang
manaig ang pakiramdam mo sa mga tunay mong nakikita, naririnig, naamoy, at
sinasabi."

Kinagat ko ang labi ko. May punto si mama. Tama siya dun. Kailangang mas maging
maingat. Kung pwede lang ay hindi na mainlove ulit... No, scratch that... Hindi
na ako maiinlove ulit.

Nakahalukipkip si Teddy at Craig sa harap ko. Nakatingin si Teddy sa t-shirt ko.


Nang nakita niyang tinitingnan ko na rin siya ay humugot siya ng hininga para
makapagsalita.

"Kay Hector Dela Merced ang damit na yan, diba?"

"Pano mo nalaman?"
Nagkibit balikat siya at ngumisi, "Nagkita kayo? Tinulungan ka niya?"
Nanliit ang mga mata ko, "Ano ngayon?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni mama, Ateng?" Sabi ni Craig. "Gamitin mo ang
utak mo."
"Ginagamit ko naman ang utak ko!" Utas ko.

"Kung ganun ba't namumula ka?Naiinlove ka na ba kay Hector Dela Merced?"


Umusok ang tainga ko sa galit, "Anong sabi mo, Craig? Anong tingin mo sakin?
Kahapon lang kami naghiwalay ni Clark at tingin mo yan agad ang aatupagin ko? At
hindi ako ganun ka daling ma inlove! Lalo na ngayon kaya tumugil ka at baka
masakmal kita!"

Humalakhak si Craig, "Talaga? Then, ate, get the damn land title. Kung hindi ka
Page 81
Jonaxx - End This War
pala maiinlove, siya ang paibigin mo at kunin mo ang titulo."
"WHY WOULD I DO THAT?"
"Because that's our land!"

"Pero kanila na iyon!"


"ANO?" Galit na utas ni Craig. "Hahayaan mo? Bakit? Naiinlove ka na talaga kay
Hector!?"
"Tama na, Craig. Desperado ka lang! Hinuhusgahan na tayo ng mga tao dito dahil sa
pagiging tuso ng mga ninuno natin. Bakit pa natin palala-"
"Then we'll prove them right. At oo, desperado ako. Desperado tayo! Wala na
tayong negosyo kung mawawala iyon. And to them, that's just a small part of their
land, Chesca! ekta ektarya ang lupain nila! Hindi nila mapapansin ang Alps!"

Napatingin ako kay Teddy na ngumunguso sa akin. Alam kong iyon din ang iniisip
niya. Pareho silang dalawang mag isip. Alde'ng Alde. Hindi ko alam kung anong
kabalbalan ni papa at ni Tiyo noon at bakit lubos makapanghusga ang mga tao sa
kanila. Pero ang alam ko, si lolo ay sugarol at tuso. Kaibigan niya si Don
William na lolo ni Hector. Paniguradong sa background pa lang ni lolo na
pagkasugarol, mailalarawan na kung gaano siya ka tuso.

"Will you two just leave me alone!" Sigaw ko at mag wa-walk out na sana.

"Stop being selfish, Chesca." Seryosong sabi ni Teddy.

"Kayo ang selfish dito!" Sigaw ko.


"It's for the good of our family."

Inisip ko iyon buong magdamag. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maatim ang mga
pinagsasabi nila. At dagdagan pa nitong ilang daang text ni Clark sa cellphone ko
nang sa wakas ay nakacharge ako.
"Chesca, let's talk. Please, I love you."
"Chesca, I miss you."

"Ches, parang awa mo na."

"Hon..."

Parang pinipiga ang puso ko. Mahal din kita Clark. Pero punyeta ka... Nanlalambot
ako tuwing naaalala ang mukha niya pero hindi kalaunan ay laging sumasagi sa utak
ko ang nangyaring kabalbalan. Nakakawalang hiya. Hindi ko kaya.

Umiyak na lang ako nang umiyak sa gabing iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng
masaktan ng husto. Iyong taong akala moy iyong iyo ay nawala ng parang bula.
Kahit mahal na mahal mo siya ay hindi mo siya mapatawad. Hindi mo kaya. Hindi na
matatama pa lahat ng pagkakamali kasi nangyari na ang lahat.

Tama ngang mahirap kunin ang loob ng isang tao pero isang pagkakamali lang ay
mabilis na nabubuwag ang tiwala mo. At madalas, sa pagkakamaling iyon, hindi na
Page 82
Jonaxx - End This War
talaga maibabalik pa. May lamat na. May gap na. At ang sakit sakit kasi alam mong
iyon ang gusto mo, pero sirang sira na... hindi na mapapakinabangan pa. Kung
susubukan mong ayusin ito, baka mas lalo lang masira ang bawat piraso. May mga
bagay na naayos pa kahit na nasira na, pero may mga bagay ding kahit anong
kumpuni ay hinding hindi na maibabalik pa sa dati.

Magulong magulo ang utak ko. Sa problema kay Clark, sa pamilya... sa sobrang dami
ng inaaalala ko, halos makalimutan ko nang may problema din nga pala ako sa
school.
Kabanata 14
Simula Ngayon

Sa bukana pa lang ng school, marami na agad akong napansing nagbubulung bulungan


sabay tingin sa akin. Oo nga pala. Para sa kanila, dalawang normal na araw lang
ang nag daan kaya sariwa pa sa kanilang mga alaala ang salida namin ni Koko sa
harap ng covered court. Para sa akin, matagal ng nangyari yun.

"Ang kapal niya, ha? Hindi naman siya maganda."

Napapapikit ako. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ko. Tama na.

Dumiretso ako sa classroom. Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong si Koko dito


sa school. Iyon nga lang, maging sa classroom ay usap usapan parin yung nangyari.

"Akala ko siya yung patay na patay kay Koko? Paasa ang isang ito. Si Koko pala
ang nilunod sa huli."

"Oo nga, sobrang paasa." Sabi ng isang babae sa likuran.

Hindi ko na lang sila nilingon. Ayoko na ng away. Nakakapagtimpi pa naman ako


kaya okay pa.

Mas dumami din ang pumansing lalaki sa akin. Napansin ko ang mga malalagkit na
titig nila sa akin.

"Ang ganda-ganda. Crush ko pa naman yan." Sabi nung isang nerd sa harapan.
"Wa'g na, baka ma Chesca Alde ka lang sa huli." Tumawa yung isa.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang makinig na lang sa mga pinagsasabi nila
kaya lang ayoko ng palakihin pa ang gulo. Nagsidatingan na ang mga kaklase ko.
Mabuti na lang at panandaliang humupa ang usap usapan nila tungkol sa akin dahil
ay kung ano o kung sino sa labas.

Page 83
Jonaxx - End This War
"Oh my god!"

Nag unahan ang mga babae sa paglabas ng classroom. Kitang kita ko rin ang mga
babae sa corridor na halos mangisay sa kilig at magka lock jaw sa pagkakalaglag
ng panga.

"HECTOOOR!" Daing ng isang babae na ngayon ay nanginginig na parang epeliptic.

May dalawang napaiyak. Tumaas tuloy ang leeg ko para tingnan kung anong meron sa
labas at iniiyakan talaga nila?

Nang biglang tumili at nag give way ang mga babae malapit sa classroom ay agad
lumiko ang isang Hector Dela Merced na naka clean cut. Wala na iyong buntot at
seryoso ang mukha.

"What?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napakurap kurap ako nang mas lalong naaninag ang
kagwapuhan niya. Hindi ko alam kung alin yung mas okay, yung panatilihin yung
buhok niya ngayon nang sa ganun ay matanggal ko man lang ang mga mata ko sa kanya
ngayon o ang hayaang ganito ka gwapo ang mukha niya at hayaan din ang sarili kong
mag laway.

Pinalibutan agad siya ng mga kaklase ko, mapa babae man o lalaki.

"Ang tagal mong pinahaba yung buhok sa likod, ah?" Sabi ng intsik na Oliver kay
Hector.

Nagkibit balikat lang si Hector.


"Hector, ang gwapo gwapo mo. AHHH!" Sigaw ng mga babae sa labas.

Umiling lang si Hector at kinagat ang labi.

"Gwapo na naman talaga si Hector ah! Noon pa!" Singhal ni Kathy na ngayon ay
umupo sa tabi ni Hector.

Nasa unahan ko sila kaya dinig na dinig ko ang kanilang pinag uusapan.

"Papapel ka masyado Kathy! Oo alam naming gwapo na si Hector noon pa man! Mas
gumwapo siya ngayon!" Medyo galit na sinabi ng mga babae sa labas.

Page 84
Jonaxx - End This War
Tumayo pa talaga si Kathy para mas marinig ng mga babae sa labas.

"Tsupi ng kayo! Asan ba ang building niyo at bakit nandito kayo? Alis na nga!"
Inirapan niya ang mga babae.

Galit na nag uusap-usap ang mga babae sa labas. Ang mga kaklase ko naman ay
walang inatupag kundi ang puriin si Hector.

Hindi humupa ang kanilang usap-usapan hanggang sa pumasok ang professor namin.

Kung noon ay may umuupo sa tabi ko, ngayong persona non-grata na ako, wala na.
Ako lang ang nakaupo sa pinakalikod na bahagi ng aming classroom. Sa dami ng
nakapalibot na arm chair sa tabi ko, ni isa walang nakaupo.

"Di bale na sa pinakaharap basta wa'g lang sa tabi ni Chesca." Iyon ang linya ng
iilang estudyante.

Hinayaan ko na lang silang lahat. Hindi naman ako nandito para makipag barkada,
nandito ako para makatapos at makakuha ng diploma.

Pag tunog ng bell ay agad na akong lumabas ng classroom para sa sumunod kong
klase. Usap usapan parin sa buong campus ang pagpapagupit ni Hector. Hindi ko
alam kung ano ang big deal sa pagpapagupit niya. Ipinagkibit balikat ko na lang
ito. Pero tuwing nakikita ako ng ibang mga estudyante, lumilihis ang usapan nila
sa akin. Nag uusap ulit sila tungkol kay Koko at sa kabastusang ginawa ko sa
kanya noong nagdaang Biyernes.

Nakakainsulto. Para silang nandidiri sa akin. Sa isang minor subject ko, wala na
nga akong kilala ni isa, wala pang gustong gumrupo sa akin.

Bullying na yata ito.

"Pwedeng sumali sa grupo niyo?" Tanong ko.

Ni walang tumingin sa akin. Tahimik lang sila at hindi ako pinansin. Hindi ako
makapaniwala. Buong buhay ko, nabibilang ako sa isa sa pinakasikat na grupo sa
school noong highschool. Kami nina Desiree, Tara at... well, Janine. Kilala
kaming apat at hindi pa ako nawalan ng kaibigan.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang nagsimulang sumikip ang dibdib
ko. Sa limang grupo sa subject na iyon ay walang tumanggap sa akin. Kailangan
kong gawin iyon mag isa. Hindi naman sa hindi ko kaya... pero iba parin talaga
pag may grupo ka.

Page 85
Jonaxx - End This War
Sa bawat paglalakad ko sa corridor at sa pagmamasid ko sa malayo kina Hector,
nalaman kong ang layo ng agwat naming dalawa. Ako, si Francesca Alde ay mag isa
at walang kaibigan. At siya naman, tumatawa ang kanyang mga mata habang
pinapalibutan ng isang pulutong na kaibigan. Ganun talaga siguro ang buhay. Kung
marami akong kaibigan sa Manila, ganun naman ako ka kapos dito.

Pumasok ako sa CR pagkatapos kong mag lunch sa canteen. Mabuti na lang at hindi
ko nakita si Koko. Kung nasaan man siya ngayon ay hindi ko alam. Mabuti na rin
iyong di muna kami magkita kasi mas lalo lang mag aalab ang usap usapan tungkol
samin kung masaksihan pa ang pagkikita naming dalawa.

Lumabas ako ng CR para matagpuan ang isang galit na galit na babae. Hindi ko siya
kilala pero pamilyar siya sa akin. Mukhang grupo ito minsan nina Hector. Galit na
galit siyang nakatitig sa akin habang dala dala ang isang timba ng maputik na
tubig.

Kumunot ang noo ko. Lalagpasan ko sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at
ibinuhos niya sa akin ang timba ng tubig. Basang basa ang kulay maroon kong saya
at ang puting school uniform.

"Walang hiya ka Chesca Alde! Iyan ang bagay sayo! Paasa ka kay Koko!" Namamalat
niyang sabi sa akin.

Nalaglag ang panga ko. Kahit kailan, hindi ko pa ito nararanasan sa talambuhay
ko. Ito yung mga napapanood ko sa TV na ginagawa ng mga bully sa taong ayaw nila!
Ito yun! At hindi ako makapaniwalang nararanasan ko ito ngayon!

Laglag lang ang panga ko habang tinitingnan ko siyang mabuti. Agad may umawat sa
kanya kahit na pumiglas siya at bahagyang umiyak at nagwala.

"Wa'g niyo akong pigilan! Wa'g niyo akong pigilan! Ang babaeng iyan! Hayup ang
babaeng yan!" Sabay turo niya.

"Tama na, Abby!" Narinig kong utas ng mga lalaking pumipigil sa kanya.

Napatingin ako sa uniform kong basang basa ngayon ng tubig. Medyo may amog din
ang tubig kaya mas lalo akong nairita.

At nang lumapat ang puting uniform ko sa bra ko ay nag bakat na naman ito. Agad
kong inekis ang braso ko sa dibdib ko nang sa ganun ay hindi makita ang bra ko
pero huli na ang lahat... may isang lalaking sumipol pa sabay kuha ng picture sa
kanyang cellphone.

Sa sobrang inis ko ay naiiyak na ako. Gusto kong pagsusuntukin silang lahat.


Bumabagsak sa akin ang katotohanang wala akong kaibigan dito, wala akong kakampi,
iniwan ako ng boyfriend ko, papalubog ang negosyo ng pamilya ko, pinagtaksilan
ako ng kaibigan ko at hindi ko alam kung may lugar pa bang para sa akin dito sa
mundo.

Page 86
Jonaxx - End This War
"Oh!? Ano pa? Yan lang ba ang kaya mo?" Naiiyak ako pero may kaya parin akong mag
hamon.

Para bang hindi lang si Abby ang sinasabihan ko nun, parang ang tadhana ang
kausap ko.

"Ano pa? Sige pa!" Sabi ko.

Nagwala siya at nakita ko ang matatalim niyang kuko na inaabot ako habang inaawat
na ng tatlong lalaki.

Naramdaman ko ang panginginig ko. Masyado palang nipis ang uniform na ito kaya
ang bilis kong mangatog sa lamig.

"WALANG HIYA KA! Magkaibigan na kami ni Koko simula pa pagkabata! AT GUSTO KO NA


SIYA NOON PA! AT IKAW? Dumating ka lang ay di niya na ako pinapansin!" Sigaw
niya. "HINAYAAN KO SIYA! Kasi kung saan siya masaya, masaya na rin ako! Ganun ko
siya kamahal! Pero nang nalaman ko kung anong ginawa mo sa kanya-"

"Booo! Chesca! booo!" May nag tapon pa sakin ng mga basurang papel.

Napalingon lingon ako sa mga tao sa paligid. Hindi ko mahanap. Tatlong beses
akong tinapunan.

"Mga duwag!" Sigaw ko sa sobrang inis.

"Tabi nga!" May sigaw akong narinig ng isang pamilyar na boses sa likuran.

Hindi ko inalintana iyon. Si Abby lang ang hinarap ko habang nag aalburuto siya
tungkol sa pagmamahal niya kay Koko na kasing tanda na ng panahon.

May init akong naramdaman sa gilid ko habang nakikita kong unti unting namilog
ang mga mata ng tao sa paligid. Nang nilingon ko si Hector sa gilid ko ay
bumungad sa akin ang nag f-flex niyang muscles at ang bumalandrang nakakalaway na
tight burning abs habang hinuhubad niya ang kanyang t-shirt para ipulupot sa
akin.

"Tama na, Abby!" Aniya sabay tingin sa kay Abby.

Hindi ko na maitsura ang pagmumukha ng mga tao sa paligid. Huminahon si Abby at


tinuro niya ako. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Page 87
Jonaxx - End This War
"Hector?" Mas mariin kong narinig ang boses ni Kathy sa paligid.

Nagsimulang mag bulung bulungan ang mga tao. May mga suminghap at pumuri sa
kagwapuhan ni Hector kahit na may kaguluhan ay nagawa parin nilang pagnasaan ang
kagwapuhan at kakisigan ng lalaking nasa tabi ko.

"Si Hector na naman ba ang niloloko niya? Si Hector?"

"My God! Sa oras na maloko si Hector, makakapatay na ako ng tao." Dinig kong
bulung bulungan sa paligid.

Tinanggal ko ang t-shirt na pinulupot sa akin ni Hector at sinaksak ko yung sa


burning abs niya.

"Wa'g ka ngang makealam, Hector!" Sabi ko at hinarap si Abby. "At ikaw naman,
ineng, kung gusto mong pahiyain ako para kay Koko, edi sana nilubos lubos mo na.
Sana nilunod mo na lang ako sa Tinago. Binitin mo pa, eh." Inirapan ko at
tinalikuran.

Seryoso akong tiningnan ni Hector. Galit siya. Kitang kita ko sa mga mata niya
ang nag aalab na galit. Namilog ang mga mata ko. I never thought he'd be so damn
beautiful when he's this angry.

Marahan niyang pinulupot pabalik ang t-shirt sa akin at hinila niya ang braso ko
para hindi ako makaalis ng tuluyan.

"Hawakan mong mabuti yan. Sa oras na makita kong makita ulit yang kaluluwa mo,
hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo." Bulong niya bago bumaling kay
Abby.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ako makalunok ng maayos. Napatingin ako sa kamay
niyang mahigpit ngunit marahang nakahawak sa braso ko.

"Alam kong galit kayo sa kanya dahil sa nangyari. Pero ito lang ang masasabi ko
sa ngayon, simula ngayon, pag aari ko ang babaeng ito. Sa oras na may gumalaw sa
kanya, ako ang makakalaban ninyo." Seryoso niyang sinabi bago ako hinigit palayo
sa karamihan.

Narinig ko ang daing ng mga tao, ang pag tawag nila kay Hector, pero hindi man
lang lumingon si Hector para tingnan sila. Diretso ang lakad niya para makaalis
kami doon.
Kabanata 15
Ang Baho Mo

Page 88
Jonaxx - End This War
Pinalabas ni Hector ang kanyang cellphone at agad may nidial na number. Ako naman
ay pumipiglas sa kamay niya. Umiinit ang pisngi ko kasi naamoy ko ang sarili ko.
Ano ba yung binuhos ni Abby sa akin at bakit nangangamoy ako?

Pinagtitinginan kami ng mga tao. May mga makakapal ang mukha pang tumuturo sa
akin na para bang may milagro kaming ginagawa.

Diretso ang labas namin ng school. Binalingan ako ni Hector nang nakalabas na
kami.

Namilog ang mga mata ko dahil bumalandra na naman sa akin ang gwapo niyang mukha
at ang kanyang katawan.

"Bakit lagi ka na lang nakahubad pag nakikita kita?" Nag iwas ako ng tingin at
bahagyang umatras.

Nakakahiya kasi alam kong naaamoy niya ako. Parang patay na daga at ihi ng
kabayong pinagsama ang amoy. Hindi na nga lang ako humihinga para hindi ko maamoy
at maiwasan ko ang pagsusuka.

"Ba't ka umaatras?"
Patuloy ako sa paglayo at patuloy naman siya sa paghila sa akin.

"Bitiwan mo nga ako." Sabi ko at halos umusok na ang pisngi ko sa init.

Hindi ko kayang tingnan ang nakakaloose thread na panty niyang mukha habang mukha
akong basang sisiw at nangangamoy pa.

Hinawakan niya ng mas mahigpit ang pulso ko at hinila pa palapit sa kanya.

"Ang baho ko, Hector! Pwede ba!" Nanliit ang boses ko.

Biglang may nag park na itim na sasakyan sa harapan namin. Ito yung Jeep
Commander na pag aari nila. Buong akala ko ay kina Koko ito dahil akala ko si
Koko ang Dela Merced.

Binuksan niya ang pinto at inilahad sa akin.

"Ha? U-Uuwi na ako sa bahay." Sabi ko.

Page 89
Jonaxx - End This War
Hindi ko kayang pumasok sa sasakyan niya ng ganito ka baho.

"Sige na, Chesca." Hinila niya ako kaya nag pumiglas ako.

Sobrang lapit niya na sa akin kaya mas lalong uminit ang pisngi ko.

"Ba't ka namumula?" Tanong niya.


"Eh!" Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Nakatingin ang driver ng kanilang SUV saming dalawa habang nagtatalo sa labas.

"Pumasok ka na nga lang." Utos niya.


"Saan mo ba ako dadalhin?"

Lumapit ulit siya sakin kaya lumayo ulit ako.

Nakita kong nag igting ang bagang niya sa ginagawa ko kaya humakbang ulit siya
palapit. Lumayo ulit ako at mas lalong uminit ang pisngi ko. Humakbang pa ulit
siya kaya umatras ulit ako.

Nakakabaliw naman ito! Para kaming mga bata.

"ANG BAHO KO KAYA PWEDE BA LUMAYO KA!?" Umirap ako sa kanya.

Nakita ko ang unti-unting pag angat ng kanyang labi. Diyos ko! Kahit limang
segundo hindi ko siya matitigan. Dahil pag tinititigan ko siya bumibilis ang
takbo ng puso ko. At sa sobrang bilis ay dinig ko na ang bawat pintig nito,
pakiramdam ko gusto nitong lumabas sa dibdib ko.

"Kaya nga magpapalit ka ng damit sa bahay namin. Lika na." Aniya.

Hinila niya ulit ako pero binawi ko na naman ang kamay ko.

"Uuwi na lang ako samin!"

"Edi punta tayo sa inyo!" Aniya sabay hawak ulit sa kamay ko.
"ANO?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Oo. Anong gusto mo? Punta tayo sa inyo o punta tayo samin. Pili ka lang." Tumaas
ang kanyang kilay sa akin.

Page 90
Jonaxx - End This War

Nag iwas ulit ako ng tingin. Gaaaah! How can someone be so handsome and hot at
the same time? I don't know. At ang nakapag tataka pa ay bakit niya ginagawa sa
akin ito? Hindi ko alam.

"Ako lang ang uuwi!" Sabi ko.

"Kakatok ako sa pintuan niyo." Humalukipkip siya na para bang nag babanta.
"O sige, then dalhin mo ako sa inyo!" Hamon ko sa kanya.
"Kaya nga pumasok ka na sa sasakyan at nang madala na kita sa amin." Ngumisi
siya.

Kumunot ang noo ko.

"Tsss..."

Alam ko. Pag saamin ko siya dadalhin, baka dumugin lang siya nina mama, tita,
Craig at Teddy. Ayokong mangyari iyon. Lalo na't hindi pa kami nagkakasundo ng
kapatid ko at ng pinsan kong iyon. Kung sa bahay naman nila, siguro naman hindi
ako magtatagal doon.

Inirapan ko siya at pumasok sa loob ng Jeep Commander. Na conscious agad ako


dahil masyadong malamig ang aircon at pakiramdam ko aalingasaw ang amoy ko sa
buong sasakyan.

Umupo ako sa dulo ng sasakyan nang sa ganun ay hindi ako masyadong maamoy ng
walanyang gwapo na si Hector. Pero nang sumakay siya ay umupo siya sa tabi ko
kahit na sobrang laking space pa naman ang upuan. Binalingan ko siya at
inismiran.

"Ano?" Natatawa niyang sinabi.

Grrrr.

Napangiwi siya nang bumilis ang takbo ng sasakyan. Tiningnan ko siyang mabuti at
unti-unti niyang kinurot ang ilong niya.

"Ang baho." Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko, "SABING WA'G KANG LUMAPIT, EH!"


Humagalpak siya sa tawa, "Ang baho talaga."

Halos pukpukin ko na siya sa sobrang pagkairita. Nang sinubukan ko siyang sapakin


ay pinag ekis niya lang ang kamay niya sabay tawa.
Page 91
Jonaxx - End This War

"Wala naman akong sinabing ikaw yung mabaho ah!" Tumawa ulit siya.

Inirapan ko na lang siya at tumingin sa labas ng sasakyan. Ngumuso ako para


magpigil ng ngisi. Kainis ang gwapong ito. Nakakainis! Nakakahiya!

Ilang sandali ang nakalipas ay naaninag ko ang malalawak na kapatagan na may


nakahilerang pine trees. Ilang sandali pa bago natapos ang tanawing iyon.

Grabe, ang ganda dito sa Alegria! Sa sobrang ganda, hindi ko kayang isiping nasa
Pilipinas lang ito lalo na nang lumagpas na kami sa dam ng mga Dela Merced.
Nakita ko doon ang malawak na kapatagan na may mga bulaklak. Pinalibutan ito ng
bulubundikin ng Alegria. Hindi ko namalayang nakanganga na pala ako habang
pinagmamasdan ko ang labas.

"Sinong nasa bahay, Mang Elias?" Tanong ni Hector.

Napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip siya habang diretso ang tingin sa harap
ng sasakyan. My God! Ang gwapo, gwapo niya talaga. Yung mapupulang labi na may
mas lalong natuturingan sa bawat bigkas niya ng salita. Yung hiwa ng labi niyang
alam mong malambot. Yung ilong niyang perpekto at tama sa tangos. Ang panga
niyang proporsyonado. Ang mga mata niyang malalim at expressive. Bumaba ang
paningin ko sa katawan niya. Pinilig ko ang ulo ko nang nakita ko ang Adam's
apple niya.

Damn it? Bakit para siyang Diyos na nakikihalubilo sa mga mortal na tao dito sa
mundong ibabaw? Parang kakababa niya lang sa Mount Olympus. Hindi naman sa
kinakapos kami ng gwapo sa Maynila kaya lubos ang pagkakaignorante ko sa
kakisigan ni Hector, pero talagang iba siya.

Batid ko rin ang malapad at malakas niyang balikat. Binaba ko pa ang paningin ko.
I swear, kulang na lang ay umusok ang abs niya sa sobrang pagkaka define.
Effortless na bumabakat ang bawat biyak ng kanyang abs. Ni hindi niya kailangang
pumorma ng maayos para maipakita ito.

Saksi ako sa pagpapaganda ng katawan ni Clark at alam kong hindi iyon madali.
Mahirap i-achieve ang dalawang pandesal sa abs. Isang taon kang kailangan mag gym
at maghirap para diyan. Pero itong si Hector... bibilangin ko na sana kung ilan
pero nakita ko ang mapupula niyang labi na nakatutok na sa akin.

Namilog ang mata ko nang umangat ang kanyang labi at lumapit sa akin.

SHIT? HAHALIKAN NA BA AKO NITO!?

Page 92
Jonaxx - End This War
Tumigil ako sa paghinga na parang baliw para lang malaman na may kinalabit siya
sa pintuan ko.

"Andito na tayo." Aniya at bumukas ang pintuan.

Unti-unting huminahon ang kumakalabog kong puso. Letsugas! Sobrang assuming ko!
Nakita ko ring may damit na siya. Siguro sa sobrang busy ko sa panonood ng
tanawin ay hindi ko na napansin na nagbihis siya ng t-shirt sa loob ng sasakyan.

"Kay." Sabi ko sabay pagtataray palabas.


Humalakhak siya at lumabas na rin.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kanilang bakuran. Batid ko ang malawak


nilang bakuran. May mga bulaklak doon at may fountain at gazebo pa. Parang langit
lang. At kitang kita ko rin sa di kalayuan ang malaking gate na pinasukan namin
na may nakaukit na family crest yata at may nakalagay na DELA MERCED.

Tumindig ang balahibo ko. Ganito sila ka yaman?

"Lika na." Aniya sabay lakad paakyat sa hagdanan bago makapasok sa loob ng double
doors na may disenyo ulit na DELA MERCED.

Sumunod ako sa kanya. Hinintay niya akong makaakyat bago niya iyon binuksan.

"Okay lang ba na nandito ako?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya at binuksan ang pinto.

Naaninag ko agad ang isang malaking hagdan ulit patungo sa 2nd floor ng bahay.
Iginala ko ang paningin ko sa malawak nilang sala. Pakiramdam ko kung gaano ka
laki ang bahay namin, ganun din kalaki ang sala nila. Punyeta, ang yaman!

Nakita kong may naglilinis ng vase na katulong at nakauniporme pa. Alright!


Mayaman sina Clark pero hindi ko kailanman nakita ang mga katulong nilang
nakauniporme.

"Hector? Napaaga ata ang uwi mo."

Diretso ang lakad ni Hector sa isang matandang kulay brown ang buhok. Sa postura
pa lang ng matanda, ay alam mo na agad na maganda siya nung kabataan niya. Siguro
nasa around 70s na siya at medyo pormal ang damit niya para sa isang matandang
nasa bahay lang.

Page 93
Jonaxx - End This War
"Lola." Nagmano si Hector.

Shit lang ha! Lola niya pala yan! OMG! Pinisil ko ang kamay ko at yumuko ako kasi
batid ko na kahit nagmamano si Hector ay nakatingin ang lola niya sa akin at
nakangiti.

"Aba't milagro? Sino itong kaibigan mo, Hector?" Tumaas ang kilay ng kanyang lola
pero nakangiti parin sa akin.

Lumapit siya at bahagyang umatras ako dahil sa amoy kong nakakahiya.

"Si Francesca Alde, po. Kaklase ko. Lika na."

Nagulat ako sa simpleng pagpapakilala sa akin ni Hector sa kanyang donyang lola.

"Oh? Alde? Anak ka ni Francis?"

"Opo. Magandang... uhm... hapon po."

"Lika na, Chesca." Pag uulit ni Hector.

Napangiwi ang lola niya nang tuluyan ng makalapit sa akin.

"What's that smell?"

SHIT! Napayuko ako. Pakiramdam ko ito na yata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa
talambuhay ko. Ilang araw na rin akong minamalas ah? Kainis!

"Sorry, ako po yun." Rason ko.

Biglaan na lang akong hinablot ni Hector at hinila patungo sa kanya.

"La, pahingi po ng damit kay Tita. Nabuhusan po kasi siya ng-"


"Ah! Nadulas ako dun sa may tae ng kabayo ba yun? Kaya ganito."

Nagkatinginan kami ni Hector. Wala akong balak na ipagkalat na nabuhusan ako sa


school ng kung anong mabahong tubig dahil lang sa kinasangkutang gulo kay Koko.
Kumuyom ang panga ni Hector sa sagot ko.

Page 94
Jonaxx - End This War
"Maliligo po siya."
Tumango ang lola niya at ngumisi sa akin, "Okay, apo. Saan siya maliligo? Dito sa
baba? Sa kwarto ko o sa kwarto mo?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ng kanyang lola.

"Sa kwarto ko po." Sabay hila niya sa akin.

Tumango ang kanyang lola at kinindatan pa ako.

Napatingin ako kay Hector na ngayon ay nakatalkod na sa kanyang lola at hinihigit


na ako paakyat sa engrandeng hagdanan nila.

"Hector! Anong sa kwarto mo ako maliligo! Wala bang common bathroom dito?" Tanong
ko habang nasa labas ng kwarto niya.

Pinihit niya ang hawakan ng pintuan at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Anong problema sa kwarto ko? Malinis naman dito."

Nakita ko ang kwarto niya pagkabukas ng pinto. Sobrang laki at panlalaki masyado
lahat ng gamit. Hindi pa nga ako nakakapasok ay kinabahan na ako.

"Hindi iyon ang point ko..."

"Chesca, ang baho mo na. Maligo ka na nga!" Tumawa siya para walain ang usapan
tungkol sa banyong liliguan ko.
Nanliit ang mga mata ko habang pinapanood siyang naghahanap ng kung ano sa kulay
blue niyang cabinet. "Ano ba? Nakikinig ka ba?"

Nakumpirma kong hindi... o nagbibingibingihan lang siya. Dahil kinuha niya yung
telepono at may pinindot na isang numero.

"Pakiluto nga ng meryenda at pakisabi kay tita na ihatid sa kwarto ang damit na
ipapahiram ko kay Chesca."

Umiling na lang ako at pumasok sa banyo.

Ano bang ginagawa ko sa lugar na ito? God! Hindi ako makapaniwalang nasa
teritoryo agad ako ng mga Dela Merced sa isang iglap. Saang banda kaya dito ang
titulo ng lupa namin?

Page 95
Jonaxx - End This War

Tinampal ko ang sarili ko. No, Chesca! No! Just no! Humugot ako ng malalim na
hininga at pinagmasdan ang mga gamit ni Hector sa banyo. Ngumuso ako nang nakita
isa-isa ang imported na mga body wash at kung anu-ano pa. Lahat yata ng bagay
dito ay pan lalaki. Kulay blue maging ang kulay ng tiles.
Hinawi ko ang shower curtain. Kinilabutan ako habang iniisip na dito naliligo ang
diyos na gaya niya.

Kabanata 16
Tomboy Ka Ba?

Natapos na akong maligo. Nagulat ako nang nasa loob ang isang maganda, mabuti at
nasa mid-40s na babae sa loob ng kwarto ni Hector.

Si Hector naman ay nakaupo sa kama at nakapag bihis na habang nagbabasa ng


magazine.

"Hi! Ako nga pala ang tita Lina ni Hector!" Maligayang bati sa akin nung babae.
"Ikaw si Chesca Alde?"

Nakita kong binaba ni Hector ang magazine na binabasa niya kanina at pinasadahan
niya ako ng tingin. Pinasoot sa akin ng kanyang tita itong spagetti-strap na
floral maxi dress. Parang daster lang siya nung una kong makita, pero nang sinoot
ko na ay laking gulat ko at magaling pala ang cut nito. Mukhang mamahalin.

"Oo." Ngumisi ako sa kanya.


"Tita, yung meryenda?" Tanong ni Hector sabay tayo.

"Nasa kitchen. Buti pa tingnan mo kung hinanda na ba nina yaya."

Nakita kong matalim na tiningnan ni Hector ang kanyang tiyahin. Ngumisi lang ang
kanyang tita at bumaling sa akin.

"Ang pangit naman ng soot niya. Di papasa sakin." Side comment ni Hector nang
papaalis na siya.

"Ikaw'ng bata ka! Wala akong ibang damit! Sabi mo wa'g shorts!?" Sabi ng kanyang
tita.
"Oo. Di naman magkakasya sa kanya yung shorts mong malalaki, tita." Sabi ni
Hector.

Kumunot ang noo ng kanyang tita, "Ano bang problema mo sa damit niya? Okay naman
ah?"

Pinasadahan ako ng tingin ng kanyang tita bago bumaling ulit kay Hector. Ni head
to foot din ako ni Hector kaya tiningnan ko siyang mabuti. Nang nagtama ang mga
mata namin ay nakita kong nag iwas agad siya ng tingin.
Page 96
Jonaxx - End This War

"Tingnan ko lang ang meryenda. Tss." Suplado niyang sinabi at umalis.

Hindi ko talaga maintindihan ang isang yun. Madalas nang iinis pero ang bilis mag
moodswing, ngayon parang siya naman ang naiinis.

"Anak ka ba ni Francis?" Tanong ng kanyang tita.


Tumango ako at kinabahan.

Para bang nasa teritoryo ako ng kalaban at dapat mag ingat sa mga galaw ko.

Iginiya niya ako palabas ng kwarto ni Hector. Sabay kaming naglakad at nilagpasan
namin ang bawat picture sa mga dingding ng bahay niya. Batid niya ang paggala ng
mga mata ko sa mga ito. Nakita ko ang picture ng lola at lolo ni Hector nung
kabataan nila. Nakita ko rin itong si Tita Lina at ang isang lalaking mukhang
tito ni Hector. Pareho silang naka jacket ng malalaki at naka scarf. Sa likod
nila ay nag s-snow. Sa ibang bansa kuha ang picture na iyon.

"Alam mo bang di nagdadala si Hector ng kaibigan dito sa bahay?" Biglaang sinabi


ng kanyang tita.

Natigilan ako nang nakita ko ang picture ng isang lalaking kasing kisig at kasing
gwapo ni Hector at isang babaeng sobrang ganda, daig pa nito ang isang diyosa.

"Hindi ko po alam." Sabi ko sabay tingin sa kanyang tita.


"Oo. Kung papupuntahin niya man dito ay tuwing birthday niya lang. Kung may mga
assignment o group work, sa hacienda niya dinadala o di kaya sa bahay nina Aling
Nena."

Napatalon ako nang nabanggit niya si Aling Nena.

"Pero dito sa bahay, wala. Kaya naman laking gulat ko." Ngumisi siya.

Parang itong Tita Lina niya ata at ang papa ni Hector ang magkamukha. Baka silang
dalawa ang magkapatid? Kaya walang ibang Dela Merced kundi si Hector?

"Ah! Tinulungan niya lang po ako. Kasi nagkaganun." Ipinag kibit balikat ko na
lang ang sitwasyon.

Hinawi niya ang kanyang buhok.


Page 97
Jonaxx - End This War

"I know. Pero talagang nawi-weirduhan lang ako. Mabait na bata si Hector. Pero
ang sungit niya kanina nang nakita ang soot mo." Tumawa ang kanyang tita sa akin
kaya napatingin ako sa sarili kong soot.
"Hayaan niyo po yun. Okay naman po tong damit ko." Sabi ko.

"Pinalalabhan ko yung uniform mo. Hintayin mo na lang. Baka tapos na nga yun
ngayon. Bago ang lahat, mag meryenda ka muna." Aniya sabay muwestra sakin ang
baba.

Sabay kaming bumaba sa hagdan. Kitang kita ko talaga ang elegance sa bawat
hakbang niya sa baytang. Para bang pinanganak na siyang prinsesa noon pa man.

"Kilala ko ang mga magulang mo nung highschool. Pero hanggang doon lang, dinala
kasi ako ni mama sa States. Kumusta mga magulang mo?" Tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at natakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Okay lang naman po."

Tumango siya at ngumiti.

Her smile is genuine. Pero bakit ganito na lang ang kalabog ng puso ko? Dahil ba
may dapat akong katakutan dito o dahil masyado lang akong guilty sa plano ng
pamilya ko?

Naabutan ko si Hector na ngumunguso sa kitchen nila habang nag aayos ng mga


pagkain ang donya niyang lola at nag aalburoto.

"Hay sa wakas! Ito na ba Hector? Magkakaapo na ba ako? Sa wakas ba ay may bagong


Dela Merced? Pakidalian ninyo at nakikini kinita ko na ang taning ng buhay ko,
oo."

"Mama!" Napasigaw si Tita Lina sa kay lola sabay kuha sa mga pagkaing dala nito.
"Ako na po." Napatingin siya sakin.

Napatingin din ang lola ni Hector sa akin at ngumisi ng isang awkward na ngisi.

"Hehe... Lika hija. Dito ka sa tabi ni Hector. Kain muna kayo bago umuwi." Bigla
siyang natuliro. Panay ang punas niya sa kamay at pabalik balik siya sa kanyang
ginagawa.

"Mama! Lika na nga! Magpahinga ka na po!" Sabi ni Tita Lina sabay peace sign sa
akin.

"Talaga? Teka? Okay lang kayo dito ha? Sige... Hector, ihatid mo ha? Wa'g ka ng
magsama ng driver. Kaya mo namang idrive yung Jeep."

"Mama!" Saway ni Tita Lina sabay hila sa kay lola.


Page 98
Jonaxx - End This War

Umiling ako at natawa. Lumalakas ang pintig ng puso ko sa mga sinasabi ng lola ni
Hector. Para bang lumilipad ang kaluluwa ko sa mga sinasabi ng kanyang lola.
Ayokong mag assume ng kahit ano pero ako kaya yung ibig niyang sabihin? I mean,
sa sinabi niya kay Hector ay parang nipipressure nitong magkaanak na agad si
Hector.

WAIT A MINUTE? Naloloka na ba ako? Bakit naman ako nasisiyahan kung ako yun?
Putek naman, Chesca! Kakagaling mo lang sa isang madugong break up at ito agad
ang inaatupag mo?

"Kumain na tayo." Sabi ni Hector habang binubuksan ang spagetti (na nakahiwalay
ang sauce sa pasta), slice bread, french fries (na american style), at mga
prutas.

Tiningnan ko siya habang nilalagyan ang plato ko ng pasta.

"Ang cool ng lola mo." Sabay ngisi ko.

Ngumuso siya at nagseryoso pa lalo pero kitang kita ko ang pamumula ng kanyang
pisngi. "Wa'g mong pansinin yun. Kumain ka na lang."

Ngumisi ako habang pinagmamasdan na abala siya sa paglalagay ng pagkain sa plato


ko. Kaya kinuha ko ang plato niya at nilagyan ng strawberries.

"Hmm? Ba't mo nilalagyan niyan?" Tanong niya.

"Ayaw mo? Tinutulungan kita." Sabi niya.


"Hindi ko gusto yung strawberries."
Tumaas ang kilay ko, "Bakit?"

Ngayon lang ako naka encounter ng taong ayaw ang strawberries. Hindi naman ito
madalas kinakain ng mga tao pero seryoso? May plantation sila pero ayaw niya sa
mga ito?

"Ayaw ko lang. Hindi ko nagustuhan ang lasa."


"Talaga?" Kinuha ko yung strawberries at ibinalik iyon sa lalagyan ng mga prutas.

Nilapag niya sa akin ang pagkain ko at nagulat ako sa dami ng nilagay niya.

"Paano ko ito mauubos?" Tinaas ko ang kilay ko.

"Ubusin mo yan. Nasa pamamahay kita. Kung anong nilagay ko, yun ang kainin mo."
Page 99
Jonaxx - End This War

Ngayon ay nagsimula siyang maglagay din ng pagkain sa kanyang plato. Umismid ako
sa kanya.

"You're so bossy, Hector. Ang dami nito. Tingin mo magkakasya yan sa tiyan ko?"

"Kasya nga diyan yung bata. Yan pa kaya."


Nalaglag ang panga ko kaya sinapak ko na siya.
Humagalpak siya sa tawa. Hinawakan niya pa ang tiyan niya habang tumatawa. Halos
mamatay siya sa tawa sa ginawa ko sa kanya. Ang sarap na naman niyang sakmalin!
"SA MATRES KASI YUN! Hindi siya tiyan! Gago!" Inirapan ko.

"Nagsusungit ka na naman..." Tumaas ang kilay niya sakin.


"Anong pakealam mo kung masungit ako!?" Inirapan ko ulit sabay ikot sa spagetti
at subo nito.
"Gusto ko ang pagsusungit mo." Seryoso niyang sinabi sabay tingin sa akin.

Matama niya akong tiningnan. Itinukod niya pa ang kamay niya sa mesa at
pumangalumbaba habang tinitigan akong sumusubo ulit ng spagetti. Buong akala ko
ay mapapanatili ko ang cool sa sarili ko pero kalaunan, dahil sa intense ng
kanyang pagkakatitig ay hindi ko na nakaya. Kumalabog na ang dibdib ko.
Naghuhuramentado na ako at hindi ko na maishoot ng mabuti ang pagkain sa bibig
ko.
"Stop staring at me."

"Inglisera." Ngumisi siya at tinagilid ang kanyang ulo.

Uminit ang pisngi ko.

"It's bad to stare y-you know." Nag iwas na ako ng tingin. I'm aware that I'm
already stuttering! My Gosh!

"Bakit naman?"
Ipinagkibit balikat ko ang tanong niya.
"What's bad about staring at the girl you want to own?" Tinaas niya ang kilay
niya.

Natigilan ako hindi lang sa biglaan niyang pagsasalita ng ingles pero pati na rin
sa mensaheng sinabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit lubos ang paghuhuramentado ng puso ko. Dahil ba
sa gwapo siya? Dahil ba nakatitig ngayon sa akin ang ganito ka gwapong nilalang?
O dahil may banta sa sinabi niya. Bantang alam ko ay delikado.

Page 100
Jonaxx - End This War
Alam niyang Alde ako? Hindi kaya plano din niyang paikutin ako nang sa ganun ay
tuluyan ng matransfer ang lupa namin sa kanila?

May konting piga akong naramdaman sa puso ko nang narealize ko yun. Hindi kaya
ako yung papaikutin niya dito? Hindi kaya kaming mga Alde ang mahuhulog sa
pagiging tuso ng mga Dela Merced?

"Tumigil ka nga, Hector." Nag iwas ako ng tingin.

Nawalan ako ng gana sa sarili kong iniisip. Hindi kaya mauunahan niya kaming mga
Alde sa sariling lupa namin? Iyon ba ang misyon niya? Kaya ba isang linggo palang
kaming magkakilala ay agad niya na akong binibigyan ng espesyal na atensyon?

"I said I hate boys. Hindi ako interesado." Sabi ko.


Tumaas ang kanyang kilay, "Bakit? Tomboy ka, Chesca?" Tumawa siya. "Subukan mo
ako. Tingnan natin kung aayaw ka pa."

Nagkatinginan kaming dalawa. What's that supposed to mean?

"Besides, you don't need to love boys again... you only need to love me."

Kabanata 17

Ako Lang

Kinabahan ako sa sinabi ni Hector sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o
totohanan na. Tuwing tinitingnan ko siya ay lagi siyang nang aasar.

"Tomboy." Tawag niya sakin habang nag da-drive siya papunta sa amin.

Hindi ko na kinailangang ituro sa kanya ang daan patungo sa bahay. Alam niya na
kung saan dadaan. Kaya wagas lang ang pang aasar niya sakin habang nasa daan.

"Hindi nga sabi ako tomboy!" Inirapan ko siya.


"O kung di ka tonboy, ba't ayaw mo sakin?"

"Ayaw ko nga sabi sa lalaki in general! Hindi ka exempted!"


"Bakit?" Tumaas ang kanyang kilay nang sinulyapan ako.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ako makapag taray nang maayos dahil
naiisip ko na naman ang sabay na pag galaw ni Clark at Janine sa kama. Kinagat ko
Page 101
Jonaxx - End This War
ang labi ko.

"Wala lang."

"Sinaktan ka ba ng first love mo?" Tanong niya.


Nilingon ko siya, "Shut up."

"O baka naman binasted?" Tumawa siya.


"Tsss." Hindi ko na siya pinatulan.

Lagi kasing bumabalandra sa utak ko ang nangyari sa amin ni Clark. Ang nangyari
sa kanila ni Janine. At lagi kong naaalala na hindi pa nag iisang linggo iyon.
Kakabalik ko na sa Maynila at sariwang sariwa pa ito. Hindi ko parin matanggap.

"Chesca?" Mas seryosong tanong ni Hector.

Napatalon ako sa sobrang gulat sa pagtawag niya sa akin. Mabilis akong bumaling
sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya. Napansin ko ring tumigil na sa
pag andar ang sasakyan.

"Ah! Dito na pala ako." Sabi ko sabay tulak sa pintuan pero bago ko tuluyang
naitulak iyon ay hinawakan niya ang braso ko.
"Binasted ka ng first love mo?"

Kumunot ang noo ko sa seryoso niyang tanong. Tumawa ako at umiling.

"Adik ka ba?" Hinawi ko ang kamay niyang nasa braso ko.


Tumaas ang kilay niya.

"Wala. Sige na. Salamat." Sabi ko sabay sarado sa pintuan.

Tinted ito kaya hindi ko na siya makita sa loob. Kaya lang ay binaba niya agad
ang bintana at naaninag ko na naman ang mala diyos niyang mukha. Sa ilalim ng
mahinang liwanag galing sa poste namin ay kumislap ang bawat pag kurap ng kanyang
mata at ang bawat pag hinga niya.

He was so damn gorgeous. Kahit na madilim ay hindi mo iyon maipagkakaila. Lalo na


siyempre kapag maliwanag. Pero walang tatalo sa kagwapuhan niya tuwing seryoso o
di kaya ay galit. Nakakangatog ng binti at parang gusto mo na lang matawa sa
kabaliwan? Is that even possible? To be this gorgeous?

Nanliit ang mga mata niya at umambang may sasabihin pa pero tinalikuran ko na
siya at kinawayan.

Page 102
Jonaxx - End This War

"Salamat sa pagpapalaba ng uniform ko." Sabay pakita sa malinis at mabango ng


uniform. "A-At sa pag papa... uhm... ligo... I mean... gamit ng banyo."

Uminit ang pisngi ko at agad ng pumasok sa gate. Ilang sandali pa bago siya
umalis. Sinilip ko siya ng umalis na. At nang tuluyan nang nawala ang sasakyan ay
humugot ako ng malalim na hininga at umambang papasok na sana nang bigla akong
sinalubong ni Craig at Teddy!

Marahang pumapalakpak si Craig at humahalukipkip naman si Teddy.

"Ate? Naliligo ka na sa bahay ni Hector?"

Kinagat ko ang labi ko. Nakikinig ba sila kanina pa dito?

"Tigilan ninyo ako!" Nilagpasan ko ang nagtatawanan kong pinsan at kapatid.

Alam kong mukhang sinusunod ko ang mga payo nila. At kahit anong paliwanag ko na
hindi ko sila sinusunod ay hindi sila maniniwala.

"Sige ka! Kung di mo susundin yung plano namin, ikaw ang maiinlove sa kanya. At
baka sa kanya pa mapupunta ang lupa habang iniiwan kang luhaan." Iyon ang linya
ng lintek kong kapatid.

Noong una akala ko ayaw niya kay Clark dahil may nararamdaman siyang kataksilan
sa presensya nito. Pero ngayon, napagtanto kong, hindi, ayaw niya kay Clark kasi
gusto niyang paglaruan ko muna si Hector dito. Because they want the damn land!

Kinabukasan, dinalaw ulit ako ng kaba habang papasok sa school nang


pinagtitinginan at pinag uusapan. Ano na naman kaya ngayon? Ano na naman kaya ang
sasalubong sa corridor ko? Baka naman ngayon ay paglaruan na ang gamit ko.
Hindi parin tumigil ang kanilang pagbubulungbulungan pero ipinagkibit balikat ko
na lang ito.

"Hmmm... I love you, Abby." Ito ang medyo malakas kong naririnig sa corridor
umagang umaga.

Wala naman akong pakealam sa mga naririnig ko. Pero pagkaliko ko, bumalandra agad
sa akin ang nakasandal sa dingding na si Abby habang ikinukulong siya ni Koko sa
kanyang mga bisig.

Napa head to foot talaga ako dahil sadyang cannibalistic ang term na naiisip ko
Page 103
Jonaxx - End This War
habang pinagmamasdan ko ang isang binti nilang magkadikit at ang kayumangging
braso ni Koko na naka salida malapit sa balikat ni Abby.

Pulang pula ang kanyang pisngi at mapupungay ang mga mata niyang tutok na tutok
kay Koko. Nilingon pa ako ni Koko at pinagtaasan ng kilay bago inulit ng mas
malakas ang kanina niya pang sinasabi.

"I love you, Abby."

"I love you too, Koko." Padaing na sinabi ni Abby.

Halos umismid ako sa pangingilabot sa dalawa. Naaalala ko kasi ang isang movie na
may mga cannibal ang bida. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naaalala ako sa
tanawin nila. Halos matawa ako sa iniisip ko pero nang makita kong pinag bubulung
bulungan na naman ng ibang tao ang pangalan ko ay agad akong nabanas.

"Napangiwi siya, nagseselos! Ayan! Sige! Magsisi ka ngayon!"

"Haha! Nagseselos! Kitang kita sa mukha niya."

Halos magputukan ang ugat ko sa sinasabi nila pero hindi ko na pinatulan. Lalo na
tuwing naaalala ko yung cannibal sa movie. Para akong kinikiliti.

Kinurot ko na lang ang sarili ko para mapigilan ang tawa ko. Pero ilang sandali
pang paglalakad sa corridor ay namilog ang mga mata ng mga tao sa paligid. May
nakita akong nanigas at napamura. May nakita din akong nagtakip ng nakaawang na
bibig.

"Ano bang meron at bakit wagad na lang ang reaksyon ng mga ito?"

Siguro may bubuhos na naman ng ihi ng kabayo galing sa likuran. Bago pa ako
makalingon ay may naramdaman na akong init sa gilid ko. Halos matalisod ako nang
nakitang si Hector iyon na medyo hinihingal pa.

Bahagya akong tumabi. Nilingon niya ako at tumaas ang kilay niya.

"Naligo ka naman siguro ngayon?" Tumawa siya at humakbang palapit sa akin.

Lumayo ulit ako. Parang habang tumatagal ay lalo siyang gumugwapo. Lalo na
syempre ngayong clean cut ang ang buhok niya.

Humakbang ulit siya palapit.

Page 104
Jonaxx - End This War
"Useless ang paglayo." Ngumisi siya.

"Anong kailangan mo sakin?" Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ngayon, alam ko na kung anong tinitingin tingin ng mga tao. Yung mga babaeng
nakakasalubong ko sa hagdan pataas ay dumidikit pa talaga sa dingding para
makadaan ako ng maayos.

"Kailangan ba ng kailangan para dumikit sayo?"

Tumigil ako nang nakarating na sa second floor kung saan ang klase ko (na hindi
ko kaklase si Hector).

Narinig ko ang pangalan naming dalawa na pinag uusapan sa magkabilang banda ng


building. Naririnig ko iyon dahil medyo malakas ang pagkakasabi ng mga tao. Pero
itong si Hector, parang walang naririnig kung makatingin sa akin.

"Hector, wa'g mo nga akong bolahin! Hindi tayo magkaklase sa klase ko ngayon. Sa
first floor ka diba?"

"O, edi di ka ba pwedeng ihatid?" Ngumisi siya.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa mga tao.

Damn it! Nawawala ang mga tao sa paligid namin. Para bang sa sobrang takot nilang
madaanan ko sila at ni Hector ay umaalis sila sa vicinity.

"Hector..."

Sabay kaming napalingon ni Hector sa isang lalaking kakaakyat lang sa hagdan.


Nakita naming dalawa na hinihingal si Koko sa pagmamadali sa pag akyat. Nakita ko
ang pagkuyom ng panga ni Hector.

Shit lang, ha! Ang gwapo niya tuwing nagagalit. Nangangatog ang binti ko. May
taong ganito pala? At teka? Bakit siya galit?

"K-Kayo na ba ni Chesca?" Medyo kinakabahang nagtanong si Koko.


"Bakit? May problema ka dun?"

Kumunot ang noo ni Koko, "P-Pero..." Suminghap siya at tinuro ako bago nagsalita,
"Kita mo naman ang ginawa niya sakin diba?"

"Kitang kita ko." Matamang sinabi ni Hector.


Napaawang ang bibig ni Koko at napatingin sa akin.

Page 105
Jonaxx - End This War
"Kaya nga mas lalo ko siyang nagustuhan."
"HA?" Ginulo ni Koko ang kanyang buhok at marahas akong tinuro turo. "HECTOR!
GINAGO AKO NG BABAENG YAN AT NAGUSTUHAN MO IYON!"

Halos ma heart attack ako nang biglang marahas at mabilis na hinawi ni Hector ang
kamay ni Koko na nakaturo sa akin.

Nakita kong mas lalong nagalit si Hector. The way his jaw clenched and the way he
gripped his fist... nakakalaglag ng panga.

Yes, laglag ang panga ko habang nakatunganga kay Hector habang galit na galit
siya. Nag aalab ang apoy sa kanyang mga mata habang napapaatras si Koko.

"Wa'g na wa'g mo siyang maturo turo, Koko. Malinaw ko nang sinabi kahapon, na ako
lang... at ako lang... ang makakagalaw sa kanya. Ni pagtuturo, hindi ko
pinapahintulot iyon sayo... at kahit kanino."

Malakas niyang tinulak si Koko.

"Anong... ka..." Kumunot ang noo ni Koko.

Dadagdagan niya pa sana iyon pero nang nakita niya ang galit sa mukha ni Hector
ay umatras siya at yumuko.

"Sorry, Hector." Bago umalis.


Kabanata 18
Hanggang Saan

Kumunot ang noo ko sa ginawa at sinabi ni Hector. Lalong lalo na nang nakita ko
parin ang galit sa mga mata niya habang paalis na si Koko.

Alam ko ang ginawa niya para sa akin. Kaya lang hindi ko mapigilang umiling at
talikuran siya.

"Chesca?" Sumunod siya habang tinatawag ako gamit ang nagtatanong na tono.

"Yes?" Hinarap ko siya at nginitian ng plastik na ngiti.


Kumunot ang kanyang noo at nakapamaywang niya akong pinagmamasdan. "M-May
problema ba?"
"Wala." Nag iwas ako ng tingin at inayos ko ang bag ko. "Sige na, Hector. Papasok
na ako." Sabay muwestra ko sa classroom na punung puno ng usiserang nagtatago na
Page 106
Jonaxx - End This War
feeling nila ay hindi sila nahahalata.

Kung may hindi nakakahalata ay si Hector na iyon. Ang manhid niya, sobra. Ni
hindi niya man lang nakikita ngayon na may umiiyak sa gilid habang dinadaing ang
pangalan niya. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa pero nakatitig
lang siya sakin habang papasok ako sa pintuan.

Gusto kong ngumuso sa babae para makita niya naman o mapagalaan lang ng kanyang
tingin pero hindi ko magawa dahil masama ang titig ng ibang babae doon sa akin.

Umupo na lang ako sa gilid habang pinagmamasdan siyang nakapamaywang na


pinagmamasdan din ako galing sa labas.

"Chupi." Bulong ko sa sarili ko habang kinakawayan siya para malamang gusto ko na


siyang umalis.

Pero ang mokong ay pinagtripan pa yata ako. Humilig siya sa pader at pinagtaasan
ako ng kilay.

"Dito lang ako." Sigaw niya sakin.

Tahimik na pinagtitinginan kami ng mga tao. Nag facepalm na lang ako at hinayaan
siyang nandoon hanggang sa pumasok na ang professor. Kung hindi tumunog ang bell
ay hindi siya aalis doon. Siguro ay tatambay na lang siya hanggang sa matapos ang
klase.

Buong klase ay wala akong ginawa kundi tumunganga at paglaruan ang ballpen ko.

Kung bakit napangiwi ako sa mga sinabi at ginawa ni Hector kanina? Maraming
dahilan at mahirap sila iorganisa lahat.

Una sa lahat, hindi ako nagmamayabang pero maraming nanligaw sa akin noong
highschool. May iilan sa kanilang matagal ko ng kaibigan, pero may iilan ding
kakakilala ko pa lang ay lumalandi na at nagpaparamdam na agad agad. Kaya naman
hindi ko sineryoso si Koko. Pakiramdam ko, hindi pagmamahal ang naramdaman niya
sa akin kundi infatuation lang. Totoong niloko ko siya pero isang linggo pa lang
iyon at umamin agad ako na ayaw ko naman talaga sa kanya. I get it, hindi naman
sa dahil lang sa iksi ng panahon ay hindi siya in love sa akin, pero based on
experience, ganun talaga. Mas maiksing panahon na magkasama kayo, mas malaki ang
chance na maka move on kaagad.

Umabot pa ng isang taon ang pagkakaibigan namin ni Clark bago siya nanligaw at
sinagot ko. Iyon ang naging batayan ko. Iyon ang tunay na pag ibig.

Page 107
Jonaxx - End This War
WAIT! Scratch that!

Napakamot ako sa ulo.

It's not love! Kung mahal niya ako bakit ganun ang ginawa niya sakin? Let's say
may pangangailangan siyang hindi ko natugunan. Pero damn it! Can't he wait? Let's
say he's drunk at naakit lang siya! Damn it again! Kung mahal mo yung tao, kahit
anong mangyari di mo siya pagtataksilan!

Or maybe it's me? I need to grow up? Na natural lang iyon sa isang mature
relationship... Na pwedeng sa isang pagkakataon ay mangaliwa ang lalaki kasi
ganun sila. At nasa sakin iyon kung tatanggapin ko. Walang perpektong
relationship. Lahat ng sweet na mag asawa o di kaya'y mag karelasyon ay dumaan sa
ganito. Pinili nilang patawarin ang isa't-isa kaya nakapagpatuloy sila at naging
matatag ang kanilang relasyon.

Sumikip ang dibdib ko sa kakaisip at nagpasyang tigilan ang pag iisip. It still
hurts...

Lumipas ang ilang linggo at walang ginawa si Hector kundi ang umaligid sa akin.
Tuwing mag kaklase naman kami ni Koko, palagi siyang nasa gilid at
nakikipaglampungan kay Abby habang ako ay nag coconcentrate sa sinasabi ng prof.

At sa mga araw na magkaklase naman kami ni Hector ay wala siyang ginawa kundi ang
biguin ang grupo nina Kathy.

"Ako na ang magdadala sa gamit mo." Aniya isang araw nang dumami ang books na
dala ko.
Kanina ko pa napapansin ang babaeng kasama ni Kathy na namumugto ang mga mata
habang silang dalawa naman ng isa pa niyang kaibigan ay titig na titig sa akin
habang nakahalukipkip.

"Wa'g na." Sabay kuha ko sa libro ko.


Kinuha niya ito pabalik, "Ako na!"
Kumunot ang noo ko at inilayo ito sa kanya.

"Ako na, Chesca!" Matama niyang sinabi.


Binawi ko ulit ito pero pinilit niyang kunin iyon sa mga kamay ko.

Bigla kong naramdaman ang mainit na kamay na nakapatong sa kamay ko. Nakatitig
siya sa akin at nakaawang ang bibig habang hawak hawak niya ang kamay kong
nakahawak din sa mga libro.

Lumunok siya, binitiwan ang kamay ko at nag iwas ng tingin. Ngumuso ako.
Page 108
Jonaxx - End This War

Gaya ng sabi ko, weird ang mga ikinikilos ni Hector. Ang dahilan kung bakit hindi
ako lubos na naniniwala sa kanyang mga motibo ay dahil mismo sa aming dalawa.
Kilalang magkalaban ang Alde at Dela Merced sa lupain ng Alps. Hindi kaya alam
niyang may ganoong plano ang pamilya ko? Hindi kaya alam niyang pinag isipan
naming paibigin siya para lang makuha ang titulo? Alam niya kayang napagkamalan
ko ang ranchero nilang si Koko na isang Dela Merced?

Isa pa, kung hindi niya man iyon naiisip, hindi kaya namamanyakan lang siya
sakin? Nagkaroon na kaya siya ng girlfriend? Sa dami ng may gustong babae sa
kanya dito, may pinatulan kaya siyang isa? Tunog porn star ang pangalan niya kaya
hindi ko pwedeng kaligtaan ang detalyeng ito. Ho-ho!

Isa pa, masyado niyang ginagamit ang authority niya laban kina Koko at sa iba
pang kaibigan niya. Alam niyang importante siya. Alam niyang kaya niyang
talikuran ang lahat nang hindi siya tinatalikuran kahit nino. Tuwing nasa canteen
ay lagi siyang nasa gitna ng kabarkada niya. Batid ko na nandoon parin si Koko sa
kanila kahit na may kagaguhan siyang ginawa dito. At nakita ko rin na hindi na
sila gaanong nag uusap. One reason might be because of Abby. Masyadong busy si
Koko sa paghahawi ng tinitipus na buhok ni Abby habang pinapaypayan nito si Koko
kaya hindi na sila gaanong nakakapag usap ni Hector. Another reason is because
Hector will always... always find a way to be with me.

Nang nakita niyang mag isa ako sa isang tabi (like the usual) ay tumatayo siya sa
kalagitnaan ng pag uusap ng kanyang mga barkadang sina Oliver, Mathew, Kathy, at
iba pang kagrupo niya para lang pumunta sa akin at umupo sa harapan ko nang
nakangisi.

"Pahingi nga ng number mo." Pamubungad niya sa akin pagkaupo niya sa harapan ko.

Nakita ko ang laglag na panga ni Kathy habang pinagmamasdan kaming dalawa. Maging
ito ay hindi niya makita.

"Matagal ko ng tinalikuran ang pagse-cellphone." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.


"Wala lang. Wala namang signal dito." I lied.
Nagkasalubong ang kilay niya, "Meron." Sabay pakita niya sa kanyang mamahaling
cellphone.
"Good for you." Sabay subo ko ng pagkain.
"Bakit ang hard mo sakin?" Tumaas ang kilay niya.

Tiningnan ko lang siya habang umiinom ng tubig.

"Ang sweet mo kay Koko noon kahit alam kong di mo siya gusto. Contradicting ka.
Ibig sabihin gusto mo ako dahil ang taray mo na sakin?"
Page 109
Jonaxx - End This War

Halos mailuwa ko ang tubig sa mukha niya. Nakita kong nag igting ang panga niya
sa biglaan kong pagtawa.

"Oh my gosh! Bakit mo naman iyon naisip?"

"Bakit? Hindi ba?" Seryoso niyang tanong.


"Tol, Practice!" Biglang nagmaterialize si Oliver sa gilid naming dalawa.

Pinaikot niya ang bola sa kanyang hintuturo habang nakatingin kay Hector. Nasa
likod niya ang iba pang mga katropa at kasama ni Hector sa basketball team ng
Agri Business.

"Shoo, Hector!" Sabi ko sabay kaway sa kanya at kindat.


Seryoso parin ang tingin niya sakin. Ni hindi man lang siya nag abalang tumingala
sa mga lalaking nasa tabi niya.

Inisa isa ko ang mga lalaki. Nakita ko ang isang lalaki sa isa kong klase na
kumikindat kindat ng palihim sa akin. Inirapan ko iyon kahit na alam kong may
itsura din ito. Habang iginagala ko ang paningin ko ay hinawakan ni Hector ang
baba ko at iginiya niya ang mukha ko para siya naman ang tingnan ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Lalo na nang nakita kong seryoso siya. Kinilabutan
ako sa pagseseryoso niya.

"You don't just shoo a Dela Merced."

Kumalabog ang puso ko. Bakit tuwing nag eenglish siya ay pakiramdam ko galit na
galit siya? Para bang nagbabanta siyang sumabog. Ang pag eenglish ang timer ng
bomba.

Now I get it. Lumaki siyang hari ng Alegria. Itinuturing siyang prinsipe at
tanging tagapagmana ng malawak na rancho ng Dela Merced. Hindi siya sanay na
binabasta basta. Ito ang rason kung bakit hindi maka angal ang mga kaibigan niya
dahil halos silang lahat ay naiisip na dapat siyang pangalagaan. Kaya ayan at
lumilitaw ang authoritative side niya, bossy side.

"But I'll forgive a Chesca." Ngumisi siya at umiling bago tiningnan ang mga
lalaking nasa tabi niya. "Ano?" Tanong niya nang nakataas ang kilay.

Uminit ang pisngi ko. Alam ko kung bakit tahimik sila. Iyon ay dahil nasaksihan
nilang sinuko ni Hector ang bandera ng Dela Merced para sa akin. Nahulog ang
bolang umiikot sa kamay ni Oliver kaya hinabol niya ito pababa ng canteen.

Page 110
Jonaxx - End This War
"Y-Yung practice?" Sabi ni Mathew.
"Ah? Sige susunod na ako." Aniya.
"Pero sabi ni coach dapat nandun ka."

"Susunod lang ako, Mathew. Pakisabi kay coach." Mariin niyang sinabi.

Tulala ako sa kawalan habang nipoproseso sa akin ang lahat ng aksyon niya. Yes,
that's it. At tungkol sa kung anong motibo niya at bakit siya nagpaparaya sa
akin? Iyon ang aalamin ko! I'm pretty sure this isn't love at first sight. Marami
na akong experience kumpara sa bukid ng Alegria. Alam ko ang totoo at ang hindi.
Alam ko kung paano kumilatis ng katotohanan sa kasinungalingan.

Hanggang saan ka Dela Merced? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sakin? Para
sa lupa namin? Para makuha ang loob ko?

Ngumisi ako. Kumunot ang noo niya sa ngisi ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako at mas lalong ngumisi.

Kabanata 19

Hindi Ba Pwede

Nag aayos ako isang umaga para makapunta na sa school. Nagkaroon ng konting
pinagkakakitaan si Teddy, Tiyo at Papa. Iyon ay ang pag aalaga ng manok. Organic
chicken, di umano. Si Craig naman ay abala sa pag papagwapo. Papunta din siyang
school at palagi siyang late dahil sa sukdulang pagpapagwapo niya.

"Malapit na ba ang festival days niyo, Chesca?" Tanong ni mama habang nichi-check
ko ang mga laman ng bag ko.

"Opo."
"Anong meron sa festival days?" Tanong niya.
"Ewan ko. Parang foundation day din tulad noon sa school."

Sinoot ko ang bag ko sa balikat at tumayo na. Handa na akong umalis. Uminom muna
ako ng tubig kaya naabutan ko pa ang isang tanong ni mama.

"Anong gagawin mo para sa festival days?"

Binaba ko ang baso at sinagot si mama, "Mmm may booth kami." Nahihiya kong
sinabi. "Magbebenta ng juice. Para yun sa business subject namin, ma. Tsaka,
required din ang students na mag cheering."

Page 111
Jonaxx - End This War

Napakamot ako sa ulo.

"Naku! Cheering at booth? Gagastos ba niyan?"

Ito ang unang pagkakataon sa talambuhay ko na tinanong ako ni mama nito. Kahit
kailan, kahit anong gastos pa yan sa pag aaral ay hindi niya iniinda. Pero
ngayon, napagtanto ko kung gaano na katagilid ang aming negosyo ngayon.

"Opo." Napalunok ako.


"O sige, sabihin mo sakin magkano nang mahanapan natin ng paraan."
Tumango ako at, "Aalis na po ako."

Iyon lang ang naging tanging laman ng isip ko. Sa halos magdadalawang buwan ko na
dito sa Alegria Community College, ito pa lang ang unang beses na gagastos bukod
sa mga books na binili at sa konting tuition fee.

Bumuntong hininga ako habang naglalakad sa corridor ng school.

"Laki ata ng problema natin?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko.

Ganito siya palagi. Walang mintis. Araw-araw. Nag aabang siya palagi sa gate at
hindi niya parin makita hanggang ngayon na ang dami dami ng nagtatampo sa kanya.
Madalas kong makita sina Kathy na nag ngingitngit sa galit pero walang magawa.
Tumitiklop lang. Hindi sila makaangal kasi si Hector na iyan.

Ngumisi ako kay Hector. Inuunti-unti ko ang pagsubok sa kanya. Dahil sa mga
speculations ko, hindi ko maiwasang subukan kung hanggang saan siya sa pagsunod
sa akin.

"Eto na nga pala ang sim card mo. Nagbago ako ng number para magkasunod lang ang
number nating dalawa. Last digit lang ang magkaiba."

Ibinigay niya sa akin ang sim card. Noong isang araw kasi, pinilit niya na akong
kumuha ng sim card. Sinabi ko sa kanyang wala akong pera kaya siya na mismo ang
bumili ngayon.

"Anong gagawin ko diyan? Wala naman akong katext." Sabi ko.

Page 112
Jonaxx - End This War
Matagal ko nang hindi kinokontak ang mga kaibigan ko. Maging ang Facebook ko ay
matagal ko ng ni deactivate dahil sa issue kay Clark. At hanggang ngayon, sariwa
parin iyon sa akin. Curious ako kung ano na ang nangyayari sa Maynila pero ayaw
ko ring malaman kung ano na kaya nanatili akong walang kumonikasyon kahit nino.

"Anong tawag mo sakin?" Inirapan niya ako.

Hinablot ko yung simcard at ipinasok ko iyon sa cellphone kong dala-dala ko


naman. Ngumisi siya habang nakayukong lumalapit at dinudungaw ang cellphone ko.

Habang hinihintay kong magstart ang cellphone ay naamoy ko ang bango niya.
Tumitig ako sa t-shirt niyang may nakalagay na 'Abercrombie & Fitch'. Shit lang,
ha! Imported! Naramdaman kong mas lumapit pa siya kaya tumingala ako sa kanya.
Nakita kong namilog ang mga mata niya nang nagkatitigan kami.

Uminit ang pisngi ko.

"Lumayo ka nga, Hector!" Malamig kong sinabi.

"Huh? Gusto kong makitang magstart yung phone mo gamit ang sim ko!"

"Okay. Pero umatras ka nga ng konti." Naasiwa kong sinabi.

"Bakit ayaw mo ng lumalapit ako sayo? Hindi ba nagpapaakbay ka naman kay Koko
noon?" Tanong niya.

"Bakit ba lagi mong binabalikan si Koko? Ang tagal ng issue yun!"

"Eh kasi bakit sila pwede pero ako hindi?" Naghintay siya ng sagot.
Nagkibit balikat lang ako. Maging ako kasi ay walang maisagot. Basta ang alam ko
lang, uncomfortable ako pag nandyan siya at kumakalabog ang puso ko pag lumalapit
siya kaya mas maiging dumistansya siya ng konti. "O, eto na!" Niwala ko ang
usapan at ipinakita sa kanyang nagstart na ang cellphone ko.
Hahawakan niya na sana ito nang biglang sumulpot si Kathy sa gilid naming dalawa.

"Hector, tungkol sa ating booth?" Tanong ni Kathy habang pinipisil ang kanyang
daliri.

Sumulyap sulyap siya sakin habang nagsasalita kay Hector.

"Ano sa tingin mo? Okay na yung pagkain ang pinagbibili natin? Walang drinks.
Dapat may drinks."
Kumunot ang noo ni Hector. "Ikaw na ang bahala." At bumaling agad sa akin.
"Ilagay mo ang phone number ko, Chesca." Aniya.

Nakatingin parin ako sa mabilis na humihingang si Kathy. Galit na galit siya.


Ilang beses ko nang nakita siyang ganito dahil sa asal ni Hector. Noong nag
groupings kami para sa booth ay nag presenta agad si Hector na magkagrupo kami.
Kaya lang, hindi pumayag si Mr. Magdale. Aniya'y siya daw ang bahala sa mga grupo
Page 113
Jonaxx - End This War
kaya hayun at sila nina Kathy, Abby, Oliver, at Koko ang magkagrupo. Ako naman ay
nagrupo kina Mathew, Sarah, Marie, at Jobel.

"Hector!" Medyo malakas ang pagkakatawag ni Kathy sa kanya kaya napalingon si


Hector dito.
Agad na namutla si Kathy nang nakatoon na ang buong atensyon niya kay Hector.

"Wala k-ka bang pakealam? B-Baka bumagsak tayo kung hindi natin maayos ang
booth!"

Tumaas ang kilay ni Hector sa sinabi ni Kathy, "Hindi tayo babagsak, Kathy. At
isa pa, mamaya na lang tayo mag usap. May klase tayo ngayon para pag usapan ito.
May ginagawa pa ako. At istorbo ka lang." Bumaling ulit si Hector sa akin.
Nakita ko ang pagbuo ng luha sa mga gilid ng mata ni Kathy.

JUST LIKE THAT, HECTOR? Mabilis na umalis si Kathy habang nanginginig pa ang
balikat niya. Umiyak iyon. Sigurado. At si Hector ay sumisipol sipol lang habang
nagtatype sa cellphone ko. Sinapak ko na agad.

"Huy, antipatikong unggoy! Anong sinabi mo kay Kathy?"

Alam ko. Kahit na ganun si Kathy kung makaasta, let's face it, tulad ng ibang
babae dito, gusto niya si Hector at alam kong nagseselos siya sakin pero wala
siyang magawa. Wala silang magawa. Isang daliri lang ang makakalapat sa balat ko
ay mababali agad iyon ni Hector.

"Ano?" Tumaas ang kilay niya sakin.


"Bakit mo siya sinabihan ng ganun!? Ang sakit mong makapagsalita ah?"

The spoiled king is really spoiled. Wala akong masabi.

"Ano bang sinabi ko? Iyon naman ang totoo. Tss."


Lumagapak ulit ang palad ko sa batok niya.
"Aray!" Daing niya.

"Mag sorry ka dun! Babae din yun!" Sabi ko.


"Ayoko nga! Tsaka... hindi naman yun galit."
Kinagat ko ang labi ko at napanguso siya habang nagtititigan kami, "Ang spoiled
mo, sobra. Ipinanganak kang walang may galit sayo. Nasanay kang walang bumabangga
sayo. Hindi mo alam kung anong feeling na may galit sayo ang mga tao!"
"May taong may galit sa pamilya namin, Chesca. Kaya nga ipinapatay si lolo noon
diba?"
"Lolo MO, you mean... Iba iyon. Dahil yun sa politika! Ito, simpleng gestures mo
lang naman. Kung ganyan ka sa bawat babaeng makakasalamuha mo, walang maiinlove
sayo."
Page 114
Jonaxx - End This War
Para siyang nagulantang sa sinabi ko. Napalunok siya. Buong akala ko ay papayag
siya sa sinabi kong mag sorry kay Kathy pero nagkamali ako, "Ayoko! Tsaka... In
love ka na naman sakin."
Halos humagalpak ako sa tawa sa sinabi niya.

Napatingin talaga ang mga tao sa paligid dahil para akong kinikiliti ng demonyo
sa pagtawa ko. Nakita kong pumula ng parang kamatis ang pisngi niya dahil
pinagtatawanan ko siya.

"Anong nakakatawa? Totoo naman yun!" Sabi niya.


"Anong totoo? Asa ka Hector Dela Merced!"

Maaring mahal ka ng lahat ng tagarito kahit na may attitude ka, pero ako? Di ako
madadale. May papatunayan pa ako. Susukatin ko pa kung hanggang saan ka dito...

"Kung hindi ka in love, bakit kumikislap ang mga mata mo habang tinitingnan mo
akong naglalaro ng basketball? Lalo na pag nakakashoot ako?"

Kumalabog ang puso ko pero hindi ako nagpatinag. May rason kung bakit ang utak ay
malapit sa bibig. Iyon ay para ang utak ang magpalabas ng mga salita.

"Matagal ng kumikislap ang mga magaganda kong mga mata. Kaya wa'g kang feeling."
Inirapan ko siya at nilagpasan.

"Hah! At ano yang pamumula ng pisngi mo ngayon?"

"Nag bu-blush on ako kaya yan mapula!" Nag iwas ako ng tingin.

Nagulat ako nang bigla niya ikinulong ang pisngi ko at parang may binura siya
dito at tumakbo. Hinawakan ko agad ang pisngi kong nabura yata ang blush on na
nilagay ko.

"HECTOOOOOR!" Sigaw ko sabay takbo na rin papunta sa kanya.

Tuso siya. Agad siyang pumunta sa mga kagrupo niya at tumatawang umupo sa upuan.
Sinalubong naman ako ng kagrupo kong si Jobel.

"Kanina pa nag start!" Sabay hila niya sa isang upuan.

Mabuti na lang at mukhang puyat si Mr. Magdale at hayun tulog sa teacher's table
habang kami ay abala sa pagpaplano ng gagawin naming booth.

Page 115
Jonaxx - End This War
"Ang busy na. Mamaya may practice na sa cheering! Yung taga Agri Biz, naka
practice na nga. Pati yung Educ. Kahit yung vocational courses meron na. Huli
tayo." Sabi ni Sarah.
"Okay lang yan. Tutal apat na kurso lang naman ang meron tayo dito kaya pwedeng
tayo ang fourth placer! Yey!" Pumalakpak ako at tumawa.

Kaso ako lang ang natawa sa sarili kong joke. Nakalimutan ko. Kahit maliit lang
na school ang ACC, masyado silang competitive. Marami dito ang inaalala talaga
nila ang grades nila, ang mga requirements, ang lahat! Naiinis pa sila sa Camino
Real Community College dahil mayayabang daw, hindi porke't mas unang naitatag ang
college nila ay ibig sabihin na nun ay mas magaling na sila. Alegria daw ito,
home of the hacienderos, kaya hindi sila magpapatalo.

"Okay, simula na tayo. Seseryosohin ko ito. Ayokong matalo kina Kathy. Anong mga
flavors ang ipapalabas natin? At anong mga pakulo?" Tanong ni Sarah.

"Orange juice? Samalamig? Buko juice?" Suggestion ko.


"Okay yung Buko Juice. Ano pa?" Sabi ni Marie.

Nagpatuloy ang brainstorming namin nang namataan kong nakapangalumbaba si Hector


sa kabilang table at nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko. Masyado siyang bulgar
sa pagtingin sa akin.

May napansin pa akong kaklase namin na hinila yung kagrupo niya para lang ituro
ang nakatitig na si Hector sa akin. Inirapan ko si Hector at napansin kong parang
ngumunguyang baka si Kathy habang nagsasalita ng paulit ulit kay Hector dahil
hindi siya nakikinig.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para itext sana siya.

Nang nipoen ko ang 'Create Message' button ay may mensahe na doon. At alam ko
agad kung sino ang nag type nun. Kaya pala abala siya kanina. Para itype ito!

Ang nakalagay:
Sa oras na mag text ka dito, pumapayag ka ng ligawan kita.

Binura ko iyon at nitext siya. Nang nakita niyang nagtitext na ako ay sumigaw ito
ng...

"YES!"

Napatingin ang buong klase sa kanya. Maging si Mr. Magdale ay nagising sa sigaw
niya.

Page 116
Jonaxx - End This War

"Y-Yes, Mr. Dela Merced?" Tanong ni Sir Magdale.


"Wala po. Happy lang!" Nakangisi niyang sinabi.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang nisesend ang message. Binalot ng bulung
bulungan ang klase dahil sa sinabi ni Hector. At as usual, wala siyang pakealam.

Ako:
Sa text ka nanliligaw? Mag sorry ka muna kay Kathy.

Nakita kong binasa niya ang text ko. Tingnan natin kung hanggang saan yang pride
mo, Dela Merced. Simula pa lang yan ng pagsusukat ko kung hanggang saan ka aabot
ngayon... Papahirapan kita hanggang sa magpasya kang tigilan ang panloloko sakin.

Mabilis siyang nag reply.

Hector:

My rules, Chesca. Nagtext ka kaya manliligaw ako. Hindi ko na kailangang magsorry


kay Kathy. Maayos kami.

Hindi naman sa nagpapakasanta ako kaya pinipilit ko siyang mag sorry kay Kathy.
Kaya lang, dahil sa pagmamatigas niya, sa matayog niyang pride, ay mas lalo akong
na eengganyong i challenge siya dito.

Chesca:

Sagot ko ang gusto mo sa panliligaw na ito, diba? Well then, it's my rules.
Magsorry ka sa kanya. Kung ayaw mo, di ka pwedeng manligaw.

Nakita kong kumuyom ang pisngi niya habang binabasa ang text ko. Ganun ba talaga
kahirap ang mag sorry para sa haring katulad niya?

Hector:
Mahal kita. Hindi ba ako pwedeng manligaw?
Halos itapon ko ang cellphone ko sa nabasa ko. Nilingon ko agad siyang
nakapangalumbaba at tulala habang mabilis na nagtatalakan ang mga kagrupo niya.
WHAT THE FREAK IS GOING ON? Mabilis na kumalabog ang puso ko. Nag i-slow motion
ang bunganga ni Jobel habang nagsasalita siya tungkol sa mga combo combo na plano
sa booth namin. Hindi mag sink in sa akin ang lahat ng pinag uusapan nila.

Bakit? Bakit ako naapektuhan? Sa text pa lang niya ako sinabihan ng ganun pero
bakit ganito? No. No, Chesca. Magdadalawang buwan pa lang kayong magkakilala at
Page 117
Jonaxx - End This War
isang linggo lang ay pinormahan ka na niya. Ngayon inamin niyang mahal ka niya at
sa text lang! Hindi ka niya mahal. May hidden agenda siya. Nanginginig ang kamay
ko habang nag text ako sa kanya.

Ako:
Hindi. Kailangan mong mag sorry kay Kathy.

Hanggang saan ka, Hector? At hanggang saan din ako?

Kabanata 20
Aalis Si Hector?

Hindi niya ako nireplyan. Buong period siyang tulala at mukhang galit dahil sa
patuloy na pag igting ng bagang niya. Well, kung hindi mo magawa ang simpleng
bagay na iyon, then I'm right. May agenda ka dito.

Tumango ako habang nakikinig kay Jobel na finafinalize lahat ng hakbang namin
para makaipon ng puhunan at makapaghanap ng resources para sa produkto naming mga
juice. Syempre, kakailanganin naming pumunta sa bukiring pinag tatrabahuhan ng
kani kanilang mga magulang para mag harvest ng buko para sa buko juice. Napag
isipan din naming mag imbento ng juice galing sa isang bulaklak bukod sa
ipinagmamalaki nilang luya juice (ewan ko anong lasa nun), lemon juice (o
lemonade), orange juice, apple juice, strawberry juice at iba pang galing sa
prutas talaga.

Ang problema namin ay medyo mahal ito kumpara sa mga litro pack na tinutunaw lang
dapat dahil isasali ang gastos sa pagpapalaki ng halaman o puno ng prutas. But we
will find a way, though. Iyon ang pangako ni Mathew na mukhang maraming tanim sa
kanilang bakuran. Sumulyap siya sakin at ngumisi.

"Kaya natin 'to." Aniya.

Tumango ako at ngumisi na rin.

Nang nag dismiss na ang buong klase ni Mr. Magdale ay hindi ko maiwasang bumaling
kay Hector. At ang scene na naabutan ko ay iyong pagtayo ni Kathy at ang paghawak
niya sa kamay nito.

Kitang kita ang panlalaki ng mga mata ni Kathy at pamumula ng kanyang pisngi.
Natigilan ako at pinagmasdan ko silang dalawa. Nakita ko ang kibot sa bibig ni
Hector.

"Sandali lang." Aniya.

Napalunok si Kathy. Nagmamadaling umalis ang mga kaklase namin. Ang nakapansin
Page 118
Jonaxx - End This War
lang nung pangyayari ay yung mga madalas na tumitingin kay Hector. Yung mga
secret admirers niyang nagkalat sa tabi tabi.

Lumingon lingon si Kathy at hinintay ang pagtayo ni Hector. He towered over her.
Matangkad siya. Hanggang baba lang si Kathy. Ganun din naman ako sa kanya. May
naramdaman akong pait sa kalooblooban ko. His eyes were intense. At naiintindihan
ko kung bakit kitang kita ko ang pangangatog ni Kathy ngayon. Parang ipinapatawag
ka ng hari sa isang espesyal na meeting. It was both a privilege and a burden.
Pero hindi iyon papansinin ng ibang babae. Ako lang yata ang makakapansin sa
pagiging burden nito kasi ako lang ang nakakakita sa mga nanlilisik na mga mata
sa paligid.

Medyo humupa na ang mga tao. May tatlong babaeng nagsusuklay sa kani kanilang mga
upuan pero nakikita kong palusot lang nila ang pagsuklay kasi gusto nilang
marinig ang sasabihin ni Hector kay Kathy. May iilan ding nasa labas pero diretso
sa loob ang titig. Pa discrete lang na nagmamasid.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Nilagay ko ang shoulder bag ko sa


balikat at umambang aalis na pero pinigilan ako ng utos ni Hector.

"Wa'g ka munang umalis, Chesca." Matama niyang sinabi.

"Huh? Ba't naman?"


Hindi niya ako sinagot. Pagkalingon ko sa kanya ay diretso niyang sinabi ito kay
Kathy, "I'm sorry sa mga pangit kong sinabi sayo. Sana mapatawad mo ako, Kathy."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kathy. Nagtakip pa ito ng nakangangang bibig
sa sobrang gulat.

Tumawa ito pero bakas sa pagtawa niya ang panginginig ng boses. "A-Ano ba,
Hector! Wala lang iyon!" Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga at
mas lalong pumula ang pisngi niya habang tinititigan ni Hector.

Maganda si Kathy. Lagi pa siyang pinapaligiran din ng mga magaganda at mapuputing


chinita na kaibigan niya kaya mas lalong umaangat silang tatlo sa ibang mga grupo
dito. Kaya lang, napansin kong mukhang may pagnanasa si Reese (isa sa dalawang
chinita) kay Hector. Mas lalong tumingkad ang maputing balat ni Kathy dahil sa
pamumula ng kanyang pisngi. Manipis ang kanyang labi at tama lang, hindi tulad
nang saking manipis pero madalas pouty. Itim na itim din ang kanyang buhok, di
tulad ng saking natural na may pagka brown. At ang kanyang mga mata ay slightly
doe, hindi tulad nang saking malalim. She's over all okay, maganda. Kung nasa
Manila siya, papasa siya sa panlasa ng scout ko bilang modelo.

Bumaling si Hector sakin kaya napatalon ako. Nakita ko ang lalaking may malalim
ding mga mata at perpekto ang mukha. Hindi ko alam hanggang ngayon kung bakit di
parin siya nadidiskubre ng scout sa Star Circle. He'll make girls moan just by
staring at them. Ipinilig ko ang ulo ko. Ang gaga mo, Francesca Alde! What
happened?
"Tapos na." Aniya saka tumaas ang kilay.

Page 119
Jonaxx - End This War

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.

"Right!"

Oo nga pala. Iyon ang hamon ko sa kanya kaya niya iyon ginawa. Diretso akong
lumabas sa classroom. Matulin ang lakad ko. Pero agad niya akong naabutan.

"Tapos na kaya pwede na akong manligaw?" Seryoso ang boses niya habang sinusundan
ako sa next class kong hindi naman kami magkaklase.

Nilingon ko siya at tinapunan ng madilim na tingin.

"Ano, Chesca? Magkaroon ka naman ng palabra de honor! Kung anong sinabi mo,
tutuparin mo!"
Halos matawa ako sa term niyang palabra de honor! "Nag sorry ka lang naman dahil
iyon ang gusto ko." Inirapan ko siya.

"Buti alam mo."


"WHAT?" Hinampas ko siya at iniwan sa paglalakad.

"Yun naman ang totoo ah!" Naabutan niya rin ako.

Ang kapal din naman ng mukha nitong balasubas na ito.

"Whatever, Hector." Inirapan ko ulit siya.

Ngumisi siya sakin. Hindi ako makatingin ng diretso. Bakit gwapo siya kapag
ngumingisi at natutuwa at gwapo din siya pag galit at badtrip?

"Sige na, pasok na ako sa klase." Iniwan ko siya.

"Yung panliligaw ko?" May bahid na desperation sa boses niya habang sinasabi
iyon.
Kumaway lang ako ng patalikod.

"FRANCESCA ALDE! MANLILIGAW SABI AKO-"

Mabilis akong tumakbo sa kanya para sapakin siya. Bahagyang napatingin ang mga
lalaking papuntang CR at nakarinig sa sigaw niya.

"Shit ka!" Sabi ko.


Ngumisi ulit siya, "Sige ka. Di ka papayag magsisigaw ako dito! Tsaka, bawal mag
mura ha. Yung bibig mo!"

Page 120
Jonaxx - End This War
Inirapan ko ulit siya, "Bakit? Ikaw!? Nagmumura ka rin ah!"
Ngumisi pa siya lalo at humalukipkip na pinagmasdan ako.
"Ano na naman? May dumi na naman ba ako sa mukha?"

"Wala. Naisip ko lang na kahit di ka papayag na manligaw ako sayo, liligawan


parin talaga kita."

Uminit ang pisngi ko. Sige. Sige pa, Hector. Mambola ka pa! Tignan talaga natin
kung kaya mo ang Chesca'ng ito. Mag da-duck walk ka pag di ko gusto ang mga
ginagawa mo. Gagawin kitang alipin at papatayin kita sa utos hanggang sa
marealize mong hindi worth it ang limang ektarya para pag aksayahan ng panahon.

"B-Bakit?"
Mas lalo siyang ngumiti. Kinilabutan ako. "Kasi sa bawat pag irap mo, pag tataray
mo at pag iinarte mo, mas lalo akong nahuhumaling sayo, Francesca. Paano pa kaya
kung maglambing ka na sakin?" Tumaas ang kilay niya at umiling.

Naghintay ako sa idudugtong niya nang namimilog ang mga mata. Tinalikuran niya
ako bago nagsalita...

"Baka di ko na mabitiwan ang kamay mo."

Napalunok ako. Ilang sandali pa bago ako nakabalik sa huwisyo ko.

Hanggang sa mga sumunod na klase ay iyon ang iniisip ko. Hindi iyon ang dapat
kong isipin, eh. Dapat... yung iniisip ko dito ay kung paano ko siya aalipinin?
Kaya lang, hindi ako makapag concentrate. Palagi kong naaalala ang labi niyang
mapupula at ang panga niyang sobrang nakakakilig pag nag iigting. SHIT! CHESCA!
TUMIGIL KA NA AH!?

Kaya hayun at nang nagsimula na kaming mag practice para sa cheering sa Business
Administration. Naiirita ako kasi mukhang noong isang buwan pa nagpapractice ang
mga Agri Business kasi ang gagaling na nilang mag helicopter move sa ere.

Kami dito kahit simpleng routine ay namumura na ng bading na trainor namin.

"Kayo ang kulelat! Jusko ang gaganda niyo pa naman pero para kayong mga kawayan.
Kumembot naman kayo. Susmaryosep! Maawa naman kayo sa beauty ko!"

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang medyo hawig sa tikbalang na trainor namin.
Magaling siyang mag train. Magaling sa choreography at choice ng music. Halatang
siya ang nag edit ng lahat. Hindi tulad sa kabilang course na parang nasa youtube
lang at nidownload.

Page 121
Jonaxx - End This War
"Ikaw!" Sabay turo sa akin ng medyo naiiritang trainor namin.

"Po?"
"Ikaw nga dito sa harapan!"

Napatingin ako sa napatawang si Jobel at sa napangiwing ibang babae sa paligid


ko. Tumango ako at humakbang papunta sa harapan.
"Ayan! Siguro sayo lang titingin ang judges. Iksian pa dapat ang palda mo para
mas lalong mawindang ang judges!"
"Po? Hindi na uso yung palda, ah?" Biglaang sabi ko.
Napatingin siya sakin, "Gaspang ng tabas ng dila mo, neng. Maganda yung palda na
gusto ko kaya chill lang kayo at makisama sakin."

Nilagpasan niya ako at minura ang mga 'kawayang' nasa likod.

"Hindi ba kayo marunong kumendeng!? Para kayong mga kahoy na walang ginawa kundi
tumayo!"

Nakita kong lumalapit siya kay Sarah at ni head to foot niya ang mukhang takot
kong kagrupo.

"Susko! Para kang gulat na pusa kada routine!"

Nakita kong bumungisngis ang ilan sa likod. Umiling na lang ako sa harap at
naghintay na matapos na itong verbal abuse na natatanggap namin sa kanya.

Kaya nang natapos iyon ay nakahinga ako ng malalim. Kahit na habang nagbibihis
ako ay panay ang ngisi ng trainor sakin at panay din ang tanong niya.

"Taga dito ka ba talaga? Ano ngang pangalan mo?"


"Hindi po. Taga Maynila ako. Chesca." Sagot ko.

Inusisa pa niya ako at ngiting ngiti siya sakin. Nang nakawala ako at sa wakas ay
pauwi na, saka palang talaga ako tuluyang nakahinga ng maluwang.

Naglalakad ako palabas ng Alegria Community College. Itinali ko ang buhok ko sa


unang pagkakataon ngayon dahil sa init na naramdaman ko galing sa pagpapractice
ng cheering nang narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa covered court.

"Dela Merced for three points!" Sigaw ng kung sino galing doon.

Page 122
Jonaxx - End This War
"May practice game sina Hector!" Sigaw nung babaeng nagmamadaling pumunta sa
covered court.

Tiningnan kong mabuti ang over crowded na covered court. Hmmm. Sumilip kaya ako?
Baka magtutulakan lang kami ng mga babae niya dun? Hmmm.

Kahit na nag aalinlangan ako ay pumunta parin ako. Tama. Nakipagsiksikan nga ako
sa dami ng mga nanonood. Hindi lang babae, bakla, tomboy yung nanonood, may mga
lalaki rin.

Practice game pala ito ng ilang seniors ng Agri Business at sa mga bago tulad
nina Hector. Hindi naman gaanong malayo ang lamang nina Hector sa kalaban.
Magagaling din itong seniors. Kaya lang, mas maraming fans ang mga bago. Lalo
na't puro mga shooter ito lalo na si Hector. Hindi pa maipagkakaila na mas
magagandang lalaki sina Hector, Oliver, Mathew at kung sino pang mga bago.

May nakita pa nga akong kayumangging chinito at may earring pa sa kaliwang ears.
Hindi siya kasing tangkad nina Hector at Oliver pero mabilis siyang kumilos at
laging nakakaagaw ng bola. Pati ako ay naeexcite sa game. Tumalon talon ako nang
nakaagaw ulit siya ng bola.

"WOOOOH!" Hindi ko namalayang medyo natatagalan na ako dahil sa pagkahumaling sa


laro.

Pinanood kong sinubukan nung chinito ang pagshoot nung bola pero hindi siya
nagtagumpay dahil ni block agad iyon ng isang senior.

"AYYY!" Sabi ko sabay hawi sa mga kulay green na hotdog balloons na ginagamit ng
iba upang magcheer sa dalawang team ng Agri Business.

"HECTORRR! KYAAAA! WAAA!"

"HECTOR MAHAL KO!"

Halos maipit ako habang nagsisiksikan na naman ang mga babae pagkatapos ng
pangyayaring hindi na ishoot nung chinito yung bola. Nang pasadahan ko ng tingin
ang buong court ay nagulat ako nang nakitang nakahalukipkip at mukhang badtrip si
Hector na nakatitig sakin.

Sakin ba ito nakatitig?

Tumingin ako sa likod ko bago bumaling ulit sa kanya. Tinaas niya ang kilay niya
sa akin.

Page 123
Jonaxx - End This War
Ako? Ngumuso ako at halos mabingi na sa sobrang lakas ng tili ng mga babaeng nasa
tabi ko.

"AKO ANG TINITINGNAN NI HECTOR!" Sigaw ng isang katabi ko.

Bumuntong hininga si Hector at tumalikod. Lumapit siya sa coach niya at may


binulong. Nung una ay umiling ang coach. Pero may binulong ulit siya doon kaya
tinapik niya ang balikat ni Hector. Tumayo si Hector ng maayos at nilingon ulit
ako.

Anong problema niya?

Itinuro niya ang labasan bago kinuha ang bag niya.

"AALIS SI HECTOR? TAPOS NA BA ANG GAME? HINDI PA AH?"


"HECTOR? HINDI PA TAPOS!"

Kinagat ko ulit ang labi ko lalo na nang nakita kong sinadya niyang banggain ang
chinitong nicheer ko kanina. Oh my God? Wa'g mong sabihin saking nagseselos siya?
Kabanata 21

Sagutin Mo Lang Ako

"Type mo ba ang mga chinito?" Ito ang salubong niya sa akin habang hinihintay
niya akong makalabas sa crowd.

Nakapamaywang siya at nakasabit ang gym bag niya sa kanyang balikat. Bahagyang
basa parin ang buhok niya sa pawis. Naka jersey pa siyang pambasketball at soot
parin niya ang sapatos na ginamit niya sa laro.

"Hindi." Ngumisi ako.


Nanliit ang mga mata niya, "Kitang kita ko ang pag chi-cheer mo kay Harvey Yu!"

"Harvey Yu ang pangalan nung chinito?" Napaisip ako. Hmmm. Chinese.

Bigla niyang ni snap ang daliri niya sa mukha ko. Bumaling ako sa kanya at
ngumisi. Nakita ko ang galit at naiinis niyang mukha bago ginulo ang basa niyang
buhok.

"Ang pangit nun, Chesca! Di hamak na mas gwapo ako nun! Ha!" Umirap siya.

Napangiwi ako. Lalo na nung nakita kong mabilis ang paghinga niya.
Page 124
Jonaxx - End This War
"Nung una si Koko! Ngayon si Harvey! Ano ba yang mga mata mo?"

"Hoy Hector! Hindi naman ako yung tipong gwapo lang ang pinapansin. Hindi naman
ako hayok sa gwapo! Yung importante sakin ay yung substance!"

Kinagat niya ang labi niya at itinuro ang mga naglalaro, "So ibig mong sabihin
gusto mo nga ang isang iyon kasi may substance siya? Anong substance ba ang
pinagsasabi mo nang madurog ko at maibaling sakin yung paningin mo?"

SERYOSO BA ITO? Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Ni head to foot
ko siya at nakita kong tensyunado ang buong katawan niya. Hindi maka pirmi ang
mga paa niya, mabilis ang hininga niya at bumubuntong hininga halos kada tatlong
segundo.

Binatukan ko siya nang sa ganun ay mapakalma. Bumaling siya sakin gamit ang
nagtatanong na mga mata. Tumawa ako sa ekspresyon niya.

"Uuwi na nga ako!" Umirap ako at pumanhik palayo sa kanya.

Sinundan niya naman ako. Alam ko dahil ramdam ko iyon sa mga titig ng mga pakalat
kalat na babae sa gilid na nakatingin sa lalaking nasa likuran ko.

"Tsaka yung buhok mo, nakatali." Aniya sa likuran ko.


Bumaling ako sa kanya, "Ano ngayon? Hindi ka naman inaaway nitong buhok ko, ah?
Tsaka bakit kung makapagsalita ka parang wala akong karapatan na mag tali ng
buhok? Tss."

"Sinasabi ko lang naman na nakatali. Tsaka, kitang kita yung batok mo-"

Agad akong umismid at nakahawak sa batok ko. "Oh ano ngayon?"


Nag iwas siya ng tingin at tumigil sa paglalakad. Tinaas ko ang kilay ko at
binuksan niya ang bibig niya para magsalita ng dahan dahan. "Ayaw ko."

Unti-unting namilog ang mga mata ko. Sa mundong ito, hindi lahat ng gusto mo ay
maaring masunod. May mga bagay na talagang hindi mo maiiwasan. Inevitable. Pero
ang isang ito, sanay atang kontrolado ang lahat. Lahat ng gusti niya ay dapat
nasusunod. At mukha namang pinagbibigyan siya ng lahat ng taong nakapaligid.
Spoiled, kung baga. Isang sabi niya lang na ayaw niya ay agad na umaayaw din ang
iba.

Nanliit ang mga mata ko. Hanggang saan ka, Dela Merced? Lahat ng ayaw mo ay
gagawin ko. Papahirapan kita. Kung pwede ay papagapangin kita sa putikan nang
malaman ko kung ano ba talaga ang sadya mo sakin at ang bilis mong pumorma.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong umapila sa sinabi niyang ayaw niya. Gusto kong
ipaintindi sa kanya na hindi lahat ng bagay na gusto niya ay makukuha niya o
masusunod. Pero imbes na magsalita ako ay tinalikuran ko na lang ulit siya para
makapag lakad ng diretso.

Page 125
Jonaxx - End This War

Hindi niya ako tinigilan. Patuloy siya sa pagsunod. Papalapit na ako sa gate nang
bigla na namang sumulpot ang Jeep Commander nila sa harapan.

"Ihahatid na kita." Aniya sabay bukas sa pinto.

Really?

"Kaya kong magtricycle mag isa."


"Ihahatid kita, Chesca." Dinig ko ang utos sa boses niya.

Ngumuso ako. Okay lang sa akin na ihatid niya ako. Hindi naman ito ang unang
beses niyang nagawa iyon. Kaya lang, dahil narinig ko sa boses niya ang utos at
ang kasiguraduhang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako sasama sa kanya.
Mas lalo kong nagustuhan ang pagrerebelde.

"Walang tricycle." Aniya sabay pasada ng tingin sa paligid.

"Edi mag lalakad ako." Sabi ko.


"Sasakay ka sa sasakyan ko." Matama niyang sinabi.

"Maglalakad ako." Mas mariin kong banggit.

"Chesca." Bumuntong hininga siya.

Nagsimula na akong maglakad. Sinundan niya na naman ako at nakasunod na rin ang
kanilang sasakyan.

"Hector, maglalakad ako. Hindi ako sasama-"

"Naka ilang beses ka na sa pagsakay sa sasakyan ko, ah? Ba't ngayon ka pa aayaw?"

"Gusto kong maglakad ngayon." Nagkibit balikat ako.


Narinig kong suminghap siya, "Sasakay ka Chesca."

Bumaling ako sa kanya at tumigil sa paglalakad. Natigilan din siya at tiningnan


ako.

"Kung gusto mong sumakay, edi sumakay ka dun! Ako? Maglalakad ako. Kung ayaw mong
naglalakad ako, edi wala kang pakealam. May sarili akong utak. Hindi ako iyo. At
kung sasabihin kong maglalakad ako, maglalakad ako! Wa'g mo ng subukang baguhin
ang pag iisip ko dahit eto ang gusto ko sa ngayon!"
"Ba't mo gustong maglakad? Mapapagod ka lang! Mauuhaw ka! At isa pa, malayo pa
ang sentro! Naalala mo nung naglakad ka nung una? Hindi ba na hold up ka?"

Page 126
Jonaxx - End This War
"GUSTO KONG MAGLAKAD! END OF THE STORY! Wala akong pakealam kung mag alay lakad
ako dito hanggang bahay basta maglalakad ako!" Tinalikuran ko siya.

Buong akala ko ay wala na siya. Lalo na nang nakita kong humarurot sa harapan ko
ang Jeep Commander. Inirapan ko iyon.

"Buti nga sayong hari ka! Kala mo lahat luluhod sayo?"


"Anong sabi mo?" Narinig kong sinabi niya sa likuran ko.

Napatalon ako nang nakita siyang sumusunod parin pala. Ngayon ay sabay na kaming
naglalakad.

"Oh! Akala ko gusto mong sumakay? Ba't ka naglalakad sa tabi ko?"

Seryoso ang mukha niya habang naglalakad. Diretso ang tingin nito sa dinadaanan
namin. Mabato ang gilid ng concrete na daanan. Matalahib din at kitang kita ang
bulubundukin ng Alegria sa kabilang side. Mabuti na lang at alas singko na kaya
hindi na gaanong mainit. May iilang tricycle na dumaan. Kaya lang ay punuan na
ang mga iyon. Tsaka, wala rin akong balak na sumakay lalo na't nandito siya
ngayon. Papanindigan ko ang sinabi ko sa kanyang maglalakad ako.

"Sinabi ko bang gusto kong sumakay ako? Sabi ko, gusto kong sabay tayong umuwi.
Ba't ang tigas ng ulo mo, Francesca Alde?"

"Kasi nga... gusto kong maglakad." Rason ko.

Tumaas ang kilay niya at di na nagsalita.

Patuloy kami sa paglalakad. Wala na siyang bag. Mukhang pinadala niya na ata sa
kanilang sasakyan kaya nakapamulsa siya sa kanyang jersey shorts habang
naglalakad. Ako naman ay nakahalukipkip at nakatingin sa iba't-ibang tanawin ng
Alegria.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakaramdam ako ng uhaw. Mabuti na lang ay nasa
bukana na kami ng sentro.

"Inuuhaw ako." Sabi ko.


Tumingin siya sakin at agad lumihis ng dinadaanan. "Lika!" Aniya.
Sumunod ako sa haring iyon at dinala niya ako sa isang tindahan.

"Pabili po ng mineral water." Aniya sabay abot ng isang daan galing sa kanyang
wallet.
"Oh, Hector? Ikaw pala!" Sabi ng tindera.

Page 127
Jonaxx - End This War
Ngumisi siya, "Opo."
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba umuuwi? Mag aalas sais na ah?"
"Uuwi na po ako. Ihahatid ko lang itong si Chesca."

Nakita ko ang OA na pagkakalaglag ng panga ng tindera lalo na nang nakita niya


ako. Tumawa siya at tiningnan ulit ako ng mabuti bago inabot sa kay Hector ang
tubig.

"G-Girlfriend mo, Hector?" Tanong ng tindera.

Tumingin si Hector sa akin at ngumisi, "Malapit na."

Aba't ang feeling din ng antipatikong unggoy na iyon ah! Laking gulat ko na nang
uminom muna siya sa mineral water bago iyon inabot sa akin.

"Eto oh." Aniya.

Kumuha agad ako ng pera at inabot iyon sa tindera.

"Isa pa pong mineral water." Sabi ko.


Hinawi agad ni Hector ang kamay ko at tumawa siya, "Kunin niyo na lang ang bayad
niya sa isang daan. Aarte pa ang isang 'to. Sakin din naman bagsak ang labi
niya."

Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga. Hindi ako makapaniwala na hindi lang
talaga siya control freak, bossy at antipatiko! Mayabang din siya at feeling!

"Alam mo, di kita sasagutin!" Sabi ko pagkatapos uminom ng tubig.

Nakita kong galing sa ngisi ay nag pout ang kanyang labi.

Nag iwas ako ng tingin. Dahil sa bawat pag iba niya ng ekspresyon, hindi ko
mapigilan ang pamumuri ko sa kanya. Sobrang gwapo niya, sa kahit anong angggulo,
sa kahit anong ekspresyon.
Gaya ng sabi ko nung una, hindi ako yung tipong hayok sa gwapong lalaki. Hindi
ako ganid sa mga nagkikisigang mga lalaki sa buong school. Madalas kong
magustuhan yung mga lalaking cool at may substance kahit hindi gaanong gwapo. Mas
madalas kong magustuhan yung hindi mainstream. Pero nung una kong nakita si
Hector ay nawalan ako ng kaluluwa. He's not just drop dead gourgeous. Hindi ko
maipagkakailang may substance din siya at may attitude pa. Yung attitude na iyon
nga lang ay ang pagiging bossy, control freak, mayabang at hari niya.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad
hanggang sa wakas ay mabilis kaming nakarating sa street ng bahay namin. Naliligo
Page 128
Jonaxx - End This War
na ako sa pawis at feeling ko ang bahu baho ko na. Pero si Hector ay pawis din,
ngunit ang tanging naamoy ko galing sa kanya ay ang bango niya. Kinagat ko ang
labi ko at pinikit ang mga mata nang umihip ang hangin at mas lalo kong naamoy
ang bango niya.

Shit lang.

Tumigil siya sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng bahay. Tumigil ako kasi
tumigil siya. Yun lang? Parang bitin! Shit! Ano ba itong iniisip ko?

"Ba't di mo ako sasagutin? Kasi tingin mo gusto kong ako ang laging nasusunod?
Ganun ba yun, Chesca?"

Napaatras ako sa tanong niya. Hindi ko inakalang iyon ang lalabas sa bibig niya.
Akala ko magpapaalam na siya o mang iinis parin. Iyon naman pala, ang salita kong
iyon ang naging laman ng isip niya buong paglalakad namin. Kaya pala natahimik na
lang siya kanina nang sinabi kong di ko siya sasagutin.

"Kasi akala mo gusto kitang paluhurin sa paanan ko?"

Napalunok ako sa malamig niyang boses. He looked so serious that I'm almost
convinced. No, Chesca. This is war. And he's just acting.

Kumalabog ng mabilis ang puso ko nang bigla siyang yumuko. Inangat niya ang isang
paa niya at pinalapat niya ang kanyang tuhod sa concrete na daanan ng street
namin. Dumungaw ako sa lalaking nakaluhod na sa paanan ko. Tinakpan ko ng aking
palad ang bibig kong hindi ko na matikom. Kahit na isang tuhod niya lang ang
nakaluhod at ang isa ay sinandalan niya, buong katawan niya naman ang nakayuko.
Para akong dumudungaw sa isang kabalyero.

I can't... take it all in.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang napapaatras.

Inilahad niya ang braso niya bago tumingala sakin.

"Ako ang luluhod sayo, Chesca. Sagutin mo lang ako, ibigin mo lang ako. Tulad ng
pagpapaibig mo sakin."

Nabingi ako. Nabingi ako sa sobrang lakas ng pintig ng naghuhuramentado kong


puso.
Kabanata 22

Page 129
Jonaxx - End This War
Karapatan

Hindi ko matanggal sa isip ko ang pagluhod ng isang hari sa harap ko. Hindi siya
hari kung tignan. Lalo na nung yumuko na siya at naglahad ng kamay. Mukha na
siyang knight na maghihintay sa iuutos ko at magtatanggol sa akin kahit kelan ko
gusto.

Nilalapag ko ang mga damit na nitutupi ko sa mesa ng sala habang tulala na


nakatingin sa TV. Sa harap ko ay si Craig na magulo pa ang buhok kasi kakagising
lang isang umaga ng Sabado.

"Ma," Tawag ko nang dumaan si mama sa sala habang busy sa pagtulong kay Tiya sa
kusina.
"Hmm?" Nilingon niya ako.

"Pupunta kami sa kaklase ko mamaya para kumuha ng mga prutas sa farm. Gagawa pa
kami ng report. Para 'to dun sa nalalapit na festival ng school. Dun sa booth
namin?" Sabi ko.

Kumunot ang noo niya at hinarap ako. "Sa isang farm ba? Kaninong farm?"

"Uh-"

"Kina Dela Merced?"

Nabigla ako sa diretsahang tanong ni mama. Ito ang unang beses na binanggit niya
ulit ang apelyidong ito pagkatapos ng ilang buwang pananatili ko dito.

"Hindi po. Kina Mathew. Tsaka... ma, diba hindi naman farm yung kina Dela Merced?
Rancho naman?"

Nakita kong bahagyang tumingin si Craig sa akin gamit ang natutuwa niyang mukha.

"Pero may konting farm sila. Para pagkain ng mga hayop nila at konting
pagkakakitaan na rin." Mas lalong nagdilim ang ekspresyon ni mama. "Wa'g na wa'g
kang magkakamaling makipaglapit dun sa Dela Merced. Pag nalamang Alde ka,
malamang huhusgahan ka nun."

Nabigla ako sa sinabi ni mama. Gusto ko pang magtanong pero umalis na siya.
Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa TV, kung saan nakatitig din si Craig
gamit ang kanyang natutuwang mukha. Kahit na ang nasa TV ay iniinterview'ng
artistang babae. Tungkol daw iyon sa pagbibreak nila ng boyfriend niyang artista
din dahil sa isang third party.

"Two months." Ani Craig nang naramdaman ang pagtitig ko sa kanya. Bumaling siya
sakin.
Itinaas ko ang kilay ko. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa kanya dahil hindi
maalis sa sistema ko ang biglaang sinabi ni mama.
"Two months ng hiwalay ang magkasintahan na yan." Sabay nguso niya sa TV.

"Tapos?" Mataray kong tanong sa nakakabata kong kapatid.


Page 130
Jonaxx - End This War
"Ate, ilang months na nung hiwalaysary ninyo ni Clark? Bakit bukod sa araw na
bumalik ka dito ay hindi na kita nakitang umiyak? Dahil ba agad may ibang
nagpatibok sa puso mo?"

Matama kong pinagmasdan ang kapatid ko. Hiwalaysary? May ganun ba? At hindi ko
alam kung bakit hindi namugto ng ilang buwan ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Isang taon kayo ni Clark, diba? Ang bilis mong mag move on, ah?"
"Anong gusto mong gawin ko? Magtirik ng kandila araw araw para sa namatay naming
relasyon. Craig, hindi ako forever nabubuhay. At isa pa... naghanap siya ng iba.
Siya yung may kasalanan dito kaya siya yung magdusa."
"Yun na nga. Siya yung may kasalanan. Siya yung naghanap ng iba. Ikaw dapat yung
napagtaksilan, pero mukha namang hindi ka gaanong naapektuhan kumpara ng artista
na yan sa TV."

Tumayo siya nang nakitang papalapit na si Teddy.

"Tara, Craig. Hatid natin 'to sa Camino Real." Sabay pakita sa mga manok na
negosyo ng dalawa.

"Okay." Sinundan ko ng tingin ang nakangising si Craig.

"Anong gusto mong mangyari ngayon, ha? Mamatay ako dito sa kakaiyak para sa
walang kwentang lalaki?" Sigaw ko sa kanya nang paalis na sila.

Lumingon si Teddy sa aming dalawa gamit ang nagtatanong na mga mata. Si Craig
naman ay nakangisi paring lumingon sakin.

"Ang sinasabi ko lang naman ay mag ingat ka, baka ikaw ang mahulog sa sarili mong
bitag." Kumindat siya at tuluyan na silang umalis.

Ngumisi ako. Mahuhulog sa sariling bitag, huh? Hindi mo ata ako kilala, Craig.

Umalis ako ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang sentro. Ang sabi kasi ni
Jobel, doon na daw kami magkita sa sakayan ng tricycle nang sa ganun ay sabay na
kaming pumunta kina Mathew.

Nakipagkita nga ako sa kanila. Nandun na sina Sarah, Marie, at Jobel pagkarating
ko.

"Tara na!" Ani Jobel.


Nakita ko namang ni head to foot ako ni Marie. Naka short shorts lang kasi ko at
naka sleeveless shirt na may print ng flag ng America.

Page 131
Jonaxx - End This War
"Ganyan ka ba manamit sa Maynila?" Usisa ni Marie.
"Pag gagala, oo. Pero pag sa school, hindi. Bakit? Masama ba?" Tanong ko.
"Naiinitan kasi ako pag nag pa-pants." Sabay tingin ko kay Sarah at Marie na
parehong nag pants.

"Agree!" Sabay ngising aso ni Jobel. Pareho kasi kaming naka shorts.

Nag tricycle kami patungo kina Mathew. Kilala pala sina Mathew dito. Hindi naman
masyadong malawak ang lupain nila pero magaling daw humawak ng negosyo ang papa
niya. Limang ektarya lang ang lupa nila, tulad ng lupa namin sa Alps. At
tinaminan ito ng iba't ibang farm. Durian, manga, niyog, tubo at kung anu-ano pa
ang nasa farm nila nang nadaanan namin.

"May strawberries kami sa backyard ng bahay namin." Sabay ngisi ni Mathew.


"Pero ang problema natin dito ay kung paano natin ija-justify kung magkano ang
nagastos natin sa resources? At kung ilang months makakapagharvest nang sa ganun
ay matantya natin kung paano kikita ang booth." Sabi ni Jobel.
"May listahan ako kung ilang linggo o buwan ang harvest ng bawat prutas. Yung
fertilizer at pesticide, isasali ko rin." Sabi ni Mathew.
"Hindi ba masyadong malakihan na pagkasali na ang mga iyon?" Utas ko. "I mean,
maliit lang naman yung booth. Ang importante ay kikita tayo? Hindi ba pwedeng
bilhin na lang natin ang resources na kailangan natin sa pinakamurang halaga,
pero commercial parin naman, at yun na ang ilalagay natin?"
Tumango si Mathew at tiningnan akong mabuti.

Yumuko ako para tignan ang sandals kong puno na ngayon ng putik. Ito yung
nakakainis pag healthy ang lupa, eh. Dumidikit sila sa sapatos o sandals mo.
Mamasa-masa.

"Okay nga yun, Ches. I agree." Ani Mathew.

"Tama." Tumango din si Marie.


"So... bibilhin natin sa papa mo yung produkto niyo sa halagang nimamarket nila.
Yun na ang ilalagay natin sa report?" Tanong ni Sarah. "Okay!"

"Pero Mathew, nasa listahan natin yung pinya. Wala kayong pinya diba?" Tanong ni
Jobel.
Napakamot sa ulo si Mathew at ngumisi sa akin, "Oo eh. Pero nandito kasi si
Hector."

Halos napatalon ang sistema ko nang nabanggit siya. Napatalon sa gulat, hindi sa
tuwa. Agad nila akong tiningnan.

"Anong ginagawa ng balasubas na yun dito?"

"Alam niya kasing may ganito tayo kaya pumunta siya dito. Tsaka, aniya'y sagot
niya raw yung pinya." Nakita kong nahihiyang tumatawa si Mathew.

"Ano? Hindi pwede yun! Kailangan nating bilhin! Anong irereport natin sa school
Page 132
Jonaxx - End This War
kung hindi natin yun bibilhin?"
"Yun nga ang sinasabi ko sa kanya. Ayaw niyang magpaawat, eh." Aniya sabay turo
sa iilang magsasaka na nag tutulungan sa paghaharvest ng mga durian. Naaninag ko
rin si Hector na katawanan ang iilang magsasaka habang binubuhat ang isang
malaking basket ng durian.

Narinig kong napamura ang tatlong babaeng kasama namin. Sabay sabay din silang
nagsinghapan at nag iwasan ng tingin.

"Ang ganda talaga ng katawan niya. Shit talaga." Mura ni Jobel.

Naaninag ko ang namamawis na katawan ni Hector. Nakatalikod pa lang siya pero ang
hirap ng lumunok. Kitang kita ang bawat biyak ng kanyang muscles sa likod at sa
braso habang binubuhat ang basket.

"Alam mo namang... uhm... nagpapabango yan sayo, diba?" Sabi ni Mathew.

"Swerte natin!" Tili ni Marie.

"Ayaw niya talagang ipagbili yung mga pinya. Aniya pati daw yung strawberries ay
ibibigay niya ng libre."

Ngumuso ako at narealize na nahihibang na ang isang ito.

"Akong bahala." Sabi ko sabay lakad patungo sa kanya.

Mabilis ang paglalakad ko. Kitang kita ko kung paano napawi ang mga ngisi ng mga
magsasaka nang nakita akong papalapit at madilim ang paningin. Nginuso ako ng
isang magsasaka kay Hector kaya napalingon si Hector sa akin. Napawi din yung
ngisi niya. Nilapag niya ang basket at hinarap niya ako gamit ang nakabalandra
niyang tight burning abs na nakakahypnotize sa galit ko.

"Hector Dela Merced!" Sabi ko.

Naka maong pants siya pero topless naman. Nakita kong nag igting ang bagang niya
sa kaka head to foot sa akin.

"Una sa lahat, anong ginagawa mo dito?" Humalukipkip ako.

Nagkibit balikat siya, "Tumutulong sa inyo-" Aniya.


"At ano itong naririnig kong ayaw mong ipagbili yung mga pinya ninyo?"

"Ano ngayon kung ayaw ko!? Papadalhan kita riyan ng sandamukal na prutas nang
makita mong seryoso akong di ko ipagbibili ang mga iyon sa inyo."

Binatukan ko agad. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.


Page 133
Jonaxx - End This War

Nakita kong nagbulung bulungan ang mga magsasaka sa likod niya. Narinig ko rin
ang mahinang tawag ni Marie sa akin sa likod ko.

"Ano?" Galit na tanong ni Hector sa akin.

"Kailangan naming bilhin yun, Hector. Anong irereport namin kung hindi namin yun
bibilhin?"

"Edi ilagay mo sa report niyo na binili niyo? Magkunwari kayong may pera kayong
binayad, may puhunan kayo, kahit na ang totoo ay wala. Para walang masayang na
pera. Tsss." Inirapan ako ng hari ninyo.
Natawa ako sa sinabi niya, "I cannot believe you." Utas ko saka ko tinalikuran.

Hindi talaga siya papaawat sa kanyang pagiging control freak. Kung anong gusto
niya, susundin talaga dapat. Paano ko ba siya babaliin? Paano ko siya papaluhurin
sa paanan ko sa bawat kapritso ko? Hindi pwedeng puro whims at caprices niya lang
ang masusunod. Hindi pwede, Dela Merced. Akin ang dapat na masunod. Dun ko
masusukat kung hanggang saan ang kaya mo para sa giyerang ito.

Naramdaman ko agad ang pagsunod niya sakin. Pinanood kami ng mga kagrupo kong
nasa gilid ng tubuhan nina Mathew. Umikot ako sa kanilang apat habang si Hector
ay nakasunod sakin.

"Tigilan mo nga ang pagsunod!" Sabi ko.

"Ano ba? Anong gusto mong gawin ko? Ha? Ipagbili yung mga pinya? Magkano? Isang
piso ang isa? O sige!"
Bumaling ako sa kanya, "I want the real price, Hector!"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mukha niyang frustrated at sa abs niyang nag
aalab sa init. Oo, alam ko. Mamasa masa ito sa pawis at bawat paghinga niya ay
mas lalong napoporma ang bawat bitak. Nakita kong suminghap ulit ang tatlong
babae. Kung hindi sila nakanganga ay nagsisinghapan naman isa-isa.

"What? Hindi pwede!"


"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko at naglakad ulit palayo sa kanya.

Hindi siya tumigil sa kakasunod sa akin. Bahagya niya pang sinusubukang hawakan
ang braso ko pero hinahawi ko naman agad ang kamay niya.

"O sige, anong gusto mo? Magkanong gusto mo?"

"Kung magkano ang real market price ninyo!" Sabi ko.


"Eh nanliligaw ako sayo! Hindi pwedeng ganun, Chesca! Nakakainsulto!"

Page 134
Jonaxx - End This War
"HAAAAA?" Narinig ko ang pigil pero malalakas na boses ng mga kagrupo kong sina
Marie, Sarah, at Jobel.

Nangingisay na sila sa kilig at parang mga epileptic na nanginginig sa gilid ng


isa't isa. Lumingon si Hector sa kanila. Umirap ako sa kanya ngayong hindi siya
nakatingin.

"Anong nakakagulat dun? Hindi pa ba halata?" Tanong niya sa kanila.

Tumikhim ako at napakamot sa ulo. Ang walangyang ito talaga.


"O siya!" Nilingon niya si Mathew. "Ipagbibili ko na. Kung yun ang gusto mo, yun
ang masusunod." Mariin niyang utas.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod. Ito
ang hinihintay ko. Simula pa lang ito pero natutuwa na ako. Iyon dapat. Isa pa
lang iyan. Susukatin natin kung hanggang saan talaga yan.

"Mag t-shirt ka nga." Sabi ko habang nag iiwas ng tingin sa kanya.

Hinabol niya ang tingin ko. At ilang sandali ay sumalida ulit siya sa harapan ko.
Inirapan ko agad ang nakangisi niyang mukha.

"Mag t-shirt ka sabi." Nag iwas ulit ako ng tingin.

Patuya naman siyang sumulpot ulit sa linya ng paningin ko at isinasalida ulit ang
burning abs niyang pawis at nakakatulo laway.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ang sabi ko... mag t-shirt ka!"

Tinaas niya rin ang kilay niya sakin tsaka humalukipkip, "Mag pants ka muna."

Na highblood agad ako sa sinabi niya.

Tingnan mo nga naman kung gaano ito ka control freak.

"I'm gonna wear what I want to wear, Hector. At wala kang pakealam dun. Kaya
ikaw, mag t-shirt ka na!"

Tinaas niya ang kilay niya at hindi siya nagpatinag. "Edi sosootin ko rin ang
gusto kong sootin."
"Wala kang sinusoot. Kaya gusto ko, magsoot ka ng t-shirt. Gusto mo maghubad ako
dito para kwits tayo?"

Nabuwag ang halukipkip niya at parang naoffend ko siya sa sinabi ko.

"Wala kang karapatan sakin kasi di pa kita sinasagot. Ako, may karapatan ako sayo
Page 135
Jonaxx - End This War
kasi nanliligaw ka sakin. Kaya... wear the damn t-shirt, Hector. Or I won't say
yes to you... ever." Matama kong sinabi ang bawat salitang iyon.

Napapamura na ng malutong ang nakikinig na mga kagrupo ko. Sana lang ay hindi ito
agad kumalat sa buong school.

"Okay, fine!" Aniya at hinablot ang t-shirt niyang nakasabit lang sa isang
kariton.

Tinitigan niya ako habang sinusoot iyon. Nag iwas ako ng tingin. Ang lamig ng
titig niya. Seryoso at nakakagwapo pa lalo. Masakit mang tabunan ang burning abs
niya, kailangan parin iyon. Masakit sa mata, masakit sa puso at nakaka loose
thread ng garter. Ayokong mangyari iyon sa akin habang tinitingnan ko pa kung
hanggang saan ang kaya niya.

Nang may t-shirt na siya ay hinawakan niya ang baba ko gamit ang index finger
niya. Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya ng matatalim.

"Sa oras na sagutin mo ako, ipaparamdam ko sayo lahat ng karapatan ko, Chesca.
Tandaan mo yan."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. At ayun na naman ang kumakalabog kong puso.
Nakakabingi.

Kabanata 23

Sige

Mas naging busy ang mga sumunod na araw sa school. Panay ang practice namin sa
cheering. Madalas na din kaming nag me-meeting para sa booth. Gagawa pa kami ng
nakakaengganyong design para sa header ng booth. Buong design mismo ng booth ay
dapat nakakaengganyo para mas dumami ang pumunta.

"Okay na ito! Kelan natin ito aayusin?" Tanong ni Jobel.

Kakadrawing niya lang sa design at may mga materyales na din kaming binili para
doon.

"Next week na ang festival, siguro sa Sabado na lang. Masyado pa tayong busy
ngayon sa cheering. Nag bayad ka na ba para sa uniform?" Tanong ni Marie.
"Oo. Ang mahal nun. Nagreklamo si nanay. Pero wala tayong magagawa. Ang bading
kasing iyan." Sabay nguso ni Jobel sa paparating naming trainor.

Nag assemble na agad kami sa field. Ito ang unang pagkakataon na dito kami sa
field magpapractice. Palagi kasi kaming nasa rooftop. Nang sa ganun daw ay may
element of surprise yung sa amin. Yung Agri Business kasi ay parating nasa soccer
field. Ang Educ naman ay sa soccerfield sa tapat ng simbahan sa sentro nag
Page 136
Jonaxx - End This War
papractice. Ang vocational ay madalas sa court kung walang nag pa-practice game.

"A" Pumalakpak ang mga taga Agri Business. "C... C... Go ACC Eagles!"

Pinakitaan nila kami ng snappy routine. Nasa gilid kasi namin sila. Nakita kong
si Kathy ang kanilang inihahagis sa ere. Nakataas ang kanyang kilay at nakangisi
habang pinapanood ang mga naiinitan naming mukha.

"Agri Biz... Agri Biz..." May mga awkward hand movements pa silang ginawa.

Kinilabutan ako kaya panay ang himas ko sa braso ko. Tumindig kasi ang balahibo
ko sa ginagawa nila. Pumatong si Kathy sa balikat ng isang lalaki. Tatlo silang
hinagis sa ere at sinalo agad.

Oo, inaamin ko, magaling siya. Mas graceful siyang gumalaw sa akin. Iyon ang
pakiramdam ko. Dalawang beses din akong ihahagis sa ere. Nung una, hindi ako
makapaniwala. Hindi kasi pang hagis sa ere ang height ko. Madalas sa Manila, ang
hinahagis ay yung medyo maliit.

"Pahinga nga muna kayo. Mag rerequest lang ako ng rights sa field nang sa ganun
ay sa rooftop naman ang mga agilang gutom na ito." Umirap ang trainor namin at
umalis. "Tse!" Pahabol niya.

Nagsiupuan kami sa field habang nanonood ulit sa routine ng mga taga Agri
Business. Di hamak na mas magaganda at mas sikat ang mga nandoon. Syempre, ang
alam ko, madalas kumuha ng Agri Business ang mga taga Alegria'ng may malalawak na
lupa. Ang Business Ad naman yung mga taga Alegria'ng may mga business. Kaya
kumpara sa dalawa, mas maraming may kaya sa Agri Business. Sila yung halos may
ari lahat ng lupa sa Alegria.

"Gary!" Sigaw ko.

Dalawa kasi ang bumubuhat sa akin. Si Gary at Greg na classmates ko sa isang


subject.

"Sorry nga pala kanina sa rooftop." Sabi ko.

Natamaan ko kasi ang ulo niya pag akyat ko sa kanya. Ang sakit kaya nun. Ngumisi
si Gary at tumango.

"Walang anuman yun." Aniya.

Page 137
Jonaxx - End This War
Habang bumubunot-bunot ako ng damo sa soccerfield ay biglaan namang nagtakbuhan
ang mga Agri Business cheerleaders papuntang covered court. Kami ng mga kasama ko
ay pinanood lang sila habang dinudumog ang court.

"WAAAAH! GOOOO HECTOR! GOO MATHEW!" Sigaw ng mga babaeng tumatalon talon sa di
kalayuang coverd court.

"May practice game na naman ang Agri Business. Balita ko kulelat daw ang mga
Business Ad sa laro." Sabi ni Jobel habang kumakain ng lanzones.
"Syempre, may 6 footer kaya sila. Hector at si Oliver." Sabi ni Sarah.
"6 footer din naman si Bryan, ah?" Utas ni Marie. "Tsaka magaling si Mike."

"Pero diba magaling din si Harvey?" Singit ko.


"Oo." Tumango tango sina Jobel at Marie. "Galing nun mag point guard."

Wala akong alam sa mga basketball terms pero alam kong magaling talaga yung si
Harvey. Habang kumakain kami ng lanzones ay biglang may tumamang bola sa
cellophane na pinaglagyan namin nito. Agad kaming nagtayuan sa sobrang gulat.

"Oopps, sorry ladies." Kinilabutan agad ako sa nagsalita.

Kahit na hindi na kami nagpapansinan ay hindi ko parin makalimutan ang isang


linggong pag ibig na naramdaman niya sa akin.
"Ano ba, Koby! Dun ka nga sa malayo maglaro!" Sigaw ni Jobel.

Ngumisi si Koko at bumaling sakin pagkatapos mapulot yung bola.

"Nasa soccerfield kayo. Soccer player ako. Kaya malamang matatamaan talaga kayo."
Umirap siya.
"Mamaya pa ang practice game niyo diba? Magpapractice pa kami!" Galit na sambit
ni Sarah.

"Oo. Pero nag wa-warm up ako!" Rason niya.


"Nagpapapansin ka lang yata kay Chesca." Patuyang sinabi ni Jobel.
Nakita kong nag dilim ang tingin ni Koko. Para bang hindi siya sang ayon sa
sinabi ni Jobel kaya na offend siya. "Whatever." Aniya.
"Wala kang magawa, no? Kasi si Hector na ang may gusto sa kanya?" Patuya ring
sinabi ni Sarah.
Kinagat ko ang labi ko, "Tama na."

Umiling si Koko at umalis.

Panay naman ang talak nina Jobel sa kanya.

Page 138
Jonaxx - End This War
"Ang feeling talaga nung isang iyon. Alam kong feeling na talaga yun kaya nung
nagka issue kayo, hindi ako naniniwala na nasaktan mo siya. Alam kong feeling
lang talaga siya kaya nag assume agad." Umirap si Jobel.
"Oo nga. Naiirita ako. Anak siya ng Ranchero nina Hector at medyo malapit siya sa
tito ni Hector kaya lumalaki ang ulo. Akala niya Dela Merced din siya."

Tiningnan ko si Koko at nakaramdam ako ng awa sa kanya. Oo, masaya ako kasi sa
wakas, nakahanap ako ng mga taong medyo kumakampi sa akin. Pero at the same time,
nalulunod ako... dahil alam kong may kasalanan ako saming dalawa. Pinaasa ko
siya, umasa siya, kaya nasaktan. Let's say yung ego lang niya ang nasaktan, kasi
sa iksi ng panahong iyon hindi ako naniniwalang in love siya sakin. Ako parin ang
may kasalanan. Sakin parin ang blame. Sorry, Koko.

"TAYO TAYO TAYO!" Nabigla ako sa pagpapalakpak at pagsigaw ng trainor namin.

Nagsitayuan kaming lahat at nag assemble.

"Pumayag na ang President na dito tayo. Binigyan na rin ng note ang mga Agri
Business na sa rooftop sila." Aniya. "Kaya, sige, warm up na kayo." Pumalakpak
ulit siya.

Habang nag wa-warm up kami ay nakikita kong unti-unting umaalis sa court ang mga
taga Agri Business na cheer leaders. Bumabalik na sila sa building at mukhang
pupunta na sa rooftop. Mainit sa rooftop, kaya madalas tuwing alas singko na kami
nag papractice. Kumpara dito sa field na may parteng natatabunan ng anino ng
naglalakihang mahogany sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin at hindi mainit.

Nakita ko ring natapos na ang practice game ng mga taga Agri Business. Kitang
kita ko si Mathew na paalis ng court at sinusundan ang isang cheerleader na
maputi at cute.

Girlfriend niya? Di ko alam. Isa-isa na ring naglabasan ang mga seniors ng Agri
Business kasama si Hector at Oliver. Nakita ko rin si Harvey kasama nila. Imbes
na manood ako habang papunta sila sa building ay pumalakpak sa mukha ko ang
trainor namin.

"Chesca Alde! Magsisimula na tayo." Matama niyang sinabi sa mukha ko habang


napapanood ko ang malatikbalang niyang mukha, High Definition.
Tumango ako at pumosisyon.

"One... Two... Three..." Sigaw niya at pinatugtog ang music.

At dahil masyadong malaki ang stereo na dinala ng trainor ay naagaw agad namin
ang atensyon ng mga estudyanteng nasa paligid. Habang sumasayaw ako ay nililingon
ko si Hector na... ngayon ay papalapit na dito kasama si Oliver.
Page 139
Jonaxx - End This War

"Shit." Sabi ko sabay sayaw parin.

Baka mamaya, pag magkamali ako, mainsulto pa ako ng trainor namin sa harap niya.
Nakakahiya. Uminit ang pisngi ko habang iniisiip yun. Lalo na ngayong matanglawin
siyang tumitingin sa bawat moves naming lahat.

"Melissa! Kumendeng ka naman! Ano ba? Pagod ka ba?" Sigaw niya. "Gary! Wa'g kang
tutunga tunganga diyan!"

"Kainis naman 'tong si tikbalang." Bulong ni Jobel nang nag change formation kami
at nasa gilid ko siya.
"JOBEL! Yung ngala ngala mo kitang kita ko dito!" Sigaw ng trainor.

Tumawa yung iba. Ako naman, mas lalo na lang pinag igihan ang pagsayaw kahit na
hindi na ako makapag concentrate ng maayos kasi nasa harap ko na ang
nakahalukipkip na si Hector.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" Nag iba ang boses ng trainor namin habang
ineentertain sina Hector at Oliver sa harap.

"Nanonood." Sagot ni Oliver.

"Ah... Sige sige..." Ngising ngisi siya sabay haplos ng malagkit sa braso ni
Oliver.

Nakita ko ring dumating si Harvey na nakakagat sa tuwalya niya. Mas lalo akong
kinabahan. Hindi dahil gusto ko siya, kundi dahil baka kung anong gawin ni Hector
sa kanya ngayong nandito siya.

"Aray ku po!" Napasigaw ako nang medyo natalisod ako papunta kina Gary at Greg.

"CHESCA! Ano? Tutulungan pa ba kitang iangat yung mga paa mo sa pag tatravel para
lang di ka matalisod?" Sigaw ng tikbalang.
"Sorry po!" Sigaw ko.

"Andyan yung crush niya!" May sumigaw galing sa likuran.

Hula ko si Sarah yung sumigaw. Alam kong si Hector ang tinutukoy nila. Pero nang
nakita ni Hector na tumabi sa kanya si Harvey pagkatapos marinig ang isinigaw ni
Sarah ay kitang kita ko sa mukha niya ang pagkakaoffend.

"Umalis ka nga dito, Harvey." Sabi niya.


Kumunot ang noo ni Harvey, "Ha? Bakit? Nanonood lang ako."

Page 140
Jonaxx - End This War

Nag igting ang bagang niya. Napamura ako habang tinitingnan ang kamay ni Gary na
nakalahad malapit kay Greg para makaakyat na ako sa balikat niya.

Inapakan ko ito at hinawakan ko silang dalawa sa braso. Ang bilis ng pintig ng


puso ko. Ito ang unang pagkakataong nasa taas ako at nakikita ng lahat. Lima
kaming tumutungtong dito pero ako yung gitna kaya ako yung kitang kita. Nang naka
tungtong na ako ay hinawakan na ni Gary ang binti ko para support.

"ABA'Y DI PWEDE YAN SAKIN, CHESCA!" Sigaw ni Hector habang sinusugod niya kami.

Tumalon ako at binalewala siya. Buti na lang at napigilan siya ng trainor namin.
Nakababa na ako nang nakita kong nag uusap sila sabay turo sakin.

"Hector, si Chesca ang pinaka makinis at pinakamainam na babaeng ilagay sa


itaas." Malambing na sabi ng trainor.

"Aba! Hindi pa nga ako nakakahawak sa mga binti niyan ay may humahawak ng iba?"

Dinig na dinig iyon ng lahat. Ako naman ay nakadapa pa sa soccerfield at ayaw ko


na lang tumayo pa dahil sa sinigaw niya. Natigil ang buong routine namin. Ayoko
na. Nababaliw na talaga ako sa lalaking ito.

"Pero kailangan, Hector. Iyon na ang napagpractisan namin dito. Next week na ang
competition. Huli na ang lahat para baguhin."

"Baguhin ninyo." His words were marked with finality. Ayan na naman ang pagiging
bossy niya.

Who do you think you are?

"Hector!" Tumayo ako at sinugod siya.


"Ano?" Galit niyang sinabi sa akin.
"Pwede ba! Ilagay mo nga sa lugar yang pagiging bossy mo! Ito ang desisyon namin.
Deal with it."

"Ayoko, Chesca. Alam mo yun."


Humalukipkip ako at tinitigan siya.
Tumitig din siya sakin. Kitang kita sa titig niya ang nag aalab na galit at
frustration. Ayaw niya talaga at alam na alam niyang siya ang masusunod dito.
Alam niyang kanya ang lahat ng ito at ang salita niya ang batas.
Kinuyom ko ang panga ko at pinagtaasan siya ng kilay. Pumikit siya, umiling at
bumuntong hininga, "Sige." Tinalikuran niya kaming lahat at agad ng umalis.
Kabanata 24

Page 141
Jonaxx - End This War
Dysmenorrhea

Hindi na nanonood ng practice si Hector. Dalawang araw na at parang iniiwasan


niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit. May haka akong nagalit talaga siya nang
pinatulan ko siya sa harap ng mga kagrupo ko. Feeling ko nainsulto siya dahil
napataob ko siya nun.

Hindi niya rin ako hinihintay sa bawat pag uwi ko. Alam kong busy siya sa booth
nila at sa practice game kaya ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Wait a minute, bakit ako mamomroblema sa cold treatment niya sa akin? Bahala
siya! Problema niya na iyon. Tutal siya naman itong nanliligaw.

Oh my gosh! Hindi kaya ito na yung sukatan ko? Dito na nagtatapos ang lahat?
Hindi kaya give up na siya sa panliligaw sa akin? Sa lupa namin?

Noong isang araw ay nagawa niya pang mang deadma sakin sa corridor.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Jobel nang nilagpasan kami ni Hector.

Kahit na nagtataka din ako ay ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Ayoko ng mag
abala sa pag iisip kung anong pinagpuputok ng butchi niya. Ilang sandali ang
nakalipas nang nakalayo na si Hector ay si Kathy at Abby naman ngayon ang
bumalandra sa harapan ko. Pareho silang nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

"Kawawa ka naman, Alde." Sabay tapik ni Kathy sa kanyang braso. "Wala ka ng


tagapagtanggol ngayon. Bumaliktad na siya sayo." Confident niyang sinabi sa akin.

"Anong gagawin niyo ngayon? Buhusan ulit ako ng ihi?" Matapang kong tanong sabay
tingin kay Abby.

Nakita ko ang nairitang ekspresyon ni Abby sa akin. Hinila naman ako nina Sarah
palayo sa kanila.
"Ano ka ba, Chesca. Ikaw talaga. Ang hilig mong maghamon ng away." Bulong nila sa
akin.
"Hindi ako naghahamon." Pagtatama ko.

"May araw ka rin samin, Chesca!" Nanggagalaiting sigaw ni Kathy.

Mukhang tama sila. Wala na nga ang tagapag tanggol ko. Sumuko na siya. Ang bilis
palang sumuko ng isang Hector Dela Merced. Buong akala ko ay magkakamatayan pa
bago siya sumuko pero mali ako.

Pinaglalaruan ko ang ballpen ko habang nagsasalita yung sexyng professor namin sa


harap. Magkatabi kaming dalawa ni Hector at ito na ang huling subject naming
dalawa. Pagkatapos nito ay may practice game yata siya at may practice naman ako
Page 142
Jonaxx - End This War
sa cheering.

Medyo iba yung pakiramdam ko ngayon. May kung anong pamimigat sa puson akong
nararamdaman. Period ko na ba? Hindi ko alam. Siguro naman hindi ako aatakihin ng
dysmenorrhea, ano? Noong nakaraang buwan, hindi naman ako nagka dysmenorrhea.

"Okay, get one whole sheet of paper para sa quiz natin. Magiging busy na tayo
simula next week sa festival kaya walang pasok. Kailangan kong i assess sa ngayon
kung ano na ang mga natutunan ninyo." Sabi ng maganda naming prof.

Wala paring imik si Hector sa akin kaya sinubukan kong makipag usap sa kanya.

"Pahinging papel." Sabi ko.

"Hindi ka ba nagdadala ng papel? Sana di ka na lang pumasok." Suplado niyang


sinabi.

Tumaas agad ang sungay at kilay ko, "Sorry kung ganun. Wa'g kang mag alala, next
time di ako papasok."

Napatingin siya sakin at padabog niya akong binigyan ng papel.

"Ano, Hector..." Bulong ko. "Suko ka na ba?"

Natigilan siya sa tanong ko. Buong akala ko ay papatulan niya ang panunuya ko
pero nagkamali ako.

"Tsss." Iyon lang ang naging sagot niya.

Na disappoint ako. Hindi kaya talagang suko na siya at hindi niya lang masabi?
Natapos ko ang quiz nang wala kaming imikang dalawa. At natapos ang buong klase
na nararamdaman ko na ang early signs ng dysmenorrhea. Leche! Ngayon pa ata
aatake!? May practice kami sa cheering!

Napatingala ako nang bigla siyang umalis pagkatapos agad ng period. Nagmamadali
siya. Para bang nandidiri siya sa kinauupuan niya. Napalunok ako at may parte sa
sistema kong nanghinayang ng lubos.

Then? So what! It's his loss! Tapos na! Tapos na yung panliligaw niya! I should
be happy, right? Pero may kaonting kurot sa puso ko. Hindi ko mawari kung para
saan ang kurot na iyon? Ang alam ko lang ay patuloy na lumilipad ang isip ko sa
kanya kahit sa kalagitnaan ng practice.

"BOOO! ALDE! PANGIT MO!" Sigaw ni Kathy sa malayo.


Page 143
Jonaxx - End This War
Nandito kasi sa soccerfield lahat ng cheering squads. Parang final practice na
ito kaya nagtitipon tipon na kami. Kahit na may pakiusap ang trainor naming huwag
daw iperform yung ibang stunts para ma windang sa finals yung mga tao.

"ALDE! BOOOO!" Sigaw ng iba.

Napapalingon ako kahit na wala naman akong pakealam sa sinabi nila. Disturbing
kasi ang mga hiyaw nila lalo na pagnagtatawanan sila. Kaya dumoble ang mga
pagkakamali ko. Dagdagan pa ng sumasama kong pakiramdam, mas lalo lang akong
nahirapan sa routines.

"Chesca! Hayaan mo sila!" Sigaw ng trainor.

Panay na ang mura niya sa ibang team. Pinagbantaan niya na ang mga itong
isusumbong pero hindi parin sila tumitigil.

Hanggang sa nang umakyat na ako sa balikat ni Greg ay naramdaman ko na ang


pangangatog ng binti ko at pagdilim ng paningin ko.

"Shit ang sakit ng puson ko." Reklamo ko kay Gary sabay upo kahit na alam kong ma
a-out balance ako.

"BOOO! AYAN NA! BABAGSAK NA YAN!" Sigaw ng nagtatawanang taga ibang squad.

Pumikit ako at bumigay na lang hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay ng kasama
kong nasa paligid ko. Nakahiga na ako sa field at malamig na ang pakiramdam ko sa
buong mukha ko.

"Namumutla si Chesca! Tubig, Gary!" Sigaw ni Jobel.

Sinubukan kong bumangon pero may mga kamay na nagpipigil sa akin.

"Wa'g muna, Chesca. Sobrang maputla ka na!" Sigaw ni Marie.

"ANO BA YAN? BOOO ALDE!" Sigaw nina Kathy.

"BOOO! NABALIAN NA BA?" May isa pang sumigaw.


"Boo! FRACES-"

Hindi na naipagpatuloy ang huling sigaw. Nakahiga ako kaya hindi ko alam ang
Page 144
Jonaxx - End This War
nangyari. Ang alam ko lang ay natahimik ang lahat at napatingin sina Jobel at ang
buong squad sa mga babaeng panay ang hiyaw kanina.

"Anong nangyayari?" Sambit ko habang dinidiin ang kamay ko sa puson.

Damn! It hurts so much!

Unti unti kong naramdaman ang pagtayo nila sa gilid ko. Lumayo sila ng
paunti-unti kaya hindi ko naiwasan ang pag bangon. Unti-unti akong bumangon kahit
na medyo nahihilo parin ako at naaninag ko ang nag aalab sa galit na mga mata ni
Hector Dela Merced.

"Anong ginagawa mo dit-" Hindi ko na naipagpatuloy.

Basta niya na lang akong ikinulong sa bisig niya at binuhat. Nakita ko sina Kathy
sa likuran niya. May nakita akong tumikhim, umiling, at nabigo sa ginawa niya.
Galit na galit si Kathy habang tinuturo niya ako.

"He-Hector!" Aniya. "Hindi ba galit ka sa babaeng yan!?" May halong desperation


ang kanyang boses.

"Oo nga... Diba galit ka sakin?" Pabulong kong sinabi habang dinadama ang kamay
niyang nasa balikat at legs ko.

"Oo, galit ako!" Malamig na sinabi ni Hector kay Kathy.

Kinagat ko ang labi ko.

"Then, put me down." Bulong at hamon ko sa kanya.


Bumaling siya sakin at itinaas niya ang kanyang kilay, "Galit lang ako. Hindi ko
sinabing tumigil na ako sayo."

Inirapan ko siya. Gusto ko pa sanang sumagot kaya lang naramdaman ko ulit iyong
pagtindig ng balahibo ko dahil sa sobrang sakit ng puson ko.

Napapikit ako.

"Hector!" Tawag ulit ni Kathy. Narinig ko ang pagkabasag sa boses niya. "Ano ba?
Nahihibang ka na ba talaga?"

Naramdaman kong hinarap siya ni Hector. Hindi ko kayang manood dahil masyado na
talagang masakit ang puson ko para mag alala pa sa mga nangyayari.

Page 145
Jonaxx - End This War
"Told you before. This girl is mine. Galit man ako, akin parin siya. At oo,
nahihibang na nga siguro ako. Kung hindi niyo iyon maintindihan..." Mas lalong
lumamig ang boses niya. "Then you're free to leave."

Humakbang ulit si Hector. Papalayo na kami nang narinig ko ang munting hagulhol
sa di kalayuang soccerfield. Umiyak si Kathy? At batid kong hindi lang siya ang
umiiyak... marami.

"Sakit ng puson ko." Daing ko.


"Malapit na tayo sa clinic. Anong gusto mo? Ihahatid kita sa bahay niyo?" Medyo
nag aalala niyang tanong.
"Sa clinic na lang muna!" Sabay pikit ko.

Hindi ko ata maistura kung ihahatid niya agad ako sa bahay habang inaatake ako ng
dysmenorrhea. Pagkarating ko sa clinic ay agad na akong nanghingi ng napkin at
nag CR kahit na nahihilo pa.

"Ilang oras yung dysmenorrhea attack mo madalas?" Tanong ng babaeng nurse.


"Isang oras." Sabi ko sabay higa sa kama at lagay ng unan sa puson.

"Ipainom mo siya nito, Hector." Sabi ng nurse kay Hector.

"Ano 'to?"

Tumikhim ang nurse, "Pain reliever."

Ilang sandali ang nakalipas ay pinainom ako ni Hector ng pain reliever. Alam kong
hindi diretso ang effect nito kaya humiga ulit ako.

"Dysmenorrhea? Nagkakaroon ka pala niyan?" Tanong ni Hector.

"Wa'g mo nga akong kausapin!"

Nag coconcentrate ako sa paglalagay ng unan sa puson ko habang siya ay panay


parin ang salita.

"Hindi parin ba tumatalab ang gamot? Anong gamot ba iyon at mukhang di naman pala
epektibo?"
"Hindi naman kasi agaran." Sabi nung nurse.
"Masakit parin ba? Pa rate nga ng sakit? 1 to 10, highest ang 10. Gaano ka
sakit?"

"Leche, Hector! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko habang nagpapagulong gulong na sa


kama sa sobrang sakit.

"Nurse!" Sigaw ni Hector. "Normal pa ba ito? Bakit parang sobrang sakit niyan!?"
"Normal yan, Hector." Malumanay na sagot ng nurse sa nagpapanic na si Hector.

Page 146
Jonaxx - End This War

Ang dami niya pang sinasabi. Hindi ko na nasundan dahil masyado ng masakit ang
puson ko. Nang medyo napawi na ay narinig ko ang pag tawag niya sa kanyang tita
sa cellphone.

"May dysmenorrhea si Chesca, ano po ang gamot nito? Nag aalala na po ako, kasi
pagulong gulong na siya sa kama."

Kinagat ko ang labi ko tsaka hinila ang kumot sa katawan ko. Mukhang hindi na
gaanong masakit. Buti at naagapan. Minsan kasi umaabot ng tatlong oras ang atake
ng dysmenorrhea ko.

"Alcohol? Beer?" Tanong ni Hector sa cellphone. "Pain reliever?"

Sumulyap ako sa kanya. Nakita kong nakatitig siya sakin habang nasa tainga niya
ang cellphone niya. Bumaling ako sa nurse na humihikab at hindi naman gaanong
nagpapanic, di tulad niya.

Nang ibinalik ko ang paningin ko sa kanya ay nakita kong namilog ang kanyang mga
mata sa gulat dahil sa sinabi ng kanyang tita.

Bahagya akong bumangon sa kinahihigaan ko. Medyo okay na nga ang pakiramdam ko.
Babangon na nga lang ako, mamaya matagusan pa ako sa kakahiga.

"Totoo ba yan, tita?" Tumalikod si Hector at humina ang boses niya.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Nawawala ba talaga ang dysmenorrhea pagkatapos manganak? So pag nabuntis, at


magkakaanak, nawawala?"

Agarang kumunot ang noo ko sa naririnig sa kanya. Hindi ko na napigilan ang


pagdampot ng malaking unan at ang pag bato nito sa ulo niya.

"Aray!" Aniya sabay tingin sakin.


"TAPOS NA! WALA NA AKONG DYSMENORRHEA! Wa'g ka ng OA! PWEDE?" Inirapan ko na bago
tumayo.
"Okay!" Aniya sabay dalo agad sakin at hawak sa kamay ko na para bang anytime ay
pwede akong mabasag sa kinatatayuan ko.

Napatingala ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. His eyes were intense. Iyong
Page 147
Jonaxx - End This War
tipong hindi mo kayang titigan ng matagal dahil baka maiwala ka nito. Nag iwas
ako ng tingin.

"Okay na?" Tanong nung nurse.

Tumayo siya at umambang aalis sa clinic.

"Kunin ko lang ang logbook. Papapirmahin kita. Wa'g muna kayong umalis." Aniya at
lumabas sa clinic.

Nagkatinginan ulit kami ni Hector. Ngayon, kaming dalawa na lang sa loob ng


clinic. Napatingin din ako sa kamay naming magkahawak. Pinilit kong kunin ang
kamay ko. Kinalas niya rin yung kanyang kamay sa akin. Umupo ako sa kama at
tumingala sa kanya. Nakaawang ang kanyang bibig at nandun parin ang panic sa mga
mata niya.

Ngumisi ako. "Okay na ako."

Marahan siyang tumango at suminghap.

Ngumuso ako.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Nakatitig siya sa akin samantalang hindi


naman ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Galit ka sakin?" Tanong ko habang tinitingnan ang tiles ng clinic.

"Oo."
"Edi give up ka na? Masyado na ba akong mataray para sayo?" Tanong ko sabay
tingin sa kanya.
"Hindi mo ba ako narinig kanina? Kahit galit ako, akin ka." Aniya.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko talaga siya makuha. Naguguluhan na ako.


Totoo ba itong mga sinasabi niya? O nagpapanggap lang siya? Hindi ko alam. Ang
tanging alam ko lang ngayon ay bumibilis na naman ang pintig ng puso ko habang
tinititigan siya.
"Hindi ako sayo, hanggang di ko sinasabing mahal din kita." Malamig kong utas.

"Alam ko. Kaya nga ako nanliligaw diba? Para mapaibig kita."

Hindi ako makapaniwala sa susunod kong tanong. Nag aalinlangan pa akong itanong
iyon pero hindi ko mapigilan ang bibig ko. Lalo na ngayong kitang kita ko sa
malalalim niyang mga mata ang sinseridad na hindi ko dapat nakikita. Nag iwas
agad ako ng tingin.

"Bakit mo ako mahal?" Tanong ko.

Page 148
Jonaxx - End This War

Buong akala ko ay hindi niya masasagot iyon. Pero diretso ang sagot niya
pagkatapos ng tanong ko.

"Kailangan ba iyon ng rason?"

Kabanata 25
Prutas

Sa araw na iyon, hinatid ako ni Hector. Ayaw ko naman sana. Kaso mapilit siya at
makulit. At hindi lang pangungulit ang ginagawa niya, halos ipangalandakan niya
pa sa buong school na tinatanggihan ko ang pagmamagandang loob niya sa pag hatid
sa akin.

"Kung ayaw mong IHATID KITA, hindi naman kita pipilitin. PERO KASI HINDI KO ALAM
KUNG BAKIT KA AAYAW." Aniya habang dumadaan ang ibang tao na panay ang sagap ng
bagong tsismis galing sa mga pinagsasabi niya.

Umirap na lang ako.

"Okay fine, whatever! Tumahimik ka nga!"

Ngumisi agad siya at kumindat.

Alam na alam niya na yata kung ano ang makakapagpabago sa isip ko. Iyon ay tuwing
hindi siya tumatahimik at naririnig iyong ng mga tao sa paligid. Syempre, pinag
pipiyestahan na nga kami ng mga issues dito, dadagdagan niya pa? Anong sasabihin
ng ibang nangangarap sa kanya? Na nagmamaganda ako at nagpapahard to get? Leche
talaga.

Hinawi ko ang buhok ko. Kasabay kaming naglakad ngayon sa corridors. Naka jersey
parin siya at nakatingin sa akin habang ako ay diretso ang tingin at nakataas ang
kilay.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala. "Wala na bang


masakit sayo?"

"Wala na. Tsss."


"May gusto ka bang kainin? Anong gusto mong gawin?" Tanong niya.

Natigilan ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng naka ismid. Mukha siyang


seryoso sa mga tinatanong niya. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala na ba
talaga ako sa sinabi niya o hindi. Gusto ko siyang tanungin... gusto ko siyang
tanungin kung alam niya ba ang tungkol sa labanan ng lupain namin. Gusto ko
siyang i-corner. Gusto kong malaman kung ano ang saloobin niya rito pero hindi ko
alam kung paano magsisimula.

Page 149
Jonaxx - End This War

Chesca, parang hindi yata tama. Siguro dapat kailangan mo pang sagarin ang
pasensya niya. Muntik na siyang sumuko nang napahiya siya sa harap ng mga nasa
squad. Ngayon, mas lalo mo pa dapat siyang subukan.

Humalukipkip ako at umupo sa pinakamalapit na bench.

"Oh? Akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong niya.


"Ayoko, dito na muna ako." Sabay tingin ko sa soccerfield.

Kitang kita ko ang mga kasamahan ko sa cheering. Nag papractice parin sila
hanggang ngayon. Kung sa bagay, alas kwatro pa naman at medyo mahaba pa ang oras
nila sa pagpapratice. Pinahintulutan lang ako ng trainor na maunang umalis dahil
masama ang pakiramdam ko kanina.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya habang nakatayo sa gilid ko.
"Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka na. Basta gusto ko dito." Sabi ko.

"Okay." Aniya at marahang umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya gamit ang matatalim kong tingin. Naabutan ko pang
nakangisi siya at unti-unting napawi nang nakitang kunot ang noo ko.

"Wa'g ka ngang tumabi sakin." Sabi ko.


"Bakit? Anong problema sa pag tabi ko? Hindi naman ito ang first time na
magkatabi tayo!" Aniya.
"Tsss." Bahagya akong lumayo sa kanya.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsimangot niya. Hinayaan ko na lang
siya at agaran akong nag isip ng maaring ipagawa sa kanya.

"Hector, inuuhaw ako." Sabi ko.

"Oh? Anong gusto mong inumin?" Tanong niya.


"Mountain Dew." Sagot ko.
Tumayo agad siya, "Tara sa canteen!" Aniya at naglahad pa ng kamay.

Tumingala lang ako sa kanya nang nakanganga, "Ayoko."


Kumunot ulit ang noo niya. "Ikaw na lang ang pumunta. Bilhan mo na lang ako."
Sabi ko sabay kuha ng pera sa bulsa ko at lagay doon sa nakalahad niyang kamay.
"I'm not poor, Chesca." Utas niya at nilagay pabalik sa kamay ko ang pera ko.

Page 150
Jonaxx - End This War
Ilang segundo akong na offend sa ginawa niyang pag irap at pagbalik ng kanyang
pera. Inilapag niya sa tabi ko ang bag niyang sumisigaw ng isang mamahaling brand
ng panlalaking sapatos.

"Fine!" Sabi ko. "Pati pagkain, pakidalhan ako."

"Anong gusto mo?" Tanong niya.


"Kahit anong nakahain." Sabi ko habang ginagaya ang narinig ko sa kanya noong una
naming pagkikita.

Umangat ang kanyang labi at yumuko. Tinukod niya ang kanyang kamay sa bench na
inuupuan ko. Bahagya akong napaatras dahil sobrang lapit niya sakin. Napakurap
kurap pa ako. Seeing Hector's face this close gives me too much emotion. Hindi ko
alam kung naghuhuramentado ba ang puso ko o nag rereklamo dahil malapit na itong
ma heart attack. Wagas kung makapag rigodon ang traydor kong puso. Hindi ko na
alam kung bakit ngayon... hindi naman ako kinakabahan o ano. At wala naman siyang
ginagawang makakapagpaalburoto sa akin. Ang alam ko lang ay tuwing nandyan siya
at malapit sa akin, hindi ko na makontrol ang sistema ko.

"Alam ko ang style na ito, Chesca." Aniya sabay tingin niya sa may bandang
kaliwang gate.

Nakita ko rin ang pag igting ng bagang niya. He smells so good. His jawline is
perfect. Pari ang hati ng labi niya at ang tangos ng ilong niya ay perpekto.
Hindi siya tao, I'm pretty sure. Diyos siyang nakikihalubilo sa mga taong lupa na
tulad ko. That's probably why my heart is beating this fast and this loud!

"Aalis ka pagka alis ko." Bumaling siya sa akin at kinagat niya ang kanyang labi.

Nanghina ako. I've seen Alegria, its hills, the pine trees, the vast fields, and
the pleasant views, but certainly, Hector Dela Merced was the best view in
Alegria.

"Wa'g mo akong susubukan, Chesca." Bumaba ang tingin niya at agaran naman itong
bumalik sa mga mata ko.
"B-Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong ko.

Yes, that was my plan. But right now... I want to stay in this moment. Tumayo
siya ng maayos. Nakahinga rin ako ng maayos. Hindi pala ako humihinga habang
ginagawa niya iyon kaya sobrang na relibo ako sa paglayo niya sa akin. Gayunpaman
ay hindi parin nagawang huminahon ng puso ko.

"Hello." Aniya sa cellphone niya.

Tumalikod siya sa akin at nakapamaywang ang isang kamay niya habang may kung
sinong kausap sa cellphone.

Page 151
Jonaxx - End This War

"Mang Elias."

Mang Elias? Yung driver nila?

"Nasa labas na ho ba kayo?" Tanong niya. "Mabuti. Pakibantayan po baka tumakas si


Chesca Alde. Bibilhan ko ng softdrinks." Bahagya siyang natigilan sa pakikinig
kay Mang Elias. "Wala naman po siyang atraso sa akin. Eh nanliligaw po ako at
ayaw niya kaya baka tumakas ito. Paki tingnan po riyan." At agad binaba.

Natapos ko na ang galit na pag bunot bunot ng iilang mga damo sa baba ng bench.
Sinamahan ko pa iyon ng bato at kaonting lupa. Nang bumaling siya sa akin nang
nakangisi ay agad siyang umilag at tumakbo palayo dahil tinapon ko iyon sa kanya.

"BWISIT KA, HECTOR!" Mura ko habang siya ay kumakaway palayo.

Sobrang init ng pisngi ko habang minumura siya ng pabulong. Binugbog ko na rin


ang bag niya sa sobrang galit ko. Halos mapaiyak ako sa inis. Tumingin ako sa
labas at nakita ko ang driver nilang si Mang Elias na sumisindi ng tabako habang
pinagmamasdan ako sa kinauupuan ko.

"Lintek talaga! Nakakawalangya si Hector!" Sabi ko.

Kaya naman ay wala akong nagawa. Hinintay ko siya. Dumating siyang may dalang
naka cellophane na Mountain Dew. Bumili din siya ng kanyang Gatorade. At may dala
pa siyang maraming pagkain tulad ng burger, cheese stick at kung anu-ano pang
ibinigay niyang lahat sa akin.

Nanliit ang mga mata ko sa Gatorade na hindi pa nabubuksan. Kung hindi kita
maiisahan, pwes, papahirapan na lang kita.

"Palit tayo." Sabi ko sabay turo sa Gatorade niya.


"Huh?" Tumaas ang kilay niya. "Akala ko ba gusto mo ng Mountain Dew."

"Ayoko na. Sawa na ako sa bundok. Gusto ko niyan." Tumawa ako.


Kumunot ang noo niya at para bang hindi niya na gets ang sinabi ko, "Akin na
nga!" Hinablot ko iyon sa kamay niya at ipinalit ko ang Mountain Dew doon.

Agad ko itong binuksan at ininuman. Ngumisi ako sa kanya at kumindat.

"Okay, ano pang gusto mo?" Tanong niya sabay kuha sa bag kong nasa bench.

Page 152
Jonaxx - End This War
Ngumuso ako. Hindi siya nainis? Siguro minor lang iyon.

"Ano ba itong mga binili mong pagkain. Ni isa, wala akong nagustuhan!" Sabi ko
habang naglalakad nang pinapalipad lipad ang braso ko.

Happy... sha la la. Patay ka sakin ngayon, Hector. Mahal mo ako, huh? Walang
dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao, huh? Tingnan natin kung hindi ka ba
magkakaroon ng dahilan kung bakit mo ako aayawan.

"Ano ba kasi ang gusto mo?" Medyo malumanay niyang tanong habang tinitingnan ang
mga pagkain sa kamay niya.

Kung sasabihin kong spaghetti, ham, o kung anu-ano pa, baka mamaya papalutuan
niya pa ako sa cook nila kaya nagkibit balikat ako.

"Gusto ko ng mga prutas. Hello! May period kaya ako. Kailangan ko ng healthy
foods." Sabay tango ko. "Pero yang dala mo? Ano yan? Cheese stick?" Tumawa ako.
Kumunot ang noo niya.

Papalabas na kami ng gate ngayon. Naghanda na rin si Mang Elias para sa pagsakay
naming dalawa. Maging siya ay inirapan ko na. Kasabwat ito ni Hector. Kalaban
siya.

"Ah! Actually, Chesca." Aniya nang nasa loob kami ng sasakyan. "May dala akong
prutas sa likuran. Ipapadala ko dapat sayo talaga ito ngayon." Ngumisi siya at
kumindat sa akin.

Iyong ngisi ko kanina ay napawi na lang na parang bula. Ipapadala? Nilingon ko


ang likod ng kanilang Jeep at nakita ko ang mga basket na may lamang mga prutas.

WHAT IN THE WORLD?

"Buti pinaalala mo. Mang Elias, patulong ako mamaya ipapasok natin 'to sa
kanilang bahay. Ganun pala pag may period? Pwedeng pakopya ng kalendaryo mo sa
pagpeperiod nang sa ganun ay malaman ko kung kailan kita bibigyan ng prutas?"

Natulala ako sa sinabi niya.

"May strawberry diyan, marami. Hindi kasi ako kumakain ng strawberry. Ikaw?
Mahilig ka sa strawberry?"

Shit lang! Walang pumapasok sa kokote ko dahil sa sinabi niya. At mas lalong
Page 153
Jonaxx - End This War
walang pumasok sa kokote ko nang naaninag ko na ang bahay namin. Kitang kita ko
pa si mama na nag wawalis ng patay na dahon sa aming bakuran. Tumayo siya ng
maayos nang nakitang dumating ang sasakyan nina Hector. Nakita ko ring mabilis na
lumabas si tiya habang dala-dala niya ang bilao. Sumigaw pa si Tiya at mabilis
ding lumabas si papa at tiyo na parehong may dalang sasabunging manok. Halatang
sa pagmamadali ay hindi na naiwan pa ang trabaho.

Kumabog agad ang puso ko sa kaba. Ngunit si Hector at Mang Elias ay mabilis na
bumaba at inisa isa ang mga basket sa likuran. Ano pang hinihintay ko? Mabilis
din akong bumaba bago pa may atakehin sa mga kapamilya ko. Agad akong kumaway
nang sa ganun ay makita nila ako.

"CHESCA!" Halos mapaos si mama nang isigaw niya ang pangalan ko.

Tumakbo pa ito sa gate at pinagbuksan ako.

"M-Mama."

"Anong ginagawa ng Dela Merced na iyan dito?" Pagngangalit niya.

"Ma, calm down. Uhm..."

Shit! Ni hindi ko pa ito napag isipan!

"Ano? Kukunin niya na ba sa atin ang lupa? CRAIGGGGG?" Sigaw agad ni mama.

Mabilis ding lumabas ang kapatid ko at ang pinsan kong si Teddy. Pareho silang
laglag ang panga.

Uminuwestra ko kay Craig na tulungan si Hector at Mang Elias sa pagdidiskarga ng


mga basket.

"Hindi po. Calm down, mama." Sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nanginginig sa
braso ko.

"Magandang hapon po." Nakangising bati ni Hector nang biglaan siyang pumasok sa
bahay namin dala ang isang basket ng strawberry.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sigaw ni mama sabay turo kay Hector.

Napawi ang ngiti ni Hector sa sigaw ni mama.


"MAMA!" Sigaw ko sabay baba sa kanyang nakaturong kamay.

Nanliit ang mga mata ni mama.


Pinahid ni Hector ay kamay niya sa kanyang jersey at naglahad ng kamay.

Page 154
Jonaxx - End This War

Seryoso niyang tiningnan si mama. Maging ang nakatungangang tiya, tiyo at papa ko
ay kanyang pinasadahan ng tingin.

"Ako nga po pala si Hector Dela Merced. Nandito ako para ligawan ang anak ninyo."
Dinig na dinig sa boses niya ang awtoridad. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga
ang hari dito. Nakakapanuyo ng lalamunan ang kanyang boses na umalingawngaw sa
buong bakuran namin.
Kabanata 26
Utang

Nakita ko ang mabilis na hininga ni mama. Habang humalukipkip naman si Tiya Lucy
at pangisingisi lang. Nilingon ni mama si papa at Tiyo na parehong tulala kay
Hector.

"Paki lagay na lang ang ibang basket diyan, Mang Elias." Sabay turo ni Hector sa
table namin sa labas.

Nakita kong parehong tumulong ang kapatid ko at pinsan sa pinaggagawa ni Mang


Elias. Gusto ko na lang pumukit at mawala sa lugar na ito. Kitang kita sa mukha
nina mama ang pagkamuhi sa simpleng pag tapak ng isang Dela Merced sa bakuran
namin.

"Chesca!" Sigaw ni mama sa akin.

"P-Po!" Nanginginig kong sagot.

Kumalabog ang puso ko. Natatakot ako sa maaring sabihin ni mama kay Hector.
Natatakot akong pagbintangan niya si Hector. Natatakot ako sa maaring mangyayari.

"Hinatid ko po siya at dinalhan ko po kayo ng mga prutas galing sa rancho Tito."


Sabay tingin niya sa kay Tiyo.

Hinaplos ni Tiyo ang manok at tumango siya habang inuupos ang sigarilyong
hinihithit.

"Masakit po ang puson ni Chesca kanina kasi nagka dysmenorrhea siya kaya
inalagaan ko. Hinatid ko na rin po siya ngayon para maibigay itong prutas na dala
ko sa inyo."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung paano pipigilan si Hector sa
pagsasalita. Ayaw na ayaw niyang pinangungunahan siya. At isa pa, masyado nang
awkward ang sitwasyon. Natatakot na akong magsalita. Nilingon ko si mama at tiya
na magkahawak kamay na ngayon.

Page 155
Jonaxx - End This War

Palihim na hinahaplos ni tiya ang likod ni mama habang medyo kumakalma naman si
mama.

"Sige po. Napasok na po ni Mang Elias ang mga prutas sa loob." Nilingon ni Hector
ang kapatid ko at si Teddy.

Tumango at ngumisi si Teddy sa kanya. "Hector, eto nga pala si Craig. Kapatid ni
Chesca." Ani Teddy. "Si Tita Michelle, mama ni Chesca."

Nakita kong laglag ang panga ni mama at unti-unting pumula ang kanyang pisngi
habang nilalapitan siya ni Hector.

"Hector Dela Merced, po, tita."

Mas lalong nalaglag ang panga ni mama nang naglahad ng kamay si Hector at tinawag
pa nitong tita si mama.

Napa facepalm na lang ako sa gilid. Please, Hector! Tama na! Mainit ang dugo ni
mama sa iyo! Mamaya masampal ka riyan!

Imbes na tanggapin ni mama ang kanyang kamay ay sinalubong siya nito ng tanong.

"Bakit mo nililigawan ang anak ko?" Seryosong tanong ni mama.

Ngumisi si Hector, “Bakit ho ba nanliligaw ang isang lalaki?”


Mas lalong pumula ang pisngi ni mama. Sumulyap siya sa akin. Sumulyap din si
Hector sa akin at ngumiti.

Parang gusto ko siyang hambalusin sa sinabi niya. Hindi niya ba nakikitang medyo
galit si mama sa kanya? Hindi ba niya kayang sumagot na lang sa tanong? Kailangan
ba niyang mamilosopo pa? Ganun ba pag hari ka? He’s just so full of himself!

“Bata pa ang anak ko, Dela Merced. Hindi ako makakapayag na may manligaw sa
kanyang... tulad mo.” Pabagsak na sinabi ni mama.

Nakita ko ang paghigpit ng kamay ni tiya sa kanya. Sumipol si Craig sa likod.


Nakita ko rin ang bahagyang paglapit ni Mang Elias sa kay Hector.

“Alam ko po. Kaya nga po hindi lang siya ang nililigawan ko ngayon. Ang buong
pamilya niya po.” Bahagyang yumuko si Hector.

Dahilan kung bakit namilog ang mga mata ni Tiya, Tiyo, papa at Teddy.

Page 156
Jonaxx - End This War

“H-Hector.” Marahan kong sinabi.


“Hmm?” Nilingon niya ako at ngumisi siya.

OH GOD! Why do you have to be so good looking?

“Kung hindi kita pahintulutan?” Maarteng sinabi ni mama.


“’To namang si Michelle, payagan mo na yang anak mo. Para namang di ka maagang
naglandi noon.” Humalakhak si tiya kaya nasapak siya ni mama.

Maging ako man ay sasapakin din si Tiya sa sinabi niya.

“Hindi po ako titigil hanggang sa pumayag kayo.”

Ano ba, Ma! Ni hindi pa nga ako pumapayag? Ano ba ito!? Humalukipkip si mama at
pinagtaasan niya ng kilay si Hector.

“Lumalalim na ang gabi. Umuwi na kayo.” Pagtataboy ni mama.

“Michelle!” Napadaing si Tiya. “Dito na kayo maghapunan.” Patawa tawang sinabi ni


tiya.

Ngumisi si Hector at bumaling sa akin, “Sa susunod na lang po. Masyado ko na ata
kayong naabala ngayong gabi. Chesca...”
“Hmmm?”

Nakita ko ang pagtalon ni mama sa gilid na para bang na offend siya sa pagtawag
ni Hector sa akin.

“Itetext kita mamaya.” Aniya at kinagat ang labi.

Napatingin ako sa tuhod kong agad nanlamig. Ganito ba talaga ang dulot ng isang
Hector Dela Merced? Shit lang, ha!

“W-Wala akong load.” Sinulyapan ko si mama.

Tumango siya sakin at ngumisi. Alam kong gusto ni mama na ayawan ko si Hector
kahit medyo taliwas naman ang iniisip ko ngayon. Well, magpapaload ako diyan sa
labas mamaya para maitext si Hector ng mga mura dahil sa ginawa niyang ito dito
sa bahay namin.
“Ako na ang bahala sa load mo.” Kumindat siya. “Aalis na po kami. Thank you at
magandang gabi.” Aniya sa buong pamilya ko bago pumanhik.

Page 157
Jonaxx - End This War

Saka lang ako nakahinga ng maluwang nang umalis na ang Jeep Commander nila.
Narinig ko rin ang singhapan ng buong pamilya ko pagkaalis ng sasakyan. Si mama
ang pinakamaraming sinabi.

“Una sa lahat, kakagaling mo pa lang sa isang bigong pag ibig, Chesca! Hindi ka
ba natuto? Mabuti nga at nabigo ka nun at nang sa ganun ay makapag concentrate ka
sa iyong pag aaral. Isa pa at pinaka importante, DELA MERCED siya!”
“Ano naman ngayon?” Sabat ni Tiya nang nasa hapag na kami. “Hindi ba mas maganda
iyon?”
“Lucy, hindi ko gusto iyang plano mo.” Sabi ni Tiyo.
Nagkatinginan kami nina Craig at Teddy habang nakaupo at tahimik sa hapag kainan.

“Ano ngayon? Desperate times call for desperate measures!” Tumawa si Tiya.
Hinampas ni Tiyo ang hapagkainan dahilan kung bakit napatingin kaming lahat sa
kanya, “Hindi ganyan ang mga Alde.” Ani Tiyo.
Tumango si papa, “Lumaki kaming natuto sa mga pagkakamali ng mga magulang namin.”
Sabay tingin sa inosenteng kumakain na si Lola Siling. “Si papa ay sugarol, si
mama naman ay mautak sa mga lupa at pera. Pero hindi tayo ganyan ka gahaman
ngayon. Kung lulubog tayo, edi lumubog tayo!”

“Francis,” Desperadong sinabi ni tiya. “Alam ko pero di ninyo naiintindihan.


Pinatigil ko sa pag aaral si Teddy! Imbes na mag thi-third year na siya sa isang
malaking unibersidad, itinigil ko dahil wala na tayong pangtustos. Hindi sanay
ang anak kong mahirap kami. Oo, sanay siya sa gawaing bukid pero hindi siya sanay
na nakatengga lang sa bahay. Hindi rin ako makakapayag na wala siyang tinapos na
kurso sa isang malaking unibersidad.”

“Lucy, anong tawag mo sa mga anak ko? Tingin mo ba ay hindi masakit sa akin iyon?
Itinaguyod ko si Craig at Chesca. Pinag aral ko silang dalawa sa magagandang
unibersidad galing sa lupa natin at kaonting suweldo ko sa Comelec.”
“Pareho lang tayo dito. Nasa iisang barko lang tayo kaya kailangan nating
magtulungan.” Ani Tiya.

Narinig ko ang pagsinghap ni Tiyo at papa. Hindi ako makapaniwala sa


brainstorming na nangyayari sa kanila. Para bang sila ang nililigawan ni Hector.
Para bang sila ang magpapasya kung magiging kami o hindi!

“So? i don’t have a say on this?” Biglaan kong sinabi habang sumisimsim sa baso
ng tubig.

Napalingon silang lahat sa akin.

“Hindi ko po mahal si Hector...” Pauna kong sinabi na agad nagpapalakpak kay


Tiya.
“Edi mabuti, hija, kung hindi mo siya mahal, hindi siya mahirap saktan!
Pagkatapos mong makuha ang titulo o mapaikot siya para mapasatin ulit ang titulo
ay agad mo na siyang iwan! Wa’g kang mag alala, pag nakatapos ka ng kolehiyo sa
Maynila ay hindi mo na kailangang-”

Page 158
Jonaxx - End This War
“LUCY!” Sigaw ni Tiyo. “Kahibangan na iyan!”
“Papa! Tama si mama!” Sabi ni Teddy. “Kung hindi lang rin naman mahal ni Chesca,
bakit hindi pa natin pagsamantalahan!?”
“Susmaryosep!” Reklamo ni mama.

Nakita kong uminom si Craig ng tubig at yumuko na lang habang pinipindot ang
cellphone niya. Walang pakealam.

“PWEDE BANG PAGSALITAIN NIYO MUNA AKO?” Sabi ko. “Bakit puro inyo lahat? Kayo ba
ang nililigawan niya?”

Kinilabutan ako sa tanong kong iyon pero ipinagpatuloy ko.

“Sa magtatatlong buwan ko dito sa Alegria, nakilala ko si Hector, mabait siya at


misteryoso. Unang linggo ko pa lang ay nagpahiwatig na siya sa akin-”

Namilog ang bibig ni Tiya, “Hindi kaya tayo ang papaikutin niya? Hindi kaya
inaakit ka niya nang sa ganun ay walang pawis niyang makukuha ang Alps? Baka
pakasalan ka niyan para lang makuha ang Alps at iwan ka rin sa huli!?”

“Chesca, naaalala mo ba ang sinabi ko sayo noon? Kung ang babae ang makakapag
asawa ng lalaking mayaman ay yayaman din ang babae. At kung ang babaeng mayaman
ang makakapag asawa ng mahirap ay magiging mahirap din ang lalaki. Ang lalaki ang
batayan ng estado sa buhay ng babae. Mahirap tanggapin pero iyon ang totoo. At
kung si Hector ang-”

“MAMA!” Sigaw ko. “Anong pakasal? Ni hindi ko pa po siya nasasagot! Nanliligaw pa


po siya at ni hindi ko pa po siya mahal! Bakit ninyo naiisip ang kasal?”

“Ang punto ko dito, Ches, ay baka ang lupa natin ang habol niya sayo.”

“Hindi ako ang tagapagmana ng Alps, diba?” Sabi ko habang mabilis ang paghinga.

Natahimik silang lahat. Maging si Craig ay bumaling sa akin.

“Si Craig at Teddy ang maghahati nun pag dating ng panahon! Kaya kung pakasalan
ko man si Hector, wala siyang makukuha sa akin, alright? Wala!” Sabi ko sabay
irap.

Walang nagsalita ni isa sa kanila.

“Kaya imposibleng iyon ang habol niya sa akin!” Paliwanag ko.

Humalukipkip si Tiya, “Kung ganun, malinis ang intensyon ni Hector sayo. Ibig
sabihin lang niyan, Chesca, ay makukuha mo ang buong rancho!”

Nanghina at nanlumo ako sa sinabi ni tiya. Pumalakpak pa siya sa kabila ng


singhap nina papa at Tiyo.
Page 159
Jonaxx - End This War

Unti-unti ring napalitan ang simangot ni mama ng ngisi, “At pwede mo rin siyang
pakiusapan na ang Alps ay ibalik na lang sa atin. Pakiusapan mo ang tito niya na
huwag ng singilin ang kalahating milyon na utang ni mama sa kanila!”
“Utang?” Singit ni lola Siling. “May utang ako sa mga Dela Merced. Five hundred
thousand! Si Francisco kasi talunan sa sabong kaya ayun... Nangutang kami.
Sinangla namin ang Alps! Ha-ha!” Nakita ko ang ngisi ni lola na walang ngipin.
“Ang bait talaga ni William! Ni hindi dinaan sa legal ang pagsangla. Konting
kasulatan lang at kinuha niya lang ang titulo.” Nagkamot ng ulo si lola.
“Nakalimutan kong kunin yung titulo sa kanila, ah? Yun dapat yung gagawin ko
kanina! Ang kunin ang titulo sa kabinet!”

Nagkatinginan kaming lahat. Napatingin din si lola Siling sa amin. Unti-unting


nagbago ang kanyang ekspresyon. Mas lalo kong naaninag ang kaputian ng buhok niya
at ang pagluha ng kanyang mga mata.

“BAKIT WALANG NAGSABI SAKIN NA PATAY NA SI FRANCISCO!? BAKIT? BUROL NIYO KAHAPON?
BAKIT?” Humagulhol siyang bigla.

“Teddy, Craig, ihatid niyo na ang lola sa kwarto. Painumin niyo ng medicine
niya.” Ani Tiya.

Tumayong pareho sina Craig at Teddy at agad iginiya si lola paalis ng hapag.
Hinilot naman ni Tiya ang kanyang noo habang kumukunot ito.

“Ang mahal ng gamot ni mama.” Aniya.

Kinagat ko ang labi ko.

“Tiya, Mama, hindi ko po gagawin yan kay Hector.” Sabi ko bago pa nila ibalik ang
usapan sa pag gamit kay Hector.

Nakita ko ang tabang sa kanilang mga ekspresyon. Tumango si papa sakin at


ngumisi.
“Hindi mo siya mahal, diba?”

Pinisil ko ang kamay ko at pinikit ang mga mata nang sinabing...

“Hindi... Hindi talaga. Pero hindi ko rin iyon magagawa.”

Habang yumuyuko ako ay nakita kong may mensahe akong natanggap sa cellphone ko.
Bukod sa load na 100 ay may text na agad si Hector.

Hector:
Page 160
Jonaxx - End This War
Ubusin mo ang load na yan sa akin. Hindi ka pwedeng mag text ng iba.

May kung ano sa tiyan kong kumiliti sa akin. At hindi iyon ang sabaw na ulam
namin...
Kabanata 27

I Love You

Nakangiti ako halos gabi gabi sa pagtitext namin ni Hector. Hindi ako mapakali
habang naghihintay sa mga reply niya at lagi akong balisa pag matagal siyang
magtext.

"Oh? Balik text text, ateng?" Nakangising sambit ni Craig nang isang gabi ay
naabutan akong nilalamok sa duyan habang nitetext si Hector.
"Wa'g mo nga akong pakealaman!" Sabi ko sabay tago sa cellphone ko.

Tumayo na rin ako upang iwan siya sa labas. Papasok na lang ako sa kwarto at
magmumukmok. Ayoko nang mapag usapan pa namin si Hector dahil lang sa nakita
niyang pag titext ko.

Hector:
Ready ka na ba bukas?

Ako:

Medyo. Ikaw ba? First game?

Hector:

Yup. Icheer mo ako ah para manalo ako?

Ngumisi ako habang niyayakap ang unan sa kama.

Ako:
Hindi ako pwedeng mag cheer sa mga Agri Business, Hector. Business Ad ako.
Susuotin ko bukas ang uniporme ng cheering squad ng Business Ad kaya hindi kita
masusuportahan.

Hector:
Ganun ba? Edi talo na kami bukas! :(

Page 161
Jonaxx - End This War
Natawa ako sa smiley niyang sad face.

Ako:
Hindi kayo matatalo, magaling naman si Oliver at Harvey.

Hindi siya agad nagreply. Nabalisa tuloy ako. Kumabog ang puso ko sa kakahintay
ng reply niya. Madalas ay mabilis siyang magreply. Wala naman kasi iyong trabaho
sa bahay nila lalo na pag gabi. Pag umaga naman ay nasa rancho siya pasakay sakay
daw ng kabayo. Kaya nagtaka ako nang umabot ng labing limang minuto bago siya
nagparamdam ulit at tumawag.

"H-Hello?" Nanginginig kong sinagot ang tawag.

Hindi siya umimik. Ito ang unang beses na tumawag siya sa akin. Patext text lang
kami noong mga nakaraang araw. Kaya naman ay kinabahan na ako nang husto.

Tumikhim siya sa kabilang linya. Dinig ko ang bigat sa boses niyang mala DJ sa
radyo.

"Nagseselos ako."

Nagtindigan ang balahibo ko. Hindi lang dahil sa ganda ng boses niya kundi pati
na rin mismo sa laman ng sinabi niya.

"H-Ha?" Pagmamaang maangan ko. "Bakit tagal mong nagreply?" Iwinala ko ang usapan
dahil lubha akong kinabahan sa sinabi niya.
"Kasi nga... nagseselos ako."

Halos gumulong gulong ako sa kama habang yakap yakap ko ang unan. Mas mahigpit ko
pa itong niyakap at hindi na natanggal ang ngiti ko sa labi.

"Hello, Francesca?" Narinig ko ang pag aalala sa boses niya.

Oh, Hector. You better be true! Grrrr. Napakamot ako sa ulo.

"Ba't ka naman nagseselos?" Kinagat ko ang labi ko nang sa ganun ay mapigilan ko


ang sarili kong tumili.
"Nagagalingan ka ba kay Harvey? Anong meron sa kanya at bakit masyado mo siyang
pinagtutuunan ng pansin? Mas pogi naman ako dun!"

Page 162
Jonaxx - End This War
Ngumisi pa lalo ako, "Hindi naman kasi ako naghahabol sa mga pogi. Gaya ng sabi
ko, substance ang gusto ko-"

"So ibig sabihin hahabulin mo siya dahil gusto mo siya sa substance niya?"
"Hello? May sinabi ba akong hahabulin ko siya? Binanggit ko lang naman ang
pangalan niya at sinabing magaling din siya."
"Yung pandak na iyon? Chesca, mas pogi at mas may substance pa ako dun! Ang hirap
sayo ay ginugusto mo yung mga taong hindi ako."
Hindi ko na napigilan ang pag tawa ko, "Masama ba yun, Hector?"

"Tatlong buwan pa lang tayong magkakilala pero ang dami na agad na link sayo! Si
Koko, si Mathew, si Harvey, si Paul."

"HA? Anong si Mathew at Paul?" Tanong ko.


"Usap usapan na nanghingi ka raw ng papel kay Paul at palagi daw kayong magkausap
ni Mathew. Tsss."
"Syempre, mag uusap kami ni Mathew kasi kagrupo kami, diba? At si Paul, nanghingi
lang ako ng papel, for goodness sake!"
"Dumadating sakin ang mga balita, Chesca-"

"Ayan ka na naman. You're too bossy, Hector. At seloso ka masyado. Wala naman
akong ginagawang masama. Isa pa, pwedeng wa'g masyadong stalker. Pati paghingi ko
ng papel kay Paul ay iniintriga mo." Umirap ako. "Nanliligaw ka lang kaya!"

"Ano ngayon? Oh ako pa yung nanliligaw kaya ako muna ang tingnan mo! Hindi
pwedeng may ibang lalaki!" Aniya.

"Paano kung may isa pa akong manligaw? Hindi rin ba pwede!"


"You wanna cheat, Chesca?" Mabilis niyang sinabi. Dinig na dinig ko ang tabang sa
boses niya.

"ANONG CHEAT? Hindi pa nga tayo! Okay lang dapat yun! Okay lang damihan ang
manliligaw pero isa lang ang sasagutin."

"Ayoko!" Aniya.
"Sira ulo 'to! Ganun talaga dapat! Tanggapin mo na." Tumawa ako.
"Ayoko, Chesca. Ayoko!" Aniya.

Mas lalo akong natawa sa galit niyang boses, "Para kang bata! Ganun talaga,
Hector. Ilang taon ka na? I'm 18 kaya natural na maraming ganyan-"
"Ayoko. Nang sinabi kong akin ka, batas na iyon ng Alegria. Alam iyon ng lahat
kaya walang manliligaw sayo habang nandito ako. Wala, Chesca. Iyon ang tatandaan
mo."

Ngumuso ako.

Kaya naman kinabukasan ay energized ako masyado. Ngiting ngiti ako habang
isinusoot ang uniform ng squad. Kahapon, nagkaroon ng dress rehearsal pero ang
Education at Vocational lang ang mayroong uniform. Excuse ng Business Ad ay hindi
pa narerelease yung amin kahit na meron na kami para may element of surprise. Ang
Agri Business naman ay hindi rin nagpakita ng uniporme sa parehong dahilan.

Pagkadating ko ay nakita ko na ang mga Business Ad Tigers na nagwawarm up sa


mataong covered court. Tama ang hinala ko. Kami lang talaga ang may paldang
Page 163
Jonaxx - End This War
uniporme sa babae. Kahit ang Agri Biz ay naka parang leggings at sleeveless na
may arm warmer na kulay green. Ang Education naman ay may kulay royal blue na
shorts at sleeveless top. May mga guhit pa sa mukha nilang phoenix. Ang
vocational ay may kulay dilaw na python. Kaming mga taga Business Ad ang may
pulang sleeveless top na halos heaven at may paldang kita ang buong hita.

"Ganda ng legs mo, Chesca!" Sabi ni Jobel.

Inirapan ko siya, "Hindi ka ba nasanay sa maroon nating pencil cut na uniporme?"


Tumawa ako.

Umiling siya, "Iba ito, eh. Sobrang iksi kaya. Grabe! Walang taba!" Aniya.
"Nag momodel kaba sa Maynila?" Biglaang tanong ni Marie.
"Hmmm. Uhm... Oo."

Medyo na asiwa ako sa tanong niya. Paano ba naman kasi... may naaalala ako tuwing
binabanggit ang pagmomodelo ko. Si Clark. Si Clark na naging daan sa tuluyan kong
pagmomodelo sa Maynila. Ang photographer kong boyfriend na unang naka diskubre sa
akin. Noon pa man ay may mga offer na, pero nang nag exhibit siya na puro ako
lang ay sobra sobrang grasya ang nakuha ko. Nagkaroon pa ako ng break sa isang
magazine nang hindi dumadaan sa isang agency.

"PANGIT NIYO, TIGERS!" Sabay sabay na sigaw ng mga naka kulay green na taga Agri
Business.

Hinayaan namin silang apihin kami. Kahit na hindi naman namin maawat ang
bungangerang si Jobel sa kaka patol sa kanilang pangungutya.

"KAYO MGA PANGIT! MGA MARURUMI! TSE!" Sigaw niya.

Pikon din naman ako. Lalo na pag pinepersonal ako nina Abby at Kathy pero
nagpipigil ako dahil baka masugod ko sila pag hinayaan ko ang sarili kong mawala
ang kontrol.

Humiyaw pa ang mga tao nang nakita kong pumasok ang mga players. Unang pumasok
ang mga soccerplayers na pare parehong kayumanggi at mga ultra mega hot. Hindi ko
maiwasang tingnan ang mga lalaking iniidolo ng halos buong Alegria Community
College! Kitang kita ko si Koko na pakaway kaway at mukhang enjoy na enjoy sa
tinatamasang fame.

Ilang sandali ay kitang kita ko na ang mga gym bag na nakasabit sa balikat ng mga
lalaking naka jersey. Pumasok ang mga taga ibang kurso bago ang Business Ad na
matatangkad at medyo may kapayatan halos lahat ng players.

"GO! FIGHT! WIN! BUSINESS AD!" Sigaw namin.

Page 164
Jonaxx - End This War
Agad akong nag kaadrenaline rush nang nag boo ang Education at ang Vocational sa
amin. Maging sila ay nadadala sa competition!

"Go!" Tapos sabay sabay na pumalakpak ang team nina Kathy. "Go! Agri Biz! Fight
Fight Agri Biz!" Hiyaw nila nang biglaan kong nakita ang mga flash ng camera
habang pumapasok ang mga taga Agri Business.

Huling pumasok si Hector na medyo magulo ang buhok. Para bang kagagaling niya
lang na rape. Ngiting ngiti siya at diretso ang tingin. Ngumuso ako. Ano kayang
ginawa nito kanina at ganyan ang asal niya ngayon. Kainis... Nakaka... uhm...
pagselos.

"HECTOOOOOR!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kahit na nasa kabilang side sila ng covered court ay umalingawngaw ang boses ko.
Napalingon siya. Napalingon sila.

Mas lalo siyang ngumisi. Nilagay niya ang dalawang palad niya sa kanyang pisngi
saka sumigaw.

"ANOOOO? MAHAL MO NA BA AKO?"

SHIIIIT! Uminit ang pisngi ko at hindi ko kinaya ang sinabi niya kaya agad akong
nagtago. Natahimik halos lahat. Maging ang mga kagrupo ko ay natahimik sa sigaw
ni Hector.

Pumikit ako at umupo sa isang gilid. Shit lang! Sobrang nakakahiya yun ha!

"OH MY GOD! Kinikilig ako!" Sabi ni Sarah habang nangingisay na tumabi sa akin.
"Kayo na ba? Oh my God! Oo! Crush ko si Hector! Pero Oh my God! Wala pa siyang
nililigawan kahit kelan, Chesca! Ikaw pa lang!"

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Panay tuloy ang tanong ng mga kagrupo ko sa
status naming dalawa. Syempre itinanggi ko iyon! Oo nanliligaw siya pero hindi pa
kami!

"Sus! Pashowbiz itong si Chesca! Sabihin mo na!" Sabay irap ng ibang bitter kong
kagrupo.
"Hende pa nga eh di mo ba narinig!?" Sabi ni Jobel sa kanila.

Lumipas din naman agad iyon lalo na nang dumating ang trainor namin at inannounce
niyang kami ang huling presentor. Pagkatapos agad nito ay first game di umano ng
basketball at first game din ng soccer.

Page 165
Jonaxx - End This War
Nag init ulit kaming lahat sa excitement. Lalo na nung nagsimula na ang programme
at ipinakilala na ang judges. Yung asawa ng gobernador, yung mayor, yung
treasurer ata ng Alegria, isang medyo may edad nang lalaking may ari ng malaking
food corp dito, isang lalaking kilalang may malaking building sa sentro at ang
president namin mismo.

Gumapang ang kaba nang tinawag ang unang presentor, ang mga taga Vocational.
Ginulantang nila kami sa engrandeng props nila! Limang beses ata silang nagpalit
ng props habang kami ay dalawang beses lang.

Sumunod ang Education. Malinis ang sa kanila. Wala masyadong inihahagis sa ere
pero mahirap ang mga steps at halos silang lahat ay nakaka split.

Sa pangatlo binalot ng malakas na hiyawan ang court! Iyon ay dahil ang Agri
Business ang mag pe-present! May smoke pa silang nalalaman sa intro nila!
Nakakawindang! Oo! Lalo na ang joint ikot sa ere ng tatlong cheerleader kasama
doon si Abby at Kathy. Napasigaw ang lahat nang biglang muntik ng mahulog si
Abby. Nakita ko pang tumayo si Koko sa kinauupuan niya.

"The last presentor will be the College of Business Administration! Let's give
them a big hand!"

Mabilis na kumalabog ang puso ko nang tumakbo na kami patungong court at


sinalubong na namin ang hiyaw ng mga schoolmates namin.

"I LOVE YOU FRANCESCA ALDE!" Umalingawngaw ang sigaw ni Hector sa audience na
siyang mas lalong nagpakaba sa akin.

Kabanata 28
Patay Kang Chesca Ka

Parang nawawala ang kaluluwa ko sa kinatatayuan ko. Sobrang ingay at halos hindi
ko na marinig ang sinasabi ng emcee. Si Hector ay nakatayo sa gilid ng bleachers.
Sumisigaw siya kasama ang mga kaibigang taga basketball team.

"BILISAN MO AT NANG MAKAPAGBIHIS KA NA!" Sigaw niya.

Mas lalo lang nag init ang pisngi ko. Napayuko ako sa damit ko. Oo na, maiksi ito
at alam kong hindi niya iyon palalampasin. Siguro ay pinagbigyan niya lang ako
ngayon kasi wala siyang magagawa. Pasalamat nga ako at nagawa niya akong
pagbigyan dito at hindi niya ginamit ang pagiging bossy niya sa pag pigil ng
cheering competition.

Pumwesto ako nang narinig ko ang pagsabog sa mga speakers. Iyon ang hudyat na
naka-play na ang gagamitin naming effects o mixtape ng cheering.

Page 166
Jonaxx - End This War

Kinilabutan ako nang humiyaw ulit ang mga tao at nagsimula na kaming sumayaw.
Gustong gusto ko ang simula namin. Pasabog at snappy ang galaw. Iyon marahil ang
dahilan kung bakit naghiyawan ang lahat.

Nang inangat na ang mga unang papasa ere ay napa "Wow" ang mga tao. Ito din ang
iniisip ko nung nag present ang mga taga Agri Biz. Buong akala ko may pasabog
silang hindi pinakita noong rehearsal. Akala ko may tinatago pa sila. Pero
nagkamali ako, wala silang tinago noong rehearsal. Kung ano ang nakita namin
noong dress rehearsal ay iyon parin ang ginawa nila sa actual. Habang kami ay
napag usapan na naming lahat na may tatlong stunts na hindi ipapakita sa
rehearsal. Iyon ang naging lamang namin.

Nagulat ako nang hindi man lang ako nanginig pagka hawak ko ng balikat nina Gary
at Greg para iangat ako.

"AYUSIN NIYO YAN! LAGOT KAYO SAKIN PAG NAHULOG YAN!" Sigaw ni Hector na
umalingawngaw na naman dahil natahimik na ang audience sa panonood sa amin.

May mga tumawa at may mga hiyaw akong narinig dahil sa sigaw niya.

"Go! Go! Business Ad!" Sigaw ng mga taga Education.

Nagulat din ako nang may dala palang mga plastic bottles ang mga athletes ng
Business Ad at sila mismo ay nag chicheer para samin! Tumatawa na lang kami pero
hindi namin hinayaan iyon na makasira sa concentration namin.

"GO! GO! Agri Biz! Fight! Fight! Agri Biz! Kill all the Business Ad! LOSERS!"
Sigaw ng cheerleaders ng Agri Biz ngunit natabunan din iyon ng mga bote ng taga
Business Ad.

Nang ginawa ko ang stunt na itinago namin ay napasigaw ang lahat. Iyon yung stunt
na gagawa ng pyramid at ako ang nasa pinaka taas. Bababa ako nang nag fi-flip ng
tatlong beses. Narinig ko agad ang palakpakan kahit hindi pa kami tapos.

Ang pangalawang stunt ay ipeperform naman ng ibang flyers. Nasa harap kami habang
ginagawa nila yung medyo mahirap na routine sa taas.

Yung pangatlo at panghuli ay halos kami ng lahat ay magiging flyer. Yung kaibahan
lang nito ay may mas nasa mas mataas na pyramid. Kitang kita kong tumango sina
Sarah (na flyer din) at ang ibang flyer at sabay sabay kaming tumungtong.
Nagperform kami ng stag. Ito ang ayaw ko dito sa uniporme namin, eh. Pag
peperform kami ng stag ay makikitang buo ang underwear namin. Well, yes, may
cycling shorts kami pero nakakailang parin. Iyong cycling pa naman na pinili ng
trainor namin ay yung pinakamaiksi na halos panty na lang. Aniya'y maiksi daw ang
skirt kaya dapat lang na mas maiksi ang gagamitin.

Page 167
Jonaxx - End This War

"BOOOO!" Narinig ko ang sigaw sa audience.

Syempre sina Kathy ang sumisigaw dun! Nakita ko ang mga pompoms nilang nihahagis
sa amin. Iyon kasi ang naging finale namin. Sumabog ang confetting inihanda ng
trainor at bumaba kaming lahat.

Nagsipag igtad ang mga kasama ko at kung anu anong hinihiyaw nila sa mga nanood.
Naging maganda din ang feedback ng manonood. Panay ang hiyaw nila at ni chant pa
nila ang aming chant kanina.

"Whoa! That was an amazing performance! Thank you, Business Ad Tigers!"

Hinahabol ko pa ang hininga ko habang nakikipagsiksikan sa mga kasama kong hindi


parin natatanggalan ng adrenaline rush.

"OH MY GOD! PANALO TAYO!" Hinuha ni Jobel sabay yakap sa mga kagrupo naming close
niya.

Panay ang pahid ko sa noo ko dahil masyado akong pinagpawisan. Hanggang ngayon ay
dinig na dinig ko parin ang palo ng puso ko. Halos masakit na ito sa sobrang
bilis at sobrang lakas!

"Grabe! Chesca! Ikaw na!" Nag thumbs up sila sa akin sabay yakap.

Tumawa ako sa mga reaksyon nila. Kahit pare pareho kaming pawis at hinahabol
parin ang hininga ay masayang masaya parin kami.

Bumalik kami sa pwesto namin sa bleachers. Nakita kong nakahalukipkip si Hector


habang natatawang nakikipag usap sa grupo niya. Nang nahagip niya ang tingin ko
(kahit nasa kabilang dako siyang bleachers) ay ngumuso siya agad at binaba niya
ang tingin niya. Kinunot ko ang noo ko. Nakita ko ang pagseseryoso ng mukha niya
bago kinuha ang cellphone at may nitype agad.

Instinct ko na siguro ang nagtrabaho nang kinuha ko rin ang cellphone ko. Hindi
ako nagkamali! Mensahe galing sa kanya ang natanggap ko. Sinulyapan ko muna siya
bago ko binasa. Nakita kong kinakalabit na siya ng ibang kagrupo niya. Aalis na
sila. Syempre, maghahanda na siguro para sa susunod nito. Sila ang first game
kaya kinailangan niya nang umalis at makipag usap na sa coach sa labas ng court.

Hector:
Pagkabalik ko, kailangan balot ka na.

Ngumisi ako. Galit? Nagmadali ako sa pagrereply.


Page 168
Jonaxx - End This War

Ako:
Manonood ako ng game mo. Don't worry, may dala akong extra t-shirt.

Hector:
Good. Dinalhan kita ng extra kung sakaling wala. Buti naisipan mong magdala?

Umirap ako. Galit si boss!

"Huy!" Sabay tulak sakin ni Marie.

Dumungaw siya sa cellphone ko. Agad ko iyong tinago.

"Ngingiti ngiti ka dyan! Katext mo si Hector no!"

"AYEEE!" Ngayon ay panay na ang tukso nila sa akin.

Hindi ko maiwasang di mapansin yung mga ka grupo kong nagsisinghapan at


nagtitikhiman. Kaya ayaw kong magshare sa kanila ay dahil alam kong hindi lahat
ng taga Business Ad ang masaya sa ginagawa ni Hector sa akin. Maging ako man ay
di rin sasaya kung may ibang babae siyang kahuhumalingan. Oopps... Alright!
Whatever!

"Teams, please assemble on the court!" Sigaw ng emcee habang tinatawag isa-isa
ang mga squad para sa awarding.

Mabilis ulit kaming tumakbo pababa ng bleachers. Medyo hindi na gaanong matao
dahil abala na sa pag piprepare ang mga tao sa games. Iilang soccer players,
basketball players at volleyball playes na lang ang nakita namin sa bleachers.
Ganunpaman, hindi parin nabawasan ang kaba at excitement ko.

Panay ang tawanan namin nang nasa linya. Yung iba ang seryoso na at nananalangin
na sa pagkapanalo namin. Ganun din naman ako pero hindi ko maiwasan pag
nagbibiruan yung iba. Nakita kong may dalawang medyo may edad ng lalaking judges
ang nakatoon ang pansin sa team namin.

"Si Mayor at si Mr. Singh!" Tumatawang wika ni Jobel. "Naglalaway ata sa legs
natin!"

Napatingin ulit ako sa mga nasa presidential table na mga judges. Umiinom ng
tubig ang isang kayumangging lalaki na may katamtamang beard. Habang sumisimsim
siya sa baso ay kinindatan niya ako.
Page 169
Jonaxx - End This War

Napalingon ako sa magkabilang gilid at likod ko. Sino ang kanyang kinindatan?
Nakita kong abala sa pagyuko ang lahat dahil tinatawag na ang pang fourth place.
Nang bumaling ulit ako sa kanya ay kumindat ulit siya at dinilaan niya ang
kanyang labi. Shit! Yumuko agad ako at pinikit ko na lang ang mga mata ko sa
pandidiri.

Tinawag ang panalo sa Best in Props na ang mga taga Vocational. Panalo naman sa
Best in Cheerleading Uniform ang Education. Syempre, may phoenix pa silang face
paint.

"VOCATIONAL!" Sigaw ng emcee.

Sabay sabay kaming nagtalunan dahil sila ang fourth! Ibig sabihin ay may pag asa
pa kami sa top 3! Napabaling ulit ako sa lalaking iyon. Ngayon ay may kausap na
siyang mas matanda sa kanya at mas creepy looking. Pareho silang tumitingin sakin
at ngumingisi.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at nagconcentrate sa pakikinig.

"The third place goes to... EDUCATION PHOENIX!" Sigaw ng emcee.

Umalingawngaw na ang sigaw ng mga taga Agri Biz at Business Ad! Hindi na ako
mapakali! Tumatalon talon na ako at kung sinu-sino na lang ang niyuyugyog ko sa
sobrang excitement!

"The first team we are going to call will automatically be the champion of the
3rd Cheerleading Cup of Alegria Community College! Ladies and gentlemen, drum
rolls please!"
Natahimik lahat. Naghawak hawak kami ng kamay sa sobrang kama. At may naririnig
na akong humagulhol sa likod ko.

"THE WINNER OF THE ALEGRIA COMMUNITY COLLEGE THIRD CHEERLEADING CUP IS..."

Totoong nag drum rolls na ngayon. Narinig ko pa lang ang pinakaunang tunog ng
salita galing sa emcee ay nagsitalunan na kami.

"BUSINESS ADMINISTRATION TIGERS!"

Nalunod na sa sigaw ang buong court. Nakita kong bumagsak ang mga balikat ng mga
taga Agri Biz. May nakita pa akong umiyak at nagmumura sabay turo sa amin.

Page 170
Jonaxx - End This War
"The second placers are the Agri Biz Eagles! Congratulations everyone!
Congratulations Tigers for winning the 3rd cheerleading cup!"

Nagtulakan pa kami sa pagkuha ng cup. Pero dahil sobrang saya nila at walang ni
isang dumampot niyon ay ako na mismo ang kumuha at nagtaas.

"WOOO!" Nagsigawan kami at nagbatian.

Panay ang picture dito, picture doon. Nakita ko pang umiyak si Sarah at niyakap
kami isa-isa.

"Dahil sa cheerleading competition na ito naging close ko kayong lahat." Aniya


sabay hikbi.

Nagtawanan kami at nagpapicture isa-isa sa cup. Ilang sandali pa ang lumipas nang
umalis kami. Kung hindi siguro kami sinita dahil magsisimula na ang first game ay
hindi parin kami nakaalis.

Naku! Patay! Kailangan ko ng magbihis dahil manonood pa ako ng game ni Hector!

"Tara sa room!" Sabi ni Jobel sa grupo.

Tumango ako, "Teka lang, kunin ko lang yung tubig ko sa bleachers. Naiwan." Sabi
ko sabay akyat sa taas habang umaalis na papuntang room (kung saan kami nagbihis)
ang mga kagrupo ko.

Palabas na ako ng court nang nakasalubong ko ang mga judges. Kinabahan agad ako
nang nakita kong titig na titig ang dalawang matatandang kanina pa nakatoon ang
pansin sa akin.

"Hi!" Bati nila sakin.


Ayokong maging bastos kaya pilit ko silang nginitian at niyuko ko ang ulo ko.
"Kay gandang bata mo, hija, taga Alegria ka ba?" Tanong noong may bangas.

"Opo." Sabi ko at umambang aalis na.


"Naku! Kinis ng balat mo! Di ka bagay sa bukid." Tumawa siya.

Napalingon ako sa kanya.

"Gusto mo pag aralin kita sa Maynila?"

Page 171
Jonaxx - End This War
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad na akong tumakbo palabas ng court nang
di nagpapaalam. Kung bastos sila, babastusin ko rin sila. Nakakainis! Nanlamig
ang lalamunan ko dahil sa nangyari.

Late na rin nang kumalabog ang puso ko dahil sa matandang iyon. Pero mas lalo
lang kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang batalyon ng Agri Biz cheerleaders
na nakaabang sa may fountain sa bukana ng building kung saan ako aakyat para
pumunta sa room.

Ipinagkibit balikat ko iyon. Wala naman sigurong mangyayaring masama dito. Hindi
ko maipag sa walang bahala ang nakikita kong pagharang nila sa daanan ko habang
palapit na ako. Diretso ang lakad ko at patuloy silang binalewala.

"Prosti." Dinig kong panunuya ni Kathy.

Kinagat ko ang dila ko at pinalampas iyon.

"Francesca Alde, prosti of the year!" Tumawa silang lahat.

Hindi na ako makausad sa paglalakad kasi nakatayo na silang lahat sa harap ko


ngayon. Umatras ako at isa-isa silang tiningnan sa mukha. Kitang kita ko ang nag
smudge na eye liner ni Kathy. Somehow, naaalala ko sa kanya ang isang kaibigan ko
sa Maynila. Naaalala ko si Janine sa kanya. Ilang beses ko nang nakita si Janine
na nagkaganito ang mukha. Makapal siyang maglagay ng eye liner kaya kapag umiiyak
siya ay laging nagkakaganyan.

Tinulak ako ni Abby na siyang nakapag pahigh blood sa akin!

"Ano ba?" Sigaw ko.

"Walang makakapagtanggol sayo dito kasi wala si Hector!" Aniya.

Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? Ano? Bubuhusan mo na naman ba ako
ng ihi?"

Nakita kong nakapamulsa si Koko na sumulpot sa likuran niya. Alam kong may mga
lalaki din dito pero hindi ko inakalang kasama si Koko!

"Walang hiya ka! Alam ko kung ano ang ginawa mo sa competition! Mababa na ang
tingin ko sayo noon pa lang pero mas lalo lang bumaba ngayon!" Mariing sinabi ni
Kathy at bigla akong sinampal.
Sa gulat ko ay napahawak ako sa pisngi ko. Walang sumasampak sampal ng ganun sa
akin! Sinubukan ko ring sampalin siya pero nakuha ni Koko ang braso ko.

Page 172
Jonaxx - End This War
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko.

Mariin at masakit ang pagkakahawak niya nito. Ngumisi siya. Nakakapanindig iyon
ng balahibo. Hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang ekspresyon ngayon.

"Inakit mo si Mr. Singh at si Mayor!" Akusa ni Kathy.


"Excuse me?" Sigaw ko sabay bawi sa braso ko kay Koko.

"Ipinakita mo lang naman ang mga hita mo sa kanila! Diba? At nang kindatan ka ni
Mr. Singh ay nagpacute ka pa? Bakit? Ha? Anong pinangako sayo?" Hysterical na
tumawa si Kathy.
Napatingin ako sa kanilang lahat na umiiling sa tabi.

Iilan sa kanila ay classmates ko sa ibang subject. Hindi ako makapaniwalang


ganito na lang sila kung mangorner sa akin.

"Baka pinangakuan ka na pag aaralin ka ulit sa Maynila?" Matabang na sinabi ni


Koko.

"Anong sabi mo Koko-"

Hinawakan niya ulit ang braso ko. Nagpumiglas ako pero malakas siya.

"Oo? Diba? Bayaran!" Aniya. "HIndi ba, Chesca? Hindi ba pera lang ang habol mo?"

"Kung pera lang naman ang habol mo, ineng, sana ay dun ka kay Mr. Singh. Sumama
ka sa kanilang bahay at... ah! Oo nga pala, dahil prosti ka alam mo na kung anong
susunod."

Nagpumiglas pa lalo ako sa pagkakahawak ni Koko sa braso ko. Pero dahil hindi
makawala ang kanang kamay ko ay agad ko nang hinila ang buhok ni Kathy gamit ang
kaliwang kamay ko. Napangiwi siya sa sakit ng pagkakahila ko. Agad naman akong
pinigilan ng mga nasa paligid. Nakita ko ang nanginginig na labi ni Kathy habang
tinuturo ako gamit ang matutulis niyang kuko.

"Alde ka lang!" Aniya na parang may kahulugan.

"At ikaw? Bakit ba ang bibitter ninyo? Alam ko naman na ang puno't dulo nitong
lahat ang ang pagpapapansin ni Hector sa akin!"

Namilog ang bibig ni Kathy. Alam kong gusto niyang putulin ang pagsasalita ko
pero hindi ko siya hinayaan. Panay ang piglas ko sa mga kamay na nakahawak sa
braso ko habang binubugahan ng maiinit na salita si Kathy.

"Bakit ka galit? Ha? Kung may tiwala ka naman sa sarili mo bakit kailangan mo pa
akong ganituhin? Bakit kailangan mo pa akong ibully? Bakit? Ha?"
Page 173
Jonaxx - End This War
"Ang kapal ng mukha mo!" Kinulong niya ang pisngi ko gamit ang mga daliri niya.

Sobrang nainis ako. Nag init ang kalamnan ko at gusto ko siyang duraan. Inilapit
niya pa ang mukha niya habang napapanguso ako sa pagkakahawak niya sa pisngi ko.
Hindi ako makapanlaban kasi mahigpit ang hawak nila sa braso ko.

"Hindi ka lalapitan ni Hector kung hindi mo siya inaakit! Kung hindi mo siya
nilalandi! Ikawng Alde ka, mana ka sa pamilya mo! Kina Teddy! Mana ka sa kanila!
Mga manloloko kayo! Mga ganid! Mga gahaman sa pera! Ngayong papalubog na ang
negosyo ninyo dahil kina Hector ay siya ang pinupunterya mo! Pag magkakagusto si
Hector sayo at mabuntis ka ay alam mong may delikadesa ang pamilya niya! Agad
kayong ipapakasal! At alam mo ring responsableng tao siya at pananagutan ka niya
kahit na hindi ka niya mahal!"

"FUCK YOU!" Sigaw ko sa sobrang galit ko.

Binitiwan niya ang pisngi ko. Dahil hindi ko maigalaw ang braso ko ay sinubukan
kong sipain siya. Gigil na gigil ako. Pero umatras lang siya at tumawa dahil
sobrang helpless ako dito.

"Sinungaling si Hector." Matabang at dramang sinabi ni Koko. "Sabi niya di niya


popormahan ang babaeng gusto-"
"Koby! Tumigil ka dyan at tatadyakan kita!" Sigaw ni Kathy.

Nakita ko rin ang galit na titig ni Abby sa akin.

"Totoo yung sinabi ko!" Wika ni Koko. "Kathy, sinungaling siya. Sabi niya di siya
mag gigirlfriend dahil ang importante sa kanya ay ang pag aaral. Pero walangya
din siya ano?"
Kinagat ni Kathy ang kanyang labi at yumuko.

"Ano Kathy?" Nanunuya kong sinabi. Gigil parin ako kaya gaganti ako sa kahit
anong paraan! "Sinungaling siya? Bakit siya sinungaling para sa inyo? Dahil
sinabi niyang mga pangit kayo? Hindi yun sinungaling, girl, totoo yun! Totoong
pangit kayo!" Sabi ko at tumawa.

Napapikit ako nang bigla na naman akong binuhusan ni Abby ng isang timba ng
tubig. Napahinga ako ng malalim. Muntik na akong malunod! Binitiwan din ako ng
mga nakahawak sa akin! Napatingin ako sa soot kong agad nagbakat ang bra dahil
basang basa na ako. Kitang kita ko rin ang pagpatak ng tubig sa bawat dulo ng
damit ko.

"Walangya ka!" Sigaw ko sabay tulak kay Abby.

Mabilis din akong nahawakan ng mga lalaki sa likuran.

Tumalikod si Koko at nakita ko ang jersey na soot niya. Ito yung jersey na soot
niya noong una kaming magkita.

Page 174
Jonaxx - End This War
"Dela Merced ba, Chesca?" Aniya.
Natahimik ako.
Tumawa siya, "Dela Merced!? Akala mo ako ang Dela Merced ano? Kaya ba pinaikot mo
ako?" Nanliit ang mga mata niya. "Akala mo ako ang tagapagmana kaya pinormahan mo
ako! Kaya pala! Kaya pala napansin kong nang tinawag ang pangalan ni Hector sa
klase ay medyo natuliro ka! Alam kong may issue na noon pa sa mga Alde at mga
Dela Merced! Pero hindi ko inakalang ako mismo ay makakatikim ng panggagamit
ninyo!"

Hindi ako nakapagsalita. May nagbara sa lalamunan ko. Dahil alam ko... totoo ang
mga sinasabi niya.

"Ginusto mong maakit ako dahil akala mo ako si Hector, diba? Siguro hindi naayos
ni Teddy ang plano kaya pumalpak! Imbes na siya ang una mong inakit ay ako! Dahil
buong akala mo, ako ang Dela Merced! Come on, Chesca. Marasigan ako. Anak ng
ranchero nina Hector." Aniya. "Nung sinabi pa lang ni Aling Nena ang tungkol sayo
ay nagduda na agad ako."

Napalunok ako. Naalala ko ang matanda sa rancho nina Hector. Ayaw na ayaw niya sa
akin. Halos itaboy niya ako sa bahay nila!

"Pero pinigilan ko iyon dahil lecheng bulag ako sayo! Pero ngayon? Ngayong nakita
ko kung gaano ka kalandi kay Hector? Kung gaano ka kalandi sa mga mayayamang
judges!"

Nakawala ang kamay ko kaya nasampal ko si Koko. Nag igting ang panga niya pero
ipinagpatuloy niya ang sinabi niya.

"Wala akong lakas ng loob na sabihin ito kay Hector. Lahat kami walang lakas ng
loob! Pero ngayon? Ngayong natapos ang lahat at kitang kita namin kung paano mo
itinatapon ang puri mo sa kanya?"
"WHAT THE FUCK, KOKO!?" Sigaw ko.

Tinaas niya ang boses niya upang mas marinig ko, "May lakas ng loob na ako!
Sasabihin ko sa kanya! Ngayon! At papatunayan iyon ni Aling Nena! Ang taong
nagpalaki kay Hector Dela Merced!"
"You are going down, Alde." Tumawa si Kathy.

"Akala mo siguro sayo na ang lahat kasi kakampi mo si Hector, ano?" Tumaas ang
kilay ni Abby. "Mabait si Hector pero di siya tanga. Malalaman niyang ginagamit
mo siya para makuha ang titulo ng lupa niyo! O baka naman maging pati ang buong
Rancho Dela Merced ay gusto mong angkinin, ha? Mga tusong Alde! Ayan na naman
kayo! Nagsisimula na naman!" Tumawa siya. "Nakakahiya ka. Nakakahiya ang buong
pamilya mo! Nakakadiri. Nakakasuka! At su Hector mismo ang magpapatapon sayo sa
oras na malaman niya ito!"

Kumabog ang puso ko. Alam kong wala na akong intensyon na ganun kay Hector pero
hindi ko maipagkakaila na iyon ang gusto ng pamilya ko. Hindi ko rin maitanggi na
iyon nga ang naging dahilan ko kung bakit ko pinaikot si Koko noon. Paano ko
ipapaliwanag sa kanyang hindi na ngayon? Matatanggap niya kaya?
Page 175
Jonaxx - End This War

Tinapik ni Kathy ang pisngi ko.

"Patay kang Chesca ka! Bawal na bawal ang manggagamit kay Hector. Bawal ka sa
kanya. Kalaban ka, Chesca. Alde ka." Humagalpak sila sa tawa.

Narinig kong sumipol ang isa sa mga lalaki.

"Sarap mo pa naman pero prosti ka. Gamit na!"

Biglang nagbigat lalo ang dibdib ko. Natutuliro ako. Hindi ko alam kung alin ang
uunahin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papalayu na sila nang nakahinga
ako ng malalim at bumuhos na ang matinding luha sa pisngi ko.

Itataboy na ako ni Hector! Magagalit na siya sakin! Ngayon... for real. Ang
sakit! Ang sakit pala! Oo na at ganoon ang pamilya ko. Wala akong magawa. Shit!
Wala akong magawa! Desperado sina mama at tiya! Hindi ko iyon maipagkakaila!
Desperado maging si Teddy at si Craig! Wala na kaming pera pero kaya naming
lumubog! Kaya kong maghirap wa'g lang madungisan ang pangalan namin. Pero heto
ako at ginagawa ang lahat ng paglilinis ng pangalan na sa isang iglap ay
madudungisan na naman. Is this our fate? Paano ko matatapos ang gulong ito?

-------------------------------

Kabanata 29
Ikaw

Mabilis kong dinampot ang bag ko sa room habang abala sa pagbibihis ang iba.
Nakita kong sinundan ako ng tingin nina Marie at Gary.

"Oh, Chesca, ba't basa ka?" Tanong ni Marie.

Iyon ang dahilan kung bakit napalingon ang lahat sa akin.

"Uuwi na ako." Sambit ko sabay kuha ng jacket at agad sinoot.

Hindi na ako nag abala pang magbihis. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang
makauwi ako sa bahay. Nanginginig ang buong sistema ko at hindi ko alam kung
anong kaya kong gawin sa galit at panghihinayang ko. Galit sa ginawa nila sa
akin... at panghihinayang... HIndi ko alam kung bakit ako nanghihinayang.

Page 176
Jonaxx - End This War
Bago pa sila makaapila ay umalis na agad ako doon. Halos tumakbo ako papuntang
gate. Dinig na dinig ko sa corridor ang sigaw sa pangalan ni Hector. Nagsimula na
ang game at mukhang mainit agad ang labanan dahil sa kanya.

Mabuti na lang at nang lumabas ako ay may nakita agad akong tricycle. Diretso ako
sa bahay namin habang nanginginig ako sa lamig. Nang nakauwi na ako ay nagulat pa
sina mama at tiya.

"Oh? Akala ko ba whole day ka ngayon sa school?"


"Ba't basa ka, Chesca?" Tanong ni Tiya.

"Pawis lang ito." Sagot ko at diretsong pumunta sa kwarto.

Nag flashback sa akin lahat ng nangyari kanina. Lahat ng pang aapak na ginawa
nila sa akin, sa aking pamilya, at naiirita ako. Naiinis ako! Naiinis ako dahil
totoo iyon! Totoo yung plano ko kay Koko noon! Totoong ganun ang pamilya ko! Pero
hindi ko ginagamit si Hector para lang sa aming lupa.

Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Pinapangunahan ako ng galit at
inis ko sa mga tao, sa pamilya ko, sa sarili ko!

Naligo ako at nagmukmok sa kwarto. Bukas ila-launch ang mga booth. Hindi ko alam
kung kaya ko pa bang bumalik doon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa
oras na makaapak ulit ako sa school.

"Chesca, diba acquaintance yung huling event sa closing ng Festival? May sosootin
ka na ba?" Tanong ni Tiya nang bumaba ako sa hapon para kumain.

"Meron naman siguro sa mga damit ko." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
"Okay ka lang ba?"
Napatingin ako sa kanya at tumango.

Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na alam kong nawiweirduhan si Tiya sa asta ko.

Nang nag alas singko ay nagulat ako dahil panay ang tawag ni mama at tiya sa
pangalan ko. Halos mabingi ako sa kwarto at para silang nalulunod sa kakatawag sa
akin.

"CHESCAAA! NATUTULOG KA BA?" Sigaw ni mama.

"Hindi po!" Sabi ko sabay suklay sa buhok at baba sa hagdan. "Anong problema?"

Buong akala ko ay may problema kay Lola Siling kasi naabutan ko si Tiya na
inaakay si Lola pabalik sa kwarto niya. Ngunit nagkamali ako... dahil isang
matangkad, makisig, at guwapong lalaki ang tumambad sakin.
Page 177
Jonaxx - End This War

Nasa sala namin siya at nakaupo. Umaliwalas ang mukha ni Hector nang nakita akong
bumababa sa hagdan. Agad kong tinikom ang nakaawang kong bibig.

Alam ko na ito. Alam kong oras na lang ang bibilangin para magkausap kami. At
alam ko rin kung anong gagawin niya ngayon.

"Chesca, nandito si Hector!" Sabay ngisi at kindat ni Tiya. "Kukuha muna ako ng
maiinom niyo."

"Wa'g na ho." Sabi ko. "Sa labas na kami mag uusap. May pupuntahan kami."

Nakita kong tumayo si Hector.

"Ha? Bakit, Chesca?" Tanong ni Tiya.

Tiningnan ko siya ng matalim kaya ngumisi siya at bumigay rin.

"O siya, sige. Kayong bahala! Malalaki na naman kayo."

Una akong lumabas ng bahay. Sumunod si Hector. Mabilis akong naglakad palayo sa
bahay. Gusto kong sa labas dahil paniguradong makikinig sina mama at tiya sa pag
uusapan naming dalawa at ayaw kong mangyari iyon.

Hindi parin nagsasalita si Hector kahit na nakalayo na kami sa bahay. Nasa kanto
na kami nang hinarap ko siya.

"Ano? Nalaman mo na ba yung nangyari?" Matabang kong sinabi.


Sa tanong ko pa lang ay nag igting na agad ang panga niya, "Sinabi sakin ni
Kathy."

Kumalabog ang puso ko sa narinig sa kanya. Ano kaya ang mga sinabi nila?

"Chesca... alam kong alam mo kung anong problema ng mga Alde at Dela Merced."

"Oo, alam ko. Yun ang lupa ng Alps, diba? Amin yun pero sinangla sa inyo."
Diretso kong sinabi.

Hindi na ako pwedeng magpaliguy ligoy pa. Iyon na dapat dahil alam ko namang
nasabi na rin nina Kathy ito.

"Magkalaban ang pamilya natin dahil dyan." Sabi ko.


Umiling siya, "Hindi ganun ang alam ko."

Page 178
Jonaxx - End This War
"Hector, let's face it. Alam mo iyon. Alam mong galit ang pamilya ko sayo dahil
nasa inyo ang titulo ng lupa namin pero wala kaming magawa kasi wala kaming
pera!"

Nag iwas siya ng tingin.

"Alam ko. Pero hindi ko kailanman inisip na kalaban kayo." Aniya.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya. Hindi ko alam kung ano ang
dapat kong isipin! Iisipin ko ba nga tama ang sinabi ni Tiya? Na baka ginagamit
niya lang din ako para makuha ng tuluyan ang Alps? O tunay talaga ang bawat
salita niya? Masyado siyang misteryoso sa akin. Hindi ko alam kung ang mga salita
niya ay may laman o wala. Hindi ko alam kung may hidden agenda ba siya sa bawat
hakbang niya o wala.

"Galit ang pamilya niyo samin. Pero kami, hindi. Kami ang may hawak ng titulo
ninyo pero hindi kami humingi ng kahit ano galing sa Alps. Ni isang kusing,
wala."

Nagkatitigan kaming dalawa.

"At labas tayong dalawa diyan, Chesca. Labas tayong dalawa sa mga lupang iyan."
Mariin niyang sinabi.

Umiling ako, "Hindi, Hector. Ikaw ang nag iisang tagapag mana ng lahat ng lupain
ninyo. Paano ka labas sa isyu ng lupa?" Umatras ako pero humakbang siya palapit
sa akin.
"Ano ngayon kung ako? Nandyan pa si Lola para mamahala. Isa pa, nandyan din si
Tita at Tito."
Natahimik ako at nakita kong mas dumilim ang tingin niya sa akin. Kasabay ng
pagdidilim ng paligid.
"Akala mong si Koko ang Dela Merced, hindi ba?" Tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Sinasabi ko na nga ba...
dadating sa puntong ito. Pinikit ko ang mga mata ko bago sumagot.

"Oo."
"Kaya mo ba siya inakit noon?" Mas mariin niyang tanong.
Shit! "Oo."

Natahimik siya. Nanikip ang dibdib mo. Sobrang sikip na hindi ko na kayang hindi
humikbi. Kasabay ng hikbi ko ang pagtulo ng luha ko.

Page 179
Jonaxx - End This War
"Oo, Hector, okay!? Gusto ko ng bumalik ng Maynila! Ayokong maghirap kami! Gusto
kong kunin ang titulo sayo! Gusto kong malaman kung anong mga iniisip ng Dela
Merced sa lupa namin! Kung anong gagawin nila! Kung babawiin ba nila o bibilhin!
Dahil hirap ako dito sa Alegria! Ayoko dito! Gust kong bumalik ng Maynila!" Pag
amin ko.

Alam kong simula ngayon ay huhusgahan niya na ako ng husto. Maaring hindi na
naman maibabalik pa ang dati. Hindi na siya manunuyo sa akin. Wala ng Hector na
masugid kong manliligaw. It was all because of my past actions.

"Akala ko si Koko ay Dela Merced! Nakita ko siyang may soot ng jersey na Dela
Merced!" Sabi ko. "Kaya hinayaan ko siyang lapitan ako! Tama ka nung sinabi mo
sakin nung una na hindi ko siya gusto! Kung paano mo yun nalaman ay hindi ko
alam!" Sabi ko.

"Alam ko dahil halatang hindi mo siya gusto!" Aniya. "At napaka... napaka tuso
mo, Chesca! Kaya mo yun?" Pumiyok ang boses niya. "Ganun ka ba ka desperado? Na
kaya mong magpagamit kay Koko para lang makuha ang titulo?"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang nakita ko
ang galit sa mga mata niya. This is it. Wala na. Sinasabi ko na nga ba. Ibubuhos
ko na ang lahat dito. Lahat lahat.

"Akala ko si Koko ay Dela Merced. Pero hindi ko siya gusto at sinubukan kong
pigilan ang desperadong planong iyon! Natigil lang ito nang husto nang nalaman
kong ikaw pala talaga ang Dela Merced! Pero kahit kailan, hindi ko na sinubukan
ulit yung plano. Nagsawa na ako! At alam kong unfair iyon para sa sarili ko!
Hindi na ako magpapakadesperado! Kung lulubog kami dito sa Alegria, edi lumubog
kami!" Sabi ko.

Nag iwas siya ng tingin sa akin, "Kaya mong magpagamit para sa lupa lang? Kaya
mong magpanggap na gusto mo ang isang tao para lang doon?"

Tumikhim ako, "Kaya kong magpanggap, noon. Noong desperado pa akong makaalis
dito."

"Bullshit!" Mura niya sabay tingin sa kawalan. "Buti na lang ako yung tunay na
Dela Merced."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naguluhan ako. Nakita kong suminghap siya
at tumingala. Lumunok ako at nagpasyang tapusin na ang pag uusap namin. Gulong
gulo na ang utak ko.

"Sorry, Hector." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Agaran naman ang pag hawak niya ng mahigpit sa braso ko para iharap ulit ako sa
kanya.

"Nag uusap pa tayo, wa'g mo akong talikuran, Alde." Matama niyang sinabi.
"Tapos na akong magpaliwanag. Nalaman mo na ang lahat. May plano ako na akitin
ang tagapagmana noon. Yun na yun. Diba?" Ngumisi ako kahit na basa pa ang pisngi
Page 180
Jonaxx - End This War
ko sa luha.
Kumuyom ang panga ni Hector, "Ako. Hindi ko pa nalalaman ang lahat. Ngayon, isang
tanong, isang sagot, Chesca Alde." Aniya.

Napalunok ako. May bahid na awtoridad sa tanong niyang iyon. Dumidilim na ang
paligid. May poste ng ilaw sa tabi namin pero hindi pa iyon umiilaw.

"Ginamit mo ba ako? Dahil ako ang tunay na Dela Merced? Ginamit mo ba ako?"
Nagulat ako sa tanong niya. "Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko, hindi ko na kayang
ulitin! Lumubog na kung lumubog hindi ako manggagamit ng tao!" Sabi ko. "Kung
ginamit kita, sana sinagot na kita agad at hindi na ako nagpaligaw sayo! Sana
ngayon ay tayo na at hindi na kita tinarayan pa!"

Ngumuso siya at inangat niya ang kanyang mukha, "Kung ganun, bakit ka nagpaligaw?
Bakit ka umiyak? Bakit mo sinabi sakin ang lahat?"

Malakas ang pintig ng puso ko kanina pero mas lalo lang iyong lumakas ngayon.

"Akala ko ba isang tanong lang? Bakit dumami?" Kinunot ko ang noo ko.

"Di mo ako ginagamit, diba? Kaya masyado kang mataray sakin? Kalimutan natin ang
mga titulo ng lupa, mga apelyido ng pamilya natin, lahat... Bakit ka nagpaligaw?
Bakit ka umiyak kanina? Bakit ganyan ang tingin mo sakin?"

Nag iwas agad ako ng tingin. Hinawakan niya ang beywang ko at inilapit niya ang
buong katawan ko sa kanya.

"Bakit, Chesca? Sagot!" Mariin niyang sinabi.

Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nung bumaba ang tingin niya sa ilong ko, sa labi
ko. Suminghap siya at dahan dahan idinampi ang labi niya sa labi ko. Nagwala ang
puso ko. Nakahawak ako sa dibdib niya. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko
mapigilan ang pagkakanulo ng damdamin ko sa kanya. Natunaw ang buong sistema ko.
Mababaw at simpleng halik lang iyon pero ganun na agad ako maka react.

Agad siyang tumigil nang biglang umilaw ang poste. Nagkatitigan kami. Wala akong
ibang marinig kundi ang puso kong mala kulog sa pagpintig.

"Wala akong pakealam sa lupa ninyo. Hindi ko aangkinin iyon. Ikaw, Chesca, ikaw
ang gusto kong maging akin."

Kabanata 30
Free Hugs

Humugot ako ng malalim na hininga at lalagpasan na sana siya sa sobrang kaba ko.
Ngunit hindi ko namalayan na hinahawakan niya pala ang kamay ko. Ayaw niyang
Page 181
Jonaxx - End This War
gumalaw. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero nakatayo lang siya doon at
nakatingin sa akin ng seryoso.

"Hector, uwi na tayo. Nilalamok na tayo dito." Utas ko nang di makatingin sa


kanya sa sobrang pag iinit ng pisngi.

Damn! We kissed! At kahit mababaw na halik lang iyon, naghuramentado na agad ang
puso ko!It feels like my first time kahit na nakailang beses na kami ni Clark
noon. Para akong bumabalik ulit sa babaeng naagawan ng first kiss!

"Hindi mo pa ako sinasagot." Aniya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung aling sagot ang tinutukoy niya. Sagot
sa panliligaw o sagot sa tanong niya.

"Hector!" Saway ko.


Unti-unting nag angat ang kanyang labi.

Damn he's just so hot! Lahat ata ng aksyon niya ay nakakapagpatunaw sa akin.
Hindi ko na alam kung bakit ganito na lang ang kanyang nagagawa sa akin.

"Hinalikan kita, hindi ka nanlaban. Ano ang ibig sabihin nun?" Ngumisi siya.

"Adik! Nanlaban ako! Ang lakas mo lang kaya di kita naitulak!" Inirapan ko siya
kahit na alam kong nag aangat na rin ang labi ko. Gusto kong matawa.

"Oh, naghihintay ako ng sampal pagkatapos. Bakit wala?"


"At naghahanap ka ng sampal? Bitiwan mo ang kamay ko para masampal kita."
Tumawa siya, "Lalong di ko bibitiwan ang kamay mo, Alde."

Biglang may dumaan na mga tricycle kaya nahila ko siya sa paglalakad pabalik ng
bahay namin.

"Tayo na kasi!" Sabi ko dahil mahirap parin siyang hilahin.


"Nainis ako kanina sa cheering niyo. Kitang kita yung hita mo sa uniform niyo."
Matabang niyang sinabi.
"Oo. Wala naman akong magagawa tsaka tapos na yun."

"Hindi yun pwede sakin." Aniya.


"Wala ka namang magagawa kasi yun ang soot namin talaga. Tsaka kami naman ang
nanalo kaya no regrets." Sabi ko.
"Oh bakit di ka na nood ng game ko?" Tanong niya.

Page 182
Jonaxx - End This War
"Paano ako manonood kung basang basa ako kanina, duh!" Umirap ako sa kawalan.
"Huh? Anong basang basa?" Bakas sa tanong niya ang pagtataka at pagkagulat.
"Eh diba nga binuhusan ako ng tubig ni Abby?"

Mabilis niya akong hinarap ulit sa kanya. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad.

"Anong sabi mo?"


Nanlaki ang mga mata ko.

Oh my God! Wa'g niyong sabihing hindi niya alam ang nangyari? Ano ba kasi ang
sinabi ni Kathy sa kanya?

"Bakit ka basa? Bakit ka binuhusan ulit ng tubig ni Abby? Anong..."

"Ano bang sinabi sayo ni Kathy? Na kinausap nila ako in peace?" Umirap ako.
"Hindi naman sa nagsusumbong ako sayo Hector, pero akala ko sinabi nila ang parte
kung saan pinagtulungan nila ako sa corridor. Panay ang away at insulto nila
sakin habang may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko. Binuhusan
ako ng tubig."

"Bakit nila ginawa yun sayo?"

Suminghap ako, "Hector, nagawa na nila sakin yun noon, kaya di malabong maulit.
At ito yun ngayon. Halu-halo ang inis nila sa akin dahil sa pagkatalo ng Agri Biz
sa cheering at dahil na rin sa issue nating dalawa. Tangina, sinabi pa nilang
inakit ko yung judges through my uniform." Tumawa ako. "Kung mang aakit ako, mag
huhubad agad ako!" Humalukipkip ako at tiningnan ang seryosong mukha niya.

"Subukan mong mang akit ng iba, Chesca. Subukan mo... Baka matali kita." Malamig
niyang sinabi.

Napangiwi ako. "That was a joke, alright. Ang punto ko ay paano nila nasabi iyon?
Hindi ko naman ipinakita ng sadya yung hita ko!"
"Sadya man o hindi, ayokong may makakita. At humanda sila..." Aniya. "Anong
karapatan nilang manghimasok sating dalawa."

Hinatid ako ni Hector sa bahay at umuwi rin. Kinabahan tuloy ako sa sinabi niya.
Anong gagawin niya sa mga kaibigan niya? Kinabukasan ay nalaman ko rin kung ano.
Alas nuwebe nang dumating ako sa school para sa booth. In fact, dapat ay mas
maaga ang dating ko dahil sa booth. Kaya lang tinanghali ako sa pag gising.

Pagkapasok ko pa lang sa school ay kitang kita ko na ang mga mata ng usiserong


nakamagnet agad sa bawat kilos ko. Sinalubong ako ng tatlong lalaki sa gate. Si
Koko, at ang dalawang lalaking nakahawak sa braso ko kahapon.

"Sorry, Chesca." Isa-isa nilang sinabi.

Kitang kita ko ang pagsisisi sa mukha nila. Kitang kita ko rin ang pasa sa mukha
ni Koko. Siya lang ang may pasa. Nanuyo ang lalamunan ko. Si Koko lang ang hindi
makatingin ng diretso sa akin. Bakas parin sa mukha niya ang galit.
Page 183
Jonaxx - End This War

"Ah? Okay..." Sabi ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Malapit sa girl's CR ay namataan ko naman si Kathy at Abby na panay ang iyak.


Matalim ang titig ni Kathy sakin pero hindi mapawi ang luha niya sa pisngi.

"Sorry din daw sabi ni Abby at Kathy." Utas ni Koko.


Tumango ako at nilagpasan sila.

Ang haring iyon ay kayang mapaikot sa palad niya ang sino mang bruto sa Alegria.
Batid niya ang awtoridad niya sa buong Alegria. Batid niya na halos sasambahin na
siya ng mga kaibigan niya at alam niya kung paano gamitin ang awtoridad niyang
iyon.

Nang nasa Mahogany Street (ito yung tawag sa pathyway papuntang canteen) na ako
ay namataan ko agad sina Jobel na nag aayos ng tarpaulin sa taas ng booth namin.
Nag aayos na rin ang ibang booth. Diretso ako sa booth namin.

"Sorry, late ako!" Sabi ko.

"Chesca! Hindi ka na ba bumalik kahapon? Ano ba ang nangyari? Ang weird!" Sabi ni
Jobel.

Tumawa si Mathew.

"Ang weird talaga! Alam mo ba kanina, tinulungan kami nina Koby sa pag aayos dito
sa booth." Ani Sarah.

"Talaga?"
"Oo. Gulat nga kami kasi tumulong sila. Peace offering daw yun sayo. Bakit? May
problema ba kayo? I mean, oo, alam nating may problema kayo ni Koby pero diba
matagal na yun?" Tanong ni Jobel.

"Ah! Wala." Ayoko ng palakihin pa ang problema kaya hahayaan ko na lang silang
paniwalaan na dahil iyon sa naging problema namin noon.

Ilang sandali ay naging abala na ulit kami sa booth. Halos maging disaster yung
mga ginagawa ko sa juice namin.

"Ay ano ba yan, Ches! Tabi ka nga." Saway ni Sarah. "Ganito maghati ng gulaman."
Sabay pakita niya sakin sa paghahati ng pandan na gulaman na ilalagay namin sa
pandan juice.

"Okay." Sabi ko. "Magmamarketing na lang ako at baka masira ko pa yang juice
natin." Tumawa ako.

Si Jobel at Sarah ang abala sa mga juice. Si Marie ang abala sa paperworks.
Kaming dalawa ni Mathew ang nasa harapan ng booth para magkalap ng costumer.
Page 184
Jonaxx - End This War

Sa malayo ay kitang kita ko agad ang booth nina Hector. Mga pagkain ang nandoon.
Kadalasan ay pork ribs, chicken barbecue, at kung anu-ano pa. Alam kong galing
iyon sa rancho nila. Nakita kong nakapangalumbaba siyang nakatitig sakin habang
abala ang mga kagrupo sa pagmamarketing.

Bumaba ang tingin niya at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang pag iiba ng
ekspresyon. Napatingin ako sa soot kong itim na skater skirt at sneakers. Ngumisi
ako sa kanya. Umiling naman siya ng pa slow motion.

Kikindatan ko sana siya nang bigla akong sinalubong ng malaking bunganga ni


Jobel.

"CHESCA! Wala tayong customer after fifteen minutes na pagbubukas! May naisip
ako! MWAHAHA!" Aniya at hinila ako palapit sa booth.

Nakita kong may bondpaper doon na sinusulatan ni Sarah gamit ang pentel pen.

"Ano yan?" Tanong ko.


"One juice, one free hug!" Ani Jobel. "Iyon ang rule dito! Syempre, makikisakay
tayo, marami kang fans at maraming fans si Mathew." Sinulyapan ni Jobel si Mathew
na panay ang bati sa mga seniors na nagpapacute sa kanya. "Dito tayo kikita!"

Bago pa ako umapila ay pinahawak na ni Jobel sa akin ang bond paper at tinulak na
ako para ipagkanulo sa mga estudyanteng naglalakad lakad sa mga booth.

"Talagang free hug pag isang juice, Mathew?" Tanong ng isang babaeng pulang pula
ang pisngi.
Nagkamot ng ulo si Mathew at nahihiyang tumango.

"KYAAAA!" Agad pumila ang mga babae sa booth.


Nagtawanan kami ni Mathew.
"Jobel," Sabi ni Mathew. "Buti palitan itong si Chesca. Di ka kikita dito. Alam
ng lahat na may hari ng nag mamay ari sa kanya. Mabibigwasan ang makakahawak ng
konting balat niya."
Umismid ako sa biro ni Mathew. "Uy! Hindi yan totoo! Single parin ako hanggang
ngayon at available palagi kaya kikita parin tayo dito." Sabay tingin ko sa
paligid.

Iniwasan kong tingnan ang booth nina Hector dahil alam kong sa oras na makita
niya itong hawak kong karatula ay talagang malalagot ako.

Habang nakalingon ako sa kaliwa ay may humihikab na lalaki sa kanan.

Page 185
Jonaxx - End This War

"Inuuhaw ako." Aniya pagkatapos maghikab.


Nilingon ko agad siya at nakita kong may konting luha sa gilid ng mga mata ng
isang chinitong Harvey Yu. "Uyy, pandan juice! May gulaman pa!" Aniya sabay kuha
sa wallet niya.
"Harvey, bibili ka?" Tanong ni Mathew.

"Oo, Matt." Aniya sabay ngisi.


"Free hugs pag bumili!" Kumindat si Mathew sa kanya.
"Huh? Kanino? Sayo? Wa'g na lang bro, sorry, di tayo talo!" Tumawa si Harvey.

Hindi ko namalayang nakangisi na rin pala ako. Nakakahawa ang tawanan nila.

"Hindi no! Nukaba! Kay Chesca." Sabay nguso ni Mathew sa akin.


Nilingon ako ni Harvey at tinapunan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Whoa! Ang
bagal naman nitong pila! Sige na! Pabilis please!" Aniya sabay wagayway sa pera
niya.

Tumawa ako sa naging reaksyon ni Harvey. Ang cute niya talaga. Hindi ko alam kung
bakit natutuwa ako sa kanya.

Pagkatapos niyang bumili ay agad niya akong binalingan ng nakangisi. Ngumuso ako
at kinabahan.

"Free hug, Harvey." Tumawa si Mathew.

"Ilang segundo ba?" Tanong ni Harvey nang nasa harap ko na siya.

"Uhm... Ano Ches, ilang segundo?"


"2 seconds?" Sabi ko.

"Alright." Agad niya akong binalot ng yakap.

Hindi ako gumalaw dahil mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Patay!" Bulong ni Mathew sa gilid nang kumalas si Harvey sa pagkakayakap.

May mga lalaking pumila na rin sa booth namin. Napatingin ako sa kanila at panay
din ang wagayway ng pera nila.

"Ano ba kayo! Makakabili din kayo! Uhaw na uhaw na ba kayo para ganyan makaasta?"
Nagmura si Jobel dahil halos masira ang booth sa pagtutulakan nila.

Page 186
Jonaxx - End This War

"Hector, pare!" Bati ni Harvey sa harap ko na siyang ikinagulat ko.


"Harvey, pwede bang umalis ka? Na iirita ako." Diretsahang sinabi ni Hector.

"Ha? Bakit? Napansin ko nitong mga nakaraang araw lagi kang galit sakin..."
Nagtatakang tanong ni Harvey.

Hinila siya ni Mathew palayo saming dalawa ni Hector. Napamura pa siya sa ginawa
ni Mathew at muntik na niyang mabigwasan ito. May binulong lang si Mathew at agad
tumango si Harvey sabay tingin sakin at alis.

Hinapit ni Hector ang baywang ko galing sa likuran. Idiniin niya ang braso niya
sa baywang ko kaya napaatras ako hanggang sa naramdaman ko na siya sa likod ko.

"Hoy Hector!" Umalingawngaw ang sigaw ni Jobel. "Bawal yan! Bili ka muna bago
hug!"

Tumingala ako sa mukha ni Hector na nag hahalong galit at histerya.

"Magkano lahat? Bilhin ko kapalit ang yakap niya ng buong araw." Malamig niyang
sinabi.

Kabanata 31

Mabilis, Matulin, at Diretso

"Talaga!?" Nakangangang sinabi ni Jobel.

Kahit na halos sampalin na siya ng mga pera ng mga lalaking pumipila ay nagawa
niya paring pagtoonan ng pansin si Hector.

"Hector, tumigil ka nga!" Sabi ko sabay hawi sa braso niyang nakapulupot sakin.
Para siyang na offend sa pagtanggal ko sa braso niya.
"Talaga, Hector? Bilhin mo lahat?" Namutawi sa bibig ni Jobel habang hinahawi ang
mga perang halos ipakain na sa kanya ng mga nasa pila.
"Ang unfair naman! Uhaw kami kaya bibili kami!" Parinig nung isang lalaki.
"Uhaw na uhaw din ako kaya nga papakyawin ko yan!" Sigaw ni Hector.

"Isang baso lang naman." Parinig naman ng isa pang senior.


"Tsss. Oo nga!"

"Magsitigil kayo, sold out na!" Sigaw ni Jobel sa mga lalaking nag uunahan.
"Hector, hindi naman yata pwede yun! Kakaset up pa lang namin ng booth tapos ma
so-sold out? Paano kung malaman ng prof na ganun ang nangyari! Hindi naman ata
Page 187
Jonaxx - End This War
makatotohanan yun!" Sabi ko.
"Oo nga!" Sigaw naman ng nasa kabilang booth na nagbibenta ng bananacue. "Hector,
palitan na lang ni Jobel si Chesca kung hindi ka comportable. Sila ang malalagot
pag nireport nilang na sold out agad ang paninda nila alas diyez pa lang ng
umaga!"

Humalukipkip ako at nakita ko ang malungkot at nagtatampong itsura ni Hector.

"Hindi naman kasi pwedeng ako ang pumalit kasi di marunong si Chesca dito!" Sigaw
ni Jobel habang binibigyan ng samalamig ang mga bumibili.

"Tsaka, isa pa, Jobel." Dagdag ni Sarah. "Pag ikaw ang nandyan baka di tayo
bumenta!"

Tumawa si Sarah pero inirapan lang siya ni Jobel. Habang pinagmamasdan ko ang
dalawa ay may nakaabang ng lalaki sa gilid ko. Hawak hawak niya ang samalamig na
binili at naghihintay sa yakap ko.

Agad hinablot ni Hector ang dala kong free hugs at hinarap ang lalaki.

"Ako yung makakayakap mo, pare. Ano? Yakap na!" Medyo galit niyang utas kahit na
nakangisi.

Halata ding nagalit ang lalaking may hawak ng samalamig sa asta ni Hector. Alam
kong maaring buong batch namin at halos lahat ng taga Alegria Community College
ay luluhod sa tagapag mana ng Dela Merced, pero hindi natin maipagkakaila na
marami din dito ang anak ng mga haciendero, mga may asukarera, malalawak na
lupain, at iba pa. Ibig sabihin ay hindi lahat ng estudyante ay mapapayuko niya.

"Bumili ako dito, si Alde pa ang may hawak niyang karatula kaya dapat siya ang
yakapin ko diba?" Nakataas ang kilay na sinabi ng lalaki.

"Oh, eh bakit? Ako yung may hawak ngayon kaya wala ka ng magagawa." Mas mataas
ang kilay ni Hector nang sinabi niya yun.

Habang sinasabi iyon ni Hector ay agad na akong hinigit ng lalaki palapit sa


kanya at matamang niyakap gamit ang isang kamay.

Tinulak ko ang lalaki palayo at agad din naman siyang kumalas at ngumisi sa akin.
Nang lumingon ako kay Hector ay pinipigilan na siya ni Oliver at Mathew. Halos
umusok na yung mukha niya sa pula at sa galit. Tinuro niya ang lalaki.

"Tangina pare, girlfriend ko yan!" Sigaw niya habang kumakawala sa mga hawak nina
Oliver at Mathew.

Page 188
Jonaxx - End This War
Agad niyang na kwelyuhan ang lalaki. Hindi nagpatinag ang lalaki. Tumawa lang
siya nang kwelyuhan siya ni Hector. Magkasingtangkad sila at halatang may
sinasabi din sa buhay ang lalaking ito.

"Hector!" Sigaw ko.

Agad din naman siyang pinigilan nina Mathew. Sumama pa si Koko at sina Gary at
Greg sa pagpigil sa kanya.

"Montefalco, tama na yan." May narinig akong boses sa di kalayuan na nagsabi nun.
"Tsss." Tumawa ang lalaki at nilingon niya ako nang kinalas ni Hector ang kamay
niya sa kwelyo nito. "Hindi pa naman kayo, eh." Aniya at umalis.
Sumunod ang litanya ng mura ni Hector habang pinapalibutan siya ng mga kaibigan
niya.

Lumapit ako kina Jobel at napainom ng samalamig namin sa intense ng pangyayari.

"In fairness, ha? Di mo sinabing kayo na pala?" Tumatawang wika ni Sarah.

"Di pa kami." Sabi ko. "Sinabi niya lang yun para mabakuran ako."

"Ay grabe! Bakuran? Hindi ka pa ba nakakulong sa lagay na yan, Ches? Hindi naman
yata masaya pag nakakulong ka... Pero kung sa mga bisig lang din naman ng isang
Hector Dela Merced ay siguro ako na mismo ang bibilanggo sa sarili ko." Tumawa si
Jobel sa kanyang naiisip.

"Tsss." Umiling ako at bumaling sa mabilis paring humihinga na si Hector.

Medyo bumalik na ang ibang freshmen sa kani kanilang booth. Humupa na rin ang mga
usiserong kanina ay nakapalibot. Nakita kong lumapit si Hector sa booth gamit
parin ang matatalim na tingin.

"Jobel, kung ayaw niyong pakyawin ko, ubusin ko na lang ang pandan juice ngayong
araw. Kunin ko muna si Chesca. Okay lang?"
"Aba syempre naman, Hector! Iyong iyo na si Chesca!" Tumawa si Jobel at nanliit
ang matang tumingin sakin. "Gulo lang din naman ang dala niyan dito." Ngumiwi
siya.

"Hindi pwede, Hector." Sabi ko. "Tutulong ako dito!"


Kumunot ang noo ni Hector sa akin.
"Isa pa, wala ka bang itutulong sa ka grupo mo? Kawawa naman sina Kathy!" Sambit
ko.
"May atraso pa sila sakin kaya wala silang karapatang manumbat."

"Lagi namang walang karapatang manumbat lahat ng tao sayo dito!" Sabi ko.
"Ano? Tara na! Date na tayo!" Aniya.

Page 189
Jonaxx - End This War
"Ha? Eh... Ayoko nga!" Di ako makatingin sa kanya.
"Sus itong si Chesca! Dali na! Sumama ka na!" Sabi ni Sarah.
"Oo nga, Ches. May laro pa kami mamayang alas sais ng gabi. Para maenergize si
Hector at manalo ulit kami." Dagdag ni Mathew.

Umikot ako sa booth para malayo kay Hector pero sumunod siya sa pag ikot ko
habang parang diyos na humahakbang palapit sa akin.

"Ano ba?" Galit kong utas.

"Tara na." Aniya.


"Saan ba tayo?" Tanong ko.
"Sa school. Pasyal tayo. Kung boring na edi labas tayo."

Napatingin ako kina Jobel at Marie na walang ginawa kundi ang tumango. Umiling
ako at pumayag na lang sa gusto ni Hector. Kinuha ko ang bag ko at naghintay na
siya sa may gitna sa akin nang nakangisi.

Ni head to foot ko siya at hindi ko talaga mapigilan ang pagpupuri sa kanya.


Kahit ano sigurong sootin niya ay babagay sa kanya. Polo shirt ang soot niya at
maong na bagay sa hubog ng binti niya. Naka top sider siyang sapatos at halatang
mamahalin iyon. Naglahad siya ng kamay pero seryoso ang kanyang mukha sa
paghihintay sa akin. Nilagay ko ang sling bag ko sa balikat at pinuntahan siya.

"Paka saya kayo. Kiss naman kayo ha para manalo sila mamaya, Chesca?" Tumatawang
sinabi ni Jobel.

Tinapunan ko sila ng naiiritang tingin pero ngumisi lang sila at itinaboy kaming
dalawa. Nilagpasan lang din ni Hector ang booth nila. Hindi man lang siya nag
paalam sa mga kasama niyang sina Kathy, Koko, Oliver, at Abby.

Napansin ko rin na palabas kami ng school. Hindi kami mamasyal sa loob kasi
diretso ang lakad niya palabas.

"Hector, saan tayo?" Tanong ko.


"Magpipicnic tayo ngayon." Aniya sabay kuha sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Sumimangot agad ako, "San?"

Nalaman ko din kung saan nang sumakay na kami sa Jeep Commander. Kung hindi ako
nagkakamali ay patungo ito sa lugar kung nasaan ang gazebo. Tama nga ang hinala
ko nang itinigil ni Mang Elias ang sasakyan sa daanan patungo doon. Nakita ko
ring may kinuhang basket si Hector sa likod ng sasakyan.

Page 190
Jonaxx - End This War
"Pinagplanuhan mo ito?" Naningkit ang mga mata ko.

"Syempre, ganun dapat pag nanliligaw, diba?" Aniya.


Umangat ang labi ko sa sinabi ni Hector. Binuksan niya ang pinto at lumabas na
agad. "Mang Elias, ititext ko lang kayo kung tapos na date namin, ah?"
Tumango si Mang Elias at tinapunan ako ng tingin. "Sige, mag ingat kayo."

Tumango din ako sa kanya at bumaba na sa sasakyan.


"Tara na!" Wika ni Hector at hinawakan ulit ang kamay ko sa paglalakad.
"Ibang klase ka, ah? Hindi pa nga tayo lakas mo ng maka PDA!" Sabi ko.

"Oh eh bakit? Hindi pa tayo pero akin ka na. Pwede ng gawin lahat. Paano pa kaya
kung naging tayo na?" Sumipol siya at ngumisi.

Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay niya at hinampas ko siya, "Adik 'to! Tumigil
ka nga!"

Ilang minutong paglalakad ay nabanaag ko na ang gazebo. May maliit na bangka sa


gilid nito. Wala naman ito noon pero feeling ko ay si Hector mismo ang nagpalagay
noon dito. Pumasok ako sa gazebo at pinagmasdan ang kumikislap na tubig ng ilong
na ito.

Si Hector naman ay naroon sa labas ng gazebo at nilalatag ang banig na dala.


Nakita ko ring may mga pagkain siyang dala sa basket na iyon.

“Next date natin, tuturuan kitang mangabayo.” Aniya.

“Talaga lang, ha?” Sabi ko habang pinagmamasdan siyang umuupo sa banig.

“Halika dito, Chesca.” Aniya sabay tapik sa tabi niya.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na namang nagtatatakbo ang
puso ko. Isang hakbang ko lang ay naramdaman ko na agad ang panunoot ng lamig at
paghuhuramentado sa binti ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Ano ba ‘tong reaksyon
ko sa kanya?

Ipinagkibit balikat ko iyon dahil nakita kong nag angat siya ng labi. Mukha atang
halata na masyado ng paghuhuramentado ko, ah? Umupo ako sa tabi niya at tiningnan
ang kabuuan ng ilog, imbes na ang kanyang mukha.

“Wa’g mo nga akong tinitingnan ng ganyan.” Utas ko sa kanya.


Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagngisi niya. “Bakit? Ang sungit talaga
nito. Kaya sarap mong bakuran, eh. Lagi kang umaayaw.” Tumawa siya.

Mas lalong nag init ang pisngi ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtingin sa kanya.
“Ikaw talaga! Eh kasi, creepy masyado. Para kang baliw. Para kang obsessed
sakin!”

“Ano ngayon kung ganun? Anong problema mo dun?”


Suminghap ako at madramang pinikit ang mga mata, “Hindi ko talaga alam, Hector.
Hindi ko alam kung bakit para kang patay na patay sakin. I mean...”
Page 191
Jonaxx - End This War

Ayaw kong dugtungan iyon. Buti at napigilan ko ang sarili ko sa pagsabing, ‘Hindi
naman ikaw ang unang nanligaw at nagkaroon ng ganito ka lalang interes sa akin,
pero sayo ako lubos na naweirduhan. Ang bilis kasi.’

Iniba ko ang liko ng sasabihin ko. “I mean... Unang pagkakakilala pa lang natin
agad mo na akong pinormahan.”
“Excuse me, di kita pinormahan ah?” Inirapan niya ako.
Napangisi ako sa pag iinarte niya. “Weh? Talaga? Malagkit ka kayang makatitig
sakin.”
“Ikaw ang may malagkit na titig. Kaya lumagkit ang titig ko kasi nang aakit ang
titig mo!” Umirap ulit siya.
“HA?” Nag alab ulit ang pisngi at leeg ko.

“Nakuha mo lang naman ang atensyon ko kasi nang aakit ka kung tumitig! Kung sana
eh di mo ako tinitigan ng ganun ay sana di kita napansin at di ako nahulog.
Tsss.” Nag iwas siya ng tingin.

“Hoy! Excuse me-”

“Tumutulo ang laway mo sakin nung mga panahong yun! Kaya nag tataka ako bakit si
Koko ang sinasabi mong gusto mo gayung makatingin ka sakin parang hinuhubaran mo
ako!”
“Aba’t ang kapal din naman ng mukha mo ah?” Sabi ko. “So ibig mong sabihin kaya
mo lang ako pinormahan kasi alam mong may gusto ako sayo base dun sa titig ko?
Ha?” Binatukan ko siya.

“Aray!” Sumimangot siya sakin.

“Tsaka isa pa, ibig sabihin pag may babaeng malagkit ang tingin sayo eh lalagkit
din yung tingin mo sa babaeng yun? Ibig sabihin madali kang naaakit?” Medyo galit
kong utas.

“Kung mabilis akong maakit, Chesca, edi sana noon pa lang ang dami ko ng
girlfriend! Sana noon pa lang ay di na ako virgin!”

Nalaglag ang panga ko sa salitang ginamit niya. Halos lumobo ang pisngi ko sa
sobrang hiya ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Siguro ay dahil pumupusok
ang isapan namin.

Tumawa ako. Tumingin siya sakin nang nakakunot ang noo.

“Bakit, ikaw? Di ka na ba virgin, ha?” Tanong niya.


“Ano sa tingin mo?” Nakangisi ko paring sinabi.

Nakita kong pumula ang pisngi niya. Sa sobrang pula ay aakalain ko ng may kalaban
siya. Unti-unti ko ring nakita sa mga mata niya ang pag aalab nito. Para bang may
kung sinong uminsulto sa pagkatao niya.
Tumawa ulit ako. Imbes na humagalpak ako ay hinila niya ang pulso ko at inilapit
niya ako sa kanya.

Page 192
Jonaxx - End This War
“Sagot, Chesca.”
“Ang bossy mo talaga. Paano kung di ko yun sagutin, ha?” Tumawa ulit ako.
“Sagot!” Sigaw niya.

Napangiwi ako, “Oo na! Virgin ako!” Medyo natatawa kong sinabi.
“Wa’g kang magsisinungaling sakin.”

“Hindi naman ako nagsisinungaling!” Sabi ko kahit na may bahid parin ng tawa ang
tono ko.

“Ba’t ka tumatawa?”
“Eh kasi nakakatawa ka. Ang weird mo! Bakit ba natin pinag uusapan ito?”

Ang weird. Sorry. Pero aaminin ko... Nang naging kami ni Clark ay mayroon na
siyang mga naging ex. Hindi na siya virgin nun. Kaya alam kong naging mahirap sa
kanya ang relasyon naming umabot ng isang taon pero hindi pa niya ako naiikama.
Malaki din ang respeto niya sa akin kaya umabot kami ng ganun. Pero hindi ko na
lama kung meron nga ba talaga siyang respeto gayung may ginawa na silang milagro
ng kaibigan ko.

“Kasi sabi mo ako yung may malagkit na tingin sayo.” Aniya.

“Totoo naman! Hindi ko talaga maintindihan. Ang bilis ng pambabakod mo sakin.”

Nag iwas siya ng tingin at sumimangot, “Mabilis din naman kasi kitang
nagustuhan.”

Tumango ako at nag taas ng kilay, “Mabilis din yang mawawala.” Sabi ko nang wala
sa sarili.

Lumingon siya sakin at sumimangot. Ngumisi ako sa kagwapuhang nakasimangot sa


harap ko. Ito ang High Definition na gusto ko. Isang mukhang walang ginawa kundi
ang buhayin ang kung ano mang insekto ang nasa tiyan ko. Parang balahibo ng manok
na na nanunuyang inilalandas sa bawat sulok ng tiyan ko. Nakakakiliti.
Nakakangisi. Nakakapaghuramentado. Nakakakuryente.

“Subukan mo, tingnan natin kung hanggang kailan ang pag ibig ko.” Malamig niyang
sinabi.

“Hmm. Ayaw pa kitang sagutin.” Nag iwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga
pagkain namin sa tabi.
“Bakit?”

“Baka agad yang mawala kasi mabilis ka ring nagkagusto sakin, diba?”
“Sagutin mo ako, nang masubukan natin, Chesca.”

Matama kaming nag titigang dalawa. Nakatukod ang isang kamay niya sa banig. Ang
isa naman ay malayang hinaplos sa pisngi ko. Umihip ang malakas na hangin habang
nakita kong bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

Damn his perfect nose, damn his perfectly angled jawline, damn his perfect skin,
damn his perfect warm and deep eyes, and damn the perfect red lips.
Page 193
Jonaxx - End This War

Kinagat niya ang kanyang labi at pinikit ang mga mata bago umatras sakin.
Nakaawang na ang bibig ko at hinihintay ko na lang ang pag dampi ng labi niya.
I’m gonna kiss him like how I want to be kissed. Hahalikan ko siya ng maiinit at
mahihinang halik. Iyon ang naging plano ko pero naglaho ang lahat ng ito nang
sinabi niyang...

“Kumain muna tayo.” Aniya at tumayo para mag stretch.

“Ha? Hmmm. Okay.” Shit lang!


“Shit.” Narinig kong marahang utas niya habang pinagmamasdan ang ilog.
Ngumisi ako at kumalabog ang puso ko. Tingin ko ay hindi lang akin ang mabilis at
malakas na pumipintig ngayon. Pakiramdam koy mas naghuhuramentado pa ang kanyang
puso. At dito ko napagtanto na balewala ang lahat... balewala si Clark...
balewala ang mga lupang nagpipigil sakin... balewala ang mga taong ayaw saming
dalawa, ayaw sakin... balewala. Dahil nahuhulog na ako sa kanya. Mabilis,
matulin, at diretsong pagkahulog.
Kabanata 32

Mahal Mo Na Ba Ako?

Kumain kaming dalawa ng tahimik. Sinusulyapan ko si Hector habang kumakain ng


dala niyang barbecue at kung anu-ano pa.

"Ikaw ba nagluto nito?" Tanong ko.

"Hindi."

"Hindi ka marunong magluto?"

"Marunong, Chesca, pero di ako ang nagluto nito kasi wala akong time kanina. Busy
ako sa booth." Aniya.

Tumango ako. Whoa! So marunong siyang magluto?

Pagkatapos kumain ay tumayo agad ako. Hinayaan ko siya sa banig. Pumunta ako sa
gazebo at nagtanggal ng sneakers.

"Sayo ba itong bangka?" Tanong ko.

"Oo." Aniya.

Tiningnan ko ang ilog. Hindi naman gaanong malalim iyon pero tingin ko pag nasa
gitna ka na ay lalalim na agad. Nakakatakot. Di pa naman ako masyadong marunong
lumangoy.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang cliff sa tapat nitong gazebo. May mga
ugat ng puno at vines doon sa cliff. Sa malayo naman ay ang malalaking
bulubundukin na ng Alegria. Ganda talaga dito!
Page 194
Jonaxx - End This War

"Ha!"
Napatili ako dahil hinawakan ni Hector ang magkabilang balikat ko at umambang
ihuhulog ako sa ilog. Tumawa siya nang hinampas ko ang dibdib niya. "Kainis ka!"
Sigaw ko.

"Lika!" Aniya. Mabilis siyang tumapak sa bangka.

Nakahubad na siya ng sapatos pagkatapak niya dun at nag abot na agad ng kamay sa
akin.

"Ha? Ayoko! Natatakot ako!" Sabi ko at napaatras.


"Ito yung plano kong gagawin natin ngayon, kaya lika na." Aniya.

"Eh... ayaw ko sa plano mo."


Nag angat siya ng labi at agad na inabot ang kamay ko at hinigit patungo sa
bangka.

Kung hindi lang medyo malakas ang balanse ko ay malamang dumiretso na ako sa
ilog. Mukha rin namang walang pakealam si Hector kung dumiretso man ako sa ilog
dahil tatawa tawa lang siya.

"NAKAKAINIS KA HECTOR! BWISET!"

"Gustong gusto ko talaga pag umaayaw ka o nagtataray ka." Malamig niyang bulong
sa tainga ko.

Tuliro ako dahil sa nangyari pero mas lalo lang akong natuliro sa sinabi niya.
Mabilis ang paghinga ko at mabilis din ang takbo ng puso sa. Hinampas ko ang
dibdib niya at nag angat ako ng tingin. Doon ko narealize na sobrang lapit naming
dalawa na halos lumapat na ang dibdib ko sa kanya. Nakahawak din ang dalawang
kamay niya sa likod ng baywang ko.

"Lumayo ka nga!" Sabi ko sabay atras.

Medyo gumalaw ang maliit na bangkang sinasakyan namin nang umatras ako kaya mas
lalo siyang ngumisi.

"Sige, paglalayo ka sakin, mahuhulog tayong dalawa." Banta niya.

"Kainis! Sabing ayoko!" Sabi ko.

Pero bago pa ako makaapila ulit ay yumuko na siya para kunin ang lubid na
nagpipigil sa bangka sa pag alis.

Page 195
Jonaxx - End This War

"Ay ano ba!" Apila ko.


Tumawa lang si Hector at umupo habang ako ay nagpapakahirap ibalanse ang sarili
sa pagkakatayo sa bangkang nagpapatianod na sa ilog.

"Umupo ka!" Utos niya.

Matalim ko siyang tinitigan bago ako napaupo. Kinuha niya ang sagwan at nagsimula
siya sa pagsasagwan.

"Saan tayo? May buwaya ba dito?" Tanong ko sabay tingin sa paligid.


"Wala, Chesca. Naliligo ako dito madalas." Aniya habang naghuhubad ng t-shirt.

Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang bawat biyak ng kanyang katawan.
Paano kaya nangyari ito? Paano niya nagawang ganyan ka ganda ang katawan niya?
Hindi ba talaga siya greek god o anak man lang ng greek god? Bumalandra agad sa
akin ang tight burning abs niya. Really, aso na lang ang kulang dahil sa init na
naramdaman ko sa sarili ko nang nakita ko ang maiinit niyang muscles. Bakit
ganun? Hindi naman ako nagkakaganito tuwing may nakikita akong mga lalaking
malalaki ang katawan. Pero bakit pag si Hector ay parang hindi ko makontrol ang
sarili ko?

Tumawa siya at hinagis sa mukha ko yung t-shirt niya.

"Ano ba!" Sigaw ko sabay hawi sa t-shirt na mabango.

Shit! Ano ba yan! Ano ba ito?

"Ilagay mo yan sa binti mo. Baka mamaya di ako makapagpigil." Halos pabulong
niyang sinabi at nag iwas ng tingin.

Napatingin ako sa soot kong skater skirt at agad kong pinaglapit ang legs ko at
tinabunan iyon ng t shirt.

"Tsss."
Tinuro niya ang isang mukhang malalim na parte ng ilog. Sa kabilang bahagi ay
matalahib na kapatagan, at sa kabila ay may malalaking bulubundukin. "Pagdating
natin diyan, tumalikod ka kasi huhubarin ko itong pants ko. Gusto kong maligo."

SHIT LANG HA!

"Okay." Sabi ko.


Page 196
Jonaxx - End This War
Napangiwi siya, "Ayaw mo bang maligo?"

"Naligo na ako sa bahay." Tinaas ko ang kilay ko. "Tsaka, anong gusto mo? Mag bra
lang ako nang sa ganun ay may maisoot pa ako pagkatapos?"

Napatingin siya sa damit ko at nagkagat ng labi.

"Okay, wa'g na lang." Aniya at bumuga ng hangin sa bibig.


Masama ko siyang tiningnan.

"Patungo 'to sa Tinago." Aniya. "Titingnan lang natin saglit ang falls tapos
babalik na tayo."

Tumango ako.

Napansin kong nasa parte na kami na itinuro niya kanina. Tumayo na siya at
tumingin sakin.

"Tumalikod ka." Aniya.

"Ano? Adik ka ba? Mag bi-brief ka lang?" Apila ko.


"Hindi! Boxers." Aniya.

"WHAT?" Masama ko siyang tinitigan pababa at nakita ko na naman ang naka high
definition niyang burning abs. Ngayon, mukhang umuusok na ito sa pag iinit.

Kinalas niya na ang sinturon niya at ang butones ng pants.

"HECTOR!" Sigaw ko sabay takip sa mata.


Tumawa siya, "Sabing tumalikod ka, eh!"

Tumalikod ako at nagtakip pa ng mata. "Tapos na ba?"

Ilang sandali lang ay narinig ko ng may bumagsak sa ilog. Umalon at napahawak ako
sa magkabilang side ng bangka.

Nakita ko na ang pants niyang nasa harap kong nakatupi. Luminga linga ako at
narealize kong hindi pa siya umaahon. Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig
ko lang ay huni ng di malamang ibon.

"Hector?" Tawag ko.

Wala paring sumagot o umahon man lang.

Page 197
Jonaxx - End This War
"HECTOR!" Nanginig na ang boses ko.

Mas lalong lumakas ang mga huni ng ibon. Parang nafifeel kong ito yung isa sa mga
eksena sa isang mahiwagang movie kung saan nawawala ang bida at biglang
kikidnapin ng engkanto.

"HECTOR!" Mas lalo akong natakot sa mga iniisip ko.

Napatili ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Tumatawa si Hector sa reaksyon
ko. Basang basa siya sa tubig at bawat hibla ng buhok ay malayang sumusunod sa
bawat patak ng tubig ilog. Hindi ko alam kung bakit ang gwapo niya sa kahit anong
anyo, sa kahit anong anggulo.

"Ano ba!?" Sigaw ko. "Na-Nakakainis ka!" Nandun parin ang panginginig sa boses
ko.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko man lang namalayan na medyo napaluha ako sa


nangyari. Palaban ako pero nakakatakot kayang iwan mag isa sa isang lugar na
walang tao at puro gubat ang nakikita mo... Sa gitna pa mismo ng ilog!

Nakita ko ang panic sa mukha niya. Agad siyang umahon at sumakay sa bangka at
bumalandra sa harap ko ang dark blue boxers niya. Nagpalaglag sa panga ko ang
muscles ng kanyang binti. Grabe! Well cut lahat! Hindi lang ang burning abs, pati
sa mga binti ay ubod ng hot!

Tinakpan ko ang mata ko.

"Nakakainis ka talaga!" Sabi ko.


Hinawakan niya agad ang mga kamay kong nasa mata. "Sorry."

"K-Kanina ka pa ah! Una tinakot mo ako sa gazebo! Sunod tinakot mo ako nung
hinila mo ako sa bangka! Ngayon may pa wala-wala ka pang nalalaman!" Sabi ko
kahit naasiwa ako sa basang burning abs niya sa harapan ko.
Inangat niya ang baba ko at tiningnan niya ako gamit ang seryoso niyang mukha,
"Sorry, Chesca... Di na mauulit. Natakot ka ba?"

"Syempre! Leche ka!" Sabay hampas ko sa braso niya.


Tumikhim siya.
"Hindi ako masyadong marunong lumangoy! Isa pa... hindi rin ako sanay na mag isa
sa gubat! Pwede ba?" Inirapan ko siya.

Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa kabilang hawakan ng bangka. Ang isang
kamay naman ay nasa baba ko. Nararamdaman ko ang mga patak ng tubig galing sa
katawan niya papunta sa damit ko. Napaawang ang bibig ko nang nakita ko ang kurba
ng labi niya.

Page 198
Jonaxx - End This War

Sa sobrang lapit naming dalawa ay halos maramdaman ko na ang kanyang ilong sa


ilong ko.

"Chesca, sorry..." Pag uulit niya.

"O-Okay lang." Marahan kong sinabi kasi na coconscious ako sa sobrang lapit
namin.
Tinagilid niya ang ulo niya at hinalikan niya ang pisngi ko.

Sa paglapat ng kanyang labi ay napapikit ako. May kung ano akong naramdaman sa
sistema ko. Mabilis na nag react ang puso ko, parang hinahabol ng kabayo sa
sobrang lakas ng pag takbo. Hinalikan niya pa ako ng isang ulit at napapikit ulit
ako. Ngayon ay mas matagal.

"Hector..." Halos daing na ang nasabi kong iyon.

"Hmm, Chesca. Patawarin mo ako." Pabulong niyang sinasabi.

Nagtindigan ang balahibo ko galing sa braso ko patungong batok. Humalik ulit siya
sa pisngi, ngayon ay mas malapit na sa labi.

Bumaha na ng mura sa utak ko. Lahat yata ng mura ay nasabi ko na. SHIT! SHIT!
SHIT!

Hinalikan niya ako, ngayon mas slow motion at mas nakakapanindig balahibo. Nasa
gilid na siya ng mga labi ko. Napakagat labi ako sa ginawa niya.

Damn it! Nakalimutan ko ang lahat. Limot ko na nag ka boyfriend ako at higit pa
dito ang mga ginawa naming dalawa. Nakalimutan ko na marunong akong humalik at
madalas ko iyong gawin noon. Nakalimutan ko. Para akong computer na na reset, or
worst, na reformat. Nagsimula akong magtanong kung minahal ko bang talaga si
Clark? Kahit kailan, hindi ko inisip na pagdududahan ko ang naramdaman ko sa
kanya... Puppy love? First love? Ewan ko! Basta ang alam ko ngayon... kung mahal
ko man si Hector ngayon, kung in love man ako sa kanya, ang masasabi ko lang ay
sobra sobra ito. Sobra pa sa naramdaman ko kay Clark. Sobra pa sa lahat ng
ipinadama niya sa akin.

"I'm so in love with you, Chesca. Shit." Aniya sabay hawak sa dibdib niya. "Ang
bilis."
Ngumisi ako at napatingin sa labi niyang nasa tapat na ng labi ko.

Hinawakan niya ang labi ko bago pumikit at pinalapat yung kanya dito. Pumikit din
ako. Hinalikan ko siya. Nagulat ako dahil pabitin ang mga halik niya. Gumagalaw
ang labi at nanunuya ang bawat dampi nito sakin. Mas lalong bumilis ang pintig ng
puso ko. Lalo na nang napahilig na siya sakin dahil sa halikan namin. Pinigilan
ko ang tuluyang pagbagsak ng mainit na katawan niya sa dibdib ko. Ilang sandali
Page 199
Jonaxx - End This War
ay mas lalong lumalim ang halik naming dalawa.

Nilagay niya ang kamay sa batok ko. Umupo siya ng maayos at dinala niya ang mukha
ko sa kanya. Mas lalong lumalim ang halik namin. Nakakalasing. This is probably
the most passionate kiss I've ever received. May bumagsak sa puso ko nang may
narealize ako. Kumalas ako sa halikan namin.

Nakita ko ang nanlalaking mga mata niya at nakaawang na bibig habang nakatitig
parin sa labi ko.

"Ako ba ang unang halik mo?" Tanong kong may bahid na pagseselos sa kung sino man
ang tumuro sa kanya nito.

I know... kasi kahit ako man noon ay hindi marunong. Tinuruan ako ni Clark.
Buksan mo lang daw ang bibig mo at magpatianod sa bawat halik niya. At pag
marunong na ay pwede ng gumanti. Pero si Hector? Hindi ko alam. Gumanti siya nung
una pa lang.

Tumango siya at kinagat ang labi.

"T-Talaga?" Hindi ako makapaniwala. "I-I don't believe you, Hector." Nag iwas ako
ng tingin.

Imposible? Maraming babaeng gustong ipagkanulo nila ang sarili nila kay Hector.
Sa buong highschool ba niya ay wala siyang nahalikan? Napakalaking imposible!

"Ikaw lang din ang niligawan ko. Ikaw lang ang nagustuhan ko, Chesca. Sino namang
hahalikan ko bukod sayo?" Aniya.

Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko mapigilan ang pagbaba ng tingin
ko sa kanyang burning abs at sa boxers niyang kulay dark blue. Shit! Nakakahalay
sa paningin.

Bigla niyang tinapik ang lap niya.

"Ha?" Napatanong ako.

Naririnig ko na ang mga agos ng tinago falls dito.

"Halika dito." Aniya.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa mariin niyang sinabi.


Page 200
Jonaxx - End This War
"Bakit?"

"Halika dito, Chesca." Utos niya.

Haring hari talaga ang pakiramdam niya kung makapag bitiw ng utos, ah?

"Ano? Uupo ako sa hita mo?" Tanong ko kahit na nag iinit na ang pisngi. "Ayoko,
Hector."

Habang sinasabi ko iyon ay napatili na ako dahil hinila niya na ako malapit sa
kanya. Umupo ako sa tabi niya imbes na sa hita. Ikinulong niya agad ako sa mga
bisig niya at tinagilid niya ulit ang mukha niya at nagsimula ulit siya sa
paghahalik sakin.

"Hector." Saway ko nang may naririnig ng mga tao sa paligid. "N-Nakakahiya, may
mga tao."

Tumigil siya para habulin ang kanyang hininga. Halos hindi na rin ako makahinga.

"Hayaan mo sila. Magiging sayo ang Tinago. Magiging sayo ang buong rancho. Hindi
na sila pwedeng tumutol sating dalawa."

Napapikit ako at nakita ko sa harap ko ang falls ng tinago. Bumabaybay na pala


kami sa likod ng pag agos ng talon. Hindi ko na nakita ang mga tao kaya
pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya. Hanggang sa nalasing na naman ako at
nakalimutan kung nasaan kaming dalawa.

Tumigil lang siya at ngumisi para itanong sa akin ang isang bagay.

"Mahal mo na ba ako, Chesca? Kasi mahal na mahal na kita. Sobra sobra. At hindi
ko alam kung anong magagawa ko kung hindi magiging tayo pagkatapos ng lahat ng
ito."

Napasinghap ako. Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko ang init ng aking labi dahil
sa pagpapaulan niya ng halik.

"Sagot." Pahabol niya.

Kinagat ko ang labi ko at matama siyang tiningnan. Damn

Kabanata 33
Oo Daw

Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Kahit na ganun ay hinabol niya ag mukha ko sa
Page 201
Jonaxx - End This War
mukha niya na para bang wala akong kawala. Gusto niya ng sagot. Ngayon. Hindi
mamaya. Hindi bukas. Sagot. Ngayon.

"Hector, maghintay ka." Uminit agad ang pisngi ko sa pagpapakipot ko.


"Chesca." Mas lalong lumamig ang malambing niyang boses.

Inangat niya ang baba ko. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niyang halos
halayin ko na sa pag iisip ko. Shit lang! Grabeng burning abs, nakakalaway!

"Errr, maghintay ka." Pag uulit ko habang natatabunan ang mga tinitingnan kong
bagay sa labi niya.

"Oo, maghihintay ako." Aniya na siyang nagpaangat sa mata ko.

Seryoso ang kanyang mukha nang nagkatitigan kaming dalawa.

"Kahit naiinip ako kaya kong maghintay, Chesca." Aniya.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi.

Paano ba naman kasi... ang buong laman ng utak ko ay sagot ko na lang ang kulang
dito. Naghalikan na kami at lahat lahat na. Kulang na lang talaga na official
kaming mag on.

"I love you." Aniya sabay dahan dahang pulupot sa bisig niya sakin.

Bumaba ang tingin ko at naaninaw ko na naman ang naka boxer shorts niya lang na
katawan katabi sa mga binti kong skirt lang ang tumatakip.

"Hector, magbihis ka na." Sabi ko. "Hindi ka na naman masyadong basa." Kinagat ko
ang labi ko sa sinabi ko.

Bakit? Bakit? Ewan ko.

"Hmm? Hindi ka ba komportable?" May halong panunuya ang pagkasabi niya nun kaya
liningon ko siya.

"Syempre, naka boxers ka lang kaya!" Aniya.


"Bakit? Komportable naman ako! Kung gusto mo hubarin ko pa 'to eh-"

"Tse! Wala akong pakealam kung komportable ka o hindi! Ang gusto ko ay magbihis
ka na!" Sigaw ko sabay layo sa kanya ng konti sa kinauupuan ko.

"Oh? Bakit? I'm God's gift to woman! Ayaw mo nun? Nasayo ako. Sagot mo na lang
Page 202
Jonaxx - End This War
kulang, iyong iyo na ako. Pwede mo ng gawin sakin ang kahit anong gusto mong
gawin." Tumawa siya at lumapit sakin.

Naramdaman ko agad ang init ng kanyang binting dumampi sa binti ko.

"Lumayo ka nga!" Utas ko.


"Bakit lagi kang parang nandidiri sakin? Tsss." Sabi niya.

Naglakas loob na akong tumayo para umupo sa tapat na upuan ng bangka nang sa
ganun ay tuluyan na akong malayo sa kanya. Hindi... Hindi ako nandidiri, Hector.
Ang totoo niyan ay tila napapaso ako sa tuwing malapit ka. Pakiramdam ko pag
magtatagal kaming magkalapit ng ganito ay matitibag ang lahat ng virtues na
natutunan ko at alam kong hindi iyon tama. Hector is a big temptation. At
pakiramdam ko ay hindi naman siya natatamaan ng ganun.

"Sige, magbibihis na ako. Pakitakip yung skirt mo ng t-shirt ko." Aniya at agad
na siyang tumayo.

Nag iwas ako ng tingin habang dinadampot ko ang t-shirt niya at nilagay agad sa
legs ko.

Buong akala ko na matatagalan pa bago ko siya masasagot. Una sa lahat, tama si


mama, kakagaling ko lang sa isang nasirang relasyon. Pinagtaksilan ako ni Clark.
Ni hindi ko na siya na kontak. Hindi ko na kailangan ng closure. Sa sitwasyong
iyon pa lang, closure na iyon para sakin. Sa oras na nagtaksil siya, ibig sabihin
hindi na niya ako mahal. Alam ko na agad na wala na siyang babalikan sakin... na
wala na kaming babalikan. Kahit anong ayos niya samin ay wala na. Kahit na
lumuhod siya, hindi na pwede.

Karapatan ko ang itakwil siya ng husto. Syempre dahil nangaliwa siya! Kahit na
sabihin nating lalaki siya at may pangangailangan, kung mahal niya ako, kaya
niyang mag hintay. Period! End of story.

"Ateng... Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Tanong ni Craig sa akin isang gabi
habang pinipili ko ang dress na sosootin ko para sa nalalapit na closing ceremony
ng festival at acquaintance.

"Hindi." Sagot ko ng wala sa sarili. "Uh, Thursday?"


Humalakhak si Craig at tinapik niya ang balikat ko. "Hiwalaysary niyo ngayon ni
Clark."
Masama ko siyang tiningnan, "Bakit mo yan pinapaalala?"

"Ang gusto ko lang sabihin ay mag aapat na buwan pa lang pero limot mo na ang
lahat. Nice one!" Sarkastiko niyang sinabi.

Humalukipkip ako at biglang nabadtrip sa kapatid ko. "Anong ibig mong sabihin,
Craig? Na dapat mag mukmok ako? Bawat hiwalaysary na sinasabi mo ay umiiyak ako
at magluksa dahil nawala ang taong nagtaksil sakin? oh, Come on!"

Page 203
Jonaxx - End This War
"Hindi!" Pinitik niya ang ulo ko na mas lalong nagpabadtrip sakin. "You're
inlove."

Napasinghap ako sa sinabi ng kapatid.

"I'm not." Pagdedeny ko.


"Ayusin mo yan. Nag eexpect sina mama, tiya, at Teddy na madadala mo siya ng
maayos. Na makukuha natin ang lupa-"
"Hindi ko sasagutin si Hector para diyan! At isa pa, alam ni Hector ang issue na
ito!"
"Yun nga ang sinasabi ko. Hector is too good. Kahit alam niyang ganito, dahil
gusto ka niya, sige parin siya nang sige. Pero yung utak ni mama at tiya ay
nakatoon sa lupa natin. Hindi nila iniisip ang nararamdaman mo, nararamdaman ni
Hector."

Natahimik ako sa sinabi niya.


"May isa pa namang sulusyon." Tumikhim si Craig at matama akong tinitigan.

Nanliit ang mata ko, "Ano yun?"

"Ibenta natin ang bahay sa Mayni-"

"No way, Craig!" Agad kong sinabi.


"5-6 million ang worth nun, Ate. Sa oras na mabenta natin yun, atin ng buong buo
ang Alps at may matitira pang pera. Babalik tayong tatlo sa Manila habang gagawin
nila iyong puhunan sa negosyo."

"Malaki at maganda ang bahay natin sa Maynila. 500 thousand lang, ibebenta agad
natin? Papaupahan na lang siguro!" Sabi ko.

"May utang pa sina Tiya sa ibang tao na kailangang bayaran. Higit 1 million ang
lahat. Convince Hector na huwag kunin ng Tito niya ang Alps o ibebenta ang bahay
natin."

Napaupo ako sa kama at ginulo ko ang buhok ko. Ang dami namang utang! Shit! Iyon
ang naging laman sa utak ko buong araw. Kahit na niyaya ako ng araw na iyon
magkabayo ni Hector. Hindi naman kami natuloy kasi nagkaroon sila ng practice
game. Aniya'y next time na lang daw. Okay lang din sakin dahil mainit ang labanan
na sasalihan ni Hector mamaya. Manonood na naman ako. Championship iyon at ang
magkalaban ay ang Agri Biz at Business Ad na naman!

"Eto oh, hotdog balloon." Nag evil laugh si Jobel habang binibigay sakin ang
pulang balloon. "Ay mali! Anong susuportahan mo, red o yellow?" Tumawa ulit siya.
"Tsss!" Hinablot ko ang balloon at umiling.

Pagkapwesto naming sa bleachers ay mainit agad ang labanan ng madla. Ang mga
Education Phoenix ay kumakampi sa Business Ad. Ang Vocational ang kampi sa Agri
Biz. Kaya lang, hindi ko maipagkakaila na ang Agri Biz ang may pinaka malaking
populasyon sa buong school. Kaya kahit sila lang ay kayang kaya nilang talunin
ang cheer namin.

Page 204
Jonaxx - End This War
"Go! Fight! Win! Tigers!" Sigaw namin.

"Go Go Eagles! Fight Fight Eagles!" Sigaw naman nila.

May dala pa silang mga bass drum. Kumpara sa dala namin na mga bote ng 1.5 liter
na Coca Cola. Tsk! Halos mapaos ako sa kakasigaw. Lalo na nung nakita kong
nagyayabang na naman ang grupo nila Kathy!

Kung wala talaga si Hector ay walang preno siyang makipag irapan sakin at
nginingiwian pa ako.

"BAHO MO, ALDE!" Narinig kong sigaw niya.


"ISUSUMBONG KITA KAY HECTOR!" Sigaw ni Sarah.

Nagtawanan kami kasi nakita naming tinapunan nila kaming lahat ng masasamang
tingin.

"Sorry na lang kayo, yung hari niyo mismo kampi sa Business Ad."

Well, hindi ko maitatanggi na magaling ang buong team nina Hector. Kaya lang,
halos lahat ng fourth year ang naglalaro samin. May isa pang barako at may isa
pang fat guy kaya mahirap silang talunin. Si Hector at Oliver lang ang nakasali
sa first five. Kaya nung dumating sila at tinawag isa-isa ang pangalan ay
naghiyawan na ang lahat. Bangko lang muna si Harvey dahil noong isang game ay
nadaganan siya nung matabang player ng Education. Ayaw atang mangyari ng coach
ulit iyon dito sa laban nila sa B. A.

"Go! Go! Hector!" Sigaw ng lahat.

Maging ako ay napasigaw na rin. Nakita kong ngumisi siya. Hindi siya tumingala
para hanapin ko. Nakikipag usap lang siya sa isang senior na kasing tangkad niya.
Para silang mga diyos. Ang gu-guwapo nilang lahat!

"Balita ko kinuha daw si Oliver ng La Salle." Sabi ni Sarah.

"Talaga?" Tanong ni Jobel.


"Oo. Tingin ko may offer din yang si Hector pero di lang pumapayag kasi mundo
niya ang Alegria." Napatingin sila sakin.

"Malamang pag pumunta ng Maynila si Hector magiging artista yan! Jusko! Mas gwapo
pa siya sa mga artista ngayon, huh!" Umirap si Jobel.
Kinagat ko ang labi ko.
"Oo nga! Sayang siya kung dito lang siya sa Alegria. Alam naman nating may farm
sila at medyo naglalabas pasok na rin siya sa bansa dahil sa tito at tita niya,
pero iba parin pag nasa Maynila siya, diba? Mas malaki ang mundo, mas maraming
Page 205
Jonaxx - End This War
opportunities."

Hindi ko alam kung bakit parang kinukurot ang sikmura ko sa sinasabi nila. Parang
hindi ko ata kayang ma expose si Hector sa Maynila. Pag nagkataon ay baka bakuran
ko siya. Hindi ako papayag na ma expose ang ugali niya sa mga temtasyong
nakapaloob sa isang malaking syudad gaya ng Maynila.

"Saan ba base ang Tita at Tito niya sa U.S?" Tanong ko.

"New York! Concrete jungle where dreams are made of!" Pakantang sinabi ni Jobel
at humagalpak sa tawa. "Chemical Engineer ang Tito niya dun. Umuwi lang ata ang
mga iyon dito para sa paglilipat ng pangalan ng hacienda kay Hector."
Tumango ako at pinagmasdan si Hector na parehong nakatukod ang kamay sa tuhod
habang hinihintay ang jump ball.

Nahagip niya ang titig ko. Ngumisi ako at kinawayan siya ng konti. Ngumuso siya
sakin at hinawakan niya ang labi niya.

"WAAAAH! Nanghihingi siya ng kiss sayo!" Pinuno ako ng yugyog nina Jobel dahil sa
aksyong iyon ni Hector.

Mas lalo lang uminit ang pisngi ko dahil sa mga pamumuri nila sakin. No. I can't.
I can't share him with anyone. Ang pag iisip pa lang na magiging artista, modelo,
basketball player o kahit ano siya sa Manila ay nakakapagpasakit na sa akin,
paano na lang kung totohanan na? I've never been this selfish before. Si Clark ay
hinayaan kong makihalubilo sa ibang babae. Hinayaan ko siya sa mga pangarap niya
at hinayaan ko siyang magliwaliw. Pero si Hector? Hindi. I need to be beside him.
I want to be always there. I can't afford to lose him. SHIT! Ano ba ito?

"GO HECTOR!" Sigaw ko sa third quarter.

Pagod na pagod na sila. Maging si Hector na laging binubunggo nung mataba ay


pawis na pawis na. Nakita ko pa ang paniniko nung mataba sa kanya.

"HOY! DAYA MO TABA!" Napasigaw ako sa inis.

Nakita kong nag igting ang bagang ni Hector sa matabang iyon. Tinapik pa siya sa
braso ni Harvey. Oo, nakapasok na si Harvey sa third quarter. Kailangan nila ng
hindi pagod na point guard. Hinawi ni Hector ang kamay ni Harvey sa galit niya
dun sa mataba.

"Kalma lang, Hector!" Sigaw ko kahit na natatabunan na iyon sa mas malakas na


sigaw ng mga taga Agri Biz.
"Hoy Alde!" Dinig kong sinabi ng isang matangkad na lalaking pamilyar sa akin.

Page 206
Jonaxx - End This War
Ah! Siya yung lalaki sa booth! Player pala siya ng Business Ad? Ni hindi ko
namalayan!

"Kanino ka ba kampi? Sa B.A o sa Agri Biz? Tsss!" Inirapan niya ako at tinuro
turo.

"Ano ngayon kung sa Agri Biz ako?" Napangiwi ako sa kanya.


"Oy! Di kami kasali ha! B.A kami dito! Go! Fight! Win! Tigers! WOOOOOH!" Sigaw ng
mga kasama ko.
"Mag shift ka na Alde! Naturingang cheerleader!" Aniya sabay tawa sa court.

Nakita kong siya naman ang tinititigan ni Hector ngayon. Habang tinitingnan kong
nagkakainitan silang dalawa ay may tuluyan nang nagkainitan sa isang side. Halos
magsuntukan ang senior ng Agri Biz at isa pang senior ng Business Ad sa court!

"GO BUSINESS AD! GO TIGERS!" Bumalot ang sigaw na ito sa buong court.

"MADAYA TIGERS! MADAYA TIGERS!" Sigaw naman ng Agri Biz. "Madaya kayo! Simula
palang nung cheering! Booooo!"

"Sige! Subukan niyong puntiryahin si Chesca! Magsisisi kayo!" Tumawa si Jobel.

Hindi naman nila ako pinuntirya. Mukha atang natuto na sila sa mga pagkakamali
nila noon. Nang nag fourth quarter na ay nalamangan na ng Business Ad ng 10
points ang Agri Biz. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako gayung malungkot naman
si Hector.

Tumatalon talon na ang mga kasama ko habang ako ay nakapangalumbabang tinitingnan


siyang pagod na pagod nang kinukuha ang bola.

"Chesca." Tawag ni Jobel.

"Go Harveeeey!" Sigaw ng mga taga Educ kasi naka three points siya.

"Ano?"
"Kayo na ba ni Hector?"
Bumaling ako sa nakakapunit na mukhang ngisi ni Jobel. "Dipa. Bakit?"

"Sagutin mo siya ngayon. Tingnan natin kung di yan manalo!"

Pumormal ako at namilog ang mga mata ko.

"Weh! Ayoko!" Sabi ko.

"Pakipot! Eh mahal mo naman siya! Dun din naman yun patungo!" Singit ni Sarah.

Page 207
Jonaxx - End This War
Napatingin ako kay Hector na pawis na pawis na at gwapong gwapo parin. Akala ko
matatagalan pa bago ko siya sasagutin pero nagkakamali ako. Tumango ako at
ngumisi kina Jobel.

Agad naman silang kumilos at may sinabi sa mga taga Business Ad. Hindi ko na sila
nilingon. Diretso ang tingin ko sa laro na limang puntos pa ang lamang at isang
minuto na lang ang natitira! Nakita kong umalis na ang ibang disappointed na mga
taga Agri Biz sa bleachers. Alam na yata nila kung sinong panalo at ang Business
Ad yun.

"One... Two... Ready... Go!"

"HECTOR! OO DAW SABI NI CHESCA!"

Unang chant pa lang ng grupo ay natigilan na si Hector. Nakita kong nasa gitna ng
pagngiti at pagtataka ang tingin niya sakin.

"HECTOR! OO DAW SABI NI CHESCA!" Patiling sabi ng mga taga Business Ad.

Lumaki na yung ngisi ko nang tumigil siya sa paglalaro at nakapamaywang akong


tiningnan.

"Time Out!" Sigaw ng speaker.

Nagsipuntahan ang mga players sa kani kanilang coach maliban kay Hector.

"Anong sabi niyo?" Sigaw ni Hector.

"OO DAW SABI NI CHESCA!" Pag uulit ng lahat.


Ngumuso si Hector habang tinitingnan akong naghuhuramentado na sa kilig. Shit!
Shit! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Para akong rocket na anytime ay
pwedeng mag take off!
"Hindi yan ang gusto kong marinig na sagot!" Sigaw niya pabalik.

Pumito ang referee at bumalik na ang mga players sa court. Tinaas ko ang kilay ko
at napawi ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Mahal mo na ba ako? Chesca!? Sagot! Kasi ako? MAHAL NA MAHAL KITA!" Sigaw niyang
nagpatawa sa mga officials ng school.

Siguro kung ibang estudyante yun ay kinaladkad na siya palabas. Pero dahil Dela
Merced siya, hindi, okay lang, hindi pwede, okay na okay lang...

Page 208
Jonaxx - End This War
Tumawa ako at sinigaw sa kanya ang matagal nang sinisigaw ng damdamin ko, "MAHAL
DIN KITA!"

Napapikit siya at napangisi sabay takbo patungo sa mga kasama.

"YES!" Sigaw niya.

Dalawa lang. Mamamatay ako sa paghuhuramentado ng puso ko at sa pagyugyog ng mga


kinikilig kong kasama.

"SHIT CHESCA! KAYO NA! OH MY GOD! OH MY GOD! MAY GF NA SI HECTOR!"

Kung may nadisappoint man o nabigo sa aming dalawa ay hindi ko na narinig yun
dahil sa ingay na ginawa ng mga kinilig.

"Game over! Winner: Agri Business! Score: 87 to 90!"

Shit! Nanalo! At lahat ng scores sa huli ay kay Hector!

-----------------------------------------------

Kabanata 34

Sinasamba

Sa sobrang saya ng kanyang mga ka team ay halos di ko na masolo si Hector. May


nagyaya pang mag celebrate sa labas. Pero dahil maagang nag sasara ang mga
karenderya sa Alegria at pasado alas siyete na ay nagpasya silang lahat na
pumunta kina Hector.

Namataan kong tumatawag si Hector sa cellphone niya habang napapalibutan siya ng


kanyang mga ka team. Nandun din ang iilang taga Agri Biz na malapit sa kanila. At
hindi ko kayang kaligtaan na nandoon maging si Abby, at Kathy. Isa sila sa mga
umalis nang nakitang tagilid ang team.

May binulong Reese sa kay Kathy na siyang nagpalaglag ng panga nito at ang
pagbaling niya sakin. Nag iwas ako ng tingin. Alam ko na agad kung bakit.

"Naku! Ang lapit lang ng bahay namin sa mansyon ng mga Dela Merced! Sana pwedeng
sumama!" Sabi ni Jobel.

"Oo nga!" Singit ni Sarah.

Page 209
Jonaxx - End This War
Napakamot ako ng ulo. Seriously, hindi ko alam kung bakit nandito pa kami. Alam
kong kakasagot ko lang kay Hector at di ko naman talaga gustong sumama sa kanila.
Gusto ko lang namang bumati sa pagkapanalo nila.

Ayan tuloy at bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba. May nakikita pa akong mga
nakatingin sa akin habang tinitingnan si Hector.

"Tayo na nga!" Sabay hila ko sa mga kasama ko.

"Uy! Bakit? Boyfriend mo yun, pwede tayong sumama." Sabi nI Jobel.


"Tsaka overall champion sila dahil pinagbigyan natin sila, diba?" Tumatawang
sambit ni Marie.

Umiling ako at hinila ulit sila paalis doon. Kaya lang nang tumalikod na ako ay
agad umalingawngaw ang boses ni Hector.

"Chesca." Tawag niyang medyo nagpatahimik sa lahat.


"Chesca daw, oh!" Hinila ako ni Sarah at hinarap kay Hector.

"Hmm?" Nahihiya akong tumingin sa kanya.

Nakita kong umatras at nag give way ang bawat kaibigan niyang nakaharang sa
dadaanan niya patungo sa akin.

"Punta tayo sa bahay." Yaya niya.


"Sure!" Hiyaw ng mgankasama ko.

Kinagat ko ang labi ko, "Pero gabi na, eh. Tsaka..."

"Nagpaalam na ako sa mama mo."


"P-Pumayag si mama?" Napatanong ako.

"Oo." Ngumisi siya. "Sinabi ko ring tayo na."

Kaya wala akong nagawa. Sumama ang isang batalyon sa kanya. Nagulat ako nang
nagdagsaan sa labas ang iba-ibang SUV. Ang alam ko ay kina Oliver, Mathew, at
Kathy daw ang apat na naglalakihang sasakyang iyon. Pupunta kaming lahat kina
Hector. Narinig ko rin na nagpahanda daw si Hector para sa diumano'y victory
party niya.

"Pare, ano? Tinanggihan mo na naman ba? Si Oliver parang magpapadala na ata, eh."
Sabi nung isang ka team mate niya bago kami sumakay.
Nagkibit balikat si Hector at hinawakang bigla ang kamay ko.

Nakita ko sa malayo na kumakaway sina Jobel sa akin habang sumasakay sa sasakyan


Page 210
Jonaxx - End This War
nina Mathew. Ack! Ako lang ba ang sasakay sa Jeep Commander nina Hector? Ibig
sabihin kaming dalawa lang ang nasa loob?

"Tinanggihan ko. Hindi ako mahilig sa Maynila. Kuntento na ako dito." Tinaas niya
ang kamay ko.

Kung makaasta siya ay parang normal lang sa kanya ang hawakan ang kamay ko
araw-araw ah? Kahit na unang gabi namin 'to bilang mag on! September 11. Kung
kailan nagunaw ang World Trade Center noon, iyon ang naging monthsary namin! Ah!
Not a bad number.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdamang diniin niya ang palad niya sa akin at mas
lalong hinigpitan ang hawak ng kamay ko.

"Okay. Sayang, dude! Dito na ako sasabay kina Mathew." Sabi nung lalaki at
sumulyap sakin bago umalis.

"Tara na!" Sabi ni Hector sabay bukas sa pintuan.

Hinila niya agad ako sa loob. Nagulat ako nang nakaupo na ako ay hinila niya pa
ang beywang ko palapit sa kanya.

"Mang Elias, kami na po ni Chesca." Aniya sa driver nila.

Tumango si Mang Elias at tumawa. "Mabuti naman."

Uminit ang pisngi ko. Ngumisi siya at tiningnan ako. Ang lapit naming dalawa!
Inakbayan niya pa ako ng pa unti-unti habang umaandar ang sasakyan nila.

"Ano ba, Hector!" Saway ko at lumayo ng konti sa kanya. "Para kang sira ulo."
Sumimangot siya, "Aakbay lang naman ako!"
"Baliw! Ignorante ka ba sa pag aakbay?"

"Hindi! Nahalikan na naman kita ah. Yung wild and passionate kiss. Kaya di ako
ignorante!" Giit niya.
Halos mapafacepalm ako sa sinabi niya. Hiyang hiya ako kay Mang Elias na tumawa
lang at sumipol habang nag dadrive.
"Tumigil ka nga! Wala ka bang kahihiyan?" Sabi ko.

Tumabi na naman siya sakin kahit na lumayo ako sa kanya.

"Hindi ka naman mabaho. Mahal naman kita. Mahal mo naman ako. Ano pang problema
at bakit ka parang napapaso pag lumalapit ako?"

Inirapan ko na lang siya at hinayaan sa gilid ko. Ang totoo niyan ay bawat dampi
ng mga balat namin ay naghuhuramentado ako. Sa bawat paglingon ko sa kanya at
Page 211
Jonaxx - End This War
bawat pagsalubong niya sakin ng tingin ay kinikilabutan ako. At sa bawat sulyap
kong palihim ay mas lalo akong nahuhulog. He's all perfect and he's in love with
me.

Nang nakarating kami sa bahay ay nasa labas na ang tita at lola niyang ako agad
ang hinanap at binati. Nagulat ako nang nag beso silang dalawa sa akin at kung
makaasta ay parang madalas na ako dito kahit pangalawang beses ko pa lang.

"Diretso tayo sa patio." Sabi ng tita niya sa mga dalang kasama. "Andun na lahat
ng nirequest mo, Hector."
Tumango si Hector at ngumisi.
"Hi Tita Lina!" Bumeso ang mataray na si Kathy sa Tita ni Hector.

"Oh Hello, Kathy!" Pinagtuonan naman siya ng pansin ng Tita ni Hector.

"Alam mo, Chesca, nung unang dala pa lang ni Hector sayo dito sa bahay alam na
naming ikaw na." Sabi ng lola ni Hector.

Suminghap ako, "Naku! Hindi ko po alam, medyo na pepreskuhan po ako kay Hector
nung una. Tsaka medyo may pagkamayabang po." Tumawa ako.

Tumawa rin siya, "Ganun talaga yun. Haring hari yan kung makaasta dito sa bahay.
Hinahayaan ko na lang." Bulong niya. "Alam mo na... lahat okay lang kasi sa dami
ba naman ng pagkukulang namin, yun na yung kapalit."

Napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Hector na ngayon ay dinadala na sa


labas ng bahay nila ang mga kaibigan niya.

Ngayon ko lang nakita na may malawak na hardin pala sila sa likod ng bahay. Doon
may nakita akong chinese lanterns sa bawat puno. Sa mga mesa ang mga ipinahanda
ni Hector. Unang nilapitan ni Koko ang isang mukhang mamahaling inumin. Ni shake
niya iyon at binuksan. Nakita kong lumipad ang cork.

"WOOOO!" naghiyawan sila nang mabasa ang iba.

Wine, alcoholic beverages, and all that. It reminds me of the city.

"Ano pong pagkukulang? Para sakin po, kahit ganun, mukhang maayos namang napalaki
si Hector."
Tumawa ang lola niya at nakita ko ang luha sa gilid ng mga mata niya. Iyon ang
naging dahilan kung bakit buong atensyon ko ay nasa kanya na. "Alam mo, hija, si
Hector ay lumaking walang parents. With Carolina and Thomas as his parents dapat,
kaya lang sa America nag lalagi ang dalawa noong nag binata siya. Si Hector at
ako lang ang nandito. Hindi ko alam kung paano ko siya papalakihin ng maayos so I
gave him everything he wants as long as nandito lang siya sa Alegria. Pakiramdam
ko kasi pag sa Manila ko siya pag aaralin ay mas lalong lalaki ang pagkukulang
ko."

Hinawakan ko ang braso ng matanda. Hinaplos naman ng tita niya ang likod ng lola.
Page 212
Jonaxx - End This War

"And I know... he longs for the love of his parents. Kaya nga hindi ako
makapaniwalang hindi siya nagkaroon ng girlfriend at an early age. I mean, si
Koko nagkagirlfriend when he was thirteen. And I want Hector to do the same."
Medyo nalaglagan ako ng panga sa sinabi niya.

"I want him to find, feel, and give love... Kasi alam kong iyon ang kulang sa
kanya."
"It's okay, mama." Sambit ng Tita ni Hector. "Kasi ang tingin ko si Hector yung
tipong pag mahal niya yung tao, mahal niya talaga, it will really last... it will
be for forever." Ngumisi ang tita niya sakin. "From now on, Chesca, you are part
of our family."
Halos di na ako makahinga sa mga pinagsasabi nila.

"You call me tita, at lola naman si mama, alright?" Tumatawang sinabi ng tita
niya.

May kung sino siyang tiningnan sa likuran ko. Bago pa ako makalingon ay
naramdaman ko na ang kanyang mainit na braso sa beywang ko.

"Excuse me lang, tita and lola, isoli niyo sakin ang girlfriend ko kasi
magcecelebrate pa kami."
Dinagdagan niya pa ng isang braso ang nakapulupot sa akin. Ngayon ay buong
katawan niya na ang nararamdaman ko sa likod ko.

"Okay! You enjoy, Hector! Ikaw rin, Chesca!" Sabay tawa ng tita niya. "Ano ba
yan?! Kinikilig ako sa inyo!"
Hinila ni 'tita' Lina si 'Lola' palayo sa amin. Hinila naman ako ni Hector
palabas sa bahay nila at papuntang patio.

"Di ka pwedeng uminom. Juice ka lang." Utas ni Hector sakin na siyang ikinatawa
ko.

Ako pa ba ang pagbabawalan mo? Well, hayaan na at wala naman akong balak na
uminom! My highschool was rough. Natuto akong uminom dahil kina Desiree, Tara at
Janine. Sila din ang nagbigay sa akin ng opportunity sa paglabas sa mga bar at
makipag night life. Kahit na hindi naman talaga ako mahilig ay hindi na rin ako
ignorante diyan.

Tahimik lang akong kumakain. Nahuli ako dahil sa pag uusap namin doon. Katabi ko
si Hector at nakikipagtawanan na sa mga kasama habang nakikipag tagay.

"Hector, hanggang alas nuwebe lang ako." Utas ko sa kanya.


"Yep. Ihahatid kita."

Page 213
Jonaxx - End This War
Kumakain parin ako nang napansin ko ang mga titig ni Kathy sakin habang nilalagok
ang alcoholic beverages na iniinom niya.

Tumaas ang kilay ko at tiningnan na lang ang kinakain ko. Tumatawa parin si
Hector. Sina Jobel, Marie, at Sarah naman ay nandun kina Mathew at mukhang
pinagpipiyestahan ng ibang taga Agri Biz.

Umiling na lang ako.

"Eto oh, Chesca." Nag offer si Harvey ng beer sa akin.


"Hindi siya pwede niyan." Sabi ni Hector nang may halong diin sa tono.
"Okay." Nagkibit balikat si Harvey at lumayo.

"Ba't di ako pwede?" Sabi ko.


Bumaling si Hector sakin.

Nakita ko ang pagpupungay ng kanyang mga mata at pamumula ng kanyang pisngi.


Nakita ko rin na nakasandal na si Oliver sa mesa. Mukha atang natatamaan na ang
mga tao. Wait a minute, kapeng mainit, kakasimula pa lang nila ah? Baguhan ba ang
mga ito o masyado lang malakas ang ininom nila?

Nakita kong may isang wine at isang Absolut Vodka ang naroon sa unahan ng table.
Napatingin din ako sa mga babae, nakita kong nagkakayayaan na sina Jobel na
umuwi. Magdadalawang oras na rin kasi kami dito. Habang tinitingnan ko ang mga
tao ay naramdaman ko ang mainit na kamay ni Hector sa hita ko.

"Shit!" Napasigaw ako sabay hawi sa kamay niya.

Tumawa siya at kinusot ang mga mata. "Ano ba yan, natatamaan na yata ako."
"Tsss! Hector! Magpapahatid na lang ako kay Mang Elias o sasabay ako kina Jobel.
Di mo na yata kaya."

Pinikit niya ang mga mata niya at pinilig ang ulo. "Kaya pa."
"Tss. Naka ilang shot ka ba?"
"Tatlong Absolut." Aniya.

Shit! Ang weak! Baguhan ba ang mga ito? I mean, hindi naman kami lasenggero sa
Maynila pero hindi ganun ka bilis.

Ibinalik niya ulit ang kamay niya sa hita ko. "Ihahatid kita. Mag sho-shower lang
muna ako. Samahan mo ako sa kwarto."
Hinawi ko ulit ang kamay niyang nasa hita ko. Nanliit ang mga mata ko.

Ngumisi siya nang narealize na alam ko kung ano ang iniisip niya.
Page 214
Jonaxx - End This War
"No. Way." Utas ko.

Tumawa siya at nilagay niya ang baba niya sa balikat ko. "Isang beses lang
naman."

Shit lang! Tinulak ko siya, "Baliw ka ba? Adik ka!?" Sinubukan kong hindi ngumisi
pero hindi ko magawa.

Namilog ang mga mata niya, "Oy ang feeling mo ha? Anong iniisip mo? Na gagawin ko
yun sayo?" Mariin ngunit pabulong niyang sinabi.

Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa baywang ko habang iniirapan niya ako.

"Kiss lang naman." Bumulong siya sa tainga ko.


Tumawa ako at tinulak ko ulit siya. "Ang kulit mo, ha! Ayoko! You're drunk."

"I'm not. At kaya nga magsho-shower ako para medyo mahimasmasan. Samahan mo ako,
tara na!"

"Bakit ba kita kailangang samahan? Di ba pwedeng maghintay ako dito?"


"Ayoko. Kita mo ang titig ni Harvey sayo? Tsaka ni Obet?"

"Sinong Obet?" Natatawa kong sinabi habang sinusuyod yung mga kaibigan niyang
nagkakatuwaan na.
Hinarap niya ang mukha ko sa kanya gamit ang kanyang daliri. "Basta!" Marahan
niyang sinabi. "Ayoko sa mga titig nila sayo. Kala nila di ko pansin pero mabait
lang ako kaya di ko sinisita."

"Whoa! Mabait ka?" Tumawa ako.

"Sige na! Sumama ka na!" Yaya niya.


"Okay fine! Sige! Sasama ako. Pero sa oras na may gawin kang masama sakin, break
na agad tayo!"
Ngumisi siya, "Hindi naman yun masama. Mabuti naman yun."
Binatukan ko na. Sumimangot siya at nag pout. "Joke lang naman!"

Tumayo siya at nakita kong medyo kailangan niya na nga ng kasama. Baka mamaya ay
gumulong pa ito sa engrande nilang hagdan, eh!

Ngumingisi siya at niyuyugyug ang mga kasama niyang bumabati na naman sa kanya.

"Congrats, pare!"

Tumatawa siya at wala sa sariling tinatanggap ang bawat high five na nakaantabay.
Nasa likod niya lang ako at sumusunod. Sinenyasan din ako nina Jobel na uuwi na
sila kasama sina Mathew. Tumango ako kinawayan sila.

Umaakbay na si Hector sakin patungo pa lang kami sa kwarto niya. Tumatawa tawa
siya na parang baliw. Baliw nga talaga yata ito.
Page 215
Jonaxx - End This War

Nang nakita ko na ang pintuan ng kwarto niya ay malakas na kumalabog agad ang
puso ko. Hindi ako makahinga. Dahil luluha ang araw ng pagsagot ko sa kanya nang
walang halikang magaganap saming dalawa. Alam ko yun. Ramdam ko iyon. Dahil sa
pagtahimik niya pa lang habang pinipihit ang hawakan ng pinto, alam ko na agad
kung anong gagawin niya.

Marahan niya akong hinila papasok at mariing siniil ng halik.

"Shit! Hector, mag bibreak tayo pag may mangyari satin dito." Sabi ko habang
pinapaulanan niya ako ng halik sa gilid ng aking tainga.

Napapikit na ako. I've never been kissed this way. Nung halikan pa lang namin sa
Tinago, iyon na ang naging laman ng utak ko. Para siyang sumasamba sa akin sa mga
halik niyang ito. Para bang imbes na ako ang sumamba sa pagiging hari niya ay
sinusuko niya ang lahat sakin. Like I was the real goddess, at wala siyang
karapatan.

Napadaing ako sa ginawa niyang paghalik hanggang sa lumapat na ang labi niya
sakin. Damn, his kisses were controling and hypnotic. Parang nawawalan ako ng
sense of time, space, at kung anu ano pang sense. Kahit common sense ay nawawala
na sakin.

Nang ang isang kamay niya ay nakahawak na sa braso ko at ang isa ay nasa likod ko
pataas ng batok ay tumindig na ang balahibo ko sa katawan. Mukhang ako yata ang
lasing dito.

Paatras ako nang bumagsak ako sa kama niya. Bumagsak din siya sakin pero
napigilan niya ang full weight niya sa kamay na nakatukod.

"Buong buhay ko, ngayon lang talaga ako humiling ng ganito." Bulong niya at
hinalikan niya ako sa leeg.

Nakakawala ng ulirat! Shit! Hindi ko na malaman kung ano ang tama at ano ang
mali. Hindi ito ang una. Madali sanang tanggihan sa part ko dahil may experience
na ako sa make out pero bakit ang hirap ngayon? May bias ba ang kuryente sa
sistema ko?

"At salamat sa pagtupad nito. You love me too." Nakakilabot na bulong niya sa
tainga ko.

"Hector!" Halos padaing kong sinabi.

Dumaing ako dahil, shit, nawawalan na ako ng control!

Page 216
Jonaxx - End This War
"Yes, alam ko." Lumayo siya sakin at tumigil sa paghalik sabay mura. "Shit! Ang
hirap!"

Mas lalo siyang lumayo sakin. Para siyang napapaso. Tinalikuran niya ako at
binuksan niya pa ang glass window ng balcony niya. Umihip ang malakas na hangin
galing doon. Mas malakas at mas malamig pa sa aircon sa buong kwarto.

"Hirap palang mag pigil pag nasa iisang kwarto at tayo lang dalawa." Utas niya.

Nalaglag ang panga ko. I can't believe it! I almost gave in! Siya ang nagpigil!
SIYA ANG NAGPIGIL AT AKO AY HALOS IPINAGKANULO NA NG SARILING INSTINCTS!

Nilingon niya ako at mabilis din siyang nag iwas ng tingin sabay malutong na
malutong na mura.

"HOLY SHIT! YOU LOOK SO GOOD ON MY BED, CHESCA! DAMN!"" Sinuntok niya ang pader
at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo.

OH MY GOD! Ba't ka nagpipigil? Dahil pinagbantaan kitang ibibreak kita?


Napagtanto ko rin iyon doon. The guy... the king... the god... is madly smitten.
Sakin. Sakin lang. At ngayong gabi ay lasing siya at samahan pa ng kasiyahan niya
sa lahat ng nangyari... at sa mga narinig niyang daing galing sakin... dapat ay
kaya niya iyong ituloy. Pero hindi. Hindi niya ginawa. One thing is for sure now.
He's in love with me. And I am in love with him too.

Ngumisi ako habang kinukurot ang puso ko. Parang nahahabag ako. Ito ang unang
pagkakataon na naging emosyonal ako ng ganito. Sobrang emosyonal dahil sa ginawa
ni Hector. I feel like a princess. I feel like a woman. I feel so complete... And
he makes me feel that way.

Nilingon ko ang side table niya at nakita ko doon ang isang frame na ako ang
picture. Sa baba nun ay may mga magazine. Tumawa ako kahit na namuo ang mga luha
ko sa mga mata ko.

"FHM! Still naughty!" Humagalpak ako sa tawa at inabot ang mga magazine na iyon.
Kabanata 35

Kulang Ka

Hindi ko namalayan ang oras. Kinabukasan ay si mama pa ang nagpaalala sa akin na


acquaintance nga pala ngayon. May damit na ako. Isang luma pero hindi ko pa
nasusoot na dress. Anong magagawa ko? Nagtitipid kami, at isa pa, wala naman sa
Alegria ang magagandang boutique.

"Saan ba ang acquaintance niyo, Ches?" Tanong ni Teddy.

Page 217
Jonaxx - End This War
"Sa court lang." Sagot ko.
Tumawa siya. Alam ko kung ano ang iniisip niya.
"Wala namang hotel dito. Saan naman kami pwede, diba?"

Tumango siya at may bakas paring pag ngisi sa labi niya.

Hinintay ko ang oras dahil mamayang gabi pa naman. Pero kahit kailan ay hindi ako
nainip dahil panay ang pangungulit sa akin ni Hector sa text.

Hector:
Anong kulay ang susootin mo para magkapareha tayo?

Ako:
Red. Mag black ka na lang.

Ngumisi ako.

Hector:

Bakit?

Ako:

Bagay parin naman yun.

Hector:
Paano kung nag red si Harvey?

Tumawa na ako. Sira ulo talaga ang isang ito. Sinong mag aamerikana ng red?

Ako:

Hindi nga! Mag black ka na. Promise. Tie na lang yung red.

Hector:

Okay. Anong ginagawa mo?

Ako:

Umuupo lang dito sa bahay. Bakit?


Page 218
Jonaxx - End This War

Hector:
Miss na kita. Labas tayo? Mangabayo?

Ako:
Yoko. Mag peprepare pa ako mamaya.

Hector:
Kunin kita mamaya sa inyo, ah? Alas singko.

Marunong akong mag make up kaya ako na mismo ang nagmake up sa sarili ko. Pwera
na lang sa mga mahihirap na part at tinutulungan ako ni mama.

"Ayan! Maaakit mo na ng husto si Hector!" Pumalakpak si Tiya.

"Tiya..." Umiling ako dahil hindi na siya nagpaawat. Panay na ang talak niya sa
kay mama.

"Ang ganda ganda talaga ni Chesca! Nung nalaman kong nag model siya, alam ko
talaga na yun ang destiny niya! Siguro pag mag artista ito si Chesca, yayaman
tayo!"
"Oo. Si Craig din sana kaso ang suplado. Hindi siya makakakuha ng fans. Baka
tadyakan niya ang mantsansing sa kanya." Sabi naman ni mama.

Imbes na sumawsaw ako sa mga pinag uusapan nila ay hindi ko na lang ginawa.
Nagpatuloy ako sa pag aayos. Wavy ang buhok ko sa dulo, pero para mas maging
dramatic ay kinulot ko ito at ni-half ponytail. Nostalgic. Nostalgic ang
paglalagay ng ganitong make up at ang pag aayos. Naaalala ko lahat ng mga gawain
ko sa Maynila. Kahit na may artist kami para sa mukha, ay parang nararanasan ko
ulit ang i-shoot para sa magazine at kung anu-ano pang project ni Clark.

Pinilig ko ang ulo ko at kinagat ang labing may nude lipstick. Napatingin ako sa
relo, alas singko na. Anytime now, nandito na si Hector.

"Maglinis nga kayo ni Craig, Ted. Mamaya sabihin pa ni Hector makalat tayo dito
at madiscourage pa siya kay Chesca."

Hindi na ako umapila kay Tiya. Totoong naglinis sila para sa pagdating ni Hector.

"Baka lumuhod yun dito at yayaing magpakasal na si Chesca pag nakita ang ayos
niya!" Tumatawang sambit ni Tiya.

Page 219
Jonaxx - End This War
Hindi maintindihan ni papa at tiyo ang mga ginagawa nina mamang paglilinis dahil
sa pagdating ni Hector. Ganunpaman ay tumulong sila dahil para naman iyon sa
ikakalinis ng bahay.

Kuminang na ang sahig at mga muwebles ay hindi parin dumating si Hector. Dumungaw
na ako sa cellphone ko at nakitang tatlumpung minuto na siyang late.

Ako:

Hector, asan ka na?

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin siya nagrereply.

"Asan nadaw si Hector?

Nagkibit balikat ako sa tanong ni mama. Nakita kong suminghap si papa at lumabas
na lang ng bahay. Tahimik hanggang umabot ng isang oras ang paghihintay.

"Tawagan mo!" Utas ni Craig.

Sinubukan ko ang pagtawag pero out of coverage area na. Ano kayang nangyari?
Nasiraan tapos nag lowbat?

"B-Baka nasiraan?"

"Brand new Jeep Commander, masisiraan? Tsaka tingin mo yun lang ang sasakyan
nila? Fifteen, Chesca." Ani Teddy. "Fifteen SUVs. Kung bibilangin mo pati ang mga
trak nila baka abutin tayo ng siyam siyam."
"Uhmmm... Baka may nangyari." Tumayo ako. "Ihatid mo na lang ako, Teddy."

"No!" Agad sabi ni tiya. "Hihintayin natin siya." Ngumisi at tumango si tiya.
"Pupunta siya dito. Baliw siya sayo. Pupunta yun dito."

Umupo ulit ako at pinagbigyan si tiya. Nang bumalik si papa at suminghap sa


harapan ko ay doon lang ako nabagsakan ng katotohanan.

"Mag aalas syete na. Alas sais ang acquaintance niyo, diba? Hindi na darating si
Hector. Ihatid mo na siya, Teddy."

Para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Ayaw kong magpahatid kay Teddy. Kailangan
kong malaman kung anong nangyari at bakit wala si Hector! Kailangan kong malaman
kung anong meron! Parang pinipiga ang puso ko nang dinungaw ko ang cellphone ko
at nakitang wala parin akong natanggap na text galing sa kanya.

Page 220
Jonaxx - End This War
Umupo ako sa kinakalawang na sasakyan ni Teddy. Hindi ako makapagsalita kahit na
panay ang salita ni Teddy.

"Ano kaya ang nangyari? Tingin mo may nangyaring di maganda?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam. Kung may nangyaring ganun ay dapat nitext niya
akod iba? Unless na lowbat siya o nawala niya ang cellphone niya.

"Mahal ka ba talaga ni Hector?"


Matalim kong binalingan si Teddy.

Napangisi siya nang hilaw nang nakita ang galit sa mata ko habang nag dadrive
siya, "I mean, no offense, Ches. Pero kasi sabi mo mahal ka ni Clark pero anong
nangyari? Bakit ka niya pinagpalit?"
"Coz he's a jerk."

"And how will you know if someone isn't a jerk?"

Naalala ko agad ang nangyari kagabi.

"I know Hector isn't a jerk."


"Bakit?"

"Basta."

Nang dumating kami sa school. Hinatid na rin ako ni Teddy patungong court. May
nakita akong halos mabali na mga leeg sa kakatingin sa akin.

"Thanks, Ted."

"No problem. Sabihin mo lang kung magpapakuha ka mamaya."


Tumango ako at bumaling sa crowd.

Nakatingin silang lahat sa akin habang nagbubulung bulungan. Agad nag alab ang
sistema ko. Kanina pa ako medyo badtrip kasi di ako sinundo ni Hector tapos
sasalubungin pa ako ng ganito? Nakita kong humalukipkip at ngumisi si Abby habang
iniirapan ako. Nakita ko rin ang naawang titig ni Koko sa akin.

Marahan akong humakbang patungo sa loob. Mukhang kakain na at kanina pa


nagsisimula ang program, ah? Mabilis akong sinalubong nina Jobel, Sarah, at
Marie. Parehong medyo bongga ang kanilang soot. Malungkot si Jobel nang
sinalubong ako. Si Sarah at Marie naman ay inikot pa ako at tumawa.

Page 221
Jonaxx - End This War
"SHIT! Ang ganda ganda mo! Grabe! Yung soft features mo, pag nilalagyan ng make
up lalong tumitingkad!" Sabi ni Sarah.

Nagawa kong ngumisi sa bawat puri nila. Pero hindi maalis si Jobel sa paningin
ko. "Oh, Bakit?"

Hindi siya nagsalita. Kinabahan agad ako.


"Alam niyo, badtrip ako ngayon. Sabi ni Hector susunduin niya ako pero tingnan
niyo, na late ako kasi di niya ako sinundo. Asan ba siya?" Luminga ako para
tingnan ang paligid.
"Kumain muna tayo." Yaya ni Sarah.

Hinila nila ako. Nakita ko ang nangibabaw na kaplastikan sa bawat ngiting


pinakita nila. Alam ko... Alam kong may problema. Hinawi ko ang kamay ni Sarah na
naka hawak sa kamay ko.

"Teka nga... Sandali lang. Asan ba si Hector?" Tanong ko ulit.


Nagkatinginan silang tatlo.

"Kumain muna tayo." Sabi ni Marie.

Bumaling ako sa guilty na si Jobel.

"Jobel, asan yung boyfriend ko?" Mariin kong tanong kahit na halos mabiyak na ang
puso ko sa kaba.

Pinisil ni Jobel ang kanyang mga kamay at yumuko.


"Asan ang boyfriend ko?" Tanong ko.

"K-Kasi, Ches. Kanina, papunta ako dito. Sorry ah? P-Pero nadaanan ko si Hector
sa shed."
"Saang shed?"

"Yung malapit samin. K-Kasama niya si Kathy."

"Kathy?"
Tumango siya.

"Anong ginagawa nila?" Nanliit ang mga mata ko.


Nagkatinginan ulit ang tatlo. Wala ata silang balak na sabihin sakin kung ano.
"Anong ginagawa nila?" Ulit ko.

"K-Kasi... Magkayakap sila."


Namilog ang bibig ko at para akong kinuhanan ng kaluluwa sa sinabi nila.
"Ano pa?" Tanong ko.

Para bang naghihintay ako na sabihin niyang naghahalikan ang dalawa... Na mauulit
na naman ang nangyari sa amin ni Clark noon. Na nambababae na naman ang boyfriend
ko. Nanginig ako sa galit dahil walang maidugtong si Jobel at dahil na rin sa
nalaman ko.

"Ganun talaga. Si Kathy ay para kay Hector." Nakahalukipkip na sumingit si Abby


Page 222
Jonaxx - End This War
sa usapan.
Bumaling ako sa kanya at naisip ko agad na pwede kong guluhin ang naka pako
niyang buhok.
"May rancho din sina Kathy." Utas ni Abby. "Malapit kina Hector. Kaya kung silang
dalawa ang magkakatuluyan, mas madaling mag merge ang mga rancho. Mas lalaki ang
Rancho Dela Merced. Hm!" Ngumisi siya. "Ikaw, Chesca... Ikaw yung tipong
mararanasan lang muna ni Hector bago si Kathy, eh."

WHAT? WHAT? WHAT DID YOU JUST SAY!?

Susugurin ko na sana siya nang biglang pumagitna si Koko.

"Tama na, Chesca." Marahan at may simpatya niyang sinabi.

Wala akong masabi! Gusto ko silang sumbatan! Gusto kong isigaw na hindi totoo
yan! Na hindi totoo dahil ako ang mahal ni Hector! Parang nabasa ni Abby ang utak
ko sa mga panahong iyon.

"Kung mahal ka nga ni Hector, hindi siya maguguluhan. Kung mahal ka niya, diretso
sana siyang pumunta sayo. Pero di, diba? Ngayon naisipan ni Kathy na magtapat sa
kanya. At hanggang ngayon wala pa sila diba? Dahil... dahil naguguluhan si
Hector. Dahil alam niyang mas makakabuti si Kathy sa kanya. Asset si Kathy dahil
sa rancho nila... and you are a big liability dahil sa mga utang ninyo."

Parang nawarak ang pagkatao ko sa sinabi ni Abby. Namilog ulit ang bibig ko at
unti-unting natibag ang galit ko. Nalusaw ang galit at nagkalat sa buong sistema
ko, Nanghina ako dahil doon.

"Oh! Nandito na pala ang dalawa!" Tumawa si Abby at ngumuso.

Nilingon ko ang pinalakpakan ng mga tao. Naaninag ko sina Hector at Kathy na


dumadating nang magkahawak kamay.

Hindi ko masabi ang totoo kong nararamdaman. Gusto kong magwala at basagin lahat
ng plato sa inis. Dahil hindi ito ang unang beses na ipinagpalit ako. Sinungaling
kayong lahat! Kung tunay akong maganda, bakit ako pinagpapalit? Kung tunay akong
worth it, bakit lagi akong pinagtataksilan?

Sa mundong ito, hindi lang mukha, attitude, at pagmamahal ang puhunan para makuha
ang taong mahal mo. Kailangan mo ring pumasa sa standards nila. Para kay Clark,
kailangan niya ng babaeng naikakama niya, maganda, modelo, palaging kasama, at
mahal siya. At para kay Hector, kailangan niya ng asset sa kanilang negosyo,
maganda, mahal siya... at hindi ako yun. Ganun palagi! Kailangan kumpleto ka!
Dahil kung hindi... kung kulang ka ng kahit isa ay madali kang napapalitan! At sa
huli, kasalanan mo yun kasi wala ka nung hinahanap niya! Kasi kulang ka! Kasi di
ka kumpleto!
Page 223
Jonaxx - End This War

Nag init ang likod ng mga mata ko at pinagtutulak sina Jobel para makadaan ako.

"Ches!" Tawag nila dahil sumali ako sa crowd.

Gusto kong mawala sa dami ng tao. Pero hindi ako nawawala dahil panay ang tingin
nila sakin.

"Si Chesca, agad pinagpalit! Diba kakasagot lang?"


"Kawawa naman. Siguro nakuha na ni Hector!?" Pinagtawanan pa ako.

Napapikit ako dahil sa luhang hindi ko mapigilang tumulo saking mga mata.

"Chesca..." Tawag ni Koko sa likod ko.

May kung sino akong nabunggo dahil hindi ko na nakita ang dinadaanan ko. Pareho
kaming dalawang na outbalance. Dumampi ang dibdib ko sa may dibdib niya.
Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko at tiningnan si Harvey na nalaglag ang
panga dahil nabangga ko siya.

"I'm sorry." Nanginginig ang boses ko.

"Chesca..." Tawag ni Koko sa likod ko.

Warning: Medyo SPG


------------------------------------------

Kabanata 36

Under the Full Moon

"FRANCESCA ALDE!" Nanginig ang kalamnan ko nang umalingawngaw ang galit na boses
ni Hector sa buong court.

Nag dim ang lights at nagsimulang magsayaw ang colored neon lights sa paligid.

"We will now start the annual acquaintance ball." Malamig na sabi ng emcee.

May nakita akong gumalaw sa gitna. May nagkakayayaan na sa sayawan. Kabado parin
ako dahil sa narinig kong pagsigaw ni Hector. Pero hindi maalis sa utak ko ang
Page 224
Jonaxx - End This War
paghoholding hands nila ni Kathy... at ang lahat ng sinabi ni Abby sa akin! Darn!
Totoo yun! Totoo yung mga sinabi niya! Na liability ako ni Hector! At madalas
ganun talaga ang nangyayari... Pagpipili ka ng parehong magandang babae at pareho
kang mahal, mas gugustuhin mong piliin yung asset, hindi yung tulad kong
liability.

"Harvey!" Sabi ko sabay higit sa kamay niya.

Wala akong pakealam kung medyo nagmatigas siya nung una at nagpatianod din sa
akin kalaunan.

"S-Sayaw tayo." Sabi ko.

Dalawa lang ang gusto kong mangyari. Hindi ako makita ni Hector at di ako makita
ng mga tao habang tumutulo ang luha ko.

"Chesca!" Tawag ni Koko.

"Leave me alone, Koko!" Utas ko at hinila si Harvey sa dancefloor.

"Chesca, bakit?" Matabang na tanong ni Harvey.


"Shhhh!" Sabi ko sa kanya at humarap na nang pareho na kaming nasa dancefloor.

Bumuhos ang luha ko nang nakita ko siyang gulat na gulat sa ginawa ko. Nilagay ko
ang magkabilang kamay ko sa balikat niya. Hindi siya kasing tangkad ni Hector
pero tama lang yung height niya para matabunan ang mukha kong basang basa sa
umaagos na luha.

"Sorry. Sandali lang naman." Nanginginig kong sinabi.

Nanginig ang balikat ko habang nakapatong ang kamay ko sa balikat niya. Hindi ko
iyon mapigilan. Nanginginig din ang labi ko sa pagpipigil ko ng iyak. Baradong
barado ang lalamunan ko dahil sa namumuong bato doon.

Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ni Harvey habang pinapasadahan ako ng


tingin. Malaya siyang sumayaw kaya sumayaw na rin ako tulad niya.

"You're my first dance." Utas niya.

Tumawa ako. "Ikaw din yung first dance ko."


"Hindi. Ang ibig kong sabihin, first dance talaga. Wala akong sinayaw nung prom."

Ngumisi ako kahit na patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Di ako makapagsalita dahil
nanginginig na naman ang labi ko sa pagbuhos ng panibagong luha.

"Ang ganda mo... kahit na umiiyak ka." Pabulong na sinabi ni Harvey.


Page 225
Jonaxx - End This War
Marahan akong tumawa. "Siguro kaya ako pinapaiyak. Kasi maganda ako pag umiiyak."

Umiling siya. "Kung ako lang yung magiging dahilan ng pag iyak mo, di kita
papaiyakin. Lalo na sa maraming tao." Aniya.

"CHESCA!" Nanuot sa kalamnan ko ang boses ni Hector pagkatawag niya sa akin.

Halatang galit at inis ang nakapaloob doon. Galit din ako kaya unti-unti kong
pinunasan ang luha ko at matalim siyang tiningnan. Nakita ko na mabilis ang
paghinga niya at pulang pula ang kanyang mukha habang tinitingnan kaming dalawa
ni Harvey.

Ang mga tao sa paligid namin ay natigil na sa pagsasayaw. Napatingin sila samin
kahit na nagpatuloy ang program sa harapan. Nakita ko sa likod niya si Kathy na
nalaglag ang panga, si Abby na namumutla, at si Koko na puno ng simpatya ang
mukha.

"Ano? Hector?" Matapang kong tanong.

"Anong 'Ano'?" Hinigit niya ako palayo kay Harvey.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabay bawi ko sa kamay ko.

Nagtatanong ang mga mata ni Hector nang tiningnan niya ako at si Harvey. "Anong
ibig sabihin nito?"

Nag alab agad ang galit sa dibdib ko. IKAW PA, PUTANGINA, IKAW PA ANG MAY GANANG
MAGTANONG SA AKIN NG GANITO?

"Pare, hayaan mo na si Chesca-"

"TUMAHIMIK KA HARVEY! Di ka kasali dito! Relasyon namin 'to. Amin! Kaming dalawa!
At akin ang babaeng sinasayaw mo!" Halos sugurin niya si Harvey. "Ilang beses ko
ba yun ipapaalala sayo? Baka naman gusto mo pang basagin ko ang mukha mo para
lang may maalala ka? Ha?" Sumugod si Hector at agad siyang inawat nina Koko.

"Chill, Hector. Hindi ko siya inaagaw sayo, alright!"

"Ako ang humila sa kanya!" Utas ko.


Tumingin si Hector sakin at nanliit ang mga mata niya. "B-Bakit, Chesca?" Namutla
siya.

Kinunot ko ang noo ko at isa-isa silang tiningnan. Si Abby, Koko, Kathy... lahat
ng naroon bago ako tumalikod at umalis sa court... Uuwi ako. Mag tatricycle ako
kung wala si Teddy sa labas! Wala akong pakealam kung gabi na! Wala akong pake
basta uuwi ako.

"Chesca!" Sinundan pa ako ng bruto habang naglalakad ako sa soccerfield.

Mas madali kasing makakalabas ng school kung di mo susundin ang pathyway.


Page 226
Jonaxx - End This War

"Sandali lang..." Narinig kong pumiyok ang boses niya.

Napapikit ako at may hangin na kumurot sa puso ko.

"Chesca! Mali yung iniisip mo!" Aniya.

Hindi ko ma explain kung ano yung naramdaman ko. Kung nagagalak ba ako o naiinis
pa lalo.

"Chesca!" Hinawakan niya ang braso ko.

Agad kong binawi iyon at hinarap siya. "Bitiwan mo ako! Wa'g mo akong hawakan
gamit ang kamay mong nakahawak kay Kathy kanina!"

Nakakunot ang noo niya at hinihingal. "Hindi ko siya hinawakan dahil gusto ko
siya!"

"What? At anong tawag mo sa hindi mo pagsipot sakin? HA?"

Ang sarap niyang suntukin! Gusto ko siyang suntukin sa sobrang inis pero
nanghihina ako sa mga mata niyang nagniningnig dahil sa full moon sa langit.

"Ganito kasi yun-"

Tinalikuran ko na siya agad.

"Chesca Alde!" Sigaw niya.

Tumakbo na ako. Tumakbo na rin siya. Nakita ko ang sasakyan nila sa labas. Lumiko
ako at tumakbo palayo.

"Hector, anong nangyayari?" Narinig kong bumukas ang sasakyan nina Hector at
lumabas ang boses ni Mang Elias.
"Ako na po ang bahala. Text ko lang po kayo mamaya." Dahil sa pag uusap nilang
iyon ay mas lalo pa akong nakalayo.

Hindi ko alam na mabilis pala akong tumakbo. Siguro adrenaline rush ang sumapi
sakin at agad akong nakababa. Mahahaba ang takong ng stilletos ko ngunit di ko
iyon alintana. Madalas naman akong magsoot ng mga ganito sa Maynila kaya madali
lang sakin.

Page 227
Jonaxx - End This War
"FUCK!" Sigaw ni Hector.

Ewan ko kung bakit basta nagpatuloy ako sa pagtakbo.

"Francesca Dela Merced!" Tawag niya galing sa malayo. "WILL YOU STOP RUNNING,
PLEASE!? FUCK!"

Hiningal na ako at nagpahinga ng konti. Nakababa na ako at natatanaw ko na ang


sentro. Dito ako muntik ng nahold up noon. Nung biglang sumulpot si Hector... At
kitang kita ko ang pagsayaw ng buntot sa buhok niya noon. Umayos ako sa pagtayo
at tatakbo na naman sana nang bigla niya akong hinigit.

"Halika nga dito!" Sabi niya sabay higit sakin papunta sa matalahib na daan
papunta sa gazebo.
"Bitiwan mo ako! I hate you!" Namuo ang luha ko.

Para akong baliw! Galit ako pero kinikiliti ang puso ko dahil sa ginagawa niya.
Baliw na yata talaga ako! Ano ba ang nangyayari sa sistema ko? May atraso siya
sayo, Chesca, for god's sake! Wa'g kang kiligin!

"Makinig ka nga!" Sigaw niya.

Nagpumiglas ako kaya mabilis niya akong hinila at nilagay sa bisig niya.

"Ibaba mo ako! Shit!" Amoy na amoy ko ang pabango niya at kitang kita ko ang
gwapo niyang mukha dahil sa ilaw ng full moon. "I freaking hate you!" Sigaw ko.

"Talaga? Bakit?"

Nag alab ulit ang galit ko dahil sa pa-cool niyang tanong.

"Hindi mo ako sinipot! Pinili mo si Kathy! Nag holding hands kayong dalawa! Ano?
Ha? Di pa ba sapat na ebidensya yun! Di ko na kailangang makitang naghahalikan
kayong dalawa para lang masabi na may something sa inyo!"
"Oh, talaga?" Sarkastiko niyang sinabi.

"NAPAKA WALANGYA MO, HECTOR DELA MERCED! NAGSISISI AKO AT SINAGOT KITA! DAPAT
NUNG UNA PA LANG AY BASTED KA NA!"

Padarag niya akong binagsak sa upuan ng gazebo. Natahimik ako. Kinulong niya ako
sa bisig niya. Nakahawak ang magkabilang kamay sa upuan ko at kahit anong suntok
ko sa braso niya ay hindi siya natitinag.

"Kung binasted mo ako di parin kita titigilan, alam mo naman yun diba?"

Page 228
Jonaxx - End This War

Parang nanunuya niyang hinahanap ang tingin ko... hinahanap ang labi ko habang
panay ang ilag ko sa mukha niya.

"Bwisit ka! Magsama kayo ni Kathy!"

"Oh? Bakit? Ayoko nga. Ikaw ang gusto kong makasama. Kahit kailan, kahit galit
ako, di ko sasabihin sayong gusto kong magsama kayo ni Harvey... o kahit sinong
lalaki!"

"BWISIT! WALA AKONG PAKE SAYO! GUSTO KO NG UMUWI!"


"Shhh... Galit ka lang." Pabulong niyang sinabi sa tainga ko.
Sinapak ko siya pero umilag siya.

"Hmmm. Sarap mo palang mag selos." Humalakhak pa siya.


Shit lang! Sinapak ko ulit. "TANGINA MO!"
"Dami mong mura." Humalakhak ulit siya.

Nagtindigan ang balahibo ko. Nanghina na ako ng tuluyan.


"Hmm. Kalma ka na?" Tanong niyang marahan.

"I hate you..." Nanghihina kong sinabi.

"Namatay ang lolo ni Kathy. Dinaanan muna namin bago ako pupunta sa inyo. Hindi
ako nag charge ng phone kasi alam kong wala yung gamit dahil magkikita naman
tayo. Di ko alam na malolowbat na pala talaga ako at natagalan ako sa kanila."
Nag igting ang bagang niya.

Damn! The most wonderful sight in Alegria is right here with me. Nag iwas ako ng
tingin.

"Paalis na ako nang bigla niya akong niyakap. Umiyak siya sakin. Nangungulila
siya sa lolo niya."

Kinagat ko ang labi ko.

"Nagtapat siya." Bigla niyang sinabi. "Mahal niya daw ako."


"Tangna, di mo alam? Manhid mo!"
"Hindi... Alam ko... Pero wala akong magagawa para sa kanya dahil isa lang ang
mahal ko."
Naghuramentado ang puso ko pero ngumiwi ako sa sinabi niya. Bola!
"At wasak na wasak siya kasi patay na ang lolo niya at pinatay ko pa ang damdamin
niya. Nakiusap siyang samahan ko muna siya sandali. Ayaw ko kasi alam kong
naghihintay ka na. Sumama siya sakin pero nang dumating ako sa bahay niyo, wala
ka na raw."
"PUMUNTA KA PA? EH LATE KA NA? ANONG AKALA MO SAKIN? WAITING SHED? KAYANG
MAGHINTAY? Hindi, Hector! Kung wala ka, iiwan kita!" Utas ko.
Nag igting ulit ang bagang niya, "Bawiin mo ang sinabi mo."

Page 229
Jonaxx - End This War
"Ayoko!"
"Ayoko rin sa sinabi mo, Alde. Bawiin mo!" Aniya.
"Ayoko sabi! Yun ang totoo! Tsaka nag holding hands pa kayo!" Umirap ako.

"Papasok kami ng court nang umiyak ulit siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Anong
gusto mo, balibagin ko iyon kahit na alam mong namatayan siya?"

"HINDI KO ALAM! HINDI KO ALAM NA NAMATAYAN SIYA, ALRIGHT!?"


"Now you know, bawiin mo ang sinabi mo!"

"Ayoko parin. Tsss."


Tinagilid niya ang ulo niya at binulong ng mas marahan, "Bawiin mo, Chesca. Gusto
ko yung naghihintay ka sa pagdating ko. Yung inaabangan mo ako." Bulong niya.

Kumalabog na ang puso ko nang nararamdaman ko na ang nagsasalita niyang labi sa


labi ko.

"Yung di mo ako iiwan. Yung ako lang yung inaasahan mong dumating. Gusto kong
ganun tayong dalawa. Gusto kong ganun ka sakin. Dahil ako... hindi ko na alam.
Para akong makakapatay ng tao twing nakikita kang nahuhumaling sa iba. You have
to do something about this, Chesca."

"Hector-"

Di ko na natapos ang daing ko dahil marahan niya nang hinalikan ang labi ko.
Dahan dahan at paunti unting paglalim. Bawat galaw ng kanyang labi at ulo ay
napapasinghap ako. Hinawakan ng daliri niya ang baba ko habang ako naman ay wala
sa sariling pinasadahan ng haplos ang buhok niya.

Dumapo ang isang kamay niya sa dibdib ko habang ang isa ay nakahawak na sa mukha
ko.

"Mahal na mahal kita. At ayaw ko ng bigla ka na lang nawawala sakin. Makinig ka


muna. We have to let this work... Kasi mukhang mababaliw ako pag nawala ka."

Nanghina ako ng tuluyan.

"Hector..." Napadaig ako nang unti unti niyang hinaplos ang dibdib ko sa tela ng
damit ko.
"Ang ganda ganda mo talaga. Sa sobrang paghanga ko sayo, gusto na kitang maging
akin." Bulong niya.

Halos mapatalon ako sa bawat alon ng kanyang halik at haplos. "Hector mahal din
kita kahit na inis na inis ako sayo ngayong gabi. Pinaiyak mo ako-"

"I'm sorry." Aniya at pinaulanan ulit ako ng halik.

Page 230
Jonaxx - End This War
Unti unti kong naramdaman ang paghuhubad niya ng kanyang itim na coat. Ang gwapo
niya ngayon. Sayang at sa sobrang inis ko kanina, halos bigwasan ko siya.

Tumigil siya sa paghalik. Nakaawang ang bibig ko at nakatingin sa labi niya.


Naghihintay pa ako ng mga halik niya.

"Hey..." Aniya.
Pero bago pa siya nagsalita ay hinalikan ko na siya.

Bumagsak kaming dalawa sasahig ng gazebo. Nahigaan niya ang coat niya.
Lumalim ang halikan namin lalo na nang naramdaman ko ang kamay niyang hinahawi
ang strap ng dress ko.

"Hector!" Ungol na lang ang tumakas sa bibig ko.

"Shit... Chesca..." Mura niya sa ungol ko.

Naramdaman ko na ang kamay niyang hinahawi ang bra ko at hinahaplos ang dibdib
ko. Mabilis ngunit marahan. HIs touch were gentle and smooth. Bumaba ang isang
kamay niya sa palda ng dress ko at bahagyang hinaplos ang gitna ng hita ko habang
pinagbabahagi niya ang magkabilang binti ko.

Nagmura pa ulit siya at tumigil siya sa paghalik. Tiningnan niya ako ng mabuti.
Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ko ang long sleeve niyang polo na tanging
dahilan kung bakit hindi ko pa naaninag ang burning abs niya.

Niluwangan niya ang necktie. Habang ginagawa niya iyon ay unti-unti kong
tinanggal ang butones ng kanyang polo. Is this it? Am I ready to do this? With
him!? Sa isang taon namin ni Clark ay walang nangyari... kay Hector ay isang araw
pa lang, ganito na agad?

This is all too fast!

"Do you love me, Chesca?" Tanong niya.

"Yes." Utas ko at tuluyan niya nang tinanggal ang polo niya.


"Good. Coz, I'm really madly smitten." Inatake niya ng uhaw na halik ang labi ko.

His kisses were illegal. Kasi masyado na itong nakakalasing at nakakaaddict!


Tumungo ang isang kamay niya sa gitna ng hita ko at halos pumilipit ako sa
naramdaman ko. His touch were gentle and tingling. Nahihiya ako sa reaksyon ng
katawan ko sa ginagawa niya sa akin.

Page 231
Jonaxx - End This War
"Darn! Will you marry me, Chesca? Willing ka bang maging Dela Merced? Willing ka
bang maging asawa ko kahit bata pa lang tayo?" Tanong niya habang ginagawa niya
iyon.

Nawala na ako sa huwisyo ko. Hindi na ako makasagot ng mabuti. I just want to
kiss him and run my fingers on his tight burning abs. Iyon ang ginawa ko. Kaya
ang isang kamay niya ang tumanggal ng kanyang sinturon.

"Yes, Hector. Dela Merced na ako kung ganun!" Halos padaing kong sinabi iyon.

Mabilis niyang hinawi ang panty ko nang nakita ko na ang kanya. OH MY GOSH! THIS
IS REALLY HAPPENING! WITH HECTOR DELA MERCED!

Marahan at maingat siya sa ginawa niya. Pumikit ako sa sobrang sakit na


naramdaman. Halos umayaw ako. Halos matadtad ang labi ko sa kakakagat ko. But I
want him to own me... Because I love him so much... Over flowing ang pagmamahal
ko sa kanya at hindi ako makahanap ng salita. Kaya sa ganitong paraan ko
ipapadama sa kanya.

Halos naiyak ako sa sobrang sakit.

"DAMN!" Kagat kagat ko ang labi ko.

Alam kong hindi pa nalalahat kasi inuunti-unti pa niya pero ang sakit na nun.

"HECTOR!" Halos tumili ako sa sakit.


"Holy-!" Natigilan siya sa nakita niya sa white polo.
"B-Bakit?" Napatanong ako kasi namutla siya.

Nakita ko ang pagkabasag ng virginity ko. Ang ebidensya na siya ang nakauna...
nandoon sa puting polo niya.

"We'll stop." Aniya.


"NO!" Sigaw ko.
Nilingon niya ako. "Chesca, you are bleeding."

Umiling ako at hinalikan siya. Hinaplos ko ang katawan niya at pinasadahan ng


haplos ang kanyang buhok.
"I love you, Francesca... Mahal na mahal kita kaya wa'g na wa'g mo ng uulitin
yun. Wa'g mo na akong iwan ulit. Mababaliw ako pag nangyari yun. I love you,
alright. And we'll marry each other."

Page 232
Jonaxx - End This War
Humiga ulit ako nang gumapang ang kamay niya sa dibdib ko. I love you so much,
Hector Dela Merced.
Kabanata 37

Selfish

Nagtagal ang titig ko kay Hector habang unti-unti kong sinarado ang pintuan sa
bahay. Nakangisi siya at nakapamulsa habang pinapanood ang pagsarado ko ng
pintuan.

"Bye..."
"Bye. Kita tayo bukas."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala! Nagawa namin iyon!
Ni hindi ko nagawa iyon kasama si Clark! Pero kay Hector, parang ang dali lang!

"Your lips is so red, ateng." Masusi akong pinagmasdan ni Craig kinaumagahan sa


hapag.
Kumalabog ang puso ko. Napahawak ako sa labi ko habang nanliliit ang mga mata ni
Craig sa akin.
"Uh, di ko siguro na erase yung lipstick."

Kahit na buradong burado talaga yung lipstick dahil sa mga halik ni Hector
kagabi. Pakiramdam ko naman ay sa sobrang paghalik niya sakin ay pumula masyado
ang labi ko.

"Hinatid ka pala ni Hector." Usisa niya habang nginunguya ang pagkain.

"Oo." Umakto akong normal dahil ayaw kong may mapansin siya sa akin.

Baka mamaya mahalata pa na may nangyari kagabi. Am I being paranoid?

"Ayos na ba kayo? Ba't daw siya natagalan?" Tanong naman ni Teddy.


"Ah. Pumunta pa siya kina Kathy. Namatay daw ang lolo niya."
Tumango si papa, "Galing din kami doon kagabi. Ngayon, mukha atang ilalagay na
ang rancho nila sa pangalan ni Kathy."

Nilubayan din naman nila ako. Well, siguro nga ay paranoid lang ako dahil sa
nangyari sa amin ni Hector.

Page 233
Jonaxx - End This War
Nang natapos na ang festival at balik na ulit sa normal days ay palagi na rin
kaming magkasama ni Hector. Sinusundo niya ako sa bahay at sabay kaming
pumapasok. Binabalewala ko ang mga panunuya nina mama at tiya tungkol sa amin.

"Chesca, ano, may balita ka na ba sa Alps?"

Umiling ako.
"Tanungin mo si Hector sa lalong madaling panahon!"

Hindi ko ginagawa ang mga utos nila. Wala naman akong pakealam at mukhang hindi
naman interesado ang tito ni Hector sa Alps. Siguro naman ay okay pa kami.

"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase ko." Utas ni Hector nang nasa pintuan
na kami ng classroom.
Tumango ako at ngumisi.

"Wala bang goodbye kiss?" Tanong niya.


Sinapak ko na. "Bawal ang PDA dito, ano!" Luminga ako sa paligid.

Hinawakan niya ang beywang ko at inilapit ang buong katawan ko sa kanya. Wala
talaga siyang pakealam kung pag usapan man kami ng buong school. Inilapit niya
rin ang mukha niya sakin. Nilagay niya ang labi sa tainga ko para bumulong...

"Walang bawal para satin. Simula nung umamin kang mahal mo ako, binigyan mo ako
ng karapatan. Kaya mamarkahan ko ang buong pag aari ko ngayon. Pag aari kita,
bawat sulok, mamarkahan kita."

Uminit ang pisngi ko. Bahagya niyang idinampi ang kanyang labi sa tainga ko.
"Hector!" Saway ko.
Ngumisi siya at tumaas ang kilay.

Umiling na lang ako at pumasok sa klase.

Baliw na talaga yata ako. Wala akong ibang iniisip buong klase kundi si Hector.
Yung ginawa namin sa gabing iyon. Yung lahat ng nangyari. Ang frustration ko at
lahat lahat.

Papasok ako sa susunod kong klase nang nakasalubong ko ang barkadahang Kathy,
Abby, at Reese. Halos mapaatras sila nang nakita ako. Tinaas ko ang kilay ko at
isa-isa silang nag iwas ng tingin. Pasalamat si Abby at hindi ko nababanggit kay
Hector ang panggagatong niya sakin. Well, hindi ko na kailangan iyon. Ang
importante ay okay kami ni Hector.

"Chesca..." Tawag ni Koko sakin nang nagkasalubong kami.

"Ano yun, Koko?"


Page 234
Jonaxx - End This War
"Balita ko nag kaayos na kayo nI Hector." Hindi siya makatingin sakin.

"Oo." Medyo mataray kong sagot.


Tumango siya at nilagpasan ko na.

Ayoko nang magtiwala kahit kanino dito. Dahil alam kong sa huli, tatraydorin nila
ako para lang mailayo ako kay Hector. Maingay nang naabutan ko sina Jobel. Usap
usapan pala sa loob ng campus ang eskandalong ginawa ni Hector sa akin kanina sa
pintuan ng classroom.

"OMG! Naghalikan na ba kayo? Lips to lips?" Tanong nila.


Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makasagot. Naku! Kung alam niyo lang!
"Sabi ni Mathew si Chesca daw ang first kiss ni Hector! Ganun ka din daw diba,
Chesca?"
Napawi ang ngisi ko sa usap usapan nila. No... Hector isn't my first kiss. But
will it matter? Past ko na si Clark at hindi na iyon maibabalik pa. Ipinagkibit
balikat ko ang mga usapan nila. Ang importante sa akin ay palaging nakaabang si
Hector sa akin.

Ngumunguso siya habang nakahalukipkip at nakasandal sa dingding ng gate isang


araw pagkatapos ng review para sa finals exam. Hindi ko alam kung anong problema
niya pero nakatingin siya sa damit ko. Tumatawa ako dahil panay ang kwento ni
Jobel tungkol sa askal na kumagat sa kanyang pwet nung isang araw. Kinailangan
niya dawng maturukan ng ilang anti-rabies para hindi siya mangalkal ng basura.

Siniko ako ni Marie at nginuso niya si Hector na gwapong gwapong nakasandal doon.

"Letse. Kung ganyan ba naman ka gwapo ang body guard mo, eh, noh?" Tumawa sila.

Ngumisi ako at bumaling sa medyo galit paring si Hector.

Lumapit siya sakin at hinigit niya ako palayo kina Jobel. Nakatingin pa ako kina
Jobel habang kumakaway sila.

"Oh, anong problema mo at nakabusangot ang mukha?" Tanong ko habang natatawa pa.

"Ang iksi naman ng palda mo." Galit niyang sinabi.

Napatingin ako sa kulay maroon kong pencil skirt na uniporme ng ACC.

"Eh kasi pinaiksian ko. Nahihirapan kasi akong gumalaw noon yung halos hanggang
tuhod pa."
Nagkasalubong ang kilay niya. "Hindi ko gusto."

Page 235
Jonaxx - End This War
Ngumuso ako upang magpigil ng ngiti. "Ito naman. Wala namang makakasilip dyan!"
Tumawa ako.

"Buntisin kita diyan eh... Para lumaki ang tiyan mo at kailangan mo ng mag dress
ng matataas-"

"Tse! Tumigil ka nga Hector."


"Eh ayaw ko sa palda mo, Chesca. Do something about that."

"Wala akong magagawa. Dito ako komportable."

Humalukipkip siya at tinalikuran ako. Parang bata. Tumatawa akong sinundan siya.

"Di ako kumportable diyan." Aniya nang pinagbuksan ako ng pinto para maihatid na
ako sa bahay.
"Well, kailangan mong maging kumportable."
"Tsss..."

Ayan na naman ang pagiging bossy niya. Alam kong di siya titigil hanggang di ko
masusunod ang gusto niya. Pero kailangan niyang matuto. Na kahit mahal na mahal
ko siya ay may mga bagay na hindi niya kayang pigilan. Nakatingin siya sa labas
habang nakahalukipkip. Ako naman ay dumidikit na sa kanya para mapansin niya.

"Hector, wa'g muna tayong umuwi." Malambing kong sinabi.

"Ayoko. Umuwi ka na at magbihis ng pants."

"Eh... gusto ko munang mamasyal. Mag date muna tayo." Hinaplos ko ang braso niya.
Napatalon siya sa haplos ko at nakita kong pumula ang kanyang pisngi.

"Saan mo gusto, Chesca?" Tanong ni Mang Elias.

"Sa soccerfield na lang po siguro." Sabi ko.


"Ayoko!" Sabi ni Hector.

Sumimangot ako. "Sige na po, Mang Elias."

Hindi ko inakalang ako ang susundin ni Mang Elias. Pinark niya sa gilid ng soccer
field ang sasakyan.

"Doon muna ako sa may karenderya. Ginugutom ako. Baka ginugutom din kayo? Sundan
niyo lang ako dun." Sabi ni Mang Elias at pumanhik na.

Lumabas ako ng sasakyan habang si Hector ay nasa loob parin at nakahalukipkip.


Maraming naglalaro ng soccer. Nag stretch ako habang tinitingnan ang mga
naglalaro.

Page 236
Jonaxx - End This War
"Bumalik ka dito, Francesca!" Sigaw niya galing sa loob.
"Ba't di ikaw ang lumabas? Ha?" Sigaw ko.

Dahil sa sigaw kong iyon ay napatingin sa akin ang isang batalyong lalaki na
nanonood din ng laro. Isa-isa nila akong ni head to foot. Nginitian ko sila. Yung
isa sa kanila ay pulang pula ang pisngi habang lumulunok sabay ngisi sa akin.

Agad may humapit sa baywang ko. Naamoy ko agad ang bango ni Hector na bumalot sa
akin. Nilagay niya ang labi niya sa tainga ko.

"Fuck, you are not going to do this to me." Bulong niya.

Ngumisi ako. I know he'll get jealous.


"Hector! Pare!" May pumansin sa kanya sa isa sa mga lalaki.

Tumingala ako kay Hector. Tumango siya pero bakas sa mukha niya ang pagseseryoso.

"Girlfriend ko." Madiin niyang sinabi kahit wala namang nagtatanong. "Kunin ko
lang. Madalas tumakas pag masyado na kaming mainit, eh."

Nalaglag ang panga ko. Maging ang mga lalaking iyon ay nalaglagan din ng panga sa
sinabi ni Hector. Wala nang naging kasing init ng pisngi ko. Hindi na rin ako
pumiglas sa ginawa niyag pag hila sakin dahil ako mismo, gusto ko ng umalis doon
sa kahihiyan!

"Hector!" Galit kong sinabi nang nasa loob na kami ng sasakyan. "Ang sama sama
mo! Nakakahiya ha!"

"Eh kasi ayaw ko nga sabi! Nang aakit ka ng lalaki! Nakakapang akit ang soot mo!
I'm not going to share you with anyone, Chesca!"
"Anong iisipin ng mga lalaking iyon? Na may ginagawa tayong milagro?"

"Meron na naman talaga tayong ginawang milagro, ah? At simula sa gabing iyon,
narealize kong hindi kita pwedeng ipakita man lang sa iba. Kaya intindihin mo
yun! You did this to me!" Umirap siya.
"What? Baliw ka nang talaga, eh, no! You are being ultra mega possessive!"
Liningon niya ako. "So what?"

"Ewan ko sayo! Hindi naman pwedeng ganun. You are being selfish. Tsss."
"Oo. I'm being selfish." Aniya sabay tingin sakin.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya.

Natahimik kaming dalawa. Tumikhim siya at napamura ng malutong.

"I'm sorry." Ginulo niya ang buhok niya.


Page 237
Jonaxx - End This War
Nilingon ko siya at nakita kong tulala siya sa tabi ko.

"Pero, tangina, Chesca, gusto ko talagang maintindihan ng lahat ng tao dito sa


Alegria na ikaw ay akin. Gusto kong alam nilang lahat na pag aari kita. Na hindi
ka nila aagawin sakin. Na hindi man lang sila magtatangka."
Nakakunot ang noo ko pero hindi ko mapigilan ang pagngisi at pag iling. "Baliw ka
talaga! Hindi mo naman pwedeng gawin yun. Pero mabilis kumalat ang balita pag
lagi tayong lumalabas."

Parang may umilaw na light bulb sa kanyang ulo. Seriously? Iyon lang ba talaga
ang laman ng utak ni Dela Merced? Gusto niya lang ipaalam sa lahat na ako ay
kanya? Mukha atang dito umiikot ang bawat pagmumuni-muni niya sa kanyang sarili
ah?

"Pagkatapos ng exams, mag didate tayo. Tuturuan kitang mangabayo sa rancho. At


ipapasyal kita sa farm ng rancho nang sa ganun ay maraming makakita satin." Nag
evil smile siya.
Hindi ko alam kung anong plano niya pero bumilis ang pintig ng puso ko sa mga
sinabi niya. "Sige."
showall.png

Warning: Medyo SPG


-------------------------

Kabanata 38

Guess What

Tinupad nga ni Hector ang plano niya. Pagkatapos ng final exams namin ay wala na
kaming ibang ginawa kundi ang mamasyal sa buong Alegria.

"Hector, outing tayo! Sa Alps o di kaya sa Kampo Juan." Anyaya ni Kathy sa last
day namin.

Umiling si Hector. "Kayo na magplano. May gagawin kasi kami ni Chesca." Sabay
akbay sakin.

Simula nung naging kami ay sa akin na umikot ang buhay niya. Para bang walang
araw na hindi kami magkasama. Iyon ang gusto niya. Yun din naman ang gusto ko
kaya lang nag aalala ako dahil sa mga nagtatampo niyang mga kaibigan.

"Hector, sumama ka na lang muna kina Kathy. Okay lang naman."

Umiling siya at tumingin sakin habang inaayos ang buhok.


"Tsss." Umiling na lang din ako.

Simula nang dumating ako sa buhay niya, lahat ata ng gusto ko ay ginawa niya.
Page 238
Jonaxx - End This War
Ngayong kami na, buong oras niya ginugugol niya sa akin. Ayan tuloy at parang di
kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinusundo. Hindi kumpleto pag walang text
niya. Hindi kumpleto pag hindi ko nakikita ang gwapo niyang mukha.

Tumatawa ako nang tinitingnan ko ang puting kabayong si Abbadon.

"Ibang kabayo na kasi! Gusto ko yang sayo! Yang itim!" Sabi ko sabay turo sa isa
pang kabayong dala niya.

"Hindi nga pwede. Hindi pa masyadong tamed si Gabrielle. Ako ang sasakay sa
kanya. Si Abbadon ang sakyan mo."

Sumimangot ako at padarag na sumakay kay Abbadon.

Hirap ako sa pagbabalanse. Masyadong mataas si Abaddon at nakakaduwag isiping


pwede kang mahulog sa kanya anytime. Mas naduduwag ako pag naglalakad siya. Kahit
na hawak hawak ni Hector ang lubid ay pakiramdam ko mahuhulog parin ako pag bigla
siyang tatakbo.

Ilang araw ang nakalipas ay nagawa niya nang bitiwan ang lubid habang nakasakay
ako. Madaling matutunan ang pagbabalanse. Lalo na pag desidido ka sa pag aaral ng
pangangabayo.

Nakita kong parang lawing nakaabang si Hector sa paninitig sakin habang


pinapaikot ikot ko si Abbadon.

"Wa'g kang malikot. Baka mahulog ka." Galit niyang sinabi habang patuya kong
pinapaliko liko ang kabayo.

"Mukhang okay na, Hector. Napatakbo ko siya kahapon nang di ako nahuhulog."
Kinindatan ko siya.

Isang linggo naman kasi kaming buong araw na nangangabayo syempre, sinong di
matututo niyan? Hinawakan ko ng mahigpit ang lubid. Tumigil si Abbadon sa tabi ni
Gabrielle kung saan nakasakay si Hector. Naka t-shirt siya at shorts habang
seryoso parin akong pinagmamasan.

"Let's race!" Anyaya ko.

Umiling siya, "Tinuruan kitang sumakay. Hindi para makipag race, Chesca."
"Ang OA mo ha! Eh sumakay, mangabayo, at patakbuhin ang kabayo, pareho lang yun!
Subukan mo! Sige na!"

"Ayoko. Baka anong mangyari sayo!"

Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinatakbo ko ang kabayo. Hindi ko siya nilingon


kahit na panay ang tawag niya sakin.

Page 239
Jonaxx - End This War
"CHESCA! BUMALIK KA DITO!"

Narinig ko ang yapak ng kabayo niya. Ayan na at sinusundan niya na ako! Tumatawa
ako habang tumitingala sa langit na medyo makulimlim. Ang saya ng ganito! I wanna
live here! Dito sa Alegria, kasama si Hector! Masaya damhin ang hangin sa balat
mo sa bawat pag kabig ng kabayo. Masaya ang feeling. Parang kaya mong gawin ang
lahat. You own the world. Hindi ko masisisi kung bakit haring hari umasta si
Hector.

Pinagtitinginan kami ng bawat rancherong nadadaanan namin. Narinig ko ang kabig


ng kabayo ni Hector, malapit na malapit na sa akin. Shit! Una akong umalis pero
naabutan niya parin ako.

Ginalaw ko ang lubid para mas bumilis ang takbo ni Abbadon.

"Chesca!" Sigaw niya.

Yumuko ako para sabayan si Abbadon. "Habulin mo ako!"

Naaninag ko ang isang maliit na burol. Balak kong paakyatin si Abbadon doon at
umupo sa kaming dalawa sa isang malaking puno sa tuktok.

"You are freaking me out, Chesca! Don't go too fast!" Sigaw niyang galit.

Tumawa lang ako at mas lalong binilisan ang takbo ni Abbadon.

Control freak. Paano kung gusto kong lumipad, pipigilan mo ako kasi natatakot ka?
Hari ka nga pero hindi lahat ng tao ay mapapasunod mo!

Pinaakyat ko si Abbadon sa burol. Dinig na dinig ko ang bawat kabig ng kabayo ni


Hector. Malapit na malapit na siya sakin.

"Chesca!" Sigaw niya.

Syempre, alam niya kung paano umakyat sa burol. Ako, ito ang unang pagkakataon na
gagamit ako nitong kabayo kaya medyo humina ang takbo namin. Napagtanto kong
kumulog at nagsimulang umambon.

"Shit! Wrong timing! Gusto kong humiga sa ilalim ng punong yun!"

Nang nakarating ay agad akong bumaba kay Abbadon. Hinihingal pa ako at pawis na
pawis dahil sa ginawa. Mabilis ang pintig ng puso ko at agad akong humiga sa
ilalim ng puno. Nakangisi pa ako at inaabot ko sa mga kamay ko ang makulimlim na
langit.

Page 240
Jonaxx - End This War

Narinig ko ang pagbaba ni Hector sa kabayo. Tiningnan ko siya at nakita kong


medyo galit parin siya. Pawis na pawis din siya habang tinatanggal ang kanyang
t-shirt. Napalunok ako nang bumalandra ang katawan niya. Parang may kung ano sa
tiyan kong di ko maintindihan. Siguro ay naalog itong tiyan ko sa pagpapatakbo ng
kabayo.

"Don't you dare pull that... fucking... stunt again!" Aniya sabay upo sa damuhan
at kulong sa akin sa kanyang mga bisig.

"Okay naman ah? Wala namang nangyaring masama!" Tumatawa kong sinabi.
Umaangat baba ang dibdib ko habang nilalapit niya ng paunti unti ang mukha niya
sa akin.
"Lagi kang galit. Wala namang masama sa ginawa ko." Umirap ako pero
naghuhuramentado na.
"Hmmm. Talagang walang masama sa di pagsunod sakin?" Bulong niya.
"Wala naman talaga. You need to set me free sometimes kahit na masyado kang
protective." Inirapan ko siya.

"Hmm. Sige, irapan mo pa ako." Mas malambing niyang sinabi.

Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko pababa sa hips ko at pabalik ulit. Nag
tindigan ang balahibo ko.

"Mag taray ka pa, Chesca..." Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siyang nakatitig sakin.

"Hmm... Bakit ba gusto mo akong nagtataray?"

"Ewan ko." Nagkibit balikat siya.

Hinaplos niya ang tiyan ko at binahagi niya ang mga binti ko at pumagitna ang
tuhod niya. Ngumuso ako at napapikit. Humalakhak siya.

"Naaalala mo ba ang gabing yun?"

Sumibol ang init sa dibdib ko sa sinabi niya. Para akong nilalagnat sa pag iinit
na naramdaman ko kaya bahagya akong umiwas sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko.
Hinapit niya ang beywang ko at inilapit pa lalo sa kanya. Nag iwas ako ng tingin.

"Hmmm. Ba't ka nahihiya?" Ngumisi siya.


Uminit pa lalo ang pisngi ko. "Hector, stop it." Bulong ko.

"Titigil sana ako pero ang lakas ng pag ayaw mo, Chesca. Ano? Nagustuhan mo ba?"
Napapikit ako. SHIIIT! "Pwede ba!" Umirap ako.

Page 241
Jonaxx - End This War
Humalakhak siya. "Nag iinit ako tuwing nagtataray ka."
SHIT! Tinulak ko siya palayo at bumangon na ako.

Tumatawa siya habang pinagmamasdan ako tumayo at naglakad palayo sa kanya.

"Baliw!" Nag aapoy ang pisngi ko sa init. Kainis ka! Hector!


Humagalpak na lang siya sa tawa habang nakaupo parin sa damuhan.

Unti unti nang lumalakas ang ulan kaya dumiretso na ako sa kabayo.

"Balik na tayo!" Sigaw ko. "Giginawin na ako sa ihip ng hangin dito sa burol at
sa ulan!"
Tumayo siya pero tumatawa parin. "Kayang kaya kitang painitin. Yan ay kung hindi
ka pa nag iinit ngayon."

"TSEH! Tumigil ka nga!" Iniwan ko na siya doon habang tumatawa parin siya.

Kainis! Buong pagsakay ko sa kabayo ay nakakagat labi ako. Lintek na Hector Dela
Merced! Sana di ka na lang na devirginize nang sa ganun ay hindi ka ganito ka
green. Well, green na siya noon pa. Boys will be boys kaya nga may nakita akong
mga magazines na ganoon sa bahay nila. Hindi siya santo. Umiling ako at narinig
ko na naman ang kabig ng kabayo niya sa gilid ko.

"Kina Aling Nena muna tayo sumilong." Natatawa niyang sinabi nang datnan niya
akong nakakunot ang noo at nakakagat labi.

"Whatever!" Iniwan ko siya pero nasa likod parin siya at tumatawa na parang
kinikiliti nino.

Aling Nena? Galit yun sa akin. Pero wala naman sigurong magagawa ang matanda sa
oras na makatungtong ako sa pamamahay niya at nandyan si Hector. Agad kong tinali
ang lubid ni Abbadon sa kawayang bakod ng bahay ni Aling Nena.
Basang basa na ako sa lumalakas na ulan kaya agad akong pumasok sa bahay ni Aling
Nena. Naabutan ko siyang nagkakape sa loob.

"Magandang hapon po." Bati ko.


Napangiwi siya sa ayos ko. Syempre, naka maiksing shorts ako at t-shirt na basang
basa sa ulan.

Tumatawa at tumatalon talon si Hector nang dumating sa bahay ni Aling Nena dahil
basang basa din siya sa malakas na ulan.

Nang tumungtong siya sa rug na tinutungtungan ko ay bigla niya akong siniil ng


mainit na halik.

Page 242
Jonaxx - End This War

"Ang lamig." Bulong niya. "Kailangan ko ng init mo."


"Oh my-" Hindi niya ako pinatapos dahil sabik at gutom na halik na ang ipinalit
niya sa mararahang halik na iyon.

Pinahilig niya ako sa pintuan habang hinahalikan sa leeg. Kinagat ko ang labi ko
habang pinipikit ang mga mata. Inangat niya rin ang magkabilang binti ko at
pinaramdam niya sa magkabilang hita ko ang na tuturn on na kanya.

"SHIT!" Sigaw ko.


Humalakhak siya sa tainga ko.

"Kung gusto niyong mag painit, may kape diyan." Sabi ng matandang si Aling Nena
sabay nguya ng pandesal.

Napatingin kaming dalawa ni Hector sa kanya. Nakalimutan kong nandito pala siya!
At si Hector ay hindi man lang natinag o nabigla sa presensya ng matanda.

"Magpapalit lang po kami kasi pareho kaming basang basa." Ngumisi si Hector kay
Aling Nena.
Tumaas ang kilay ni Aling Nena pero tumango na lang sa sinabi ni Hector.

"Ano, Chesca? Ako ang mauunang maligo o sabay tayo?" Tumatawang sinabi ni Hector.

Napatingin ako sa naka ismid na si Aling Nena. "Baliw! Ikaw na lang muna!" Sabi
ko.

Tumawa siya at siniil pa ako ng isa pang halik.

"Kumuha muna tayo ng damit sa taas." Aniya at nag evil smile.

Hindi pa ako nakasagot ay hinigit niya na ako patungo sa taas ng bahay ni Aling
Nena. Nag aalinlangan pa akong sumama pero dahil masyadong mapilit si Hector ay
nagpatianod na lang ako.

Nang nakarating kami sa kwarto ay agad niyang sinarado ang pinto.

"Hector! Hindi pwede dito!" Saway ko.

Umiling siya. "Bahay ko rin ito."


"Huh?"
Ngumisi siya at pinaulanan ako ng nanunuyang mga halik sa gilid ng labi, sa
ilalim ng tainga, sa leeg... pababa.

Page 243
Jonaxx - End This War

Bawat paghinga niya na dumadapo sa balat ko ay para akong kinukuryente. Di ko


magawang hagilapin ang mga salita para mapatigil siya dahil masyado akong lasing
sa bawat dampi ng kamay at labi niya.

"You are mine." Aniya. "Gustuhin ko mang magpigil pero ang hirap pag ganitong
nagtataray ka at sinusuway ako."
Kinagat ko ang labi ko lalo na nang hinawi niya lang ang bra ko at hinawakan agad
ang dibdib ko. Napahawak ako sa buhok niya. Hinalikan niya ang dibdib ko at sa
bawat paghalik niya ay napapaliyad ako sa klase klaseng sensasyon na naramdaman
ko.

"Hector... Oh... my..."


"Shhh... Wa'g kang maingay. Ayokong bilisan. Pag nag iingay ka bibilisan ko
talaga 'to."
May kung anong init na gumuhit sa katawan ko habang ang isang kamay niya ay
bumaba sa gitna ng hita ko. Nakatayo ako ngayon pero nawawalan ako ng lakas para
mapanatili ang balanse ko. Nakayuko naman siya sa dibdib ko habang inaabot ang
gitna ng hita ko. Hinawi niya lang ang shorts ko at naramdaman ko agad ang bawat
haplos niya dito.

Pinaglapit ko ang binti ko para mapigilan ko ang malikot niyang kamay.

"Hmmm. Nag rerebelde ka na naman." Bulong niya nang ibalik niya ang bibig niya sa
tainga ko.

"Eh... Hector..." Para akong nabaliw nang narinig ko ang lambing ng boses ko.
Shit! Hindi naman ako ganito ka lambing pero bakit umaalin ang bawat bigkas ko ng
salita?
Ngumisi siya at kinagat ang kanyang labi.

"Sumuko ka na, Chesca. Ako ang hari dito. At pag aari kita simula nang minahal mo
ako." Nilapit niya ang bibig niya sa akin at inihiga niya ako sa malaking carpet
ng kwarto. "Sumuko ka na sakin."
Marahan ko siyang tinulak. Binaba niya ang shorts ko at tuluyang hinubad.

"Basang basa na yung shorts mo. Kailangan ng palitan." Humalakhak siya.


"Manyakis ka talaga!" Sabi ko bago niya ako siniil ng halik at pinasok yung
kanya.

Damn! Bakit ang dali dali lang pag si Hector? Bakit parang ang dali daling sumuko
pag siya? Siguro nga ay pag aari niya ang buong pagkatao ko. Siguro nga ay
kanyang kanya na ako.

Binalot ko ang sarili ko sa kumot pagkatapos ng nangyari. Nakapag bihis na ako at


si Hector na lang ang hinihintay ko habang naliligo siya. Awkward ang katahimikan
sa gitna naming dalawa ni Aling Nena. Hindi siya nagsasalita. Ni hindi niya ako
tinitingnan.

Page 244
Jonaxx - End This War
Bigla kong narinig ang maingay na ringtone ng cellphone ko. Dinala kasi ni Hector
dito kanina ang mga gamit namin bago kami nangabayo.

"Sagutin mo yan, naiingayan ako." Wika ni Aling Nena.


Sumulyap ako sa kanya bago ko dinampot ang cellphone kong may tawag galing kay
Craig.

"Hello?" Tumayo ako at lumayo doon sa hapag.


"Ateng, guess what? Clark's here."
SPG: Lengwahe

-------------------------------------
Kabanata 39
Experience

Nayanig ang buong sistema ko sa linya ni Craig.

"Clark?" Bulong ko.

Napalingon si Aling Nena sa akin pero ipinagkibit balikat niya lang iyon.

Mas lalo pa akong lumayo. Halos lumabas na ako ng bahay ni Aling Nena para
kausapin ang kapatid ko. Kinakabahan ako.

"Oo. He's here, right now. Kinakausap siya nina mama at tiya."

"Bakit? I-I mean... ano? ANO?"

Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ako makapaniwalang nandito ang ex ko sa Alegria.

"Hinahanap ka niya."
Parang tumigil ako sa pag hinga sa sinabi ni Craig.

Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Ang nadatnan ko kay Clark nang
nagpunta ako sa Maynila. Nakapatong siya kay Janine habang umuungol ng husto si
Janine. Fuck! I was so devastated. Hanggang ngayon dala ko parin ang pandidiri at
pagkainis sa kanilang dalawa. Pero kung gusto nila iyong ipagpatuloy, wala na
akong pakealam. I'm happy with Hector.

Alam kong masyadong maaga. Limang buwan pa lang ako dito sa Alegria at napalitan
ko na agad si Clark. Worst... may nangyari na samin ng dalawang beses ni Hector.
Noon ay wala pa iyon sa isipan ko dahil hindi naman ako minamadali ni Clark. Pero
ngayon? Ultimo pag tanggal ni Hector sa kanya pag nandyan na ay naiisip ko na!
Uminit ang pisngi ko sa naiisip ko. Pinilig ko ang ulo ko para makalimutan iyon.
Page 245
Jonaxx - End This War

"Ateng, andyan ka pa ba?" Humalakhak si Craig. "Are yoy confused?"


"WHAT? I'm not!" Sabi ko nang nag snap out sa aking mga iniisip.
"Gusto niyang makipag kita sayo. Ano? Dito ba sa bahay?" Tanong ni Craig.

"Bakit pa siya makikipagkita? Ayaw ko ng makipagkita sa kanya, Craig. I don't


love him anymore."
"Edi sabihin mo sa kanya. I mean, ate, pag di ka nagpakita, ibig sabihin bitter
ka parin sa nangyari. Kailangan niyo ng closure na dalawa-"
"May closure na kami noon pa bago ako umalis ng Maynila-"
"Ikaw may closure pero siya ata wala kasi humagulhol iyon dito kanina sa harap ni
tiya."
"WHAT?" Kinagat ko ang labi ko.

"So? Ano? Itataboy ko na lang ba ito?"

After almost six months ay ngayon pa siya magbabalak na hanapin ako para
magkaroon kami ng closure? No! I doubt it... Something is up! If he's asking me
back, bakit hindi noong June? Bakit ngayong Oktubre pa, diba? Nagsawa na ba siya
sa kakasakay niya kay Janine at ngayon ay nagpasyang sakin na ulit? Fuck you,
Clark. I'm sorry but I'm in love with someone else right now. Your turn is done
and you failed me!

"Just tell him I don't wanna see him." Sabi ko.

"Really? Kahit na ikaw na lang mismo ang magsabing wala na talaga kayong
babalikan?"
"Hi!" Napatalon ako sa biglaang bati ni Hector.

Agad kong pinutol ang tawag ni Craig. Pakiramdam ko naubos ang dugo sa mukha ko
dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Para akong guilty sa isang kasalanan kahit
alam kong wala naman talaga akong kasalanan.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya at binaba ang tingin sa cellphone ko.
"Si... Cla-Craig..." Halos higitin ko ang dila ko sa inis ng pagkakadulas.

"Oh, bakit daw?"


"Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko habang tinitingnan ang gwapo niyang mukha habang
nagpupunas ng basang buhok.
"Umuulan pa. Mamaya na lang."

"Eh... Uhm... Kailangan. Si Lola Siling kasi nag wa-wild na naman yata."
Pagsisinungaling ko.

Sigurado akong ihahatid ako ni Hector. At paano kung nakaabang si Clark sa tapat
ng bahay habang hinahatid ako nitong hari ng buhay ko? I should do something
Page 246
Jonaxx - End This War
about it.

"Hmmm. O sige. Text tayo ah, tsaka bukas ulit? Tatawagan ko lang si Mang Elias."
Aniya at kinuha sa loob ang cellphone niya.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Habang tinatawagan niya si Mang Elias ay nag
titext naman ako kay Craig.

Panay ang isip ko ng lugar ng tagpuan namin ni Clark. Kung sa sentro ay baka may
makakita samin. Kung sa Kampo Juan ay baka may makakitang kaibigan ko. Kung sa
Alps o sa Tinago, paniguradong may makikita parin. Alam ng lahat na ako ay kay
Hector. Sa sobrang pang aangkin ba naman ng lalaking ito, sino pa ba ang hindi
makakaalam?
Ako:

Pakihatid siya sa gazebo. Yung malapit sa ilog papuntang ACC.

Doon ko naisip dahil alam kong walang tao dun. Pinapalibutan iyon ng gubat at
wala ni isang tao ang madalas dumaan doon. Siguro ay iyon ang naging pugad ni
Hector at alam iyon ng lahat kaya walang nangangahas na pumunta doon.

Craig:

Alright.

Nilingon ko si Hector at nakita kong nililigpit niya na ang gamit ko. Nilingon
niya rin ako. Namutla na naman ako sa titig niya.

"Oh, bakit?" Kumunot ang noo niya.


"W-Wala." Tumawa ako at kinuha ang bag.

"Nandyan na si Mang Elias sa labas. Ihahatid ka namin sa bahay niyo."

Tumango ako at pumanhik na kasama siya. "Alis na po ako." Sabi ko kay Aling Nena.
Tinitigan lang ako ng matanda hanggang sa nakaalis na ako sa bahay niya.

Ngiting ngiti si Hector nang nasa sasakyan na kami. Dikit pa siya ng dikit sakin.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at kinindatan. "Nagawa na naman natin." Humalakhak siya.


Uminit ang pisngi ko at agad nilingon si Mang Elias na walang kamuwang muwang sa
binubulong sa akin ni Hector.
"Next time sa loob-"

Page 247
Jonaxx - End This War
"HEP!" Agad kong tinakpan ang bibig niya.

Bakas parin doon ang ngisi niya kahit na tinakpan ko na iyon.

"Wa'g na wa'g mong susubukan yan, Hector."

Tumawa na lang siya nang tumawa habang ako ay iiling iling hanggang sa nakarating
na kami ng bahay.

Umaambon parin at halatang uulan pa maya maya. Nakita ko si Craig na nakasilong


sa puno namin habang tinitingnan ang cellphone niya. Agad akong ginapangan ng
kaba. Nandyan pa kaya si Clark? Nakaalis na ba siya?

Nanlamig ako at nanuyo ang lalamunan ko. Kung hindi lang ako hinapit ni Hector at
hinalikan ang noo ay hindi ako kakalma.

Kumunot ang noo niya nang nakita ang pagkabigla ko sa ginawa, "Oh? May problema
ka ba?"

"Wala. N-Nag aalala lang ako kay Lola." Untag ko.

Tumango siya at hinaplos ng marahan ang braso ko. "Pasok muna ako sa bahay niyo?"

"Ha? Wa'g na! Umuwi ka na. Itetext lang kita pagkatapos." Sabi ko sabay labas ng
sasakyan nang sa ganun ay hindi niya na maisipan iyon.

"O-Okay. I love you." Binaba niya ang salamin ng Jeep para makausap pa ako.

"I love you too." Ngumisi ako at agad agad din siyang tinalikuran para buksan ang
gate at makapasok sa loob ng bakuran namin.

Una kong nilapitan si Craig. Hinintay ko munang umalis ang sasakyan ni Hector
bago ako nagsalita.

"Asan siya?"
"Nandun na." Si Craig.
"Anong ginagawa niya dito kanina?"

"Hindi ko alam. Naiinis ako sa pag mumukha niya, eh. Hindi ako nakinig sa usapan
nila." Utas ng kapatid ko.
Tumango ako.
"Ni drop siya ni Teddy kanina sa may daan patungong gazebo na sinasabi mo. Kaya
lang, pumunta si Ted sa Camino para bumili ng manok. Di ko na nga sinamahan kasi
naiirita ako kay Clark."
Ngumuso ako at nakita ang nakakunot na noo ng nakababatang kapatid ko. "Thanks,
Craig."

Page 248
Jonaxx - End This War
Hindi na ako nag abalang kumuha ng payong nang umalis ako sa bahay at tumulak
papuntang gazebo. Naglakad lang ako papunta doon. Naglakad ako para maka
formulate ako ng mga ideya kung anong sasabihin ko sa ex ko mamaya pag nagkausap
na kami.

Nang lumiko na ako sa talahiban papuntang gazebo ay nagsitindigan na ang balahibo


ko. Hindi iyon dahil sa lamig dala ng ambon, kundi dahil sa lamig na naramdaman
ko sa sikmura ko. I have no feelings toward him anymore.

Naaninag ko ang tulalang si Clark habang nakahawak ang dalawang kamay at


nakahilig ang katawan sa haligi ng gazebo. Dinudungaw niya ang ilog at hindi siya
gumagalaw.

Nang narinig niya ang mga yapak ko ay saka siya lumingon sa akin. Agad bumungad
sa akin ang mapupungay niyang mga mata at naiiyak niyang ekspresyon.

"Oh God, Chesca! I missed you!" Niyakap niya ako.

Bumalot sa akin ang mainit niyang yakap. Hindi ko siya niyakap pabalik. Hinayaan
ko siyang yakapin ako kahit na nairita agad ako. Ito na siguro ang huling beses
na magiging ganito kami kalapit ni Clark.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at yumuko para mas lalong makita ang
mukha ko.

"I... I still love you..." Nababasag ang kanyang boses nang sinabi niya iyon sa
akin.

Wala akong ginawa kundi ang titigan siya ng walang ekspresyon. Tulad ng feelings
ko sa kanya na wala na rin.
"I'm so, so, sorry. N-Natempt lang ako!" Paliwanag niya.

"Alam ko, Clark." Sabi ko.

Bumuhos ang kanyang luha.

Mas lalong gumulo ang buhok niya at mas lalong na define ang kanyang mahahabang
eye lashes. Umihip ang malakas na hangin at wala akong maramdaman kundi ang
pagiging manhid.

"I'm sorry... Hindi kami ni Janine. Kahit kailan di ko siya minahal! Ikaw lang
ang minahal ko, Chesca."

Kung sana ay hindi ko naiisip na sinasakyan niya si Janine nang nadatnan ko


silang dalawa sa Maynila ay madali akong mahahabag ngayon. Kung sana ay nag away
lang kami ng simple at hindi siya nagtaksil ay sana madaling umo-o ulit. Pero
hindi... Mahirap na mahirap na. Ngayon pang may mahal na akong iba?
Page 249
Jonaxx - End This War

"Chesca, believe me! Nung nadatnan mo kami! Nakainom kami nun-"


Nanliit ang mga mata ko.

Hindi ko kayang hindi magtanong.

"Bakit?Bakit after 6 months, Clark. Ngayon lang?" Tanong ko. "Ngayon mo lang
naisipang sundan ako dito?"

"B-Because I know... I know... you are still mad at me! Kaya pinahupa ko muna ang
galit mo. I know you still love me, Chesca. I know!" Aniya.

Mariin kong tinikom ang bibig ko habang humahagulhol siya sa pag iyak.
"Sinabi ng tiya mo na mahal mo parin ako!" Giit niya.
"WHAT?"

Napaatras ako sa sinabi niya.

"Yes... Chesca... I know everything now, honey. Shhh..." Aniya at agad akong
binalot sa yakap niya. Hindi ko na siya kayang pagbigyan. Pumiglas ako ngunit
dahil mahigpit ang pagkakayakap niya ay saka na ako nakawala nang bitiwan niya
ako at kinulong niya sa kanyang mga palad ang mga pisngi ko at mariing siniil ng
pamilyar ngunit nakakadiring halik.

"Clark!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya ngunit di siya natinag.

Pinagpatuloy niya ang paghalik. Dumaloy ang luha sa mga mata ko. Hindi iyon luha
dahil mahal ko pa siya... luha iyon para sa inis sa kanya... Inis sa ginagawa
niya ngayon at sa mga nagawa niya ngayon. Hindi ako kailanman manghihinayang sa
break up namin. Ang hindi ko lang matanggap ay isa siya sa mga itinuring kong
taong pinagkakatiwalaan ko, maging si Janine ay tinuring kong ganun, pero paano
nila nagawang pagtaksilan ako?

Wala na ba talagang mapagkakatiwalaan sa panahong ito?

Si Craig?

Si Hector? Sila na lang ba ang mapagkakatiwalaan ko? Dahil nauubos na ang mga
loyal at mabubuting kaibigan. Ubusan na sa panahong ito. Scarce ang mga taong
tunay na magmamahal sayo at kaya mong pagkatiwalaan.

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako. Kahit kailan ay hindi ko binuksan ang
bibig ko para iwelcome ang halik niya. Itinulak ko lang siya pero hindi ko alam
kung paano niya nasabi ang mga susunod niyang sinabi...

Page 250
Jonaxx - End This War

"You still love me..." Giit niya.


Umiling ako. "Hindi, Clark."

"No... You still love me. Bakit ka umiiyak kung ganun?" Tanong niya.

Ayaw kong sabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal dahil nandyan na si Hector.
Hindi ko na siya mahal dahil namatay na ang pagmamahal ko kasama sa pagkamatay ng
tiwala ko sa kanya... Minahal ko si Hector sa panibagong kabanata ng buhay ko.
Maaring mali dahil diretso ang pagkahulog ko pero iyon ang totoo.

"Si Hector ba?" Tanong niyang ikinabigla ko.

"HUH?"
"Hindi ako naniniwala." Gumuhit ang ngiting histerya sa kanyang mukha. "Gusto mo
lang magpahard to get, eh. Akala mo tatalab iyan sakin? Alam ko, Chesca! Alam ko
ang usapan ninyo ng tiya at mama mo! Paibigin si Hector para sa lupa ninyo? DAMN
IT! Magkano ba ang utang niyo sa kanya at nang mabayaran ko putangina akin ka!"
Galit niyang sinabi sakin.
Napapikit ako sa inasta niya.

"Ha? Ano, Chesca! Alam ko diba? Iyon ang totoo diba!? Damn it! Isang taon! Isang
taon tayong mag on! Ilang taon kitang niligawan! For God's sake pinaghirapan kita
ng husto!"

"Shut up, Clark! Nagkakamali-"


"No, you listen, alright!? Alam ko ang tumatakbo sa utak mo. Ilang taon na tayong
magkakilala. Kabisadong kabisado na kita. You are doing this for your damn
revenge at si Hector? Si Hector ay damay lang! Sugatan lang sa giyera natin!"

Aapila na sana ako nang may malamig akong boses na narinig sa likod ko.

Isang boses na magpapabago sa buong sistema ko.

"So... Totoo pala yun?"

Mabilis kong nilingon at nakita ang nakakuyom na panga ni Hector. Nakita kong nag
flex ang muscles niya sa braso dahil sa pagkukuyom ng kamao niya. Para bang
readyng ready siya manuntok.

"Sino ka?" Agad tanong ni Clark.


"Hector!" Sigaw ko sabay hakbang patungo sa kanya pero nilingon niya ako gamit
ang galit niyang mga mata.
"Diyan ka lang at hindi ko kailangan ang babaeng tulad mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Umiling iling agad ako habang nanunoot sa kalamnan ko
ang mga sinabi niy. "Oh my God! Wa'g kang maniwala sa kanya! Ikaw ang mahal ko-"

"SHUT UP, FRANCESCA!" Sigaw niyang galit na galit. "Kung mahal mo ako, ba't ka
Page 251
Jonaxx - End This War
naglihim, ha?" Mariin niyang sinabi "Kung mahal mo ako, ba't nandito ka ngayon at
nakikipagkita sa kanya? HA?"

"Simple lang, dude, mahal niya ako. Ako yung tunay dito. Ako ang nauna."
Bumaling ang nag aalab na mga mata ni Hector sa kanya. Tumawa siya at tinaas ang
kanyang kilay. "Talagang ikaw ang nauna? Sigurado ka ba diyan? Mas mahal nito ang
lupa nila kesa sayo, eh." Umiling si Hector. "Mas mahal niya ang pera kesa sayo
kasi ako yung inuna niya, diba? Iniwan ka ba?"

"Hector, please... please... pwedeng makinig-"


"Tumahimik ka, Chesca! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo dahil dinig na dinig
ko ang lahat! Tangina mo, sana di na lang kita nakilala! Sana di ka na lang
pumuntang Alegria!" Mahinahon niyang sinabi pero mariin.

"Wa'g mong ma sabihan ng ganyan ang girlfriend ko! Akin siya!" Sabi ni Clark.
"Edi sayo na!" Galit na sinabi ni Hector nang bumaling kay Clark.

Hindi ko namalayan na bumuhos na ang luha ko sa mga mata ko. Sa nag aalab pa lang
na titig ni Hector ay nanghihina na ako. But I'm not gonna give up here without
putting a good fight!

"Hector! Ikaw ang mahal ko! Alam mo yun! Alam mo yun! These past few months kahit
na-"

"TAHIMIK!" Utos niyang umalingawngaw sa gubat.

Namilog ang mga mata ko sa sigaw niya at natigil ako.

"You are nothing but a whore, Alde." Nag igting ang bagang niya at tinalikuran
kaming dalawa.

Parang pinpiga ang puso ko sa tinawag niya sakin. Pinilig ko ang ulo ko at
tinanggal iyon sa sistema ko.

Hinarap siya ni Clark at agad sinuntok. "You don't do that to my girl!" Sigaw
niya.

Natamaan si Hector sa pisngi. Nakita kong dumugo ang labi niya. Sinuntok din ni
Hector si Clark at tumilapon siya sa sahig ng gazebo.

"HECTOR!" Sigaw ko.

"Don't you dare call my name again!" Sabi niya sabay alis.

Nilingon ko si Clark. Nakita kong iniinda pa niya ang sakit ng pagkakasuntok ni


Hector. Nilingon ko rin si Hector at walang pag aalinlangang sinundan ko siya.
Hinigit ko ang braso niya para humarap siya sakin.
Page 252
Jonaxx - End This War

"Hector, please... m-makinig ka." Basag na basag ang boses ko.


"Ano pa ang dapat kong pakinggan? Lahat ng kasinungalingan mo?" Hinawi niya ang
kamay ko sa braso niya. "Wa'g mo kong hawakan. Nandidiri ako sayo."
Natigilan ako. Tumunganga ako at mas lalong bumuhos ang luha ko. Pero hindi ko
parin siya tinigilan. Hinabol ko siya at hinigit ulit.
"HECTOR!" Sigaw ko.

"TANGINA MO! BUMALIK KA SA KANYA AT MAGHALIKAN KAYO DUN! TANGINA KA!" Sigaw
niyang nagpabigla sakin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at hinigit ko na naman siya. "HECTOR IKAW ANG MAHAL
KO! AT WALA AKONG PAKEALAM KUNG ANONG SABIHIN MO! GUSTO KO MAINTINDIHAN MO YUN!
BELIEVE ME! Diba yun ang sabi mo?"
Mabilis niyang hinawi ang kamay ko sa braso niya. Nag igting ang kanyang bagang.
Nilingon niya ako at kitang kita ko ang pamumula ng mata niya. "Ano pa? Sige pa!
Ubusin mo pa yung kasinungalingan mo, Chesca. Alam ko eh... Alam ko nung una pero
nag bulagbulagan ako dahil nagustuhan kita! Pero ngayon?" Tumawa siya. "You are
just my first. Hindi ikaw ang magiging last ko. Let's just say... 'experience' ka
lang..."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko na napigilan ang kamay ko sa pagdapo sa kanyang
pisngi. Umalingawngaw ang malutong kong sampal. Nakita kong mas lalong sumiklab
ang galit niya sa ginawa ko.

Ngumisi siya. Nakakapanindig na balahibong ngisi.]

"Mas lalong bumaba ang tingin ko sayo." At tinalikuran ako.

Durog na durog ang puso ko. Hindi ko alam kung maayos ko pa ito. At hindi ko rin
alam kung aayusin ko pa ba ito.

Kabanata 40

Gone

Umiyak ako nang umiyak habang nakikita siyang papalayo sa akin. Galit ako sa mga
sinabi niya pero nanghihina ako dahil mahal ko parin siya.

"Hector, please..." Humaulhol ako at umupo na sa damuhan.

Dinaluhan ako ni Clark. Lumuhod siya at hinawakan niya ang braso ko habang
umiiyak ako. Hinahawi ko ang mga iniaalay niyang kamay.

Nakita kong humina ang paglalakad ni Hector at unti-unti niya akong nilingon.
Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinulak si Clark palayo. Ngunit nagbalik ang
minsang nawalang malamig na tingin ni Hector sakin nang nadatnan niya kaming
Page 253
Jonaxx - End This War
ganun.

"Tsss." Nagpatuloy siya sa paglakad at hindi na siya ulit lumingon pa.

"Chesca!" Tawag ni Clark sakin.

Unti unti akong bumangon. Lagi kong hinahawi ang nakalahad niyang kamay. Hinarap
ko siya. Wala akong kayang ipakita sa kanya kundi ang galit at poot dahil sa
ginawa niya.

"Umalis ka na dito, Clark!"


"Ch-Chesca... Wala na si Hector-"

Hindi ko na napigilan ang sampal ko. "UMALIS KA NA DITO! BUMALIK KA NA NG


MAYNILA!"

"P-Pero!" Bumawi siya at tiningnan ulit ako nang taong minsan kong minahal.
"Clark... Si Hector na ang mahal ko. Siya lang. At sinira mo kaming dalawa!
Hinding hindi kita mapapatawad!" Sabi ko at agad siyang tinalikuran.

"Chesca! Ang sabi ng tiya mo-"


"WALANG ALAM SI TIYA! LUPA LANG NAMIN ANG INAALALA NIYA!" Napapaos kong sigaw at
tumakbo na palayo kay Clark.

Sumiklab ang galit sa aking kalamnan habang umaalis ako doon sa gazebo.
Nanginginig ang mga daliri ko sa sobrang galit!

"Chesca! Kung mahal ka nung Hector, hindi ka niya pagsasalitaan ng ganyan!


Chesca! Bumalik ka dito..."

Mabilis ang takbo ko. Bumagsak din ang ulan. Kahit na malamig ang bawat patak
nito ay hindi ako nakaramdam ng kahit ano. Siguro ay dahil manhid na ang buong
katawan ko. Dumating na sa punto na dahil sa sobrang sakit ay wala na akong
maramdaman. Alam niyo yun? Yung sa sobrang sakit ay napagod na ang puso mong
makiramdam. Napagod na ang buong sistema mong i-acknowledge na masakit dahil
punong puno ka na...

Halos masira ang gate namin nang dumating ako. Agad napatalon si Craig sa
pagdating ko. Nakaupo lang siya sa sofa at sinundan niya ako ng tingin habang
kinakalat ang tubig galing sa katawan sa loob ng bahay namin.

"TIYA! MAMA!" Sigaw ko habang hinahanap ko sila.

"Oh, bakit, Chesca?" Narinig kong sambit ni mama nang lumabas sila galing sa
kusina.

Page 254
Jonaxx - End This War
Pareho silang gulat na gulat sa itsura kong warak na warak. Pareho ko rin silang
tinuro.

"Mga..." Kinagat ko ang labi ko. "AH!" Humagulhol ako.


"Anong nangyari?" Malambing na tanong ni mama.

"Anong sinabi niyo kay Clark? HA? Anong sinabi niyo-"


Nagkatinginan silang dalawa. Nakita kong namutla si Tiya.
"Na ginagamit ko lang si Hector? Na mahal ko parin siya?"

"Goodness, hija! Hindi ko sinabing mahal mo pa siya." Utas ni Tiya na agad kong
binanatan.

"ALAM NIYO BANG NAGKASIRAAN KAMING DALAWA NI HECTOR DAHIL SA KANYA? Dahil sa
inyo? Dahil sa inyong lahat!" Sigaw ko.

Narinig ko ang mga yapak nina papa at tiyo papuntang sala.

"Anong nangyayari dito?"

Hindi ko na maitsura ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang basang basa kong
pisngi habang hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Tinuro ko ulit si Tiya.

"Chesca!" Saway ni papa.

"Nag kasiraan kami ni Hector! Walangya mahal ko yun!" Sabi ko sabay harap kay
papa. "Pa! Mahal na mahal ki si Hector! Pero umalis siya dahil akala niyang mahal
ko pa si Clark! Pa! Akala niya ginagamit ko lang siya!" Nilingon ko si Tiya na
ngayon ay humihikbi na.

"I'm sorry, Chesca... Indifferent ka kasi akala ko hindi mo mahal si-"


"HINDI KO SINASABI SA INYO DAHIL ALAM KONG GAGAMITIN NIYO SIYA!" Sigaw ko.

"Pero kailangan natin ang lupa-"


"Tiya Lucy!" Sigaw ko.

Hinawakan na ako ni papa sa braso dahil umaamba na akong susugurin ko si tiya.


Humagulhol na rin si mama.

"Simula ngayon... pumili kayong lahat! AKO O YUNG LUPA NINYO! Sa oras na may
marinig pa ako tungkol sa lupa natin, lalayas ako dito!"
"Chesca!" Sabi ni mama. "Wa'g kang magsalita ng ganyan-"

"Oh? Bakit? Ha, ma?"


"Pamilya mo kami!" Giit ni Tiya.

Page 255
Jonaxx - End This War
"Oo! Nirerespeto ko yun! Pero kahit kailan hindi niyo ako narinig na nagreklamo
sa mga ginagawa ninyo o naninira man lang sa inyo! Kahit kailan! Tapos ngayon,
kayo pa mismo ang maglalaglag sakin? Mama!" Nilingon ko si mama. "Mama, ang sakit
sakit. Wala ka dun nang tinaboy ako ni Hector! Wala ka dun nang pareho kaming
nabigo!"

"Tinaboy ka niya, edi wa'g mong balikan-" Singit ni Teddy.


"Tumahimik ka, Ted! Wala kang pakealam dito!"

"Tsss."
"Hija, phase lang yan sa buhay." Utas ni mama.
Bumuhos ang luha ko. Nanginginig ang buong sistema ko sa galit. Wala na akong
lakas para sumbatan silang lahat at ipaglaban ang sarili ko. Iniwan na ako ni
Hector. Sinaktan niya ako dahil lang sa mga sinabi ng mga ito!
"Teenager ka. Dadaan ka sa ganyan. Masyadong extreme ang emotions mo dahil
teenager ka. Pahupain mo muna yan-" Sabi ni mama.
"Ma, di niyo naiintindihan eh. Di niyo ako naiintindihan!"

Tinalikuran ko silang lahat. Nag kulong ako sa kwarto buong magdamag. Buong
linggo. Namumugto ang mga mata ko buong linggo. At titig na titig ako sa
cellphone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang mensahe ang naipadala ko kay
Hector.

Ako:

Hector, mag usap naman tayo o.

Ako:
Hector, malapit na ang pasukan.

Ako:
Hector, miss na miss na kita.

Sa huling pagkakataon ko siyang nitext ay nihagis ko ang cellphone ko at ibinaon


ko ang mukha ko sa unan at humagulhol na lang. Bawat salita sa text ko nalulusaw
ang puso ko. Lintik! Awang awa ako sa sarili ko. Halos lumuhod ako kay Hector!
Halos magmakaawa ako makinig lang siya!

Hindi ba siya naman yung nagsabing dapat makinig kaming dalawa sa isa't-isa?
Dapat wa'g kaming magpadalos dalos? Hindi ba ito ang rason kung bakit ayaw ko pa
siyang sagutin noon? Dahil gusto kong makasiguro! Dahil ayaw kong magpadalos
dalos pero bakit ngayon siya mismo ang bumitiw? Bakit ngayon siya mismo ang ayaw
makinig? Bakit siya mismo ang umaayaw at umaalis?

Halos di ako makahinga sa pag iyak ko. Pabalik balik ang paghikbi ko. Habang
tumatagal ay mas lalong lumalalim ang hikbi ko.

Page 256
Jonaxx - End This War

Baka naman experience niya lang talaga ako? Baka naman hanggang doon na lang?
Baka naman hindi naman talaga ganun ka lalim ang pagmamahal niya sa akin tulad ng
inaakala ko? Baka puppy love lang? Infatuation lang? Ginawa niya ba akong
pampalipas oras? Ginawa niya ba akong pampalabas lang ng init sa katawan? First
time lang? Experience?

Humagulhol ulit ako habang iniisip lahat ng mga nangyari. Yung mainit na gabi sa
ilalim ng full moon. Strange. Sa gazebo iyon nangyari, at sa gazebo niya rin ako
iniwan.

O baka naman minahal niya talaga ako. Mahal niya ako. Kaso... madaling nawala.
Mabilis siyang nainlove sakin at mabilis lang ding nawala ang pag ibig niya.
Ganun. Isang pagkakamali ko lang, umayaw na agad siya. Baka naman ganun?

Hindi ko alam. Nababaliw na ako. Miss na miss ko na ang init ng bisig niya. Miss
na miss ko na ang ngisi niya. Miss na miss ko na ang bawat linya ng kanyang mukha
tuwing nakatingin siya sa malayo at tinitingnan niya ako.

"Ate, kain ka muna. Mag iisang linggo ka ng di lumalabas." Biglang pumasok sa


nakasarado kong pinto si Craig at dinalhan niya ako ng pagkain.

Tuwing kumakain ako sa loob ng linggong ito ay wala akong ginawa kundi umiyak.
Nababaliw na nga talaga yata ako. Umiiyak ako habang kumakain. Ang resulta ay
hindi ako nakakakain ng maayos.

"E-Enrolment na bukas para sa second sem. Ikaw ba ang mag eenrol o si mama na
lang?"

Inangat ko ang paningin ko kay Craig. Sa unang pagkakataon, sasagot ako sa tanong
niya.

"Ako na."

Iniwan ako ni Craig nang may bahid paring pag aalala sa mukha. Natulog na lang
ako ng buong araw. Wala akong ibang maisip kundi si Hector. Kaya naman
kinabukasan ay madaling araw pa lang ay gising na ako. Maaga ako sa school mamaya
para mag enrol.

Ginapangan agad ako ng kaba... Shit! Magkikita kami ni Hector. Napahawak ako sa
dibdib ko sa sobrang kaba na nadama. Parang aalis na yung puso ko at lilipad kung
saan.

"Ch-Chesca..." Nanginig ang boses ni Tiya nang datnan akong umiinom ng tubig.

Page 257
Jonaxx - End This War
HIndi ko siya tiningnan man lang. Pinagpatuloy ko ang pag inom ko ng tubig at
nagkunwaring walang narinig.

"I'm sorry." Narinig ko ang pagkabasag ng kanyang boses.

Hinawakan niya ang braso ko. Nalusaw ang puso ko. Kahit paano ay tiyahin ko parin
siya. Kaya lang ay sobra at nag uumapaw ang galit ko. Hanggang ngayon.

Niyakap niya ako. Hindi man lang ako natinag. Hindi ako gumalaw sa pagkakayakap
niya.

"A-Anong magagawa ko para magkabalikan kayo n-ni Hector? Papuntahin mo siya dito!
I-Ipapaliwanag ko sa kanya!" Aniya.

Nadatnan kami ni mama na ganun ang ayos kaya sumali si mama sa yakapan.

Masyado na akong napuno sa mga luha. Isang linggo akong umiyak at hindi ko na
kayang lumuha pa. Siguro ay naubos na ang luha ko sa kakaiyak. Hinawi ko na lang
ang mga kamay nila. kahit anong gawin ko, pamilya ko parin sila. Kahit na ganito
ang nangyari, nandyan parin sila. Pero hindi parin namamatay ang baga ng galit
ko.

"Chescaa..." Wika ni mama nang talikuran ko sila para magbihis na sa kwarto.

"Eto na y-yung... pang enrol mo." Sinundan ako ni mama sa kwarto at ipinakita ang
sobrang pera. Siguro ay para pampalubag ng loob ko.

Kinuha ko sa harap niya ang eksaktong pera na pang enrol pero hindi ko kinuha ang
sobra. Hindi nabibili ang loob ko, mama. Huhupa din ito. Pero sa ngayon, hayaan
niyo muna ako. Labis akong nasaktan sa nangyari samin ni Hector. This isn't just
love... I know... This is probably my biggest heartache! Kahit na hindi naman
nakahanap ng iba si Hector tulad ni Clark, mas umalingawngaw sa sistema ko ang
sakit nito.

Pumasok ako sa school nang may nakitang mga babaeng umiiyak. Pagtapak ko pa lang
sa damo ng ACC ay kitang kita ko na ang nanlilisik na mga mata ng ibang babae.
Alam ko na... Nalaman na nilang lahat. Alam na ng lahat na wala na kami ni
Hector! Na sinaktan ko siya!

"Chesca!" Nakita kong bumungad sina Jobel, Sarah, at Marie sa harapan ko.

Pare-pareho ang ekspresyon nilang naaawa at nakikisimpatya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Sarah.


Page 258
Jonaxx - End This War
Umiling ako. "Nandito yung ex ko. Nagkamali si Hector." Simple kong sinabi.

HIndi ko maipagpatuloy dahil unti unti na namang nag init ang likod ng mga mata
ko.

Hinaplos ni Sarah ang likod ko.


"May ex ka?" Namilog ang mga mata ni Jobel.
Tumango ako sa kanya.

"Tapos?" Hindi ko pa nasasagot si Sarah ay may biglang kumalmot na sa braso ko.

Nakita ko ang nagngingitngit sa galit na si Kathy! Kahit na pinapaligiran na siya


ng mga umaawat sa kanya ay nagawa niya paring kalmutin ako. Agad pumagitna sina
Jobel, Sarah, at Marie.

"TUMABI KAYO! WALANGYANG LINTIK KA, CHESCA ALDE! TUSO KA!" Sigaw ni Kathy.
"SLUT!"

Bumuhos ang luha ko. Hindi ko siya masumbatan. Hindi ko siya mabanatan. Hindi ko
siya mabara dahil masyado akong nanghina.

"Kathy!" Sigaw ng mga kaibigan ni Kathy.

May nakita akong mga umiiyak sa likod niya at parehong galit ang pinapakita sa
mga mata nila.

Tinuro-turo ako ng umiiyak na si Reese habang ang iba ay inaawat ang sisigaw
sigaw na si Kathy.

"Wa'g niyo akong pigilan! Makikita ng Alde na yan!" Sigaw niya.


"Chesca! Napakakapal ng mukha mo! Hindi ka ba nahabag? Ha? Hindi ka ba
nakonsensya man lang? Ginamit mo si Hector para sa kakarampot niyong lupa! Kung
ako ang nasa katayuan mo? Hindi bale na lang na mamatay kami sa hirap! Hinding
hindi ko magagawa kay Hector iyon!"

Humapdi ang braso ko. Kitang kita ko ang tatlong namamagang straight na sugat
galing sa kuko ni Kathy. Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi magagawa ni Chesca yun!" Giit ni Sarah.


Tinulak ni Reese si Sarah. At ilang sandali lang ang nakalipas ay nagkagulo na!
Sinampal ni Jobel si Abby at hinila naman ni Reese ang buhok ni Sarah.
Page 259
Jonaxx - End This War

"AHH!" Nagsigawan na ang mga taong nasa paligid!


May mga pumigil. May mga lalaking umawat sa magkabilang sides. Pero bayolente
parin si Kathy habang umiiyak at tinitingnan ako.
"ILANG TAO BA ANG IDADAMAY MO DITO, CHESCA? ILANG TAO!? WALA KA BANG PUSO? WALA
KA BANG KALULUWA? PERA LANG BA ANG IMPORTANTE!?"
Humikbi na lang ako. Gusto kong magsalita. Pero sa bawat pag awang ng bibig ko ay
agad ko na lang iyong tinitikom. Coz I know that their minds are clouded by
hatred... that any reason from me isn't enough. Ang gusto na lang nilang mangyari
ay ang mawala ako ngayon. Mawala ng parang bula.

Hector... Sana magpakita ka dito at pigilan sila. Nakita kong tumulo ang dugo
galing sa braso ko. Sobrang hapdi.

"Kulang pa yan, Alde!" Nag igting ang bagang ni Kathy. "Sana ikaw na lang ang
umalis. Sana ikaw ang nawala. Bakit si Hector pa? Sa kanya itong Alegria pero
ikaw ang pinagbigyan niya? Your life here is going to be hell, Chesca. Tandaan mo
yan."

Nalaglag ang panga ko sa banta ni Kathy. Hector... is gone?


Kabanata 41

Punishment

Lahat ng araw pagkatapos nun ay naging impyerno para sa akin. Umuuwi ako ng bahay
na wala paring pinapansin sa pamilya ko dahil sa nangyari. Pumapasok ako ng
school na puro pambabastos ang nakukuha ko. At kahit kailan, hindi ko nakita si
Hector.

"Okay lang naman siguro ang pinaglumaan na ni Hector, eh." Isang araw ay
hinarangan ako ng iilang seniors sa corridor.

Wala ng tao dahil mag aalas sais na. Natagalan ako sa library para sa isang
assignment.

Lalagpasan ko na sana ang grupo ng mga lalaki nang bigla akong hinigit nung isa.

"ANO BA?"

"Aba! May gana paring pumiglas kahit wala na yung tagapag tanggol niya ha?"
Tumawa sila.

Ginapangan agad ako ng kaba. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari pag
wala si Hector sa tabi ko. But I just can't wait for him to save me... Hindi
Page 260
Jonaxx - End This War
pwedeng lagi akong nakadepende sa kanya.

"Pa kiss naman oh? Kahit sa leeg lang?" Nanunuyang sinabi ng lalaking humigit
sakin.

Nagtawanan sila. Sinubukan kong manampal pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Uy! Hard to get parin pagkatapos laspagin ni Hector!"

Pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa mukha sa sinabi ng lalaki. Hindi ko alam pero
nag dilim ang paningin ko. Gustong gusto kong pumatay ng tao. Sabay sabay silang
tumawa na mas lalong nag pairita sa buong sistema ko.

Habang abala sila sa pagtawa ay tinadyakan ko ang pagkalalaki nung nakahawak sa


akin. Napayuko at napaupo siya sa sahig sa sobrang sakit. Kumaripas ako ng takbo
papuntang gate. Naiiyak ako habang tumatakbo palayo. Panay naman ang habol ng iba
niyang kasamahan.

"Manong!" Sumigaw ako nang nakita ko ang guard na nagbabantay sa gate ng school.
"Oh, Bakit, hija?"

"May humahabol sakin." Yumuko ako at hiningal sa kakatakbo. "Mga fourth year po.
Binastos nila ako." Sumbong ko habang tinitingnan ng security guard.

"Hmm. Ikaw si Chesca Alde diba?" Ngumisi siya. "Sigurado ka bang binastos ka o
nagpabastos ka?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng guard. Nasindak ako. Hindi ako makapaniwala na
wala akong mapupuntahan! Na wala na akong kakampi! Na ubos na ang lahat lahat sa
akin!

Hindi na ako nagpaalam sa guard. Mabilis akong umalis. Walang tricycle at kapag
hihintayin ko pang magkaroon ay baka maabutan lang ako ng mga seniors na iyon!

"Chesca..." Narinig ko ang tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.

Umiiyak na ako habang hinihingal na tumatakbo pababa. Para na akong baliw. Wala
na akong mapuntahan. Wala na akong kakampi. Putangina! This feels like drowning
but you don't fucking die! Sa sobrang kanegative ko ay gusto ko na lang mamatay!
No... Chesca... Malakas ka. Kahit anong ibato, kaya mo, diba? May mga taong mas
malaki pa ang problema sayo. May mga hindi makakain, may mga nawalan ng pamilya,
pero hindi nila kailanman naisip na mamatay na lang. Hope, Chesca... That's all
you need.

"Chesca..." Napatalon ako nang may biglang humawak sa braso ko.


Page 261
Jonaxx - End This War

Humagulhol ako sa iyak at halos kumaripas ako ng takbo.

"Chesca! Si Koko ito!" Sigaw ni Koko pero hindi ako nakinig.

Hindi ako tumigil sa kakatakbo kahit alam kong mabagal na iyon at halos hindi na
ako umusad dahil sa kakapusan ng hangin. Bumuhos na parang natural lang ang luha
ko. Nanghina ako. Nangatog ang tuhod ko. Wala akong makita kundi dilim sa unahan
at mga bituin naman sa langit.

"Chesca!"

Napaluhod ako sa kalsada sa sobrang pagod sa kakatakbo. Dinaluhan ako ng isa pang
lalaki. Malamig ang kanyang kamay at mabango siya. Amoy na amoy ko ang pabango
niyang nagpakalma sakin.

"Chesca..." Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Harvey.

Inilahad niya ang kanyang panyo sa akin. Lumuhod din si Koko para daluhan ako.

"Chesca, ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Nanginginig pa ang kamay ko nang dinampot ko ang panyo ni Harvey at pinunas sa


mukha.

"Koby, ihatid na natin. Isakay mo sa sasakyan." Narinig ko ang boses ni Mathew at


ang makina ng sasakyan nila sa likod ko.

Panay ang tanong nila sakin kung anong nangyari. Panay ang patawa nila sa
isa't-isa pero wala akong kibo. Wala akong magawa kundi tumunganga... matulala
habang nasa loob ng sasakyan. Kung tatraydorin ako ng tatlong ito, patay na ako
ngayon pa lang. Isinusuko ko na ang lahat ng pwedeng mangyari sa buhay ko sa
Panginoon. Wala akong hihilingin... Kung ito ang gusto niyang mangyari,
tatanggapin ko.
"Salamat." Iyon lang ang tanging nasambit ko sa kanilang tatlo nang nakarating na
ako sa bahay.

Ni presensya ng pamilya ko ay walang puwang sa akin. Wala akong ginawa kundi ang
umiyak sa kwarto dahil sa nangyari. Nababaliw na talaga yata ako! Pero wala akong
magawa... I'm choosing to hope, to not give up, to stay here and do normal
things... I choose this. At sa oras na makaahon ako sa pagkakalunod ko, hinding
hindi na ulit ako lalangoy ng mag isa. Pangako.

Page 262
Jonaxx - End This War

Dumating ako ng school kinabukasan para marinig lang sa bawat corridor ang
sinasabing pagtatraydor nina Harvey, Koko, at Mathew sa buong Alegria.

"Taga Alegria tayo, dapat tayong magtulungan! Si Hector ay dapat nandito sa


Alegria pero dahil nandito ang punyetang iyan ay hindi iyon babalik! Galit siya
at knowing Hector, hindi niya kayang palayasin ang babaeng yan dito."
Umalingawngaw ang boses ni Abby sa corridor na dinadaanan ko.

Panay ang tingin ng mga tao sakin. Halos mandiri silang lahat tuwing nakikita
ako.

"Ang hirap kasi sayo, Chesca... Eh ang ganda ganda mo." Tumatawang sinabi ni
Jobel. "Kahit wala kang ginagawa, ay parating may nang aaway sayo. Para bang lagi
kang nakakaoffend para sa kanila kasi sobrang ganda mo at hindi ka pwede dito.
Ganun yun!"
Natawa ako sa sinabi ni Jobel.

"Oo nga!" Dagdag ni Sarah.

Tuwing nakakasama ko ang dalawa ay medyo lumuluwang ang pakiramdam ko. Hindi ka
talaga aabot sa puntong walang wala ka talaga. At kahit ganito lang... masaya na
ako.

Tumingin ako sa malayo. Maraming naglalaro sa soccerfield. Nakaupo ako sa damuhan


habang hinihintay sina Jobel, Marie, at Sarah.

Kulang ang Alegria.

Pinikit ko ang mga mata ko at sa isang iglap ay nakita ko ang mukha ni Hector.
Ang perpektong mukha niyang malapit na malapit sa mukha ko. Ang pagkuyom ng
kanyang panga at ang pagbaling niya sakin nang nakangisi. Tumindig ang balahibo
ko. Napayakap ako sa sarili ko.

Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay halos mag materialize na siya sa harapan


ko dahil sa imahinasyon ko. Dumilat ako at nakitang wala siya sa harap ko... na
hindi na ulit siya babalik... na nasaktan ko na siya at maaring may gusto ng iba.
Tatlong buwan na rin ang nakakaraan at hanggang ngayon, kahit galit ako, hindi ko
parin lubos na kamuhian siya. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal. Nanunuot sa
bawat hibla ng pagkatao ko ang ginawa niya sakin. At ang sakit sakit... Ang
sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko ring manakit ng ibang tao para mabawasan ang
nararamdaman.

"Uwi na tayo." Nanginginig ang boses ni Jobel sa likod ko.

Nakarating na pala sila! Nilingon ko sila at nakita kong parehong basa at


Page 263
Jonaxx - End This War
nangangamoy si Sarah at Jobel. Umiiyak si Marie sa likod nila.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala." Mariing sinabi ni Jobel.


"Uh, nadulas kami sa CR."

Nanliit ang mga mata ko. Napatingin ako sa medyo kumalmang si Marie. Hindi niya
ako magawang tingnan.

"BUTI NGA SA INYO! LUBAYAN NIYO NA SI ALDE! WA'G NIYONG KAMPIHAN! TAGA ALEGRIA
KAYO, DAYO YAN, JOBEL!" Sigaw ng isang lalaki.

"Lika na!" Hinila ako ni Jobel at umamba silang aalis pero sinundan ko ng tingin
ang lalaki at hindi ako nagpatianod sa kanila.
"Jobel-"

"Chesca, dali na!" Galit na utas ni Jobel.


"BINUHUSAN NILA KAYO NG- WHAT THE FUCK?" Sigaw ko.

Mabilis na nag alab ang galit ko sa nangyari. Ni hindi ako napigilan nina Jobel!
Kahit na panay ang hila nila sa akin ay nakawala parin ako para sumugod ng kahit
sinong makita ko!

Aktong nakita ko sina Abby at Kathy na tumatawa at hinahigh five ang isa't-isa.
Mabilis kong hinila ang kulot kulot na buhok ni Kathy sa sobrang inis ko.

"WALANGYA KA! Hope you rot in hell, Kathy! Bruha ka! Kapal ng mukha mo!"

Napahawak siya sa kamay ko habang kinakaladkad ko siya.

"KATHY!" Tumili ng matinis si Abby at hinabol kaming dalawa.


"Chesca!" Tawag nina Jobel pero hindi na ako mapipigilan.

Nag ngingitngit sa galit ang buong sistema ko at hinding hindi ko ito


mapapalampas. Alam kong sugatan na iyong kamay kong kinakalmot niya sa ngayon
pero hindi ko magawang bitiwan ang buhok niya.

"WALANGYA KA ALDE! MAGBABAYAD KA!" Sigaw ni Kathy.


"Ahhh!" Hinila din ni Abby ang buhok ko kaya nakabawi si Kathy at hinila niya rin
ang buhok ko.

Pinagtulungan ako ng dalawa.


Page 264
Jonaxx - End This War

"CHESCA!" Sumali si Jobel, Sarah, at Marie hanggang sa may biglang pumito ng


napakalakas!

"Ortiz, Legaspi, Alde..." Umalingawngaw ang boses ng Discipline Officer namin.

Pulang pula ang kanyang mukha at galit na galit sa nangyaring kaguluhan. Mabilis
pa ang hininga ko dahil sa nangyari. Nakita kong mangiyak ngiyak si Kathy at
ganun din si Abby.

"To my office! Immediately!" Sigaw ng Officer.

Nilingon ko ang namumutlang sina Jobel. Kitang kita parin sa mga buhok nila ang
pagkakabasa.

"U-Umuwi na kayo at magpalit." Bulong ko sa kanila.

Umiling sila. "Sabihin natin kasalanan nila. Kasalanan naman kasi talaga nila."

"ALDE!" Napatalon ako sa sigaw ng officer kaya dumiretso na agad ako sa opisina
nang di na nililingon sina Jobel.

Umiiyak at nagdamayan sina Abby at Kathy sa opisina ng Discipline Officer. Umupo


ako sa sofa, malayo sa dalawang nasa gilid ng table ng officer.

"Sino ang nauna?" Tanong ng officer.


"Si Alde po." Magkasabay na sagot ng dalawa.
Napatingin ang officer sakin. Nangapa ako sa mga salita. "K-Kasi po binuhusan
nila sina Jobel ng ihi ng kabayo!"

"May ebidensya ka ba? Wala naman ah? Hindi namin yun magagawa!" Humihikbi pa si
Kathy nang sabihin niya iyon.
Umiling ang officer sa akin. "Miss Alde, Tama si Miss Ortiz. Ano ang ebidensya
mo?"

Naubos ang dugo ko sa tanong ng officer. Oo. Wala akong ebidensya pero alam kong
sila... Dahil hindi ito ang unang beses. Nakailang beses na sila sakin. Ngayon,
ang mga kaibigan ko na naman ang puntirya nila. Gusto nilang wala akong
kakampi... Nang sa ganun ay mas magiging madali sakin ang umalis dito.

Alam niyo? Kung ganun lang kadaling umalis? Kung may pera lang kami at
makakabalik akong Maynila? Matagal ko na iyong ginawa! Pero wala, eh. WALA!
Nagtitiis kayo sakin? Pwes, ako rin, nagtitiis sa inyo!

Page 265
Jonaxx - End This War
"You are suspended, Miss Alde. For one week. Hindi nitotolerate ng Alegria
Community College ang ganoong behavior. Think before you act. In every action,
there should always be a reason... And your actions right now are senseless.
Isang linggo kang maglilinis ng CR as punishment for this scandal!"

showall.png

Kabanata 42
Act of War

Natapos ang second sem ng puno ng paghihirap. Kahit na nag birthday ako ay hindi
ako pagkatapos agad ng pasukan ay hindi ko iyon madama.

Bumalik na sa dati ang tratuhan ko sa pamilya ko. Kahit na may kaunting gap na.
Kahit paano ay medyo bumuti din ang pag iisip nina mama at tiya. Hindi na rin
nila ako pinaparinggan sa mga problema sa bahay. Mukhang alam nilang hanggang
ngayon ay dala-dala ko parin ang sakit na nadama last year.

Nakaupo ako sa duyan habang umiihip ang hangin isang umaga ng summer. Nagbabasa
ako nitong isang lumang tagalog na pocketbook galing sa bookshelves ni tiya. Puno
iyon ng alikabok kanina pero inayos ko para lang may mapaglibangan. Tungkol iyon
sa isang lalaking may gusto sa isang babaeng taga Maynila. May hacienda ang
lalaki at tinatawag siyang Agila dahil mala Agila ang kanyang mga mata.

Tuwing nababanggit ang rancho, mga kabayo, kambing, bukid at kung anu-ano pa ay
wala akong maisip kundi si Hector. Sabi nila, face your fears... Kung gusto kong
mag move on, kailangan masanay akong naiisip si Hector. Masanay akong naiisip
siya at dapat kalaunan ay wala na akong maramdaman. Kailangan akong lubos na
masaktan nang sa ganun ay maging manhid na ang puso ko.

Tumunog ang upuan sa bakuran namin. Napalingon ako sa umupo roon. Nakita ko si
lola sa upuan. Nakangisi siyang nakatingin sakin. It's almost creepy. Pinagkibit
balikat ko siya at nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Sigurado ka bang mahal ka niya?"

Nilingon ko ulit ang nagsasalitang si lola.

"Po?"

"Yung matipunong lalaki, sigurado ka bang mahal ka niya?"


Ginapangan ako ng kaba. Kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni lola
Siling ay pakiramdam ko si Hector na agad.
"Yung bumisita dito nung nakaraang araw? Nung naligo kayo sa Alps?" Ngumisi ulit
si Lola at kitang kita ko ang gilagid niyang walang ngipin.

Page 266
Jonaxx - End This War
"PO? Sinong bumisita dito?"
Humagikhik si lola saka tinitigan ako sa mga mata. "Yung lalaking makisig nga at
matipuno..."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi.
Pero kasi... binanggit niya ang araw ng kaarawan ko! Naligo kami sa Alps last
week! Kahit na ginamit niya ang katagang 'nung isang araw' ay naniniwala akong
may laman ang sinasabi niya!

"Anong ginagawa niya po dito?" Tanong ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Imbes ay tinanong niya ulit ako. "Sigurado ka bang
mahal ka niya?"

Wala sa isip kong sinabi na, "Oo!"

Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko. Alam ko... kung sino mang bumisita dito
ay si Hector na iyon! Summer at walang pasok sa Maynila! Ang alam ko kasi ay nasa
Maynila daw siya at doon na nag aral!

"Kung ganun ba't ka niya iniwan?" Nag iwas ng tingin si lola Siling sa akin.

Mas dumoble ang kabang naramdaman ko. Ngayon, siguradong sigurado ako na si
Hector ang tinutukoy niya.

"Ba't ka niya pinagsalitaan ng masama?"

Napalunok ako. "Nagalit po siya."

Hindi nagsalita si Lola. Nakatingin parin siya sa kawalan na para bang dinadama
niya ang hangin sa paligid. Naaning na yata ako dito! Nahahawa na yata ako kay
lola!

"Posible bang dalawa ang maramdaman mo sa isang tao?" Tumawa siya na parang
nababaliw na.
Kinunot ko ang noo ko at nagpatuloy siya.

"Dalawa. Galit at pagmamahal. Posible ba yun? Naramdaman mo na yun?" Nilingon


niya ako nang nakangisi.
Hindi ako makasagot. Nanuyo ang lalamunan ko sa mga sinabi niya.
"Kasi yun daw ang nararamdaman niya."

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko galing kay lola. Agad namuo ang traydor kong
luha. Hindi... No... It's been 6 god damned months, Chesca! Forget him!

Napatalon na lang ako at agad napapunas ng luha nang may biglang padabog na
nagbukas ng gate.

"SHIT!" Sigaw ni Teddy.

Page 267
Jonaxx - End This War
Pulang pula ang kanyang mukha. Sinundan siya ni tiyo at ni papa na parehong
mukhang galit at nawawalan ng pag asa. Sumunod na dumating ay si tiya na umiiyak
at humagulhol.

"Ano p-pong nangyari?" Agad ko silang sinalubong.

Ayaw nilang magsalita. Walang imikan hanggang sa pumasok na sila sa loob.

"Anong nangyari?" Tanong ni Craig nang lumabas si Teddy sa manukan sa likod.

Narinig kong sinagot ni Teddy si Craig pero hindi ko na klaro ang lahat kaya
bumaling ako kay tiya.

"Bakit po?"

Umiling siya at tinalikuran ako. Bumaling naman ako kay papa at tiyo na parehong
mukhang bigong bigo.

Hinila ni papa si mama. Si Tiyo na lang ang natira sa sala kaya siya ang kinausap
ko.

"Tiyo, bakit?"

Tiningnan niya pa akong mabuti. Kitang kita ko ang luhang kumikislap sa gilid ng
kanyang mga mata. This is serious!
"Kukunin na ng mga Dela Merced ang Alps."

Napaatras ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat.

"H-Ha?"
Tumango si tiyo.
"Inilipat na daw ang buong lupain sa pangalan ni Hector. At anila'y bibilhin niya
yun..."

"Magkano?"
"500 thousand."
"HINDI PWEDE, tiyo!" Lubos ang pag aalab ng galit sa sistema ko.

Naramdaman ko ang paunti-unting pag init ng pisngi ko sa galit. Parang gusto kong
manuntok!

Page 268
Jonaxx - End This War
"Ang liit na halaga!" Sigaw ko.
"Chesca, halos higit dalawampung taon na prenda yung lupa. 500 thousand pero may
interes yun ayon sa pinagkasunduan. Kaya lumaki ang interes. Ngayon, mabibili
niya yun sa halagang iyon lang."

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig ko. Luminga na ako sa pamilya kong wala sa
paligid. Mababaliw na yata ako sa sobrang galit!

Napakawalang hiya mo, Hector Dela Merced! Sobrang walang hiya! Iyan ba ang
gagawin mo? Pagkatapos kitang mahalin? Pagkatapos ko ibigay sayo ang lahat lahat?
Siguro ay nakahanap na siya ng iba sa Maynila! Siguro ay may girlfriend na siyang
mapagkakatuwaan niya, ano? Kaya wala ng halaga sa kanya ang lupa namin! Kaya
kayang kaya niya na kaming apakan kasi wala na talaga siyang pakealam!

Nung una akala ko galit lang siya, eh. Kaya niya yun nasabi kasi galit siya. Pero
ngayon? Damn! Hindi! Hindi niya ako minahal! Wala siyang pagmamahal na naramdaman
sa akin! Puro langlibog yung naramdaman niya!

Bumuhos ang luha ko sa mga mata. Nanginginig ang labi ko. Gusto ko iyong buksan
at magsisigaw sa galit! Nilingon ko si lola! Nakakabadtrip! Nakakabadtrip si lola
Siling! Kung anu-ano pang ginagatong sa akin tapos ngayon ito pala ang
mangyayari?

"MAMA!" Sigaw ko sabay tungo sa kwarto nina mama at papa.

Naabutan kong palihim at marahang umiiyak si papa. Habang si mama ay hinahaplos


ang kanyang likod. Pinunasan ni papa ang kanyang luha sa likod ng kanyang
salamin.

"MA!" Matapang kong tawag.


"Ches-"

"Ma, ibenta po natin ang bahay sa Maynila!"


Natigilan si mama sa sinabi ko.
"Limang milyon, diba? Limang milyon ang halaga nun? Mabibenta natin yun. Maayos
ang bahay. Intricate designs at nasa magandang village! Ibebenta natin yun at
babayaran natin ang utang natin sa mga Dela Merced!"
"Pero Chesca, magandang puhunan ang lupa. Lalo na at nasa Maynila. Baka di na
tayo magkabahay pa ulit doon-"
"Ma! Please! Ibenta niyo. Bayaran natin ang utang sa mga Dela Merced. Magkano? 1
million? 1.5? Bayaran natin gamit ang pera. At ang matitira dun, ipadevelop natin
ng maayos ang Alps! Bigyan natin ng puhunan ang poultry! Mag aaral akong
mabuti... Ibalik niyo rin sa Maynila si Teddy, kahit na mag apartment siya dun o
ano! Basta! Ma, don't give up Alps!"

Suminghap si mama at papa. Dahan dahang tumango si papa sa sinabi ko. Para akong
Page 269
Jonaxx - End This War
nabunutan ng tinik dahil sa pagsang ayon niya sa aking sinabi. Dinampot ko ang
jacket ko sa ibabaw ng lamesa sa kusina at agad umalis ng bahay.

DAMN DELA MERCEDS! Alam kong mabuti ang tita, tito, at lola ni Hector. Kaya nga
nung nasa kanila pa ang Rancho ay di nila ginalaw ang Alps! Pero ngayong nakay
Hector na... nagkanda leche leche na!

Narinig kong simusipol si lola sa kinauupuan niya habang mabilis ang lakad ko
patungong gate.

"Naisahan ka." Tumatawa siya.


Nilingon ko siya at nagkasalubong ang kilay ko nang nakitang nakangisi siya at
inuulit iyon na parang chant. "Naisahan ka. Naisahan ka. Naisahan ka."

Pumikit ako at tumakbo na palayo sa bahay. Pumara agad ako ng tricycle kahit
nakaka LSS ang ngising walang ngipin at ang paulit ulit na sinabi ni lola Siling.

"Manong, sa mansyon po ng mga Dela Merced."

Tumungo na ako sa mansyon. Kitang kita ko ang malaking gate na may crest ng DELA
MERCED.

"TAO PO!" Sigaw ko.

Agad akong dinungaw ng guard nila.

Kahit kailan, noon, hindi ako kumakatok dito. Lagi akong malayang nakakapasok.
Pero ngayon?

"Gusto ko pong kausapin si Tita Lina." Sabi ko.

Napalunok ako doon at agad naghuramentado ang puso. Hindi ko pa nakakausap ang
tita ni Hector simula nang nangyari. At lalong lalo na ang lola niya! Ano kaya
ang reaksyon nila? Galit ba sila sakin? Pwes, kung galit sila... haharapin ko
parin!

"Chesca Alde?" Tanong ng guard.


Tumango ako.

"Saglit lang."

May kung sino siyang tinawagan sa telepono. Tumunganga pa ako ng ilang sandali
bago niya binaba ang telepono at binuksan ang gate.

Page 270
Jonaxx - End This War

"Nasa sala si Ma'am Lina. Diretso ka lang."


Tumango ako at halos tumakbo papasok ng bahay nila.

Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang nakaparking sa labas na Jeep Commander.


Sa lahat ng sasakyan ay iyon lang ang nasa labas. Kinakain na naman ako ng
sariling paghuhuramentado. Hindi ko na mawari kung naiihi ako o nabubuwisit!

HECTOR IS PROBABLY HERE!

Lumunok ako bago pumasok sa engrande nilang bahay. Nakita kong umiinom ng tsaa si
tita Lina sa sala. Tumayo siya at ngumiti nang nakita ako.

"Chesca, long time no see!" Bungad niyang ikinagulat ko.

Buong akala ko ay sasalubungin niya ako ng sampal dahil sa ginawa ko kay Hector
anim na buwan na ang nakalipas. Nibeso niya ako. Naestatwa na lang ako sa
kinatatayuan ko.

"Pumayat ka ata." Sumimangot si tita Lina. "I mean... not that you're not skinny
before... Pero para kang... nagkasakit."

Ngumuso ako. "Sa sobrang stress po siguro."

"Tsk. Tsk." Umiling iling si Tita Lina at umupo ulit sa sofa. "Umupo ka muna
dito. Anong gusto mong meryenda? Manang!?"

"Ah! Wa'g na po. Saglit lang ako. Hindi na po ako m-magpapaliguy-ligoy."

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at sinuguradong walang Hector na


nagkukunwaring muwebles sa tabi tabi. Nang nakumpirma kong wala ay binalingan ko
ulit si tita Lina.

"Hmmm. Hindi po namin ipagbibili ang Alps. Bigyan niyo po kami ng palugit. Say...
3 weeks. Babayaran po namin yung utang."

Tumango si Tita at nakita kong nalungkot ang kanyang mga mata. "I'm sorry about
that. Si Hector kasi... m-mapilit." Kinagat niya ang kanyang labi at uminom na
lang ng tsaa.
"Alam ko po ang mga kasalanan ko, kasalanan ng pamilya ko, lahat ng atraso
namin... Hindi po ako bulag doon. Sorry po. Alam ko po ring magkalaban talaga ang
turingan ng dalawang pamilya. Ang gusto ko lang ay mawala ang ugnayang ito...
Gusto ko pong matapos na ang laban. Para ma settle na ang lahat, bibilhin na po
namin pabalik ang Alps. Pasensya na at natagalan. Wala pa talaga kami pong pera
kaya..."
"Chesca..." Tumikhim si Tita Lina. "Hindi naman sa ganun." Umiling siya. "If only
I can convince Hector. Kahit na si mama ay kinukumbinsi siyang wa'g ganun.
Pero... he's been..." Kinagat niya ulit ang labi niya.
Page 271
Jonaxx - End This War
"Hurt." Dugtong ko. "I know..."

Umawang ang bibig ko. Tumaas ang kilay ni tita na para bang naghihintay siya ng
sasabihin ko. Pero imbes na dugtungan ko iyon ng eksplenasyon tungkol sa totoong
nangyari noon ay hindi ko na lang ginawa. Sa halip ay tinikom ko na lang ulit ag
bibig ko.

"And you've been hurt too, Chesca. You see... Hector is a tactless brat. He's
spoiled dahil kay mama at sa mga pagkukulang namin. Alam kong nasaktan ka sa mga
sinabi niya noon... Pero-"

"May kasalanan din naman ako kaya siguro tama lang yun." Sabi ko nang nanginginig
ang boses ko.

And I regret that everything is tainted now. Na kahit anong gawin ko ay may sugat
na, may peklat na at hinding hindi na iyon mabubura. Kahit anong mangyari. Lalo
na ngayong si Hector ang naunang tumira ng pasabog. This is clearly an act of
war... Ang pagbili ng Alps ay isang senyales na kalaban niya na kami... kalaban
niya na ako.

Yes, I want to end the war...

Ngumisi ako.

"I have to go, po. Thank you." Tinalikuran ko ang tita Lina.

"Chesca, mag meryenda-"

"Sorry po, thank you, pero hinihintay na ako ng pamilya ko." Sabi ko at tuluyan
nang umalis.

Yes, alright, I want to end this war. But I'm not going to lose here... Hindi
pwedeng matapos ito na sumusuko kami o natatalo kami. I'm an Alde... At kahit
malaking tao ang mga Dela Merced, I still believe that we can win this.

"Mama..." Tawag ko kay mama pagkatapos niyang sinuyod ang buong bahay namin sa
Maynila.

This is our last glance of it. Ang makinis na pagkaka finish ng sementong
dingding. Ang magandang disenyo ng ceiling namin. Ang mamahaling tiles at ang
mala hotel na CR. Ang limang kwarto at isang maid's quarter. Ang veranda na
paborito kong parte. We are going to lose this house. My home... Alegria is my
home now. But I'm willing to give it up just to win this war.

"Pwede po ba akong bumalik sa pag aaral dito sa Maynila? Kung gusto ni Craig,
kaming dalawa na lang po. Mag aapply ako ng scholarship sa university at mag
aapartment kami ni Craig. Magpapart time din po ako para may pang gastos."

Umiling si mama. Akala ko ay tumututol siya. "Ako na ang bahala sa gastos,


Page 272
Jonaxx - End This War
Chesca. Oo, babalik kayo dito. Kayong tatlo ni Teddy."

Kabanata 43

Kuryente

When I miss him, I just close my eyes and remember how much he's hurt me... then
I'm fine alone.

Madalas akong natitigilan sa gitna ng pag aayos sa apartment dahil sa kakaisip


dun. Kontrolin ang puso dahil nasa baba iyon ng utak. Nasa baba iyon dahil ang
utak ang mang aalipin dito, hindi pwedeng ang puso ang masunod. Tama si mama.
Sana noon, ginamit ko na lang talaga si Hector. Kung alam ko lang na ganito ka
sahol ang pag uugali niya ay talagang ginamit ko na lang sana siya.

Padarag kong binitiwan ang mga damit ko at ginulo ko ang buhok ko. Tuwing naiisip
ko ang lahat ng katangahan ko ay bumibilis ang pintig ng puso ko sa galit at
inis. Nag ngingitngit ako sa sobrang galit na nararamdaman.

Humanda ka, Hector.

Kalaunan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa mga corridors ng


school na papasukan ko na dapat bago ako pumunta ng Alegria. Naka maiksing shorts
lang ako at simpleng t-shirt. Natapos na iyong exams ko at positibo ang paningin
ko doon. Next week pa ang pasukan at konting estudyante lang ang meron dito.

"Hello, Kira." Malamig kong sambit sa kausap ko sa cellphone.

Humalukipkip ako at hinarap ang soccerfield mula sa corridor ng building.

"Who's this?" Boses ng bading na kaibigan ko.


"Francesca 'to. This is my new number-"
"OH MY GOD, FRANCESCA!" Tumili tili siya sa cellphone. "WHERE HAVE YOU BEEN?
WALANG MAY ALAM! ANG ALAM KO LANG AY NAG BREAK KAYO NI CLARK JOSON A YEAR AGO?"

Ngumisi ako.

Nakakatawa dahil ang tagal na nun pakinggan para sakin. Dahil sa loob ng isang
taon, ang daming nangyari. Sa loob ng isang taon, ang daming nagbago.

"Oo. Umuwi lang ako sa probinsya." Sagot ko.


"Ano ba yan? Yun lang ang sasabihin mo? My god, Chesca! Miss na miss na kita! Ang
sabi ni Tara di mo daw sila kino contact?"
Page 273
Jonaxx - End This War

Kinagat ko ang labi ko. Paano ko sila iko-contact kung ayaw kong makipag usap sa
kanila? They were my friends, alright. Pero isa sa kanila ang nagtraydor!
Talagang walang dapat pagkatiwalaan sa panahon ngayon.

"Ah! Wala kasing signal sa probinsya." Paliwanag ko.


"Pero-"

"Kira," Putol ko sa kanya. "May slot pa ba sa agency ninyo? Gusto kong bumalik sa
pagmomodelo."

Narinig ko ang singhap niya bago siya nagtitili.

Narinig ko pang kumalabog ang cellphone niya at napamura siya.

"Shit! Nahulog ang phone ko." Aniya. "OO! OO! DAMN! OO!" Sigaw niya. "Sabi ko
naman sayo noon na kailangan mo ng Agency, diba? Eh ayaw mo kasi independent ka
kasama si Clark. Well, may mabuting dinudulot din pala ang pag bibreak niyo.
Ngayon, ako na ang hahandle sayo!" Tumawa siya.

Ngumisi ako. "Talaga? Pasingit kung meron, ah?"

"Of course! May gig yata right after next week. Ililista kita! Finally! You are
so back!" Tumitili niyang sinabi. "Tinawagan mo na ba sina Janine?"

"Uh. Hindi pa. Uhmm..."

"You want this to be a surprise, Ches! O sige! Ikaw ang bahala!"

"Oh. Thank you, Kira. Itext mo lang ako pag may gig."

Agad kong pinutol ang linya. Hindi ko alam kung may balak ba akong kontakin ang
mga dati kong kaibigan. Maghihintay na lang ba ako? Maghihintay na malaman nilang
nagbalik na ako? Malalaman at malalaman din nila iyon dahil nasa iisang school
lang kami.

"Thank you." Sabi ko pagkatapos kong matanggap ang isang form na nagpapatunay na
enrolled na ako sa school na ito.
"See you sa pasukan!" Nakangiting bati ng registrar assisstant sa akin.

Tumango ako at tumalikod na para maglakad palabas ng school.

Mainit ang panahon ngayon. Inuuhaw tuloy ako. Pupunta na sana ako sa canteen ng
school para bumili ng maiinom nang may biglang nakakilala sa akin.

"Chesca Alde?" Tanong ng isang kaklase ko nung high school.

Bahagya akong napaatras dahil nilapitan niya ako at tinitigan from head to foot.
Page 274
Jonaxx - End This War

"Nanganak ka na?" Tanong niya.


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Tumitig pa siya sa tiyan ko.

"Parang walang nangyari ah? Ang payat mo parin!" Ngumisi siya.


Umiling ako. "Hindi ako nanganak, Lyn. At mas lalong hindi ako nabuntis." Kumunot
ang noo ko. "Sinong nagsabing nabuntis ako?"
Namilog ang mga mata niya. "T-Talaga? Pero yun ang usap usapan the whole year! Na
nabuntis ka ni Clark kaya ka lumayo."
"WHAT?"
"Oo!"

"Sinong nagpakalat?"
Nagkibit balikat siya. "Sa daming nag iisip na ganun ang nangyari, hindi ko na
alam kung sino ang nagpakalat. P-Pero totoong di ka nabuntis!?"

I could not believe it! Wala ba ni isa sa kanilang nagtangkang mag tanong kay
Clark tungkol sa tsismis na iyan? Or worst... hindi siya nag kukumento kung may
nagtatanong!?

Nagmartsa ako palabas ng school ng mabilis. Hindi ako makapaniwala na iyon ang
naging usap-usapan dito sa kanila! Ni isa ba sa apat kong close friends ay walang
nakapagsabi na hindi ako buntis? Tara? Desiree? Janine? Janine! Bwisit na Janine!

Wala sa sarili kong binuksan ang pintuan ng isang fast food. Na high blood yata
ako sa nalaman kong iyon! Na high blood ako sa kakaisip na iyon ang naging tingin
nila sa pagkawala ko. Ni hindi ko namalayan na ang fast food na pinasukan ko ay
punong puno ng estudyante sa university na iyon.

Dumiretso lang ako sa counter upang makapag order ng coke float nang sa ganun ay
malamigan ako. Nang lumingon ako sa mga bakanteng upuan ay doon ko lang
napagtanto kung bakit medyo naging tahimik ang loob ng fast food.

"Ch-Chesca..." Tawag ni Desiree sa akin.

Kitang kita ko na mangiyak ngiyak siya habang nag aalinlangang tumakbo sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at sinuyod ang buong lugar.

Nakita ko na laglag ang panga ni Clark sa kabilang table habang nakatayo siya.
Hindi siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nakita kong yumuko si
Page 275
Jonaxx - End This War
Janine sa table nina Desiree. Laglag din ang panga ni Tara nang nakita ako. Buong
mga kaklase ko at mga kakilala ko ay nandoon lahat. What a lucky day, isn't it?

Hindi ko napagplanuhan kung ano ang gagawin ko pag nakita ko sila. Hindi ko alam
kung magpapakaplastic ba ako o mag wo-walk out dito. Hindi ko alam. Dahil ang
tanging plano ko ay ang magpaka plastic kay Hector... Act like I don't really
care until I can fool myself. And mind you, that's just the step one. Like I
said, I'm going to win this war... Sa kahit anong paraan ay gagawin ko iyon.
Kahit na mandaya ako, gagawin ko, manalo lang dito.

"Chesca!!!" Sumigaw si Desiree at tumakbo na papunta sakin.

Halos matapon ang coke float na inorder ko dahil sa higpit ng pagkakayakap niya.

"I missed you! I missed you so much!" Sigaw niya. "Walangya ka! Bakit bigla ka na
lang nawawala?" Pinunasan niya ang luha niya.

Blanko parin ang ekspresyon ko.

"Huy!" Nilapitan na rin ako ni Tara at niyakap. "Oh my gosh! Bigla ka na lang di
nagparamdam! Bakit di ka na bumalik galing Alegria? Ha?"

Nag iyakan silang dalawa.

"Ba't ako babalik dito?" Matabang kong tanong lalo na nang nakita ko si Janine sa
likod nila.
"Wa'g ka ngang magsalita ng ganyan!" Sinapak ako ni Desiree at ngumiti siya.
"Finally! You are back! Partyyy! Anong ginawa mo sa bukid niyo? Nagpakain ng mga
kambing?

Tumawa silang dalawa at hindi ako makapaniwala nang nakita kong may bakas ding
tawa sa labi ni Janine!

Ilang sandali lang ay pinaligiran na agad ako ng mga tao.

"Dinig namin buntis ka pero di kami naniwala! I mean... naghiwalay kayo ni Clark
dahil sa LDR diba?" Tanong nung isa kong kaklase.

Nakita kong tulala si Clark sa kanyang table kasama ang iilang kaibigang
photographers din.

WALANG NI ISANG NAKAKAALAM KUNG BAKIT AKO UMALIS NG MAYNILA! Kahit isa! Hindi
sinabi ni Clark! Hindi sinabi ni Janine! At ang kapal din naman ng mukha ni
Page 276
Jonaxx - End This War
Janine na magpakita at tumawa kasama nina Desiree gayung sobrang traydor niya
sakin?

"Ah!" Tinaas ko ang kilay ko at ngumisi.

Everyone in this world is just so stupid. Wala talaga akong kakampi.

Noong una akala ko walang nakakaintindi sa akin kundi ang mga kaibigan ko.
Pakiramdam ko invincible kami pag nagsasama. Pakiramdam ko walang makakasakit
sakin kasi nandyan sila. Kahit na rebelde ako sa pamilya ko at lagi akong
napapagalitan nina mama at papa noon, ayos lang. Depressing na mapagalitan ka
lagi ng parents mo dahil lang sa paglabas mo... You're just having fun, bakit
ayaw nila ng ganun? Bakit ayaw nilang masaya ka? Ganun ang mentality ko. Pero
ngayon? Damn! Yung pamilya ko lang yata ang tinatawag kong mapagkakatiwalaan.
Kahit na marami ng nangyari sa amin ay nakita ko paring nagpakatotoo sila sakin.
Hindi nila nilagyan ng sugar coat ang bawat salita nila. Hindi nila ako
pinaniwala sa mga bagay na hindi naman totoo. In this world, you can only trust
your family. Di bale na kung pagalitan ka nila, at least they were true.

"Umalis ako kasi kailangan ako ng pamilya ko." Ngumisi ako at pinagmasdan ang pag
iwas ng tingin ni Janine sa akin. "Kayo? Kamusta kayo? Tara? Desiree?" Tumikhim
ako at mas lalong nilakihan ang ngisi. "Janine?"

"We're okay." Excited na sambit ni Tara.

Tumango ako.

Hinigit nila ako papunta doon sa table. Halos ilagay na rin ng ibang kakilala ko
ang mga silya nila sa table ko dahil gusto nilang makiusyuso.

"Sobrang gumanda ka! Nakakaganda ba ang Alegria?" Tumatawang sambit ni Desiree.

Nakataas parin ang kilay ko habang iniinom ang coke float.

"Alegria? Saan ko nga ba narinig yun?" Tanong nung kakilala ko.


"So hindi ka nabuntis?" Tanong naman nung isa.
Umiling ako. "Hindi." Halos matawa pa.

"So? Talaga palang naghiwalay lang kayo ni Clark dahil sa Long Distance
Relationship?" Tanong ni Tara sakin.

Nilingon ko si Janine na ngayon ay nakayuko na naman at namumutla sa isang tabi.


Inirapan ko siya at bumaling kay Tara. Hindi ako sumagot. Ngumisi lang ako.
Ayokong magsinungaling pero ayaw ko na munang aminin.

Siniko ako ni Tara at bumulong siya sakin. "Makipagbalikan ka na. Are you staying
here for good?"

Page 277
Jonaxx - End This War
Humagalpak ako sa sinabi niya. Dahil doon ay kumunot ang kanilang mga noo. "Oo."
Natatawa parin. "For good. Probably."

"Ganda mo na talaga." Sabi ng nakatitig na si Desiree sakin.


Umismid ako at tumayo.

KItang kita ko ang mga ulong sabay sabay na nagtinginan sa banda ko.

"Mag C-CR lang ako." Sabi ko.

I need to breathe. I need to think about my moves. Hindi pwedeng magpadalos dalos
dito. I didn't see this one coming. Si Hector ang sadya ko dito, hindi sila. Kaya
ngayong na ambush nila ako ay hindi ko na alam kung paano mag rereact.

"Sandali lang-"

Hindi ko na sila nilingon dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dahil sa bilis


ng lakad ko ay nadaganan ako ng waiter nung fastfood.

"Sorry ma'am. Sorry ma'am!" Aniya sabay pulot sa mga fries at mga burger na
nahulog galing sa tray na bitbit.

Nadapa ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabunggo niya sakin.

"Chesca!" Sigaw nina Desiree.

Nagsitayuan sila para tulungan ako pero bago pa sila makalapit ay may naglahad na
agad ng kamay sa akin. Salamat naman. Tinanggap ko iyon ng walang pag
aalinlangan.

Nang tinungtong ko ang sarili kong palad sa kanya at tinulungan ko ang sarili
kong makatayo, agad ako nakaramdam ng short circuit sa sistema ko. Para bang nag
ground ang kuryente at sa isang bagsakan ay sumabog at nasira iyon. Inangat ko
ang tingin ko at nakita ko ang seryosong mukha ng kalaban.

I can't believe it. Kinagat ko ang labi ko at agad binawi ang kamay ko galing sa
kamay niyang nakalahad parin kahit wala na doon ang kamay ko. Para akong napaso
sa kanya.

THINK, CHESCA! THINK! Don't panic!

Page 278
Jonaxx - End This War
Nag igting ang bagang niya at dahan dahang binaba ang kanyang palad. Nilagay niya
iyon sa bulsa at tumayo siya ng maayos.

Still so cocky, Dela Merced. Now... You don't own this place, control freak.
Hindi ka hari dito. Itatak mo yan sa kokote mo.
-------------------------------

Kabanata 44
Worth It

Diretso ang lakad ko papuntang CR. Ni hindi ako lumingon pagkatapos ng titigan
namin ni Hector. Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin sa salamin.

Parang may kung anong kumikiliti doon. Parang may hollow space na nilulukot.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Bahala na nga! It's
just Hector! The man I hate so much...

Mabilis kong binuksan ang pintuan para makalabas sa CR. Nakita kong nasa kabilang
table si Hector kasama ang mga lalaking kaibigan. Nagtatawanan sila pero si
Hector ay tulala at nakahalukipkip. Nagulat ako nang tumango si Oliver sa akin!
Nandito din pala si Oliver!

Bahagya ko siyang tinanguan pero hindi nagtagal ay bumaling ako kina Desiree na
ngayon ay mahinang naghahalakhakan.

"Ang gwapo niya talaga." Bulong ng di nagpapahalatang si Tara.


"Chesca..." Hinila ako ni Desiree.
"Hmm?"

"Alam mo ba yung tumulong sayo sa pag tayo? Yun yung transferee student galing
probinsya. SOBRANG SUPLADO PERO ANG GWAPO." Aniya.

Yeah right! Alam kong ganyan siya.

"Suplado siya nung una, pero kalaunan hindi na..." Sabi ni Tara. "Nakausap ko
siya, e." Kinilig pa siya nang sinabi niya yun.
"Ano ba kayo. Wa'g kayong pahalata!" Utas ni Janine.

Nakuha ni Janine ang buong atensyon ko kahit na si Hector naman talaga ang pinag
uusapan namin. Tinitigan ko siya. Nakita ko naman ang pag urong ng titig niya.
Nag iwas siya ng tingin at namutla ulit.

Page 279
Jonaxx - End This War
Tinaas ko ang kilay ko at bumaling sa nagsasalitang si Desiree.

"Hector Dela Merced. Ang hot ng pangalan!" Kinilig siya habang sinasabi niya yun.
"Hector... parang porn star." Panira ko.
Ngumiwi si Tara at Desiree. "Di noh! Ikaw talaga!" Saway nila sakin.

Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang paninitig na ginawa ni Hector sa


akin. Kahit na ganun ay panay na lang ang ngisi ko kina Desiree. Habang nag
kukwentuhan kami ay aliw na aliw ako sa paninitig ni Hector. Magdusa ka diyan. Sa
oras na kausapin mo ako, masusuntok talaga kita. Nanggigigil na ang buong sistema
ko.

"See! I knew it! She's here!" Narinig ko ang boses ni Kira.

Dumating siya kasama ang iilang kaibigan kong modelo din noon. Matatangkad,
gwapo, makikisig na dala ni Kira.

"Chesca! I missed you!" Bati ni RJ sabay patayo sakin at yakap.

Tumayo na rin sina Desiree, Tara, at Janine. Nakipag beso din ang bruha sa ibang
kasama naming models noon. Mabenta talaga si Janine sa mga male models dahil
single siya. Pero hindi ko alam bakit single parin siya gayung marami naman
kaming kaibigang nag ga-gwapuhan at single din. Iyon naman pala... nakatali ang
gusto niya.

"I missed you, too, RJ!"

"Single ka daw?" Pambungad ni Billy sa akin. Isang playful model na nasa agency
nina Kita.
Ngumiwi ako. "Oo. And very, very available." Kinindatan ko siya.

Narinig kong umalingawngaw ang tawa ng isang preskong model na kilala ko rin.

"BRANDON!" Halos mapatili ako nang yakapin ko ang isa sa pinaka close kong
modelo.

Kakalipat niya lang ng agency. Nasa kabilang agency kasi siya noon pero hindi ko
alam bakit napadpad siya dito sa kabila.

"See, guys?" Sabay tawa ni Kira.

Sa dagat ng mga male models ay nakita kong nakatayo at humahalukipkip si Hector.


Mukha mo! Tangina mo! Hayop ka! Naiinis ako kasi kung makapag react siya ay
parang kanya parin ako pagkatapos ko siyang iniwan?

Page 280
Jonaxx - End This War
Tinaas ko ang kilay ko at bumaling kay Kira. "O, bakit?"

"Napadaan kami dito tapos naisip kong pumasok kasi nafifeel ko na nandito ka."
Tumawa si Kira. "Uy, next week ah-"

"Excuse me..."

Kumalabog ang puso ko nang narinig kong pinutol ni Hector ang pagsasalita ni
Kira. I cannot believe it! I just can't! Tumikhim ako at bumaling sa gilid sabay
iling. Nagmumura na ako dito na parang tanga dahil sa biglaan niyang pag sulpot.

"Yes?" Namilog ang mata ni Kira nang bumaling siya kay Hector.

Kinagat niya pa ang labi niya na parang natatakam habang ni hi-head to foot siya.
Nakatingin ng diretso si Hector sakin. Kitang kita ko ang pag wo-walk out ni
Clark palabas ng fastfood habang nangyayari ang lahat ng ito.
"Hector Dela Merced! We meet again!" Naglahad ng kamay si Kira ngunit di iyon
pinansin ni Hector. Imbes ay bumaling lang siya sakin.
"Pwede ba kitang makausap?"

Narinig ko ang buntong hininga nina Desiree, Tara, at Janine.

"Bakit po?" Tumatawang tanong ni Desiree.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sagot ni Hector.

"OKAY!" Sinigaw ko ang sagot nang sa ganun ay hindi siya magpaliwanag sa kanila.
"Excuse me lang, Kir. Sa inyo din, boys... I'll be back." Kinindatan ko sila at
dumiretso palabas ng fast food.

Padabog akong nagpartsa hanggang parking lot. Nang nakalayu na ng husto ay


humalukipkip ako, tinaas ang kilay , at binalingan si Hector.

"What is it, Hector?"


Umamba siyang magsasalita pero hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Nanginginig ito habang binabara siya ng iba't ibang salita.

"HAYOP KA! Ang kapal ng mukha mo sumingit sa usapan ng may usapan! Ayaw na kita
sa buhay ko! Naka move on na ako kaya pwede ba wa'g ka nang sumawsaw! Masaya na
ako dito-"

"Makinig ka-"
"Okay lang naman eh! Okay lang naman na nandyan ka sa tabi pero wa'g na wa'g mo
lang akong iistorbohin sa buhay ko! Kasalanan ko ba na dito talaga ang mundo ko!
Page 281
Jonaxx - End This War
Mabuti pa bumalik ka na lang sa Alegria since iyon naman talaga ang mundo mo diba
kasi nakakairita ka!"

"Pwede bang makinig ka?" Sigaw niya.


Namilog ang mga mata ko. "Anong karapatan mong utusan ako? Anong karapatan mong
hingin sakin yan? Na makinig ako? Dahil last time, ako ang di mo pinakinggan.
Kaya mula ngayon-"

"Oo! NAGKAMALI AKO!" Ginulo niya ang buhok niya at agad bumalandra sa akin ang
pagiging desperado niya. "Nagkamali ako nang sinabi ko sayo lahat ng masasakit na
salitang iyon! Pero, God damn it Chesca! Naghahalikan kayo nun at sinabi niya
pang ginagamit niyo lang ako-"
"HINDI BA ALAM MO NANG DI KITA GINAGAMIT? Hindi ba naliwanagan na tayo? And for
god's sake it was just a kiss! Nakita mo ba yun? Tinulak ko si Clark nun pero
malakas siya!"
"Ni hindi mo sinabing may ex ka! Ni hindi mo sinabing may ibang mga lalaki ka!"
"EX KASI PAST, HECTOR! WALA NA! Bakit pa natin yun pag uusapan kung ang
importante noon ay tayong dalawa!"

Mabilis ang hininga naming dalawa pero wala ng nagsalita. Tahimik at nagkatitigan
lang kami. Puno ng galit ang puso ko. Galit sa taong nasa harap ko.
Nagngingitngit ako sa galit dahil bumuhos ang mga alaala ko nang nasa Alegria pa
kami.

"BINIGAY KO ANG SARILI KO SAYO!"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Do you remember it, Hector? Tingin mo may matinong babaeng ibibigay ang sarili
niya para lang sa titulo ng lupa? And I'm a freaking virgin! Hindi lang yung
buong sarili ko ang binigay ko sayo kundi ang pagka birhen ko!"

Nagbadya ang maiinit na luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon. No, Chesca.
No, for the love of God, NO! Do not effing cry!

"Chesca! Galit na galit ako sayo dahil buong akala ko ginamit mo ako! Galit na
galit ako kasi sinabi ni Aling Nena na narinig niya ang tiya Lucy mong
sinisiwalat habang namamalengke na kukunin mo sa bahay namin ang titulo niyo
dahil mag on na tayo! Sa oras na pumasok ka sa kwarto ko ay makukuha mo yun!"

Nalaglag ang panga ko.

"Hindi ako naniwala!" Sigaw niyang nanginginig.

Nakita ko ang kamay niyang nanginginig din. Tumunganga lang ako sa mukha niya.
Hindi ako nagbigay ng ekspresyon. No damn excuse is going to take away the pain,
Hector.

Page 282
Jonaxx - End This War
"Pero nung nakita kitang umalis ng bahay niyo pagkatapos kitang hinatid?
Kinabahan na ako! No, Ch-Chesca won't go anywhere without me-"

"You selfish brat-"


"YES! SO WHAT IF I'M SELFISH? HUH? I'm selfish dahil ayaw kitang mahawakan,
matingnan o maisip man lang ng iba!"
This is insane!

"PERO NANG NAKITA KONG PUMUNTA KA MISMO SA GAZEBO! Dun natin una yun ginawa."
Parang kumalabog ang puso ko nang narinig kong pumiyok ang boses niya.

No. Damn. Excuse. Is. Going. To. Take. Away. The. Pain.

"Tapos may lalaki kang kausap! Sa mismong gazebo, ha? I felt fucking betrayed!
Pero okay lang... di mo magagawa yan sakin!" Matapang parin ang boses niya kahit
na bumuhos na ang kanyang luha.
Habang nakikita ko siyang ganito ay parang pinipiga at hinihiwa ng pa unti-unti
ang puso ko. Pinilit kong ikunot ang noo ko para mapigilan ang nagbabantang mga
punyetang luha.

"Di magagawa ni Chesca sakin. Mahal ako nun." Umiling siya at humikbi. "Pero, son
of a bitch, naghalikan kayo sa harap ko! At sinabi pa nung lalaki na magkabalikan
na kayo?"

Humakbang siya palapit sakin.

"HA? MAGKABALIKAN? BAKIT? NAGING KAYO BA? I'm her first love! I'm her first
everything! I'm the only man she'll ever love! AKO DAPAT, CHESCA!" Hinawakan niya
ang braso ko.

Agad kong hinawi ang kamay niya at tinuro ko siya.

"At kilala niya pa ako, ha? At sinabi pa niyang wala lang ako sayo... Na alam
niya ang lahat! Na ginagamit mo lang ako!"
"Don't you ever bring that up, Hector!" Sigaw ko. "Bullshit! Wala kang tiwala
sakin? Ha?"

Pulang pula ang kanyang ilong at punong puno ang kanyang mga mata ng luha.
"Pagkatapos kong ibigay lahat sayo, wala ka paring tiwala sakin!?"
"Tangina, Ches, kung ikaw nasa mga paa ko nun-"

"Kung ako nasa paa mo aalis ako pero di kita tatawaging whore, Dela Merced!"

Tumahimik siya. Humakbang ako palapit sa kanya. Diretso at tagos ang tingin ko
kahit na punong puno ng luha ang kanyang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang
bawat feature ng kanyang mukha na miss na miss ko na. Fuck it! Stop, Chesca! We
Page 283
Jonaxx - End This War
are at war! Show no mercy!

"Hinding hindi ko sasabihing 'experience' lang yun!" Sigaw ko.

Pumikit siya at nakita ko ang pagdaloy ng luha galing sa kanyang mga mata.
"I'm sorry..." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

Hinawi ko ang mga kamay niya.

"I'm so sorry!"

Kinagat ko ang labi ko at hinawi ulit ang kanyang mga kamay na umamba na naman sa
pagyakap sakin.

"Hinding hindi ko bibilhin ang Alps!" Sigaw ko.


Nanlaki ang mga mata niya.

Nakita kong nanginig ang kanyang balikat dahil sa paghikbi. Binalewala ko iyon.
Kung pwede lang burahin ang kanyang mukha sa harap ko at kausapin na lang siya
nang di nakikita nang sa ganun ay hindi ako mahabag ay matagal ko ng ginawa!

Binuksan niya ang sasakyang nasa tabi ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang Jeep
Commander pala itong nasa tabi ko. May kinuha siyang isang papel galing sa
drawer. Nakatayo ako sa gilid ng sasakyan niya habang pinapanood siyang inaayos
ang kanyang sarili bago humarap sakin.

"Tangina ka! Ang kapal ng mukha mong umiyak sa harapan ko ngayon at mag sorr-"

Padabog niyang dinikit sa salamin ng sasakyan ang papel na kinuha. Kinulong niya
ako sa kanyang mga braso. Nakahawak ang magkabilang kamay niya sa salamin ng
sasakyan at ako ang nasa pagitan nito. Nakapikit ako dahil sa gulat sa ginawa
niya.

"Bibilhin ko iyon at ipapangalan sayo, Chesca!" Aniya.


Tumigil ako sa paghinga nang narinig ko iyon.

Ang daming bumuhos na tanong sa utak ko. Bakit? Para saan? Para makuha ulit ako?
Peace offering? Well, it's too late, Hector. Too late! Naranasan ko na lahat ng
kabalbalang pwedeng maranasan sa Alegria at sa bawat pinagdaanan ko ay wala ka!

"At eto!" Pinakita niya sakin ang isang papel.


Page 284
Jonaxx - End This War
"Binili ko ang bahay niyo at ipinangalan sayo!"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko! "WHAT?!"

Tumango siya na para bang okay na ang lahat samin. Kinunot ko ang noo ko at
hinablot ang titulo sa kanyang kamay. Nakita ko doon ang kumpletong pangalan ko
na nakapangalan nga sa titulo ng bahay.

"May bumili nun sa inyo. Pero binili ko ulit kasi alam kong pag nalaman mong ako
ang bibili, hindi ka papayag-"

Tinaas ko ang kilay ko.

Like I said, nothing will melt my heart. Not his money, not his presence... just
nothing.

Tinupi ko ang papel at itinago ko iyon sa likod ko.

"You said I'm a whore, right? Na mukha akong pera?"

Nakita kong bumuo ulit ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ches, parang awa mo
na-"

"You said experience lang ako, diba?" Nanginig ang boses ko.

Hindi ko mapigilan ang pagkahabag kahit na galit na galit parin ako.

"Ches, itigil na natin 'to. May kasalanan ako at pagbabayaran ko yun-"

"You said, right!? DELA MERCED?"

Pumikit siya. Kitang kita ko ang hinagpis sa mukha niyang walang kasing perpekto.
Nakakatawa kasi namamangha parin ako sa mukha niya kahit na galit ako. Ganun ba
siya ka gwapo at ganito ako kung maka react?

"Then guess what? I am..." Ngumisi ako. "Salamat sa bahay, ah?" Medyo nanginig na
naman ang boses ko. "At wa'g kang mag alala, experience ka lang din."

Tinulak ko siya. Nabigla ako nang halos matumba siya sa tulak ko. Wala na talaga
yata siyang lakas.

"Ches, please-"
"Malibogka, eh. Sa sobrang kalibugan mo? Dinamay mo pa ako. Pero okay lang..."
Winagayway ko ang titulo ng bahay namin. "I have this... It's all worth it...
Page 285
Jonaxx - End This War
Worth it ang ibigay sayo ang virginity ko para lang sa bahay, para lang sa
pera..."

"Chesca, don't say that-"


Umiling ako at tinalikuran siya.
"Chesca, parang awa mo na, please, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon!
Hindi kita makalimutan!"

Hindi ako lumingon.

"Chesca, please... I'm going to pay. What do you want? Paano mo ako mapapatawad?
Paano kita mamahalin ngayon? Saktan mo ako. Please, Ches... Parang awa mo na!
Come back to me."

All is fair in love and war. This is war, Hector. And you are going to pay for
every pain I felt... for every tear I shed... for every memory you left. Mas
mahal pa iyon dito.

Kabanata 45

First Day

Walang gana akong kumakain sa hapagkainan nung first day of school. Nakaligtas
lang ako sa unang pagkikita namin ni Hector pero alam kong marami pang susunod.
Ngayon pang alam kong isang school lang ang papasukan namin.

Nakapangalumbaba ako habang tinutusok sa tinidor ang hotdog nang bumalandra sa


harap ko ang kapatid kong sa wakas ay college na. Nakatapis lang siya at basang
basa pa ang kanyang buhok. Tumigil siya sa hapag para dumungaw sa mga papel na
nakakalat at mga newspaper na binasa ni Teddy noong isang araw.

"TITULO!?" Dinampot iyon ni Craig at tinaas.

Suminghap ako at tiningnan siya.


"Bahay ba natin 'to?" Tanong niya.
Nanliit ang mga mata ko. "Paano mo nalaman? Anyway, akin na yan-"

"Ateng! Bahay natin 'to? Nasayo ulit? Nakuha mo? I mean, nabili mo?" Halos
sinigaw iyon ni Craig.

Nakuha ko rin galing sa kanya ang titulo. Tumango na lang ako at nagkibit
balikat.

"Binili ng hayup na Hector." Utas ko.


"WHAT?" Tumawa siya.

Page 286
Jonaxx - End This War

Umiling na lang ako kasi humagalpak siya sa tawa.

"True love na yan! 5M para sayo? Damn, I won't even pay a peso for you." Panunuya
niya.

"Tseh! Tumigil ka ah?"


"Di, seryoso. Alam kong mayaman sila pero kay laking pera ng 5M, kahit sila ay
mamahalan dun para lang ipangalan sayo. Nagkabalikan na kayo?"
Inangat ko ang paningin ko galing sa hotdog patungo kay Craig na nakangisi parin.
"Hindi. Binigay niya, eh. Edi kinuha ko. Walang kapalit. That's what he gets."
Ngumuso si Craig. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya para makaligo na.

Pag sinabi kong revenge, revenge talaga. Gagapang si Hector at sa huli hinding
hindi siya makakabalik sakin. Tandaan mo yan, Dela Merced.

Humahakbang pa lang ako papasok sa school ay may bumangga na saking kaibigan ko.
Pinagyayakap na nila ako at pinaulanan ng mga tanong.

"Totoo pala talagang nandito ka na! My gosh, Chesca!" Ngumisi ako.

"Patingin ng sched mo?"

Kinuha ko ang sched ko at binigay sa mga kaibigan ko noong highschool.

"Classmate tayo sa first period! Waaa!" Niyugyog ako ni Queenie. "Pero yun lang
yata."

Malalaki ang ngisi nila habang naglalakad kami papuntang classroom. Mabuti na rin
at may makasabay ako dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa school na
ito.

"Alam mo ba?" Parang epileptic si Queenie sa panginginig.

"Ano?" Calm down, you.


"Dami nating gwapong classmate!" Nanginig na naman siya.
"Sinu-sino?" Ginapangan agad ako ng kaba.

Okay, calm down. Hindi si Hector ang tinutukoy niya. Maraming gwapo sa school na
ito at imposibleng si Hector yun.

"Si Clark!"
Page 287
Jonaxx - End This War
Nanliit ang mata ko.

Nag peace sign siya. "Ex mo nga pala yun. Hehe. Uhmm, si RJ! Si Billy at si JV!"
Aniya. "Hindi ba friends mo sila? Kasama mo sila sa pag momodel diba?"

Tumango ako at bumuntong hininga. Sabi na, eh. Hindi si Hector. "Oo. Pakilala
kita?" Ngumisi ako.

Halos sakalin niya ako sa sobrang kilig.

Habang ginagawa niya iyon ay nakita ko ang mga namimilog na mata ng mga babae sa
paligid. Tinaas ko ang kilay ko. Bakit? Gulat kayo kasi nagbalik ako? Hindi ko
naman kasi maipagkakaila na maraming fans si Clark noon. Kaya lang nang naging
kami ay medyo humupa ang fans niya dahil sa medyo maangas kong friends. Pag may
narinig silang admirer lang ni Clark ay halos sasakmalin yun ni Desiree kasi nga
akin daw ang lalaking yun.

Pero kalaunan ay narealize kong hindi ako ang tinitingnan nila. Kasi walang
babaeng pupula ng parang kamatis ang mukha sa pag tingin sakin. Walang babae ang
magtatalon at tumitili pag nakikita ako. Oo, may magbubulung bulungan, pero
walang mangingisay sa kilig.

"AT ETO PA!" Sigaw ni Queenie.

Napatingin ako sa braso ko kung saan dumapo ang ilang patak ng laway niya galing
sa pagsasalita ng sobrang excited at malakas. Kailangan ko ata ng kapote dito.
Ngumisi na lang ako at binalewala iyong laway niya.
"May Diyos tayong classmate!" Sigaw niya habang tumatango. "Oo, Diyos!"

Napangiwi ako at agad ginapangan ng kaba.

Si Hector na yan. Sinasabi ko na nga ba!


"Hector!" May narinig akong tumawag galing sa mga babaeng naninisay sa paligid.
"P-Pwedeng..." Bigla siyang sumulpot sa harapan ko.

Nalaglagan ng panga si Queenie habang tinuturo si Hector.

"Hector!" Malambing niyang sinabi. "Siya yung diyos!" Tumangu tango si Queenie
sakin na parang di ko alam na si Hector ang tinutukoy niya.
"Ha?" Galit kong baling kay Hector.
"Ako na ang magdadala ng bag mo." Utos niya.

"WHAAAT?" Tumadyak tadyak si Queenie at balisa na siya sa sinabi ni Hector.


Like, what the fuck?

"Ah? Who you po?" Tinaas ko ang kilay ko. "I mean, sorry pero I don't talk to
strangers. Tsaka, may kamay naman ako. Kaya ko ang bag ko."

Napalunok si Hector sa sinabi ko.


Page 288
Jonaxx - End This War
"CHESCA!?" Pinanlakihan ng mata si Queenie habang ina eye to eye contact ako.
Para bang pinipilit niya akong hayaan si Hector sa gusto niyang gawin.
Ngumisi ako at tiningnang mabuti si Hector. "Okay? di kita kilala. Okay? Sorry."

"Ako na ang magdadala, Ch-"


"DI KITA KILALA!" Sigaw ko.

Napatingin ang mga tao sa paligid ko. Alam kong hindi ito kapanipaniwala.
Imposibleng hindi ko siya kilala pagka't siya na mismo ang lumapit pero murang
kumbinsido pa naman si Queenie na hindi ko siya kilala.

"Si Hector Dela Merced yan." Singit ni Queenie.


So what if he is Hector Dela Merced! This isn't Alegria. "I'm Chesca Alde. Pero
hindi talaga kita kilala, sorry. Lika na, Queenie!"

Parang nag ugat ang paa ni Queenie doon sa kinatatayuan niya. Kaya malakas ang
paghigit ko sa kanya. Napamura pa siya nang iwanan namin si Hector sa
kinatatayuan niya.

"Hay naku! Hay naku!" Aniya habang papasok sa classroom.

Nakita ko ang mga kaklase ko. Tama siya. Kung paano niya nalaman na classmate
namin sina Clark, RJ, JV, at Billy ay hindi ko na alam.

"Can you believe it? Oh my God!" Aniya sa bawat kaklaseng nakisalamuha niya.

Tinapik ni Desiree ang upuang malapit sa window para ipaupo ako doon. Tumango ako
at lumapit kahit na umalingawngaw ang boses ni Queenie sa buong classroom.

"Tinanggihan ni Francesca Alde si Hector Dela Merced!" Tinuro turo pa niya ako.
Umiling ako at nilingon ni Desiree.
"Nag offer siyang kunin ang bag ni Chesca pero hindi niya pinadala! Imagine?"

Mas lalong ngumiwi si Desiree. Ngayon, maging si Tara ay nakatingin na sakin.


"Anong meron, Ches? Magkakilala ba kayo? Tsaka nung nasa Mcdo tayo, diba-"
"Hindi." Diretso kong sinabi. "Ewan ko sa lalaking yun. Exagge lang yung mga
sinasabi ni Queenie. Wa'g niyong pakinggan."

Nilubayan din naman nila ako at humupa naman agad ang usapan dahil pumasok na si
Hector kasama si Oliver at iba pang gwapo ding mga kaibigan.

Page 289
Jonaxx - End This War
"Ayan, first day na first day puro gwapo ang nakikita mo. Malinamnam." Tumatawang
sambit ni Tara.

Hindi ko na sila nilingon. Bahala na kayo diyan kung sinu sinong mga gwapo ang
pinupuri niyo. Pumunta ako dito para mag aral para makaahon sa kahirapan.

Dahil first day of school, wala pang professor. Ganun pala talaga yun sa college.
Kasi nung nasa Alegria Community College pa ako, ganun din naman ang nangyari.
Lumingon ako sa likod nang may narinig akong tumatawag sakin.

Maingay ang classroom kasi mukhang magkakakilala na silang lahat. Panay ang
talakan. Catch up dito, catch up doon. Nakangisi si RJ nang kinawayan ako.

"Mamaya daw sabi ni Kira!" Aniya.


"Ha?" Nung una ay hindi ko na gets.
"Yung sa ramp? Ramp kasi yung offer this coming Saturday. Game ka? Mamaya ang
fitting!"

"San? O sige!" Sabi ko.

Tumango si RJ at nginitian ako.

Habang nag uusap kami ay nakita kong nakatitig ng seryoso si Clark sakin. Tinaas
ko ang kilay ko at binalingan ulit si RJ na ngayon ay biglang may kumausap.

"Anong pinag uusapan niyo?" Singit ni Hector.

"H-Huh? Uhm... Yung ano lang, pare, ramp." Nanliit ang mata ni RJ. "Diba nag
offer din si Kira sayo?"

"Sinong Kira?" Nalilitong tanong ni Hector.

"Yung bading na agent. Kasi... ahhh!" Parang may narealize si RJ. Pumalakpak pa
siya nang tiningnan ako. "Hindi ka nga pala sa Maynila nag highschool, diba? Ito
kasing si Chesca, model, noon pa. Sikat yan dito. Daming gig. Kaya ayun, babalik
siya ngayon."]

Nilingon ako ni Hector. Nakita kong nag igting ang bagang niya sa narinig. Tinaas
ko ang kilay ko at nginitian siya.
"Kinis niyan eh." Kumindat si RJ sakin.

"Talaga? Nakita mo?" Tumaas ang kilay ni Hector at parang ilang sandali na lang
ay kukwelyuhan niya na si RJ.

Tangina! Ayan na naman siya! Medyo nalito si RJ sa sarcasm ni Hector.

"Nasa mga magazines at print ads siya noon."


Humalukipkip si Hector. "Talaga?" Tinitigan niya ako ng matalim.

Page 290
Jonaxx - End This War
Pake mo! May death stare ka pang nalalaman! Hindi ako sayo kaya wa'g kang umasta
na teritoryo mo ako. Ngumisi ako kay RJ.

"Nag nineteen na ako last April 1, RJ. Nag babalak akong pumasok sa FHM, yun ay
kung pwede." Humalakhak ako.

Pumula ang pisngi ni Hector at halos makita kong umusok ang ilong niya sa galit.

"WA'G KANG MAGKAKAMALI, FRANCESCA!" Sigaw niya.

Natahimik ang buong klase sa sigaw niya. Kinagat ko ang labi ko habang isa isang
nakikita ang mga kaklase kong bumabaling sakin.

Tinitigan ko siyang mabuti. Puno ng galit at pagkamunhi. Naiirita ako. Ayokong


malaman ng lahat na may ugnayan kami. Gusto kong tratuhin siyang stranger... I
wanna be harsh on him. At isa ang hindi pagkilala sa kanya ang una kong step.

Kinagat niya ang labi niya at yumuko. Lumunok siya, tumayo, at nag walk out.

"Anong sinabi ni Hector?" Tanong ni Desiree.

Kumalabog ang puso ko. "H-Hindi ko alam." Nilingon ko ang nagkibit balikat na si
RJ. "Ewan ko."

Ilang sandali ay bumalik ang pag uusap ng mga tao doon. Pero kahit anong gawin
ko, hindi ko na kayang tumunganga na lang at magkunwaring wala.

"Excuse me lang..." Sabi ko.

"Uy! Aalis na rin kami. Wala talaga atang prof." Sabi ni Desiree.
"Ah! Mamaya na. Mag C-CR lang ako. Dito lang muna kayo." Sabi ko at iniwan agad
sila.

Kitang kita ko ang naka dekwatrong pag upo ni Janine sa gilid kahit na naka mini
skirt siya. Makati. Hindi ko sila basta bastang iniwan, inapakan ko pa ang paa ni
Janine at nginitian siya nang nagreklamo.

"Sorry, akala ko sahig." At mabilis na umalis para hanapin si Hector.

Yes... Hindi lang si Hector ang kakawawain ko. Sa pagbabalik ko, lahat ng may
atraso sakin ay damay.

Page 291
Jonaxx - End This War

"Hector!" Sigaw ko nang nakita ko siyang tulala habang tinitingnan ang


soccerfield sa corridor.

Nakahawak siya sa metal bars ng building. Nilingon niya ako pero ibinalik niya
rin ang tingin sa soccerfield.

"Ayaw kong may makaalam ng tungkol satin. Ayaw kong malaman nila na magkakilala
man lang tayo." Humalukipkip ako.
"Bakit?"
"Kasi... past ka na rin naman. Hindi na importante."

Bumaling siya sakin. Nakita ko ang malulungkot niyang mga mata.

Alam kong nasabi ko na noon na sobrang gwapo niya pag naiirita at galit... pero
ngayon, ito na yata talaga ang pinakasukdulan... There is something about his sad
face... It breaks my heart. Umihip ang hangin. Ginulo niya ang buhok niya at
humarap siya sakin.

"Kung past ako at di na importante, dapat malaya mo na akong kinikwento sa ibang


tao kasi hindi ka na nasasaktan."

"Hindi kita ikikwento kasi di ka naman importante." Tinalikuran ko siya pero bago
pa ako tumuloy ay hinila niya ang braso ko.

Pumiglas ako pero malakas ang pagkakahila niya.

"I know what you want... You want revenge... You want war, Chesca." Aniya.

"Then?" Mataray ko siyang tinitigan pabalik.


"Kung ang armas mo ay ang galit, ang armas ko naman ay pagmamahal. War is over,
Ches. Panalo ka na. Kasi di na ako lalaban. Bibigay ako sayo."

Binawi ko ang braso ko. "War is still on, Hector. Saka na ito matatapos kung
lulubayan mo na ako. And besides..." Ngumisi ako. "Hindi ako matitinag sa
pagmamahal mong walang kwenta... sobrang babaw... at nakakapandiri. Anong klaseng
pagmamahal yan? Yan lang ba ang kaya mo? Matatawa na ba ako, Dela Merced?" Lumaki
ang ngisi ko nang nakita ko ang nag aalab na galit sa mata niya.

Galit siya at naiiyak at the same time.

Umiling ako at tumawa. "Nakakaawa naman ang babaeng tatanggap ng pagmamahal mo."
Kabanata 46
Selos

Page 292
Jonaxx - End This War
Pagkatapos ng araw na iyon ay sumama ako kina RJ papunta sa studio nina Kira para
sa fitting. Kasama ko rin si Billy at JV na parehong kasama dun sa ramp na
sasalihan ko. Noon kasi, hindi ako masyadong pinapasali ni Clark sa mga ramp. Ang
gusto niya lang ay yung mga nasa fashion at teen magazine kung saan siya ang mag
pho-photograph tapos ako ang bibihisan.

"Francesca!" Nagbeso si Kira sakin sabay ngisi.

Tumango din ang mga dati kong kakilala sa studio nang dumating ako. Ang mga male
models ay nagbabatian samantalang kitang kita ko ang female models na
nagsusukatan ng gowns.

"Ni liitan ko yung mga sukat mo kasi kitang kita ko na medyo pumayat ka. Pero
sexy parin naman." Ngiting ngiti si Kira sakin habang sinasabi yun.

Tumango ako at iginiya niya ako sa isang table na punong puno ng designs ng mga
damit.

"Ito yung susootin mo." Sabay turo niya sa isang puting gown.
"Mahirap sootin yan." Utas ko nang nakita ang disenyo.

Puting gown pero ang daming mga nag i-ekis na tela. Kitang kita ang pusod, tiyan,
at likod ko sa oras na sosootin ko ito. May sobrang habang slit pa doon at
nakikini kinita ko nang mahirap maglakad sa gown na yun.

"Oo. Kasi yan yung featured gown at alam kong kaya mong sootin yan!"

Napalunok ako at tumango.

"Well, narinig ko rin nga pala yung sinabi ni RJ." Nilingon niya si RJ at
bumaling agad sakin. "Na gusto mo dawng sumabak sa FHM. Pwede, Chesca, sa GF or
The Month ka muna bago tuluyang pumasok. Malaking break yan para say-"
"Hindi siya sasali sa FHM." Pareho kaming napalingon ni Kira sa nagsalita sa
likod.

Nakita kong makisig na nakatayo si Hector habang mukhang galit na tinitingnan si


Kira. Ginapangan ako ng kakaibang kaba. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya
dito? At bakit niya ako pinapangunahan? Ayan na naman ang pagiging control freak
niya.

Nilingon ko ang iilang mga female models na halos lumuwa ang mga mata sa
kakatingin kay Hector. Sanay sila sa nag gugwapuhang lalaki pero iba talaga ang
dating ni Hector. May kung ano sa kanyang bago sa paningin at masyadong lalaki. I
know, people. Naakit din ako sa kanya dahil diyan.

"OHH! Hector!" Halos mag beso rin si Kira sa kanya pero inilagan siya ni Hector.
"Nandito ka ba dahil nag bago ang isip mo? Mag momodel ka na ba?"

"Hindi. Nandito ako para bantayan si Chesca."


Page 293
Jonaxx - End This War
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumikhim ako lalo na nang nakita ko ang
pag linga linga ni Kira saming dalawa. May kung anong kumislap sa mga mata niya
nang napagtanto ang sinabi ni Hector.
"Oh! Okay... Okay..." Ngumisi ngisi na parang baliw si Kira.
Umiling na lang ako at umirap.

"May pamalit ka na pala kay Clark. At di ko maipagkakailang, shit, mas masarap


yata yan, Chesca." Bulong ni Kira sakin. "Ah!" Nilakasan niya ang boses niya para
marinig ni Hector. "Sigurado ka bang ayaw mong mag modelo?"

Umiling si Hector at tinitigan ako.

Ano ba? Pwedeng tama na ang paninitig?

"Oh, siya." Sabay hila ni Kira sakin.


"Teka lang, Kir. Pagsasabihan ko lang ang isang 'to." Sabi ko at hinablot agad
ang kamay ni Hector para makalabas kaming dalawa sa lugar na iyon.

Nang nakalabas kami sa studio at hinarap ko si Hector. Naabutan ko siyang


pahirapang lumunok habang tinititigan ang kamay kong hinahawakan ang kamay niya.
Uminit ang pisngi ko at agad agad na binitiwan ang kamay niya. Bumaling siya
sakin ng ganun parin ang ekspresyon.

"Hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko sayo, ayaw kong malaman ng mga tao na
magkakilala tayo!"

"Pero-"
"Walang pero-pero! Lubayan mo nga ako! Anong pake mo kung sasali ako sa FHM? Diba
nagbabasa ka naman nun? Bumili ka ng kopya pag nakasali ako! Okay? At wa'g mo na
akong gambalain!"

"Teka lang-"
"Shut up!" Sigaw ko at tinulak siya para makadaan ako.

"Teka lang." Hinila niya ng malakas ang braso ko kaya napabalik ako sa
kinatatayuan ko.

Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya walang nakakakita sa aming dalawa.

"I am going to court you again." Nag igting ang bagang niya sa sinabi. "Hear
that?"

Kinunot ko ang noo ko at tinitigan ang mukha niya.


"You want war? I'll give you war, Chesca. And I'll make sure I'll win this. I'll
win you, again."
Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

Page 294
Jonaxx - End This War
"Talo ka na sa gyerang ito, Hector. Dahil hinding hindi na ako uulit sayo.
Experience ka lang. At mananatili kang experience."

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa nakangising si Kira.

"Manliligaw mo? Territorial, ah? Parang leon na may ari ng isang buong gubat?"
Tumatawa siya nang iginiya ako sa isang fitting room.

Hindi na ako nag react. Lalong lalo na nung nakita ko ulit na humahakdaw nang
naka pamaywang na parang hari si Hector sa buong studio. Nangingiti ang mga
babaeng tumitingala sa kanya.

"Ano ba kayo? Mga gwapo naman kami dito, bakit ganyan kayo makatingin sa kanya?"
Dinig kong reklamo ni Billy.

Well, of course.

Unti-unti kong sinarado ang pintuan ng fitting room habang tinititigan ang galit
na mga mata ni Hector sa malayo. Nakatitig din siya sakin. Parang lawin na
binabantayan ang bihag.

Of course, Hector is really different. Makisig, gwapong 6 footer. Tikas niya pa


lang alam mo ng may sinasabi siya sa buhay. Bawat hakbang niya ay nag iiwan ng
kahulugan na mayaman siya at hindi siya sanay na inuutusan o binabangga. Bawat
gusto niya ang siyang masusunod. Hindi siya sanay na bumabagay kundi siya ang
binabagayan. And I'm a big challenge for him, right now. Dahil hinding hindi ko
siya susundin. Bawat gusto niya ay aayawan ko. Tingnan natin kung hanggang saan
yang pag ibig mo, Hector.

Dalawang babaeng assistant at si Kira ang nag ayos sa akin sa loob ng room.
Mahirap sootin ang gown. Kung hindi mo kabisado ang lahat ay maari mo yung
masira. Bawat tela ay dapat nasa tamang lugar sa katawan mo.

"Sumali ba si Janine?" Tanong ko kay Kira.

"Hmm. Hindi."
Tumaas ang kilay ko.

Buti. Kasi kung sumali siya, papatayin ko na naman siya sa inis.

Nagulat ako nang ni make upan ako nung isang babae. Gusto ko sanang umapila pero
nagsimula na siya at masisira ang paglalagay niya ng foundation kung bigla akong
magsasalita.

Page 295
Jonaxx - End This War

Ilang sandali ang nakalipas...

"Kir, ba't kailangan mag make up?"


"Hay naku! Hindi ba sinabi ni RJ sayo? Yung gown mo kasi tsaka yung gown ni Amy,
suite ni Brandon at RJ ay yung featured. Pinili yun ng sponsor na resort kung
saan gaganapin yung fashion show. Sponsor nila lahat. Accomodation, food, stage,
lahat! For one condition."

"Ano?"
"Magpalagay ng billboard na may model at gowns bago yung event at ilagay yung
resort nila bilang sponsor. So... eto... Mag pho photoshoot tayo saglit bago mag
rehearse."

"Ahh? Sinong photographer?"


"Si Omar."
Napabuntong hininga ako sa sagot ni Kira.

Mabuti na lang at hindi si Clark. Ang dami ko namang pinoproblema. Nang lumabas
ako ay natuyuan ako ng lalamunan nang nakitang nandoon parin sa kinatatayuan niya
si Hector at nakatitig ng diretso sa akin.

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

"Chesca!" Sinalubong ako ng nakahubad na si Brandon habang binabalandra ang abs


niya at ang shiny niyang buhok.
"Brandon!" Tumawa ako.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag apila ni Hector. Humahakbang na siya
patungo samin pero tinalkuran ko siya para harapin si Kira.

"Kira! Simulan na natin yung shoot para makapag rehearse na. Ilang shots ba?"
"Ayos na siguro ang 30? Pagpipilian lang naman." Aniya sabay muwestra samin sa
parte ng studio kung saan green na telang inilatag para doon kami mag shoot.

Hindi ko na hinintay na dumating si Hector. Dumiretso na ako doon kasama si Amy,


RJ, at Brandon. Pumwesto ako sa gitna.

"Nagsisimula na ang rehearsal kasi nagmamadali yung iba." Sabi ni Kira habang
tinitingnan ang photographer na si Sir Omar habang nag si-set up ng kanyang
camera.

Si Brandon at ako ang nasa gitna. Si RJ ay nasa gilid ko samantalang si Amy ang
Page 296
Jonaxx - End This War
nasa gilid ni Brandon.

"Hindi ko na kayo uutusan since mga professional naman kayo."

Tumawa si Kira at humalukipkip.

May isa pang humahalukipkip na para bang nagmamasid at handang manggulpi sa oras
na may dumapong kamay sa balat ko.

Tinaas ko ang kilay ko at hinarap ang matalik kong kaibigan na si Brandon.


Nakangisi siya at may pina pacute-an sa ibang modelong nakatingin. Lagi naman
siyang ganito.

"Brandon..." Bulong ko.


"Hmm?" Nilingon niya ako.
"Hawakan ko ang tiyan mo, ah-"

"Anong tiyan? Abs, yan, Chesca, Abs..." Pagtatama niya.


Umiling ako. "Alright, abs, then."

"Tapos ako, hahawakan ko ang baywang mo at ang legs mo?" Ngumisi siya.

"Ikaw bahala. Basta ba maayos yung shots."

"Hawak ako sa likod ni Brandon, ah?" Ani Amy.


"Chesca, hawakan mo yung tie ko." Sabi ni RJ.

"Nag iimbento na naman tayo ng mga pose." Tumawa ako at sinubukan iyon.

"Okay... Ready?" Sigaw ni Sir Omar.

Ginapangan agad ako ng kaba at nag seryoso na sa ginagawa. At dahil sobrang


professional ni Brandon ay kaya niyang hawakan ang legs at baywang ko nang walang
pag aalinlangan at seryoso paring nakatingin sa camera.

KItang kita ko ang pag kalas ng haukipkip ni Hector sabay laglag panga sa bawat
mabibilis na shot ng camera ni Sir Omar.

"VERY GOOD, BRANDON!" Sigaw ni Kira.

Inirapan ko si Hector at hinamon. Wa'g kang magkakamaling umapila dito at


malalagot ka sakin. Nandoon lang siya. Parang bomba na pagkakalabitin ay agad
sasabog. Diretso ang tingin niya kay Brandon. Sa last set ng shots na ginawa
namin ay bumulong na si Brandon sakin.

"Why do I have this feeling na papatayin ako ng lalaking nasa harap?"


Page 297
Jonaxx - End This War
"Hayaan mo siya." Utas ko.

"Yan ba pinalit mo kay Clark?"


Hindi ako nagsalita.
Narinig ko ang pagngisi niya sa tainga ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga
ko at umambang hahalikan. Inangat niya rin ang kamay niyang nasa baywang ko lang
nung una at hinaplos niya ang leeg ko.

"WHAT THE FUCK, MAN?" Hindi na nag atubiling tinulak ni Hector si Brandon kaya
napahandusay si Brandon sa kulay green na tela.

"OH MY GOD!" Sigaw ni Kira.

"Kanina pa ako nagpipigil sayo!" Tinuro niya si Brandon na tumatawa habang


nakahiga na sa sahig.

"Brandon!" Sigaw ko at dadalo na sana sa kanya pero hinila ni Hector ang braso
ko.

"Stop it, Chesca! Just stop it! Selos na selos na ako! Alam mo yun?" Hinarap niya
ako.

Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong studio. Maging ang nag rerehearse sa malayo
ay dinig na dinig na iyon.

"Easy pare, modelo ang GF mo." Singit ni Brandon.


"I'm not his girl, Brandon." Singit ko.

Ginulo ni Hector ang buhok niya at tinitigan ako. "Chesca! Narinig mo? Nagseselos
ako! Ayaw kong may humahawak sayo maliban sakin. Ayaw kong ganyan ang soot mo."

Ang kapa din naman talaga ng mukha ng lalaking ito na sabihin iyon sa harap ng
maraming tao.

"Wala kang karapatan sakin, Hector. I'm not yours!" Tinulak ko siya at humingi
agad ng paumanhin kay Sir Omar bago pa magsalita ulit si Hector ng kung anu ano.

Nakita kong nanliit ang mata ni RJ sa akin. Para bang gusto niyang mag tanong
kung anong meron samin ni Hector pero nag kibit balikat na lang ako.

"Okay na yung shots." Sabi ni Sir Omar.

"Chesca, okay na. Wa'g na lang kayong sumali sa rehearsal. Pati ikaw, Amy.
Magbihis na kayo." Sabi ni Kira.

Page 298
Jonaxx - End This War
Dumiretso ako sa fitting room at nagbihis habang ngiting ngiti si Kira sakin.

"What?"
"May ideya na ako kung paano siya papasalihin sa modeling, Chesca."

Tumaas ang kilay ko at umiling.

Habang nasa fitting room ako ay narinig ko ang mga sinasabi ni Kira kay Hector.

"Alam mo, Hector... Hindi talaga maiiwasan yan kasi model si Chesca. Uh, I don't
know kung anong meron sa inyo pero kung nagseselos ka... Ba't di ka na lang mag
model? Promise, pag may shoot na pinapatungan ng lalaki si Chesca, ikaw ang
pipiliin kong mag model kasama niya."

Nanlaki ang mga mata ko habang hinuhubad ko ang gown sa loob. Walangyang Kira!
Walangya talaga!
Kabanata 47

Malunggay

Lumabas ako sa fitting room at naabutan si Hector na nakasandal sa counter at


ganun parin ka badtrip ang mukha.

Nilingon ko agad si RJ na tumatawa pa habang pinapanood ang mga modelo na nag re


rehearse pa.

"RJ!" Sigaw ko nang naramdaman ang paghakbang ni Hector papunta sakin.

Nagtungo ako sa kinauupuan ni RJ. Hindi ko na alam kung sinundan ba ako ni Hector
o ano...

"RJ." Tumingala si RJ sakin.

"Nasan si Brandon?" Tanong ko. "Papahatid sana ako."


"Ha? Umuwi na. Nagmamadali yun kanina. Pupunta dawng Tagaytay."
"What?" Ngumiwi ako. "Anong meron sa Tagaytay?"

Nagkibit balikat siya at tumayo. "Ako na maghahatid sayo." Ani RJ.


"Hindi na. Ako na." Narinig ko ang malamig na boses ni Hector sa likod.

Nilingon ko siya at nginiwian.

Page 299
Jonaxx - End This War

"Tayo na, Chesca." Malamig niyang ulit.


Nang nilingon ko si RJ ay nagkibit balikat na lang siya. "Alright. Di na ako
makikipagtalo. Mamaya hahandusay ako sa sahig."
"Tsss!" Umirap ako at dumiretso sa labas ng nakahalukipkip.

Hindi pa natatanggal ang make up ko at badtrip na naman ako kasi ayan na naman si
Hector. Ang sarap niya talagang bigwasan. Kahit kailan panira. Iritado ako sa
kanya lalo na pag naaalala ko lahat noon. Ganitong ganito kasi talaga siya.
Masugid kung mag habol pero konting pagkakamali ko lang, makakatanggap ulit ako
ng maanghang na salita galing sa kanya! Ang gusto lang ata nito ay ang
paghahabol, eh. Ano kaya kung subukan kong lumandi sa iba? Subukan kong
magkamali? Tingnan natin kung pagsasabihan niya ulit ako ng masama.

"Bilisan mo, ah? Ginugutom ako." Maarte kong sinabi habang naghihintay na
mabuksan ang sasakyan niya.

Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinintay niya pa akong
makapasok bago isara iyon. Pwes, gagamitin kita. Iyon naman ang tingin mo sakin
diba?

Nakabusangot parin ang mukha niya habang inaayos ang seatbelt.

"Ano? Bakit galit ka parin? Naiinis ka ba kasi nag pahatid ako sayo? Pwede naman
akong mag taxi." Sabi ko.

Binalingan niya ako.

"O galit ka kasi nagtataray ako? Pwede naman akong umalis nang matahimik ka.
Hindi naman kita inuutusan na ihatid mo ako, ah?"

"Hindi mo ba ako kilala, Chesca? Ba't ako magagalit sayo dahil nagtataray ka, e,
yun nga dahilan kung bakit ako nagkakandarapa sayo, diba?"

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.

SHIT! Tama na, please. Hindi ko kayang marinig ang mga ganyan.

"O edi, go! Ihatid mo na ako kung wala kang problema!" Umirap ako sa kawalan.
"May problema ako." Aniya.
"ANO?" Nilingon ko na naman siya.

"Ayaw kong may basta-bastang nakakahawak sayo. Ayaw kong naiipapakita ang balat
mo sa mga tao-"

Tumaas ang altapresyon ko sa narinig ko sa kanya. "Bakit, Hector? Noon pa man,


yun na ang gawain ko. Bago ka pa nandito, yun na ang ginagawa ko-"

"Ngayong nandito na ako, hindi na pwede yun sakin. Ayokong mabastos ka."
Page 300
Jonaxx - End This War
"Ha! Anong karapatan mong ungas ka na sabihin yan sakin? Napaka control freak mo!
Tsaka... teka nga..." Humalukipkip ako. "Tingin mo ba walang nangyaring
pagkakabastos sakin nung wala ka sa Alegria? Ha? Alam mong mainit ang dugo ng mga
tao sakin doon dahil sayo. Lalo lang uminit yung dugo nila sakin nang umalis ka
dahil sa paghihiwalay nating dalawa!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Anong ginawa nila sayo?"

Mas lalo lang tumaas ang blood pressure ko.

Hibang na lang ang hindi yun marerealize hanggang ngayon.

"I almost got raped by a bunch of seniors! Ni hindi ako nirerespeto ng mga
kabatch natin! Lagi akong laman ng usap usapan! Lagi akong baon sa ilalim ng lupa
sa pambubully! Kahit sina Jobel, damay pa! All because you hate me so much! They
hate me because you hate me!"

"Hindi ko sinabing naghiwalay tayo!" Namutla siya. "Pinrotektahan kita!"


"Bullshit na protekta yan! Pano nalaman nina Kathy na naghiwalay tayo? At isa
pa... Bakit ngayon mo lang ako binalikan after 6 months? Ha?"

Mabilis ang hininga ko dahil sa paninigaw kay Hector.

"Binalikan kita pero alam kong galit ka sakin! Pinahupa ko muna ang galit mo
sakin. Hanggang sa naisipan kong bilhin na lang yung lupa mo bilang peace
offering nang nagbakasyon ako sa Alegria. Pero sumulong ka sa bahay diba? At
galit na galit ka parin. Akala mo ba sobrang tapang ko, Chesca?" Matama niya
akong tinitigan. "Nanginginig din ako sa takot! Takot ako sayo! Takot ako na
bigla mong isumbat sakin lahat ng sinabi ko sayo noon. Pero alam kong dadating
din ang panahon na yun. Kaya nung narinig kong papa Maynila ka-"

"HA? Kanino mo narinig na papa Maynila ako?" Naiirita kong tanong.


"Kay Teddy!" Diretso niyang sagot.
"HA?"

Hinilamos ko ang palad ko at iniisip ko ang ngiting ngiting pagmumukha ni Teddy.


Para siyang tinutubuan ng pakpak ng anghel habang lumilipad lipad sa mga ulap sa
utak ko. TANGINA MO, THEODORE! Mukhang siya yata yung leakage dito!

"Oo!"
Pumikit ako at umiling. "WHAT-EVER! Bilisan mo na nga lang at nagugutom ako!"
Sigaw ko sabay hilig sa pintuan ng sasakyan niya.

"W-Wala ka bang..." Ilang sandali ay pinaandar niya ang sasakyan niya at


huminahon siya sa pagsasalia. "Wala ka bang magagawa diyan sa pag momodel mo?
Baka pwedeng tigilan mo na para di na ako magselos."

"HA!" Halos matawa ako. "Hibang ka ba? Ano ka siniswerte? Wala akong pakealam
kung mamatay ka sa selos diyan. Kung ayaw mo, wa'g kang manood sa mga shoot. Sino
ba kasing nag utos sayo na pumunta ka dun?"

Page 301
Jonaxx - End This War
"Manonood ako. Babantayan kita-"
"Baliw ka pala, eh. Bahala ka sa buhay mo."

Natahimik siya. Hinayaan ko ang pananahimik niya. Medyo ginapangan ako ng awa sa
sobrang harsh ko sa kanya. Kaya lagi kong nirereplay sa utak ko yung mga nangyari
noon. Sa Gazebo...

"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.

Gusto ko sanang kumain sa bahay kaya lang naisipan kong mag inarte. Bahala ka,
Hector. Feel my wrath.

"Gusto ko ng Pizza sa Yellow Cab." Sabi ko.


Nilingon niya ako. "Yung pinaka malaki ba? Anong flavor?"

"Kahit ano basta pizza sa Yellow Cab." Sabi ko ulit.


"O sige. Punta tayo sa pinaka malapit. Bibilhan kita." Nilingon niya pa ako para
tingnan kung ano ang magiging reaksyon ko.

Wala akong pinakitang saya o reaksyon man lang. Patay ka sakin mamaya pagkabili
mo nun.

Nipark niya ang sasakyan sa labas ng isang arcade kung saan nandoon ang Yellow
Cab.

"Tara!" Anyaya niya habang inaalis ang seatbelt.

"Ikaw na pumunta. Dito lang ako."

Sumimangot siya pero pumayag din.

Tumunog ang sasakyan niya at umikot siya para magtungo sa Yellow Cab. Saya naman
nito! Nauutusan ko ang isang Dela Merced! Pinagmasdan ko siya at kitang kita ko
ag excited na mga mata ng mga babaeng kumakain doon. Kahit kailan, hindi ko
talaga maiwasang bantayan ang lahat ng nagkakandarapa sa kanya.

Sa sobrang dami at sobrang bold kasi ng moves nila, hindi mo magawang balewalain.
Tulad ngayon, pinagtitinginan siya sa loob. Umiling na lang ako. Kahit sa Maynila
ay kumikinang parin ang kakisigan niya. Wait till you see him ripping his shirt.
Kinagat ko ang labi ko at pinilig ang ulot. Kalaban siya, Chesca. You don't love
your enemies. You don't praise them!

Ilang sandali ang nakalipas ay papalabas na siya sa Yellow Cab. Maaliwalas na ang
mukha niya at mukhang sumisipol sipol pa habang binibitbit ang pizza.

Page 302
Jonaxx - End This War
"Here's your order." Ngumisi siya at nilahad yung pizza sakin nang pumasok na sa
sasakyan.

Umismid ako. "Ayoko pala ng pizza."


"Ha?"
"Ayoko. Nakakataba pala yun tapos may ramp pa akong gagawin ngayong Sabado.
Ayoko."

Ngumuso siya.
"Ipapakain ko na lang 'to kina Craig." Sabi ko sabay lagay sa box sa upuan sa
likuran.
"Okay." Tumango siya at pinaandar ang sasakyan. "Sabi ng tigilan ang
pagmomodelo." Bumulong bulong siya.
"Ansabi mo?" Umirap ako. Nagtanong kahit na narinig naman talaga.
"Wala." Aniya.

"Ginugutom parin ako." Sabay hawak sa tiyan ko. "Gusto kong kumain ng sinabawang
gulay... malunggay..."

Nilingon niya ako.


"Kaso di ako marunong mag luto."

At dahil doon, dumating kami agad sa apartment. As expected, nag offer na naman
siyang mag luto. Alas singko na at siguro ay nandyan na si Craig. Pag nakita nun
na kasama ko si Hector ay tiyak na mawiwindang ang katawang lupa nun.

"Wa'g kang dumadalaw dalaw dito, Hector, ah? Papatayin kita pag dadalaw ka dito
ng walang permiso." Sabi ko.
"Ito naman. Ang harsh mo." Aniya sabay hubad sa t-shirt niya.

Oh damn it! Hindi ba siya nagkaroon ng break sa pag lalako sa rancho nitong
nakaraang anim na buwan? Bakit ganyan parin ang katawan niya? Bakit biyak na
biyak parin ang muscles niya at bakit tight parin ang burning abs niya? Iyon ang
hindi ko alam. Agad akong nag iwas ng tingin nang ngumisi siya at kinagat ang
labi.

"Wala pa pala si Craig." Sabi ko habang nilalapag ang gamit sa isang mesa.

Tahimik lang siya. Nang nilingon ko ulit ay nakatayo siya sa harapan ko at


sobrang lapit na ng katawan niya sakin.

Ngumisi siya ng nakakagat labi.

"Kukuha ako ng malunggay sa labas." Aniya.

Tumango ako at uminit ang pisngi.


Page 303
Jonaxx - End This War

Lumabas siya agad para walang kahirap hirap na abutin ang malunggay sa bakuran ng
apartment na tinitirhan ko.

"Susmaryusep." Nakita kong nangangatog pa si Aling Bebang na kapitbahay naming


bungal habang sinisilip si Hector sa kanilang bintana.

"Ang adik kasi nakahubad pa. Nakakaooffend yan. Public disturbance."

Agad siyang bumalik sakin at winagayway ang malunggay.

"Magluluto na ako." Aniya ng nakangisi.


Kinunot ko ang noo ko. "Sige! Magluto ka na dun at wa'g mo akong pakitaan ng
ngisi mo."

"Oh, bakit?" Sumimangot siya.

"Ewan ko, basta! Naiirita ako, eh. Nababanas ako." Nagkibit balikat ako at
tinalikuran siya.

Hindi pa nagsegundo sa pagtalikod ko ay agad na nakita ko ang malunggay na


hinahawakan niya sa harap ko. Iyon pala, sinalok niya ang baywang ko galing sa
likuran at idiniin niya ako sa katawan niya.

Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. Kinilabutan ako. May tumakbong
kuryente galing sa likod ko patungong batok.

"Don't you miss me, Chesca? Kasi ako? Sobrang miss na miss kita. Bawat araw na
wala ka, hanggang imagine na lang ako. Sising sisi ako." Pabulong niyang sinabi.
"Sising sisi."

Kinagat ko ang labi ko. No fucking word will be enough for me. Iyon ang iniisip
ko. Pero siguro kung mahal mo yung tao, kahit alam mong nagpaka jerk siya, at
natatakot kang gagawin parin niya ulit yun sayo, okay lang... na di bale na... na
susugal ka parin... na iyon parin ang ending... na ititigil mo parin ang gyerang
ito para lang pagbigyan ang kapritso niya dahil alam mong iyon din naman ang
ikasasaya mo.

"Sa sobrang pagsisisi ko, kayang kaya kong gawin kahit ano para sayo ngayon. Wa'g
lang ang layuan ka ulit."

"GOOD EVENINGGGG! I'M HOME!" Biglaang sinabi ng lintek kong kapatid na ngingisi
ngisi papasok ng bahay.

Page 304
Jonaxx - End This War
Pinilit kong kumawala sa pagkakahapit ni Hector sa baywang ko pero hindi niya ako
binibitiwan.

Nalaglag ang panga ni Craig sa nakita. Bumaba pa ang titig niya sa mga bisig ni
Hector na nasa baywang ko.

"Oh!? About time..." Humalakhak siya at sinarado ang pinto. "Sige... teng,
Hector." Tumango siya at dumiretso sa kanyang kwarto.

Saka pa ako binitiwan ni Hector nang wala na si Craig.

"Bilis na! Magluto ka na diyan!"

Shit! Muntikan na yun, ah? NO... Frigging... Way...

Padabog kong sinarado ang pinto sa kwarto at hinayaan ko siyang magluto sa


kusina, mag isa. Kumatok lang siya nang natapos na. Doon ko lang din narealize na
hindi siya mag isa, kasi si Craig at si Teddy ay parehong kumakain ng Yellow Cab
Pizza sa kusina pagkatapos niyang magluto.

"Kumain na tayo." Ani Hector.

"Oo nga!" Sabi ni Teddy.

"Kain na ateng. Nangangayayat ka na. Wala kasing bitamina Hector nitong mga
nakaraang buwan." Humalakhak si Craig.

I swear, gusto kong umpugin ang ulo ni Craig habang kinakagat ang crust ng pizza.

Tumawa rin ang walang karapatang si Hector.

"Oo nga. Di ko na alagaan. Kaya nga papatabain ko ngayong nagkabalikan na kami."

ABA'T NAKAKA OFFEND TALAGA! Nilingon ko si Hector at nag death stare ako sa
kanya. Sumimangot siya at tinama ang sinabi.
"Ah! I mean, ngayong nagkita ulit kami."
Nagtawanan silang tatlo.

Argh! Boys... I don't understand these creatures.


Kabanata 48

Mapapawi Yan
Page 305
Jonaxx - End This War

Kaya buong linggo ay halos magkandarapa si Hector sa pagtatago sa mga classmate


namin na magkakilala kami. Minsan ay nakikita kong kinakagat niya ang labi niya
habang nag uusap kami nina Desiree. Parang gusto niya kasing sumawsaw. Hindi
naman kasi kalayuan ang upuan namin. Umupo siya sa likod katabi ni RJ. Buti na
lang at hindi bungangero sina RJ, Billy, at JV at hindi nila pinagkalat na may
something samin ni Hector.

"Nililigawan si Tara ni Hans!"


Namilog ang mata ko sa sinabi ni Desiree. Pumula naman ang pisngi ni Tara.
"Talaga? Diba ang gwapo nun?"

Narinig ko ang malakas na tikhim ni Hector sa likod. Palagi siyang ganyan.


Subukan niyang sumabog ulit at sasakalin ko talaga siya. Hindi ba pwedeng pumuri
sa ibang tao? Dapat ba siya lang ang gwapo? Hindi, ah! Magdusa ka, Hector
Immanuel Montenegro Dela Merced. Ha!

Nasa canteen kami at napapaligiran ako ng mga kaibigan. Kitang kita ko ang
pagdaan nina Oliver. Naka kulay dark blue silang jersey. Lahat ng mga nandoon sa
canteen ay lumilingon sa players na dumadaan.

"Anong meron?" Tanong ni Tara.

"May game yata." Sagot ni Janine.

Nilingon ko si Janine. Nakita niya iyon at bahagya siyang yumuko. Hanggang


ngayon, hindi ko parin sinisiwalat ang kabulastugan niya kina Desiree. Hindi ko
nga alam kung bakit pinapatagal ko pa. Well, wala na akong pakealam. Ang problema
ko na lang ngayon ay hindi ko na siya mapagkakatiwalaan.

Nakita kong madramag humahakbang si Hector sa likod. May kausap siyang isang
foreigner na basketball player.

"OMG! Ang gwapo ni Hector!" Narinig kong sinasabi ng mga tao sa likod.

Seryoso ang kanyang mukha habang kinakausap ang foreigner. At bawat hakbang niya
ay kitang kita ang kakisigan.

"Ganda pala ng katawan ni Hector." Sabi ni Tara.


Tumaas ang kilay ko. "Kung alam niyo lang." Sabi ko agad ng wala sa sarili.

"Ha?" Nalaglag ang panga ni Desiree sa bigla kong sinabi.


"Ah! I mean... Nakita ko na. Eh... Nasa, ano, studio siya nung isang araw."
Tumango si Desiree. "Pumayag siya kay Kira?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko."


Page 306
Jonaxx - End This War
"Diyos ko! Malayo ang mararating niyan, Chesca. I mean, look at his face. Drop
dead gorgeous! Kaya lang, noon, ni hindi yan malapitan kasi mukhang parating
galit. Ngayon nga lang siya may kinakausap, e."
Tumango ako at nagkunwaring walang pakealam habang pinagmamasdan ang pag alis ni
Hector.

Ni hindi niya ako napansin. Nakaupo lang din kasi ako at dumaan lang naman sila
papuntang gym. Hindi niya ako napansin! May kung anong pumipiga sa puso ko dahil
hindi niya ako napansin.

"Pag sumikat yan, dadami ang babae niyan. May girlfriend na kaya yan?" Tanong ni
Tara.

"Naku! Oo nga! Ang alam ko, nung halloween party, nandun daw siya sa Tribe Longue
at ang dinumog siya."

"Sabi nina Janelle, nandun daw sina Amanda Myers at yung mga co models niya at si
Hector daw yung trip nila."

"AMANDA MYERS?" Nalaglag ang panga ko nang sinabi niya iyon.

Sikat na model ng FHM si Amanda Myers. Hindi naman nakakapagtataka na naakit siya
ni Hector pero hindi ako makapaniwala na medyo sikat na siya ngayon pa lang. At
may kung anong tumutusok sa tiyan ko... parang... ayoko.

"Tara na! I cheer natin si Hector!" Sigaw ng nagmamadaling mga babae papuntang
gym.

"Tara na! Punta din tayo!" Sabi ni Desiree.

"Mamaya na." Mabilis kong sinabi.

Parang ayaw kong makisali sa mga fans ni Hector. Parang... hindi ko ma explain.
Pakiramdam ko, nagagalit ako kasi ang dami niya ng fans, kasi ang dami ng
nakakakilala sa kanya, kasi maaring di na ako... Teka nga lang. Oo, alam kong may
atraso pa siya sakin kaya hanggang ngayon, hindi ko parin siya matanggap,
hanggang ngayon, may kulang parin. Pero nababanas ako pag nakikita siyang
dinudumog.

Parang dati ay akin siya. Yung solo ko lang siya. At kahit dinudumog man siya sa
ACC ay alam ng lahat na sakin siya. Ganun din siguro yung nararamdaman niya
sakin. Kahit na may nagkakagusto sakin sa ACC noon ay alam ng lahat kung kanino
dapat ako. Kaya frustrating nung pinormahan ako ni Knoxx Montefalco sa booth. At
ngayon, ako naman ang ma fufrustrate...

"Bakit?" Nakangiwing tanong ni Desiree sakin.


"Eh ano namang pupuntahan natin dun?" Tanong kong tamad.

"Manonood, hello?"
Page 307
Jonaxx - End This War
"Okay, fine. You're so grumpy, Chesca."

Matalim kong tinitigan si Desiree.

Tumawa na lang siya.

"Ang dami kayang gwapo dun." Sabi ni Tara.

Hindi ko sila pinansin. Ininom ko na lang ang tubig na sa mineral water at


tumunganga kasama nila kahit na nagmistulang ghost town ang canteen dahil
kumaripas na ang mga tao sa gym.

May tumatawag na kay Tara habang si Janine naman ay text nang text. Si Desiree at
ako lang yung nakatunganga at naghihintay ng milagro. Ilang sandali ang nakalipas
ay napansin kong luminga linga si Janine. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko
nakita sina Clark kasama ang co photograpers niya na pumasok sa canteen.

Nilingon niya agad ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hanggang ngayon, siguro ay
nag co-communicate ang dalawang ito. Bigla siyang umiling habang mangiyak ngiyak.

Oh? Ba't ka umiiling. Ngumisi na lang ako at pinagtaasan siya ng kilay. Alam kong
hirap na hirap na siyang itago ang tungkol saming dalawa. Pero sa ngayon, nag
eenjoy pa ako sa pagdurusa niya. Malantod kang babae, dapat lang ito sayo.
Inirapan ko bago tumayo.

"Tayo na sa gym!" Anyaya ko.

Nilagpasan ko ang grupo nina Clark. Hindi naman sa bitter pa ako pero talagang
wala na akong pakealam kahit na alam kong nakatingin siya sakin.

Dumiretso kami sa gym. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tili
ng mga estudyante. Kinilabutan ako. Naalala ko ang mga sigaw namin sa ACC tuwing
may laro sina Hector. Bago kami nakapasok ay narinig ko na ang chant ng mga tao.

"HECTOR! HECTOR! HECTOR!"

Hanggang dito ba naman?

"Ang gwapo mo, Hector! SHOOT!"


"SHOOOOT!" Sigaw ng mga tao.

Napatingin ako sa dagat ng mga taong maingay na sinasamba ang kanyang pangalan.
Page 308
Jonaxx - End This War
Nilingon ko ang court at kitang kita ko ang pagkakashoot niya sa bola doon sa
ring. Na shoot iyon nang nag jump shot siya. Imbes na yung bola ang tingnan
niyang na shoot sa ring sa harap ko ay nasa akin ang titig niya.

Nakita kong unti-unting umaliwalas ang kanyang mukha. Pawis na pawis siya. Kita
iyon sa buhok niya. May mahabang arm band siyang nakalagay sa kanyang kaliwang
braso. Dagdag pogi points iyon. Para bang mas lumakas ang dating niya.

Kinagat ko ang labi ko at nakita ko siyang tumalikod para makipag high five sa
mga kasama niya. Tumunog ang isang napakaingay na bell. Tumingala ako para
makitang tapos na ang game at panalo sila! Siya ang may last shot!

Nakita ko rin ang mga taong halos mag stampede sa pagbaba at pag punta sa court
para puriin ang buong team. Tumatawa si Hector habang kinakausap ang mga team
mates.

Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang mabuti.

"Punta tayo sa kanya!" Tumitiling sinabi ni Janine.

"Uy, wa'g ka ngang cheap." Utas ni Tara. "Tsss. Dinudumog na nga. Classmate naman
natin yan. Saka na natin i congratulate sa klase. Wa'g tayong makisawsaw ngayon."

Sumang ayon ako kay Tara. Anyway, kahit na pagpasyahan nilang tatlo na pumunta
doon ay hindi parin ako pupunta dahil masyadong masakit yun sa ego ko.

"Uy! Sina JV!" Sigaw ni Desiree sabay punta sa kabilang side.

"Ches, let's go! Uwi na rin tayo! Mag aalas sais na." Ani Tara.

Umiling ako. "Mauna na kayo."


"Ha? Dito ka muna?" Tanong ni Tara.

Tumango ako. "Pakisabi na lang kay Desiree."


Tumango siya at hinila si Janine papunta kay Desiree.

Nilingon ko sina Desiree, Tara, at Janine na kumakaway sakin palabas ng gym


kasama sina JV. Tumango lang ako at bumaling ulit kay Hector na ngayon ay
dinudumog ng mga babae.

Ang daming nagpapapicture sa kanya. Ngising ngisi siya habang pinipicture-an sila
ng mga babae. Isa-isa. Yung iba, paulit ulit. Kung makakapit ay daig pa ang
koala. Naiirita na ako sa nakikita ko dito. May nakita pa akong sikat at
chinitang babae na nag papicture sa kanya. Silang dalawa lang at sobrang close.
Ngumiti pa si Hector habang inaakbayan yung chinita.

Page 309
Jonaxx - End This War
Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng pisngi ko. BWISIT! Hindi pwede yan
sakin! Oo nga't wala siyang karapatan sakin pero ako? May karapatan ako! Hanggang
ngayon, pag aari ko siya!
Nagmartsa ako pababa ng bleachers at papunta sa kanya. Tumatawa siya nang nahagip
ako ng mga mata niya. Napawi yung tawa niya nang nakita ang galit ko.

"Dinner tayo, pare?" Kinindatan siya nung juinor na mukhang playboy at bad
influence sa kanya.
"Ah! Hindi na. Sa bahay na-" Sagot niya.
"Ang KJ nito."

Tumigil ako at humalukipkip sa isang tabi habang tinititigan ang chinitang


nagpapicture sa kanya kanina. Wala siyang kamalaymalay na sinasakal ko na siya sa
utak ko ngayon.

"Sige na, pare."

"Wa'g na talaga. Uuwi pa ako."

"Ay! O sige! Sayang, pero next time, ah? Bawi ka? Pag may party, sama ka!" Sabi
nung ka team niya.

"Sure!" Tumango si Hector at tinapik ang mga likod ng kasama niya.

Kitang kita ko si Oliver na nakangisi sakin sa malayo. Para bang may kahulugan
iyong ngisi niya. Sinimangutan ko siya ngunit tumawa lang siya sa simangot ko.
Ilang sandali ay lumapit na si Hector. Agad tumaas ang alta presyon ko lalo na't
naka kagat labi siya at nakangiti sakin.

"Bilisan mo!" Sigaw ko at tinalikuran siya. "Ayaw ko ng may nakakakita satin!"

Nakabuntot siya sakin na parang aso. Amoy na amoy ko ang bango ng pawis niya mula
rito. Buti na lang at umuwi na ang ibang estudyante kaya hindi kami mapapansin
kung magkasamang pupunta sa parking lot. Madalas kasi ang ginagawa namin ay
pupunta ako sa jeepney stop, at doon niya lang ako kukunin. Yes naman! Ginagamit
ko rin siyang driver since willing naman siya.

"Ang saya-"
"Ihatid mo na nga ako sa bahay!" Galit kong sinabi.
"Oh? Ba't galit ka na naman? Anong atraso ko sayo?"

Galit ko na naman siyang tinitigan. "Wala! Bilis na!"

Binuksan niya ang pintuan. Padarag akong pumasok. Maingat naman siyang pumasok sa
driver's seat habang tinititigan ako.

Page 310
Jonaxx - End This War
"Ano?" Sigaw ko sa kanya. "Tss." Nag iwas ako ng tingin.

"Anong problema mo?" Nakangisi niyang tanong.


"WALA!" Naiirita kong sagot.
"Ba't sobrang galit mo?"

"Kelan ba ako naging hindi galit sayo? Diba lagi naman akong galit?" Inirapan ko
siya.
"Nagseselos ka yata, e." Diretso niyang sinabi.
Nilingon ko siya at mukhang tuwang tuwa pa siya sa sinabi niya.

"Nagseselos ka." Ulit niya.


"HINDI!"
"Kitang kita kita kanina habang nagpapapicture ako! Para kang papatay ng tao."
Aniya.
"Ang kapal mo, ha? Hindi no!" Sigaw ko.

Ngumisi siya. "Ba't pula yung pisngi mo?"


"Blush on!" Sigaw ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at binura ang blush on ko.

"Ano ba!" Tinanggal ko ang kamay niya.

Tumatawa siya. "Di naman, e. Pula talaga. Galit ka yata!" Aniya.

Err. Humalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Bigla niya akong kiniliti. May
naalala tuloy akong kilitian naming dalawa. GRRR.

"Tigilan mo ako, Hector!" Sigaw ko habang kinikiliti niya ako.

"Nagseselos ang Chesca ko..." Parang galak na galak siya nang sinasabi yun habang
kinikiliti ako.

Sinapak sapak ko ang mukha niya. Shet, may pawis pa iyon at ang bango bango niya
talaga.

"Tumigil ka sabi, Hector! Tigil!" Sabi ko sabay lapit sa kanya para itulak siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong ang lapit lapit ng mukha naming dalawa.
Kumalabog ang puso ko nang nakita kong nakakagat labi siyang tinititigan ako
habang kinikiliting marahan.

"Hmmm. Oo, susuko ako sayo, manginginig ako sayo, Chesca. Pero may pagkakataong
masusunod parin ako." Bulong niya at nanunuya akong hinalikan ng isang beses.

Page 311
Jonaxx - End This War
Mas lalo akong nabigla sa ginawa niya. Kumalabog ng husto ang puso ko. Ang bilis
bilis ng pintig at pakiramdam ko kahit anong moment ay pwede itong kumawala sa
dibdib ko!

"HINDI PARIN KITA NAPAPATAWAD! SO YOU BACK OFF!" Sigaw ko.

Tumingala siya at nag igting ang panga niya.

Agad akong ginapangan ng magkahalong hiya at panghihinayang. But I'm not giving
up... This is war, Hector. Tama ngang galit ang armas ko at pagmamahal ang armas
niya, nakakatunaw pero hindi ako ganun ka hina para matunaw sa isang halik niya
lang. Gagapang pa siya sakin.

"Alright." Tumikhim siya at pinaandar ang sasakyan. "At hindi parin ako sumusuko.
Hindi ako susuko." Nilingon niya ako. "Kaya, Francesca, ngayon pa lang, matakot
ka na para sa galit mo. Dahil sisiguraduhin kong mapapawi yan sa mga labi ko."

OH GREAT GOD!

Kabanata 49

Awtoridad

Umagang umaga, nag prepare na ako para sa fashion show sa isang resort. Ang alam
ko magkikita lang kami nina Kira sa harap ng studio, mga alas otso. Abala ako sa
pag iimpake. Resort iyon at ang alam ko ay may mga zoo at ilang rides. Siguro
kailangan ko ng maraming damit. Gabi ang ramp kaya doon na kami matutulog,
courtesy of the resort.

Nakashorts lang ako tsaka kulay grey na racerback. Mas madali kasi itong hubarin
once na magsusoot na kami nung gown. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang
nakita kong napatalon si Hector sa sofa.

"Tayo na!" Biglaan niyang sinabi.


Nalaglag ang panga ko.

Naka shorts lang siya at naka polo shirt. May wayfarers pa siyang soot at mukha
siyang walangyang moviestar na nakaupo lang sa luma naming sofa.

"Ba-Ba't ka nandito?" Tanong ko.

Tumayo siya nang nakapamulsa.

Page 312
Jonaxx - End This War
"Sasama ako sa resort." Aniya sa tono na medyo galit kasi hindi ko alam.
"Sinong may sabi na sasama ka?"
Tumikhim siya. "Umalis na yung mga kasama mo. Dumaan ako kanina para sabihing di
ka na sasama sa kanila kasi ako na ang maghahatid. Kaya... ayun." Nagkibit
balikat siya.

Aba't ang kapal talaga nito, ano? Pinapangunahan ako sa mga lakad ko? Anong
karapatan niyang manguna, e, di naman kami!

"Tsss!" Ginulo ko ang buhok ko at narealize na wala na akong magagawa.

Alas otso na at maaring tama si Hector, umalis na sina Kira. Lalo na't di na nila
ako kailangang antayin dahil sinabi ni Hector na siya ang maghahatid sakin.
Humanda ka at peperwisyuhin talaga kita ngayon, Hector!

"Kung ganun, paki dala 'tong bag ko." Sabay hagis ko sa kanya.

Sinalo niya naman. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Craig at lumabas siya
ng humihikab.

"O? San kayo?" Tanong niya.

"Diba sabi ko sayo pupunta ako sa isang resort ngayon, hanggang bukas kasi may
gig ako? Nag paalam na ako kay mama kagabi." Sabi ko.

"Di ko alam na kasama si Hector."

Nagkatinginan si Craig at Hector. Ngumisi si Craig habang kinukusot ang mata


niyang kakagising lang.

"Honeymoon." Humikab siya at pumuntang kusina.


"Honeymoon ka dyan! Tsss." At dumiretso na ako sa labas.

Sumunod si Hector sa akin at pinindot niya ang alarm ng sasakyan. Binuksan ko ang
pinto. Nilagay niya ang gamit ko sa backseat at laking gulat ko nang nakitang may
gamit din siya doon!

"M-May gamit ka?" Tanong ko.

Umikot siya at pumasok sa kotse bago sumagot.

Page 313
Jonaxx - End This War
"Oo. Doon ako matutulog." Aniya. "Nag pareserve ako kagabi. Hindi ko alam saan
ang room mo kaya sorry baka di tayo katabi-"

Halos matawa ako sa sinabi niya. "Adik ka ba? Wala akong pakealam kung di tayo
tabi at ni hindi ko ineexpect na doon ko tumuloy. Ni hindi ko inexpect na kukunin
mo ako ngayon." Umirap ako.
"Alam ko." Aniya at pinaandar ang sasakyan.

Ang alam ko, kaya maaga sina Kira ay para sa mga designers at guests na dadating.
Ang make up at pag aayos ng stage ay mamayang ala una pa lang. Alas singko kasi
yung ramp. At isang oras naman ang byahe papuntang resort kaya marami pa akong
time na perwisyuhin si Hector.

"Hector-"
Bago pa ako natapos sa pagsasalita ay may kinuha na siya sa likod habang ang mga
mata ay nasa kalsada. Puting roses ang bumungad sakin. Uminit ang pisngi ko at
hinablot ko ang bouquet na binigay niya.
"Ano 'to?" Tanong ko.

"Roses." Sagot niya.

"Para saan?"

"Basahin mo." Aniya.

Habang abala siya sa pag di-drive ay kinuha ko yung card at nakita ko ang
nakalagay na card.

Binasa ko iyon sa utak ko. "I'm sorry for being a jerk. I love you, still..."
Ngumuso ako. "Ito ang pangalawang beses na binigyan kita ng mga bulaklak."

Hinampas ko siya ng mga bulaklak na binigay niya. Ayos na sana, e. Pero dahil sa
panghuling pangungusap, tumaas ang high blood ko!

"Anong pangalawang beses?" Sigaw ko habang sinasapak siya nung roses.

Umilag siya at ngumisi.

"Ito kaya ang unang beses na binigyan mo ako! Kahit nung nanliligaw ka pa, wala
kang binigay!" Sigaw ko sa inis.

Tumawa na lang siya. Kaya ang sarap nitong saktan dahil jerk na jerk, e.
"Pangalawang beses na yan!" Giit niya.

"Wala akong amnesia, Hector! Kung sino man yung binigyan mo ng bulaklak noon, ay
hindi ako yun!"

"Ikaw yun!" Aniya. "Binigay ko kaya sayo ang malawak na lupain ng mga Dela
Page 314
Jonaxx - End This War
Merced. May plantation kami ng sunflowers, diba? Yun ang unang beses, pero
hanggang ngayon di mo parin tinatanggap kasi ayaw mo parin akong pakasalan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.


Ngiting ngiti pa siya habang sinusulyapan ang reaksyon ko.
"EWAN KO SAYO!" Binatukan ko na at nilagay ang roses sa likod.

Hindi mapawi pawi ang ngisi niya. Habang ako, nag aapoy sa galit habang
nakahalukipkip at nakatitig sa bawat sasakyan na dumadaan.

"Tanginang diskarte mo." Bulong ko.


"O bakit? Kala mo may ibang babae ako, ano? Na may binigyan akong roses? Kita mo
mukha mo nung binasa mo yun? Para kang papatay ng tao!" Tumawa siya. Tuwang tuwa.
Nilingon ko siya at gusto kong kurutin hanggang sa dumugo yung pisngi niya.
"Selosa!" Aniya.

"Tse! Wa'g kang feeling diyan!" Umirap ako.


"Ikaw talaga. Kung anu anong pumapasok sa utak mo. Ni wala akong naging babae
bago ka, at pagkatapos mo, wala rin. Yung anak na lang sigurong babae natin ang
mamahalin ko-"

Pinitik ko yung labi niya.

"Aray!" Kinagat niya iyon.


"Wa'g kang feeling, ha? Anak ka diyan! Ni hindi pa nga kita napapatawad! At
tingin ko di kita mapapatawad lalo na pag nagyayabang kang ganito!"

"Ito naman... Nagbibiro lang ako. Syempre, masarap mangarap-"


Binatukan ko ulit. Sumimangot siya.

"Yan ang bagay sayo. Kulit mo." Sabi ko.

"Pasalamat ka walang driver ngayon, nangangati kamay ko. Gusto kitang kilitiin."
Ngumisi siya.

Ngumuso ako. Buti na lang talaga! "Tse!" umirap ako. "Hector, gusto ko ng tea."

"Huh? Anong tea?"

Kitang kita ko na papalapit kami sa isang tea shop na may pangalang


Serendepi-tea.

"Dun oh!" Sabay turo ko sa shop.

"O sige." Diretsong sabi niya.

Nipark niya agad ang sasakyan sa tapat. Lumingon siya sakin habang tinatanggal
ang seat belt.

Page 315
Jonaxx - End This War
"Ikaw na bumili. Samahan mo ng cake." Sabi ko.

"O-Okay. Ano bang gusto mo?" Tanong niya.


"Wintermelon."

Diretsong lumabas si Hector sa sasakyan at ilang sandali lang ay bumalik siya


kasama ang mga gusto ko. Dumami ang stop over namin. Halos lahat ng maisipan ko
ay sinusunod niya. Sa panghuling request ko na manga sa isang puno na nadaanan
lang namin papuntang resort siya nahirapan.

Limang minuto siyang kumatok sa gate sa ilalim ng mainit na araw sa bahay na


iyon. Binaba ko ang salamin para sana tawagin na siya dahil naaawa na ako ka
pagkatok niya at mukhang wala namang tao.

"Tao po?" Aniya.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang matandang lalaki na lumabas.

"Anong sayo, hijo?" Tanong ng matanda.


Tinuro ni Hector ang mangang kanina ko pa tinuturo sa loob ng kotse. "Pwede po
manghingi ng manga? O babayaran ko na lang po... Gusto po kasi ng asawa ko yung
mangang yun."

ASAWA?

"Oh? Sige, libre na." Sabi ng matanda at pinag buksan si Hector.

"Ako na ho ang susungkit." Aniya nang nakitang kinuha ng matanda yung isang
kawakan na may net sa dulo. "Pasensya na po sa abala. Kasi yung asawa ko buntis,
e. Alam niyo na."

Aba't! Napatingin ang matanda sa akin habang abala si Hector sa pagsungkit ng


manga. Dahil sa kahihiyan ko at unti-unti ko na lang sinarado ang salamin ng
sasakyan. Nang bumalik na siya kasama ang manga ay pawis na pawis na siya.

"Huy! Ano yung sinabi mo sa matanda!?"


Ngumisi siya. "Hayaan mo na, hindi naman tayo kilala."

"Sira ulo ka talaga, ano?"


"E, totoo naman. Kung makaasta ka parang buntis. Eh, di pa nga ako nakakaulit
sayo, buntis ka kaagad."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagkibit balikat siya at pinaandar na
lang diretso ang sasakyan.

Page 316
Jonaxx - End This War

Tiningnan ko siyang mabuti habang nahihirapang iliko ang sasakyan patungo sa gate
ng resort. Kitang kita ko ang seryoso at medyo malungkot niyang mukha. Kahit
gusto ko siyang bigwasan sa kakulitan niya ay hinayaan ko na lang siya sa
pantasya niya.

"Dito na yata tayo." Aniya at huminga ng malalim.

Tinanggal ko ang seat belt ko at nagstretch.

"Hindi naman 'to ganun ka layo pero bakit parang ang tagal nating dumating?"
Tumaas ang kilay niya at tumingin sakin.
Ngumisi ako. "Syempre, kasalanan ko ba kung marami akong gusto on the way patungo
dito."

Lumabas ako ng sasakyan habang ang bitbit ay yung tea lang. Siya yung bumitbit sa
bags namin at sa mga pagkaing pinabili ko sa kanya kanina.

"Wa'g mong kalimutan yung manga ha." Sabi ko.


"Yes, po, Mrs. Dela Merced." He chuckled.

Matalim ko siyang tinitigan.

"Oh? Bakit? Sinunod ko naman yung sinabi mo. Ako naman yung pagbigyan mo." Aniya.

Umiling na lang ako sa kabaliwan niya.

Dumiretso kami sa reception. Kitang kita kong nabuhayan ng loob ang receptionist
nang nakita si Hector.

"What can I do for you, sir?" Tanong nung receptionist kahit ako ang nasa harap
niya.
Tumaas ang kilay ko. "Nasan po ang room dito ng mga models. Ako si Francesca
Alde. Pakicheck, miss." Sabi ko.
"Ayy... Okay po, ma'am." Aniya at dumungaw sa screen.

Nilingon ko si Hector na abala sa pagtitig sa isang room na puno ng gym


equipments.

"Room, 405 ka, Miss Alde. Si Sir po, anong apelyido?" Tanong ng nakangising
receptionist.

HA? ALDE DIN KASI MAG ASAWA KAMI! Grr... Ba't ba naiinis ako?
Page 317
Jonaxx - End This War

"Dela Merced." Ako na ang sumagot para kay Hector.


"Dela Merced ho ba, Sir?"
Halos mag palpitate ang kilay ko. "Dela Merced nga!" Ulit ko.

Umismid ang babae sa akin.


"Oo, Dela Merced, Hector." Sabi ni Hector.

Kinagat ko ang labi ko.


"Ay... Naka reserve po siya sa isang presidential suite. Hindi ka po model?"
Umiling si Hector at ngumisi sa babae.

Tumaas ang kilay ko, "Hindi. Sumama lang siya sakin kasi ako yung fiancee niya."
Ngumisi ako. "Babantayan niya ako, miss, baka kasi makawala ako. Pwede paki bigay
na yung cards kasi nabibigatan na siya sa bagahe."
"Ah! Okay, po, sorry. May mga room boy naman kami. Teka lang, tatawag ako, sorry,
medyo busy talaga ngayon-"

"Wa'g na. Gusto ko siya mismo bumuhat sa bagahe namin. Thanks." Sabay kuha ko sa
card at hila kay Hector sa elevator.

Pinaypayan ko ang sarili ko sa sobrang inis dun sa babae. Si Hector naman,


nangungulit.

"Ansabi mo sa babae? Fiancee kita? Sinasagot mo na ba ako?" Kinakalabit niya ako


sa elevator.

"Hindi!" Naiirita kong sinabi.

"Kung ganun, bakit mo yun sinabi?"


"Basta!" Umirap ako.
"O edi, sige... Wala namang kaso sakin kung ipagkalat nating dalawa na ikakasal
na tayo, pero ang akin lang naman ay kelan natin totohanin-"

"TSE! Ang feeling mo ang sarap mong sakalin, Hector! Wa'g mo na nga lang isipin
yun! Pwede?"

Ting! Tumunog ang elevator bilang hudyat na nakarating na kami sa fourth floor.
Bumukas ang pinto at kitang kita ko ang mga mata ni Clark na bumalandra sa akin.
He's here? Namilog ang mga mata niya. At naramdaman ko ang kamay ni Hector na
gumapang sa baywang ko sabay hapit sakin. Para bang nag dedeklara na kanya ako,
at walang karapatan ang kahit sino na tingnan man lang ako.

Tumingala ako sa kanya. Nag igting ang bagang niya nang nakitang tinititigan ako
ni Clark.

"Diretso na nga tayo sa suite ko." Malamig at may awtoridad niyang sinabi.

Page 318
Jonaxx - End This War
Kabanata 50
Mga Mata

"Hector! Hector, hindi pwede..." Hinahabol ko siya ngayon dahil dire diretso ang
lakad niya sa room niya.

Nakita kong mabilis niyang tinapat yung card sa pintuan at bumukas agad ang
pinto. Hindi niya man lang ako nilingon. Diretso ang pagpasok niya. Bumuntong
hininga ako at napilitang pumasok sa loob.

Hindi ko alam na pupunta si Clark ngayon. Alam kong present siya sa mga events
dahil photographer siya pero hindi ko inakala na hanggang dito ay makakasunod
siya.

"Ba't di mo sinabi na nandito yung ex mong gago?"

Tinaas ko ang isang kilay ko at humalukipkip habang pinagmamasdan ko ang galit


niya. "Hindi ko rin alam na yung dalawang ex kong gago pala ang pupunta dito.
Don't blame me."

Nanliit ang mga mata niya at ginulo niya ang kanyang buhok bago bumagsak sa
malaking kama.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan kaming dalawa. Iginala ko ang paningin ko sa
buong kwarto at kitang kita ko ang mga maingat na pagkakagawa ng bawat disenyo.
Malinis at mabango din doon. Masyadong malaki para sa isang hotel room. Malalaki
din ang kurtina at maraming mukhang mamahaling muwebles. Nakita kong may veranda
din doon kung saan nakaharap sa may pool side nung resort.

"Dito ka na matulog." Malamig niyang wika.

"May room naman ako. Though, may ka share pero ayos lang ako dun."
"Paano kung yung gago ang ka share mo?"

"Does that change anything? Gago ka rin naman?"

Tumunganga siya sakin gamit ang galit niyang ekspresyon. Umiling ako. Hanggang
ngayon, hindi ko parin nakalimutan ang panggagago niya sakin. kaya hindi ko siya
matanggap ng buong buo. Dahil nasubukan ko nang maniwala sa kanya. At ang sinukli
niya sakin ay ang panggagagong iyon. Alam kong mas nakaka gago pa ang ginawa ni
Clark sakin pero ang hindi ko alam ay kung bakit mas naiirita ako kay Hector.

Kaya ayun at tahimik siya nung nag lunch kami. Yan kasi ang bagay sayo, yung
binabanatan. Ang akala niya ay siya na ang tama sa lahat ng pagkakataon. Pero ang
totoo ay gusto niya lang kontrolin ang lahat at gusto kong isaksak sa kokote niya
na hindi, minsan hindi mo makokontrol ang mga bagay, na minsan may mga bagay na
kahit anong gawin natin, hindi natin mababago. Na kailangan tanggapin na lang...
kasi wala na tayong magagawa. Because you can't order a person to change his
feelings...

Page 319
Jonaxx - End This War

"Oh come on! Bilis na! Go! Go! Go!" Sigaw nang sigaw si Kira nang natarantana.

Alas tres pa lang ay ang dami dami ng bigating tao sa resort. Kitang kita ko na
rin ang billboard namin nina Brandon, Amy, at RJ sa labas.

"Jusko naman! Brandon!" Tinuro ni Kira si Brandon nang nakitang lumalagok ito ng
inumon sa gilid habang naka boxers lang.

Tumawa ako at pumikit ulit kasi minimake up-an pa ng make up artist. Busy ang
lahat. Yung ibang models ay ready na. Yung male models halos budburan na ng
tanning lotion ang katawan. At si Hector... Si Hector ay nakahalukipkip lang
malayo sa harap ko. Nag mamasid at nag hihintay na magkamali ang mga taong nasa
paligid ko.

"Ches, shot?" Dinig ko ang humahalakhak na si Brandon sa likod.

Alam kong sira ulo na ang isang ito, noon pa. Pero madalang siyang uminom. May
problema kaya ito?

"Yeah!" Kinuha ko ang binigay niyang shot glass at nilagok.


"Dai, ang lipstick mo." Sabi ng make up artist sakin.

"Re touch lang mamaya. Isang shot lang naman."

Uminit ang sikmura ko sa ininom ko. Ano yun? Whiskey. Darn!

"Chesca..." Malamig na sinabi ni Hector.

Halos mapa snap na ako dahil expected ko na ang pagpapakita niya dito.

"Chill, pare." Inunahan agad siya ni Brandon.


"Kung gusto mong uminom, mag lasing ka, wa'g mong idamay ang fiancee ko." Ani
Hector.

"Alright, alright... Nag offer lang ako. Chill. Ayokong magka pasa habang
rarampa." Nagkibit balikat si Brandon at umalis.
Umirap ako sa kay Hector na ngayon ay bumaling na sakin. "Oh please, taga Maynila
ako. Sanay ako dyan, Hector. Hindi ako matatamaan ng ganun ka dali. At kung
nagseselos ka, wala kang karapatan kasi si Brandon, kaibigan ko na nung wala ka
pa... Hindi pwedeng dahil nariyan ka ay iiwasan ko na lahat ng kaibigan ko."
Untag ko.
Bumuntong hininga siya at yumuko.

Ngumuso ako. Parang may kung anong pumipiga at lumalaslas sa puso ko ng paunti
Page 320
Jonaxx - End This War
unti. Para bang tuwing nakikita ko siyang yumuyuko at nalulungkot ay gusto kong
sampalin ang sarili ko. Halos suntukin ko na ang dibdib ko para ibalik ang
pagiging bato ng puso pero hindi ko iyon nagawa, lalo na nang tinalikuran niya
ako.

"Okay... I know... Gym lang ako saglit. Balik ako pag simula ng ramp niyo."

Pinagmasdan ko siyang umaalis patungo doon sa gym ng hotel. Ako naman ay bumaling
na lang sa salamin at tiningnan ang sarili kong make up. Gaaah! Bakit ako
naapektuhan?

Inabala ko ang sarili ko sa pag susuyod sa buong backstage. Binabati ko lahat ng


kilala ko noon at ang mga kaibigan kong model na taga ibang school.

"Ganda ng gown mo, naiinggit ako!" Ani Princess.

Ilang pose ang ginawa namin sa iba't ibang photographers. Kaya lang, hinagisan
ako ng robe ni Kira. Ayaw niya daw nang na eexpose yung gown. Kaya halos sa lahat
ng pictures ay naka robe ako.

"Hey, Hey! Pa picture nga kami ni Chesca! Come here, Amy!" Sigaw ni Brandon sabay
akbay saming dalawa ni Amy. "Preeee!" Kinawayan niya si Clark. "Picture mo kami."

Oh... Great!

Ngumisi si Clark at tumango habang inaayos ang camera niya.

"I'm not paid for backstage photos, Brandon Rockwell."

Tumawa si Brandon pagkatapos ng isang shot. "Well, kung ganun, pumayag ka kasi
nasa shot na yan ang ex mo... I bet." Pagkatapos ng sinabi niya ay awkward niya
kaming iniwan para pumunta na naman sa ibang mga model.
"Uh..." Agad ding umalis si Amy.

Kaya kaming dalawa lang ni Clark ang nakatunganga ngayon sa harap. Nakita kong
lumunok siya. Halata sa mukha niya ang kaba. Kita ko rin ang namamawis niyang
noo.

"Sige, Clark. See you around." Sabi ko nang di ko na kaya ang sitwasyon.
"Ch-Ches, sandali lang." Hinawakan niya pa ang kamay ko.

Agad akong luminga linga pagkatapos kong bawiin yung kamay ko. Sigurado akong
Page 321
Jonaxx - End This War
susulpot na naman si Hector ngayon. Pero ilang sandali ang nakalipas ay hindi
siya nagpakita. Oo nga pala! Nag gym siya! Kaya hindi niya ako nabantayan ngayon!
Damn!

"Bakit?" Medyo iritado kong tanong.

HIndi dahil bitter parin ako samin, ngunit dahil walang Hector na dumating.

"Kayo na ba ni Hector? K-Kayo na ba ulit?" Tanong niya.

"Hindi."
"K-Kung ganun ba't magkasama kayo? Ba't iisa kayo ng suite?"
"Ayaw niya ako dun sa suite na hinanda para sa models." Sinabi ko na parang wala
lang.
"At bakit siya nandito? Hindi ba wala na kayo? Hindi ba nagkagalit kayo? Kung
hindi naman kayo, bakit siya nandito?"

Nanliit ang mga mata ko.

Wala akong maisagot sa tanong niya. Pero mabilis akong nairita.

"Ang dami mo namang tanong, Clark. Para saan yung mga sagot? Wala na naman tayo.
Tsaka... wa'g ka ng umasa. Dahil wala na talaga tayong babalikan." Tinalikuran ko
siya pero hinila niya ulit ako.

Narinig kong sumipol si Brandon sa likod. I know the freaking idiot is watching
this.

"Bakit? Kayo ni Hector, may babalikan pa? Nag kasiraan kayo diba? Diba tinawag ka
niyang 'whore'? Diba 'experience' ka lang? Ano, Chesca? Binigay mo ba ang
virginity mo sa kanya kaya niya nasabi iyon?" Pabulong ngunit mariin niyang
sinabi.

Luminga ako na parang tanga. GUSTO KONG DUMATING SI HECTOR NGAYON DIN! He is my
frigging Knight in Shining Armor! Pero bakit wala siya sa mga panahong kailangan
ko siya? Kasi... Kasi... tinaboy ko siya! Naiirita ako! Naiirita ako sa kay
Hector... pero higit sa lahat... mas naiirita ako sa sarili ko.

"Bitiwan mo ako Clark!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ako
binitiwan. Imbes ay mas lumakas at dumiin ang pagkakahawak niya.

"OKAAAAAAAAAY GUYS!" Pumalakpak si Kira na siyang nagpa hiwalay sa aming dalawa.


"The ramp will start... in 5... 4... 3... 2... 1..."

Page 322
Jonaxx - End This War
Dinig na dinig ko agad yung music na malakas. Lumabas na ang mga unang models.
Tinitigan pa ako ni Clark bago siya pumanhik at nakisali sa mga photographers sa
harapan.

"Hmm, Ches, si Hector ang manok ko." Humalakhak si Brandon.

"Brandon, si Hector din ang manok ko. Sinong kapustahan natin ngayon? Dapat si
Clark yung sayo..." Untag ni RJ.
"Mga walang hiya! Tumigil kayong dalawa!"
"O... Sige..." Nanliit ang mga mata ni Brandon habang tinitingnan ako. "Si Clark
akin. Si Hector sayo, RJ. Bente pesos lang ang pusta ko."
"HA? Anong klaseng pustahan yan-"

Binatukan ko na silang dalawa.

"Mga walangya! Wa'g niyo ngang pagkatuwaan yung kagaguhang tinatamasa ko!"
Tumawa lang ang dalawa habang ako ay medyo... well, medyo lang naman... medyo
naiirita kasi hanggang ngayon, wala pa si Hector.

Pagkatapos ng halos trenta minutos na paghihintay matapos ang rampa ng iba ay


kami na ang tinawag ni Kira. Dumidilim na at may ilaw na ang mga torch sa labas.
Huminahon na rin ang maingay na music kanina. Ibig sabihin nito ay medyo
malumanay ang lakad na gagawin ko. Huminga ako ng malalim at nakitang malumanay
nga ang paglalakad ni Amy. Hindi lang basta malumanay, halos madrama na iyon.

Sinundan iyon ni RJ na ganun din... Ako naman ang sumunod. Kabadong kabado ako.
Hindi kasi talaga ako sanay sa ramp. Madalas ako sa mga photoshoot. Sinuyod ko
ang mga tao habang ngiting ngiti. Ilang sandali ang nakalipas ay laking gulat ko
nang nakita ko si Hector na nakatitig sakin habang kinakausap ang isa sa mga
bigating guests.

Nakita kong ngumuso siya nang tinitigan ko rin siya. Ngumuso siya pero seryoso
parin ang mga mata. Kumikislap ito sa bawat pagsayaw ng apoy ng torch sa harapan.
Mukhang mababaw pero ang totoo ay malalim at mahirap abutin. Kinilabutan ako sa
titig niya. Damang dama ko ang pag tindig ng palahibo ko sa batok.

Nag iwas agad ako ng tingin at bumaling sa kabilang side. Pero bago pa ako
tumalikod ay sinulyapan ko ulit si Hector. Ganun parin ang titig niya. Ginapangan
ako ng kaba... Sobrang bilis at sobrang lakas. Yung pakiramdam na nahuhulog ka sa
kawalan. This feeling is different... Very different. Yung pakiramdam na hindi mo
alam kung lalanding ka pa ba sa pagkakahulog mo, dahil tingin mo, walang lupa...
puro kawalan lang... at hindi ka matatapos sa pagkakahulog mo. Mahuhulog ka lang
buong buhay mo.

Napagtanto ko na ang pag ibig ay isang bagay na hindi mo kayang kontrolin. Ito ay
isang bagay na saulo na ng sistema mo, na hindi mo na kailangang ipilit, dahil
kusa mo itong mararamdaman sa bawat hibla ng pagkatao mo. Love is something your
Page 323
Jonaxx - End This War
cells and tissues memorized. And you can't do anything about it because you are
made of it.

Bumuga ako ng malalim na hininga pagkadating sa backstage. Tulala ako at hindi ko


alam bakit. Kahit noong nakabalik na ang hyper na si Brandon galing sa pag rampa
niya ay tulala parin ako.

"What's up, professional model?" He chuckled.

Hindi... Hindi ang crowd, hindi ang pressure, hindi ang gown, hindi ang
designers, hindi ang malalaking tao ang nagpakaba sakin... kundi ang mga mata
niya.

Kabanata 51
Kissing Clark

Niyakap ako ni Kira at ng ibang models. Pinilig ko ang ulo ko para ma alog ang
iniisip.

"CONGRATS GIRLSSS!" Aniya sabay tawa ng pahisterya. "I'M SO PROUD! GRABE!


NAGUSTUHAN NG ISANG BUSINESS MAN!"

Hindi ko na masundan ang mga nangyari. Yakapan at batian ang nangyari. Palinga
linga ako sa sunod sunod na batian at ngitian sa pictures.

"Shots! Party!" Sigaw ni Hugo na isa ring agent at stylist.

"Thanks!" Tinanggap ko ang shots na binigay at agad nilagok.

Ilan pa ang natanggap ko sa kabuuan ng pag papapicture.

"Fuck you, Brandon!" Narinig kong sigaw ni Kira kay Brandon.


Tumawa si Brandon at umiling na lang.

May kabulastugan na naman sigurong ginawa. Nilagok ko ang isa pang inumin bago
ako hinagisan ng robe at hinila ni Kira.

"Girl, bihis ka na." Bulong niya at dinala ako sa isang kwarto.

Maraming models na nagbibihis sa loob ng kwartong iyon. Busy din si Kira at


lumabas agad. Nag madali ako sa pagbibihis dahil minamadali ako ng mga co models
ko.
Page 324
Jonaxx - End This War

"Bilis, Chesca! Picture tayo!"

Hinablot ko lang yung shirt na nakuha ko. Malaki iyon nang isinoot ko. Papalitan
ko na sana pero hinila na ako ng ibang models.

"Uy, teka lang, bihis lang ako." Sabi ko.


"Okay na yan!" Tinali ni Amy ang dulo ng tshirt para makita ang pusod at tiyan
ko. "Ayan, sexy na!"

Napilitan akong ngumiti sa camera. Mabilis na ni click ang camera. Ngumisi ako at
nagbatian kami ng mga models.

"Labas tayo!" Agad nila akong hinila.

Nagka picture kami kasama yung designers, yung businessman, sina Kira at Hugo.
Iba't ibang pose at sa bawat pose ay nakakainom ako ng kung anu anong inumin.
Tumatawa na lang kami lalo na pag gumagawa ng kabulastugan ang male models.
Pinilig ko ang ulo ko at doon ko namalayan na medyo tipsy na ako. Ilang shot din
kasi ang nainom ko.

"Bon fire!" Sigaw ni Amy sabay turo sa bonfire na ginawa ng mga male models
malapit sa sea shore.

Naka pwesto na sila doon. May gitarang dala si Billy, may nilulutong barbecue si
JV at ang ibang male models ay umiinom na. Naging maingay din ang labas ng hotel.
Mukhang nag hire sila ng DJ.

"Kumain na muna kayo!" Anyaya ni Kira.

Magulong magulo na dahil sa after party. Ni hindi ko mahagilap si Hector. Kumain


ako at san ay kumakain siya. Kaya nang bumalik ako doon sa may stage, nakita kong
nandoon parin siya at kausap ang mga malalaking businessman. Kilala siguro ng
pamilya niya? Well, kung ayaw niya akong bantayan ngayon ay magpaparty na lang
ako ng todo.

Aalis na sana ako nang nakita kong may isang ka edad kong babae ang dumating.
Naka dress siya at pormal na pormal ang dating. Mabilis na tumayo si Hector at
ngumisi.

Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko. Parang lumagapak ako sa pagkahulog
ko. Namimilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang nakangisi at nakikipag
kamayan sa isang babaeng kararating lang.
Page 325
Jonaxx - End This War

Tumawa ang matandang businessman na kanina niya pa nakakausap. Napansin kong


magkahawig ang babae at ang matanda, siguro ay anak niya iyon? Ngumingisi ang
babae na may dimples kay Hector. Kitang kita ko ang kislap sa mga mata niya
habang marahang tinampal ang ama dahil sa pagbibiro nito. Umiling si Hector at
tumawa.

Parang unti-unting nanoot sa kalamnan ko ang katotohanang matagal ko ng alam pero


hindi ko napagtoonan ng pansin. Si Hector... Si Hector ay isang Dela Merced.
Mayaman sila at hindi kami magkaparehas ng estado sa buhay. Kaya may mga kilala
siyang hindi ko kilala. Kaya kilala niya ang businessman na yan at ako ay
hindi... Hindi kami magkapareho ng mundong ginagalawan. Pinanganak akong tama
lang ang lahat ng resources, habang siya ay ipinanganak na sobra sobra at hindi
kailanman magkukulang. Iyon din ang dahilan kung bakit ganyan siya makaasta, na
pakiramdam niya kaya niyang kontrolin ang lahat...

"Ches...ca..." Natatawang sinabi ni Brandon sa likod ko.

Napatalon ako at nilingon siya.

"WHAT IS IT, BRANDON?" Pasigaw at medyo iritado kong tanong.


"Oh? Easy! Masyado tayong high blood." Humalakhak siya.

Kitang kita ko sa mga mata niya na medyo lasing na siya. Kanina pa ito
lumalaklak, e. May hawak pa siyang gin ngayon na inaalog alog niya para matunaw
ang ice.

"Let's go back and have some fun." Inakbayan niya ako.

Nilingon ko si Hector na hanggang ngayon ay naroon parin at kausap ang


businessman at ang anak nito. Para akong sinusuntok diretso sa puso.
Nakakapanlumo.

"Here." Binigay sakin ni Brandon ang iniinom na gin.

Tiningnan ko muna iyon bago nilagok.

"Wohooo!" Sigaw ng ibang co models ko at binuksan ang isang mamahalin na wine sa


harap.

Lahat ng shot glass na hawak ay binuhusan ng wine sa tapat ng nagliliyab na


bonfire.

Page 326
Jonaxx - End This War
"Cheers!" Sigaw ni RJ at sabay sabay kaming uminom.
"Laro tayo! Laro!" Sigaw ni Billy sabay hagis sa mga cards. "Poker!" Kumindat
siya.

Inabala ko ang sarili ko sa mga card games. Kaso nahihirapan ako kasi di ako
marunong sa poker. Hindi lahat ang naglaro dahil may consequences ang matatalo.
May truth or dare na mangyayari pag natalo ka.

"Nice shirt." Kumindat si RJ sakin.

Napatingin ako sa t-shirt ko. Nalaglag ang panga ko nang narealize ko na kay
Hector nga pala ito. Ito yung t-shirt na pinahiram niya sa akin noon. Yung may
quote na 'Kapag hinihimas, nagagalit'. Uminit ang pisngi ko pero ipinagkibit
balikat na lang dahil abala naman ang lahat sa laro.

Nagtawanan kami nang ang dare para kay Brandon ay halikan yung isang foreigner sa
leeg. Nagulat ako nung na badtrip siya. Hindi siya ganun dati. Lagi siyang game
sa mga ganun.

"Chicken!" Panunuyang sinabi ni Clark.

Napatalon ako nang narealize na naroon si Clark sa likod at nakahalukipkip.


Unti-unti siyang lumapit malapit kay Billy. Nakita ko ang mga mata ng co models
kong dumiretso sakin. Alam ko... Kahit na hindi sila mga usisero at usisera ay
hindi parin maiiwasan na ganyan dahil may past kami ni Clark.

"I'm no chicken." Pulang pula ang mukha ni Brandon nang umiling. "Truth na lang!"
Aniya.

"Ah! Madaya!" Sabi ni Amy.


"Truth! Hindi ako madaya."

Nanliit ang mga mata ko. "Okay, then, Brandon. Sinong nasa Tagaytay?"
Nagkibit balikat siya, "My Mother. Whoelse. Okay, next game." Tumawa siya.
"ANG DAYA! You know what I mean!" Sabi ko.

"Enough, Chesca... Game ulit. Poker. Tayong tatlo ni RJ. Kanina ka pa di


naglalaro."
"Because I don't know how to play poker!"
"No damn excuses."

Binigay niya na agad yung cards. Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong mag
poker. Kaya paniguradong talong talo na ako sa game na ito. Kinalabit ko ang
katabi ko at nagpatulong.

Page 327
Jonaxx - End This War
Lagok din ako nang lagok sa mga beer at wine na nasa harap. Kinakabahan kasi ako.
Kinakabahan dahil alam kong pursigido si Brandon. Pursigido siyang manalo sa
pustahan nila ni RJ kahit bente lang iyon. Kaya lang... pumusta siya kay Clark!
At nandito si Clark, kaya patay ako dito.

"Enough of the truths, it's too boring." Reklamo niya nang nilahad ang cards
niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa cards niya pero suminghap at napa "Awww." Ang
lahat.

"I want a dare." Kumindat si Brandon sakin.

Hinila ni RJ ang kamay ko at nakita nila ang talunan kong cards. Hinagis din ni
RJ ang cards niya.

"Walang kwenta!" Aniya.

"O sige, what's your dare?" Naghahamon kong tanong.

"Mahal mo pa ba ang ex mo?" Tanong ni Brandon.

Natahimik ang lahat. Nakakabingi. Ang naramdaman ko na lang ay ang mabilis na


pintig ng puso ko. Kitang kita ko ang malaking ngiti ni Brandon. Bahagya pa akong
naguluhan dahil dalawa ang ex ko... Sinong ex? Kasi hindi ako makasagot kung di
ko alam kung sino sa dalawa.

Pinilig ko ang ulo ko at medyo nahilo ako sa ginawa. Kahit na alam kong awkward
ay sinagot ko parin nang napagtanto kong si Clark ang tinutukoy niyang ex ko.
Dahil wala namang alam ang lahat na may Hector ako.

"Hindi na." Humalukipkip ako.

Wala talagang filter ang bibig ko pag medyo lasing na. Lumalakas din ang loob ko
kaya nakangisi ako nang nakitang naging awkward ang scene. Tumaas ang kilay ni
Brandon.
"Wait a minute, I thought it's a dare? Asan na yung dare?"
"Sinisigurado ko lang." Ngumisi si Brandon at suminghap. "Well, if you don't love
your ex anymore, kiss him. Sa lips."

Kahit na natamaan ako ay namilog ang mga mata ko sa gusto niyang mangyari. "No
way." Napatingin ako kay Clark na umiiling.

Tumatawa na ang ibang co models ko at mukhang naka recover na sa sitwasyon.


"If you don't love him anymore, then ibig sabihin, sport na, okay na mag kiss.
Kahit sa lips." Kumindat si Brandon.
Page 328
Jonaxx - End This War
"I hate you, dude!" Sabi ni RJ. "Ang daya mo."

"Come on, it's just twenty bucks!" Ani Brandon sabay tawa.

Feeling ni Brandon na mananalo siya dahil hahalikan ko si Clark at maiinlove na


naman ako? Well, guess what. Matagal na akong naka move one! Insta-move on nga
yung nangyari dahil tinamaan ako ng insta-love kay Hector na bigla na lang nag
insta-hiwalay dahil sa insta-husga niya! Bullshit! Wala na bang tunay at malalim
na pagmamahal ngayon? Lahat na lang, instant?

"Alright then!" Sigaw ko at tumayong bigla.


"Oh! Oh!" Inalalayan pa ako ni JV dahil medyo natumba na ako dahil sa sobrang
hilo.
"Pagkatapos nito, di na ako iinom!" Sigaw ko sabay tawa.

Tumawa na lang silang lahat at nag cheer.


"Kaya yan!" Tumatawang sambit ng medyo lasing na si Amy.

"Kaya ko na!" Sabay hawi ko sa kamay na nakaalalay sakin.

Unti-unti akong lumapit kay Clark na mukhang kinakabahan ng bongga. Natawa ako
dahil masyado silang maingay.

"Walang pictures, ah?" Sigaw ko at binantaan ang may hawak na camera.

Tumatawa ako habang umuupo sa tabi ni Clark. Naghihiyawan na sila. Pumapalakpak


na si Brandon. Hindi makagalaw si Clark. Hindi niya man lang ako nilingon kahit
na nakangisi naman ako at friendly naman ang approach ko sa kanya.

Nag igting ang bagang niya habang papalapit na ako. Humagikhik ako at medyo
nahuhulog na ang mga mata ko. Nakakabingi na ang hiyawan nila.

"Uy, Clark! Kung ayaw mong halikan si Chesca, haplusin mo daw kasi nagagalit!"
Sigaw ni RJ sabay turo sa tshirt ko.

Bahagyang tumawa si Clark. Paunti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Hindi
ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko. Siguro ay may gusto rin akong
patunayan sa sarili. Siguro iyon ay dahil gusto kong patunayan na hindi na ako
bitter saming dalawa. I'm cool with us. That it's all over, it's all okay.

Bigla siyang lumingon sakin kaya naglapat ang labi namin. Tumawa ang lahat at
naghiyawan. Mapupungay ang mga mata ko habang kitang kita ko ang mga mata niyang
nanlalaki. Mabilis lang yung halik ko. Tiningnan ko agad si Brandon na tumatawa
at umiiling.

Page 329
Jonaxx - End This War
"SEE?" Sabi ko.

Tumatawa na ako na parang baliw. Unti unti ko nang nakalimutan kung nasaan ako
nang biglang may humila sakin patayo. Nairita ako sa masyadong malakas na
pagkakahila.

"Ano ba?"

Nakita ko ang galit na mga mata ni Hector. Agad nag react ang puso ko. Unti unti
itong kumirot at hindi ako makahinga.

"Oopps." Dinig kong may nagsabi nun.

"What are you doing?" Matigas na accent ang ginamit niya para itanong ito sakin.

Galit siya. Alam na alam ko. Memorize ko na ang lahat sa kanya.

"Kissing Clark." Sagot ko nang nakangiti.


"While wearing my shirt?" Matama niyang tanong.

"Anong gusto mo? Hahalikan ko siya ng nakahubad?"

Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga.

"Hector, it was just a game." Tumayo rin si Clark para sabihin iyon.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Hector. Nagpipigil siya. Nagpipigil siyang
manuntok. Mabilis ang hininga niya at kuyom na kuyom ang kamao habang tinitingnan
si Clark.

"So what if we kissed, hindi naman kayo." Dagdag ni Clark.

Nakita kong kumislap ang mga mata ni Hector. Buong akala ko ay susuntukin niya na
si Clark, pero imbes na dumapo ang kamao niya sa bibig ni Clark ay hinablot niya
ang kamay ko at kinaladkad palayo.
-----------------

Kabanata 52
Akin

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko nang hilong hilo na sa pagkakaladkad niya.

Page 330
Jonaxx - End This War

Pinikit pikit ko ang mata ko nang tumigil siya at hinarap ako.

"Chesca, anong ginagawa mo dun?" Sabay turo niya kung nasaan ang bonfire.

Nasa isang madilim na parte kami ng resort. Malayo sa mga kumakain na mga tao. Sa
wakas at medyo napawi ang pagkahilo ko kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya.
Kitang kita ko ang madilim niyang titig sakin. Para bang nanghihinayang siya at
nagagalit sa lahat ng ginawa. Pero habang tinititigan ko siya ay naalala ko ang
babaeng ipinakilala sa kanya.

Nalulungkot ako, oo. Bumuhos sakin lahat ngayong gabi. Lahat lahat. Una, gusto ko
siyang patawarin dahil mahal ko parin siya, ngunit isang linggo pa lang ng nakita
ko ulit siya. Marami pa akong tanong na gustong masagot. Marami pa akong mga
bagay na gustong patunayan. Hindi pwedeng isang kalabit niya lang sakin,
magkakandarapa agad ako pabalik sa kanya. Natutunan ko na ang sulosyon sa lahat
ng bagay ay hindi palaging puro puso. Kailangan ng balanse. Sa isang taon na
pagkakakilala ko kay Hector at sa lahat ng nangyari, iyon ang naging baon ko dito
sa Maynila. Dahil noon, puso ang sinunod ko, kahit na sumisigaw ang utak ko na
huwag muna... masyadong maaga. Kaya ngayon, hindi ko na kayang maulit iyon.

Oo nga't sa pag ibig kailangan ibuhos ang lahat. Take the risk, ika nga. Kaya
lang, nagawa ko na yun dati, at nanginginig ako sa awa sa sarili ko sa sinapit
ko. Ayokong ibigay ang lahat. Kailangang mag tira ng para sa sarili. Tanga ako
pero natuto na ako. At hindi ko ibibigay ang lahat. Kailangang mahalin muna natin
ang sarili natin bago tayo magmahal ng iba. Dahil sa oras na iwan nila tayo, ang
tanging masasandalan natin ay ang ating sarili... hindi sila.

Pangalawa, kumikirot ang puso ko. Dahil sa gabing ito, naisigaw sa harapan ko na
magkaiba ang estado namin ni Hector. Mayaman siya, at wala lang ako. May mga
babaeng mas babagay pa sa kanya at hindi siya tinatratong ganito. Tumatabang na
ata ako dahil sa nakita ko. Wala akong magawa, siguro likas na sa mga babae na
maging insecure. Ayokong isipin pero lagi gumagapang sa bawat sulok ng utak ko.
Na noon sa Alegria, pakiramdam ko parehong bundok lang ang inaapakan namin. Pero
ngayon, napagtanto kong nasa kapatagan lang ako, ngunit nasa ulap siya. Oo, I
should be thankful dahil pinansin ako ng isang mala Diyos. Pero paano kung iiwan
niya ako sa oras na marealize niyang hindi siya bagay sa isang tulad ko? Na may
diyosa ring naghihintay sa kanya?

Kaya imbes na bakuran siya ay gusto ko siyang pakawalan. Gusto ko siyang hayaan.
Labag man sa isip ko ay gusto ko siyang ma expose. Gusto kong makita kung paano
siya dito sa Maynila. Paano kung may ibang babae, mayaman, mabait at maganda.
Paano kung maraming ganun? Paano kung may mag mamahal sa kanya? Babalik parin ba
siya sakin?

Nag init ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko kayang isipin iyon. Dumudugo ang
puso ko pero ang lintik kong utak ang nangunguna sa ngayon. Hindi dahil insecure
ako, kundi dahil takot na akong sumugal. Dahil ngayon, ayokong magsisi.

"Naglalaro kami. Ikaw, anong ginagawa mo dun?" Suminghap ako para pigilan ang
luhang nagbabadya sa mga mata ko.
Page 331
Jonaxx - End This War
Kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti. "Nakikipag usap."

"Nakikipag usap nino?"


"Kliyente iyon ng rancho, Chesca! Samin sila umoorder ng mga manok na
ibinibenta-"
"Tapos?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Nag usap kami! Ano ba ang gusto mong marinig?!
Ako nga dapat ang magalit dito, diba? Kasi ikaw, umalis lang ako sandali may
kahalikan ka na!"
"Anong-"

"Wa'g mong gawing rason na hindi mo sinadya, Chesca! Kitang kita ko! Kitang kita
ko na ikaw ang lumapit para halikan si Clark! Hindi ito ang unang pagkakataon
diba? At ngayon, kitang kita ko na ikaw ang una."
Nanlaki ang mga mata ko.

Nangatog ang binti ko at ag buong sistema ko ay naghuramentado. Naalala ko ang


gabing iyon. Naalala ko nang tinaboy niya ako dahil sa paghalik ko kay Clark. Na
experience lang ako. Na isa akong 'Whore' sa paningin niya!

"Nag laro l-lang kami, Hector!" Bahagyang na giba ang pinaghirapan kong dingding
sa gitna naming dalawa.

"Nag laro, fuck that shit, hindi ako hahalik ng ibang babae dahil sa isang laro,
Chesca! Hindi ako hahalik ng hindi ikaw!" Sigaw niya.

Nalaglag ang panga ko at nag init ang sulok ng mga mata ko. Galit ako ngunit
hindi ko siya masumbatan. Kitang kita ko rin ang pagkislap ng kanyang mga mata
dahil sa luha.

"Ano... Ano.. whore na naman ako? A-Ano? Iwan mo ulit ako?"


Umiling iling si Hector at nag iwas siya ng tingin sakin nang may lumandas na
luha sa mga mata niya. "Putang ina." Mura niya nang tumagilid at pinunasan ang
luha niya.
"Ano, Hector? Iwan mo na ako." Pag hahamon ko.

Paghahamon at paninisi sa sarili. He's freaking right. At kung iwan man niya ako
ngayon, kasalanan ko na iyon. Hinding hindi ko siya sisisihin. Nasasaktan ako at
nalilito na. Gusto ko pero natatakot ako.

Umiling siya. "Alam mo ba kung anong klaseng galit ang naramdaman ko sayo noon
nung nakita kitang kahalikan mo siya, Chesca?"

Nakita kong basa ang pisngi niya sa luha. Mas lalo akong nahabag. Mabibigat na
ang paghinga ko at nagpipigil na ng luha sa mga mata.

Page 332
Jonaxx - End This War

"Alam ko sa sarili ko na kailangan kong maniwala sayo, pero nadala ako sa


feelings ko. Mahal na mahal kita at hindi ko matanggap na ganun. Nabulag ako sa
galit ko, oo. Pero ilang saglit lang, babalikan na sana kita dahil kahit galit
ako, alam ko kung anu ano ang mga sinabi ko. Alam kong nasaktan kita at natatakot
akong hindi na maayos pag umalis ako ng tuluyan, pero nang nakita kita doon na
hinahawakan ni Clark. Na para bang natural sa inyong dalawa na mag damayan. Dahil
ex mo siya. Dahil minsan nang naglapat ang labi niyo. Dahil hindi iyon ang unang
pagkakataon na nagkahawakan kayo. Dahil minsan mo ng sinabi sa kanya ang mga
problema mo? Shit! Gusto kong mag wala kaya iniwan kita! At baon ko ang galit ko
kaya nagawa kita lubayan ng matagal ngunit napatawad din kita pero huli na ang
lahat!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ginago mo ako! Kaya wala kang karapatang
manumbat, Hector! Wala kang karapatan! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko!
Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng mga taong nakapaligid sayo at ikaw
mismo! Kung mahal mo ako noon, hindi mo ako gagaguhin! Anong pakealam mo kung
hinalikan ko si Clark? Nakealam ka lang naman kasi nakita mo! Kung sa loob noong
anim na buwan ko siya hinalikan at hindi mo iyon nakita kasi nasa Maynila ka at
nasa Alegria ko, will you even care? YOU WON'T!"

Bumuga siya ng malalim na hininga.

"Alam kong ginago kita. Hindi ko makakalimutan ang mga pagkakamali ko sayo. Kaya
kong pagbayaran ang lahat ng iyon. Pero tangina, Ches," Nabasag ang boses niya.
"Hindi pa ako nagago ng ganito."

Bumuhos ang luha ko sa narinig sa kanya.

"Laro lang naman iyon, Hector! At isa pa... may babae ka rin doon-"
"Tanginang babae kung hindi ikaw!"

Ginulo niya ang buhok niya at nag iwas ng tingin. May iilang mga taong dumaan at
nakiusisa sa ginagawa naming dalawa.

"Shit!" Mura niya sa gilid at hinilamos ang palad. "Hindi ako aalis. Pakasaya ka
muna dun. Matutulog na ako." Aniya at biglang umalis papuntang hotel.

Natuyo ang lalamunan ko. Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siyang pigilan kahit
sinabi niya na saking di siya aalis. Gusto ko siyang haplusin at kandungin.
Tangina, mahal na mahal ko siya at hindi kaya ng utak ko ang puso ko.

Nangatog ang binti ko. Hindi dahil sa dami ng nainom kundi dahil sa nakakalitong
nararamdaman. Bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko iyon
agad agad at napaupo ako sa buhangin.

Ilang sandali pa akong ganun ang posisyon nang may lumapit sakin.

Page 333
Jonaxx - End This War

"I'm sorry." Dinig ko ang boses ni Clark sa likod.

Hindi ako lumingon. Pinunasan ko ang pisngi ko para matuyo pero patuloy ang pag
luha ko.

"Okay lang, kasalanan ko." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim at umupo sa gilid ko. Humihikbi pa ako habang nagsasalita
siya. Alam kong galit dapat ako sa ex kong nag cheat sakin pero sa ngayon, parang
okay na ang lahat. Parang wala na akong pakealam sa atraso niya sakin. Na wala ng
mas isasakit pa sa nararamdaman ko para kay Hector.

"Ininsulto ka na naman ba ng lalaking iyon?" Medyo mariin niyang tanong.


Umiling ako dahil alam kong manginginig ang boses ko pag sumagot ako.

"Umamin ka na, Chesca. Unang kita ko pa lang sa kanya sa Alegria, alam kong hindi
na maganda ang ugali niya. Masyado siyang makasarili at control freak. Para bang
kailangan lahat ng gusto niya ay masunod."

Hindi ako sumagot.


"Chesca, gumising ka na! Hindi siya worth it! Hindi ko alam kung anong meron sa
lalaking iyon, anong meron sa inyo, pero hindi kayo bagay! Hindi bagay sayo ang
magpakasakit ng ganito! Hindi mo pwedeng hayaan ang sarili mo na makulong sa
kanya habang iniinsulto ka niya.

"Hindi niya ako ininsulto, Clark." Sabi ko.

"Tss. Umamin ka na. Masyado ka yatang nabulag sa kanya."

Nilingon ko siya at kinagat ko ang labi ko. "Hindi ganung tao si Hector."
"Oh don't make me laugh. Dinig na dinig ko ang mga pinagsasabi niya. Kitang kita
ko iyon, hindi ba?"
Umiling ako at tumayo.

Hindi siya ganun. Alam ko. Alam kong kahit na totoong masyado siyang spoiled,
makasarili, at control freak ay hindi niya kaya iyon. Maaring mga immature pa
kami noong nagsimula kaming dalawa. Kaya ako, nagpadala sa mga bagay sa paligid,
at siya nagpadala sa pagseselos. Ngayon, alam kong hindi na. Pareho kaming
natuto.

"Sige, Clark. Tulog na ako." Sabi ko at umambang aalis.

Pinigilan niya ako. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko para hindi ako
makawala. "Chesca. Ipagpapalit mo ba ang isang taong samahan natin sa anim na
buwan niyong pagkakakilala? Chesca, ilang taon na tayong magkakilala. Alam kong
nagkamali ako-"
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Oo. At kahit siguro hindi ka nagkamali,
siya parin. Mahuhulog parin ako sa kanya. Baka ako ang magkamali..." Kinagat ko
ang labi ko at iniwan na siya doon.
Page 334
Jonaxx - End This War

"Chesca!" Sigaw ni Clark habang lumalayo na ako. "Chesca, I don't think so! Hindi
parin ako nagtitiwala sa kanya! Chesca!"

Gusto ko na lang matanggal lahat ng mga iniisip ko sa utak ko at tingnan na lang


ang mga mata ni Hector. Gusto kong iwan na lang lahat ng mga pagdududa at
paninigurado at ibuhos na lang ang pag ibig ko sa kanya.

Hindi na ako kumatok sa suite niya dahil alam kong bukas iyon. Sinarado ko iyon
at hindi na binuksan ang ilaw dahil baka tulog na siya.

Umupo ako sa kama at nakitang nakahiga siya. Tinitigan ko ang mga mata niya at
nakita kong kumislap ito. Dumapo ang kamay niya sa mga mata at parang may kung
anong pinunasan dito.

"Oh, ang aga mo yata..." Malamig niyang sinabi.


"I-Inaantok na ako." Rason ko.

Bahagya siyang umusog kahit na tamang tama lang sakin ang tabi niya.

"Gusto mo sa sofa na lang ako?" Aniya.

"Hindi. Okay lang."

Parang may kung ano akong naramdaman sa puso at sa tiyan ko. Isang bagay o hayop
na may pakpak.

"Okay." Aniya.

Nagkatitigan kami sa dilim. Kinagat ko ang labi ko at tinungtong ang mga paa sa
kama. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Tulog ka na." Aniya.


"Oo. Teka lang." Untag ko.
Bumuntong hininga ulit siya at umupong bigla.

"O-O, bakit?" Medyo nagulat ako sa pag upo niya.


"Doon na ako sa sofa." Aniya at tinanggal ang kumot pero bago siya umalis ay
dumapo ang kamay ko sa braso niya.
"D-Dito ka lang." Sabi ko ng marahan.

Page 335
Jonaxx - End This War
Tiningnan niya ang kamay ko bago ang mga mata ko.
"Please..." Halos pagmamakaawa ko.
Lumunok siya at tumango.

Kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang nasaktan siya sa lahat lahat. At
nasaktan din ako. Pero siguro ay hindi ibig sabihin na dahil nasaktan ka ay
mananakit ka... Pero masyado iyong ideal. Sa mundong ito, kaya nagkakasakitan ang
mga tao ay dahil sa ripple effect ng sakit. Pag may masasaktan, may mananakit. At
ang nasaktan ng nanakit ay mananakit din. Hindi natin iyon maiiwasan dahil tao
lang tao at may tendency tayong manakit dahil nasaktan... dahil unconsciously
hindi natin matanggap na nasaktan tayo ng mga taong mahal natin, kaya mananakit
ka ng taong nagmamahal sayo.

Lumandas ang luha ko sa mga pisngi ko habang nagtititigan kaming dalawa. Agad
agad ay pinunasan iyon ni Hector.

"Ayoko ng pinapaiyak kita. Tama na yung noon." Malamig niyang sinabi na mas
lalong mas nag paiyak pa sakin.
Naubusan ako ng hangin dahil sa pinipigilang pag hikbi. Bigla niya akong
hinalikan. Pagkalapat ng labi niya sa labi ko ay may kung anong bumuhos na tubig
sa puso ko. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na iyon, pero ang alam ko,
naghihintay na lang itong bumuhos doon.

Mararahan at nakakalasing ang mga halik niya. Hindi ko maintindihan dahil kung
ako ang hahalik sa kanya, paniguradong sabik at nanlalamon ang magiging resulta.
Pero itong sa kanya ay parang marahan at maingat. Maingat na baka masaktan ulit
ako. Para bang itinuturing akong pinggan na madaling mabasag.

Lumapit ako sa kanya para mas mahalikan niya pa ako. Nakahawak ang isang kamay
niya sa pisngi ko. Dumapo ang kamay ko sa may dibdib niya. Sinuklian ko ang halik
niya ng ganun rin. Marahan at nakakalasing.

"Hector..." Sabi ko sa gitna ng mga halik.

"Natatakot akong sumugal ulit sayo."


"Shhh... Alam ko... Hindi naman kita minamadali." Aniya.

Hinalikan niya ang gilid ng labi ko. Napapikit ako at dinama ang bawat halik niya
hanggang sa nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga at
hinalikan niya ang gilid ng tainga ko.

"Alam ko kung gaano kita nasaktan dahil sa mga salitang binitiwan ko. At kaya
kong pagbayaran iyon." Bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko.

Page 336
Jonaxx - End This War

"Gusto kong sabihin sayong wa'g mo akong saktan, na ako lang sana yung mahalin
mo, na sakin na lang ang buong atensyon mo... na akin ka dapat... na walang
pwedeng umangking iba sayo. Pero alam kong hindi, diba? Hindi ka akin. At hindi
ko iyon matanggap. Hindi ka akin dahil pinakawalan kita noon. At sagutin mo man
ako ngayon, hindi parin kita maikukulong sakin dahil hindi kita pag aari. Gusto
kong matuto. Gusto kong matanggap iyon. Gusto kong ilagay sa kokote ko na wala
akong magagawa. Na hindi ko hawak ang emosyon mo. Hindi ko hawak ang puso mo.
Kaya lang..." nabasag ang boses niya. "Kaya lang, Chesca, hanggang ngayon, di
parin ako natututo. Gusto ko paring sakin ka. Kahit na anong gawin kong pag aaral
na pakawalan ka, gusto parin kitang hawakan ng mahigpit."

Hinawakan niya ang braso ko at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napatingala ako
dahil nanunuya at nakakakiliti ito. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siya.

Bumuga siya ng hininga nang nasa balikat na ang mga halik niya.

"I want to kiss the wounds my own bullets left, Chesca. Lahat ng kasalanan ko,
gusto kong halikan at baka sakaling mapawi ko."

Halos mapudpod na ang labi ko sa kakakagat.

"If you will only let me." Hinagkan niya ako.

Halos ibigay ko na ang sarili ko sa kanya. Buong buo. Hindi ko siya mayakap
pabalik kasi hinang hina na ako.

"Pero sa ngayon, pagbabayaran ko muna ang kasalanan ko. I will respect you."
Dumilat ako at hinarap siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Pumungay ang mga mata niya.

"Sa oras na may karapatan na ulit ako, bawat sulok ng balat mo, mamarkahan kong
akin. Yung tipong lahat ng hahawak o aamoy sayo, ako ang makikita."

Hinaplos niya ang leeg ko, pababa ng braso ko, baywang at binti ko.

"Bawat sulok ng balat, kahit ang anino mo, may markang akin. Para kaya kitang
pakawalan. Kaya kitang hayaang lumabas mag isa. Yung nakakasiguro akong sakin ang
balik mo, dahil ako ang bumubuo sayo."

Kabanata 53

I Want You Back


Page 337
Jonaxx - End This War

Dumilat ako kinaumagahan nang nasa bisig na ni Hector. Nakatingin siya sa akin at
seryoso ang kanyang mukha. Bahagya akong lumayo. Hindi niya ako pinigilan sa pag
layo ko.

"Kumain na tayo." Aniya at agad bumalandra ang katawan niya sa harapan ko nang
tumayo siya.

Hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa burning abs niyang walang saplot na


naglalakad sa harap ko. Kita ko rin ang kaonting pamamawis ng kanyang buhok kahit
na naka full naman ang aircon ng buong silid.

"Bakit pawis ka?" Hindi ko napigilan ang pagtanong.

"Ah. Galing ako sa gym." Aniya tsaka nag soot ng t shirt.


Tumango ako. "Kanina ka pa pala gising?"

Napatingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas diyes na.

"Ba't di ka naunang kumain?" Tanong ko.

"Hinintay kitang magising." Aniya. "Ipapadala ko na lang dito yung almusal?"


Aniya.

Tumango ako at kinusot ang mga mata. Kailangan ko pang maligo at magbihis ng
maayos na damit. Uuwi na rin kami mamaya.

Kinagat niya ang labi niya. For some reason, mukha siyang nahihirapan at hindi ko
iyon maintindihan. Tumayo ako at kumuha ng tuwalya.

"M-Maliligo muna ako."


Lumunok siya at tumango na lang.
Nagmadali ako sa banyo at ni on ang malamig na shower.

Muntik na ako doon, ah? Bakit ganito? Napahawak ako sa nag aalburoto kong puso.
Para akong hinahabol ng aso sa sobrang kaba. Alam ko... Alam kong nararamdaman
din siguro ito ni Hector.

Niligo ko ang sarili ko sa malamig na tubig. I need to erase everything. Erase my


thoughts... Erase... Kinagat ko ang labi ko nang narealize na wala nga pala akong
dalang damit sa loob. Ibig sabihin ay nakatapis lang ako palabas ng banyo at
maglalakad pa ako sa labas para kunin ang damit na susootin ko.

Page 338
Jonaxx - End This War

Humugot ako ng malalim na hininga at binuksan ang pintuan. Kita ko agad na


tumitig si Hector sa akin. Nakaupo siya sa lamesa kung saan naroon ang mga
pagkain. Nag iwas ako ng tingin.

"Uh, bihis lang ako." Sinulyapan ko siya at kitang kita ko ang pagbuga niya ng
hininga at ang pag iwas niya ng tingin.

Mabilis kong hinalungkat ang damit ko. Hinablot ko na ang kahit anong pwede kung
sootin. Hindi na ako nag abala sa pag hahanap ng bra at panty. Hinablot ko na
lang iyong two piece na dala ko at nagmadali na ako pabalik sa banyo.

Mabilis akong nag bihis. Loose sleeveless ang nakuha ko at isa pang shorts. Okay
na ito. Huminga ako ng malalim at lumabas. Sinalubong na naman ako ng titig ni
Hector na ngayon ay mukhang pinipilit iiwas sakin.

"Kain na tayo." Aniya.


Tumango ako at awkward na umupo sa harapan niya.

Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik ay nabibingi na ako. Kung hindi lang
tumunog ang cellphone ko nang tumawag si Kira ay hindi kami maiistorbo.

"Hello?"

"Hello? Gising ka na?" Alam kong nakangisi niyang sinagot iyon.


"Oo. Bakit?"

"Swimming tayo dito! At halika! May ipapakilala ako sayo!" Aniya na tunog
excited.
"Sino?"

"Basta! Lumabas ka na lang! Nag ba-banana boat na sina RJ!"

Napatingin ako kay Hector na umiinom ng tubig. "Alright, Kir. Uuwi na kami around
lunch."
"Okay. Sige na, labas na!" Aniya.

Pinutol niya agad ang linya. Uminom na rin ako ng tubig at tiningnan si Hector na
ngayon ay naghihintay ng sasabihin ko.

"Pinapalabas ako ni Kira."


Tumango siya. "Susunod ako." Aniya. "I memeet ko lang yung businessman."

May kung anong gumapang sa utak ko. Negative, bad vibes... Bakit kaya? Well,
Page 339
Jonaxx - End This War
hindi ko alam. Basta ay ang pag uusapan naman siguro nila ay business. I mean,
come on, may buhay din si Hector. Naranasan kong sa Alegria ay umiikot ang buhay
niya sakin. Ngayon, ito na ang real life, hindi sakin umiikot ang buhay niya. May
sarili din siyang buhay. At hahayaan ko siya...

"Okay."

"Pupuntahan kita pagkatapos. Saglit lang naman yun." Aniya.

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Kaya nang lumabas ako ay medyo excited
akong naglakad patungo kina Kira. Kitang kita ko ang bading na naka pink na board
shorts pero may sumbrerong malaki.
"Kira!" Bati ko nang nakitang may mga kausap siya.

"Ah!" Tumatawa si Kira sa mga kausap niya. "Eto na siya!"

Hinawakan nya ako sa baywang at pinresenta sa tatlong lalaking kausap. Ang isa ay
may balbas at may hawak na malaking camera. Ang isa ay isang payat at kulot na
lalaking may hawak na reflector at tripod. Ang kausap niya naman ay isang
lalaking sakto sa build at may dreadlocks na buhok.

"This is Francesca Alde-"


"I know here." Sabi nung payat.

Nagulat ako at ngumiti sa kanya. Tiningnan kong mabuti kung saan ko siya
nakilala. Medyo pamilyar din siya sakin.

"Sa isang magazine. Shoot. Ikaw ang nag model." Aniya at ngumisi. "Bryan."
Naglahad siya ng kamay na tinanggap ko naman.
Tumawa si Kira. "See? She's a professional model."

Medyo tinapik ko sa kahihiyan si Kira.

"Chesca, ito nga pala si Angelo at si Kean." Pakilala ni Kira sa dalawa pang
lalaki. "Taga FHM sila."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Yes, dear! At gagawin kang GF of the month. If you could only remove the clothes
and pose for a shot or two?"
Hindi ako makahinga sa nakakabiglang sinabi ni Kira.

"Hmm. I find her sexy for a model, Kir. Tama ka nga. Iyon ay kung payag ka, Miss
Chesca?"
Tumango agad ako sa bigla.

Hindi ako makapaniwalang pagkatapos kong magbiro na papasok ako sa FHM ay


magkakaroon ako ng ganitong break.

"It's not a big break yet. Pero dito kasi nagsisimula yung mga models namin, e."
Sabi nung Angelo na may Dreadlocks na buhok. "Pakita kita muna bago mag karoon ng
Page 340
Jonaxx - End This War
buwan buwan na pag papakita sa magazine. Lalo na pag nagustuhan ka ng mambabasa."
"O diba, girl? Grabe! Bihira lang ito! Sige na! A pose or two!"

Nagulat na naman ako nang biglang nag set up si Bryan at si Kean sa likod.
Nakakapanic. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"Shall I remove my top?"

"No, no, okay na siguro yan. Medyo ibaba mo lang konti yung isang sleeve para
makita yung two piece."

"Ganito ba?" Sabay baba ni Kira sa sleeve ko.


Tumango si Angelo.

Kung hindi sila professional ay iisipin ko ng mga manyak sila. Pero dahil mukhang
wala naman silang intensyon na bosohan ako o kahit ano. Seryoso naman sila at
mukhang trabaho ang ipinunta nila dito kaya kailangan ko ring magpaka
professional.

"Debut mo rin ito!" Bulong ni Kira sakin habang tinatali sa gilid ang damit ko
para makita ang pusod, tiyan, at hubog ng katawan ko.

"Anong Debut?"

"May isang clothing line kasi na lumapit sa agency. Kailangan nila ng mga model
para sa clothing line nila. Most specifically sa denim pants. Tapos, ikaw yung
pinili ni Hugo. This is the first time you'll have a sexy shoot right?"
Tumango ako. Di ako makapagsalita nang pinagmasdan kong ni unzip ni Kira ang
shorts ko at bahagyang ipinakita ang two piece ko.
"Naka pants at naka bra lang yung sa shoot na iyon. Medyo malaki ang kita. Are
you willing?"
"Naka pants? Tapos bra?"

Pants? Okay lang naman. Kinaya ko nga iyong medyo maghuhubad na, edi kakayanin ko
rin iyon. ISa pa, nag susoot na naman ako ng two piece noon. Hindi nga lang ako
lumalabas sa print ads na naka ganun dahil ayaw pa ng mga magulang ko at medyo
kaka eighteen ko lang noon. Ngayong nineteen na ako, siguro ay stepping stone na
rin ang mga ganitong offer.

"Okay. Sure." Sagot ko.

Pumalakpak si Kira. "Good! Papapirmahin kita ng kontrata mamaya bago ka umalis


dito. Then see you in a month!"
Ngumisi ako at humarap sa mga taga FHM.
"Anong pose niya?" Tanong ni Kira.

"Ah! Siguro naka luhod at naka talikod sa dagat. Let's make use of the scenery."
Page 341
Jonaxx - End This War
Ani Angelo.

Sinunod ko agad ang sinabi niya. Kitang kita ko ang hindi napapawing ngiti ni
Kira habang pinagmamasdan ang shoot.

Hinawakan ko ang buhok ko at tiningnan ang camera ng seryoso. Lumuhod ako at


inayos ang posture.

Umiling si Kean pagkatapos ng isang click. "Grabe! Unang shot pa lang, solb na."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.


"I told you, professional yan." Halakhak ni Kira.

Ilang shots lang ang nangyari. Hindi na nila kailangan ng marami dahil isa lang
naman ang ipapakita. Inayos ko ang damit ko at nagpasalamat na sa kanila at kay
Kira.

"Two to three months, lalabas ang issue. Papadalhan ka namin ng copy." Sabi ni
Angelo.

Tumango ako at ngumisi.

"Thank you! Nice working with you! Hopefully, soon, mapapasama ka na sa buong
team."

Nakipagkamayan ako sa kanila at nagpasalamat. Hindi ako makapaniwala na sa loob


lang ng isang oras ay magkakaroon ako ng break sa magazine na iyon. Tumatawa si
Kira nang palayo na sina Bryan, Angelo, at Kean.

"Oh, iba? Grabe! Ang ganda ng event na ito!" Tumatawa siya at pinagmamasdan ang
nag ba banana boat na mga models. Naka jet ski din ang iba. Nakakainggit. Pero
imbes na gawin din iyon ay luminga linga ako para tingnan kung nasaan si Hector.

Wala parin siya. Sabi niya ay pupunta siya dito, ah? Ipinag kibit balikat ko na
lang iyon. Ang sabi niya ay makikipag meet siya sa businessman. Siguro ay
natagalan.

"Ligo tayo!" Sabi ni Kira at tinanggal na ang sumbrero niya.


"Maya na, Kira." Sabi ko pero hinila niya na ako.

"Tanggalin mo na yung damit mo! Two piece na!" Sabi niya.

Naaapakan ko na ang dagat. Hanggang sa ilang sandali ay hanggang tuhod na ang


dagat dahil sa pangangaladkad niya.

Page 342
Jonaxx - End This War
"Okay, okay. Teka lang! Magtatanggal lang ako!" Sabi ko at bumalik sa shore.

Luminga ulit ako para hanapin si Hector ngunit wala parin siya doon. Ang dami
kong mali at nakakalokang naiisip pero ayokong talakayin lahat ng iyon sa isipan.
Gusto niyang matutong pakawalan namin ang isa't-isa. Dahil hindi mabuti ang
pagmamahal na sobrang possessive at sobrang selfish. Dahil totoong hindi namin
pag aari ang isa't-isa. Na may kanya kanya kaming buhay. Na hindi pwedeng ibuhos
ang lahat sa isang tao. Kailangan ay mag tira din tayo para sating sarili.

Pagkatapos kong mag hubad ay bumalik na ako sa dagat at sumama kina Kira. Ang
sarap talaga ng tubig dagat. Ang sarap lumangoy at pakawalan ang sarili mo. No
worries. Freedom. You are free to do anything. Masarap iyon. Pero sa tuwi
tuwinang paglalangoy ay umaahon ako para tingnan ang shore. Para hanapin ang
isang taong gusto kong makita ngunit wala doon.

Dahil sa paglinga ko ay hindi ko na namalayan na nabunggo na ako sa isa sa mga


kasama naming lumalangoy.

"Sorry." Sabi ko at tumingala.

Narinig ko ang tawanan nina Kira dahil sa tinutukso nilang si RJ na nag ji


jetski.

"Okay lang." Malamig na untag ni Clark.

Lumayo ako ng bahagya ngunit hinawakan niya ang kamay kong nasa ilalim ng dagat.

"Chesca, you have to listen."


Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"I want you back, Ches... I want you back so bad."


Binawi ko ang kamay kong hinahawakan niya. Umiling ako sa kanya. Alin ba ang
hindi niya maintindihan sa lahat ng nasabi ko na? "Clark, can't you see? Do I
have to slap this to you? I am in love with someone else. Irrevocably and
completely."

Nag igting ang bagang niya. "Alam ko. You are in love with the wrong person."
Kinunot ko ang noo ko sa sinabi niya.
"Ininsulto ka niya. Kahit kailan, hindi kita pinagsalitaan ng maaanghang na
salita. Kahit kailan, Ches."

But you damn cheated but it doesn't matter to me. Your mistakes doesn't matter to
me anymore. Dahil ang tanging laman ng isip ko ay ang lalaking nakatayo ngayon sa
seashore. Nakahalukipkip at diretsong nakatitig sakin. Kahit malayong malayo
siya, alam kong tanaw niya ako. Alam kong binabantayan niya ako. And that's
Page 343
Jonaxx - End This War
enough to make my heart beat so fast. Pakiramdam ko tumitibok lang ito sa mga
panahong naryan siya, patay ito pag wala siya sa paligid.

Kabanata 54
Farm ni Chesca

Mabilis akong bumalik sa shore. Nasa mababaw na parte ako nang nakita kong hayop
tumitig si Hector sa katawan ko. Kinikilabutan tuloy ako. Parang bang anytime ay
sasabog siya sa galit dahil sa soot ko. Nang nakaahon ako ay agad agad kong
pinulot ang damit ko. Kahit basa pa ako ay sinoot ko agad ito.

Lumapit siya sakin at bigla niyang hinapit ang baywang ko. Kinagat ko ang labi
ko. Gusto kong umapila pero mabilis ang kalabog ng puso ko at halos di ako
makahinga.

"Tayo na." Malamig niyang sinabi.

"Uh, m-mababasa ka sakin." Sabi ko.

"Pake ko?" At mas lalo pa niya akong hinila palapit sa kanya.

Nilingon ko ang iilang mga kasamahan kong nasa shore at nag su sunbathing. Halos
silang lahat ay nakatingin samin at tahimik. Kita ko rin si Kira na nakaawang ang
bibig habang nasa labi na ang potato chips na hindi niya mapasok pasok sa bibig.

"Kira, baka uwi na kami."

"Sige sige!" Tumango si Kira saka kinain yung kanina pang potato chip sa labi.

Nang naglakad kami palayo at bahagya ko silang nilingon ay kitang kita ko ang
mabilis na talakan nila. Sinulyapan pa kami ni Amy at mukhang kaming dalawa yata
talaga ang pinag uusapan.

Nang tumingin naman ako sa dinadaan namin ay bawat mata ng mga guests sa resort
ay lumalagpas sakin at dumediretso kay Hector. Para bang hindi nila ako nakikita
dahil sa katabi ko. Yung tipong hindi man lang nila ako napansin kahit nakatingin
ako sa kanila dahil nakatoon ang buong atensyon nila kay Hector.

Natigil lang ako sa kakausisa sa mga nakatingin nang mas mariin niyang hinapit
ang baywang ko.

"Anong sinabi ni Clark sayo?" Tanong niya.


"W-Wala." Sagot ko.

Page 344
Jonaxx - End This War
"Mukhang may seryoso kayong pinag usapan, a?"
"Wala..."
Nilingon niya ako at bumuntong hininga siya. "Ayaw kong maglihim ka sakin. Pero
wala akong karapatan..."
Kinagat ko ang labi ko. "Wala naman kasi, Hector." Paliwanag ko.

Tumango siya pero alam kong di siya naniniwala. "Okay... Sige... Sabi niya
makikipagbalikan siya sakin."
Nilingon niya ako.

Nasa tapat na kami ng suite nung hinarap niya ako ng seryoso. Kinagat ko ang labi
ko habang tinitignan ang walang kupas na ka gwapuhan niya. Siya yung gwapong
hindi nakakasawang tignan. Sa kahit anong anggulo ay gwapo at bago. Kahit anong
isoot, hairstyle, o gawin ay gwapo parin. Kahit na pagpawisan, mahirapan, o
magalit ay sobrang gwapo parin. Is that even possible? Bakit ang isang diyos na
ganito ay nasa harap ko at nakikisama sa isang tulad kong normal na tao lang?

"At anong sinabi mo?"


"Hmmm. Na hindi pwede."

"Bakit di pwede?" Tumaas ang kilay niya.

"K-Kasi... Kasi ayaw ko." Sabi ko.

"Kailan mo magugustuhan ulit?"


Tinaas ko ang kilay ko. "Hindi ko na magugustuhan ulit. Hindi na mauulit."

"Bakit?"

Ngumuso ako. "Kasi hindi ko na siya mahal."

"Bakit? Sino na ang mahal mo? At kelan ka tumigil sa pagmamahal sa kanya?"

Halos mag nosebleed ako sa sandamakmak na tanong ni Hector. Hindi ko alam kung
alin ang uunahin ko sa pagsagot. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng
suite.

"Hector, yun na yun. Hindi ko na mahal si Clark. Wala na akong pakealam, alright?
Wa'g ka ng matanong." Sabi ko at iniligpit ang gamit.

Nang nilingon ko siya ay nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko.
Nag iwas din siya ng tingin nang nakita ko iyong paninitig niya. Bumuga siya ng
hininga at patalikod pang nag mura.

"Magbihis ka na!"

Ngumisi ako sa nakita kong reaksyon galing sa kanya. Alam kong nagpipigil siya.
Kagabi pa lang, halatang halata na. Nagpipigil siya hanggang sa sagutin ko na
Page 345
Jonaxx - End This War
ulit. Ewan ko pero para akong excited at nababaliw tuwing iniisip kong sasagutin
ko na siya. It's still too early, though. Kailangan pa namin ng oras. Hindi
pwedeng sa loob lang ng isang linggo ay sasabak na naman kami sa isang relasyon.
Kailangan naming matutong dalawa.

Nagbihis ako sa banyo. Pagkalabas ko ay kita kong nakabihis na rin siya at na


organisa na ang mga dala namin.

"Uwi na tayo." Aniya.


Tumango ako.

Lumabas na kami ng kwarto. Habang nag chicheck out siya at nilalandi nung
receptionist ay bigla naman akong kinalabit ni Kira.
"Girl!" Aniya sabay hila sakin sa mga sofa ng reception.
"Oh, kira?"

May dala siyang mga papeles at isang sign pen.

"Naalala mo yung sabi ko sayong offer? pirmahan mo na ito o, dali!" Aniya.

Tiningnan kong mabuti iyong papeles. Kitang kita ang header sa taas na isang
sikat iyong clothing line.

"Sinong kasama ko dito?" Tanong ko.

"Sa ramp at sa shoot ata, marami kayo, e. Pero sa billboard, hindi pa ako
sigurado kung ilan kayo. Ni offeran ko si Brandon!" Nanlaki ang mata niya at
halos pumutok ang mga ugat. "Aba't ang walang hiya ay tinanggihan ako!"
"Bakit?"

"May gagawin daw sa Tagaytay! Anong meron sa Tagaytay?"


"Ewan ko. Yun din ang tanong ko, e. Baka may sakit ang mommy niya?"
"Anong may sakit? Wala! Nakausap ko yung mommy niya nung isang araw! Nasalubong
ko sa Solaire! Nagkacasino. Anong may sakit dun? At nasa Maynila ang mommy niya,
wala sa Tagaytay!"
Nanliit ang mga mata ko. "Okay. Hmmm."

Ang adik na Brandon na yun. Siguro ay may binabalikbalikan siya sa Tagaytay, ano?
Ano yan? Can't live if living is without you? Umiling ako at mabilis na
pinirmahan ang limang kopya ng kontrata.

"Tayo na, Chesca." Ani Hector.

Page 346
Jonaxx - End This War

Binigay ko ang mga papeles kay Kira at tumayo na para makaalis na kami ni Hector.

"Uwi na kayo?" Lumambing bigla ang boses ni Kira nang kinausap si Hector.
"Oo." Malamig na sinabi ng supladong Hector.

"Bakit? Swimming muna tayo." Pinasadahan ni Kira ng tingin si Hector sa katawan.


"Ayaw kong mag swimming sa maraming tao. Gusto ko kami lang ni Chesca."
Parehong nalaglag ang panga namin ni Kira.

"Oh? Ohhhh! So? Okay... Sige..."


"Ano, Hector? Bili tayo ng resort? Yung tayo lang mag si-swimming?" Tumawa ako sa
sariling biro.
Nilingon niya ako gamit ang seryoso niyang mata. "Saan? Kelan tayo bibili?"

SHIT!

Kumunot ang noo ko at hinila na lang siya palayo sa na estatwang si Kira. Alam
kong nagulat siya sa sinabi ni Hector. Oo na, kasi mayaman siya! Grrr.

"Mauna na kami, Kira! Bye!" Sabi ko sabay kaladkad palayo kay Hector doon.

"May binibenta bang resort?" Tanong niya sakin nang pinatunog ang kotse.

Pumasok ako sa loob at sinimangutan siya.

"Wa'g kang bumili ng dead investment. Kung ayaw mo rin namang may pumuntang ibang
tao sa resort, hindi ito kikita, wa'g ka na lang bumili. May dam ka na naman. Sa
inyo pa ang Tinago. Ano pang gusto mo?"

Ngumuso siya at pinaandar ang sasakyan niya. "Yung nasosolo kitang naliligo."

Gusto kong magmura ng malutong. Sinasadya niya ba ito? Wala bang preno o filter
ang bibig niya at parang natural lang na lumalabas sa bibig niya iyon. Napansin
niya ang katahimikan ko kaya sumulyap siya sakin.

"I mean, pag tayo na ulit. Ayaw kong may makakita sayong iba na ganun ang soot.
Naiirita ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na manghagis ng bagay sa inis.
Kaya wa'g mong isipin na ayos lang yun sakin."

Shit? Pwedeng bumigay na sa kanya? Hindi ko alam kung paano ko nagagawang


kaligtaan siya sa mga sumunod na araw sa school. Hindi kasi alam nina Desiree,
Tara, at Janine na may something sa amin ni Hector. Syempre, ang mga models lang
ang may alam nun at hindi naman bungangero sina RJ. At mas lalong di nagkakalat
Page 347
Jonaxx - End This War
ng istorya si Clark.

Naging busy kami sa school. Lumalapit na kasi ang midterms. Panay ang aral namin
sa lahat ng subjects. Lagi pang nagyayaya si Desiree ng group study at lagi ko
rin itong tinatanggihan dahil lang sa 'group' study na ginagawa naman namin ni
Hector sa bahay.

Nanliit ang mga mata ni Desiree nang tinanggihan ko ulit siya.

"Anong meron?" Tanong niya.

Lumaki ang ngiti ni Janine nang narinig na di ako sasama.

"Excited na ako! Tara na!" Sabi ni Janine.

Binalewala ko siya at bumaling sa nagtatanong na si Desiree.

"Busy ako, e." Sabi ko.

Mas lalong nanliit ang mga mata niya. "Noong high school, laging ikaw ang
nagyayaya. Lagi pa tayo sa bahay niyo? Laging ikaw ang excited. Ngayon? Ang laki
ng pinagbago mo."

"Des, alam mo namang binenta na ang bahay namin. Nasa apartment lang kami
nakatira at maliit yun kaya nahihiya akong magyaya. Isa pa, talagang marami akong
gagawin. Siguro mamayang gabi na ako mag aaral. Baka nga mag puyat pa ako." Sabi
ko.

Humalukipkip siya at tumango. "Okay fine! Next time, wa'g ka ng tumanggi!" Aniya.

Tumango na lang ako nang makuntento siya. Kaya naman ay nang isang araw ay may
sinabing announcement ang professor namin sa isang major na subject ay hindi na
ako nakatanggi.

"Pagkatapos ng midterms..." Sabi ng professor naming matanda na ngunit nagsosoot


parin ng sumbrerong pang cowboy.

Mukha siyang pulitikong nangungurakot sa kaban ng bayan. Kulang na lang ay tabako


at mapagkakamalan ko na siyang haciendero. Ayun sa usap-usapan ay haciendero nga
si Professor Vasquez. Kaya hindi na kabigla bigla ang binigay niya sa aming
proyekto.

"Wala na kayong exam pa! Ha-ha!"


Tahimik kami habang siya ay maingay na idineklara iyon.

Page 348
Jonaxx - End This War
"Sa isang kundisyon!" Aniya.
"Ano po yun, sir?"
"Magandang tanong, hijo."

Napangiwi ako nang tinuro niya si Billy kahit na si JV naman yung nagtanong. At
hindi naman maganda yung tanong, ah?

"Gagawa kayo ng isang term paper. Gusto ko ay bumisita kayo sa isang farm!"

Naging maingay ang mga kaklase ko dahil sa bulong bulungan. Nakita kong agad
dumapo ang tingin ni Desiree sa akin.

"I will divide you into four groups. Each group will have 10 members each." Ani
Prof Vasquez.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Istorbo. Palihim ko iyong tiningnan at nakita
ko ang mensahe ni Kira.

Kira:

Saturday yung shoot. See ya sa studio. Photographers will include, Omar, Clark,
Dustin, Bon, at marami pa. Be there.

Oh great! Mag aaral ako mamayang gabi para bukas, pwede na akong umalis at
makipag shoot kay Kira.

Nagulat ako nang nakita ko na sa one fourth sheet of paper ang mga pangalang
kagrupo ko: Chesca, Janine, Desiree, Tara, Clark, JV, RJ, Billy, Hector, at
Oliver.

"Ano 'to?"

Talagang kasama si Clark? At shit? Si Hector?

"Yan na!" Sabi ni Desiree.

"Hala! Ayoko!" Sabi ko.


"Sige na, Chesca! Pumayag naman sila! Sige na para puro gwapo yung kasama natin!"
Tumatawang sambit ni Tara.

Napa facepalm ako at nakitang nipasa na ni Desiree ang papel. Pumalakpak pa siya
Page 349
Jonaxx - End This War
at parang kinikilig pagbalik sa upuan.

"I have here guide questions. Sasagutin niyo ito sa pag punta niya sa farm. Alam
kong karamihan sa inyo dito ay may farm. At kung wala man sila sa grupo niyo,
kailangan niyong i interview ang humahawak sa farm o kahit anong pambukid na
negosyo. Isusulat ko ngayon sa white board ang guide questions, ang format ng
term paper, format ng documentation, format ng individual assessment at portfolio
at syempre reflection paper."

WOW HA? Ang dami! Mas lalo akong nagreklamo nang nakita ko na ang dami ng gusto
niyang ipasa namin. Sobrang gulo ng mga format at mahirap ang mga hinihingi niya.

"Pagkatapos ng midterms, di na kayo rereport sa klase ko. I'll just wait for your
outputs hanggang finals."
"YEHEYYY!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Syempre, nakakaingganyo iyon. Kaya lang kung ganyan ba naman ka dami ay mas
gugustuhin kong uminit ang pwet ko sa upuang ito at makinig sa nakakaantok niyang
sinasabi araw-araw.

"So? May groups na kayo. You decide kung kaninong probinsya o farm kayo pupunta.
You have four days, diba? After midterms, Sabado, Linggo, at ang Lunes at Martes
ay parehong walang pasok. Kaya I expect you do your assignment in those days."

OH Great! Grabe! Great goat!

Sinulyapan ko si Hector nang umalis siya para sa susunod na klase. Tumango siya
at dumungaw sa cellphone niya. Ilang sandali ay naka receive ako ng message
galing sa kanya.

Hector:

Kunin kita mamaya pagkatapos ng klase mo. Pag nauna ka, may susi ka naman sa
sasakyan ko.

Ngumuso ako. Madalas siya sa bahay namin pero hindi pa ako nakakapunta sa kanila.
Gusto ko nga sanang pumunta ngayon, kaya lang ay kailangan sa bahay na lang muna
sa ngayon dahil mag re ready pa ako bukas.
Ako:

Ok.

Kinagat ko ang labi ko at narealize na kanina pa talak nang talak sa harap ko si


Tara at Desiree.

Page 350
Jonaxx - End This War
"Sa inyo tayo kasi may probinsya kayo. Dinig ko taga roon pa si Wade Rivas kaya
talagang doon tayo patungo next week." Parang torotot ang bunganga ni Desiree sa
bilis niyang magsalita.
"Des, wala kaming farm." Paliwanag ko.

May itinuro si Tara. Agad kong namukhaan ang kapatid ko kahit nakatalikod lang
siya. Pinapaligiran siya ng makakating babae na halos itapon ang sarili nila sa
kanya. Tumatawa na parang walang awa si Craig at mukha siyang manhid sa
paglalandi ng mga babaeng kasama niya.

"Craig!" Malambing na sambit ni Desiree sa kapatid ko.


Nilingon kami ni Craig. Nakangisi siya at pinandilatan kaming lahat, pati ako, ng
mga babaeng nakaaligid sa kanya. "May farm ba kayo?"
Tumikhim ako at umiling.
Tumaas ang kilay ni Craig at nilingon ako. Nakakapanindig balahibo ang kanyang
ngisi nang sinabi niyang, "Oo may farm sa Rancho si Chesca. Sobrang lawak.
Sobrang ganda." Kumindat siya sakin.

Magaling, Craig. Susupalpalin kita mamaya pag uwi.

Babala: MEDYO SPG

------------------------------------

Kabanata 55

Shoot

"Hector, anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ng seryosong pag


aaral naming dalawa.
Humikab siya at binitwan ang ballpen. "Sa mansyon sila tutuloy."

Kinagat ko ang labi ko. "Pero hindi pwede..." Sabi ko.


"Bakit di pwede?"
"Hindi nila alam na may something tayo."

Kumunot ang noo niya, "Ano naman ngayon kung malaman nila?"
"Ugh! At... At ayaw ko sa grupo natin. Tsaka... ayaw kong bumalik ng Alegria."
Matama niya akong tinitigan. "Bitter ka parin ba kay Clark?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Di ah!"

Hindi ko makumbinsi si Hector na kumbinsihin niya ang prof namin na mag bago ng
grupo o gumawa na lang ng ibang project. Kahit anong sabihin ko, palagi niyang
isinisingit na bitter pa ako kay Clark kaya ayaw ko siyang makasama.

Page 351
Jonaxx - End This War

Pansamantala kong binalewala ang isyung iyon dahil sa gagawin ko bukas. Hindi ko
sinabi kay Hector na may gagawin ako. Ni hindi ko alam kung alam ba niyang may
shoot ako ngayon. Napagod kami sa kaka study kagabi kaya hindi siya maagang
pumunta sa apartment. Maaga naman akong tumulak para sa shoot.

"Kira!" Sambit ko pagkadating ko sa studio alas otso ng umaga.


"Ohh, Chesca! Nandito ka na pala!" Sabay beso sakin.

Pansin ko agad na marami ng tao. May iilang models ng nagsisimula sa pag


sho-shoot. Napatingin ako sa mga babae at lalaking nasa tapat ng camera at
nisho-shoot ng iba't-ibang photographers.

Mukha ring may ibang malalaking tao doon. May mukhang Donya na binabantayan lahat
ng ginagawa ng photographers at models.

"Sila yung sa brochure." Paliwanag ni Kira.

Hindi sila nakahubad tulad ng sinabi niya sakin. May top naman sila na sinosoot.
At napansin kong baguhan ang mga models na nakuha dahil naaasiwa pa sila sa
isa't-isa.

"Thank God, talaga." Aniya sabay hila sa akin sa isa pang room.

Nakalatag na doon ang damit na sosootin ko. Nakita ko rin ang naka readyng make
ups ng make up artist.

"Shall I tone up my body, Kir?" Tanong ko. "First time ko atang gumawa ng shoot
na naka bra."

"Wa'g na. I've seen you doon sa dagat diba? Unless you gained? I doubt it."
Pinasadahan niya ako ng tingin. "Let me see?"

Kaya ayun at tinulungan niya ako sa fitting room. Sinoot ko muna yung jeans at
perfect ang fit nito sakin. Lagpas ankle pa at medyo sexy tingnan sa hips.

"See?" Tumawa siya. "Mag bra ka na rin tsaka mag robe ka na lang para di na
mahirapan mamaya pagkatapos mag make up."

Tumango ako at sinunod lahat ng sinabi niya.

Naging busy si Kira sa kakaasikaso sa mga bagong models. Busy din ako sa make up
na ginawa sakin. Kahit light lang naman ito dahil 'Bare' ang theme at kailangang
sa jeans ma tuon ang pansin ng mga tao kailangan parin tamang tama ang lahat pati
Page 352
Jonaxx - End This War
pag bagsak ng buhok ko.

"Sinu-sino ang kasama ko?" Tanong ko nang patapos na ang make up artist.

"Bago po, e."


"Di si Brandon?"

Nasa Tagaytay na naman ang haliparot na iyon. Ewan ko. Naadik ata sa hangin doon.

"Hindi, e. Hindi ko kilala. Mukhang baguhang model. Machachallenge ka kasi baka


di marunong."

Ngumuso ako. "Malaki ang event na ito. Bakit baguhan ang kasama ko? Wala bang
iba?"

"Si Kira at Hugo ang pumili, e."

Kinabahan tuloy ako sa sinabi ng artist. Sino naman kaya itong kasama ko? Mukhang
kaming dalawa lang yata, a, base sa mga sinabi ng artist. Kaya naman ay nang
natapos na ako, hindi na ako nag atubili pang lumabas sa room na iyon kahit naka
robe lang. Kailangan kong kausapin si Kira tungkol sa partner ko.

Naabutan kong nag aalburoto si Kira dahil sa mga baguhang models. Humalukipkip
ako habang pinapanood silang ginagaspang ng bading kong kaibigan.

"Ano ba yan?" Pumukit siya at nag face palm. "Act natural! Wa'g kayong masyadong
stiff! Hindi ito labanan kung sino ang may pinaka magandang ngiti! Diyos mio!"

Ganun din naman ako dati. Nakaka conscious kasi ang mga photographers. Ang dami
nilang diniderktang pose at lagi kang kinakabahan sa bawat pag sunod mo sa
kanila. Si Clark ang nag train sa akin na mag pose na hindi ma conscious. Dahil
palagi niya akong ginagawang eksperimento, natuto ako kaya madali din akong naka
adjust sa industriya.

"Juskong mga bata ito." Reklamo ni Kira nang nag wrap up na ang mga batang
models.
"Magaling yung isang babae." Sabi ko sabay turo sa sobrang puti at mukhang
magaling na model.

"Ah! Nasa ibang ads yun, e. Yung dalawang babae lang yung kinaiinisan ko.
Masyadong baguhan. Si Hugo kasi." Aniya.
Tumango ako at pinagmasdan ang models na nag ch-change outfit.

"May shoot pa mamaya. Ibang outfit naman sa brochure. Ikaw muna sa ngayon. Wa'g
mo akong bigyan ng sakit ng ulo, ha?"
Tumawa ako sa kanya.

Imposibleng mabibigyan ko siya ng sakit ng ulo. Beterano na ako sa gawaing ito.


Page 353
Jonaxx - End This War
Umiling ako at hinubad ang robe. Kitang kita ko na may isang sofa na nilagay doon
para sa shoot namin. Umupo agad ako at mabilis naman akong naging komportable sa
mga photographers.

"Asan na ang kasama ko?"


Nag evil smile si Kira at kinindatan ako. "Baby Hector!" Patili niyang sigaw.

SHIT! Napaupo ako ng maayos at matigas sa sofa.

Bumalandra sa akin ang katawan niyang sobrang toned. Mariin din ang titig niya
habang palapit sa akin. Tumitili si Kira sa background at pumapalakpak. Nung una
akala ko nabingi na ako sa sobrang tahimik lalo na nung lumapit na siya sakin.
Pero nang pinasadahan ko ng tingin ang ibang models ay kitang kita ko ang
pagkamangha sa kani kanilang mga mukha.

Of course, si Adonis ba naman ang pupunta dito ng naka jeans lang? Tingnan natin
kung sinong di malo-loose thread ang garter ng panty niyan. Baka nga mag dissolve
na lang lahat ng underwears sa isang iglap.

Napalunok ako at bahagyang umupo ng maayos. Nakaupo din ng maayos si Hector sa


tabi ko.

SHIT! Kaming dalawa? Shit lang, talaga! Kaming dalawa ang gagawa nito?

"Okay, shall we start?" Sabi ni Sir Omar na main photgrapher dito.

Napalunok ako at tumingin kay Kira na ngayon ay kausap iyong mala Donya na babae.

"Magaling. Ang ganda ng napili mong model at sobrang gwapo nung lalaki. But are
they professional, Kira?" Tumaas ang kilay niya.

"Yes, madame. Professional si Chesca Alde? Don't you know her? And that's her
boyfriend." Nilingon niya kami at namilog ang mga mata niya dahil wala pa kaming
ginagawa. "Komportable silang dalawa sa isa't isa kaya no problemo!"

Tumango ang donya at ngumisi bago binuksan ang kanyang pamaypay at pinaypayan ang
sarili.
"Come on, Chesca!" Namimilog ang mata ni Kira kahit na nakangisi siya. "Do it!

"Shit!" Bahagya akong lumapit kay Hector.

Ngunit tuwing nakikita kong naasiwa siya at lumulunok sa sobrang kaba ay


kinakabahan din ako.

"Don't fail me! Oh come on! Wa'g niyong sabihin saking di pa kayo nagtatabi sa
sofa!" Bunganga nang bunganga si Kira habang nag s-struggle ako sa pose na gusto
ni Sir Omar.

Page 354
Jonaxx - End This War

Dapat daw ay bahagyang naka higa si Hector para kita pa yung jeans at ako naman
ay nasa gitna ng hita niya at naka harap sa camera kahit na nagmumukhang naka
patong. Kailangan makita yung braso nI Hector kaya itutukot niya iyon sa dulo ng
sofa at ilalagay niya sa palad niya ang kanyang mukha. Ang isang kamay niya ay
dapat nasa tiyan ko habang ang isang braso ko naman ay nakatukod at hinahaplos
ang abs niya. Tangina! Is that pose even possible?

Okay. Humiga na siya kaya pumagitna na ako sa mahahabang legs niya. Iniwasan ko
ang pag tingin sa kanyang mukha dahil lumalagapak na sa bilis at lakas ang
kalabog ng puso ko. Nang inilapat ko na ang braso ko sa burning abs niyang
matigas at mainit ay doon na uminit ang pisngi ko.

"Oh my God, Chesca! What's wrong with you?"

SHIT! Papatayin ko talaga si Kira! Bakit kailangan niya pang magreklamo ng ganun
ka lakas?

"Shut up, Kir! I'm doing my freaking best here!" Sigaw ko.

"That's not your best shit!" Sigaw niya.

Naka ilang pose na ako. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ni Hector. Wala akong
pakealam dahil ako mismo ay nahihirapan dito sa kinauupuan ko. Ilang sandali ay
bahagyang iniba ni Sir Omar ang posisyon at aksidente kong nahagip sa kamay ko
ang baba ng kanyang zipper. Uminit uli ang pisngi ko.

"S-Sorry." Nilingon ko siya.


Kitang kita ko ang mabigat niyang paghinga.

OH GOD! Not here!

"Whoa! Magandang contact yun! Nice shot!" Sigaw ni Sir Omar at nung isang
photographer.

Dahil sa titigan naming dalawa ay nakakuha sila ng magandang shot. Agad akong
tumayo at lumayo kay Hector.

"Paki kuha yung sofa, boys!" Sigaw ni Kira sa mga alipores niyang kinuha ang sofa
at pinalitan ng isang high chair.

"Si Hector yung uupo." Sabi ni Sir Omar.


Tumangutango si Kira sa sinasabi ng photographers.

Page 355
Jonaxx - End This War
Medyo nagtalo pa sila sa posisyon namin dahil ang iba ay gustong ako yung maupo.
Kaya lang ay pumanig si donya kay Sir Omar at pinagbigyan siya.

"Si Chesca ay nasa gitna ulit ni Hector at seryoso kang titingin sa camera."
Tumango ako.

"Hahawakan mo ang magkabilang binti ni Hector habang siya ay pipikit at paambang


hahalikan ang clavicle mo."

WHAT? CLAVICLE? Laglag ang panga ko habang nag dadalawang isip na lumapit kay
Hector. I'm professional. kahit sinong lalaki pa ag i partner sakin, hindi ako
maaasiwa. Pero ngayong, langyang si Hector?

"OH MY GOD!" Madramang sigaw ni Kira. "Teka nga!"

Hinila ako ni Kira sa gilid at umiling siya sakin.

"I'm trying, Kir."

"I have high hopes kasi kayong dalawa. Hindi naman siguro bago ang mag PDA,
diba?"

"Kir, hindi kami ni Hector." Sabi ko sabay turo kay Hector na ngayon ay
tumitikhim lang sa isang tabi.

"You know what? Mas professional pa si Hector sayo kung umasta. Every photo? I
can sense every ounce of his wanting, of his need for you... Yung tipong sabik.
SHIT? TALAGA? Napapamura ako ng disoras sa mga sinabi ni Kira.

Nilingon ko si Hector na ngayon ay nag iwas ng tingin.

"Yung heavy breathing everytime you touch his freaking god damned abs! Yung
intense gaze sa katawan mo, sa boobs mo, kitang kita! Pero sayo? Para kang
robot!"

Naestatwa ako sa mga sinabi ni Kira. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong
sasabog sa lahat ng sinabi niya.

"Wait! Brenda!" Sigaw niya sa model na tinutukoy ko kaninang maganda at


professional.

Patalong humakbang si Brenda patungo samin.

"Will you do that pose, please? Yung pose na sinabi ni Sir Omar, with Hector."

Page 356
Jonaxx - End This War
Nalaglag ang panga ko sa hinihingi ni Kira sa babaeng yun.

"Ay, ano ba yan, nakakahiya." Malambing na sinabi ni Brenda sabay tingin kay
Hector.
Napatingin si Hector sakin. Tinaas ko ang kilay ko.

"Teka, Kira, diba sabi mo sakin si Chesca lang ang kasama ko?"
Ngumisi at tumangu tango si Kira. "Oo, Hector, pag hindi na masyadong Maria Clara
ang girlfriend mo, ibabalik ko siya."
"I'm not his girl-"

"Showbiz!" Agad akong pinutol ni Kira at pinagmasdan niya ang paghawak ni Brenda
sa mga hita ni Hector. "Good job, Brenda! Now, closer! Sus! Diyos mio!"

Diniin ni Brenda ang sarili niya kay Hector. Bahagyang gumalaw ag high chair sa
sobrang pagkadiin. Kitang kita ko na ang puwetan niyang nasa gitna ng hita ni
Hector.

"Oh." Bumuga ako ng hininga at bahagyang umiling.

"Now, Hector, please."

Umiling si Hector ngunit hinila ni Brenda ang baba niya patungo sa kanyang leeg.
Bahagya pa siyang lumiyad para mas lalong maamoy ni Hector ang leeg niya.

Nagulat si Hector sa ginawa niya. Kitang kita ko ang pag awang ng bibig niya
habang nasa baba niya parin ang mga daliri ni Brenda.

"Good job!" Sabi ni Kira.

Kinagat pa ni Brenda ang labi niya nang lumapat sa leeg niya ang ilong ni Hector.
Kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko umapaw na ang mainit na tubig sa kumukulong
thermos sa utak ko. Mainit na mainit ang pisngi ko at medyo sumugod sa kanila.

"Okay! Okay! I get it!" Sigaw ko sabay hila at tapon kay Brenda sa gilid.
"Aray naman!" Singhal ni Brenda sakin.

"Sorry ha? Na ooffend ako, e? Now let me do it, Kira!" Singhal ko rin.
Nakita ko halos lahat ng ngipin ni Kira sa ngisi niyang iyon. Tumaas pa ang kilay
niya. "Of course... The floor is yours."

Masama ang tingin ni Brenda sakin habang pinapaalis siya ng ibang photographers
doon. Yes. Bumalik ka sa pinanggalingan mo. This territory is mine, bitch.
Tinaas ko ang kilay ko at agad nilagay ang kamay sa hita ni Hector. Idiniin ko
ang sarili ko sa kanya. Sinugurado kong dama ko sa likod ko yung kanya. You. Are.
Mine. Just. Mine. Get that?
Page 357
Jonaxx - End This War

Kinagat ko ang sarili ko nang unti-unti niyang nilapit ang kanyang bibig sa
tainga ko. Nakahaplos naman ang isang kamay niya sa may beywang ko.

"Selos ka ba?" Bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko sa tanong niya. "Sobra." Kinagat ko ang labi ko.

Hindi ko na maintindihan ang naghuhuramentado at nag aalburoto kong puso. Narinig


ko ang bahagyang pagngisi niya sa tainga ko. Binaba niya ang mukha niya sa leeg
ko. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko habang nakatingin sa camera.

"Shit. Fuck. I'm so turned on." Pabulong niyang sinabi.

Pinigilan ko ang pamimilog ng mga mata ko para magkaroon ng magagandang shots.

Naramdaman ko ang kanya sa likod. Mas lalo niya pa akong diniin gamit ang kamay
niyang nasa tiyan ko.

"Nakakakuryente ang pagseselos mo." Bulong niya.

Mahigpit kong hinawakan ang binti niya.

"Coz even if you are not yet forgiven, you are mine alone, Hector."

"Uh-huh." Hinga niya sa leeg ko.


"You marked me, right? What's mine will always be mine." Bulong ko sa halos di na
madinig na tono.
"Uh-huh. Humanda ka talaga pag ibinalik mo na ang karapatan ko. Pangako. Pag
naulit, di mo na ako magagawang bitinin ng ganito." Bulong niya.

Kabanata 56
Trip To Alegria

Naramdaman ko ang hininga ni Hector sa leeg ko. Napapikit ako at napakagat labi
sa kiliting hatid nito.

"Okay! Ang galing! Very good chemistry!" Sigaw sigaw ng istorbong si Kira.

Ngumisi ako nang biglang may lumapit na mga alipores ni Kira para bigyan kaming
dalawa ng mga robe.

Page 358
Jonaxx - End This War

"This is perfect! Okay na ito!" Sabi ni Kira habang sinusoot namin ni Hector ang
robe na binigay.

Sinulyapan ko si Hector at kitang kita ko ang di mapawi pawing ngiti sa kanyang


mukha. Damn it! Eh kung alam lang naman kasi ni Kira kung anong nangyayari kay
Hector baka hinubaran na niya ito.

Inangat ni Hector ang kanyang tingin at kitang kita ko ang init ng titig niya
sakin. Ngumisi ako at nilingon na lang si Kira.

"Talaga, Kir? Patingin..."

Mabilis akong nagtungo sa mga photographers kung saan ni process agad yung
pictures. They were right! Magaling ang pagkakakuha ng halos lahat ng pictures
namin ni Hector. Nanginig pa si Kira sa gilid ko habang tinitingnan yung isang
picture na nakapikit si Hector sa leeg ko.

"Oh my gosh!" Sigaw niya. "Ang ganda ng pic na yan!"

Nagtawanan ang photographers. Dumami pa ang pictures na pinuri ni Kira sa iba't


ibang anggulo. May isang photographer na kuhang kuha ang pagdiin ni Hector sa
akin sa kanya.

Nilingon ako ni Kira at pinagtaasan ng kilay. "Ikaw na talaga!" Tumawa siya.

Tumawa lang din ako habang ni check ko halos lahat ng pictures. Inangat ko ang
tingin ko pagkatapos kong makita ang 2nd batch. Iginala ko iyon para mahanap si
Hector at laking gulat ko na ang naka robe ngunit bahagyang bukas na si Hector ay
kinakausap ng sandamakmak na babae kasama na iyong si Brenda kanina.

Ngumuso ako at tinitigan sila. Tumangu tango si Hector sa isang model na mukhang
may tanong. Nakangisi siya at halatang nasisiyahan sa mga pinag uusapan nila.

Nakakainis, ah? Kanina pa ito! Kanina pa ako nagseselos dito! Grrr. Nakakairita!
Naghanap ako ng pugad ng mga lalaki. Ayokong ako yung nagseselos. Kaya humanda ka
Hector at ikaw naman ngayon.

Nilapitan ko ang tatlong baguhag models na kasama noong mga babae. Hindi ko naman
alam kung anong sasabihin ko sa kanila kaya lang determinado akong makipag usap
sa kanila.

"Alam niyo, hindi naman sa nagmamarunong ako pero ag kulang niyo kanina ay yung
freedom niyo. I mean, masyado kayong conscious sa camera." Panimula ako.

Page 359
Jonaxx - End This War
Nilingon ako ng mga baguhan.
"Dapat hindi kayo masyadong conscious, boys. Mga gwapo naman kayo kaya siguradong
maganda ang kuha niyo sa kahit anong anggulo."
"Tama si Chesca!" Singit ni Kira. "Kayo ang susunod sa brochure. Wa'g kayong
masyadong stiff."

Umirap ako sa pag singit ni Kira. Kahit kailan talaga mapapel ang bading na ito.

"Eh nakaka carried away yung sa inyo kanina kaya di kayo mahihirapan." Reklamo
nung isang lalaki. "Samin, nakakakaba."
Nagtawanan sila. Ngumuso ako lalo na nang naramdaman ko ang haplos ni Hector sa
baywang ko. "Let's go." Aniya.

Just the way I like it. Kahit na may umaligid sa kanya, sa oras na makita niyag
may kausap akong iba ay agad talaga siyang aaksyon. Nilingon ko ang mga masasama
ang tingin na babaeng models sakin. Isa isa ko silang inirapan at nginitian.

"We are going, Kira." Utas ko kay Kira.

Tumango siya, "Nice working with you. Check your ATM, girl. Sayo din Hector.
Nandun na yung payment sa whole contract."

Lumapit si Kira sa akin at nakipag beso sa akin.

"You go girl!" Bulong niya tsaka humalakhak.

Tinampal ko ang braso niya.


"Bye, baby Hector!" Patili niyang sinabi habang kinukurot ang braso ni Hector.

Agad ko ring tinampal ang kamay niya.

"Bawal yan." Maarte kong sinabi.


"Ito naman! Masyadong possessive! Sayo, te? Akala ko be hindi?" Umirap siya ng
pabiro sakin.
"Akin yan, te. Gusto mo lagyan ko ng barikada para malaman mong akin?" Tumawa ako
at hinila si Hector.
"Baaah! Taray mo!"

"Of course." Ngumisi ako at kinindatan si Kira bago umalis para mag bihis sa
dressing room.

Iniwan ko si Hector sa labas. Alam ko namang pupunta din siya sa dressing room ng
mga lalaki. Mabilis akong nag bihis sa harap ng mga bading na make up artist at
Page 360
Jonaxx - End This War
agad din akong lumabas. Hay salamat at may pera ako para sa Alegria next week.
Hindi ko na kailangang manghingi ng allowance at makakabili pa ako ng mga bagay
na gusto ko. Malaki laki din ang kita dahil malaking clothing line iyon.

Pagkalabas ko ay kita ko agad ang mainit na mga mata ni Hector. Nakapamulsa siya
at nakasandal sa dingding sa paghihintay sakin.

"Tayo na." Sabi ko at nauna sa paglalakad.

Tumikhim siya. "Back to cold treatment?"


Nilingon ko agad siya.
"Kani kanina lang kung maka hila ka parang maagaw ako ng iba. Tss..."

"Wa'g ka na ngang mareklamo, Hector. Tss..."


"Tsaka mo lang naman ako nilalambing pag nagseselos ka." Pagtatampo niya.
"Syempre, kahit na hindi pa tayo bati, ayaw ko paring may umaaligid aligid sayo."

Tumunog ang elevator at nakarating na kami sa basement kung saan naroon ang
parking lot. Naglalakad na ako patungo sa sasakyan niya.

"Daan muna tayong ATM, mag wi-withdraw ako para pang tuition at allowance." Sabi
ko nang bigla niya akong hinila at kinulong sa gitna ng mga bisig niyang
nakasandal sa sasakyan.

Biglang bumilis ang hininga ko habang tinititigan siyang ganun din ang reaction.
Kinagat ko ang labi ko at halos mapaliyad ako nang inilapit niya ang mukha niya
sa leeg ko at naramdaman ko ang ilong niya doon.

"Bango mo." Bulong niya.


"What are you doing?" Mahinahon kong tanong.

"You are a pain in the ass, Chesca." Bulong niya. "Alam mo yun? Nakakainis kasi
alam kong kaya mong bumigay sakin pero ayaw kitang pilitin."
Nanginig ang binti ko. Parang natutunaw iyon at anytime ay pwede akong lumuhod sa
kawalan ng lakas.

"Especially when you are jealous. I like you jealous... all the time, Chesca. All
the time. Coz the jealous you turns me on... a lot."

Nag igting ang bagang niya. Sa isang segundo, sigurado talaga akong bibigay na
ako sa kanya. Na papatawarin ko siya, agad agad, dito. Walang paliguy ligoy.
Ngunit dahil alam kong walang maidudulot ang impulsive decisions kung saan Cum
Laude ako ay iniwasan ko iyon. That was probably the biggest freaking achievement
of my life.

At habang nag eexam ako ay hindi ko na maalala kung paano ako nakawala kay
Page 361
Jonaxx - End This War
Hector. Is this even healthy? May maisasagot ba ako sa midterms examination kung
puro si Hector lang ang laman ng utak ko?

"What can you say about Gilbert Kieth Chesterton's Trial of John Jasper, Lay
Precentor of Cloisterham Cathedral in the County of Kent, for the Murder of Edwin
Drood?"

Napamura ako sa utak ko. Hindi ko alam ito, ah? Hindi ko kasi napag aralan ito
habang nag aaral kami ni Hector kasi di kami mag kaklase sa subject na ito! May
maisasagot kaya si Hector dito? Anong isasagot ko? Hindi ako sanay na blanko ang
papel ko lalo na't essay ang isang ito?

Inubos ko ng mura ang pag iisip ko dahil alam ko kahit na magkunwari akong nabasa
ko iyong sinasabi dito ay magmumukha akong tanga. Kaya imbes na lagyan ko ng
mabulaklak na salita ay ito na lang ang sinulat ko: I'm lost for words.

Oh well. Kaya naman depressed na depressed ako nang nag Biyernes at natapos ang
buong midterms. Masaya ang lahat dahil tapos na ang impyerno. Pero ako? Hindi.
Dahil hindi pa iyon ang impyerno! Purgatoryo pa lang iyon para sakin! Eto ang
impyerno!

"Nakuha ko na guys! Payag na si Sir! Nakuha niyo na ba ang sa inyo?" Iwinagayway


ni Desiree ang isang letter.

Umiling na lang ako at umirap. Oo, nakuha ko na ang sakin at syempre, masayang
masaya si mama sa balitang pupunta ako ng Alegria kasama ang mga kaibigan ko.

"Nakuha ko na ang akin!" Sigaw ni Janine sabay talon talon.


"May meeting tayo, diba, ngayon, Des? Bukas agad alis natin?" Tanong ni Tara.
"Oo. Pupunta ang mga kagrupo natin dito ngayon para pag usapan. Bukas agad. Nine
hours, diba? Sabi ni Craig, nine hours daw ang byahe!"

Tanginess talaga ang kapatid kong iyon. Sarap kastiguhin at palatayan ng latigo
sa sobrang epal.

"Naku! Excited na ako!" Malaki ang ngisi ni Janine habang pinag lalaruan ang
buhok niya.
Matalim ko siyang tinitigan. Agad siyang nag iwas ng tingin. "Talaga? Saan banda
ka excited, Janine?"

"Ha? Sa... trip. Alam mo na, hindi naman kasi madalas tayong magkaroon ng
ganito." Aniya.

"Ah? Talaga? Oo!" Sarcastic kong sinabi. "Alam mo may mga kabayo doon. Baka gusto
mong sakyan din sila?"

Namutla siya sa sinabi ko.


Page 362
Jonaxx - End This War

Hindi iyon napansin ni Desiree pero madiin ang tingin ni Tara sakin. Nag taas
siya ng kilay bilang pagtatanong. Ngumisi lang ako at nagkibit balikat.

"Andito na sila!" Sigaw ni Desiree nang nakitang dumating si Clark, JV, Billy, at
RJ.

Great! Just... This is so fucking great!

"Hello, girls!" Preskong sinabi ni RJ.

"Hello!"
"So ano? Ready na ako. Anong oras tayo magkikita bukas? Dadalhin ko sasakyan ko,
ah?" Ani RJ.
"Talaga? Ako din kasi magdadala ng sasakyan." Sabi naman ni Clark na tumingin
sakin.
"Uy! Ang dami nating sasakyan. Teka. Pwede namang isa lang, ah? Kanino?" Tanong
ni Tara.

"Okay lang, RJ. Yung Van ang dadalhin ko. Iyon na lang siguro. Kasya naman tayong
lahat doon." Sabi ni Clark.

Tumango si RJ at pumayag kay Clark.


"So, Chesca, nasabi mo na ba sa parents mo na doon tayo sa inyo?" Tanong ni Clark
na halos di ko pinansin.

Kaya lang ay may sumagot na agad sa tanong niya galing sa likuran ko.

"Sa bahay kayo namin matutulog lahat." Mariing utas ni Hector.

Nilingon ko agad siya. Nakita kong magkasama sila ni Oliver at mukhang kararating
lang nila.

"Hala? Taga Alegria ka pala, Hector?" Singit ni Janine.

"Magdadala din ako ng sasakyan. Ang sasakay sakin ay si Chesca..." Nilingon niya
ako.

Nakita kong kumunot ang noo ni Desiree at Tara sa sinabi ni Hector.

"Oliver." Dagdag ko. "Billy, JV?"

Page 363
Jonaxx - End This War
Awkward nila akong tinitigan lahat. Damn it! Bakit ganito?
Kabanata 57
Alegria Community College

Dala ko na ang bag ko habang hinihintay silang lahat na dumating. Si Clark at si


RJ na lang iyong wala pa. Excited kasi ang girls na pumunta kaya maaga silang
dumating. Alas syete yung usapan, pero 7:30AM na dumating ang ibang lalaki.
Ngayon, mag aalas otso na at wala pa si Clark at RJ.

"Natagalan siguro kina RJ kasi matagal yun matapos maligo, e." Biglaang sinabi ni
Janine.

At dahil panay ang picture picture ni Tara at Desiree, sakin siya bumaling.
Nanliit ang mga mata ko at nginitian siya.

"Paano mo nalaman? Nagkasama na kayong maligo?"


Yumuko si Janine kaya inirapan ko na. Sige. Sumawsaw ka pa at babanatan talaga
kita hanggang sa maubos yang hiya mo. Natahimik siya.

"Halikayo dito, Janine, Chesca! Picture tayong apat!" Sigaw ni Desiree sabay
bigay kay Billy sa DSLR na camera niya.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanila. Nasa Mcdo kami ngayon. Usapan kasi na
dito ime-meet ang lahat bago tumulak patungong Alegria. Dito na rin kami bumili
ng makakain sa daanan kahit na marami silang pinamili kahapon. Nag grocery talaga
daw sina Desiree para sa dalawang gabing stay namin doon. Gusto pa nga nilang
iextend pero ewan ko ba kung magugustuhan nila iyon. Byahe pa lang ay nakakapagod
na agad, e. Siyam o walong oras depende sa bilis ng driver. Panigurado nasa 4PM o
5PM ang dating namin doon.

Nakapag picture kaming apat kung saan malayong malayo si Janine sa akin dahil
baka masampal ko siya kung lumapit siya sa mukha ko.

"Hindi ka ba bibili ng pagkain mo, Ches?" Tanong ni Tara.


Nilingon ko si Hector na ngayon ay kakarating lang galing sa counter para bilhan
ako ng pagkain. "Hindi na."

"Uy! Anong oras kaya tayong dadating?" Singit ni Desiree.


"Mga 4 or 5?" Sagot ko.

Umupo kami sa iisang table. Mukha talagang may pupuntahan kaming malayo. Naka
shoulder bag lang ako dahil may damit naman ako sa bahay. At isa pa, yung ibang
damit ko ay nasa bag ni Hector. Sila naman ay may malalaking bagahe. Kulang na
lang ay mag maleta sina Tara at Janine.

Page 364
Jonaxx - End This War
"Uy! Pagkarating natin doon, pasyal tayo!" Anyaya ni Desiree.
"Oo nga!" Dagdag ni Janine. "Hector, saan ba magandang mamasyal doon?"
Nanliit ang mga mata ko kay Janine.

"Uh. Kampo Juan, Tinago, Alps, marami, e."


"Hala! Oo nga pala. Hindi ba shiftee ka Hector? Anong course mo nung nasa Alegria
ka pa?" Usisa ni Tara.
"Agri Business." Sagot ni Hector.

Tumango silang lahat. "Kaya pala hindi kayo magkakilala ni Chesca."


Nilingon ako ni Hector. Nag kibit balikat ako.

Wala akong sinabi na hindi kita kilala, a? Nag assume lang sila na hindi tayo
magkakilala. Kaya wa'g mo akong tingnan ng ganyan.

"Saan ba kayo nag aral?" Tanong ng naka earphones na si JV.

"Sa Alegria Community College." Sagot ko.

"HALA! Iyon na lang kaya ang una nating puntahan!" Ani Desiree.

"HA?" Nalaglag ang panga ko. "Anong gagawin natin doon?" Medyo napalakas kong
tanong.

"Hindi ba may Agri Business na course doon? Siguradong may alam ang dean nila sa
iilang mga questions ni Sir!" Paliwanag ni Desiree.

"Hindi! Walang pasok ngayon ano! Activity day lang ang Sabado sa ACC. Kaya kahit
pumunta tayo doon ay baka wala ang dean. Students lang." Utas ko.

"Kahit na! Pumunta tayo! Okay lang diba yun, Hector?" Tanong ni Desiree.

Tumango si Hector at tumingin sakin.

Great! Just! Great! OMG!

"O sige, pagkatapos? Saan tayo?" Tanong kong nakahalukipkip.


"Pagkatapos, syempre sa bahay nina Hector?" Sabi ni Tara.
Correction. Hindi 'bahay', 'mansyon' iyon.

"Mag party tayo!" Tumawa sila.


"Uy! Wa'g naman, nakakahiya sa mama ni Hector." Nagmamarunong na sinabi ni
Janine.

Nanliit ang mga mata ko. Gusto ko siyang sigawan na wala ng mama si Hector at
sana magpakamatay na siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"Uh, wala na akong parents." Sabi ni Hector.
Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa sinabi ni Hector.

Page 365
Jonaxx - End This War
Binaon siya ng mga tanong. Marami silang follow up questions at halos silang
lahat ay humanga sa kanya.

"Pag talaga pulitika, madugo." Sabi ni Janine.


Ah? Gusto mo mukha mo ang paduguin ko?

"Nahuli na ba yung nang ambush?" Tanong ni Billy.


"Oo, tsaka matagal na yun, e." Sabi ni Hector.

Tumunog ang cellphone ni Hector. Sumulyap muna siya sa akin bago tumayo at
nagpaalam saglit sa buong grupo. Habang sinasagot niya ang tawag sa malayo ay
pinag usapan naman siya ng lahat.

"Grabe! Ang aga niya palang nawalan ng magulang." Sabi ni Tara.


"Kung tutuusin second life niya na ito. Kasi diba sabi niya dapat kasama siya sa
parents niya nung inambush pero hindi siya sinama. Mabuti na lang." Singit ni
Janine.

"Ikaw din, diba, Janine?" Tumaas ang kilay ko. "Second life mo na ito?"

Nalaglag ang panga ni Janine sa sinabi ko.

Kasi dapat nung nakita kita, pinatay na kita e. Pero di ko ginawa kasi hindi
naman ako ganun ka gaga?

"Ah!" Tumawa siya pero halatang plastik.

"Talaga?" Tumaas ang kilay ni Tara kay Janine.


"Ah! Ewan ko-" Uminom siya ng coke at umubo dahil nasamid.
"Oh? Okay ka lang?" Natatawang tanong ko habang hinihimas ni Tara at Desiree ang
likod ni Janine dahil panay ang ubo niya.

Dumating si Hector at nakitang umuubo si Janine.

"Ayan kasi, e." Natatawa ko paring sinabi.

Napatingin si Hector sakin nang nakakunot ang noo. Ipinagkibit balikat ko na lang
ito. Buti pa ang mga lalaki at walang pakealam. Panay lang ang pakikinig nila sa
kanikanilang cellphone.

"Oh! Andito na pala sila!" Sabi ni Billy sabay turo sa kararating lang na si
Clark at RJ.

Page 366
Jonaxx - End This War
Nakipag high five sila. Tama ang bruhang si Janine. Si RJ nga ang dahilan kaya
sila natagalan. Medyo badtrip si Clark.

"Kainis si RJ! Ang tagal nag bihis!" Aniya.

Umirap ako. Nahagip iyon ni Clark kaya nanliit ang mga mata niya sakin.

"Let's go?" Sabi ko sa kanilang lahat.

"Sino ang sa sasakyan ko?" Tanong ni Clark.


"Kami!" Sabay sabay silang nagpataas ng kamay.

Halatang ayaw nilang doon kay Hector dahil medyo naiintimidate sila kay Oliver at
maging kay Hector. At isa pa, mas close na kaibigan si Clark kaya doon nila
gusto.

"Ikaw, Chesca? Saan ka?" Tanong ni Clark.

"Syempre, sakin." Medyo iritadong sagot ni Hector.

Luminga si Desiree sa dalawa at tumingin sakin. Nag taas siya ng kilay at hinila
ako habang nag uusap silang lahat kung kanino sasakay sino.

"Ano? Front seat ka? Baka may chance pa?" Ani Desiree.

Kinilabutan ako sa sinabi ng kaibigan ko. May chance pa kay Clark? In his face!
Kahit anong mangyari wala ng chance. I am owned by someone else. Iyon na yun.

Umiling ako at tinanggihan siya.

"Hala! Babae! Ayaw mo bang tumabi samin?" Tanong ni Desiree.

Nagtatawanan na ang mga boys sa di malamang dahilan.


"Masikip na rin kayo, e. Doon na ako sa sasakyan ni Hector.
"Masikip din naman sa kanila, Ches. Dalawang driver sa harap diba?" Tanong ni
Clark.

"Malaki naman ang sasakyan ko." Giit ni Hector.


Umiling si Clark at nakita kong nag igting ang bagang ni Hector dahil sa
reaksyong ipinakita ni Clark. Ngumuso ako at naisipang magsalita.
"Ganito. Dahil gusto niyo nasa iisa kayong sasakyang lahat edi si Oliver at ako
na lang ang sa Jeep Commander. Ilagay niyo ang iilang baggage sa sasakyan nina
Page 367
Jonaxx - End This War
Hector para hindi kayo masikip sa kay Clark. At isa pa, kami din ang mauuna,
diba? Mas maigi na kay Clark kayo since sumusunod lang naman kayong lahat samin.
Ok? Game?"

Natahimik sila at mukhang bahagya pang nag isip. Ngumisi ako nang nakitang
tumitig si Hector sakin.

"Okay! Game!" Sabay sabay na sinabi ng mga lalaki.

Tumango na rin sina Desiree at nagsimula na kaming umalis sa Mcdo.

Nilagay nilang lahat ang bagahe nila sa sasakyan ni Hector.

"Hey! Sigurado ka bang diyan ka o nagpaparaya ka lang?" Natatawang sinabi ni


Tara.

Nagpaparaya? Yung parang nahihirapan ako para sa inyo? My gosh! No way! This is
my heaven. Ngumisi ako at umiling.

"Pero yung pagkain, sa amin, ah?" Natatawang sinabi ni Billy.

"Sure. May pagkain din naman kami dito." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Oliver.

Mukhang readyng ready si Oliver sa byahe at pumupwesto ng matulog sa tabi ko.


Nang dumating si Hector ay nakita kong nanliit agad ang mga mata niya sakin at
kay Oliver.

"Anong ibig sabihin nito?" Mariing tanong niya


Bahagyang tumalon si Oliver dahil sa tanong ni Hector. "Ano ba kasi? Dito ako o
sa likod kayo?" Tanong niya. "Nalilito ako. Baka gusto niyo sa likod nang malaya
kayong makapag lampungan?" Medyo natatawang sinabi niya.

"Sa likod ka na lang, Oliver. Malaya din naman kaming maglalampungan kahit na
nakatingin ka. At isa pa, nasa likod yung mga bag kaya masikip doon. Dito kami."
Umiling si Oliver at ngumisi. "Okay, dude, fine." Agad siyang tumayo at pumunta
sa likod.

Si Hector naman ay sumakay at tumabi sakin. Bumuntong hininga siya at sinarado


ang pintuan. Nilagay niya ang kamay niya sa taas ng hita ko na para bang nasa
trono na ulit siya ngayon.

"Tayo na." Utos niya sa driver.


"Sige po."

Hinawi ko agad ang kamay niya sa hita ko. Nagkunot ang kanyang noo sa pag baling
Page 368
Jonaxx - End This War
niya sakin.

Umandar agad ang sasakyan nila. Nakikita ko sa likod na nakasunod sina Clark sa
amin. Pinatong ulit ni Hector ang kamay niya sa hita ko.

"Kala ng ex mo, ha? Gusto niya yatang masolo ko, e. Di ko siya pagbibigyan. Dapat
di siya sinama. Dapat tayong dalawa lang." Ani Hector.
"Adik ka ba!?" Sabay hawi ko ulit sa kamay niya. "Wala ka ng magagawa. Tsaka
tigilan mo nga yang pantsatsansing mo!" Umirap ako.
"Anong problema mo? Hindi mo pa ako napapatawad pero akin ka parin." Umirap siya.

Narinig kong umungol at umubo si Oliver sa likod. Masama kong tinitigan si


Hector. Pinatong niya ulit yung kamay niya sa hita ko. Hinampas ko na ang braso
niya. Ngunit inulit niya parin kaya panay ang hampas ko sa kanya.

"Tumigil ka! Tumigil ka! Tumigil ka! Manyak!" Sigaw ko habang hinahampas siya.
Tumatawa si Hector habang pinipigilan ang paghampas ko kahit wala naman siyang
nagagawa. "Sus! Itong si Chesca! Si Oliver lang naman yang nasa likod, e. Nung
maraming nakatingin, kung makadikit ka sakin, okay lang. Nagpapahalik ka pa sa
leeg mo-"
Sinakal ko na ang tumatawang si Hector. Nakita kong nakatingin ang driver nilang
nasa front seat at natatawa na rin sa aming dalawa. Tumitikhim naman si Oliver sa
likod.

Panay ang sakal ko at hampas ko sa kanya kahit na tumatawa lang siya at di


natitinag.

"Hector, tumigil ka baka pababain ka nyan dito." Tumatawang sambit ni Oliver.


Tumawa si Hector at sumang ayon kay Oliver. "Oo nga. Kanya pa naman ang buong
Rancho Dela Merced."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Hector kaya imbes na sapukin siya ay


humalukipkip na lang ako at kumuha ng unan sa likod. Niyakap ko iyon at umambang
matutulog na lang buong byahe.

Inilapit ni Hector ang mainit niyang katawan niya sa akin. Bigla niyang kinuha
ang ulo ko sa unan at inilagay niya iyon sa dibdib niya. Binaba niya rin ang
upuan naming dalawa para mas masarap matulog.

"Sleep tight, Mrs Dela Merced. Dito ka sa dibdib ko nababagay matulog." Aniya.

Tumikhim ako at medyo nanigas sa ginagawa niyang kasweetan. Gusto kong


magpumiglas pero nakakaengganyo ang dibdib niya.

"Oh man! This is too much? Is this porn?" Apila ni Oliver sa likod.
Page 369
Jonaxx - End This War
"Tahimik, Oliver. Pagod si Francesca kaya wa'g kang mag request ng porn saming
dalawa. Mamaya na."

Hinampas ko ulit si Hector. At ewan ko ba kung bakit panay ang kurot ko sa inis
sa kanya buong byahe. Natitigil lang tuwing kumakain o naiidlip ako. Tuwing
gising ako ay wala akong ginagawa kundi ang sakalin at kurutin siya sa inis.

Nagising na lang ako nang tumigil ang sasakyan. Agad akong napatalon dahil nakita
ko kung nasaan kami. Kitang kita ko ang gate ng Alegria Community College sa
harap naming lahat. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang loob. Nagulat ako
dahil Sabado ngayon, ngunit maraming tao!

"Anong meron?" Tanong ko.


"Laro ng Camino Real Titans versus Alegria Knights." Tikhim ni Oliver. "Gandang
timing!"
Kabanata 58

Checkmate

Pagkalabas ko ng sasakyan ni Hector ay agad kong nakita sina Desiree, Janine, at


Tara na nag papapicture sa harap ng gate ng ACC.

"Guys! Picture tayo!" Anyaya nila saming lahat.

Mabilis na kumalabog ang puso ko habang nagpo-pose kami doon. Sumasama si Hector
sa pose namin pero madalas siyang mawala dahil palaging may nakakamukha sa kanya.

"Hector!?" Sigaw ng isang babaeng taga Agri Business.

Iginala niya ang tingin sa lahat ng kasama ni Hector. Malapit niya na akong
makita kaya agad akong nagtago sa likuran ng mga lalaki.

"Kamusta ka na?" Tanong nung babae.

"Ayos lang, Anjie. Kayo?" Sagot ni Hector.


"Ayos lang din! Naku! Pag nalaman nila na nandito ka magugulat sila!"

Nakita kong nagbulung-bulungan sina Desiree, Janine, Tara, Billy, at JV.

"Sikat pala siya, e, no?" Tanong ni Tara.

"Oo nga. Kanina pa maraming nakakakilala sa kanya." Sabi ni Billy.


Page 370
Jonaxx - End This War
"Uh, sikat siya. Malaki yung rancho nila dito." Singit ko.

Pagkatapos ng usapan ni Hector at noong babae ay kumaripas na iyong babae sa


pagtakbo patungo sa loob ng school. Kinakabahan pa lalo ako. Alam ko. Alam kong
ipagsasabi niya sa lahat at paniguradong ma eexcite lahat ng tao doon sa loob.
Humalukipkip ako at nawalan ng gana.

"Kailangan pa ba ng form para makapasok?"


Tinaas ko ang kilay ko at nakitang KILALA ko ang guard. Siya mismo iyong guard na
nakabantay noong araw na may mga seniors na nagtangka sa akin.
"Wa'g na. Di na kailangan. Ako na ang bahala." Sabi ko.

Tumango sila. "How about form para sa dean?"


"Ako na ang bahala." Sabi ni Oliver. "Tito ko ang dean." Dagdag niya.
"O! Wala palang problema!" Sabi ni JV. "Diretso na tayo?"

"Uhmmm..." Pigil ko. "Ako yung bahala sa guard, tapos diretso kayo sa dean, ah?
Samahan mo na sila, Oliver. Hindi naman siguro tamang tayong lahat ang pupunta.
Ang dami natin." Sabi ko.

"Ganun? O edi ako rin, dito lang." Sabi ni Clark.

"Clark, sumama ka na!" Singit ni Janine.

Luminga ako sa kanilang dalawa. Nakita kong nagkatinginan si Tara at Desiree.

"Oo nga naman, Clark. Sumama ka na kay Janine." Nakangisi at nakataas kilay kong
sinabi.

Kitang kita ko ang pamumutla ng dalawa. Kumunot ang noo ni Hector sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at dumiretso na sa guard na nakatayo sa
gate.

"Manong." Malambing kong sinabi. "Papasok po kami ng mga kaibigan ko."


Inaantok si manong, ngunit nang namukhaan ako ay nabuhayan siya ng loob. "Uy,
Alde!" Bati niya.

Naramdaman ko ang presensya ni Hector sa likod ko. Humalukipkip ako nang nakita
ko ang nabigla niyang mukha.

I want him to respect strength, not power. Hindi ibig sabihin na dahil nasa panig
ko si Hector ay luluhod siya sakin. Gusto ko na mapapaluhod ko siya dahil kaya
ko.

"Sige na, friends. Pasok na kayo." Sabi ko nang di tinatantanan ng titig si


manong.
Page 371
Jonaxx - End This War

Dumiretso silang lahat. Medyo maingay sila at excited sa pagkapasok. Nilingon pa


ako ni Clark. Hindi ko siya pinansin kaya diretso na lang din ang pasok niya.

"Let's go, Chesca." Ani Hector.

"Mauna ka na." Kahit alam kong di siya papayag.

Kumunot ang noo niya habang tinititigan akong nakatitig kay manong.

"Naaalala niyo po ba yung gabing hindi mo ako tinulungan, manong?" Tanong ko.
Nakita kong nangangapa siya sa maisasagot. Nanginginig ang kanyang labi habang
namumuo sa dila niya ang mga salitang di ko maintindihan. "S-S-Sorry."
Ngumisi ako. "Dahil nandito si Hector o dahil totoong nagi guilty ka?"

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Hector sa gilid ko. "Bakit? Anong nangyari?
Anong ginawa niya?"

"Tsss." Nilagpasan ko ang guard na ngayon ay bigong bigo at mukha pang mas lalong
mapapanot dahil sa problemang hatid ko.

HIndi sumunod si Hector sakin. Binalikan ko pa siya dahil panay na ang kausap
niya sa guard na walang imik. Nag igting na ang panga niya dahil sa guard na
iyon. Hinila ko na lang siya papasok sa loob.

"Anong ginawa niya?" Sabay turo sa guard habang papalayo kami at papunta sa
court.

"It's all your fault. Iniwan mo ako kaya wa'g mo siyang sisihin." Mali. Kahit na
iniwan ako ni Hector, kung nirerespeto ako ng guard na iyon ay dapat tinulungan
niya ako. Gusto ko lang tantanan ni Hector iyong guard.

Inirapan ko ang nakatungangang si Hector. Naglalakad siya kasama ko pero titig na


titig siya sa akin. Nasa gitna kami ng soccerfield ngayon at hindi man lang siya
tumitingin sa dinadaanan namin ngayon.

Oo nga pala? Bakit ko naisipang pumunta sa court? Bakit imbes na manatili doon sa
labas ay pumasok ako dito? Well, maybe because I miss my friends. O siguro na
eexcite akong harapin silang lahat.

Little did I know na iyon ang naging dahilan kung bakit nag liyab ang galit kay
Hector. Ang mga ulo ng mga tao ay nagsilingunan sa kanya. Hindi na ako sumabay sa
paglalakad sa kanya dahil kinakabahan na ako. Matulin at diretso ang lakad niya.
Ako naman ay malumanay hanggang sa natigil.

Nakita kong sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan. Lahat, naroon. Kathy, Abby,
Page 372
Jonaxx - End This War
Koko, Reese, Harvey, Mathew, lahat sila ay naroon. Pinalibutan agad ang hari ng
kanyang mga alipores. Pero kitang kita ang reaksyon niyang medyo malamig at hindi
maganda. Ngiting ngiti silang lahat sa pagsalubong sa kanya.

Humalukipkip ako at tumigil sa puno. Walang pumansin sakin dahil alam kong
mahirap pang iabsorb na ang isang Hector Dela Merced ay naroon sa harap nila.

"Anong ginawa niyo kay Chesca habang wala ako?" Tanong niyang malamig pa sa yelo.

Nakakunot ang noo ni Kathy. "Hindi ba sabi ni Koko ay iniwan ka niya para sa
ibang lalaki? Bakit ka galit ngayon, Hector? Hindi ba kaya-"

"Anong ginawa niyo?" Malamig niyang tanong ulit.

Masyado talaga siyang may awtoridad sa kanilang lahat.

"Easy, pare, wala." Sabi ni Mathew. "Pinrotektahan namin siya."

"Yung mga seniors iyong nanamantala sa kanya." Dagdag ni Koko. "Tsaka... Hindi ba
nasabi ko sa'yo noong summer na may binugbog kami? Sila yun. H-Hindi ko nasabi
sayo, Hector kasi-"

"Sino? Sina Montefalco?" Tanong ni Hector.


"Hindi. Yung ibang lalaki, Hector." Singit ni Harvey.

Nakita ko ang pangunguyom ng kamao ni Hector. Alam kong nag mature na si Hector
kahit paano. Marunong siyang magtimpi. But I don't want to risk this.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila. Unang nakakita sa akin si Abby na agad
akong itinuro kay Hector.

"Ayun na yung taksil." Sabi ni Abby.

HIndi ako nilingon ni Hector. Si Abby ang kanyang binalingan. Nakita kong namuo
ang luha sa mga mata ni Kathy at nalaglag ang kanyang panga nang tiningnan kaming
dalawa, pabalik balik. Matalinong, Kathy. Hindi tulad ng Abby'ng ito!

"Hector! Tama na! Wa'g kang mag eskandalo para sa walang katuturang rason."
"How can you say that, Chesca!?" Sigaw niya sakin.

"Chesca!" Narinig kong sigaw ni Jobel sa likod.

Naaninag ko ang mga kaibigan kong miss na miss ko na. Mabilis na nag takbuhan
sina Jobel, Sarah, at Marie patungo sakin. Niyakap nila ako isa-isa ngunit
hinawakan ko ang braso ni Hector dahil kinakabahan ako at baka mag wala siya.

Page 373
Jonaxx - End This War

"OMG!" Pabalik balik na sinabi ni Jobel sabay talon talon sa akin.

Hinila ko si Hector at tinabi ko siya sakin. Sabay sabay na nanahimik at nagulat


ang lahat sa ginawa ko. Binaba ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
Hinaplos ko iyon pababa at ramdam ko ang galit na nanunoot sa muscles niya sa mga
oras na iyon.

Nang nahaplos ko ang kamao niya ay unti-unti itong huminahon. Pinilit kong buksan
ito para hawakan at ipagsalikop ang mga daliri naming dalawa.

"You... are... together?" Nanginginig na tanong ni Kathy.


"Koby, pakilista yung mga taong may atraso kay Ches-"

Ginalaw ko agad ang kamay ni Hector at pinilit kong tumingin siya sakin. "Stop
it, Hector. There's no use."

Nag igting ang bagang niya at mainit akong tinitigan.


"Pero Hector akala ko niloko ka niya?" Tanong ni Abby.

"Akala ko rin. At alam kong halos kayong lahat dito ay may atraso sa kanya."

Yumuko ang mga babae. Nakita ko rin iyong mga lalaking tumulong sa kina Abby at
Kathy noon.

"Uy, kami Hector wala ah?" Tumatawang sambit ni Jobel. "Sina Kathy, Reese, at
Abby lang. Tsaka si Jun at Timmy!" Sabay turo ni Jobel sa dalawang lalaki.

"Sorry!" Agad sinabi ni Abby ng nakapikit.

Nakita kong bumuhos ang luha ni Kathy. Hindi iyon luha ng pagsisisi. Luha iyon ng
panghihinayang. Hindi iyon luha ng takot, luha iyon ng sakit dahil alam ko, higit
sa lahat, na mahal niya si Hector. Mahal na mahal. Siguro kung mahal ko si Hector
at may iba siyang mahal, magkakaganyan din ako tulad ni Kathy. Magiging bitter
ako sa mahal niya. Alam ko iyon. Dahil hindi ako ang tipo ng babae na kung hindi
ako mahal ng taong mahal ko ay hahayaan ko na lang, na magpaparaya na lang ako,
na titingnan na lang silang dalawa sa malayo at maghihintay ng milagro. No. Sa
oras na may pagkakamali ang mahal niya ay agad ko itong sisiraan. Sa oras na
malaman kong may masama sa kanya ay agad ko iyong sasabihin. Bawat paghakbang
niya sa harapan ko ay katumbas ang paglalatigo sakin. Bawat kita kong magkasama
silang dalawa ay para akong namamatay ng paulit ulit. Kaya hindi ko siya
masisisi.

"Don't get me wrong. Hindi ako narito para makita kayong nag so-sorry sakin.
Nandito ako para makita kayong lahat ulit. Nandito ako dahil utang ko sa inyong
lahat ito! Dahil kung hindi kami nagkasiraan ni Hector, hindi kami mag mamature.
Kung hindi niyo ako pinahirapan, hindi ako tatatag. Hindi ako nasisiyahan pag
nakita kayong lumuho sakin, Abby, Kathy. Gusto ko lang ipakita sa inyo na kahit
anong gawin ninyo, kung mahal namin ang isa't isa. Magiging kami."

Page 374
Jonaxx - End This War
Humihikbi si Kathy habang tinititigan si Hector. Binitiwan ko ang kamay ni Hector
dahil gusto kong gawin ito mag isa.

"Higit sa lahat... hindi ako nagpapakasanta dito. Na magpapasalamat kasi dahil sa


inyo ay naging malakas ako. Let's just say na ang gusto ko ay from now on wa'g na
kayong makealam saming dalawa. Buhay namin ito at alam kong mahal niyo si Hector
pero pakawalan niyo siya. He's not a child na kailangan niyong protektahan all
the time." Umiling ako.
"Sorry." Humihikbing sinabi ni Abby ulit.

Umiiyak lang si Kathy sa likod ng kanyang palad. Tinahan siya ni Koko at yung
dalawang lalaking alipores niya. Si Harvey at Mathew naman ay nakatingin sakin
kahit na parehong naka jersey pa.

Narinig ko ang maingay na pito sa loob at ang pagtawag sa pangalan ng dalawa.

"Harvey, Mathew, tinatawag na ata kayo sa court!" Sabi ni Sarah.

Tumango si Harvey ngunit hindi siya gumalaw.

Tinapik ni Mathew ang balikat ni Hector. "Ilang araw kayo dito?"


"Tatlo. Nandito mga classmates namin." Ani Hector.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil niyugyug na ako ni Jobel. Ang sakit pa
nga ng noo ko dahil panay ang yakap niya sakin at masyado siyang magulo kaya
nagkakabungguan kami. Tawa na lang ako nang tawa sa kanila.

"Grabe! Penge naman ng number, Chesca, hindi mo sinasabing kayo na pala."

Umiling ako kay Sarah. "Hindi naman kami." Sagot ko.


"Anong hindi? Makapag holding hands kayo parang mag asawa."

"Hindi... talaga-"
"Helloooo?" Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Desiree sa gilid.

Natahimik ang lahat nang dumating ng bigla silang lahat na mukhang naiinitan at
naalibadbaran sa klima ng Alegria.

"Ah! Jobel, Sarah, Marie. Eto nga pala friends ko sa Maynila." Sabay lahad ko sa
kanila.
"Uy! Koko! Eto o! Taga Maynila na naman baka may matipuhan ka!" Nakabubulabog na
tawa ni Jobel.

Nilingon ko ang namumulang pisngi ni Koko.


Page 375
Jonaxx - End This War

"Hala! May gwapong chinitooo!" Kinikilig na sambit ni Janine.

Nanliit ang mga mata ko at sinundan ko ang titig niyang patungo kay Harvey Yu.
Nakita kong pabalik balik na tumingin si Harvey kay Janine. Medyo nairita ako.
Naiirita talaga ako kay Janine.

"Harvey!" Sigaw ko.


Hinanap niya ako at nang nakita ay nginitian. "May game ka pa, diba? Sige na!
Uhhh! Thank you!" Sabi ko kahit awkward. "Sayo din, Mat! Thank you sa inyo! Sige
na! Tuloy niyo na ang game!" Sabi ko sabay kaway.

Tumango si Harvey sakin at tinalikuran niya kami.


Nilingon ako ni Janine at bahagya siyang umismid. Aba't may gana kang umismid,
ah?
Umirap ako sa kawalan. Siniko ako ni Desiree kaya nilingon ko siya.

"Anong meron? Bakit umiiyak yung dalawang babae? Tsaka... sino yang kausap ni
Hector na gwapo?"

"Sorry!" Agad sinabi ni Abby ng nakapikit.

Nakita kong bumuhos ang luha ni Kathy. Hindi iyon luha ng pagsisisi. Luha iyon ng
panghihinayang. Hindi iyon luha ng takot, luha iyon ng sakit dahil alam ko, higit
sa lahat, na mahal niya si Hector. Mahal na mahal. Siguro kung mahal ko si Hector
at may iba siyang mahal, magkakaganyan din ako tulad ni Kathy. Magiging bitter
ako sa mahal niya. Alam ko iyon. Dahil hindi ako ang tipo ng babae na kung hindi
ako mahal ng taong mahal ko ay hahayaan ko na lang, na magpaparaya na lang ako,
na titingnan na lang silang dalawa sa malayo at maghihintay ng milagro. No. Sa
oras na may pagkakamali ang mahal niya ay agad ko itong sisiraan. Sa oras na
malaman kong may masama sa kanya ay agad ko iyong sasabihin. Bawat paghakbang
niya sa harapan ko ay katumbas ang paglalatigo sakin. Bawat kita kong magkasama
silang dalawa ay para akong namamatay ng paulit ulit. Kaya hindi ko siya
masisisi.

"Don't get me wrong. Hindi ako narito para makita kayong nag so-sorry sakin.
Nandito ako para makita kayong lahat ulit. Nandito ako dahil utang ko sa inyong
lahat ito! Dahil kung hindi kami nagkasiraan ni Hector, hindi kami mag mamature.
Kung hindi niyo ako pinahirapan, hindi ako tatatag. Hindi ako nasisiyahan pag
nakita kayong lumuho sakin, Abby, Kathy. Gusto ko lang ipakita sa inyo na kahit
anong gawin ninyo, kung mahal namin ang isa't isa. Magiging kami."

Humihikbi si Kathy habang tinititigan si Hector. Binitiwan ko ang kamay ni Hector


dahil gusto kong gawin ito mag isa.

"Higit sa lahat... hindi ako nagpapakasanta dito. Na magpapasalamat kasi dahil sa


inyo ay naging malakas ako. Let's just say na ang gusto ko ay from now on wa'g na
kayong makealam saming dalawa. Buhay namin ito at alam kong mahal niyo si Hector
pero pakawalan niyo siya. He's not a child na kailangan niyong protektahan all
the time." Umiling ako.

Page 376
Jonaxx - End This War
"Sorry." Humihikbing sinabi ni Abby ulit.

Umiiyak lang si Kathy sa likod ng kanyang palad. Tinahan siya ni Koko at yung
dalawang lalaking alipores niya. Si Harvey at Mathew naman ay nakatingin sakin
kahit na parehong naka jersey pa.

Narinig ko ang maingay na pito sa loob at ang pagtawag sa pangalan ng dalawa.

"Harvey, Mathew, tinatawag na ata kayo sa court!" Sabi ni Sarah.

Tumango si Harvey ngunit hindi siya gumalaw.


Tinapik ni Mathew ang balikat ni Hector. "Ilang araw kayo dito?"
"Tatlo. Nandito mga classmates namin." Ani Hector.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil niyugyug na ako ni Jobel. Ang sakit pa
nga ng noo ko dahil panay ang yakap niya sakin at masyado siyang magulo kaya
nagkakabungguan kami. Tawa na lang ako nang tawa sa kanila.

"Grabe! Penge naman ng number, Chesca, hindi mo sinasabing kayo na pala."


Umiling ako kay Sarah. "Hindi naman kami." Sagot ko.

"Anong hindi? Makapag holding hands kayo parang mag asawa."

"Hindi... talaga-"

"Helloooo?" Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Desiree sa gilid.

Natahimik ang lahat nang dumating ng bigla silang lahat na mukhang naiinitan at
naalibadbaran sa klima ng Alegria.

"Ah! Jobel, Sarah, Marie. Eto nga pala friends ko sa Maynila." Sabay lahad ko sa
kanila.
"Uy! Koko! Eto o! Taga Maynila na naman baka may matipuhan ka!" Nakabubulabog na
tawa ni Jobel.

Nilingon ko ang namumulang pisngi ni Koko.

"Hala! May gwapong chinitooo!" Kinikilig na sambit ni Janine.

Nanliit ang mga mata ko at sinundan ko ang titig niyang patungo kay Harvey Yu.
Nakita kong pabalik balik na tumingin si Harvey kay Janine. Medyo nairita ako.
Naiirita talaga ako kay Janine.

Page 377
Jonaxx - End This War
"Harvey!" Sigaw ko.

Hinanap niya ako at nang nakita ay nginitian. "May game ka pa, diba? Sige na!
Uhhh! Thank you!" Sabi ko kahit awkward. "Sayo din, Mat! Thank you sa inyo! Sige
na! Tuloy niyo na ang game!" Sabi ko sabay kaway.
Tumango si Harvey sakin at tinalikuran niya kami.

Nilingon ako ni Janine at bahagya siyang umismid. Aba't may gana kang umismid,
ah?
Umirap ako sa kawalan. Siniko ako ni Desiree kaya nilingon ko siya.
"Anong meron? Bakit umiiyak yung dalawang babae? Tsaka... sino yang kausap ni
Hector na gwapo?"
Nilingon ko si Hector at nakita kong seryoso niyang kinakausap ang nakahalukipkip
at nakangising si Knoxx Montefalco.

"Ewan ko." Sagot ko nang binabalewala ang nagtatahanang si Abby at Kathy. Nasa
gilid nila si Reese at Koko.

Kinalabit ako ni Jobel at ngumisi siya sakin. "Paniguradong bugbog sarado yung
mga seniors na kumalaban sayo."

Nakita ko ang nagtatanong na mga mata nina Desiree, Tara, at Janine.

"Anong meron?" Tanong nila.

Umiling ako at hindi ko na napigilan. "Hector. Tama na. Punta na tayo sa bahay
niyo."

Nilingon ako ni Hector. Bumuntong hininga siya.

"Tama na." Sabi ko ulit.


Unti-unti siyang tumango. Wala akong pakealam kung mas dumami ang tanong nina
Desiree sa akin mamaya. Ang importante ay maawat ko siya.
Ngumuso si Knoxx sa akin at bahagya siyang yumuko. Kumislap ang earring sa
kanyang tainga. "Na checkmate mo talaga, Alde." Tumawa siya.

Kabanata 59
Home

Mabuti na lang at hindi nila gaanong nahalata na may kakaiba sa amin ni Hector.
Masyado din kasing abala ang mga girls sa pictures. Kung tutuusin, sila lang
naman ang walang alam, e. Ang mga lalaki ay may alam na, kahit si Clark. Mabuti
na lang talaga at hindi naman gaanong maingay ang mga boys.

"Hindi ba tayo pupunta sa inyo?" Tanong ni Hector noong nasa sasakyan na kami.

Naisip ko rin iyon. Alam ng parents ko na nandito ako pero tuwing iniisip ko na
Page 378
Jonaxx - End This War
kasama namin si Clark ay umuurong ang sikmura ko. Hindi maganda ang nangyari
noong huling nagpunta si Clark sa bahay. Kung anu ano ang pinagsasabi ni Tiya sa
kanya.

"Mamaya na siguro." Sabi ko kay Hector.

Nang dumating kami sa mansyon nina Hector, nanghinayang ako dahil wala kami sa
iisang sasakyan. Gusto kong makita ang reaksyon nilang lahat sa gate pa lang ng
bahay nilang may malaking Dela Merced na nakalagay.

Medyo malayo pa ang bahay nila sa gate. May dadaanan ka pang ilang pine trees at
malawak na damuhan na may mga bulaklak. Nang nagpark sa garahe ng mga sasakyan
ang sasakyan nina Hector ay agad na akong bumaba. Gabi na pero kitang kita ang
kulay puting haligi ng buong mansyon ng mga Dela Merced.

"WOW!" Namamanghang sigaw ni Tara. "Ang laki!"

Nagsitunugan ang mga pintuang sinarado sa sasakyan nila. Tumunog na rin ang
sasakyan ni Clark. May mga katulong na pumalibot sa sasakyan ni Hector para kunin
ang mga bag nila.

"Sa guest room, paki dala." Sabi nung isang katulong.


"Picture picture!" Sigaw agad ng mga babaeng hindi pa ata napapagod sa
pagpipicture.

Kaya hayun at panay ang pose namin sa mga camera nila kung saan ang background ay
ang bahay nina Hector. Ilang sandali ang nakalipas sa pagpi-picture ay dinig kong
may sadyang umubo sa likod. Kinabahan agad ako nang marinig ko iyon. Nilingon ko
iyon at nakita kong si Tita Lina iyon ni Hector. Naroon din ang kanyang lola!

"Hello po! Good evening!" Paunang bati ni Janine.

"Hello po! Good evening, po!" Sabay sabay naman sila ngayon.
"Good evening, din!" Ngumisi si Tita Lina at nahagip ako ng tingin. Tumango siya
sa akin.

Ang lola naman ni Hector ay iniisa isa kaming lahat at nanliliit ang mga mata.

"Naku! Ba't kayo ginabi? Ako nga pala ang Tita ni Hector, Tita Lina na lang ang
itawag niyo sakin. Eto naman si Mama. Pwede nang lola ang itawag niyo sa kanya."
Ngumisi ang lola ni Hector at bigla akong tinuro. "CHESCA!"

Nalaglag ang panga ko nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
Page 379
Jonaxx - End This War

"Lola! Magandang gabi." Nahihiya kong sinabi.


"Naku, hija! Miss na miss na kita! Sobrang miss kita! Nung wala si Hector, gusto
kitang dalawin pero dinig ko kay Aling Nena na hindi daw maganda ang
paghihiwalay-"

"MAMA!" Sigaw ni Tita Lina.


Nanginig si lola sabay layu sa akin. Umubo siya at pilit na huminahon. Binalot
kami ng katahimikan kahit na mabigat at mabilis ang hininga ko.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan kong medyo na weirduhan sa inasal ng lola
ni Hector. Umubo ulit si Tita at winala ang usapan.

"Lina kayo! Alam kong gutom na kayong lahat sa byahe."


"Naku! Oo nga po!" Sabi ni Oliver.

Tumawa si Tita Lina at sumulyap sakin. Nagkamot ako ng ulo at sumulyap naman kay
Hector na kinakagat ang kanyang labi.

"Sige na! Pasok na kayo!" Sabi ni Tita at iminuwestra ang loob ng bahay.

"Naku! Ang ganda ganda ng bahay niyo Tita Lina!" Nakita kong hinaplos ni Janine
ang balikat ni Tita. "Sarap sigurong tumira dito."

Tumawa si Tita. "Masarap talaga kasi malinis ang hangin at malayo sa Maynila!"

Imbes na sundan ko sila ay nakita kong nilapitan ako ng palihim ng Lola ni


Hector.

"La, sabi naman diba?" Utas ni Hector.

"Hector, ano ka ba? Okay lang!"

Niyakap niya ulit ako dahil naka layu na ang mga kaibigan ko.

"Ang sabi ni Hector hindi daw alam ng ibang kaibigan mo na kayo?"

"Uh, hindi pa po kami, Lola." Awkward kong sinabi. "Tsaka, oo, hindi po nila
alam."
"Bakit?" Nakita kong namuo ang luha sa mga mata ni Lola.

Hinarap ko siya at hinaplos ang likod.


"P-Pasensya ka na. Ganito siguro pag matanda na... P-Pero, hija, ikinakahiya mo
ba ang apo ko?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

Page 380
Jonaxx - End This War
"Hindi naman sa nanghihimasok ako. Alam kong may maling ginawa si Hector sa iyo
pero kasi kilala mo naman siya diba? Nagalit siya dahil gusto niya kayong dalawa
lang. Masyado ka niyang mahal, Chesca."
Nilingon ko si Hector. Nakita kong nag angat ang labi niya at agad ngumuso nang
nakita ko iyon.
Bumaling ulit ako kay lola na ngayon ay bumuhos na ang luha. "Ayokong
manghimasok. Ayokong pangunahan ka pero yung apo ko kawawang kawawa nung iniwan
mo. Naku! Kung alam mo lang palagi niya akong tinatawagan dito para magtanong
kung nag punta ka daw ba sa bahay-"
"La!"
Nilingon ko si Hector at nakita kong nag iwas siya ng tingin at bahagya pang
napamura. Ngumisi ako at umiling.
"La..." Hinaplos ko ang likod niya at nagsimula kaming maglakad sa loob. "Hindi
naman po sa ikinakahiya ko si Hector. Pero kasi... inis pa ako sa kanya at
nararapat lang na parusahan siya sa ginawa niyang kasalanan sakin." Mahinahon
kong sinabi sa matandang tumatango tango naman.

"Ibig sabihin papatawarin mo rin ako? Bakit bukas? Ba't di ngayon?" Tanong ni
Hector.

Bumaling ako sa kanya at tinitigan ng mariin.


"Okay, okay, chill. I can wait. Okay?" Aniya.

"Oo nga naman, hija. Hindi naman sa tinutulungan ko ang apo ko pero matanda na
ako at kailangan ko ng ng apo. Mamamatay ba ako nang di nasisilayan kahit isa
lang sa isang dosena ninyong anak?"

SHIT? Nanliit ang mga mata ko sa lola ni Hector.

Nakita niya iyon kaya humawak siya sa dibdib niya at huminga ng mabibigat na
hininga.

"Lola? Ayos ka lang?" Napatanong si Hector.

"Kita mo, Chesca? Halos di na ako makahinga."


Tumango tango ako at hinaplos ang likod ni lola.

Shit! Alam ko, e. Talagang pinipikot ako ng mga ito! Grrrr...

"Donya!" May tatlong katulong ang sumugod sa kay Lola at inalalayan siya patungo
sa kanyang kwarto. Nilingon lingon niya pa ako habang paakyat sila sa engrandeng
hagdan nila. Umiling ako sa kawalan. Naabutan ko ring umiiling si Hector.
"Kawawa naman si Lola. Tsk tsk."

Mas lalo akong umiling at umirap. Sinundan ko na lang sila dahil nakita kong may
pinagkakaguluhan sila sa patio patungong dining room.

Iyon naman pala, nag pi-picture sila at ang background ng pictures nila ay ang
napakalaking frame na may picture ni Hector. Uminit ang pisngi ko sa laki ng
picture na iyon. Ito yung bago kami nagkakilala. Hindi siya nakatingin sa camera.
Page 381
Jonaxx - End This War
Sa baba siya nakatingin at bahagyang nakatagilid ang kanyang katawan.
Nakabalandra ang adonis belt niyang perpekto dahil sa pagkatagilid ng kanyang
katawan sa imahe. KIta rin ang burning abs niya. Naka topless kasi at naka jeans.
Hindi na ipinakita ang kabuuan ng pantalon niya. Hindi rin ipinakita kung anong
tinitingnan niya sa likod pero halatang nasa rancho siya nito. Kita ko ang
barikada ng mga baka sa likod kahit naka blur. At perpekto ang capture nito sa
buhok niyang sumasayaw sa likod niya. Tumindig ang balahibo ko tuwing naaalala ko
ang buhok niyang iyon. Para bang nasa time machine ako at ibinabalik niyon ang
alaala ko nung una pa lang kaming magkakilala.

"Ang gwapo ni Hector! Ganyan ang hairstyle mo noon, Hector?" Tanong ni Desiree na
namamangha parin sa picture.
"Oo, e." Ngumisi si Hector.
"Bagay sayo! Para kang prinsipe! Ba't mo pinutol?" Tanong ni Tara.

Napaismid ako doon dahil ngayon ko lang talaga napagtanto na bagay din pala ang
hairstyle na iyon sa kanya. Well, kung ganito ba naman ka gwapong lalaki,
paniguradong babagay na ang kahit ano sa kanya.
"Ayaw ng first love ko." Ngumisi siya.

Gusto kong mag walk out lalo na noong nakita kong nanlaki ang mga mata ng lahat.

"Tsss. Gutom na ako." Panirang sabi ni Clark.

Hinila niya ang mga lalaki patungo sa dining room. Sumunod kami pero hindi
tinantanan nina Desiree at Tara si Hector.

"Ayaw? Sinong aayaw sayo?" Tumatawang sinabi ni Desiree.

Nilingon ako ni Hector. Nag iwas ako ng tingin.

Binalikan ko ng tingin ang picture ni Hector at naabutan ko si Janine na


nakanganga at tulala parin sa picture niya.

"Janine!" Tawag ni Billy. "Kain na tayo!"


Tumango si Janine at dahn dahang nilubayan ang picture ni Hector.

Syempre, agad namin nilantakan ang mga pagkain. Gutom at pagod na pinaghalo ang
naramdaman ko. Kitang kita ko rin ang paghihikab ni Desiree. Mukhang maging siya
ay low bat sa biyahe. Syempre, kung hindi ka sanay na ba byahe ng ganun ka tagal
ay talagang mapapagod ka. Kaya lang, pagkatapos kumain ay nagyaya pa ang mga
lalaking mag chill sa labas ng mansyon. Kita kasi nila na pwedeng mag inuman doon
at walang problema kay Tita Lina.

Nagkamot ako ng ulo nang nasa iisang kwarto kaming lahat ng mga girls. Inisip ko
kasing yayain si Hector patungo sa bahay namin pero kung hindi pa sila
Page 382
Jonaxx - End This War
magpapahinga ay baka hindi kami tutuloy.

"Bakit tatlong bed lang meron?" Tanong ni Desiree. "Tara, paglapitin nga natin.
Buti na lang mga payat tayo, kasya parin."

Nanliit ang mga mata ko sa tatlong bed na nasa kwarto. I'm pretty sure na may
meaning iyon at sasakalin ko na talaga si Hector kung tama ang hinala ko.

"Tara na!" Ani Desiree nang nakitang nakahilata na si Tara sa higaan at si Janine
naman ay panay lagay ng lipstick.
"Why are you putting on your lipstick, Janine? Gabi na at walang party sa
Alegria." Utas ko.
"U-Uh... Tinatry ko lang. I don't know." Umiling siya at nilagay sa bag ang
lipstick.
Tumango ako at humalukipkip.

"Come on, Tara! Wake up!" Sigaw ni Desiree.

Napilit ni Desiree si Tara na pumunta sa inihandang inuman ng mga boys. Umupo


kami sa mga table. Energetic parin si Billy at RJ. Samantalang nakapikit si Clark
at pahikab hikab naman si JV.

"Kakapagod yung byahe, ano?" Ani Desiree sabay kuha ng isang inumin sa bucket.
"Buti na lang komportable ang bahay nina Hector."

Kakarating lang ni Hector. Nakapagbihis na siya ng shorts at isang puting tshirt


na perpekto parin sa kanya.

"Hindi ba kayo napagod?" Natatawa niyang tanong saming lahat.

"Hindi ah!" Sabi ni Janine.

Nilingon ni Hector si Janine at tumawa. "Kahit na medyo sanay ako, pagod parin
ako."
"Tsss." Biglang sinabi ni Oliver. "Syempre." Nilingon niya ako.

Umismid ako kay Oliver at kinindatan niya na lang ako.


"Hindi ka ba natulog sa byahe, Hector?" Malambing na tanong ni Janine.
Umiling si Hector.

"Dito ka na umupo, oh." Sabay tapik niya sa bakanteng upuan sa tabi niya.

At dahil wala akong bakanteng upuan sa gilid ay hindi ko naanyayahan si Hector na


tumabi sa akin. Tumingin pa siya sakin bago tinanggap ang offer ni Janine.

Page 383
Jonaxx - End This War
"Eto oh?" Sabay bigay niya ng beer kay Hector.

"Oh, bakit, Janine? Trip mong malasing si Hector?" Medyo iritado kong tanong.

Nakita kong tinanggap ni Hector iyong boteng binigay ni Janine at ininom. Tumawa
si Janine sa akin.

"Hindi. Nag iinuman tayo dito, edi syempre, bibigyan. Gusto mo?" Aniya sabay
bigay sa akin ng isang bote.
"Eto na, Ches." Sabay bigay sa akin ni Clark ng isang bote ng beer.

Tinanggap ko iyong kay Clark at ininom. Nakakairita, ha?

"Hector." Agad akong tumayo pagkatapos kong uminom.

Tumayo rin si Hector at tinaas ang kilay.


"Samahan mo ako sa bahay. Dadalawin ko ang parents ko."

Napangiwi si Janine sa sinabi ko. "Hala! Hindi pwede, Ches. Sino na ang host
namin sa kanilang bahay? Nakakahiya naman kung tatawagan namin lagi yung tita
niya pag may kailangan kami-"

Tumayo si Clark at pinatunog ang kanyang susi. "Oo nga, Chesca. Ako na lang ang
sasama sayo."

"Ako na." Mariing utas ni Hector. "May mga katulong naman. Tsaka kung nahihiya
kayo, nandyan si Oliver."

Nag high five si Oliver at Hector.

"Let's go, Chesca." Anyaya ni Hector sa akin.

"Pero, Hector, iiwan niyo kami?"

Medyo tumaas ang altapresyon ko sa malambing at sobrang nakakairitang boses ni


Janine.

"Oo, Janine. Para sakin." Ngumisi ako.


Tumawa sina Desiree at Tara sa sinabi ko. Akala nila joke iyon pero yun ang
totoo. Umirap ako at nilagpasan silang lahat dahil naiirita ako.

Narinig kong nagtawanan ang mga walang pakealam na mga lalaki habang palayo kami
ni Hector sa kanila.

Page 384
Jonaxx - End This War
"Init ng ulo natin, ah?" Natatawang sinabi ni Hector sabay hapit sa baywang ko.
Hinayaan ko siya. Alam ko namang hindi na kami nakikita ng mga iyon. Humalukipkip
ako at nagtaas ng kilay. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Naiirita ako kay Janine. Wa'g mo siyang pansinin."

"Huh? Bakit?" Nakakunot ang noo niya.


"Basta."

"Hindi naman yata makatwirang sagot yang 'basta'."


"Basta." Sabi ko at nagkibit balikat siya.
"Masama ang magalit ng walang dahilan, Chesca." Aniya.

Nanahimik na lang ako. Mabilis siyang nagmaneho patungo sa bahay namin. Nagulat
ako nang nakita kong si lola Siling ay nasa duyan na naman. May nginunguya o may
sinasabi siya sa kanyang sarili. Nang nakita niya kami ni Hector ay agad niya
kaming tinuro.

"Lola!" Sabay kaway ko.

Kinuha ko ang nakaturo niyang kamay at nagmano.

"Siya yung sinabi ko! Yung naka isa sayo?" Sabay turo niya kay Hector. "Yung
makisig at matipuno?" Ngumisi si Lola Siling at bahagyang pinilig ang ulo. "At
gwapo. He-he."
Kumunot ang ulo ko at nilingon ang nakakagat labing si Hector. "Anong meron?"

"Wala. Yung bumisita ako dito nung birthday mo. Akala ko may Alzheimer's iyang
lola mo?"
Tumango ako. "Meron pero madalas may naaalala siya."

"Naisahan ka! Naisahan ka!" Paulit ulit na sinabi ni Lola.

Lumuhod ako kay Lola at tinitigan siya sa mga mata. Tumatawa siya kahit na wala
siyang ngipin.

"La, anong naisahan?" Tanong ko.


Tinuro niya ulit si Hector. "Sabi niya 'ssshhh' e."

"Lagot? Bakit naaalala niya?" Tanong ni Hector.


"La! Makinig ka po sakin. Bibigyan kita ng 500 thousand para matubos niyo yung
lupa."
"Iyong lupa na nakasangla sa mga Dela Merced?" Namilog ang mata ni lola.

"OHO! Bibigyan ko kayo para makuha niyo ulit yun. Sabihin mo sakin, bakit ako
Page 385
Jonaxx - End This War
naisahan ng lalaking iyan?"
"La, wa'g po!" Sabi ng natatawang si Hector.
"La! Makinig ka! Diba gusto mo ng pera? Diba?" Tuso ito, e. Tsaka gahaman sa pera
kaya ako ang papakinggan nito!
"Sabi niya..." Tumatawa si Lola. "Sabi niya pag ipinagbili niyo ang Alps ay kay
Chesca iyon ipapangalan!"

"Tapos? Tapos, la?"


Tumatawa na si Hector at hinihila ako palayo kay Lola.
"Tapos pag hindi ka naman pumayag at ibibenta niyo ang bahay ay paniguradong mag
Ma Maynila ka! Doon ka daw niya pipikutin!" Sabay turo ni Lola kay Hector.

Sabay silang dalawang nagtawanan. Nanliit ang mga mata ko sa lumalayong si Hector
sakin.

"HEC-TOOOOOR!?" Sigaw ko bago tumayo at umambang sasakalin na naman siya.

"CHESCA! Naku! Chesca!" Mabilis na tumakbo si Tiya sa akin at niyakap niya ako.

I'm home. Always home when Hector is around, probably. Ngumisi ako at niyakap din
si Tiya. Sumunod sina mama, papa, at tiyo. Kahit na medyo napaismid sila ng
nakita si Hector ay hindi nila iyon pinagtuonan ng pansin dahil nandito ako.

Kabanata 60

Hinabol

"Tutulak na kayo? Saan ka matutulog? Sa kanila ba?" Tanong ni papa nang lumabas
na kami ni Hector.
Tumango ako. "Nandun naman classmates ko. Tsaka maaga pa kami bukas, pa. Pupunta
kami ng rancho tapos magtatanong ng kung anu-ano sa tito ni Hector."
Tumango si papa at bumaling kay Hector. Siniko naman ako ni mama.

"Kayo na ba niyan ulit, Chesca?" Bulong niya.


Umiling ako.
"Bakit?"

Napangiwi ako sa tanong niya.


"O sige! Wa'g mo na nga lang sagutin. Sige... Hector..." Tumango si mama.

Wala silang binanggit tungkol sa iringan namin ni Hector noon. Sa wakas ay natuto
na silang palayain ako at wa'g ng pakealaman sa desisyon ko. Mabuti iyon kahit na
alam kong ang daming gumuguhit na tanong sa mga utak nila.

Nilingon ko ulit sila nang nakalabas na ako sa gate at nasa loob na si Hector sa
sasakyan niya.
Page 386
Jonaxx - End This War

"Sige, ingat kayo!" Kumaway si mama at si tiya sa aming dalawa.

Tumango ako at pumasok na sa sasakyan ni Hector. Pagkapasok ko doon ay nakita


kong humikab siya. Antok na rin ang isang ito. Alas diyes na rin, e. Napasarap
ang kwentuhan sa bahay.

"Sa kwarto ka matulog, a?" Pasimpleng sinabi ni Hector.


"Ano ka? No way, Hector. Hindi pa naman tayo."
"Asus. Eto talaga. Tanggap na naman ako ng parents mo tsaka si lola naiiyak na
satin. Kailangan na nating magkabalikan, Chesca." Aniya.
"Wala sa kanila ang desisyon, Hector. Nasakin. Di nila ako mapapangunahan kaya
wa'g kang mag fefeeling diyan!" Sabay irap ko sa kanya.

Natatawa siya nang pinilit niya akong pumasok sa kwarto niya. Ang sabi kasi ng
mga katulong ay natulog na halos ang lahat. Tatlong kwarto ang inukupa ng mga
lalaki. Isa lang ang sa babae dahil ayaw naming maghiwa hiwalay.

"Tulog na naman sila." Bulong niya sabay higit sakin patungo sa kwarto niya.

"Ano ba, Hector!" Sabay bawi ko sa kamay ko.


Natatawa siya nang bitiwan ako. "Tulog lang naman."

Inirapan ko siya. Tulog ka dyan? Magagawa mo ba iyon? Eh, shoot nga lang na
nakatayo tayong dalawa ay nag iinit ka na? Baka pag nakahiga, bigla niya na akong
kulungin.

"Good night, Hector!" Sabay kaway ko at diretso sa kwarto namin.


"Tulog lang naman, e. Di naman tayo mag aano." Sigaw niya.
Namilog ang mga mata ko. Kahit na alam kong tulog na sila ay pakiramdam ko may
makakarinig nun!

Padabog kong sinarado ang pintuan ng kwarto namin. Nag alala tuloy ako nang
nakita kong bahagyang gumalaw si Tara dahil sa ingay na dala ko. Tulog na silang
tatlo at sa kasamaang palad ay magtatabi kami ni Janine. Si Tara at Desiree ay
magkadikit sa isang gilid. Bakante ang gitna habang si Janine ay nakatalikod na
tulog sa dulo.

Tinaas ko ang kilay ko at humiga na doon sa kama. Pinilit kong matulog pero wala
akong maisip kundi ang nakakairitang si Janine. Naiisip ko iyong paglalagay niya
ng lipstick, iyong paninitig niya sa picture ni Hector, at ang paglalandi niya
kay Hector. Nakakairita!

Tumabi ako kay Janine at tiningnan ang kanyang buhok na malayang nakahandusay sa
unan. Nakatalikod siya at may kayakap pang unan. Lumapit pa lalo ako sa kanya at
pumikit. Kinagat ko ang labi ko at naglapat na ang katawan namin. Tumalikod ako
Page 387
Jonaxx - End This War
at tinulak siya. Isang tulak pa at isang tulak. Hanggang sa biglang kumalabog
dahil sa pagkakahulog niya. Natatawa pa ako pero pinilit kong magkunwaring
natutulog.

"Aray..." Aniya.

Hindi nagising si Tara at Desiree sa nangyari. Gumalaw ako at bumalik sa dating


hinihigaan nang nakapikit parin.

"Aray..." Inda niya nang humiga ulit siya sa kama.

Nakatulog din naman siya kaya di ko na napigilan ang panginginig ng balikat ko sa


tawa. Yan ang bagay sayo, bitch!

Kinaumagahan, nagising na lang ako na nag aayos na silang lahat. Kinusot ko ang
mata ko habang nakikita kong wagas makapag make up si Janine sa tapat ng salamin.
Kakaligo lang ni Tara.

"Ikaw naman, Ches. Gising ka na pala." Aniya.


"Bilis na! Maaga tayo sa rancho nina Hector, diba? Tara na! Mag dodocumentation
pa tayo."
Tumango ako at dumiretso na sa banyo para maligo.

Nang matapos ay nakita kong tapos na rin sila. Magbibihis pa ako nang may kumatok
sa amin.

"O, JV?" Tanong ni Tara.

"Kain na daw. Baba na kayo. Kanina pa sila bumaba."


Tumango si Tara. "Saglit lang. Di pa nakakapagbihis si Chesca."

"Mauna na kayo. Ako na dito." Sabi ko sa kanila.


"Talaga?" Tanong ni Tara.
"Oo."

"Oo nga. Ginugutom na rin ako, e." Sabay tayo ni Janine.

Kaya hayun at umalis na silang lahat. Nag ayos pa ako kaya medyo natagalan.
Shorts lang at simpleng t-shirt ang sinoot ko. Kumpara sa mga kaibigan kong
parang mga turista dahil sa ganda ng mga sinusoot. Sa bagay, kararating lang
naman nila dito kaya hayaan na.

Nang natapos ako ay lumabas na ako sa kwarto. Napatalon ako nang nakita kong
nakahalukipkip at nakasandal sa dingding si Clark.

Page 388
Jonaxx - End This War

"Clark?" Tanong ko.


Seryoso niya akong tiningnan. "Dyan ka ba natulog?"

Napangiwi ako. "Of course. Bakit?"


Tumango siya at tinalikuran ako. "Baba na tayo."

"Okay." Ipinagkibit balikat ko iyon pero nagulat ako nang hinarap niya ulit ako.
"Nung sinabi ko sayong gusto kong tayo ulit, Chesca, seryoso ako."
Bumuntong hininga ako. "Nung sinabi ko rin sayong wala na tayo, Clark, seryoso
ako doon."
"Come on, Ches. Isang pagkakamali lang..."

Umiling ako at hinilamos ang palad sa mukha. Nakakaumay na ang mga sinasabi ni
Clark kaya imbes na sumagot sa kanya ay dumiretso na lang ang lakad ko.

Hinabot niya ako pababa ng hagdan.

"Chesca!" Aniya.

"Clark, wala na sabi." Sabi ko.


"Chesca, listen to me!" Sabay hila niya sa braso ko.

"Ano?" Sigaw ko at hinarap siya.

"Janine... Janine is a slut! Experience lang iyon! Bagyo lang ito sa relasyon
natin! Patawarin mo na ako!" Aniya na may halong frustration sa boses.

"Ano?" Natawa ako dahil nagpapatawa na talaga si Clark. "Anong bagyo? Yolanda?
Kaya ba ubos ang pasensya ko? Clark kahit ambon lang yung nangyari, talagang wala
na tayo dahil may ibang mahal na ako!" Sabi ko at iniwan siya doon para pumanhik
patungo sa dining area.

Mabilis ang lakad ko ngunit bigla akong natigilan nang naabutan kong nilalagyan
ni Janine ng kanin ang pinggan ni Hector sa hapag. Oh, oh, oh really?

Padabog akong umupo malayo sa kanila. Natatakot akong dahil sa galit ko ay


maisiwalat ko sa harap nilang lahat, ngayon din, ang kabulastugang ginawa ni
Clark at ng bruhang si Janine na iyan.

Lumapit si Clark sa akin at doon na rin umupo.

"Chesca, eto o." Sabay bigay ng natatawang si Hector sa akin.

May joke kasing sinabi si Janine kaya natawa ang lahat. Hindi ko tiningnan man
lang si Hector dahil sa inis at tinanggihan ko ang offer niyang ulam.

Page 389
Jonaxx - End This War

"Thanks, etong bacon lang akin." Sabi ko.


"Diet si Chesca..." Natatawang sinabi ni Janine. "Inspired?"

Nag angat ako ng tingin sa naki-carried away na si Janine. Matalim ko siyang


tinitigan ngunit sinuklian niya ako ng ngiti sabay nguso sa katabi kong si Clark.
I cannot believe it!

"Ikaw din ba, Janine? Inspired?" Tanong kong nakangisi.

"Oo!" Tumango pa ang hayup sabay tingin ni Hector. "Hector, tubig?"

Halos madouble dead ang bacon sa pag tusok ko ng tinidor. I cannot believe this!
Tinitigan ko si Hector ngunit dahil masyadong napasarap ang usapan nina Billy at
RJ ay doon niya itinoon ang pansin niya.

"Pengeng tubig, Janine." Sabi ko sabay lahad ng kamay.

"Okay." Aniya at nag salin ng tubig sa baso.

Tumayo ako para lapitan siya at kunin iyong baso. Nang binigay niya sakin ang
baso ay sinadya kong itapon ang tubig sa kanya kaya basang basa siya.

"Oooppps, sorry!" Sabi ko agad.

Tumayo si Hector at si Janine. Nakita kong medyo nabadtrip si Janine sa akin nang
nag angat siya ng tingin.

"Hala! Magpalit ka, Janine!" Sabi ni Tara. "Basang basa, e."

"Sorry talaga." Sabi ko.

Nanliit ang mga mata nI Hector sakin habang pinpunasan ni Janine ang damit niya.

"Oo nga. Magpapalit na ako." Tumayo siya at umalis para magpalit.

Ngumuso ako at inirapan na lang siya. Abala ang lahat sa pagtatatapos ng mga
pagkain nila kaya nagkataon si Hecto sa paghila sa akin at pagbulong.
"You jealous?"
Umismid ako. "No." At inirapan siya.

"Really?" Nag igting ang bagang niya.


Page 390
Jonaxx - End This War
"Yes. I'm not."

"Coz I am." Aniya at hinila pa ulit ako palapit sa kanya. "You don't just show up
on my house with another man, Chesca." Mariin ngunit pabulong niyang sinabi.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at mariin siyang tinitigan.

"Uy, okay lang kayo?" Tanong ni Desiree nang nakita kaming nagkakainitan ni
Hector.
"Ah! Oo. Okay lang." Sabi ko at iniwan siya doon para bumalik sa tabi ni Clark.

Buong umaga ay nasa Tinago Falls kami dahil naroon ang Tito ni Hector. Gusto sana
nilang maligo kaso naging busy ang lahat sa pag iinterview sa kanya. Naging busy
din kami sa documentation at kung anu ano pang nirequest ng prof namin.

"Nakakaingganyong maligo dito, Hector." Dinig na dinig ko ang malambing na sinabi


ni Janine kay Hector.

Oo nga, Janine. Actually, diyan kita lulunurin.

"Oo."

"Sana may ganito din kami. Buti ka pa may falls." Nagpapacute si Janine kay
Hector.

Umiling ako at nagsulat na lang sa report. Nakakabanas, ha?

"Chesca, tulungan na kita." Ani Clark.


"Thanks, Clark!" Sigaw ko para marinig ng lintik na Hector na iyon.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakita niya kaming dalawa. Agad siyang
nagtungo sa amin para mang usisa kung anong ginagawa namin.

"Ako na niyan, Chesca." Ani Hector sabay pagitna sa aming dalawa.


"Wa'g na, Hector. Patuloy ka lang sa ginagawa ninyo." Sabi ko sabay patuloy sa
pagsusulat.
"Oo nga, Hector. Kaya na naman 'to." Mariing sinabi ni Clark. "Hindi ka namin
kailangan dito."
"Anong ibig mong sabihin, Clark?"

Nag angat ng tingin si RJ at Billy.

Page 391
Jonaxx - End This War

"O? O? Easy..." Anila.

Nilingon ko sina Desiree, Tara, Oliver, at JV na abala sa pag iinterview sa Tito


ni Hector. Bumaling ako sa galit na si Hector.

"I said, kaya na naman ito. Did you hear me, Hector?"

Nakakunot ang noo niya nang tiningnan niya ako. Kitang kita ko ang galit niya.
Bumuntong hininga siya at tumango. "Dito lang ako." Aniya at humalukipkip sa
gitna namin ni Clark.

Umiling si Clark. Napailing din ako kay Hector. Kakairita. Hindi ba sinabi ko sa
kanya kagabi na iwasan si Janine? Bakit ngayon ay mukhang mas nagkakalapit pa
sila? Sa irita ko sa kanya ay mas lalo ko siyang tinataboy. Binabara ko naman si
Janine sa mga banat niya. Siniko na ako ni Desiree nang nag hapon at nasa rancho
na kami.

"Anong problema mo at bakit mainit ang ulo mo kay Janine?"

Umiling ako habang tinititigan si Janine na nagpapakain ng mga kambing.


Tumititili tili pa siya.
"Wala akong problema."

"Natatakot ako sa kambing!" Sigaw ni Janine sabay takbo kay Hector kahit na
malayo naman si Hector at busy sa pakikipag usap sa mga ranchero nila.

"Edi bwiset kung ayaw mo ng kambing ay lumayo ka!" PUTANG INA! Sigaw ko.
"Huy!" Sabay tulak sa akin ni Desiree.

Uminit ang ulo at pisngi ko sa galit. Umiling ako at umalis sa kanila.

"Badtrip ako." Iyon ang excuse ko dahil halos silang lahat na ang natatarayan ko.

Buong araw akong badtrip. Galit ako sa lahat maging kay Hector. Kaya nang nag
desisyon silang sumakay sa mga kabayo ay nasa bato lang ako nakaupo at nilalagyan
ng mga damo ang kainan ni Abbadon.

Kitang kita ko sa malayo na masayang masaya sina JV at RJ habang sumasakay sa mga


kabayo nina Hector. Busy naman si Desiree at Tara sa pag pi-picture. Si Hector
naman ay abala sa kanilang lahat. Siya naman kasi ang host at kanila ang rancho
kaya malamang ay magiging abala siya.

Page 392
Jonaxx - End This War
Narinig ko ang mga yapak ni Janine sa gilid ko. Bumuntong hininga siya. Nag angat
ako ng tingin at nakita kong nakatayo siya sa gilid ko. May tiningnan siya sa
likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Clark na nasa kabilang banda at
tinitingnan ang mga batang kabayo sa kanilang kuwadra.

"Chesca..." Aniya.

Hindi ako umimik.

"Alam kong may bangayan tayong dalawa. Hindi ko iyon maipagkakaila. Kaya
tatanggapin ko ang pang gagaspang mo sa akin."

Hindi parin ako umimik. Nag concentrate ako sa pagpapakain kay Abbadon.

"Kasi... ano... Nung una, gusto ko talaga si Clark. Mahal ko siya."


Tumikhim ako. Gusto ko siyang sampalin pero wala na akong pakealam. Gusto ko lang
sampalin kasi ang lakas lakas ng loob niyang makipag usap sakin ngayon.
"Kaya ayun... nung umalis ka... pakiramdam ko pagkakataon ko na."

Nag angat ako ng tingin at umismid. Magsasalita sana ako ngunit dinugtungan niya
pa.

"Pero alam kong mali iyon." Yumuko siya. "Iyo siya at hindi akin kaya wala akong
karapatan. Nangangarap lang ako ng gising." Ngumisi siya. "Kaya ngayon."

Lumunok ako at nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko alam ko na ang susunod
niyang sasabihin.

Umatras siya at umambang aalis na.

"Kaya ngayon, he's free. Kung gusto niyong magkabalikan, okay lang sakin. At
gusto ko ring malaman mo na wala siyang kasalanan. Ang totoo niyan, nilasing ko
siya. Ang totoo niyan akala niyang ikaw ay ako kaya iyon nangyari nung gabing
iyon." Pumikit siya. "Ang totoo niyan, nag settle lang ako doon dahil iyon lang
ang naging paraan ko para sa kanya."

Mabilis na ang hininga ko at nangatog ang binti ko kahit nakaupo lang ako.
"Pero ngayon." Lumingon siya sa mga nangangabayong sina RJ, JV, at Billy.
"Narealize kong nakita ko na ang lalaking gusto ko. Iyong walang sabit. Iyong
hindi sayo... hindi kanino..." Aniya. "Si Hector." Ngumisi siya at mabilis na
umalis.

Tumayo ako at agad siyang hinabol.


Warning: Medyo SPG

-----------------------------
Page 393
Jonaxx - End This War
Kabanata 61

Pag Aari

"SULUTERANG MAY DETERMINASYON!" Sigaw ko habang nakikita si Janine na sumasakay


sa kabayo.

Malayo pa ako at kitang kita ko na nakikipag usap si Hector sa tiga alaga ng


kabayo habang si Janine ay nag struggle na sumakay sa isang puting kabayo.

"Hector! Hector!" Sigaw niya.

Lumingon agad si Hector kay Janine at itinuro niya ito kaya nagpunta ang ranchero
at ang mga trabahador para tulungan siya. Nakapamaywang si Hector at pinanood
niyang hinahawakan ng mga ranchero ang kamay ni Janine sa pagsakay ng kabayo.
"Hector!" Tawag ulit ni Janine ngunit hindi man lang nag abala si Hector sa
pagpunta roon. Imbes ay hinayaan niya lang ang mga trabahador.

Nilingon ako ni Hector at mas lalong bumilis ang lakad ko. Hindi ko siya pinansin
kahit kita ko ang pangungunot ang noo niya sa akin. Maaaring napansin niya ang
pula kong pisngi at ang nag aapoy kong galit.

Bwisit kang higad ka! Tinatawag mo pa si Hector kahit kitang walang interes iyong
tao sayo! Napatingin si Janine sa akin dahil diretso ang lakad ko sa kanya. Ang
inilahad niyang kamay sa ranchero ay kinuha ko at hinila ko siya pababa ng
kabayo. Nahulog siya at nangudngod ang kanyang mukha sa putikan.

"SULUTERA KA!" Sigaw ko.

Nagsigawan sa gulat sina Desiree at Tara. Mabilis na nagtakbuhan ang mga lalaki
sa aming dalawa. Gumapang si Janine para makaahon.

"Ano ba, Chesca? Ano bang problema mo?" Sigaw niya.


"Ah? Ako pa ngayon ang may problema, ha? Ikaw ang may problema dito, Janine!
Makati ka! Kung gusto mo ipakamot mo yang iyo sa unggoy dahil sobrang kati na,
diba?"

Bumangon siya at sinampal ako. Nakita kong umiiyak siya kahit na ang kabilang
pisngi ay punong puno ng putik. Sinampal ko rin siya pabalik at humagulhol siya.

"Chesca! Ano ba?" Sigaw ni Desiree sakin.

Napalibutan na kami nilang lahat. Si Hector ay nakahawak sa magkabilang braso ko


Page 394
Jonaxx - End This War
at nasa likod na para awatin ako. Sina Billy at JV naman ay nasa kay Janine.

"Janine, ayos ka lang ba?" Tanong ni RJ sabay tingin sa mukha ni Janine.

"Hector!" Sigaw ni Janine sabay turo sakin. "Walangyang Chesca! Nakita niyo ba
iyon? Nakita niyo ba?" Sigaw niya.

Kumawala ako kay Hector at sinampal ulit siya.

"CHESCA!"
"AHHHH!"

"TAMA NA!"

Nabingi ako sa mga sigaw nila dahil sa ginawa ko.

"Chesca!" Mariin at may awtoridad na sigaw ni Hector sa akin.

Niyugyog niya ako at hinarap.

"Tama na! Pwede ba? Tama na!" Sigaw niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag alab ang galit sa aking kalamnan.

"Chesca! Ano ba!? You are being unreasonable! Noong isang araw ko pang napapansin
na binabara mo si Janine, a?" Sigaw ng galit na si Desiree sa akin.

"Oo nga, Ches! At ngayon badtrip ka lang bigla? Ano ba ang problema mo?"

Umiyak at humagulhol si Janine sabay hawak sa braso ni Hector. "Oo nga! Hindi ko
maintindihan si Chesca!"

"Sorry, Janine." Utas ni Hector. "Ches, anong problema mo. Tsss." Umiling siya at
lumapit kay Janine.

Akala ko wala ng mas iinit pa ang ulo ko kanina. Iyon pala, may galit pang
pwedeng umusbong sa sistema ko. Sinugod ko si Janine at sinabunutan.

"HAYUP KA! SIGAW KO! SULUTERA KA! WA'G NA WA'G MONG MAAKIT SI HECTOR!" Sigaw ko.
"Chesca! Ano ba? Anong maakit? Putang ina ikaw lang ang nakakaakit sa akin! Wa'g
ka ngang mag wala ano ba ang nangyayari sayo?" Sigaw ni Hector sabay awat sa
akin.

Nakita kong nalaglag ang panga nina Desiree at Tara. I know this is going to
happen. At wala akong pakealam kung malaman man nila kung anong meron sa amin ni
Hector. Ang totoo, hindi ko na alam kung bakit nilihim ko ito noog una.
Page 395
Jonaxx - End This War

Pinrotektahan na ng lahat si Janine. Si Clark lang ang namumutla at nakatingin sa


buong pangyayari sa malayo.

"NAGHIWALAY KAMI NI CLARK NOON DAHIL SA PUNYATERANG HIGAD NA IYAN!" Sabay turo ko
kay Janine.
"Chesca!" Dinig ko ang pag mamakaawa ni Clark na huwag na itong ipagsabi.

But right now, I'm merciles. Nakita ko ang nagtatanong na mga mukha nila. Luminga
sila galing kay Janine at kay Clark.

"Pag uwi ko noon galing Alegria, dumiretso ako kina Clark dahil nagpasya akong
doon na lang tumira kasama siya dahil ayoko sa bukid na ito! Naabutan ko silang
dalawa." Itinuro ko silang dalawa ni Clark.

Humagulhol si Janine ngayon. Naestatwa naman ang mga kaibigan ko at si Clark.

"Silang dalawa sa kama ni Clark!"

Napangiwi si Tara sa sinabi ko.

"Imagine that? Silang dalawa. Ungol pa lang, makakapatay ka na ng tao kung nasa
posisyon ko kayong lahat. Pero hindi, e, pinili kong tingnan talaga silang dalawa
at manahimik na lang sa Alegria."

Naramdaman kong kumalas ang pagkakahawak ni Hector sa braso ko. Hindi ko siya
nilingon. Abala ako sa pagsiwalat sa katotohanan sa kanilang lahat.

"Tangina, kaibigan ko tsaka boyfriend ko? Really? Tangina tanggap ko siguro yung
ibang tao ang ikabit ni Clark pero iyong kaibigan ko pa? Hindi lang basta basta
nilandi, ah, ikinama!" Mariin kong sinagaw. "Kaibigan ko! Ilang taon kong
kaibigan yan! Pinagkatiwalaan ko!"

Nakita kong tumulo ang luha nina Desiree at Tara. Naestatwa ang mga lalaki sa mga
gilid nila. Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Gusto
kong magsalita pero natuyo na ang lalamunan ko. Yumuko si Clark habang umiiling.
Ngayon ay hindi na lihim ang lahat.

"Oo na! Oo na at ginawa ko iyon! Pero Chesca, kasalanan ko ba kung mahal ko rin
si Clark noon?"
Hindi ako makapaniwalang nasabi iyon ni Janine. Namilog ang mga mata ko at
umambang susugurin ulit siya pero pinigilan ako nina Desiree at Tara. "Ano? Ano?"
Tumatawa na ako dahil nababaliw na ako sa logic niya.
"At isa pa! Sinabi ko na naman sayo na wala na kami! Na ayaw ko na? Na tapos na
kami! At ngayong sinabi ko crush ko si Hector, galit ka na naman? Ano ba,
Chesca? Lahat na lang ba na gusto ko ay gusto mo rin?"
Gusto kong tumawa nang tumawa dahil sa kahibangang sinabi niya.

Page 396
Jonaxx - End This War

Gusto kong ipagdiinan na si Hector ay akin din. Nilingon ko si Hector at nakita


kong tulala siya sa kawalan.

"Chesca, may isip din ang mga taong mahal natin. Kaya nilang mag desisyon para sa
sarili nila! Hayaan mo silang magdesisyon!" Aniya.

Sa sobrang inis ko ay hindi na ako makangisi sa pinagsasabi niya. "Janine, baliw


ka ba?"

"Ang hirap sayo, kinukulong mo at binabakuran mo yung mga tao! Hindi mo man lang
naisip na pwedeng mag bago ang isip nila! Na pwedeng hindi ikaw ang piliin nila-"

"OKAY FINE!" Sigaw ko dahil punong puno na ako at pakiramdam ko makakapatay na


ako ng tao kung hindi ako aalis dito. "OKAY FINE THEN! Papakawalan ko ang lahat.
Iyon ang gusto mo diba? Kasi baka may isang imbes na sakin ang punta ay sayo
pupunta. Fine!"

Mabilis akong nagmartsa palabas ng rancho. Iyon lang ang gusto kong gawin sa mga
panahong iyon. Gusto ko lang umalis doon at magpalamig dahil sa ngayon galit at
inis ako sa lahat, maging sa aking sarili. Naiinis ako kay Janine, naiinis ako
kay Hector, naiinis ako kay Clark, naiinis ako sa sarili ko!

"Chesca!" Mariing tawag ni Hector sakin nang nakalayo na.

Mukha atang sinundan niya ako maging sa pag alis ko.

"Leave me alone, Hector!" Sigaw ko.

Hindi na siya umimik. Hindi ako sigurado kung nakasunod pa rin ba siya o talagang
wala na siya sa likod ko. Bahala na dahil gustong gusto kong lumayo. Matulin ang
lakad ko at iba-ibang farm na ang nilagpasan ko. Saka ko lang medyo hininaan ang
matulin kong pag martsa nang napansin kong dumidilim na.

Naiirita ako sa kapal ng mukha ni Janine. Paano niya nasabi iyon? Oo nga't ramdam
ko ang pagiging bitter ni Kathy sa amin ni Hector. Pero alam kong tulad ni Kathy
ay hanggang doon lang ako. Hindi ko pag aaksayahan ng panahon ang panunulot para
lang masatisfy ko ang sarili ko tulad ng ginawa ni Janine. Hindi ko ipipilit ang
sarili ko kay Hector kung nakita ko mang may iba siya. Yes, I'll be really
bitter. I'll hate the girl. I'll curse her and all. Pero hindi ko ipagsisiksikan
ang sarili ko sa kay Hector.

I hated Hector! Kahit alam kong wala siyang alam ay pumanig siya kay Janine.
Maaring nagulat siya sa inasal kong kaartehan pero nasaktan ako.

Pumikit ako at inisip na hindi ko na kayang bumalik sa mansyon.


"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko nang narealize na nasa ilog na ako.

Page 397
Jonaxx - End This War

Nakikinita ko na iyong gazebo sa malayo. Huni ng ibon at agos ng tubig na lang


ang naririnig ko.

"Great! Dito na naman." Sabi ko sabay iling.

Tumalikod ako para sana umalis at bumalik sa pinanggalingan ko. Gumagabi na at


baka maabutan pa ako sa gitna ng farm ng ganito. Napahinto ako nang muntik na
akong mabangga sa isang makisig na lalaki sa harap ko. Sa kaba ko ay agad akong
umatras!

Namilog ang mga mata ko nang nakita ko si Hector. "Anong ginagawa mo dito?"
Nakita ko ang seryoso at galit niyang mga mata na nakatingin sakin. "Ikaw? Ba't
ka napunta dito?" Malamig niyang tanong.
Humalukipkip ako. "Naiirita ako. Naiinis ako." Tinaas ko ang kilay ko.
"Kakampihan mo si Janine? Go! Kampihan mo!" Sigaw ko. "Wala akong pakialam!"

Tinitigan niya lang ako. Tumitig din ako pero mabigat ang kanyang titig. Hindi ko
iyon natagalan kaya nag iwas ako ng tingin.

Tumikhim siya. "Do you still love him? Bitter ka pa rin ba?"

Halos matawa ako sa tanong niya.

Iyon lang ba ang inisip niya buong pagkakataon na nandoon kami? Akala ko
papangaralan niya ako sa katarayang ginawa ko kay Janine! Akala ko kokontrahin
niya ang ginawa kong pangangaladkad sa kaibigan kong higad!

"Answer, Chesca." Mariin niyang sinabi.


"Syempre hindi, Hector!" Sigaw ko.
Nanliit ang mga mata niya. "Kung ganun bakit ganun ka kung umasta?"

Napaatras ako sa bawat hakbang niya.

"Bakit mukhang bitter ka parin?" Mariing tanong niya. "Bakit galit na galit ka
parin kay Janine? At kung banggitin mo ang kasalanan niya ay para bang hindi mo
parin makalimutan!? Parang nag tatanim ka ng galit sa puso mo!"

Nag iwas ako ng tingin at tinaas ko ang kilay ko. Oo, galit ako. Pero hindi ako
bitter. Ni wala na akong planong isiwalat ang katotohanan sa lahat pero hindi ko
parin magawang magtiwala sa kanya lalo na sa mga inaasal niya.

"Bakit, ha?" Pabulong ngunit malamig niyang sinabi.

Binangga niya ako sa katawan niya kaya napaatras ako. Naramdaman ko ang kahoy na
sahig ng gazebo. Napatingin ako sa baba. Kumpirmado, nasa gazebo na nga kami. Nag
angat ulit ako ng tingin at kitang kita ko ang malapit niyang mukha sakin.
Page 398
Jonaxx - End This War

"Bakit, Chesca? May hinanakit ka parin ba kay Janine? Kasi kinama niya ang ex mo?
Kung sana hindi iyon nangyari, kayo parin? Kung sana hindi mo siya naabutan, kayo
parin, diba?"
Hinampas ko ang dibdib niya. Pilit ko siyang tinulak ngunit hindi siya natinag.

"Bakit? Tell me, Chesca. Answer me." Nakakalasing ang kaseryosohan ng kanyang mga
mata. Hindi ako makapaniwala na kaya niya ako tingnan ng ganito ka bigat. "Still
bitter?"

"I'm not bitter."


"Kung ganun, bakit?" Ulit niya.
"Hector, nilalandi ka ng malanding iyon!" Marahan at mariin kong paliwanag.
"Hindi mo ba-"
"So you are jealous?" Nag igting ang bagang niya at binangga niya ulit ang dibdib
ko ng katawan niya.
"I-I'm no-"

"You are." Nakakapanindig balahibo niyang sinabi. "Kaya ba badtrip ka maghapon?


Kasi nilalandi ako ni Janine?"

"Kasi nagpapalandi ka." Umirap ako.

Nanliit ang mga mata niya at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya. "So you
are jealous?"

"So what if I am?" Pinandilatan ko siya at nakita ko ang panlalaki ng mga mata
niya.

"Uh-huh? Paki ulit? Nagseselos ka na naman ba?"

Nanghina ako nang naglalakad siya ng marahan habang ako ay umaatras para maiwasan
siya. Sumandal ako sa hawakan ng gazebo. Wala na akong kawala. Nag iwas ako ng
tingin at pumikit.

"Oo, nagseselos ako. Kaya nabuhay ang galit ko kay Janine. Because she told me,
Hector, she told me na pwede na akong makipagbalikan kay Clark... Na okay lang
kasi may iba na siyang gusto. At ikaw iyon."
Tumikhim siya. "Kaya nagseselos ka?"
"Oo nga... Nagseselos na nga ako." Iritado ngunit malambing kong sinabi. "Dahil
wala akong pakealam kung sulutin niya lahat, wa'g lang ikaw. You are my
property." Nag angat ako ng tingin.
Nakita ko ang mabibigat niyang titig at mabilis niyang paghinga.
"Uh-huh? Really? Your property?" Ulit niya.

"Bakit? Hindi ba?" Nag taas ako ng kilay.

Naramdaman ko ang kamay niya galing sa baywang ko na bumababa. Para bang


iginuguhit ni Hector ang linya ng katawan ko. Imbes na mag taray ay napapikit ako
sa sensasyong hatid nito.

Page 399
Jonaxx - End This War
"Oo, Chesca, pag aari mo ako. Body, soul, and heart. Ngayon..."

Kinagat ko ang labi ko dahil idiniin niya ang sarili niya sa akin. Napaatras ako
ngunit ang tangi kong nagawa ay ang sumandal sa gazebo.

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Agad kong iniwas ang tainga ko sa
kiliti ngunit hinabol niya ito kaya tiniis ko ang kiliting hatid niya.

"Ang tanong... pag aari ba kita?" Bulong niya sa tainga ko.

Halos umupo na ako sa hawakan ng gazebo dahil masyado na siyang nakadikit sa


akin. Mariin iyon at ramdam ko na nag iinit na siya. Ramdam na ramdam ko iyon sa
ilalim ng pantalon niya. Kinagat ko ulit ang labi ko at iniwasan ko ang kanyang
mukha.

"Come on, Chesca, answer me. I'm mad about you, you know..." Aniya sabay diin pa
sa sarili niya.

Naka tiyad na ako sa gazebo dahil tinutulak niya na ako para makaupo na sa
hawakan doon.

"Pag nagseselos ka, pag nagagalit ka, pag nagtataray ka... pag naglalambing ka."
Bulong niyang nagpabuntong hininga sa akin. "Pag aari ba kita? Akin ba ang lahat
sayo?"

Hinaplos niya ang binti ko. Pumikit ako lalo na noong naramdaman ko na ang ilong
niya sa leeg ko.

"Oo. Pag aari mo ako, Hector. Sa'yo ako."

Iyon lang talaga yata ang hinihintay niya. Dahil nang marinig niya iyon ay
inatake niya agad ang labi ko ng maiinit at sabik na halik. Wala akong ginawa
kundi ang kumawala sa bawat halik niya. Hindi siya tumitigil hanggat hindi ko
iyon sinusuklian. Pahina ang halik niya. Nagsimula sa sabik hanggang sa humina at
nanunuyang mga halik. Nakaka frustrate! Nakakainis. Dahil gusto ko na humigit pa
doon. Dahil ako rin, sabik sa kanya.

Hinaplos niya ang dibdib ko habang unti-unti niya akong hinahalikan ng nanunuya
at nakakalasing na halik sa leeg. Napatingala at napapikit ako sa ginawa niya.
Bumaba ang halik niya sa balikat ko, sa collarbone habang mabilis niyang hinawi
ang bra ko at pinaglaruan ang dibdib ko.

"Hector!" Saway kong naging ungol.

Page 400
Jonaxx - End This War

Kinagat ko ang labi ko. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam kung kaya ko bang hindi mahulog gayung nawawalan ako ng lakas sa
bawat dampi ng kanyang labi sa balat ko. May elektrisidad akong naramdaman sa
likod ko nang naramdaman ko ang kamay niyang bumaba sa shorts ko. Hinaplos niya
iyon doon hanggang sa mabilis niyang kinalas ang butones at zipper.

"Hector, b-baka... may... makakita." Wala akong magawa kundi ang kagatin na lang
muli ang labi ko.

Dahil bawat salita ko ay nakakapanindig balahibo. Iyong tipong gusto ko na lang


takpan ang tainga ko dahil masyado na iyong malambing at paungol.

"We've done this before, Chesca. And I own this place, remember? We own this
place." Bulong niya habang bumaba sa pusod ko ang kanyang maiinit at nagbabagang
halik.

Naramdaman ko na ang daliri niya sa gitna ng hita ko. Gusto kong pumilipit sa
kiliting naramdaman pero pinigilan niya iyon.

"P-P-Paano kung m-makita tayo ng m-mga kaibigan-"

Hindi ko na naipagpatuloy dahil napaliyad na ako nang sabay sabay niyang hinaplos
at hinawakan ang mga parte ng katawan kong kahit ako ay hindi ko pa nahahaplos
noon.

"Let them see it, then. Kung paano kita inangkin. At kung paano mo ako binabaliw.
Paano kita sambahin. Paano kita mahalin."

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong bumaba siya at tinanggal ang pang ibaba
ko.

"Hector!" Sigaw ko at mabilis niyang pinalabas ang kanya at dahandahang ipinasok.

Napahawak ako sa braso niya habang dahan dahan siyang gumalaw. Tinitigan niya ako
at hinalikan sa noo habang wala akong ginawa kundi ang mawalan ng ulirat.

"Wala kang condom?" Tikhim ko.


"Do we need that? Nangangailangan nga ng apo si lola-"

"OH NO! NO! NO!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.


Tumawa siya at hinalikan ako. "Shhh! Wa'g kang mag alala, hindi kita pipikutin."
At nagsimula siyang gumalaw ng mabilis, malakas, at sabik.
Page 401
Jonaxx - End This War

Kabanata 62
Si Carolina at Si Francis

Niyayakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa gazebo. Malalim na ang gabi
ngunit ayaw ko paring umalis doon. Unti unti kong naramdaman ang init ng katawan
ni Hector sa likod ko. Mainit niya akong hinagkan. Ibinaon niya ang kanyang mukha
sa leeg ko. Hinalikan ko ang tuhod ko habang pinupulupot niya ang kamay niya
sakin.

"Nilalamig ka na. Balik na tayo?" Bulong niya.


"Sandali lang..." Sabi ko.

I want to feel him. Iyong kaming dalawa lang talaga. Iyong walang nanggugulo.
Walang problema. Naramdaman ko ang nakakakiliting hininga niya sa leeg ko.
Naramdaman ko ang unti unting pag gapang ng kamay niya sa tiyan ko. Napapikit ako
dahil doon.

"Hmmm. Nararamdaman mo parin ba ako?" Bulong niya.

Gusto kong mag kunwari na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero
nang tinanong niya iyon ay hindi ko maipagkakailang alam ko agad kung ano ang
ibig niyang sabihin. Mas lalo kong pinagdikit ang mga binti ko ngunit mas lalong
humigpit ang yakap niya sa akin.

"We did it thrice, Hector. How can I not feel you?"

Humalakhak siya. "Gusto ko lagi mo akong nararamdaman. Palagi, Chesca, Palagi."

Huminga ako ng malalim. Masyado akong nalalasing sa boses niya kaya kailangan
kong hawakan ang sarili kong kaluluwa tuwing malapit siya sa akin at nagsasalita
siya. Ni hindi ko nga alam kung paano namin nagawang pangatlo ngayong gabi.
Siguro ay masyado ng maraming nangyari at kulang ang isa. Oh, damn it!

"Pero nung una pa lang, ramdam ko na naman agad." Ngumuso ako lalo na tuwing
bumubuhos sa akin ang buong alaala ng nangyari. "Paano kung mabuntis ako?"

Hindi naman sa hindi safe iyong ginawa namin. Lagi kong sinisigurado na safe
iyon, kaya lang hindi ko maiwasang magtanong.

"Edi mas mabuti!" Humalakhak siya.


Kinurot ko ang braso niya. "Hindi yan mabuti! I'm still nineteen, Hector!" Wika
ko.

Page 402
Jonaxx - End This War
"But I love you."
Uminit ang pisngi ko. "Pero hindi pa ako ready, Hector."
"Edi hihintayin ko kung kelan ka magiging ready. Pakasal muna tayo tapos hintay
tayo kung kelan ka ready. Ayos yun!" Ngisi niya.
Napangiwi ako at napatingin sa kanya. "I'm still nineteen and I'm a model for
God's sake."

"Model din naman ako. So what?"


Umiling na lang ako.

HIndi ko alam kung hindi niya ba naiintindihan ang gusto kong iparating o mas
pinili niyang mag bingibingihan na lang.

"Hmmmm... Anong iniisip mo?" Bulong niya sa tainga ko nang nanahimik ako.

Nagulat ako nang hinalikan niya ang likod ng tainga ko. Mga halik na nakakapukaw
ng damdamin. Iyong tipong hindi ka papakawalan hanggat di ka nag iinit. Kinagat
ko ang labi ko at pinilit kong tumayo.

"Hector!" Sigaw ko.

Humahalakhak siya at tumayo na rin kasama ko. Hindi parin ba siya tapos? Nang
tinitigan ko siya ay kitang kita ko ang gumuguhit na alab sa kanyang mga mata.
Dahil doon ay hindi ko maiwasang mag alab din ang kaloob looban ko. That was all
that it takes. Iyong mga mata lang niya ang kailangan ko para bumigay din.

Naglalakad na kami pabalik ng mansyon. Ang ganda pala talaga ng rancho.


Nakakatakot nga lang sa gabi dahil masyadong madilim. Iyong bawat sulok lang ng
mga farm ang may ilaw. Sa gitna doon ay wala na. Ngunit tuwing walang ilaw ay
kitang kita mo ang mga bituin. At ang nagsilbing liwanag sa paglalakad naming
dalawa ay ang full moon. May naaalala tuloy ako.

"Full moon din noong una natin." Aniya.

Naaalala niya rin pala. Hindi ako umimik. Magkahawak ang kamay naming dalawa
habang nilalandas ang buong rancho.

Nang malapit na kami sa mansyon ay nakikini kinita ko na silang lahat. Naroon pa


ang ibang ranchero nina Hector at mukhang kanina pa kami pinaghahanap.

"Hector! Where have you been?" Sumugod agad si Tita Lina sa amin.

Page 403
Jonaxx - End This War
Mabilis ang lakad niya ngunit unti unti ring humina nang nag baba siya ng tingin
at naaninag niya ang magkahawak naming kamay. Lumapit ang mga ranchero na may
dalang sulo. Nakakabayo pa ang iba habang lumalapit sa aming dalawa. Walang ni
isang gumalaw sa mga kaibigan ko. Nakita ko na lang na tumalikod at nag mura si
Clark.

"Akala namin nawala na kayo sa rancho?! O baka kinidnap or something!" Unti


unting napalitan ng ngisi ang pag aalala ni Tita Lina. Sumulyap siya sa akin at
kumindat.

Hindi ko magawang ngumisi sa kanya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko kahit na


wala silang nakita ay may clue sila kung ano ang ginawa naming dalawa at bakit
ginabi kami.

"Tita, pag aari ko ang rancho na ito. Dito pa ba ako mawawala?" Natawa si Hector.
Umiling ang tita niya. "You spoiled... Ugh! I'll call your tito! At umiiyak na si
mama dahil sa pagkawala ninyong dalawa. Excuse me..." Aniya sabay kuha sa
cellphone niya.

Nagpasalamat si Hector sa mga ranchero. Kinabahan tuloy ako. Inisa isa ko silang
tiningnan. Mas lalo akong kinakabahan tuwing may tumititig sa akin. Siniko ko si
Hector.

"Hector, paano kung may nakakita sa ating ranchero?" Bulong ko.

Ngumisi siya at nilapit ang kanyang labi sa tainga ko. "Edi makita niya. Nang
malaman ng lahat kung anong meron tayo-" Humalakhak siya kaya kinurot ko ang
baywang niya.

Agad siyang lumayo na tumatawa. Baliw! Sira ulo! Nakakainis! Inirapan ko siya at
humalukipkip ako.

Nakita kong tumalon at medyo tumili si Tita Lina pagkatapos sumulyap sa amin.
Nanliit ang mga mata ko. Si lola ba ang katawag niya? Malamang? Damn, I wouldn't
be surprised kung may lechon sa hapag mamaya.

Hindi nga ako nagkamali. May lechon sa hapag! Laglag ang panga ko nang nakita ko
iyon na nasa lamesa. Tuwang tuwa ang mga lalaki maliban kay Clark na mukhang
walang gana.

"Oh, hijo! Kumain ka na!" Sabi ni Tita Lina sa kanya.

Hindi umimik si Clark. Nakita kong sumulyap si RJ sa kanya at pabalik sa akin.


Nag iwas na lang ako ng tingin. Ngayon ay sina Desiree naman ang nakatingin sa
akin. Si Janine at si Clark ay parehong walang gana sa pagkain. Pinaglalaruan
lang ni Janine ang kanyang lechon habang si Clark ay hindi talaga kumain.

Page 404
Jonaxx - End This War
"Chesca..." Sabay kalabit ni Desiree sa akin.

KItang kita ko ang ilang sa kanyang mukha. Nagkatinginan pa sila ni Tara bago
nagsalita muli.

"May past pala kayo ni Hector?" Tanong nila nang nagkasarinlan kami.
Tumango ako ng marahan.

"Sinasabi ko na nga ba!" Sabi ni Tara. "May na se-sense na ako, e. Sa Maynila pa


lang."

Ngumisi ako.
"Ako yung na sense ko lang ay yung kay Janine. Grabe sobrang taray mo sa kanya.
Parang lagi mo siyang binabara!" Sabi naman ni Desiree. "Ba't di mo agad sinabi?
Ayan tuloy!"

"Kasi... wala na iyon sa akin. Nung una hindi ko alam kung paano sasabihin sa
inyo. Tapos kalaunan, wala na iyon. Kaso naiirita ako pag naglalandi si Janine.
Lalo na kay Hector."

Bumuntong hininga si Desiree. "Alam mo namang malandi talaga ang isang iyon,
diba."

Umiling ako. "Pero kahit kailan hindi ako nagduda sa loyalty niya sa akin. Sa
atin. Kahit kailan hindi ko naisip na magagawa nila iyon." Sumulyap ako sa kay
Clark na nakatingin din sa akin.

"I know... And I'm sorry about it, Ches." Utas ni Desiree.
"Alam kong di ka mamumutol ng communication ng walang dahilan. So this is the
reason, huh?" Ani Tara.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagpakita si Janine sa hapag. Namumugto ang
kanyang mga mata at mangiyak ngiyak pa siya nang nagpakita sa amin. Noong una ay
akala ko aalis na siya. Ngunit nagulat ako nang umupo siya sa tabi ni JV para
kumain.

"O? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni tita sa kanya.

Tumango naman si Janine at nagsimulang kumain ng mga pagkain. Nagkatinginan na


lang kaming lahat at natigil sa usapan.

Pagkatapos ng hapunan ay napagdesisyunan ng mga boys na mag edit na ng video na


nakuha galing sa tito ni Hector at sa papa ni Oliver. Magaling mag edit si Clark
kaya siya ang pinagkatiwalaan nila. Kahit na hindi ito umiimik at mukhang laging
galit ay medyo gumagaan naman ang tensyon dahil sa tawanan nina RJ, JV, Billy at
Oliver. Si Hector naman ay abala sa pamimigay ng beer sa kanila para may
mapagkatuwaan habang ginagawa ang pag eedit.

Pagkatapos kumain ay agad dumiretso si Janine sa kwarto niya. Pupunta na rin sana
si Tara ngunit pinigilan siya ni Desiree.

Page 405
Jonaxx - End This War

"Bakit?"
"Hindi ko ata kayang makasama siya." Sabi ni Desiree.

"Sa bagay."
"Really. What if ako yung nasa place ni Chesca? Paano kung yung boyfriend ko ang
inagaw niya?"

Kaya nagpasya kaming doon na lang muna sa veranda nina Hector tumambay. Dungaw
namin ang mga boys na nag eedit sa labas at nag iinuman. Kitang kita ko na
mukhang mapaparami na naman sila. Kumpara kagabi ay mas maraming inumin ngayon at
mas ganahang uminom sina RJ dahil tapos na ang project namin.

Napag usapan namin kung paano kami nagkakilala ni Hector at paano nangyari ang
lahat.

"Whirlwind relationship na nauwi sa wasakan at balikan?" Tumatawang sinabi ni


Desiree.

"Of course, that wasn't healthy yet. Yun mismong mga panahon na nahulog si Chesca
sa kanya, hindi yun healthy. Kakagaling lang ni Chesca sa isang relasyon, Hindi
pa nga lumalagpas ng three months, diba ay agad naging kayo? Kaya siguro medyo
natitibag pa ang trust ni Hector noon. Unlike him, you've been with a man, Ches."
Paliwanag ni Tara.

"May point ka, Tara. I mean... Hindi naman sa pumapanig ako kay Hector, mali
iyong ginawa niya pero may reason kung bakit nawasak yung tiwala niya sayo."

"Wala rin akong tiwala sa kanya noon. He's a Dela Merced and I'm an Alde. May
issues sa pamilya na hindi ko kayang kaligtaan."

Ilang sandali ang nakalipas ay nagulat ako nang may isang katulong na lumapit sa
akin.

"Miss Alde, tawag ka po ni Donya." Wika ng katulong.

Sigurado akong si lola iyon. Tumango ako at mabilis na tumayo para sumunod sa
katulong. Iginiya niya ako sa isang malaking kwarto na may veranda. Punang puna
ko ang mamahaling muwebles na naroon. Kitang kita ko rin si Lola na nakatingin sa
mga frame na nasa ibaba ng piano.

Sinarado ng katulong ang pinto kaya kaming dalawa lang ni lola ang naroon.
Nagsalita siya kahit hindi niya pa ako nililingon.

"Masaya ako dahil nagkabati na kayo sa wakas ng apo ko." Aniya.

Naglakad ako patungo sa kanya. Nilingon niya ako at kitang kita ko ang
Page 406
Jonaxx - End This War
pangingislap ng mga mata niya dahil sa luha. Niyakap ako ni lola at niyakap ko
rin siya pabalik.

"Ngayon, siguro mas kilala niyo na ang isa't isa." Aniya.


Tumango ako at pumikit sa kanyang dibdib.

Ah! Pakiramdam ko lola ko na rin siya. Hindi naman talaga ako yung tipong mabilis
gumaan ang loob sa mga tao pero kay lola, magaan talaga ang loob ko.

"Sorry po." Untag ko. "Sorry sa lahat ng nangyari."


"Don't be sorry. Alam mong mahal ko ang apo ko pero hindi ko ipagkakaila ang mga
kasalanan niya. Chesca, nung una pa lang, alam kong ikaw na talaga ang para sa
kanya."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung anong
idudugtong doon.

"Matalik kaming magkaibigan ng Lola Siling at Lolo mo noon. Gusto ko nga sanang
si Lina at si Francis ang magkakatuluyan."
Nanlaki ang mga mata ko.

Tumango si Lola. "Oo. Pasensya na pero ipinilit ko iyon. Si Carolina, ang babaeng
anak ko, gusto kong ang papa mo ang makakatuluyan niya. Hindi naman umaangal si
Lina. Masunirin siya kumpara sa papa ni Hector. Gusto din iyon ni Siling. Gusto
niyang silang dalawa. Ngunit... yung papa mo? Si Francis?" Umiling si lola.
"Galit siya. Ayaw niya."
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko inakalang may ganitong istorya sa likod ng lahat.

"Ayaw niya kay Lina."

"B-Bakit?" Hindi naman sa gusto kong maging sila pero nakaka curious.
Nagkibit balikat si lola. "Simple lang. Si Michelle ang mahal niya."

Wala ba talagang rason? Pwede na ba talagang maging rason ang pagmamahal?

"Kung nagtataka ka kung bakit nabuntis ng maaga ang mama mo, iyon ay dahil
desperado ang papa mong maging silang dalawa habang buhay. Nang nalaman kong
buntis si Michelle ay agad akong nagalit kay Siling! Iyon lang siguro ang naging
galit ko sa kanya. Dahil hindi niya binantayang mabuti ang dalawa! Dahil hinayaan
niya si Francis sa iba! I hated your mother. I hated Francis. Your whole family!
Buong angkan ng Alde!"

Mabilis ang pintig ng puso ko sa mga sinabi ni lola. Hindi ko alam iyon. Nag
fa-flashback sa utak ko ang mga ngiti ni Tita Lina. Si papa. Si mama. Si lola
Siling. Lahat.

Page 407
Jonaxx - End This War
"Pero nung nakilala na ni Lina ang asawa niya ay unti unti na akong naliwanagan.
Kahit na may tabang parin sakin na dapat ay si Francis iyon. Dapat ay hindi ibang
tao. Iyon ang tunay na naging alitan namin ni Siling kaya hindi agarang naayos
ang tungkol sa lupa."

Tumango ako.
"Sa Maynila ka ipinanganak, hindi ba? Of course, Francis needed to get away! Pero
kalaunan, nang ipinanganak si Hector at nakalimutan ko na ang lahat ng issue
dahil sa sariling issue ng pamilya namin... napatawad ko rin naman sila. Wala
naman talaga akong karapatang magalit, diba?" Tumawa si Lola at hinaplos ang
buhok ko. "When I saw you, alam ko agad na Alde ka. Iyong mga mata mo ay tulad ng
sa iyong ama. Pero ugaling Alde, suplada, malakas... I knew Hector needed you,
Chesca. Dahil ang batang iyan..." Umiling siya. "Spoiled dahil sa mga pagkukulang
ko. But you see, simula nang nakilala ka niya, mabilis siyang nag mature. Nung
una ay palaboy lang siya sa buong rancho. Pero ngayon? Marami na siyang plano? I
don't know if you've heard about this but he's planning to expand the farm. Kaya
naghahanap siya ng investors na pwedeng mag import ng mga produkto namin sa
rancho. Specifically our cattle ranch." Tumango siya.
"Hindi ko po alam iyon." Sabi ko.
"Oh maybe because he was too busy winning you back. Iyong tipong ikaw lang ang
gusto niyang pag usapan pag magkasama kayo." Tumawa si lola. "Coz you made him
realize that money and power isn't enough. Kailangan niyang dumiskarte para
makuha ang gusto niya. That is why you are perfect for each other. This is the
end of our war, Chesca."

Bumuga ako ng hininga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil masyadong na
ki carried away si lola sa mga sinasabi niya.

"So? Kelan kami mamamanhikan?" Tumatawang tanong ni lola.

Hindi ko maalis sa isip ko ang lahat ng pinag usapan namin ni lola. Lahat ng
tungkol kay Tita Lina, kay mama, kay papa. Marami akong gustong malaman. Dahil
alam kong may mas malalim pang istorya doon pero hindi ko lang alam. Hinagkan ko
ang unan sa kama naming apat.

Hindi ako makapaniwalang kayang ipatulog nina Desiree at Tara si Janine sa baba
ng kama. Pumayag din naman si Janine ng walang imik. Maaaring tanggap niya ang
trato ng dalawa sa kanya. Nasa gilid ako at ako na lang yata ang hindi pa tulog
nang biglag bumukas ang pintuan.

Tumindig ang balahibo ko dahil paunti unti ang pagbukas nito.

Hindi ako bumangon dahil sa hubog ng katawan pa lang ay alam na alam ko na kung
sino. Bumagsak siya sa kama ko at kinulong niya ako sa bisig niya. Amoy na amoy
ko ang beer sa bawat paghinga niya at bawat halakhak.

"Why are you here, huh?" Bulong ni Hector.

Page 408
Jonaxx - End This War
Hindi ako gumalaw kahit na ramdam ko na ang katawan niya sa katawan ko.

"Akala ko dadatnan kita sa kama ko ngayong gabi..."

"Shhh!" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil gumalaw si Desiree at Tara.
"Oh? Bakit? Come on, Francesca, sa kwarto ka na. Papeles lang naman ang kailangan
natin para opisyal na." Humalakhak ulit siya.
"Hector! Shhh!" Bulong ko.

Narinig kong umubo ng patawa ang dalawa sa gilid ko.

"Sige na, Ches, doon na kayo. Okay lang samin. Di kami magtatampo." Tumatawang
sinabi ni Desiree.

Ugh! Hector and his amazing authoritative genes. Pati mga kaibigan ko ay
iniispoil siya. Brat! I hate and love you at the same time.
Kabanata 63

Desisyon

Kinaumagahan ay nagulat ako nang napag desisyunan na pumunta daw muna kami ng
Tinago. Ngayon ay para maligo, hindi para interviewhin ang Tito ni Hector. Iyon
daw ang huli naming gagawin bago sila bumalik ng Maynila mamayang hapon.

Syempre, pumayag ang lahat. Ngunit di ako sigurado kung pumayag nga ba si Clark
at si Janine dahil pareho silang napipilitan lang. Naging malupit ako kay Janine
noon pero iba pala yung pakiramdam na sina Desiree at Tara na ang naging malupit
sa kanya.

"Iksi ng shorts mo. Sige, push mo yan." Maarteng utas ni Tara sa kanya.

Nakasimangot si Janine at agad nag palit ng damit. Umismid ako kay Tara dahil sa
nangyari ngunit ipinagkibit balikat niya lang ito.

"Hayaan mo siya. Number one rule yun sa friendship natin na walang traydoran.
Pero nagtraydor siya. Kulang pa yan." Aniya.

Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga lalaki na naligo sa Tinago falls.
Gusto ko ring maligo. Lalo na nang nakita ko si Tara at Desiree na nagmamadaling
tumakbo at tumalon sa falls. Nagtawanan ang mga boys. Hmm, nagustuhan nga nila
iyon, e. Syempre, nakabikini ba naman yung dalawa.

Naramdaman ko ang kamay ni Hector sa baywang ko. Naka shorts at racerback ako
Page 409
Jonaxx - End This War
habang pinapanood ko ang mga kaibigan kong lumalangoy sa falls.

"Bawal mag tanggal ng damit." Bulong ni Hector sabay kurot ng marahan sa pisngi
ko.
Umismid ako. "Ano? Ganito ako maliligo?"

Tumikhim siya. "Ayaw ko talaga ng nakikita ng ibang tao ang balat mo."
"Hector, I have your mark all over me. Kahit sa noo ko may Hector Dela Merced na
nakalagay. Lahat ng tao dito, pati mga hayop, alam na sa iyon ako. No one would
dare..."
Umiling siya. "Malaki ang mundo, Chesca. And I don't own the whole of it. Hindi
ko pag aari ang isipan ng ibang tao kaya hindi ko mapipigilan ang pagnanasa nila
sayo."

Umiling ako at ngumisi. "You are crazy. Wala ka bang tiwala sa akin?"
Napatingin siya sa akin.
"Hindi ako maaagaw ng iba, Hector. Kahit na ilan pa ang magkagusto sakin, ikaw
parin yung pipiliin ko."

Natahimik siya at tinitigan ako from head to foot. Tinanggal niya ang kanyang
tshirt at halos mapaungol ako sa pag iwas ko ng tingin. Palaging toned ang
muscles niya. Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko at hinarap sa kanya. Kaya naman
kitang kita ko ulit ang katawan niyang nakabalandra sa harap ko.

"Why are you looking away?" Kumunot ang noo niya. "Hindi mo naman ito first
time."

Yeah, right! Hindi nga. Pero tuwing nakikita ko ang katawan niya ay lagi akong
kinikilabutan. That burning abs and that straight, tight, and hot adonis belt. I
cannot.

"Oh?" Winala ko ang usapan. "Kung ayaw mong mag two piece ako, edi ba't ka
naghuhubad?"

Walang pasubaling hinubad ko ang racerback ko. Hindi ko na hinubad ang shorts
dahil kitang kita ko na ang pag iigting ng panga niya. Tumawa na lang ako sa
reaksyon niya.

"Chesca! Isoot mo yun!" Aniya sabay turo sa kakatapon lang na racerback ko.
Umiling ako at tumawa habang tumatakbo patungo sa Tinago.

Kumunot ang kanyang noo at sinundan ako sa pagtakbo. Nagtilian ang mga kaibigan
kong nasa Tinago. Umilag pa sina Desiree nang bigla akong tumalon ay lumangoy sa
gitna dahil masyado na akong kinakabahan sa kay Hector.

Page 410
Jonaxx - End This War
Hinilamos ko ang tubig sa talon at nilingon ang kakadive lang na si Hector. Mas
lalong bumilis ang kalabog ng puso ko. Nangangatog ang binti ko hindi dahil
malamig kundi dahil alam kong mapupunta siya dito mayamaya.

"AHHHH!" Sigaw ko sabay tawa nang nakita ko ang katawan niya sa ilalim ng tubig.

Sinubukan kong lumayo at lumangoy ngunit huli na ang lahat. Hinawakan ni Hector
ang hita ko sa ilalim ng tubig kahit di pa siya nakakaahon!

"HECTOR!" Sigaw kong umalingawngaw sa buong Tinago.

Dahil doon ay nahagip ng mga mata ko ang mga natigilang pamilyar na mukha sa
akin. Mukhang kararating lang nila sa Tinago. Kumaway agad si Mathew na may
dalang bag at tuwalya.

"San si Hector!?" Tanong niya sa akin.

Pumikit ako nang nanunuyang hinaplos ni Hector ang hita ko pataas bago umahon.
Hindi ko na ata kailangang sagutin ang tanong niya dahil sumalida na si Hector sa
harap ko. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata kaya itinuro ko si Mathew para
sana makalimutan niya yung nangyari.
"Si Mathew, oh!" Sabay turo ko.

Hindi niya nilingon.

"Hala! Nandun din sina Kathy, Koko, Abby, at Harvey." Sabi ko nang nakita ko
halos lahat ng kagrupo ni Hector noon.

HIndi parin siya lumingon sa kanila. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"Ah! Okay! Alam na!" Tumatawang sinabi ni Mathew at kumaway na nang nakahanap na
si Harvey ng bakanteng cottage at doon na sila nagpunta.

Kitang kita ko ang nananatiling titig ni Kathy sa aming dalawa ni Hector. Kaya
lang wala na akong time para punahin lahat ng ginagawa nila dahil hinaplos na ni
Hector ang baywang ko pabalik balik. Great! Don't turn me on here, Hector!

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagtaas siya ng kilay.

"May shorts pa naman ako. This is safe, Hector." Sabay tingin ko sa pang itaas
ko.

"May karapatan na ako sayo, Chesca." Ngumuso siya at bumuntong hininga. "Pero
sige ba. Kung gusto mo ng ganito, no problem with me." Aniya at agad pinulupot
ang kanyang mga bisig sa akin.

Page 411
Jonaxx - End This War

Niyakap niya ako sa likuran at ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Mas
lalong humigpit ang yakap niya at mas lalo niyang idiniin ang kanyang sarili sa
akin.

"Kelan kaya ako titigil sa pagigig selfish ko sayo? Tingin ko, hindi e. I can let
go of so many things... But not you. Fuck I will never..." Aniya sa collarbones
ko.

Ngumisi ako at pumikit. I can never let go of you, too, Hector.

"Hmmm. Pati ang rancho?" Tumawa ako sa tanong ko.

Sinusubukan ko kung hanggang saan nga ba iyang mga sinasabi niya.

"Pati ang rancho." Pag uulit niya. "Iyo na iyon. Mula nang naging iyo ako."

"Ang swerte ko naman." Tumawa ako dahil para sa akin ay kahibangan iyon.

"PDA kayo masyado!" Sigaw ni Desiree sa malayo.

Tumawa na lang kami ni Hector. Ngunit agad ko siyang nilayuan nang bigla kong
naramdaman ang kamay niya na pababa sa gitna ng hita ko.

"HECTOR!" Uminit ang pisngi ko at binasa ko siya ng tubig.


Humagalpak siya sa tawa at sinubukan niyang lumapit ulit sa akin.
"DAMN! Gago!" Sigaw ko at umalis na agad sa kahihiyan kahit wala namang nakakita
o nakahalata.

Tumawa na lang siya habang sinusundan ako.

Ang adik nito! Grabe! Hindi ko na alam anong gagawin ko sa kanya! Tumili ako nang
naabutan niya ako at agad na niyakap galing sa likod. Tumadyak tadyak na lang ako
at tumili dahil sa ginagawa niya. Nagawa niya pang kilitiin ako ng husto. At
dahil hindi ako makawala sa bisig niya ay nagwawala na ako sa tubig.

"SHIT! HECTOR!" Sigaw ko sabay sapak sa kanya kung saan saan.

Tumawa lang siya at tinigilan iyon. Hinila niya ako at niyakap ulit sabay halik
sa ulo. Hinahabol ko pa ang hininga ko at siya naman ay humahalakhak sa tainga
ko.

"Mahilig talaga ako sa Chesca na nag mumura, sa Chesca na nagtataray, sa Chesca


Page 412
Jonaxx - End This War
na umiirap, sa Chesca na sobrang arte, sa Chesca na mabango at malambing. Holy
shit, di ko na alam. Kung pwede lang itali kita sa katawan ko para tuwing
naglalakad ka ay di ka makakalayo sakin."
Kinurot ko ang braso niya. "You are too selfish, control freak, and bossy,
Hector."
"Kasi alam kong hindi kita mahahawakan sa palad ko, Chesca. Hindi tulad ng mga
materyal na bagay na pwede kong higpitan ang pagkakahawak para sakin lang iyon
palagi. Dahil alam kong may pag iisip ka rin. Mahal na mahal kita."
"Mahal din naman kita."

Natigilan siya kaya napatingin ako sa kanya. Tinitigan niya lang ako ng ilang
sandali bago nagsalita. "Paano kung dumating ang araw na hindi mo na ako mahal?
Anong mangyayari sa akin? May matitira ba sa akin? Dahil wala ng natitira sa akin
ngayon. Sayo ako ng buong buo, sinasamba kita at pakiramdam ko inialay ko na ang
buong pagkatao ko sayo. What am I going to do if you decide that you don't love
me?"
"I won't decide, Hector. It's not a decision-"

"It's a decision, Chesca. Nalaman ko na tumitibok ang puso para sa mga taong
mahal natin. Tumitibok ito ng husto para sayo. Pwede akong magdesisyon na
balewalain ito dahil nagkasakitan tayo, pero hindi, e, ang desisyon ko ay
angkinin ka. Not just today, I want you everyday, for the rest of my life."
Ngumisi ako sa sinabi niya.

That was deep. Hindi pa ako umabot sa mga realizations na ganyan ngunit siya ay
mukhang marami ng naisip. Ni hindi ko masyadong pinag tutuunan ng pansin ang
lahat. Ang tanging naging gabay ko sa aming dalawa ang ang feelings ko para sa
kanya.

"Nung una, alam ko ng bawal ka. Na hindi ka pwede dahil sa history ng pamilya
natin pero desisyon ko ang kilalanin ka. Oo nga't hindi ko desisyon ang
mahumaling sayo. Ang pabalik balik kang tingnan sa bawat pag kagat labi mo sa
school noon. Pero hindi kita makikilala ng lubos kung hindi ako nagdesisyon na
kilalanin ka. You see, Chesca, that's a decision. Everything is a decision. Pero
ang pag tibok ng puso ko para sayo, that was inevitable and spontaneous."
"Okay, then, Dela Merced. I'm yours forever. Don't ever doubt about that. That's
a decision. Pero tingin ko wala naman akong choice, e, dahil mahal talaga kita.
Kahit na magdesisyon akong iwan ka ngayon, hindi parin kita maalis sa isip at
puso ko!"
Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi. "That's good. We're on the same page. O
baka mas nauuna ako sayo dahil gusto ko ng magpakasal."
Kinurot ko na lang ang dibdib niya.

Loko talaga si Hector. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lang ma
assure siya na kaming dalawa sa huli. Na markado niya ang buong pagkatao ko.

Nang sumama ako kina Desiree at Tara sa pagligo at nag eenjoy ay lagi nilang
nginunguso si Hector na nakikipag usap kina Mathew, Koko, at iba pa sa kanilang
cottage.

Page 413
Jonaxx - End This War
"Sumusulyap siya dito once every, like, 15 seconds." Ani Desiree.
Tumawa ako. "Hayaan niyo yan. Gago yan."
"Swerte mo talaga, grabe! Paano mo yan nagagawa? I mean? Noon, si Clark ay parang
baliw sayo. Ngayon si Hector Dela Merced. Grabe! Master!" Tumawa si Desiree.

Nilingon ko si Clark at nakita kong tulog siya sa cottage habang sa kabilang dako
naman ay si Janine na nakikinig na lang sa iPad niya.

"Well, hanggang ngayon naman ay mukhang baliw pa si Clark sayo." Ika ni Desiree.

Tiningnan ko silang dalawa at pareho silang nakatingin sa cottage nina Koko.


"Sino iyang chinito?" Sabay turo ni Tara kay Harvey.
"Harvey Yu." Sabi ko.

Lumingon si Harvey sa amin at nagkatinginan kami. Ngumisi ako at kumaway. Ngumisi


din siya at tumango.

"Ang gwapo niya, huh? Pero ka height lang ata kayo, Ches? Kaya di mo type?" Ani
Desiree.
"Naku! Kung alam niyo lang! Type ko rin yun!" Tumawa ako.

Nagulat ako nang biglang sumalida si Hector sa paningin ko. Pumagitna siya at
nanliit ang mga mata niya. Kumunot na lang ang noo ko. Nilingon niya kung sino
ang tinitingnan ko at syempre ay nakita niya roon si Harvey. Bumaling ulit siya
sa akin at napangiwi.

"Ikaw nga diyan, e, kausap mo na naman sina Kathy. Bahala ka!" Bulong ko sa
sarili ko. Inirapan ko na lang siya at tumalikod na.

"Ay..." Biglang sabi ni Desiree. "Exit muna kami."


"Ha? Bakit?"
"Susulong ata si Hector sayo. Naakit mo ata habang tinitingnan mo si Harvey."
Nagtawanan sila at bigla kong narinig ang pagsabog ng tubig.

Oh, he's coming again to get me. Ayan. Sige, punta ka dito. Kung gusto mong
angkinin ako, pwes ako rin, gustong gusto ko rin na ipakita sa lahat na ikaw ay
pag aari ko. At lahat ng hahawak sayo ay trespassing. Humalukipkip ako at
hinintay siyang umahon.
Kabanata 64

Stay

Page 414
Jonaxx - End This War
Masaya kaming bumalik sa Maynila. Hindi ko nga lang alam kung kasama ba si Clark
at Janine sa mga masasaya. Pareho kasi silang mukhang pagod nang umalis kami.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari dahil nagkahiwalay din kaming lahat.
Sila ay kay Clark sumakay. Samantalang sumabay naman ako syempre sa boyfriend
kong si Hector.

Masaklap kasi na spoil na naman ang kanyang pagiging sira ulo sa sasakyan dahil
hindi sumama si Oliver pag balik. Aniya'y miss niya na daw ang pamilya niya kaya
doon muna siya hanggang sa magresume ang classes ngayong Wednesday.

"Chesca, lumipat na kayo sa bahay."

Umiiling na ako sa offer ni Hector.

Kanina niya pa ito ipinagpipilitan kaya lang hindi ako pumapayag dahil nakakahiya
naman sa kanila na doon na ulit kami sa bahay namin dahil ipinangalan iyon ni
Hector sa akin.

Naabutan namin si Craig na umiinom ng malamig na tubig sa ref at topless na


tinitigan kaming dalawa.

Tumaas ang kilay niya. Oo nga pala... Hindi niya alam na nagkabalikan kami kahit
na mukha namang nag aala Madame Auring na sila ni Teddy noon sa panghuhula na
magkakabalikan nga kami.

"Nagkabalikan na kami." Balita ni Hector kay Craig.

Tumango si Craig at nilagok ang tubig.

"Where's the sofa?" Napatanong ako nang uupo sana ako sa sofa namin ngunit wala
doon.

"Dinala ni Teddy." Ani Craig.


"Saan?" Tanong ko.

"Sa... Sa bahay! Aha! Alam niyang nagkabalikan kayo kaya ba ayun na siya at
dinala na halos lahat ng gamit niya sa bahay!? Akala ko talaga nagbibiro siya at
lumalayas, e!" Tumawa si Craig.
"WHAT?"

Nilingon ko si Hector at nag iwas siya ng tingin sa akin. Oh great! Hindi na


kailangan ang opinyon ko dito. At dahil manggagamit ang pamilya ko ay lagi nilang
nimamaximize ang resources.

"Sayang naman ateng kung di natin titirhan ang bahay. Sino titira doon? Mga
multo? Hindi mo ba namimiss ang terrace nating overlooking ang skyscrapers ng
QC?"
Pinandilatan ko ang natatawang si Craig.

Page 415
Jonaxx - End This War

Dumiretso na lang ako sa kwarto at sumunod din si Hector.

"Hector! Sa labas ka lang!" Sigaw ko sa kanya.


"O? Bakit? Tayo na naman, ah?"

"Kaya nga mas lalong sa labas ka lang!"

Baka mamaya ay may mangyari pa saming dalawa kung isasama ko siya dito sa loob.
Ngunit hindi mapigilan ang mokong. Humalukipkip siya at umupo sa kama ko.

"You undress yourself, Chesca."


Nalaglag ang panga ko.
"Sige na. Magbihis ka na." Utos niya at pinanood ako.

"Tumigil ka! Adik!" Sabi ko.


"I'm waiting. Come on."

"Ayoko nga!" Inirapan ko siya at naisipang ang isang bagay. Umupo ako sa tabi
niya. "Teka nga, saan ba ang bahay niyo?" Tanong ko.
"Wala kaming bahay dito, Chesca."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sa condo ako nakatira."

"Whoa? Talaga? Paanong ang isang Dela Merced ay walang bahay sa Maynila?"
"Magkakaroon pa lang. May binili akog bahay sa kabilang subdivision. Kino
construct pa lang." Aniya.
"Bakit wala kayong bahay dito?"
"Ayaw ni lola dito sa Maynila kaya yung mga bahay ng parents ko ay pinagbili
niya. Ayaw din naman ng parents ko dito kaya pumayag din sila."

"Paano kung pupunta ang tito mo dito sa Manila? Si Tita Carolina? Lola?"
"Yung condo ay kay lola pero hindi niya naman dinadalaw kaya doon ako tumutuloy.
Si tito naman ay may bahay dito sa kabilang subdivision. Kaya lang ay may
nakatira doong mga kamag anak niya."

Tumango ako. "Ikaw lang ba mag isa sa condo."


"Oo." Ni head to foot niya akong bigla.
"Sinong nag lilinis? Sinong nagluluto?"

"May option naman na housekeeping. Tsaka minsan ako lang din. Unless gusto mong
lumipat at ipagluto ako?" Ngumisi siya at inakbayan ako.
"Ano ka? Wala akong alam sa gawaing bahay kaya wa'g ka ng mag expect."
Tumawa siya. "Oh edi pag tayong dalawa na sa kama ka na lang lagi."

"Tumigil ka nga!" Ngumisi ako at kinurot siya.


Page 416
Jonaxx - End This War
"So? Ikaw lang talaga sa condo? Mag isa? Buong anim na buwan na wala ako?" Tanong
ko.
"Oo. Pero madalas si Oliver doon tsaka si Leo."

"Leo?" Napatanong ako.


"Yung kuya ni Harvey." Nanliit ang mga mata niya.

Ngumuso ako.
"Anong meron kay Harvey at bakit parang kumikislap iyang mga mata mo pag nandyan
siya o nababanggit man lang?"
"Ano? Anong kumikislap? Ang OA mo!"
"Hindi, e. Meron talaga." Tinitigan niya ako.

Masyadong mabigat ang titig niya at hindi ko magawang tumitig pabalik kaya nag
iwas na lang ako ng tingin.

"Ano naman yun?" Uminit ang pisngi ko.

"Basta. Ewan ko. Nagagalit ako." Aniya.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin, ngayon, mas mabigat at
mas mainit.

"T-Tumigil ka nga, Hector!" Tinulak ko siya ng bahagya dahil palapit na ang mukha
niya sa tainga ko.
"Pag nagagalit ako, gusto kong iparamdam sayo lahat ng karapatan ko." Bulong
niya.
Kinagat ko ang labi ko. Sa bulong niya pa lang ay nalalasing na ako.
"Naiirita ako, e. Sa lahat ng lalaking tinitingnan mo. Baka isang araw ay may
bigla na lang akong masuntok kasi tinitingnan mo." Aniya at humalakhak.

Sinapak ko na at agad lumayo sa kanya. Baliw talaga ang isang ito!

Ngumisi siya at agad akong hinila palapit sa kanya.

"Ano ba, Hector! Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sabay bawi sa kamay ko.

Ngunit hindi niya ako binitiwan. Imbes ay hinawakan niya ang magkabilang pulso ko
at ibinaon niya iyon sa kama habang kinukulong niya ang mga binti ko sa
nakabahagi niyang hita.

Page 417
Jonaxx - End This War
"You're trapped." Tumawa siya.

Pumiglas ako at nanlaban ng palaro sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi habang
tinitingnan akong tumatawa.

Hinawakan niya ang dalawang pulso ko sa iisang kamay. Akala ko mas madali akong
makakawala ngunit nagkakamali ako, malakas parin talaga siya.

Kiniliti ako ng isang kamay niya kaya nabaliw ako at tumadyak at nangisay sa
kama.

"OMG! Please, tama na! Please!" Sigaw ko sabay tama.


"Uh-huh." Bulong niya sa tainga ko sabay halik.

Pati iyon ay nakakakiliti kaya napatili ulit ako.

"Sarap pakinggan ng tili mo." Bulong niya ulit.

Kahit wala siyang kinikiliti ay nakikiliti ako. Ewan ko ba.

Humalakhak siya. "Ayoko na nga. Baka di ako makauwi!" Aniya sabay pakawala sa
akin.
Umismid ako ng palihim at kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siya sa
ibabaw ko. "Bakit? Busy?" Ngisi ko.
"May meeting ako bukas sa kasosyo ni tito. Yung kapatid niya." Aniya.
Tumango ako.

"Sana ma close ko iyong deal."

Nagulat ako. Marami siyang alam tungkol sa akin. Alam niya halos lahat ng tungkol
sa akin pero ako ay walang alam sa negosyo niya. Not that I can help him or
something, pero pakiramdam ko ay karapatan kong malaman ang lahat. Wala naman
siyang inililihim ngunit pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pagtatanong.

"Anong deal iyon?" Tanong ko.

"Expansion ng rancho. Balak ko kasing bilhin yung katabi ng dulo ng lupain."


Aniya.
"Alin? Yung sa mga Buenaventura, ba?"
Umiling siya. "Hindi, yung nasa Camino Real. One fourth ng lupain namin ay nasa
Camino Real na. At may 20 Hectares doon na ibinibenta sa tabi."

Page 418
Jonaxx - End This War
"Anong gagawin mo sa 20 hectares? Hindi ka pa ba nagsasawa sa ekta ektaryang lupa
niyo?"

Umiling siya at ngumisi. "Balak kong makipag sosyo sa Tiyo at Papa mo. Yung
organic chicken? Imamarket ko."

"Poultry? Hindi ba may poultry kayo sa rancho? Hindi ba kasya doon?" Napatanong
ako.

"Oo pero gusto kong ilagay doon yung organic chicken. Papataniman ko rin ng mais
at palay. Tsaka marami pa akong balak."
"Ano yung deal na iko close mo sa ka meeting mo bukas?" Tanong ko.
"May ari kasi sila ng malaking food corp na nag fo focus sa meat. Kaya gusto ko
sana yung organic chicken ay ma market nila."
"Hindi ba pwedeng sa dating food corp niyo na lang ilagay?"

Umiling siya. "Mas madaming koneksyon, mas maganda."

Hindi ako makapaniwalang marami na siyang naiisip na ganito. Pakiramdam ko tuloy


ay puro love life ang inaatupag ko dahil ang pinakamalayong pag iisip ko ay iyong
mga tungkol lang sa aming dalawa. Mas lalo akong humanga sa kanya. Nanliit ang
mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ba't mo kinakagat yang daliri mo?" Tanong niya.


Tinigilan ko iyon at nginitian siya.

Yumuko siya at ramdam ko ulit ang dibdib niya sa dibdib ko. Ramdam ko na ang
hininga niya sa mukha ko. Damn, I'd give the world for him. Lahat. Kahit ano,
pwede niyang gawin sa akin. As long as he's mine. Pumikit na lang ako nang
naramdaman kong naglapat ang labi namin. Mahina iyon at marahan.

"Holy shit..." Bulong niya. "Ang bilis ng pintig ng puso ko."


Ngumisi ako at pinaulanan niya ako ng maiinit na halik.

Ni hindi ko na nga namamalayan na ganun din ang nararamdaman ko. Parang natural
na lang sa akin na ganun ang maramdaman kaya yung puso kong nag aalburoto ay
naging isang hobby ko na lang.

"I love you so much, Francesca Dela Merced. One day, hindi lang halik ang
itatanim ko sayo." Humalakhak siya sa napapaos na boses.

It was sexy as hell. I cannot.

Tinulak ko siya at tinitigan ko ang natatawa niyang gwapong mukha. Damn it!
Kailan ako masasanay sa kagwapuhan niyang mala diyos? Pakiramdam ko ang swerte
ko. Pinagpala talaga yata ako dahil sa dami ng kasamaang nagawa ko ay binigyan
parin ako ng tulad niya.

Page 419
Jonaxx - End This War
"Anong itatanim mo?" Tanong ko.

Pinilit niyang humalik sa akin kahit na tinutulak ko ang dibdib niya. Pahapyaw na
halik lang ang nagagawa niya dahil panay ang tulak ko sa kanya.

"Ano, Hector?"
Humalakhak na naman siya sa isang mainit na boses. "Do you really wanna know?"
"Ano sabi?" Tinaas ko ang kilay ko.

Hinayaan ko siyang lumapit sa akin. Magkadikit na ang dibdib naming dalawa nang
inilapit niya ang labi niya sa tainga ko.

"I'll plant a bomb, Chesca. At sasabog yun." Humalakhak siya.

Tinulak ko siya agad. "Gago!" Sigaw ko.


"Sasabog yun... di pa ako tapos-"

Magsasalita sana ako ngunit mariin niya akong siniil ng halik. Isang halik na
nakapag paungol sa akin. Hinila ko ang kaluluwa ko pero hindi ko na iyon mahanap.
Tuluyan nang nilipad ng halik na iyon.

"After nine months. Are you cool with that?" Humalakhak siya.

Kinurot ko ang baywang niya.

"Aw!" Inda niya ngunit ngumiti parin. "And you won't have a choice but to marry
me."

Oh, Hector! Kahit naman hindi tayo magkakababy ay papakasalan parin kita. Wa'g
lang muna ngayon.

"Baliw ka ba?"

Ngunit nang nilapat niya ulit ang kanyang labi sa akin, pababa sa leeg ko, sa
collarbone, sa dibdib ay nawalan na ako ng boses. Hindi ko na mahagilap ang mga
salita.

"Bahala na nga yung meeting." Aniya habang hinahalikan ako. "At oo, Chesca, baliw
na yata talaga ako. Sobrang baliw ko sayo. Pakiramdam ko pagkatapos ng mga
nangyari sa atin, mababaliw ako pag di tayo nagkatuluyan. So you stay if you
don't want me crazy. If you want me yours." Bulong niya habang tinatanggal ng
marahan ang bawat piraso ng damit ko.

Page 420
Jonaxx - End This War
Kabanata 65
Clingy

Maagang umalis si Hector kinaumagahan para sa diumanoy meeting. Dahil wala naman
akong gagawin buong araw ay naisipan kong baguhin ang buhay ko. Yes. Sinasabi ko
talagang magbabago ang buhay ko sa gagawin kong ito. Ngumiti ako sa sarili ko
habang pumapasok sa isang kilalang shop. Ang alam ko ito iyong nirecommend ni
Brandon kay RJ noon. Hindi ko inakalang magagawi ako dito.

Sinabi din ni Hector sa akin na isasama niya daw ako sa isang formal party
ngayong gabi. Hindi ako sigurado kung anong meron sa party pero sabi niya tungkol
daw iyon sa business at mukhang nandoon din iyong investor na tinutukoy niya.
Hula ko naman ay iyong investor ay yung kausap niya sa beach na may kasamang
dalaga. Oh well, let's forget about that. Iba na iyong noon kesa ngayon. Kami na
ni Hector ngayon kaya masaya na ako at wala ng makakagulo sa aming dalawa.

"Anong ilalagay? Ito ba yung font na pinili mo?" Tanong ng lalaking gagawa ng
tattoo ko.

Sinulat ko iyon sa binigay niyang papel. Pabalik balik niyang tiningnan ang papel
at ako.

"Boyfriend mo?" Ngumisi siya habang inaayos ang mga gagamitin.

Nakaupo na ako sa upuang pang tattoo at pinanood siya sa kanyang mga ginagawa.
May kasama din naman kami. Iyong babaeng seryoso sa computer, yung lalaking nag
dedesign ng kung ano at yung isang customer na tinatattooan ng isa pang lalaki.

"Oo."
Tumaas ang kanyang kilay. "Sigurado ka na ba sa lalaking iyan?"

Tumawa ako. "Oo, e."

Tumango siya. "Naka ilang beses na kasi akong sinugod dito para tanggalin daw
yung tinattoo kong pangalan ng syota."
"Alam ko namang di ko siya hawak. Pati puso niya. Kung sakaling magbago man ang
puso niya at magmahal siya ng iba, hindi parin ako magsisisi sa tattoo na ito."

Oo. I want his mark. Hindi lang iyong invisible mark na lagi kong nararamdaman sa
sarili ko. I want him permanently etched on my skin. Yung hindi na siya magiging
insecure kasi alam niya na may pangalan niyang hindi na matatanggal sa balat ko.

"Baka iwan ka niyan dahil masyado kang clingy. Boys don't like girls who are
clingy."
"I'm not clingy."

Page 421
Jonaxx - End This War
"This is an act of... clingy-ness." Tumawa siya.
Ngumuso ako.

Ano na? Di na ba ako magpapatattoo?

"Bahala na. Kung iwan niya ako. Ang importante ay totoo ang pagmamahal ko."
"Good girl." Kumindat siya sa akin at mukhang natauhan. "Saan mo ba gusto? More
skin, better. Pag malapit sa mga buto, mas masakit."
Tinuro ko ang likod ko. Upper left ng likod ko. At alam kong may buto nga doon.
Napangiwi siya. "Alright, then."

Tumagal ng ilang oras yung pagpapatattoo ko ng "For Hector Dela Merced" sa likod
ko. Dalawang linya iyon at medyo cursive at maliit.

"Nag momodel ka ba?" Biglang tanong nung nagtatattoo habang iniinda ko iyong
sakit.\

"Oo. Bakit?"

Medyo natahimik pa siya ng ilang saglit bago nagsalita.

"Pamilyar ka sakin. Mukhang nakita na kita sa isang body painting contest."


Aniya.
"Oo. Ako yun." Tumawa ako at naalala ko nung highschool pa lang ako.

Marami na talaga akong gig noon. Iba-iba din ang trip nina Brandon kaya
napapasama ako.

"Hindi ba si Clark Joson ang boyfriend mo?"


Nagulat ako sa tanong niya.
"Uh, ex ko na siya."

"Wow! Akala ko nung una wala ng makakapagpahiwalay sa inyo! I mean, pareho kayong
mukhang seryoso sa relasyon."

HIndi ako kumibo. Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil wala akong masabi.

"Well, kids. Bata pa naman kayo nun. Bata ka parin naman ngayon. Pero seriously,
di ko inakala. Though I won't ask for the details."

"Paano mo nakilala si Clark?" Tanong ko kahit obvious ang sagot.


Page 422
Jonaxx - End This War
"Sikat siyang photographer tsaka hindi ba malaki din ang business nila?"

"Oo."

Kalaunan ay hindi ko na napansin ang sakit. Namanhid na lang ang balat ko.
Pakiramdam ko dumudugo na at sa sobrang sakit ay nahilo na ang utak ko sa
pagrerecognize ng sakit.

Nang natapos iyon ay umuwi na agad ako ng bahay para matulog. Nakakapagod din
palang umupo ng maayos para lang hindi masira iyong tattoo ko para kay Hector.
Nakita ko na ito kanina pero hindi parin ako makapaniwala na permanent na ang
tattoo'ng ito. Sa baba ng tattoo ay may manipis na feathers. Ang galing ng
pagkakatira. Tama nga si Brandon, magaling nga ang lalaking iyon.

Nagising na lang ako sa tawag ni Hector nang nag alas singko na.

"Hello?" Sabay bangon ko.

"Papunta na ako sa inyo. Saan ka galing? Ba't di ka nag rereply sa mga texts ko?"
Tanong niyang medyo galit.

"Ah! Dito lang sa bahay. Nakatulog ako." Sagot ko.

Balak ko sanang gawing secret muna ang tattoo'ng ito. Siguro saka na pag
mahuhubaran niya ulit ako. Ngumisi ako sa sarili ko at mabilis na nag ayos.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang nakatayo na siya sa labas at


nakahalukipkip. Seryoso ang kanyang mukha at sinalubong agad ako ng mainit na
titig. Kumalabog ang puso ko at nag iwas na lang agad ako ng tingin. Kelan ba ako
magsasawa na punahin na mala Diyos ang kanyang tikas?

Naka itim siyang three piece suit. Hindi ko pa siya nakitang ganito in person at
sobrang gwapo niya. Gwapo nga siya kahit hubo't hubad, gwapo parin siya pag
balot. Yung totoo? Sinalo ba niya lahat ng kagwapuhan sa mundo? Napatingin ako sa
damit kong medyo conservative. Sinadya ko para hindi makita iyong tats. Naka itim
at sparkling knee length gown ako. Sleeveless ngunit halos round neck ang medyo
mala victorian na design nito.

"What the? Wala na nga iyong sofa, Craig, wala pa yung TV? Asan na?" Tanong ko sa
kapatid kong nakahiga na lang sa sala naming wala ng laman.

Nakakahiya kay Hector kasi di na siya makaupo sa sala namin dahil wala ng ni
isang sofa.

"Bukas ateng, yung cabinet ko yung wala. Sa susunod na linggo baka ikaw rin, wala
na dito. Unti-unti na naming nililipat ang mga gamit sa bahay."
Kumulo ang dugo ko tuwing naiisip iyon. Paano kung bigla akong gutumin at bumili
ako ng ulam sa karenderya para lang umuwi dito at malamang wala na rin kaming
Page 423
Jonaxx - End This War
pinggan? Babasagin ko talaga ang mukha ni Craig at ni Teddy.
"Craig!"
Agad hinawakan ni Hector ang magkabilang balikat ko. "Hayaan mo na." Malambing
niyang sinabi.
"Ay ewan ko sa inyo! Ewan ko!" Sigaw ko at umirap saka lumabas sa bahay.

Sumunod na lang si Hector. Nang nakita niyang malapit na ako sa sasakyan niya ay
agad niyang pinatunog iyon. Hinablot ko agad ang pintuan at pumasok sa loob.
Nakangisi siya nang pumasok sa driver's seat.

"Hayaan mo na. Pag nakalipat kayo, di ka naman titira sa inyo. Sa condo ka naman,
e." Aniya.
"Ewan ko sayo, Hector." Umirap na lang ako habang humahalakhak siyang pinaandar
ang sasakyan.

"Ang ganda ganda mo, Chesca." Bigla niyang sinabi sa kawalan.


Napatingin ako sa kanya at mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang kita
kong nasa daanan parin ang mga mata niya, seryoso at medyo mabigat.

"Thank you." Nahihiya kong sagot. "Gwapo mo rin." Dashing and godlike.
"Kaya lang gusto na kitang hubaran." Humalakhak siyang bigla.

Binatukan ko na. Ang ganda na, e kaso umaandar iyong pagiging manyak niya.

Meron na akong susi sa condo niya. Alam ko na rin ang address. Sinabi niya iyon
sa akin kagabi. Tantya ko ay sa gabing ito baka doon na nga kami pupunta. Kaso
may pasok bukas at maaga kami kaya mahirap. Sana pala nagdala ako ng damit.

Ngumisi ako sa iniisip ko. Nakita kong luminga siya sa daan at sa mukha ko.

"Anong iniisip mo?" Nag taas siya ng kilay.


"Wala." Ngumisi parin ako at tumingin na lang sa mga sasakyan sa labas.

Magarbo ang venue ng party. Nagulat ako dahil birthday party pala ito ng isang
matandang lalaki. Ika-60 na ata noong matanda. Nang nakita ko ang isang picture
ng may birthday ay nalaman ko agad kung sino iyon. Ito nga iyong lalaking kausap
niya sa beach.

"Ito ba yung investor na sinasabi mo, Hector?"


"Oo, e. Iyan ni Tito Thomas. Rodolfo Aragon." Aniya.
Tumango ako. "Whoa? Kaya pala medyo pamilyar. Ibig bang sabihin nito ay nandito
sina Tita Lina at si Tito?"

Page 424
Jonaxx - End This War
Nagkibit balikat siya at may iilang taong tinanguan niya habang papasok kami sa
engrandeng venue. "Wala ata."

Napansin ko ring may mga grupo ng lalaki ang napapatingin sa amin, sa akin. Alam
kong pansin din iyon ni Hector kaya agad niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit
iyong ikinapit sa kanyang braso.

"You... are mine. All mine. Kahit mag damit ka ng maganda para makita nila, you
will remain a public temptation." Bulong niya sakin.
Kinilabutan ako doon at laking gulat ko pa nang may biglang tumapik sa likod
niya.
"Hector Dela Merced!" Sigaw ng isang di ko kilalang medyo middle-aged man.
"Mr. Mendoza!" Tumawa siya at nakipagkamayan sa lalaking iyon.

Marami silang pinag usapan. Marami ding sumali sa usapan nila at mukha parehong
mabibigat na tao. May isa pa nga akong namukhaang senador doon. Hindi ako
makapaniwala! Napapalibutan kami ng mga bigatin!

"I expect you know that businessman from Alegira, too?" Tumaas ang kilay ng isang
babaeng medyo matanda na na kumakausap kay Hector.

"Opo. Magkaibigan kami nun. By the way..." Hinigit ako ni Hector palapit sa kanya
at ipinakita sa mga kausap. "This is my fiancee, Chesca Alde."

"Oh! Nice to meet you. Ganyan ba talaga ang mga heir ng malalaking farms? Laging
maagang nag aasawa?" Nagtawanan sila.

Ngumiti din ako at nakipagkamayan sa kanila.

Ilang beses niya pa akong ipinakilala as his fiancee. Nang sa wakas ay nilapitan
kami ng lalaking nag birthday...

"HECTOR, boy!" Sigaw niya at niyakap si Hector sabay tapik sa balikat nito.
"Thank God pumunta ka! Akala ko ay busy ka!"

"Kahapon lang po. Umuwi ako ng Alegria. By the way, happy birthday tito!" Sabi ni
Hector.
Tumango ang matanda at nagpasalamat.

Sa dami ng bisita ay hindi na siya nagtagal kay Hector. Laging may tumatawag sa
kanya at palagi niyang dinadaluhan ngunit binalikan niya si Hector na may
kasamang isang babae at tatlong lalaki.

"May we call our celebrant, Mr. Rodolfo Aragon." Dinig na dinig ko ang emcee na
nagsalita.

Mabilis ding umalis si Mr. Aragon para pumunta sa harap.

Page 425
Jonaxx - End This War

"Hi Hector!" Nakita ko iyong babaeng may dimple na nakita ko rin noon sa beach.

Naka long gown siya at sobrang kita ang kanyang cleavage. Hindi ako makapaniwala
na si Hector lang ang tinitingnan niya at mukhang hangin lang ako sa tabi ni
Hector dito.

"Hello, Elena." Ngumisi si Hector.

Ngumiti si Elena at bumalandra agad ang kanyang dimples.

"Doon tayo umupo sa table na iyon." Sabay muwestra niya sa mesang malapit sa
harapan.

Sumama din ang tatlong lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa akin. Sumunod na
lang kami ni Hector kay Elena at umupo doon sa table na sinabi niya.

"Siya yun." Sabi nung isang lalaki sa isang malakas na boses. Namataan ko pang
itinuro niya ako ngunit binalewala ko lang.

"By the way, Elena. This is Francesca Alde, my fiancee." Nakangiting sinabi ni
Hector.

Naglahad ako ng kamay at hindi ako makapaniwalang nabura ang ngiti sa labi ni
Elena dahil sa sinabi ni Hector. Hindi man lang siya nag abala na kunin ang kamay
ko.
"Fiancee? I thought she's just your date for tonight?" Medyo tumaas ang tono ng
boses nung babae. Kitang kita ko ang dimples niyang lumalabas hindi dahil sa
pagngiti kundi dahil sa mariing pagbigkas ng mga salita.

"Fiancee ko si Chesca." Pag uulit ni Hector.


"I knew it!" Biglang idiniklara ng lalaking nasa harapan.

Medyo mataba siya at singkit. Itinuro niya ako.

"Chesca Alde or FHM? I've seen your sexy pics all over the magazine, baby."
Kumindat siya sa akin at dinilaan niya ang kanyang labi.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Oo! Tama ka dude!" Dagdag nung payat.


"What are you talking about, Jules?" Tanong ni Elena.

Page 426
Jonaxx - End This War
Pakiramdam ko naubusan na ako ng dugo sa mukha. Lalo na nang naramdaman ko ang
pagkalas ng hawak ni Hector sa kamay ko.

"You... You what? Chesca?" Tanong niyang mariin.


"Yung nasa FHM? Yung model!? Bago! Kasunod nung Korean na sobrang hot? Eto yun,
e! Chesca Alde, diba? Naka two piece ka dun at nakataas ang dalawang kamay mo.
Shit! Di ko alam na mamimeet kita dito, Miss Chesca Alde."

Mabilis na ang hininga ko at tiningnan ko si Hector na nakatingin sa akin at nag


aapoy sa galit.

"Hector? Your fiancee is a sexy model? Hubo't hubad ba, Jules?" Natatawang tanong
ni Elena sa lalaki.

Kabanata 66

Success Is Nothing

Ginapangan ako ng matinding kaba dahil sa titig ni Hector sa lalaking nasa harap
niya. Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao habang tinititigan niya ito.

"Hector..." Bulong ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Nakatoon lang ang pansin niya sa lalaking nakangisi sa harapan. Nakangisi sa


akin. Napapikit ako nang bigla niyang inalog ang table. Kitang kita ko na nag
pigil pa siya para hindi niya iyon tuluyang mapatumba. Gumuhit ang takot at gulat
sa mga mata ng mga lalaki at nang maging kay Elena.

"Hector, chill, dude!" Sabi nung lalaking namumutla na.

Mabilis ang hininga ni Hector at para bang kahit kailan ay magagawa niya ng
sumabog sa galit.

"H-Hindi siya hubo't hubad. She's-She's wearing a bikini." Anang lalaki.


"Wa'g na wa'g mong mababastos si Chesca." Mariin at pabulong niyang sinabi.

Ramdam ko ang pagdidiin niya sa bawat salita sa pamamagitan ng pag hihigpit ng


kanyang ngipin.

"Dude, di ko siya binabastos. Pinupuri-"

Inalog ulit ni Hector ang mesa. Napansin ko na nakatingin na ang ibang guests sa
Page 427
Jonaxx - End This War
banda namin. Hinawakan ko agad ang kanyang braso sa takot na magkagulo pa lalo.
Pulang pula ang kanyang mukha.

"And to my daughter, Maria Elena Aragon." Pinagpatuloy ni Mr. Aragon ang kanyang
pagsasalita sa harapan. Hindi niya napansin ang kaguluhan sa table namin dahil
nagpipigil pa si Hector.

Mahilaw na ngumisi at tumayo si Elena para tanggapin ang masigabong palakpakan na


hinandog sa kanya ng ibang guests.

"And of course," Tumawa si Mr. Aragon habang tinititigan si Hector na hanggang


ngayon ay galit parin.

Luminga ako sa dalawa. Kay Hector at kay Mr. Aragon.

"Mr. Hector Dela Merced,"

Nakatoon ang lahat ng atensyon ng mga tao sa table namin. Nakangiti sila at
nakatitig kay Hector. Nakangiti din ang nakatayong si Elena habang pumapalakpak.

"Our future business partner." Dagdag ni Mr. Aragon.

Napatingin si Hector kay Mr Aragon. Bumuhos ang palakpakan ngunit hindi ko makita
sa mukha niya ang ngiti.

"Tayo, Hector." Bulong ni Elena at hinila ang braso ni Hector.


Dahan dahang tumayo si Hector ngunit nanatili ang pagiging seryoso niya.

"Sana ay maging mabuti ang samahan ninyong dalawa. The future heirs of our
business."

Namilog ang mga mata ko. Silang dalawa ay magmamana ng business ni Mr. Aragon?
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya roon pero tingin ko ay ang ibig
niyang sabihin ay magiging magkasosyo ang dalawa sa business na ito. Umani ng
masigabong palakpakan sina Hector at Elena. Ngumiti si Hector sa mga bumati at
tumayo. Natuyuan ako ng lalamunan. Lalo na nung nag simulang makipagkamayan si
Hector sa iba pang malalaking tao. Ganun din si Elena. Hanggang sa tuluyan na
silang nawala sa dagat ng mga tao.

"Sorry, Miss Chesca." Pabulong na sinabi nung lalaking nasa harapan ko. Tinitigan
niya ulit ako mula ulo hanggang paa. "Talagang sadyang namangha lang ako sayo.
Tsaka... hindi pala alam ng boyfriend mo na nasa FHM ka?"

Page 428
Jonaxx - End This War
Hindi ako nagsalita. Sa galit at panghihina ko sa nangyari ay wala na akong
ganang magsalita. Ni hindi ko na siya tiningnan man lang. Ni serve na ang mga
pagkain ngunit hindi parin nakakabalik si Hector.

Hinalughog ko ang buong venue at nahagip ko siyang nakaupo doon sa table kasama
si Mr Aragon at iilan pang mga negosyante. Bumuntong hininga ako. Alam ko... Alam
kong busy na siya sa negosyo niya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o
malulungkot. Pinilit kong maging masaya at maging kuntento. Kung ano man iyong
issue namin ay paniguradong maayos din naman namin ito mamaya.

This can wait.

"Kainin mo na iyang pagkain mo, Miss Chesca." Sabi naman nung isang lalaki sabay
turo sa pagkain kong nasa mesa.

Kinuha ko iyong kutsara at sinubukang sumubo sa pagkain na binigay ng mga waiter.


Nilingon ko ulit si Hector at kitang kita ko na masaya siya doon at may sarili
siyang pagkain. Kahit na hindi niya pa ito nagagalaw.

"Hay naku! This is exhausting, isn't it?" Nakangising umupo ng padarag si Elena
sa upuan niya sabay hawi ng buhok.
"Bakit, Elena? Makikipagbatian ka lang naman." Sabi nung lalaki sa harap ko.

"Jules, makikipag usap din tungkol sa business. Hector is amazing." Uminom siya
galing sa baso niya. "Kaya niyang mag keep up sa mga businessman. He belongs
here." Tumango siya at tumingin sakin.

Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pagkain.

"You know, what, Chesca? You are so lucky to have him."


Nag angat ako ng tingin sa nakangising si Elena.

"Though I'm not sure if he's lucky to have you." Napawi ang ngisi niya.
"Oy! Elena. Stop that, you brat." Medyo iritadong sinabi noong Jules.
"Oh let's face it! We can't have a sexy starlet as a tycoon's wife! For God's
sake that's a disgrace!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi noong Elena. Samantalang siya ay sumisipsip sa


kanyang juice at sarkastiko akong nginingitian.
"Excuse me, lang, Miss Elena. Hindi ako sexy starlet. I'm a professional model-"

"Parehas lang iyon. Don't explain. Nagmumukha ka lang tanga-"


"Elena!" Pigil nung isa pang lalaki.

"I'm sorry, Miss Chesca, she's a brat-"

Page 429
Jonaxx - End This War
Sa gigil ko ay hindi ko na napigilan ang paghablot sa tubig ko sabay saboy sa
kanya. Kung may natutunan man ako sa pamamalagi ko sa Alegria, eto yun...

"Oh my gosh!" Sigaw niya at naestatwa sa kinauupuan niya.

Nakita kong naglingunan ang mga tao sa ibang table. Ngunit sa sobrang dami ng
pinagkakaabalahan ay hindi na iyon nakita ng iba. Yung mga waiter lang ang
lumapit para punasan ang damit ng basang si Elena.

"You're a social climbing, cheap starlet!" Sabay turo niya sa akin.

I cannot believe it. Napatingin ang mga tao sa akin. Tumayo ako at kinuha ang
purse ko. Hindi ko matagalan. Hindi ko kayang hindi siya kaladkarin at di siya
kalbuhin. Wala akong pakealam kung iwan ko si Hector dito!

Nag walk out ako sa party nang walang nakakapansin kundi sila. Syempre, hindi
naman ako malaking tao. Lumandas ang mga luha sa mga mata ko nang walang kahirap
hirap. Nanikip ang dibdib ko pero hindi ako nagpakita ng kahinaan. Diretso parin
ang lakad ko.

She's right. Hector belongs here. Wala siyang mapapala sa akin. Aangat ako dahil
sa kanya, ngunit wala siyang makukuha in return mula sa akin. I'm a liability.
Buong pamilya ko. Nag aksaya pa siya ng milyon milyon para mabili ang bahay namin
para sa akin. Kung mayroong tao man na magpapabagsak kay Hector ay ako na iyon.
Dahil kaya niyang ibigay sa akin ang lahat ng wala akong pinapalit.

"Chesca!" Sigaw ng hinihingal na si Hector sa likod ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa pagpunas ng luha ko.

Ba't mo pa ako sinundan? I want to be alone. I want to find myself. Dahil mula
ata nung nakilala ko siya ay hindi na tumigil ang mundo ko sa pag ikot sa kanya.
Habang siya ay may mga mundong hinahawakan. Let's admit it... Hindi lang ako ang
mundo niya, samantalang siya lang iyong akin. That's not a bad thing. At least
not for him. Masama iyon para sa akin. Dahil ako, siya lang yung akin. Kung
magunaw ang mundong iyon, magugunaw din ako.

"Anong nangyari? Gusto mo ng umuwi? Magsabi ka lang kung gusto mo na!" Dinig ko
ang pagsusumamo sa boses niya.

And it hurt a lot. Yes. Siguro ay masyado lang akong naapektuhan sa sinabi ni
Elena kaya ganito ako ka emosyonal.

Nilingon ko siya. Nakita kong kumislap ang mga mata niya sa pag aalala sa akin.

Page 430
Jonaxx - End This War
"Let's go home if you want to." Mariin niyang sinabi at hinawakan ang kamay ko
tsaka kinaladkad ako patungo sa sasakyan niya.

Tumingala ako upang hindi na tumulo ulit ang luha. Nang umalis kami sa venue ay
tahimik lang siyang nag d-drive. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin siya nag
tangkang magsalita.

"B-Bakit ka umalis? Busy ka pa doon. Sana hinayaan mo na ako."


"We are one, Chesca. Kung saan ka, doon ako." Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. "I'm not going to be the hindrance of your success,
Hector. Kung ikakabuti mo yung party na iyon, don't mind me!" Sinabi ko iyon nang
may nagbabantang luha sa aking mga mata.
"You are my inspiration to succeed, Chesca. Without you, success is nothing."

Nanikip ang dibdib ko sa binitawan niyang salita.


"Bakit mo binuhusan ng tubig si Elena?" Tanong niya.

"Bakit? Nagalit ang daddy niya sayo dahil sa ginawa ko?"

Hindi siya nagsalita. Siguro ay tumama ako.

"Bakit?" Pag uulit niya.

"Sabi niya di tayo bagay." Lumunok ako.

Medyo natawa siya. "Ilang babae pa kaya ang darating para sabihin sa'yo iyan at
kelan ka hindi mag papaapekto? Come on, Chesca." May bahid na frustration sa
kanyang boses.

Hindi ako nagsalita hanggang sa itinigil niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng
apartment namin.

"Uuwi na muna ako sa condo. Nag text si tito na pupunta sila doon." Napabuntong
hininga si Hector.
"Lumuwas ang tito mo? Si Tita?"

"Hindi ko pa alam." Aniya at tinanggal niya ang seat belt ko.


"Okay." Matabang kong sinabi.
"Good night." Hindi siya nakatingin sa akin nang sinabi niya iyon.

Humalukipkip ako at mas lalong nagtampo. "Ang lamig mo."


Nilingon niya ako. Nagkuyom ulit ang panga niya at tinitigan ako pababa. "Hindi
ko palalampasin yung ginawa mo, Chesca."
"What? Yung pagbuhos ko ng tubig kay Elena-"

"No! Yung pag pose mo sa FHM." Umirap siya.


Page 431
Jonaxx - End This War
"Hindi ko alam na lalabas na iyon, Hector. At isa pa, hindi pa tayo noon nang nag
pose ako para doon."
"Hindi ibig sabihin na dahil hindi pa tayo ay hindi na kita pag aari. Remember,
you are mine, Chesca. Mine alone. Simula nung nagtagpo ang mga mata natin."

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko matagalan ang pagtitig ko sa kanya.

"Hindi ko kayang tumabi sayo kasama ang mga lalaking iyon dahil baka mag
eskandalo ako sa party. At hindi ka rin okay sa akin. I'm so... so mad about
you." Pumikit siya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nag aalburuto ang puso ko sa kaba. Para akong
nakalutang sa hangin kahit kakasabi niya lang na inis siya sa akin.

"So mad, alright? Kaya matulog ka na at hahalughugin ko pa ang mga bookstores


para bilhin lahat ng magazine na iyon."
"What? Wa'g mong gagawin yan, Hector! Wa'g kang mag aksaya ng pera sa bagay na
ganyan!"

Totoo iyong sinasabi ko. Alam kong medyo nakaka touch ang sinabi ni Hector ngunit
tingin ko ay hindi na iyon makatarungan. Kahibangan na iyon. Hayaan niya na lang
sana ito at huhupa din naman iyon next month. Magkakaroon naman ng bagong issue
kaya hindi na iyon kailangan.

Nagulat ako nang padabog niyang binuksan ang pinto. Lumabas siya para pagbuksan
ako.

"You... damn... sleep. You don't tell me what to do, Chesca."

Kinagat ko ang labi ko at lumabas na lang sa sasakyan niya.

"Hector!" Pigil ko sa kanya ngunit nilock niya ang front seat bago umikot para
pumasok. "Hector!" Sigaw ko ulit sabay tapik sa sasakyan niya.

Binaba niya ang salamin.

"I'll fetch you tomorrow morning. Dapat ay may peace offering ka. At ang gusto ko
ay mag alsabalutan ka na at lumipat ka na sa condo ko."

"WHAT?" Nalaglag ulit ang panga ko.


"Yes! Hindi kita papatawarin hanggat di mo iyon gagawin."

Page 432
Jonaxx - End This War

Bigla niyang pinaandar ang sasakyan niya at pinaharurot. Seryoso ba siya sa


sinabi niyang bibilhin niya lahat ng magazine na iyon?

Iyon ay palaisipan sa akin sa gabing iyon. Kahit sa pagtulog ay hindi ko alam. Ni


text ko siya.

Ako:
Hector, asan ka na?

Agad naman siyang nag reply.

Hector:
Kakauwi ko lang. Ikaw? What are you doing? Sleep, Chesca. Maaga tayo bukas.

Napatingin ako sa relo. Tatlong oras na ang nakalipas mula nang hinatid niya ako
dito sa amin. Ibig sabihin, mukhang totohanan na hinalughog niya ang syudad para
bilhin ang mga kopya? O baka naman dumiretso siya sa publisher? O baka
nagpatulong siya sa mga body guard nila sa paghahalughog? Hindi ko alam at hindi
ako mapakali kaya nagmadali akong magbihis.

May susi ako sa condo niya at alam ko rin kung saan iyon. Ngumiti ako sa aking
sarili tuwing naiisip yung condo niya. Pupuntahan ko siya.

Kabanata 67

Siya Lang

Muntik na akong mawala dahil sa taxing sinakyan ko. Hindi ko pa naman kabisado
ang distritong ito. Ngunit nang nakita ko ang matayog at engranding skyscraper
kung saan naroon ang condo unit ni Hector ay hindi ko na inalintana ang pagkawala
ko.

Mabilis akong pumasok sa condo habang bitbit ang susi na ibinigay sa akin ni
Hector. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko ang kanyang unit number para hindi
ko makalimutan. Huminga ako ng malalim nang nakitang ako lang mag isa sa
elevator. Syempre dahil madaling araw na ay wala na gaanong tao.

Nang tumunog ang elevator bilang hudyat na nakarating na ako ay napatalon na ako
sa kaba. Konting kirot at konting saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam
kung bakit parang naghihingalo ang puso ko kahit na ilang segundo na lang ay
makikita ko na si Hector. Parang dejavu sa isang masamang panaginip? Parang alam
ko na ang susunod na mangyayari kahit hindi naman talaga.

Sa bawat pag hakbang ko ay mas lalo akong kinabahan. Napalunok ako nang naaninag
Page 433
Jonaxx - End This War
ko ang pintuan ng kanyang condo unit. Hindi ko na marinig ang mga yapak ko dahil
sa mabilis na pintig ng puso ko.

Nang nahawakan ko na ang pinto ay hindi na ako huminga. Nang buksan ko iyon ay
namilog ang mga mata ko. Hindi makuha ng buo ng paningin ko ang nakita ko sa unit
niya.

Isang malaking chandelier sa ceiling ang tumambad sa akin sa taas. Flatscreen na


TV at sofa naman pag tumingin ng diretso. At sa sofa ay nakita ko si Hector na
nakatalikod at nakaharap sa TV habang tinitingnan ang isang magazine. May katabi
siyang babae, agad kong namukhaan kahit na nakatalikod. Ang damit niya kanina sa
party ay ganun parin. Si Elena!

Nahulog ang puso ko sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na silang dalawa lang sa
condo unit, disoras ng gabi! Ano ang ibig sabihin nito?

Bumuhos sa akin ang alaala ng pagpunta ko sa apartment ni Clark. Bumilis pa lalo


ang pintig ng puso ko, dahilan kung bakit hindi ako makahinga. Nag hyperventilate
na ako sa kinatatayuan ko sa galit at poot.

Susugurin ko na sana sila kaso...

"Hector, hindi yan pwede sayo, oh? Ang cheap ng babaeng yan." Ani Elena.

Bumuntong hininga si Hector at sinarado ang magazine na iyon.

Hinilig ni Elena ang kanyang ulo sa balikat ni Hector. Nagdilim ang paningin ko.
Pumula, sa totoo lang. Kaso, may mga pagkakataon talagang isusuko mo na lang ang
lahat. Kung kay Clark ay nagawa kong sumugod at mangaladkad kay Janine, ngayon,
nawalan na ako ng lakas.

Dahil minsan, kung mahal ka ng isang tao, hindi mo na kailangang ipakita na


nahuli mo siyang nanloko. Kailangan, hindi siya manloko kahit wala ka. Na hindi
mo na siya kailangang mahuli bago siya tumigil. Kaya kahit kating kati ang paa
kong sumugod ay mas pinili kong umalis nang di sinasarado ang pinto nang sa ganun
ay hindi nila mamalayan na may tao.

Hindi bali na kung bumuhos ang luha ko sa mukha ko. Hindi bale na kung masaktan
ako. Sobrang sakit na hindi ko na kayang ilarawan.

Hindi ko na maalala kung paano ako umuwi sa bahay. Nawalan na ako ng lakas.
Tulala ako dahil sa nakita ko. Silang dalawa lang. Ano kaya ang mangyayari sa
kanila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Naalala ko iyong nangyari kay Clark at
Janine. Iyong mga ungol at ang buong posisyon. Humagulhol ako ng iyak sa kama at
binaon ko ang mukha ko sa unan. Sana kunin na lang ang lahat ng sakit na
nararamdaman ko. Hindi ba pwedeng mag mahal na lang at wa'g ng masaktan? Kung di
man kayang suklian ni Hector ang loyalty na maibibigay ko, ay hindi ba pwedeng
matuto na lang akong maging masaya sa bawat desisyon niya?
Page 434
Jonaxx - End This War

Alas dos nang napag desisyonan kong umalis ng bahay para magliwaliw. Dahil alam
kong hindi ako makakatulog dahil sa nangyari at hindi ko hahayaan ang sarili kong
mag mukmok sa kwarto.

"Francesca Alde!!!" Mapupungay na ang mga mata ni Brandon nang binati niya ako sa
loob ng Tribe Lounge.

Noong una ay hindi ko siya nakilala dahil sa buhok niya. Ang shoulder-length hair
niya ay pinutulan niya na ngayon. Bakit may naaalala ako sa pagpuputol niya ng
kanyang buhok? Naaalala ko ang buhok na pinutol ni Hector para sakin. Napangiwi
ako at tinampal ang ulo ni Brandon. Ngumisi lang siya at kumindat.

Kitang kita ko ang forest themed na dekorasyon ng bar na madalas naming


pinupuntuhan ng mga kaibigan ko. Mabilis na sumayaw ang mga neon lights at balot
na ito sa usok. Kanina pa nagsimula ang party sa club na ito at kararating ko
lang.

Pinilit kong ngumisi lalo na nang nakita ko ang mga models na nakilala ko rin
noon.

"O? Ba't nandito ka sa Maynila?" Tanong ko kay Brandon habang inaabot niya ang
isang shot. "And what happened to you hair?" Nilakasan ko ang boses ko dahil
masyado ng maingay.

Kitang kita ko ang mga kaibigan kong medyo mga lasing na, lalo na ang mga models.
Sumasayaw na sa dancefloor. Wala sina Tara at Desiree dahil syempre may pasok na
bukas kaya di na yun gagala ngayon.

"I belong here." Simpleng sagot ni Brandon.


Umismid ako. "What happened to your hair?" Nilagok ko ang binigay niyang whiskey.

"Obyus bang pinutulan ko?" Tumaas ang kilay niya.

May idadagdag pa sana ako ngunit nakita bigla na akong inakbayan ng ilang
kaibigan ko. Nakangisi si RJ at amoy alak na habang nginingitian ako. Si JV naman
ang umakbay sa akin, nakaballcap at jacket na itim. Mukhang kanina pa sila dito.

"Uy!" Sabay tanggal ni RJ ng kamay ni JV sa balikat ko. "Baka nandito si Hector


sa paligid, mag eeskandalo yun pag nakitang hinahawakan mo si Chesca.

"Hector isn't here." Sabi ko sabay inom pa nung whiskey.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Brandon at tiningnan akong mabuti. Nagkibit
balikat si RJ at JV sa akin.

Page 435
Jonaxx - End This War
"LQ?" Tanong ni Billy.

Hindi ako sumagot.


"Sayaw na lang tayo, Chesca!" Anyaya ni JV.
"No thanks, kayo na lang muna." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Brandon.

May mga katable din kaming girls na model pero hindi ko naman masyadong ka close.
Ka close ni Brandon ang mga ito kaya hindi ko na lang pinansin. Ang importante
sakin ay hindi ako mag isa, hindi ko masyadong maisip iyong nangyari sa condo ni
Hector.

"You okay, Chesca?" Tanong ni Brandon pagkatapos kausapin yung mga babae. "Kanina
mo pa nilalaklak ang JD. LQ?"
Umiling ako dahil mas magandang ideny.

Hindi naman talaga kami nag away, e. Ako lang ang may problema. Naalala ko iyong
paghilig ng ulo ni Elena sa balikat ni Hector. Pumikit ako at narinig ko ang
ungol kung saan sa utak ko. Shit! Bumilis ang pintig ng puso ko sa galit. Naiiyak
ako kaya imbes na damhin ito ay ininom ko na lang ang tatlong shots.

Dumami pa ang sumunod nun. Napansin kong imbes na isipin ko ang problema ko ay
napapatawa ako kasama nung mga babaeng kausap ni Brandon. May mga boyfriend din
sila at dalawa sa mga babae ay expat ang boyfriend kaya masyadong showy,
nakakapaghalikan sa mukha ko.

Umiling ako at uminom ulit.

"Tara, Chesca, let's go!" Dinig kong sinabi ni JV... o ni RJ. Hindi ko alam kung
sino basta may nagyayayang sumayaw.

Ngumisi si Brandon at tumayo. May nakita akong dalawang babaeng humila sa kanya
sa dancefloor. Tumatawa siya at nagpahila sa mga ito. Tumayo rin ako at
pumalakpak si Billy at iyong mga kaibigan niyang di ko kilala.

Tumawa na lang ako at sumayaw na rin sa dancefloor, sa ilalim ng nagsasayaw na


neon lights at sa gitna ng sumasayaw na mga tao. May tumango sa aking babae na
kilala ko noon. Tinanguan ko na lang at pumikit ako dahil hilong hilo na ako.

Tumingala ako habang nakapikit at nakita ko si Hector sa utak ko kasama si Elena.


They deserve each other. Pareho silang anak mayaman, diba? At ako? I'm a cheap
model like she said.

Sumayaw na lang ako at hinayaan ang sarili kong magpakalunod sa dancefloor.


Biglang may naramdaman akong sumasayaw sa gilid ko. Hinayaan ko iyon. Sumayaw na
Page 436
Jonaxx - End This War
lang ako at binalewala kung sino man iyong sumasayaw sa gilid ko.

Naramdaman ko ang kanyang katawan sa likod ko kaya medyo naasiwa ako.

"Dance with me again, Chesca." Malamig niyang sinabi.

Dumilat ako at medyo umaalon na ang paningin ko. Gusto ko siyang lingunin ngunit
natatakot akong baka mabigla ang sistema ko at mag pass out ng tuluyan dahil sa
alak.

"I love you so much..." Bulong niya.

Dama ko ang hininga niya sa aking tainga. Kinagat ko ang labi ko at pinilit na
lumingon. Pagkalingon ko ay nahilo ako at bahagyang na out balance.

Hinawakan niya ang aking mga braso. Sa sobrang lapit niya sakin ay dama ko na ang
buong katawan niya sa likod ko.

"Let's do it again, Chesca. Please... Let's start over..."

Halos pikit na ang mga mata ko nang pinilit kong idilat iyon para makitang medyo
pula na ang mukha ni Clark. Mukhang lasing na rin siya.

"Oh my..." Pinilit kong tumayo nang hindi niya tinutulungan.

Ngunit pinilit niya ring tulungan ako. Hinapit niya ang baywang ko para makatayo
ako ng maayos. Tinanggal ko ang nagmamatigas niyang braso sa baywang ko at
pinilit na maglakad palayo kahit mahirap dahil sa mga taong sumasayaw.

"Chesca... please!" Tawag niya.


"Go away, Clark." Sabi ko sabay lakad palayo.

Umiekis ekis na ang paa ko. Hindi ko naaalala kung kelan ako naging ganito ka
lasing. Iyong tipong nagkakaroon na ako ng black outs. Last kong naalala ay nasa
dancefloor pa ako at umaalis, sunod ay namulat akong nasa CR na ako ng bar.
Inayos ko ang sarili ko doon.

Naghilamos ako kaya medyo nahimasmasan ako. Lumabas ang isang babae sa cubicle,
nag powder at umalis din. Nakatunganga ako sa harap ng salamin nang biglang may
pumasok sa loob. Hindi ko na nilingon dahil hindi ko inakala kung sino iyon.

Page 437
Jonaxx - End This War

"Come on..." Sabay higit ni Clark sa kamay ko.

Sa sobrang gulat ko ay sinampal ko siya. Mabilis at pakalabog ang pintig ng puso


ko. Naestatwa ako at natakot dahil sa biglaan niyang pagsulpot dito sa girl's CR!

"Anong ginagawa mo dito?"

Halos nakapikit na siya sa sobrang kalasingan. Ngumisi siya at hinaplos ang


pisngi ko. Agad kong hinawi ang kamay niya.

"Of course, sinusundan ka."


"Clark! Stop it!" Sigaw ko. "Sabi ko naman sayong wala na tayong pag asa diba?"

Dumilat siya at kitang kita ko ang pula niyang mga mata. Biglang nag iba ang
ekspresyon niya. Nag apoy ang galit at poot sa kanyang mga mata. Nakita ko na
siyang magalit noon, pero ang galit niyang ito ngayon ay may halong histerya at
kahibangan. Hindi ako sigurado kung pinalakas ba ito ng alak o sadyang naipon ang
lahat sa kanya.

Naubusan ako ng dugo nang naramdaman kong pinaglandas niya ang kanyang kamay sa
hita ko. Kung bakit pa kasi ako nagsoot ng maiksing dress para sa party na
dinaluhan namin ni Hector kagabi.

Sinampal ko na agad siya at tinulak. Bahagya siyang napalayo. Nakatagilid ang ulo
niya at kitang kita ko ang pamumula ng leeg at mukha niya. Lalagpasan ko na sana
ngunit agad niyang nahigit ang kamay ko at itinulak niya ako sa salamin.

"NOT SO FAST, CHESCA!" Galit niyang sigaw at ipinako ako doon gamit ang kanyang
mga kamay.

Natuyuan ako ng lalamunan nang nakita ko ang nag aapoy niyang mga mata. Nanginig
ang binti ko sa takot. Oh no... Oh no... Don't tell me?

"Ikaw? Nakuha ka lang ni Hector ay hindi ka na tumitingin sa pinanggalingan mo!?"


Sigaw niya.

Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya nag iwas ako ng tingin.

"Look at me, Chesca!" Sigaw niya.

Kitang kita ko ang mukha niya sa mga salamin. Ang mukhang minsan kong minahal.
Magulo ang kanyang buhok ngunit litaw parin ang mestizo niyang mukha at maamo
niyang mga mata. Pero ngayon, ang maamong mga mata ay binalot na lamang ng galit.
Page 438
Jonaxx - End This War

"Stop it, Clark!" Sigaw ko ulit. "Pinatawad na kita kaya wa'g mong dagdagan ang
kasalanan-"

"Tangina mo! Naghintay ako sayo kahit na sobrang nakakainis na! Naghintay ako,
Ches! Naghintay ako!" Dinig ko ang napapaos niyang boses.

Humikbi siya sa akin kahit na di ko siya diretsong tinitingnan.

"Naghintay ako para mangyari tayo! Pero iiwan mo lang ako!? Ano iyon? Scam? Sabi
mo maghintay ako tapos ilang buwan lang ng pagkawala ay nakahanap agad ng iba? Di
lang yun, ha? Di lang yun, bumigay ka pa!" Sigaw niya.

Tinulak ko siya. "Wala kang pakealam sa mga desisyon ko. This is long overdue,
Clark. Were done before I met Hector!"

"SHUT UP! DON'T MENTION HIS NAME!" Sigaw niya sa mukha ko.

Tinulak ko ulit siya ngunit hindi ko na siya magalaw!

"Bitiwan mo nga ako! Bitiwan mo ako, Clark!" Sigaw ko at pumiglas na sa


pagkakapako ko.
"Chesca, come on, please." Binalot ng pagkabigo ang boses niya.

Pinilit niya akong halikat kahit panay ang iling ko para di niya mailapat ang
labi niya sakin.

"Shit! Clark! Wa'g kang ganito!" Sigaw ko.


Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kinabahan pa ako lalo. Lalo na nung nahawakan
ko ang kamay niyang sobrang tigas at mukhang di ko matitibag.

Nakapako ang dalawang braso ko gamit ang kamay niya. Masyado niya namang dinidiin
ang sarili niya sakin kaya di ko siya matadyakan. Itinaas niya ang kamay ko at
binaba niya ang mukha ko. Dama ko na ang mga halik niya sa dibdib ko.

"CLARK! DON'T DO THIS!" Sigaw ko sabay piglas.

Shit! Naiiyak ako, nagagalit, nanghihina. Pero kailangan kong makawala. Kailangan
kong matigil ang kahibangan ni Clark! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya ito! Hindi ako
makapaniwala na kaya niya itong gawin sakin!

"Naghintay ako para sayo! Naghintay ako pero ito ang sukli mo!" Sigaw niya habang
Page 439
Jonaxx - End This War
pinapaulanan ako ng halik.

Pumiglas ako lalo. Wala akong pakealam kung masaktan ako o magkapasa ako sa
pagpiglas ko. Kailangan kong makawala!

"HECTORRRRRRRRRR!" Sigaw kong halos mapaos na.

Dahil kahit galit ako sa kanya, kahit na marami akong issue na naiisip, kahit na
isipin kong may ibang mas bagay sa kanya, o kahit na pakiramdam ko may iba siya,
siya parin yung gusto ko. Siya parin yung takbuhan ko. Siya lang.
Kabanata 68

Stronger

Hindi ko alam kung kaya ba wala pang pumapasok sa CR ay dahil ni lock ni Clark o
dahil talagang umaayon lang ang tadhana sa kanya.

Pumiglas ako nang pumiglas lalo na nang naramdaman kong nagiging marahas na siya.
Mukha atang pursigido siya at walang salita ang makakapagpatigil sa kanya.

"TAMA NA, CLARK! Please don't do this!" Naiyak na ako sa kaba at sa pagkabigo.

Hindi ako makapaniwala na nasa ganitong sitwasyon ako. Nang naramdaman ko ang
pagkapunit ng damit ko sa harapan ay bumuhos na ang luha ko. Paos na ako sa
kakasigaw at nawawalan na ako ng pag asa.

"Akala mo di ko nakita yung pose mo sa FHM? Galing mo ring mambitin ano? Galing
mong manukso!"

Nang narinig kong sinagad niya pababa yung punit ay napasigaw na ako. Wala na
akong pakealam kung paano mababasag ang vocal cords ko dahil sa sigaw kong ito.

"HECTORRRRRRRR!"

Nagulat ako nang natigil si Clark sa kanyang ginagawa. Binitiwan niya ako at
lumayo siya sa akin. Mabilis ang hininga niya at nanlalaki ang mga mata niya
habang tinitingnan ako. Parang gulat siya sa sarili niyang kagagawan. Mabilis din
ang hininga ko at niyakap ko ang sarili ko.

Napatalon lang kaming dalawa nang biglang kumalabog ng dalawang beses ang pintuan
ng CR. Para bang may kanyon na tinututok at pinuputok doon sa sobrang lakas at
sobrang ingay!

Page 440
Jonaxx - End This War

Sa isang iglap ay halos masira ang pintuan. Nakita kong kakababa lang ni Hector
ng kanyang paa! Sinipa niya iyong pintuan! Natagpuan niya agad ang titig ko.
Nilingon niya si Clark na tulala sa gilid at agad niya itong sinuntok sa tiyan.
Humandusay agad si Clark sa sahig ng CR.

Sumigaw ako sa gulat! May mga taong nakiusyuso na rin. May narinig akong mga
sigaw sa labas kahit na umaalingawngaw parin ang ingay sa trance music ng bar.

"You motherfucking-" Diretso ang isa pang suntok ni Hector sa mukha ni Clark.

Dumugo ang mukha niya. May narinig na akong nagchichismisan at sumisigaw sa labas
ng CR. Mukhang ngayon lang nila namamalayan!

"Tumawag ng guard! Bouncer!" Sigaw ng mga tao.

"Si Hector Dela Merced, iyan diba?"

Nakita ko na agad pumasok si Brandon at RJ bago pa man suntukin ulit ni Hector si


Clark sa mukha. Nalaglag ang panga ni Brandon nang nakita niya ako sa may sink
pero imbes na daluhan ako ay inawat niya na lang si Hector. Si Brandon at RJ ang
umawat sa kanya. Walang ibang nangahas na pumasok sa CR dahil sa bilis ng
pangyayari.

Tinuro ni Hector si Clark. At sa unang pagkakataon, ngayon ko lang siya nakitang


ganito ka galit. Kitang kita ko ang paninigas ng braso niya sa pagtuturo kay
Clark.

"Walang ya ka! Hinayaan kitang umaligid sa kanya dahil pinagkakatiwalaan ka niya


kahit paano! Pero, fuck you, ngayong ganito, di kita tatantanan hanggang di ko
mabasag yung mukha at katawan mo!"

Hindi gumalaw si Clark. Nakita ko lang na tumulo ang mga luha niya sa mga mata.
Kita sa mukha niya ang pagsisisi sa nagawa. Kahit na ganun ay hindi ko parin
makuhang maunawaan kung bakit ito nangyari. Kung bakit niya ito nagawa. At siguro
ay kahit kailan ay hindi ko iyon mauunawaan!

"Hector!" Sigaw nina RJ at Brandon nang nag amba ulit siya ng suntok.
"Come on, RJ! Tulungan mo si Chesca makalabas dito!" Sigaw ni Brandon habang
inaawat niya si Hector.

Itinayo ako ni RJ ng dahan dahan.

"Sorry, Chesca. I'm sorry." Malambing na boses ni Clark.


Page 441
Jonaxx - End This War
"I don't need your sorry! Gusto ko na lang patayin ka ngayon!" Sigaw ni Hector at
di na napigilan ni Brandon ang paninipa ni Hector kay Clark.
"Oy, oy, oy!" Sigaw ng mga kararating lang na bouncer at guards na umaligid agad
sa amin.

Nasa gilid lang ako. Si Hector at Clark ang nasa gitna ng mga bouncer.

"Hulihin niyo yan! Pinagtangkaan niya ang fiancee ko!" Sigaw ni Hector. "Hulihin
niyo o makakapatay ako ng tao!" May awtoridad na sigaw ni Hector.

"Ches!" Umiiyak na si Clark habang pinapaligiran ng mga bouncer. "I'm sorry!"


Inulit ulit niya ito.

Ngunit ayaw ko na iyong marinig. Hindi ko na kaya. Tama na. Ang dami ng nangyari
at ito na yata ang pinaka bangungot sa lahat! Umiyak ako at kinalas ko ang
pagkakahawak ni RJ sa akin.

"Ches, san ka?" Tanong niya habang hinuhubad ang jacket niya at sinoot sa akin.
"Thanks... Uuwi na ako." Bulong ko at di ko na inalintana ang paninitig ng ibang
taong nakikiusyuso sa nangyari.

"Ihahatid na kita, Ches." Ani RJ.


Umiling ako at tumalikod.

"Chesca!" Sigaw ni Hector nang papalayo na ako.

Hindi ko siya nilingon. Pinagpatuloy ko ang paglabas ko sa bar. Hawak hawak ko


ang magkabilang sleeve ng jacket ni RJ. Naramdaman ko ang pagtakbo ni Hector
patungo sa akin.

"Francesca!" Sigaw niya ulit ngunit di ko na siya nilingon.

Hinigit niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya. Medyo nagulat siya nang
nakita ako. Paano ba naman kasi, panay ang buhos ng luha ko kahit na pinipigilan
ko.

"K-K-Kakausapin ka ng mga police tsaka ng guards para ma imbestigahan ang-"


"Ayoko na. Ayokong pag usapan." Mahinahon kong sinabi.

"Chesca... You almost got raped!"


Hindi ako kumibo. Sinubukan kong talikuran siya ngunit hinigit niya ulit ako
paharap.

Alam ko ang punto ni Hector. Kaya lang hindi ko alam kung paano ko iyon
Page 442
Jonaxx - End This War
haharapin. Ex ko si Clark, minahal ko siya noon, pinagkatiwalaan, at nirespeto.
Nawala iyon lahat dahil niloko niya ako ngunit ngayong may ganito nang nangyari
ay pakiramdam ko, ibang tao na siya. May konting kirot sa puso ko, dahilan kung
bakit ayaw ko na lang siyang makaharap imbes na kasuhan o ismubong siya. Isa pa,
pagod na ako. Wala na bang katapusan ang emotional stress na nararamdaman ko?
Pagod na akong lumaban. Kung ano yung maaaring mawala sa akin, hahayaan ko na,
hindi ko na ipaglalaban. Kasi kung talagang para sakin iyon, hindi ko na
kailangang ipilit. Hindi ko na kailangang lumaban kasi agaran na ang panalo ko.

"Ano? Wala bang halaga sayo ang sarili mo? Ano? Kasi kung ako ang batas dito,
baka napatay ko na siya!" Galit niyang sinabi sa akin.
"Pwede ba, Hector?" Bumuhos ang luha ko. "Give me a break! Leave me alone!" Sigaw
ko.
Pumungay ang kanyang mga mata.

Nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko maatim na makita ang mga mata niyang
ganoon. Para bang tumatagos iyong titig niya sa puso ko. Hinigit niya ako palapit
sa kanya at binalot niya ako sa init ng kanyang yakap. Bahagya ko siyang
tinutulak kahit ramdam ko ang pagiging kumportable ko sa bisig niya.

"Ayoko na..." Bulong ko sabay iyak.

"Uwi na tayo." Bulong niya. "Di na kita pipilitin. Basta umuwi na tayo. At gusto
ko sa iisang bahay lang tayong dalawa."

Mabilis ko siyang tinulak dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang ginagawa nila ni
Elena sa condo unit niya. Nagkahalu halo ang isip ko. Naiisip ko si Clark at
Janine sa apartment. Naiisip ko si Elena at Hector sa condo unit. Pakiramdam ko
lahat ng lalaki ay gagawa ng kahibangang ganoon sa kanilang buhay.

Umihip ang malakas na hangin sa parking lot ng Tribe Lounge. Umiling ako sa
kumikislap na mga mata ni Hector. Niyakap ko ang itim na jacket na bigay sa akin
ni RJ at napayuko ako.

"Bumalik ka na lang sa condo mo, kung nasaan si Elena."

Bago ko siya iniwan ay nakita kong namilog ang mga mata niya sa gulat. Naglakad
ako ng mabuti kahit na umaalon parin ang paningin ko dahil sa alak at sa luhang
nagbabadya sa mga mata ko.

"What the fuck, Chesca?!" Sigaw niya.

Di ako tumigil sa paglayo. Malapit na ako sa mga may taxi. Hindi ko siya
lilingunin. Yes, Hector. I saw you two. Kayong dalawa sa condo mo! At ano sa
tingin mo ang maiisip kong ginagawa niyo doon?

Page 443
Jonaxx - End This War
"Chesca Dela Merced, I am talking to you!" Sigaw niya ulit.

Dela Merced ka riyan! I will be an Alde forever. Baka naman Elena Dela Merced ang
ibig mong sabihin?

"Arghhhh!" Sigaw niya na para bang may pinupunit o pinipiga siya sa kinatatayuan
niya.

Narinig ko agad ang mabilis niyang yapak. Hindi pa ako nakakahakbang ng isa pa ay
kinaladkad niya na ako patungo sa sasakyan niya.

"Hector!" Mahinahon kong sinabi kahit na mabilis ang pintig at hataw ng puso ko.

Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o nasisiyahan sa ginagawa niya sa


akin. Come on, Chesca! Bakit ka masisiyahan sa pangangaladkad ng haring iyan?
Pakiramdam ba niya kaya niyang iwan ka at pulutin ulit pag gusto niya na? Hindi!
Binawi ko ang kamay niya. Para siyang na offend sa ginawa ko. Ganunpaman ay
matalim ko parin siyang tinitigan.

"Elena? Nandun siya dahil nandun yung ama niya! Nandun si Tito at Tita sa condo
ko ngayon, alright? Hindi mo nakita pero nandun sila sa kusina!"
"Nakahilig yung ulo niya sa balikat mo, Hector! Sa sofa! Ang close niyong
dalawa!" Hindi ko napigilan ang pananabang ng tono ko.

Bahagya siyang tumawa, "Hindi mo nakitang hinawi ko ang ulo niya kasi tangna
pinag papantasyahan kita sa nakakairitang FHM magazine na iyon!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at di ako nakapagsalita.


"Ang ingay niya, Chesca! Anong gusto mo? Papalabasin ko siya sa condo ko kasi
ayaw mo? Sabihin mo kasi gagawin ko!"
Bahagya akong natawa dahil sa kabaliwang sinabi niya. "Tigilan mo ako. Alam ko
kung ano ang nakita-"

"Natrauma ka lang! Yung ex mo iniwan ka para sa iba! Naabutan mong ganun sa


apartment niya at ako naman ngayon, ginagaya mo sa kanya. Pwes, Francesca Alde,
sasabihin ko sayo, hindi kami pareho. Una sa lahat..." Humakbang siya palapit sa
akin.

Napangiwi ako at nag iwas ng tingin.

"Hindi ako papatol sa ibang babae dahil lang gusto ko, you have to be really
great to earn my attention. You have to be an Alde to earn my attention... And
you have to be a Francesca Alde to earn my love."

Tulala lang ako kahit na dinig ko ang hataw ng lintik kong puso. Humakbang pa
siya ng isa. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa jacket.
Page 444
Jonaxx - End This War

"Pangalawa... Hindi ako mamimilit sayo. Kung ayaw mo sakin, hahayaan kitang
ayawan ako. Pero kung iiwan mo ako, hindi ako makakapayag. Kill the King first
before you win this game. Iwan mo ako? Patayin mo na lang ako!" Seryoso niyang
sinabi kaya napa angat ang tingin ko sa kanya.

Nagkatitigan kami. Tumigil siya sa paghahakbang dahil sobrang lapit niya na sa


akin. Tumitingala na ako sa kanya habang siya naman ay dumudungaw sa akin.

"Pang huli..." Marahan at malamig niyang sinabi.


Napalunok ako at nahirapan sa pananatili ng titig ko sa kanya.

"Sa oras na pormahan kita, hindi ka lilingon sa iba. Sa oras na akin ka na, di na
kita bibitawan pa. Sa oras na binigay mo ang karapatan sakin ay sisiguraduhin
kong sakop ko lahat kahit hibla ng buhok mo, Chesca. Naintindihan mo? Kaya habang
akin ka at sayo ako, tayong dalawa lang. Walang Elena, walang Clark. Silang
lahat, napadaan lang sa buhay nating dalawa."

Hinawakan niya ang braso ko at nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Mabilis na
mabilis na ang hataw ng puso ko. Hindi na ako makasunod. Kahit na matalim parin
ang titig ko at may hamog ng luha parin sa gilid ng mga mata ko ay hindi ko parin
maipagkakaila na may init akong naramdaman na bumalot sa puso ko.

This is Hector Dela Merced.

"Get that, Francesca Alde... Dela Merced?"

Binawi ko ang braso ko sa kanya. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Para bang
nababaliwan ako masyado sa sarili ko. Dahil kanina lang ay bigung bigo ako ngunit
ngayon ay wagas makahuramentado ang puso ko.

"Now, be with me... for always."

Umatras ako sa kinatatayuan naming dalawa. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
Kita ko rin ang pag awang ng kanyang bibig. Agad din naman akong naguilty.

"Please, be with me. Sorry sa nakita mo samin ni Elena at sorry din kasi
nagkakamali ka, walang namamagitan samin. Wa'g mo akong itulad sa ex mong hayup."

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong unti unti siyang lumuhod gamit ang isang
paa sa harap ko. Dinungaw ko siya sa ilalim ng madilim na gabi. Tanging
nagpaliwanag lang ay ang mga street lamps ng parking lot sa labas ng Tribe
Lounge. May mga tao sa malayo na nag iinuman sa Hibrid. May mga taong papasok at
palabas ng Tribe Lounge pero ako lang ang nakakakita ng Hector Dela Merced na
nakaluhod ulit, sa pangalawang pagkakataon, sa paanan ko.
Page 445
Jonaxx - End This War

"It's still the same, Chesca. Actually, stronger. Mahal na mahal kita at luluhod
ako sa paanan mo bigyan mo lang ako ng assurance na tayong dalawa sa huli. Na
walang selos na magpapahiwalay satin. Na walang taong makakapaghiwalay sating
dalawa."
Kabanata 69

Maayos

Nang gabing iyon, umuwi kami sa apartment. Walang kibuan dahil sa lahat ng
nangyari. Marami akong tanong. Paano siya napunta sa bar? Anong nangyari kay
Elena sa kanyang condo? Asan ang tito at tita niya? Kaya lang ay hindi ko magawa
dulot ng pagod at pag kakailang.

Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok sa school kahit naka absent na ako sa


unang subject. Ganoon din si Hector. Nagmadali kaming dalawa. Wala siyang damit
kaya uuwi pa siya sa condo niya samantalang ako ay nakabihis at nakaligo na.

"Ihahatid na kita sa school."

"Wa'g na, Hector." Nag iwas ako ng tingin. "Mas lalo ka lang malilate."

"Ihahatid na kita, Chesca." Pag uulit niya.

"Wa'g na sabi." Medyo naiirita kong sinabi.

Nagkatinginan kaming dalawa sa harap ng hapagkainan. Masama ang tingin ko sa


kanya, ganun din siya sa akin.

"Ateng, pahatid ka na." Sabi ni Craig habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang
buhok at nilalantakan ang pagkain namin.

Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi sa bar. Actually, ayaw ko ng malaman
niya dahil ayaw niya kay Clark noon pa, at paniguradong ipapapatay nito si Clark
pag nalaman niyang ganoon ang nangyari. Hindi naman sa pinapanigan ko si Clark o
ayos lang sa akin ang ginawa niya. Oo nga't kahit pagkakaibigan ay maaring hindi
ko na maibabalik pa sa aming dalawa. Siguro kaswal na batian lang. Hindi ko
maipagkakaila na may pinagsamahan kaming dalawa, na may tiwala parin ako na kahit
may nangyaring ganoon ay may natitira paring respeto sa kanya para sa akin.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Hector nang nakarating na kami
sa school. Lumabas din siya at sinundan ako.

"Kaya ko ng mag isa, okay? Wa'g mo na akong ihatid!" Utas ko at pinandilatan


siya.
Umismid siya at bumuntong hininga.

Page 446
Jonaxx - End This War
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinalikuran ako. Umalis na ako sa
pagkakataong iyon at dumiretso sa classroom. PInaulanan agad ako ng mga tanong ng
mga kaibigan ko. Syempre, narinig nila iyong nangyari kagabi.

"Nabalian daw ng buto si Clark. Nasa ospital siya." Umiiling na sinabi ni


Desiree.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang binanggit. Nabalian siya ng buto? Dahil ba iyon
sa mga suntok na ginawa ni Hector? Halos mapatay niya na nga si Clark kung di
lang siya pinigilan nina Brandon kaya malamang dahil nga roon.

"Magsasampa ka ba ng kaso?" Tanong agad ni Tara.


Umiling ako.

Kagabi, napag isip isip ko na talagang hindi na. Una sa lahat, ayaw kong
palakihin ang isyu na ito. Pangalawa, napuna ko ang pagsisisi sa mukha ni Clark
sa mga huling nangyari. Hindi ko alam pero parang ito na iyong naging hudyat para
sa aming dalawa na hindi na talagang magiging kami kahit ano pa ang mangyari. He
broke my trust, big time. At alam ko rin na alam niya iyon.

"Pero dinig ko kay RJ, galit na galit daw si Hector. Baka daw magsampa iyon ng
kaso?"
"Ewan ko. Pero ayaw ko na. Tama na. Ayaw ko ng palakihin ang issue."

Iyon lang ang naging laman ng topic sa araw na iyon.

"Bakit ka ba kasi nasa bar na iyon?"


"Asan ba si Hector nun at ba't di kayo magkasama?"

"Dinig ko kay Brandon siya pa raw mismo ang tumawag kay Hector para isumbong ka?"

BRANDON ROCKWELL! Ito pala iyong traydor at anghel na nagsabi kay Hector kung
nasaan ako. Umiling na lang ako at nakinig sa mga opinyon nila tungkol sa
nangyari. Nang nagtanghalian ay nasa gitna ako ng mga kaibigan ko sa canteen.
Iyon parin ang laman ng mga bunganga nila at hindi ko iyon mapigilan.

Sumusubo ako habang talak nang talak si Queenie nang biglang namilog ang kanyang
mata sabay tingin sa likod ko. Uminom ako ng tubig at ginapangan na agad ng kaba.
Lalong lalo na nung napansin ko na ganoon din ang ekspresyon ni Tara sa likod ko.

"Francesca Alde." Malamig na boses ng matandang babae ang umalingawngaw sa likod


ko.

Page 447
Jonaxx - End This War
Nilingon ko agad at naaninag ko kung sino iyon! Napatayo ako at mas lalo kong
natanaw kung sinu sino ang kasama niya. Nandito si Janine na mukhang hinilamos
ang sariling luha, nandito ang isang kapatid ni Clark, at syempre, ang babaeng
nasa harap ko, ang mommy niya.

"Po?" Tanong ko.

Galing sa istriktang mukha ay unti-unting naging malumanay at maawain kanyang


mukha. Hanggang leeg ang kanyang buhok, may salamin siya ngunit bakas sa mga mata
niya ang pamumugto nito. Medyo mataba siya at naka kulay pula at itim na dress,
bitbit ang kanyang bag sa kaliwang kamay nang hinaplos niya ang braso ko.

"Patawarin mo sana ang anak ko." Pumiyok ang kanyang boses at lumandas ang luha
sa kanyang mga mata.

Napatingin ako sa gulantang kong mga kaibigan.

"Gusto ka niyang makausap." Dagdag niya sabay punas sa kanyang mata.

Nakita kong hinaplos ng kapatid ni Clark ang kanyang ina sa likod. Humikbi din si
Janine sa likuran nila.

"Gusto niyang humingi ng tawad sayo. Sa lahat. Please, Chesca?" Halos humagulhol
siya sa harap ko.

Kitang kita ko ang mga usiserong estudyante na nakatingin. Yung iba ay walang
pakealam. Yung iba ay wala talagang alam.

"Hindi po ako makakapayag doon." Narinig ko ang yapak ni Hector sa gilid ko.

Nilapitan niya ako at hinila niya ako sa likod niya. Agad kong hinawi ang kamay
niyang umaangkin sa braso ko.

"Sino ka ba, hijo? Gusto lang makausap ng anak ko si Chesca. I've always liked
her for my son." Nabasag ang boses ni tita.
"Lalong hindi ako makakapayag. Ma'am, ako po yung fiancee ni Chesca Alde. Hector
Dela Merced." Naglahad pa ng kamay si Hector kahit halatang galit ito.

Dinungaw ng mommy ni Clark ang kanyang kamay bago ito tinanggap at tumingala ulit
kay Hector.

"Kung umaasa kayong magkakabalikan ang dalawa, na maayos pa ang relasyon nila,
Page 448
Jonaxx - End This War
nagkakamali kayo dahil hindi na maayos ulit. Kami ng dalawa at kahit walang
nangyaring ganun ay hindi parin siya papayag." Dire diretsong sinabi ni Hector na
parang basang basa niya ang aking utak.

Hinawakan ko ang braso niya at hinarap ang mommy ni Clark na ngayon ay gulat na
gulat sa sinabi ni Hector.

"Tita." Utas ko. "Sige, po. Papayag ako."

"Chesca? Ano? Anong sabi mo?" Tanong ni Hector.


HIndi ko siya nilingon at nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita kay tita. "Pero
wa'g po kayong umasa na magkakabalikan kami ni Clark."
Tumango ang mommy ni Clark. "Hindi ako umaasa, hija. Gusto ko lang na makahingi
siya ng tawad. Ito lang yung rason kung bakit gusto ko rin kayong magkita. Hindi
para kumpunihin ang nasira, kundi para lang mag sorry-"

"Hindi ako tumatanggap ng sorry-" Singit ni Hector kaya agad ko siyang tinulak ng
bahagya.

"Sige po."

Ito lang ang naisip ko na paraan para may closure kaming dalawa. Gusto kong
linawin sa kanya na kaswal na lang talaga kaming dalawa. Hindi na kami pwedeng
maging magkaibigan at higit sa lahat, tanggapin niya na na hindi ko na maibabalik
pa ang dating pagtingin.

"Hindi ako makapaniwalang papayag ka, Chesca! Tsss!" Reklamo ni Hector nang
papunta kami sa sasakyan niya.

"Just drive, Hector." Utos ko na ikinaiirita niya.

"He raped you! Almost!" Punto niya. "At may gana ka pang magpakita? At makikipag
usap ka pa? Paano kung bigla ka niyang sakmalin?"

"WHAT?" Nagulat ako sa sinabi niya.


"Paano kung pagtangkaan ka niya ulit?"

"For God's sake he's helpless! Nabalian siya ng buto sa braso at sa ribs! Hindi
siya makagalaw kaya nasa ospital siya! Pwede ba?"
"No. No. No." Umiiling siya habang hinihila ko ang pintuan ng sasakyan niyang
sarado. "This isn't okay with me, Ches. You are not going there."

Bumuga ako ng hininga at inirapan siya.

"Kung ayaw mo, edi aalis ako mag isa! Mag tataxi ako!" Umamba akong aalis pero
hinapit niya agad ang baywang ko.
"GOD DAMN IT! Hawak mo ako sa leeg! Shit!" Bulong niya sa kanyang sarili at
padabog na pinatunog ang sasakyan.

Page 449
Jonaxx - End This War
Muntik na akong ngumisi sa sinabi niya. Nahirapan akong magpakitang galit sa loob
ng kanyang sasakyan kaya tumingin na lang ako sa labas.

"Okay fine! Papayag ako na pupunta tayo doon pero sa isang kundisyon!" Aniya.
"Whatever."

"Sa loob ng kwarto, kailangan nandoon ako."

Humugot siya ng malalim na hininga at umiling para kausapin ang kanyang sarili.

"Pero baka mapatay ko yun pag makita ko."

"Ano, Hector?" Tanong ko.


Inirapan niya ako at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Hindi gaanong traffic kaya tingin ko ay mabilis kaming makakarating sa ospital.


Nauna na ang mommy ni Clark doon kasama ang kanyang kapatid at si Janine.
Sinubukan naman ni Hector na makipag usap sa akin tungkol sa nangyari kagabi
ngunit hindi ko siya masagot ng mabuti.

"So... hindi pa tayo nag uusap tungkol sa lahat ng nangyari pero bakit ka nasa
isang bar kagabi?" May awtoridad ang tono niya nang tinanong niya ito.
"I'm not in the mood to answer your questions now, Hector." Utas ko.

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.

"Chesa, may karapatan ako sayo kaya sagutin mo ang tanong ko."
"Tsss! Of course pupunta ako doon kasi yung lintek kong boyfriend ay
nakikipaglampungan sa ibang babae! I went to your condo para lang makita ka na
kasama mo si-"

"Alright! Alam ko na ang parteng iyan pero pag ba nagseselos ka ay maghahanap ka


agad ng mapagkakatuwaan, ha?" Medyo galit niyang sinabi.
"Mapagkakatuwaan? Bakit? Natuwa ba ako sa bar na iyon? Tingin mo? Mabigat ang
puso ko nun, Hector! Syempre dahil nakita kita sa iba! Paano ako magiging masaya?
Tsss."
Ngumuso siya at nanatili ang kanyang mata sa kalsada. "Ang sinabi ni Brandon sa
akin ay ilang beses ka rawng ngumisi at tumawa doon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon? Hindi porke't ngumingisi
ako ay masaya na ako!"

Kaya nagtalo kami buong byahe papuntang ospital. At nang nakarating kami sa
ospital ay hindi ko na makapa kung ano yung dapat kung gawin, dapat sabihin,
dahil masyado akong naging preoccupied kay Hector! At ang linsyak ay di parin
tumitigil kahit na papalapit na kami sa kwarto. Buti sana kung may katuturan ang
Page 450
Jonaxx - End This War
pinagtatalunan namin, eh wala.

"Yung kama mo hinahakot na ni Craig ngayon. Siguro papunta na yung kama mo sa


bahay niyo-"
"ANO? Bwisit ka!" Sinapak ko na kahit na naka ekis ang kanyang braso para
masangga ang sapak ko.

Biglang bumukas ang pintuan njg kwarto at bumungad sa amin ang mommy ni Clark.
Natahimik kaming pareho.

"Chesca! Nandito ka na!" Nakangisi ngunit malungkot parin ang kanyang mga mata.

Nilingon niya si Hector bago kami pinapasok. Pagkapasok ay kita ko agad ang pag
aliwalas sa mukha ni Clark. Habang si Hector naman ay naestatwa sa may pintuan
nang nakakuyom ang kamao.

"Maiwan ko na muna kayo." Anang mommy ni Clark.

Tumango ako. Nakita kong nilingon ng mommy ni Clark si Hector ngunit ako na mismo
ang nagsalita dahil nag alab na ang galit sa mata ni Hector. "Ayos lang po siya.
Dito lang po siya." Sabi ko.

Tumango ang mommy ni Clark at sinarado ang pinto.


Bumaling ako kay Hector na ngayon ay halatang nag pipigil ng emosyon. "Chill o
papalabasin kita."

Napatingin siya sa akin at umismid. Ngumuso ako at lumayo sa kanya para lapitan
si Clark.

"Clark." Utas ko.

Napansin ko ang may band aid niyang pisngi, naka semento niyang kanang braso at
naka bandage na dibdib kahit na may nipis siyang puting t-shirt. Halata ang
pamumugto ng kanyang mga mata at pamumungay ng mga ito habang tinitingnan ako.

"I'm sorry." Nabasag ang boses ni Clark.

Tumango ako at napalunok.


"Sorry sa ginawa ko, Ches. Sorry." Ulit niya.
"Alam ko. HIndi ko lang alam kung mapapatawad ba kita ng mabilis o ano, Clark.
Pero tanggap ko ang sorry mo."

Binalot kami ng katahimikan. Tanging narinig ko lang ay marahang paghikbi niya.


Pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siya at naririnig ang kanyang mga hikbi.
Dinungaw niya ang kanyang kamay na nanginginig.

Page 451
Jonaxx - End This War

"Hindi ko alam na kaya ko yung gawin, Ches. It's just that... I was too drunk and
too desperate for you!"

Dinig ko ang maingay na tikhim ni Hector sa likod. Medyo nababalisa na siya dahil
dinig ko rin ang kanyang paa na pa apak apak sa sahig.

"Clark, wa'g ka ng mag explain. It's all futile. I came here para may closure
tayong dalawa. Para klaro." Sabi ko kahit na nahahabag na ako sa pagpikit niya at
sa pag buhos ng kanyang luha.

Hinayaan ko muna siyang umiyak. Habang tinitingnan ko siya ay naiiyak din ako.
Dahil naaalala ko ang lahat. Dahil alam kong kung walang pagkakamaling mga
desisyon ay hindi kami magkakaganito. Hindi nga ba? Mali. Dahil kung hindi
nagkamali si Clark at Janine noon, maaring ako naman ang magkamali dahil kay
Hector. Na nakatadhana na na mabuwag kaming dalawa. May mga tao lang talagang
dadaan sa buhay mo para turuan ka ng leksyon, turuan kang mag mahal, pero hindi
ibig sabihin nun na mananatili na siya sa buhay mo. Dadaan lang sila para sa
dahilan na iyon at hanggang doon lang iyon.
Tumango si Clark at suminghap. Kinusot niya ang kanyang mga mata at tumango tango
ulit.

"I don't think we can be friends again." Sabi ko.

Tumango ulit si Clark kaya nagpatuloy ako.

"At tanggapin mo sana na hindi na talaga pwede. May ibang buhay na ako ngayon.
Gusto ko magkalinawan tayo. Let's all move on, Clark."
"Okay, Ches. Pangako. Di na ako manggugulo ulit." Sabi niya. "I'm sorry."

Para akong nabunutan ng tinik sa pag uusap naming dalawa. Kahit na mas matagal
ang oras ng katahimikan kesa sa doon sa nagsasalita kami ay naging mainam din
iyon para mabawasan ang tensyon.

"Sorry din, Hector, pare." Nagulat ako nang sinabi iyon ni Clark.

HIndi nagsalita si Hector. Nilingon ko siya at bakas parin ang galit sa kanya.
Alam ko. Hindi niya matatanggap ito. Kahit anong mangyari, di ito matatanggap ni
Hector. Kahit ilang milyong beses pang mag sorry si Clark.

"And I understand if you won't ever forgive me."

Natahimik kami nang biglang bumukas ang pintuan. Hilaw na ngumisi ang mukhang
Page 452
Jonaxx - End This War
aksidenteng nakapasok niyang kapatid. Nag peace sign siya ngunit di siya umalis
dahil may mga kasama siya. Nagulat ako nang nakita ko ang iilang kasamahan ko sa
modeling industry. Naroon din si Janine, Billy, at JV. Maingay sila at may dalang
prutas at kung anu ano pa.

Hindi ko mawari kung ano itong binibigay nilang ekspresyon. May halong saya at
tabang. Tabang dahil alam nila kung anong nangyari ngunit di nila mabitiwan si
Clark dahil kaibigan nila ito at mabait itong tao.

Hinapit ni Hector ang baywang ko kaya agad namang nawala ng parang bula ang mga
iniisip ko tungkol sa lahat ng pumasok.

"Be out in three minutes. Sa labas ako maghihintay." Aniya at binitiwan din ako
bago umalis.

Ngumuso ako at naisip na sana sumabay na lang ako sa kanya. Ngunit ang presensya
ko dito kasama si Clark at ang mga kaibigan namin ay siyang naging dahilan kung
bakit medyo naging maayos ang lahat. Hindi nila alam ang buong istorya dahil ayaw
ko rin namang ikwento ang lahat, ang importante ay nakita nilang maayos kaming
dalawa. Na kahit hindi na namin maibabalik kung ano ang nawala, ay hindi rin
namin kinaligtaan kung anong naging meron noon.

Nginitian ko silang lahat bago ko pinihit ang pintuan at lumabas sa ospital.


Nakangisi na ako pagkalabas ko nang nakita ko na naman si Elena, kausap si
Hector.

"Oh my God!" Napairap ako at umiling na lang.


"Che-Chesca!" Sigaw agad ni Hector nang paalis na ako para iwan siya.

Eto na naman. Tangina. Wala na bang katapusan? Alam kong wala naman silang
ginagawang masama pero... please... give me a damn break!

---------------------------------------------------------------------------------
--
Kabanata 70
Tattoo

Hinabol agad ako ni Hector. Hindi pa ako nakakalayo ay naabutan niya na ako at
hinarap sa kanya. Naaninag ko agad ang medyo stressed na pagmumukha ni Elena sa
di kalayuan. Huminga ng malalim si Hector at tinitigan ako.

"Nagkasalubong lang kami. Na ospital si tito." Paliwanag niyang hindi ko naman


hiningi.
"Okay. Sige." Sabi ko at umamba ulit na aalis pero pinigilan niya ako.

"Come on, Ches. Kakaayos lang natin." Aniya sabay tingin ng matatalim sa akin.
Page 453
Jonaxx - End This War

Sinulyapan ko ang lumulunok na si Elena. Mukha siyang stressed at nakakaawa.


Syempre, may sakit ang daddy niya, e. Ayokong maging mean sa kanya ngayong ganito
ang sitwasyon kaya lang hindi ko maiwasan dahil sa nangyari kagabi.

"Ano? Dito ka na lang muna?" Mahinahon kong tanong kay Hector.


Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong mabuti. "Nababaliw ka na ba?"
Pabulong niyang tanong.
"Your friend needs you, Hector. Baka gusto mong dito ka muna?" Tanong kong
seryoso.
"Hindi, Chesca, uuwi na tayo-"

"Chesca." Nakita kong humakbang palapit ang nakaputing t-shirt at maong pants na
si Elena.

Kumpara sa mga soot niya noon ay mas simple ito. Siguro naman, diba? Sino ba ang
pupunta ng ospital na may soot na dress gayung naoospital ang daddy niya?

Yumuko siya nang nakalapit na ng tuluyan sa amin, "I'm sorry sa lahat ng nasabi
ko." Aniya na para bang nangungumpisal na. "Yung tungkol sa FHM."
Tumango ako. Ayaw kong maging malupit pero hindi ko kayang magpakaplastik. "Okay
lang naman." Bahagya akong umirap.
Nag iwas ng tingin si Elena at sumulyap kay Hector.

Hindi ko alam kung paranoid ba ako o alam ko ito dahil babae rin ako. May
pagtingin talaga siya kay Hector. Isang pagnanasang kahit anong gawin niya ay
mahirap iwaksi sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Nadatnan ako ni Elena na
ganoon kaya nag iwas agad siya ng tingin sa amin ni Hector.

"Sige, maiwan ko na kayo." Mahina niyang sinabi.

"Sige, Elena. Ikamusta mo na lang ako kay tito." Ani Hector.


Tumango si Elena ngunit di siya nag angat ng tingin kay Hector.

Nanliit ang mga mata ko. Hinintay ko siyang tumalikod sa amin at pinanood ko ang
pag alis niya. Nakahawak na si Hector sa braso ko at hinihigit niya na ako paalis
doon.

"Let's go." Utas niya ngunit di ako nakinig. Imbes ay sinundan ko ng tingin si
Elena paalis doon. "Chesca, tayo na." Ani Hector.

Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong unti-unting humina ang paglalakad ni
Elena. Nakita ko rin ang paunti unti niyang paglingon sa amin ni Hector. Pinanood
kong mabuti at nabanaag ko ang kumikislap na luha sa kanyang mga mata nang
Page 454
Jonaxx - End This War
natagpuan nito si Hector.

Nanlaki ang mga mata ko. She's crying for him! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Chesca?" Tawag ng walang kamuwang muwang na si Hector sa gilid ko.

Nanlaki din ang mga mata ni Elena nang nakitang nakatingin ako sa kanya. Agad
agad ay binawi niya ang titig niya kay Hector at tumakbo na siya at lumiko para
mawala na sa paningin ko. Unti unti ko namang nilingon ang nakataas na kilay ni
Hector.

"Ano? Tulala ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi niya nakita iyon. Hindi niya nakita ang pag iyak ni Elena na paniguradong
dahil sa kanya. Ang swerte naman talaga ng lalaking ito at madali siyang mahalin.
Lahat ata ng napapalapit sa kanya ay paniguradong magmamahal. Pero sakin... sakin
hindi pwede yun. Ako lang dapat. Nilingon ko ulit ang kinatatayuan ni Elena
kanina bago ako sumama sa kanya palabas ng ospital.

"Anong pinag usapan ninyo ni Clark?" Tanong niyang halatang may bahid na
pagdududa nang papasok na kami sa sasakyan niya.

Umirap ako. "Kung ano ang pinag usapan namin nung nandun ka, yun na yun." Sabi
ko.

Tinitigan niya ako bago pinaandar ang sasakyan pagkapasok niya.

"Ikaw? Anong pinag usapan ninyo ni Elena?"

Nagkasalubong ang kilay niya. "Yung nangyari sa daddy niya. Bakit? Nagseselos
ka?"

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.


Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Imbes
ay tinarayan ko na lang.

"Ba't ako magseselos? Tsaka, paandarin mo na nga iyong sasakyan." Utas ko.
"Asus! Dumideny pa, e, alam ko naman na mabilis kang magselos." Natatawang sinabi
ni Hector.

Umirap na lang ako sa kawalan buong byahe. Ni hindi ko alam kung saan kami
patungo pero base sa mga dinadaanan ay siguro sa bahay kami pupunta. Nabanggit
niya rin namang lumilipat na ng paunti unti ang kapatid at pinsan ko doon. Gusto
kong umangal pero magmumukha na talaga akong tanga kung nandito na lahat ng gamit
ko sa bahay na ito.

"Bibisitahin natin ang kapatid mo." Aniya sabay sipol na parang ang saya niya.

Page 455
Jonaxx - End This War

Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang kinaiinisan ko ngayon. Basta naiirita


lang ako at hindi ko siya magawang sabayan sa kanyang kaligayahan.

Itinigil niya ang sasakyan sa bahay na miss na miss ko na. Walang pinagbago ang
maitim naming gate. Lumingon ako sa bakanteng lupa na matalahib sa tapat ng
bahay. Bakante pa rin iyon. Wala pang nakakabili kaya kitang kita namin pababa
ang buong village. Tumingala ako sa veranda namin. Pag naroon ka ay ang buong
syudad na ang makikita mo.

Excited akong nag doorbell. Ngunit nagulat ako nang binuksan lang iyon ni Hector
nang walang kahirap hirap. Ngumisi siya sa akin at naglahad siya ng kamay para
imuwestrang papasok ako.

Nakataas ang kilay ko papasok ng bahay. Walang pinagbago ang glass doors at
sliding windows namin. Naroon parin ang japanese inspired fountain sa garden at
naroon din ang bagong sasakyan ni Teddy sa garahe. Para na talagang inangkin ng
mga tiyanak ang lugar na ito. Hindi ba sila nahiya kay Hector?

"Hello?" Sigaw ko nang nakapasok at napansing walang tao roon. "CRAIG! TEDDY
BEAR!" Sigaw ako nang sigaw.

At home na at home parin ang pakiramdam ko nang hinalughog ko ang buong unang
palapag. Si Hector ay naroon lang malapit sa pintuan at nakapamulsa habang
pinagmamasdan ako.

"CRAIG! TEDDY!" Sigaw ko ulit.

Napatalon ako nang padarag na nabuksan ang pintuan ng kwarto ni Craig sa taas.
Tumingala ako at nakita ko siyang topless at magulo ang buhok. Humikab siya nang
dinungaw kami ni Hector sa sala. Kumulo agad ang dugo ko dahil sa mga bumahang
litrato sa isip ko. Pakiramdam ko may dinadala siyang babae dito!

"Sinong kasama mo?" Hindi madedeny sa boses ko ang galit.


Tumigil siya sa paghikab at humalakhak. "Chill, ateng, walang babae." Parang
nabasa niya ang iniisip ko. "Ang possessive mo kahit sakin." Sumulyap siya sa
likod ko, alam kong si Hector ang sinulyapan niya.
"Uh-huh?" Sabi ko habang umaakyat na sa hagdanan para icheck ang kwarto ng
kapatid ko.

Tumatawa sila ni Hector sa ginagawa kong paninigurado. Umamba akong bubuksan na


ang kanyang kwarto.

"Go on, Chesca. Feel free. This is your house." Natatawang sinasabi ni Craig.

Page 456
Jonaxx - End This War

Binuksan ko iyon at nagulat ako dahil walang babae sa loob. Ngunit nang ibinalik
ko ang tingin ko kay Craig ay galit na galit na akong tinuturo ang kama.

"BAKIT NASAYO ANG KAMA KO?" Sigaw ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para icheck kung kaninong kama ang gagamitin ko
ngayon. Nang binuksan ko ang puting pintuan ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang
isang kwartong puno ng mga box na pag aari ni Craig at Teddy.

"A-Anong nangyari sa kwarto ko?" Nanginginig ang labi ko habang tinitingnan ang
mga box doon at inisa isa.

Walang kahit isang box na pag aari ko! Nakangisi si Craig na nagmamasid sakin
habang nahihirapan sa paghalungkat ng iba pang box.

"Nasaan ang mga gamit ko, Craig? Yung mga damit ko!" Pasigaw kong sinabi habang
nanghahalungkat.

Nilingon ko ang nakangising si Craig. Sa likod niya ay nakita kong nakahalukipkip


si Hector at madilim ang titig sa akin.

"Asan?" Tanong ko.

"Tinapon ko na yung lumang kama ko." Ani Craig. "Ang luma na nun, e."

"Asan ang ibang gamit ko? Paano ako matutulog kung wala akong kama? Share tayo?"
Tanong ko sa kanya.

"No one... will share with you, Chesca." Seryosong utas ni Hector sa likod ni
Craig.

Humakbang siya ng paunti unti patungo sa akin. Diretso ang titig niya at puro
mabibigat. Dahil doon ay dinalaw na naman ako ng kumakalabog sa bilis at lakas na
pintig ng puso ko.
"You will be on my bed, from now on." Aniya.

"Ha?"
Nag igting ang bagang niya. "Nasa condo ko ang gamit mo. Doon ka na titira."
Hindi siya nanghingi ng opinyon, iyon na talaga ang katotohanan para sa kanya.

"Pero Hector-"
"Hindi pa tayo kasal? Hindi pa pwedeng tumira sa iisang bubong? Chesca,
magpapakasal tayo."
Kinagat ko ang labi ko.

"See, ateng? Doon ka na sa kanya kaya wala kang gamit dito. Doon ka uuwi."
Page 457
Jonaxx - End This War
Humalakhak si Craig at nakipag high five kay Hector.

Napangiwi ako sa kanilang dalawa.

"Ayoko! Dito ako matutulog!" Sinabi ko agad.

Nakita kong napaawang ang bibig ni Hector sa idiniklara ko.

"What?" Nilagpasan ko ang nagtatanong na si Craig.


"Kukuha ako lang ako ng meryenda sa ref. This is my house, Craig." Sabi ko at
dumiretso sa baba.

Nangatog ang binti ko pagkapunta ko sa kusina. Pinaypayan ko na agad ang sarili


ko dahil pinagpapawisan na ako ng malamig. Oh my gosh? Si Hector at ako sa iisang
bubong? At narinig mo ba yung namutawi sa labi niya? Magpapakasal kami? Okay lang
sakin! Ay! Sinabunutan ko agad ang sarili ko.

"Pero ayaw ko pa munang magkaanak." Kinagat ko ang labi ko habang umiiling.

Binuksan ko ang ref at nakita kong may mga pagkain doon pero madalas ay processed
foods. Hay! Boys!

"Kung ganun kailangan kong matutong magluto?"

Pumikit ako sa kabaliwang iniisip ko. Bakit kaya taliwas ang ipinapakita ko kay
Hector sa mga nararamdaman ko? Bakit hindi ko madiretso sa kanya na gusto ko? Na
mahal ko siya? Na gusto ko ring magpakasal kami?

Para mawala ako sa mga iniisip ko ay napag isipan kong gagawa na lang ako ng
sandwich. Oo, dahil iyon lang sa ngayon ang kaya kong gawin sa kusina. Kinuha ko
ang mga ham, lettuce, kamatis, cheese, at kung anu ano pa. Ni toast ko yung slice
bread at nilagay sa plato. Dinig ko na ang ingay ng TV namin sa sala habang nag
uusap ng malakas si Craig at Hector tungkol sa basketball sa TV.

Binitbit ko ang tray na may lamang sandwich at juice para sa aming tatlo. Uminit
ang pisngi ko nang nakitang nakaupo si Hector sa sofa at nakalahad ang braso niya
na parang hari. Agad niya akong tinitigan na papalapit doon habang si Craig ay
talak nang talak tungkol sa paburito niyang Miami Heat.

"K-Kain muna kayo." Sabi ko at nagkagat agad ng labi dahil sa panginginig nito.

Page 458
Jonaxx - End This War
Yumuko ako para ilapag ang tray sa mesa. Sumulyap ako kay Hector na mainit na
nakatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko pero ipinagpatuloy ko ang
ginagawa ko. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko na titig na titig sa akin
ngunit hinayaan ko na lang. Nang sinulyapan ko ulit ay nakita kong nakatingin
siya sa dibdib ko.

"Oh?" Napatingin ako sa dibdib kong medyo kita ang cleavage habang nagsasalin ng
juice sa baso.

Agad akong tumayo ng maayos at pinagtaasan siya ng kilay. Nagtaas din siya ng
kilay. Ni hindi siya nahiya na binosohan niya ako! Umismid na ako sa kanya pero
nagpatuloy siya sa pagtataas ng kilay at sa unti unting pag angat ng labi niya.

"Ewan ko sayo, Hector!" Sigaw ko at inirapan siya bago umalis doon at nagtungo sa
kusina.

"Ano yun, ateng?" Sigaw ni Craig na agad ding nawala dahil sa panonood niya ng
basketball.

Huminga ako ng malalim habang nasa sink ako at pinaypayan ulit ang sarili.

"Gaaah! Hindi pwede to! Lintek na manyak!" Bulong ko sa sarili ko nang biglang
may humawak sa magkabilang baywang ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko lalo na nang ibaon ni Hector ang kanyang mukha
sa leeg ko. Hinarap ko siya at agad tinulak dahil naghuramentado na ang puso ko.

"Ikaw? Ang manyak mo talaga!" Sabi ko nang tinuro siya.


Natatawa siya nang pinagmasdan akong umuusok sa galit at maaring namumula ang mga
mata.
“Ano ngayon kung akin ka naman?” Umamba siyang lalapit sa akin pero nilayuan ko
agad siya.

“Ang manyak mo! Hindi pa tayo bati! Tumigil ka!” Sabi ko.
Humahalakhak na siya at unti unti na akong sinusundan.
Nakita kong bumilis ang galawa niya. Tatakbo na sana ako sa sala nang walang
kahirap hirap niya akong hinapit at kinulong sa kanyang mainit na bisig.

“Huli ka!” Tumawa siya.

Sinapak ko siya ngunit umilag lang at di nagpatinag. Hinawakan niya ang baba ng
kilikili ko at nagsimula siyang mangiliti. Hindi ko talaga kaya pag kinikiliti
niya ako. Para akong kinukuryente kaya tawa at piglas ang naging reaksyon ko.
Hindi siya tumigil kahit na nasasaktan ko na siya sa pagpiglas ko.

“Please, Hector, stop it!” Tangis ko.


Page 459
Jonaxx - End This War
“Oh no, no, no, Chesca.” Humalakhak siya. “I won’t stop until you say we’re going
home. Gusto na kitang iuwi. Yung tayong dalawa lang.” Aniya.
Tinutulak ko na siya dahil nagpatuloy ang pangingiliti niya. Ni hindi ko na
masabi ng mabuti ang dapat kong sabihin.
“O baka gusto mong dito mismo sa kusina ninyo, Ches? Ha?” Ngumisi siya at idiniin
niya ang kanyang sarili sakin.

Napapikit ako nang naramdaman ko siya. Uminit ang pisngi ko at itinulak ko ulit
siya. “Ano? Sasapakin kita diyan, eh!” Pabulong kong sinabi.

“Edi kung ayaw mo, sa condo natin.” Aniya at mabilis akong hinatak palabas ng
kusina.

Ni hindi ko na naayos ang damit kong ginusot ng pangingiliti niya at ang buhok
kong parang dinaanan ng bagyo. Nag angat ng tingin si Craig at umiling nang
natagpuan kaming dalawa.

“Uwi na kami ng ate mo, Craig. Dito ka lang. Be a good boy.” Tumatawang sinabi ni
Hector. “Kunin ko na ito.” Aniya at kumuha ng dalawang sandwich sa tray. “Para
sakin ‘to, e. Kakainin ko.”

“Okay, whatever bro. Alis na kayo. Ingat kayo. Ingat, ate.” Kumindat ang lintik
na si Craig sakin.

Ito na talaga ata ang lalaking gusto niya para sakin. Kasi noong si Clark pa ay
lagi siyang nambabara at laging mukhang galit. Pero ngayon? Nagawa pang magbilin
ng ‘ingat’.

100kmph ang takbo ng Jeep Commander ni Hector. Ganun na ba talaga siya ka


excited? Ni hindi niya ni park ng maayos sa parking lot iyong sasakyan niya.
Hinigit niya lang ako patungo sa elevator at sa isang iglap ay nasa condo na ulit
kaming dalawa. Nagulat ako dahil masyado iyong magulo. May mga box doon na
nakapatong sa sala.

“Mga damit ko?” Tanong ko.

Hinagkan niya ako galing sa likod habang binubuksan ko ang mga box para tingnan
kung damit ko ba iyon.

“Hindi.” Bulong niya.

Nang buksan ko ang mga box ay nakita ko ang limpak limpak na FHM, yung edition
lahat kung saan naroon ako! Ibig sabihin lahat ng box dito sa sala ay FHM ang
laman? Tanta ko ay mga fifteen ka box ang naroon at may higit 50 siguro ang
magazine sa loob.

“Hector?”
Page 460
Jonaxx - End This War

Hinalikan niya na ng marahan at paunti unti ang balikat ko. Pinaglalaruan niya na
rin ang baywang ko.

“Hector, binili mo lahat ng ito?”

“Uh-huh.” Aniya habang hinahalikan pataas ang leeg ko.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil sa init na naramdaman sa mga halik niya. Hindi ako
makapaniwala na binili niya ang lahat ng ito. Sigurado akong kaya siya tumigil sa
pamimili ay baka na kontak niya na mismo ang publisher o ano? I know Hector, at
gagawin niya ang lahat para lang matigil ang production nito. Hari siya, at sanay
siya na siya ang batas. Sa akin lang ito tumitiklop at lumuluhod.

“Miss na miss na kita, Chesca. At mahal na mahal kita. Gusto ko tayong dalawa
lang talaga.” Bulong niya.

Hinarap ko siya. Hindi ko mapigilang ngumiti lalo na pag nakikita ko siyang


seryoso at diretso ang titig sa akin. Kinulong ko ang pisngi niya gamit ang palad
ko.

“I miss you too, Hector. Mahal na mahal din kita. Sobra sobra.” Utas ko.
“Well then...” Hinaplos niya ang aking pisngi. “Let’s end the war, Alde. Marry a
Dela Merced and the whole rancho is yours.”

“Hindi naman iyon ang gusto kong angkinin, Hector. Yung puso mo.” Ngumisi ako.
“Pero angkin mo na ang puso ko. Kahit noong umalis ako. Angkin mo ito kaya
kailangan ko ring angkinin ang iyo, Chesca.”
“Iyo din ako, Hector.” Ngumisi ako.

Nagkagat siya ng kanyang labi at bigla niya akong binuhat. Napatili ako at
napatawa sa pagbuhat niya sa akin. Diretso ang lakad niya sa kwarto niya. Tinapon
niya ako sa kama niyang kulay blue. Agad siyang tumungtong doon at mariin akong
siniil ng halik.

“Holy shit, you really turn me on so much when you’re on my bed.” Ngumisi siya.
“Pagnakikita kitang nasa kama ko, gusto agad kitang hubaran.” Bulong niya.

Halos mawala ako sa aking ulirat sa kanyang sinabi at sa pagsiil niya ng halik
ngunit may naalala ako.

“At twing naiisip kong nasa kama ka ng iba, para akong namamatay. Chesca... you
are all I have. You can’t leave.”

Page 461
Jonaxx - End This War
Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako. Nagdilim ang kanyang titig na para bang
sa unang pagkakataon, magpapakita siya ng kanyang kahinaan sa akin. Sa unang
pagkakataon, aaminin niya na ako... na ako lang ang makakawarak sa kanyang buhay.
Na sa oras na tatalikod ako sa kanya ay madudurog ang buong pagkatao niya.
Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang takot sa kanyang mga mata. Umiling
ako at ngumisi.

“No, Hector. I won’t.” Sabi ko at unti unti siyang tinalikuran.

Nakita ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata pero ipinagpatuloy ko ang ginagawa
ko. Unti unti kong tinanggal ang damit pang itaas ko at binahagi ko ang buhok ko
upang makita niyang mabuti ang nakatatak sa balat ko.

“See? I’m for you.” Sabi ko at hinarap siya.

Nakita ko ang laglag niyang panga at ang mabilis na pagkislap ng namumuong luha
sa kanyang mga mata. Tumawa siya kaya lumandas ang isang takas na luha. Umiling
siya at tumawa ulit. Hindi ko maintindihan kung ano itong naramdaman ko nang
nakita siyang umiyak dahil dito. It was overwhelming and heartwarming.

“No, that’s not a tattoo.” Aniya.


“It is, Hector. Permanent.” Sabi ko.

Umiling ulit siya at tumawa. Para bang hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon
para sa kanya.

Ipinakita ko ulit iyon sa kanya. Natulala siya ng ilang sandali kaya nilapitan ko
siya at hinalikan sa labi.

“Kasi masyado kang insecure. Kasi gusto mo ng may marka. Eto na at minarkahan ko
na ang sarili ko. Iyong iyo ako, Hector. Nang buong buo.”

Kinagat niya ang kanyang labi at hinalikan niya rin ako.

“Damn, I love you so much, Francesca Dela Merced.” Nakatitig niyang sinabi sa
akin. “Sinong nagtattoo niyan?” Tanong niyang bigla.
“Uh... Basta kilalang artist.”
Ngumuso siya. “I hate the thought of someone touching you.”

Umismid ako. “Hector! Pangalan mo naman ang pinatattoo ko. Tsaka professional
naman yun.” Tumawa ako at bigla niyang inatake ang labi ko.

Napahiga ako sa kama niya at nagulat ako sa mga malalalim niyang mga halik.
Gumapang ang kamay niya sa likuran ko para diretsong kalasin ang bra ko. Nilaro
niya ng isang kamay ko ang dibdib ko at ang isang kamay niya naman ay gumapang sa
Page 462
Jonaxx - End This War
gitna ng hita ko.

“Hector!” Tawag ko habang nakapikit at nalalasing sa kanyang halik. “Baliw ka


talaga!”

Bumaba ang halik niya sa gilid ng labi ko, sa leeg ko, sa collarbone. Paunti unti
iyon at habang tumatagal ay lalong umiinit at nangingiliti.

“You are mine, Chesca. Just mine. You were made for me.” Bulong niya habang
binubuksan ang shorts ko at mabilis na pinasok ang kamay niya doon.

Napapilipit ako nang naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa tela ng panty ko.

“Damn it, baby, I’m so turned on right now. Nakatatak ako sa balat mo!”

Kinagat ko ang labi ko dahil halos di ko na marinig ang mga salita niya dahil sa
mga ginagawa niya sa akin. Binaba niya na ang lahat sa akin at ibinahagi niya ang
mga binti ko. Ni hindi ko namalayan na wala na rin siyang damit! Nang dumilat ako
ay nakita ko na lang ang nakakawalang ulirat niyang burning abs. Hinawakan ko ito
at hinaplos pero hindi nagtagal ay pumikit ako dahil sa pagpasok.

“Uuwi tayo ng Alegria sa Sabado. We’ll plan the wedding. Baka di ko mabunot to.
Congratulations, you’ll be pregnant.” Tumawa siya at nagsimulang gumalaw.

Thank you po dahil umabot kayo dito. MEDYO SPG. Kaya yung mga conservative, wag
na lang bumasa. hehe. Thank you again. Kita tayo sa Until He Was Gone.

-------------------------------
Ang Katapusan

Humagalpak si Mathew sa katatawanan. Nasa loob kami ng canteen ngayon at


pinapanood ko silang nag uusap tungkol sa bukambibig na babae ni Koby.

"Alam niyo naman ang taste nun." Tumawa si Oliver.


Umiling ako at napangisi.

Panay kasi ang pagyayabang ni Koko tungkol sa isang babaeng taga Maynila daw.
Makinis, maganda, maputi, matangkad, mahaba at umaalon ang buhok, at higit sa
lahat ay nagpapakita daw ng motibo sa kanya. Hindi makapaniwala sina Mathew at
Oliver sa kanyang sinasabi kaya ipinangako niyang ipapakilala niyo ito ngayon.

"Guys, ito nga pala si Chesca." Ngumisi si Koko.


Page 463
Jonaxx - End This War
"Sino yan, Koko? Taga kabilang bayan?" Natatawang tanong ni Kathy.

Nilingon ko ang babaeng nasa likod ni Koko. Tingnan natin kung worth it ba ang
paglingon ko o walang kwenta. Nagtaas agad ako nang kilay nang nakitang tiningnan
niya rin kami isa-isa. Ngumuso ako nang napagtanto na maganda nga itong dala
niya. Makinis, mahabang umaalon ang buhok, maganda ang tindig ng mga binti,
mapupungay ang mga mata, purmado ang mga kilay at mukhang malambot ang labi.
Talaga? May motibo kay Koby Marasigan ang ganito ka gandang babae?

Nagpigil ako ng ngiti nang nakita kong nag second look siya sa akin. Ano?
Nagsisisi ka kasi si Koko ang binigyan mo ng motibo at hindi ako? Tumingin ako sa
table ng canteen at unti unti itong tinapik sa aking daliri. Nakatitig parin ang
babaeng iyon sa akin.

"Hindi, si Chesca ay taga Maynila." Ani Koko.


"GF mo?" Tanong ni Reese.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko. Nakatingin na iyong babae kay Koko.
Lumalapit si Koko sa kanya. Kung totoong may gusto siya kay Koko, dapat ay
gaganahan siya sa ginagawa niya. Ngunit sa mga nakikita ko ay parang umiilag pa
siya.

"Hindi... pa." Nakangising sambit ni Koko sabay akbay sa babae.

Nilingon agad noong babae ang kamay ni Koko sa kanyang balikat. Mabilisan niya
iyong hinawi at kita sa mukha niya ang pandidiring agad ginawang ngisi.

"Ah! Not so fast, Koko." Aniya.

Tumigil ako sa pagtatapik sa mesa. Alam ko na agad. Hindi niya gusto si Koko.
Kung ano man ang dahilan kung bakit niya pinapaniwala si Koko na gusto niya ito
ay hindi ko na alam. Basta ay sigurado akong hindi niya gusto si Koko.

"Bakit? Manliligaw muna ako?" Tumaas ang kilay ni Koko.


"Hmmm... Oo." Medyo may pagdadalawang isip na sinabi noong babae.
"UYYYY! SA WAKAS!!! IN LOVE NA SI KOKO!!!" Sigaw ng mga kaibigan ko.

Hindi ako makapaniwalang nahulog sila sa bitag ng babaeng iyan! Alam ko na ayaw
niya kay Koko! Kitang kita ko iyon at di ko maintindihan kung bakit hindi nila
makita iyon! Nakikita ko na iba yung pakay niya kay Koko! Alam ko dahil madalas
akong makasalamuha ng mga babaeng may ibang motibo din sa akin.

Tumayo agad ako. Hindi ako nanghihinayang o natatakot para kay Koko. Naiirita ako
sa babaeng iyon. Chesca ba yung sinabing pangalan? Basta naiirita ako sa kanya!
Ke babaeng tao at kay ganda pero ginagamit niya ang mukha niya para mahulog ang
mga tao sa bitag niya. That woman is evil.
Page 464
Jonaxx - End This War

"Saglit lang, ginugutom ako." Untag ko.

Tumayo ang lahat dahil sa pagtayo ko.

"Hector, anong kakainin mo?" Malambing na tanong ni Kathy.

Nilingon ko silang lahat. Gusto kong iwasan ang tingin ni Chesca ngunit iyon agad
ang natagpuan ng mga mata ko.

"Depende kung anong nakahain." At agad na akong dumiretso sa canteen para pumili.

Hindi maalis sa isip ko ang babaeng iyon. Chesca. Kaya naman nang nag hapon at
nangabayo ako sa buong rancho ay siya ang naging laman ng isip ko. Iyong mga mata
niyang mataray at yung pandidiri niya sa kamay ni Koko nang inakbayan siya.

"Hector!" Sigaw ni Koko sa akin nang nadatnan ko sila ng kanyang ama sa mga baka.
"Uy!" Tumango ako at hinaplos ng marahan si Abbadon.

Hinila ko ang kanyang lubid at tumigil siya sa pagtakbo. Pinunasan ni Koko ang
kanyang pawis gamit ang kanyang braso at tiningala niya ako. Bababa sana ako nang
napagtanto na may kailangan nga pala ako kina Aling Nena.
"Ano? Maganda ba iyong Chesca na ipinakilala ko kanina?" Kumindat siya.

Dinig ko sa boses niya ang pagmamalaki. Hindi ako makangisi kaya imbes na sumang
ayon ay taliwas ang sinabi ko.

"Hindi. Hindi ko type ang mga ganun, Koko. Mag ingat ka run. Mukhang manloloko."
Natatawa akong tinuro ni Koko. "Hector? Halos di makabasag pinggan ang mukha nun!
Kita ko? Mala anghel? Tapos sasabihin mo saking manloloko? Tsss." Umiling siya.

Umiling din ako at tinaas ang kilay. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Tinalikuran niya ako habang tumatawa. Inangat niya iyong mga dayami at nilipat sa
kabila. Nakita ko ang suot niyang jersey ko na iniwan ko kay Aling Nena noon.
Ipinagkibit balikat ko iyon at pumanhik na sa bahay nina Aling Nena.

"Hiya~ Abbadon!" Tinapik ko ang kabayo at itinali sa kahoy na nasa tabi ng bahay
ni Aling Nena.

Page 465
Jonaxx - End This War
Papalubog na ang araw at alam kong kanina pa ako hinihintay ng matanda.

"Oh, Hector, nasa mesa na yung binilin ni Carolina sa akin." Anang matanda na
umiinom ng tsaa sa kanyang upuan.
"Salamat, Aling Nena. Bait mo talaga!" Tumawa ako at niyakap siya.

"Aray, itong batang ito!" Tinampal niya ang braso ko.


Tumawa na lang ako. "Ito naman. Naglalambing lang ako!"

Siya ang nagpalaki sa akin. Madalas ko siyang nilalambing noong malakas pa siya
at bata pa ako. Kaya naman nakagawian ko ng bumisita sa bahay nila araw-araw. Sa
mansyon siya nakatira noon. Pero nang tumanda at hindi na kinaya ang mga gawain
ay binigyan na lang siya ni Lola ng bahay dito at pinatira kasama ang anak niyang
ranchero din namin.

Dinampot ko ang isag mansanas sa kanyang mesa at kinagat iyon. Tumingin ako sa
labas at pinagmasdan ang malawak na maisan.

"May... napapansin ka bang bago sa eskwelahan? Sa bayan, Hector?" Biglaang tanong


ni Aling Nena.
Nagkunot ang aking noo. "Wala naman po. Anong bago?"

"Bagong... salta... Bagong... mukha..." Aniya.

Bahagya akong natigilan. Bagong mukha? Ayaw kong isipin pero hindi ko
maipagkakaila na may isang taong bago sa paningin ko at kanina ko pa siya
iniisip.

"Meron?" Tinitigan ako ng diretso ni Aling Nena. "Francesca Alde?"


Mabilis kong ibinalik ang gumagalang tingin ko kay Aling Nena. "Sino yun?"

"Wala ba'ng Francesca Alde na umaaligid?"


"Frances-ca?" Nag isip pa ako.

Hindi ko alam kung pinag titripan ba ako ni Aling Nena o ano?

"Matanda ba ho-"

"Maganda, makinis, mapupula ang labi, maamo ang mukha, mukhang anghel na bumaba
sa langit... Mukhang maamo pero mabangis sa kailaliman."

Nang binanggit niya ang maganda ay may isa na agad akong naisip. Mabilis kong
naidugtong ang pangalan ng babaeng iyon sa sinabing pangalan ni Aling Nena.
Francesca o Chesca ba?
Page 466
Jonaxx - End This War

"Alde iyon?" Napatanong ako.


"Ah..." Natigilan siya. "Meron pala talaga. Totoo ang naririnig ko sa mga
ranchero."
"Ano pong meron sa kanya?" Napatanong ako.

"Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Carolina nang umalis si Francis ng Alegria


para lang makipagtanan kasama ng Michelle na iyon! Nasasayangan talaga ako! Ang
magkapatid na Alde ay matatalino ay mababait. Si Lucia ang napangasawa ng isa, at
si Francis ay napangasawa si Michelle! Ano ba't bakit ang mga gusto ng Alde ay
ang mga babaeng punong puno ng kamunduhan at kasukaban!"

"Oy, oy, Aling Nena. Iyong puso niyo po." Bahagyan ako humagikhik dahil
dirediretso ang sinabi niya dahil sa galit.

Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Ang hirap kay Francis ay nakuha niyang
magpanggap na gusto niya rin si Lina gayung hindi naman pala. Gayung may iba
siyang mahal. Iyon ang ikinagalit ng lola mo, Hector. Iyang mga Alde'ng iyan,
hindi talaga mapagkakatiwalaan. Pinagkanulo lang ni Siling ang kanyang anak sa
isang Dela Merced para umangat." Umiling siya at uminom sa kanyang tsaa. "Ang mga
Alde, nagkakandarapa talaga pag Dela Merced. Uhaw na uhaw sa Dela Merced.
Namamatay pag hindi Dela Merced."

Kumunot ang noo ko at natulala sa kawalan sa mga sinabi ni Aling Nena. May
unti-unti akong napagtanto. Nasa dulo na iyon ng dila ko pero hindi ko
mapagtibay.

"Kaya ikaw, Hector, ngayong nalaman kong may babaeng Alde sa kanilang pamamahay,
mag ingat ka. Ikaw ang natatanging tagapagmana ng mga Dela Merced. Paniguradong
ipagkakanulo iyon ng mga magulang niya sayo. Kung hindi ako nagkakamali.
Natatakot na ang mga iyon dahil nagpa survey na ang iyong lola sa mga ari arian
ninyo para mailagay na sayong pangalan. Kaya sigurado akong takot ang mga iyon.
Kaya pinauwi ang alas nila dito. Kaya umalingasaw sa tainga ko ang pagbabalik ng
babaeng Alde na iyon. Ang babaeng maaring ipapaing nila sayo."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung paranoid ko masyadong malawak ang
imahinasyon ni Aling Nena pero may napagtanto ako! Si Koby Marasigan ang
nilalapitan ni Chesca. Ang sabi ni Koko ay una silang nagtagpo sa sentro! Hindi
kaya naka jersey ko si Koko kaya inakala niyang si Koko ang Dela Merced?

“Kita ko sa mga mata mo. Hindi mo siya gusto.” Ngumisi ako nang nagtagpo kami ni
Chesca.

Sinadya kong magpaiwan sa classroom namin kahit alam kong walang professor para
madatnan siya. Ngayon, maiksing shorts ang suot niya at naka longsleeve na kitang
kita ang underwear. Seriously? Wala bang ibang damit? Bakit kailangang see
through?

“Look, mister... Hindi ko alam kung anong nakikita mo sa mga mata ko pero wala ka
naman sigurong pakealam sa akin.” Umirap siya. “Kung sasabihin kong gusto ko
siya, edi gusto ko siya.”

Page 467
Jonaxx - End This War
Humalukipkip ako at nag iwas ng tingin. Ang daming bumulabog sa isip ko tulad ng
bakit ko nakekealam sa mga pinaggagagawa ng Alde'ng ito? Kung inaakit niya si
Koko dahil akala niya'y Dela Merced ito edi buti nga sa kanya? Pero bakit
naiirita ako? Ako dapat iyong inaakit niya, hindi si Koko! Sakin dapat niya
tinatapon ang sarili niya! Ako dapat ang hinahabol niya! Ako! Gusto kong ako!
Wala akong pakealam kung aakitin niya lang ako dahil sa Dela Merced ako! Wala
akong pakealam kung tulad ng kanyang ama ay aakitin niya ako kahit na may
boyfriend siyang di ko alam! Wala akong pake dahil alam kong pag nangyari sa akin
ang tulad kay Tita Lina ay hindi ako tutunganga na lang. Babawiin ko kung ano man
yung akin!

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nakita kong medyo nagulat siya sa ginawa ko.

“Ang taray mo. Bago ka pa nga lang dito.”


“Paanong di ako magtataray sayo? Nangengealam ka! Ano ngayon kung gusto ko yung
tao. Bakit? May problema ka ba dun at sino ka ba para makealam?”

Umangat ang labi ko. Hindi ko mapigilan. Bakit kinikilabutan ako sa pagtataas ng
boses niya? Bakit bumibilis ang pintig ng puso ko sa galit niya?

“Kasi di ko maintindihan kung bakit sinasabi mong gusto mo siya kahit na kitang
kita kong hindi naman.” Panunuya ko.

Naiinis ka diba kasi alam ko? Naiinis ka. Kaya heto at iinisin pa kita lalo!
Humakbang ako palayo. Gusto ko yung iritado siya sa akin. Gusto kong pipikit ako
mamayang gabi na alam kong naiirita siya sakin at di siya nakakaganti.

“Pakealamero.” Bulong niya.


"Anong sabi mo?" Nilingon ko siya.
"So what if I like him? Mabait naman si Koko. Okay siya para sakin." Nag taas
siya ng isang kilay.

Nagtaas din ako ng kilay, "Tsss."

Kainis! Mabait? You like him? Nakakaisa parin talaga siya kahit iniinis ko na.
Kaya naman ay nang umuwi kami ay hindi ko siya tinantanan.

"Mang Elias, itigil mo ang sasakyan." Utos ko nang nakita ko siyang naglalakad
paalis ng school.

Naglalakad siya? Wala kasing tricycle at kaya siguro naglakad iyon. Kalaunan ay
nakita ko siyang nakasalamuha ang isang dayuhan na payat at mukhang hindi
mapagkakatiwalaan. Sinugod ko agad. Hindi ko maiwasang makealam. Hindi ko naman
ugaling pabayaan ang mga taong nangangailangan.

Page 468
Jonaxx - End This War
Ang babae kasing ito may kausap pa sa cellphone kaya ayan at pinagtangkaan ng
dayong ito!

"Akala ko ba sasabay ka kay Koko? Ba't mag isa?" Tinalikuran ko na agad siya
pagkatapos kong ibigay sa kanya ang cellphone niyang inagaw ko sa holdaper.

Lintek at nasugatan pa ako. Buti may mga tao sa paligid at agad ko na lang
pinaubaya sa kanila ang holdaper na dayong iyon.

"Hector!" Sigaw ni Chesca.

Kinawayan ko lang siya ng patalikod. Kailangan kong hugasan itong sugat ko galing
sa kutsilyo ng holdaper na ito. Buti malapit sa gazebo ito kaya doon ko na lang
huhugasan ang sugat.
"Hector!" Sigaw ulit niya.

Umangat ang labi ko. Bakit tumitindig ang balahibo ko tuwing naririnig ko ang
frustrated niyang tono?

"Ba't ka sumunod?" Tanong ko habang hinuhugasan ko na iyong sugat ko.

Dinig ko ang hingal niya sa likod ko.

"Para san pa edi mag pasalamat!" Galit niyang sinabi at padabog na nilagay ang
bag niya malapit sa sapatos ko.

May hinalukay siya sa loob.

"Ang harsh mo namang magpasalamat." Natatawa kong sinabi nang di siya nililingon.
Matalim niya akong tinitigan kahit na malaki ang ngisi ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at biglaang hinablot ang braso ko. "Akin na nga yan!"
Iritado niyang sinabi.
"Ow!" Ininda ko iyong hapdi na naramdaman ko pero di ko mapigilan ang pag guhit
ng ngiti sa mukha ko.
"Sorry." Nag aatubili niyang sinabi saka dinungaw ang sugat ko. "Gagamutin ko
na."

Ngumisi ako habang nakatitig siya sa sugat ko. Galit siya. Kita iyon sa mga mata
Page 469
Jonaxx - End This War
niyang matatalim ang titig kahit sa sugat ko naman nakatutok. Nakakatuwa siyang
tingnan. Ginala ko ang aking paningins a buong katawan niya. Hindi naman ako
ignorante sa babaeng ganito, mukhang anghel. Marami na rin naman akong nakilala
sa States at sa Maynila. At hindi rin ako yung tipong madadaan sa mukha. Si Kathy
at Reese ay parehong maganda pero ngayon lang ako ginugulo ng utak ko. Masyadong
magulo na hindi ko siya kayang tingnan ng ganito ka lapit at matagal!

"Dahan-dahan, ah? Hindi naman kaya tuluyan mo ako?" Tumawa ako.

Dadaanin ko lahat sa pang iinis dahil tuwing natatahimik ako, lumalala ang mga
iniisip ko. Hector, hindi pwede. Hector, Alde iyan. Hector, gaya ng sabi ni Aling
Nena, manloloko iyan. Treachery is buried deep. Kahit na mukha siyang anghel na
bumaba sa langit, hindi mo maipagkakaila na may punto si Aling Nena. Lalo na't
kita naman na hindi niya talaga gusto si Koko.

'Hey, alam mo bang ako ang Dela Merced? Ako dapat yung hinahabol mo, e. Di si
Koko Marasigan.'

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili. Nainitan ako kaya hinubad ko ang
damit ko.

"Ba't ka pa naghubad?" Nakita ko ang panginginig ng paningin niya.

Para bang nagdadalawang isip siya kung titingnan niya ang katawan ko o hindi.
Damn it! Dapat pala di ako naghubad! Mas lalo tuloy akong nainitan! Mabilis kong
nilihis ang usapan.

"Pahatid po, manong, kina Alde." Sabi ko sa driver ng tricycle nang napag
desisyunan kong ihahatid ko si Chesca.

Kita ko ang titig ng driver sa kanya pabalik sa akin.

"Kina Alde? Ito ba yung pinsan ni Teddy, Hector?" Tanong ng driver.


"Opo, manong."

Pumasok kaming dalawa.

"Saan ka naman, Hector? Kina Alde din?" Tanong ng driver.


"Hindi po, sa rancho na lang ako." Nakita kong tumingin si Chesca sa akin kaya
kinindatan ko siya.
"Sa rancho ng mga Dela Merced?" Tanong ni Chesca.

Sinagot iyon ng driver, "Walang ibang may rancho dito kundi ang mga Dela Merced.
Page 470
Jonaxx - End This War
Madalas pagsasaka yung negosyo ng iba."
"Anong gagawin mo sa rancho, Hector? Magpapastol ng kambing?" Tumawa siya.

Agad kong hinawakan ang braso ko dahil sa paninindig ng balahibo ko. Ano ba itong
nangyayari sa akin? Una yung galit niya, ngayon ang tawa niya?

Nanliit ang mga mata ko sa pagtawa niya. "Oo. Anong problema mo dun?"

"Mehehehe. Mehehe. Trabaho mo ba ang pagpapastol?" Humagalpak ulit siya sa tawa.

Kung makapagsalita ang isang ito parang dapat ikahiya ang pagpapastol, ah?

"Oo, bakit? Anong problema mo?"


"Wala lang."

Ayaw niyang aminin pero alam kong ikakahiya niya ang pagpapastol. Parang ginawa
niyang katatawanan ang pagiging ranchero. There it is! The inborn treachery and
evil inside her. Pero bakit imbes na husgahan siya ay hindi na siya matanggal sa
isip ko.

"Naku, Hector, alam mo naman siguro kung anong meron sa pamilyang iyon, diba?"
Tanong ng driver pagkatapos mahatid si Chesca.

Napawi ang ngiti kong di maalis alis kanina pa.

"Baka inaakit ka lang nun dahil Dela Merced ka."

Wrong. Hindi alam ni Chesca na ako ang Dela Merced kaya si Koko ang inaakit niya.
Kung ano man iyong inasta niya kanina, iyon talaga siya. Hindi niya nilihim sa
akin ang pagkatao niya dahil ang akala niya kay Koko lang dapat siya
magpapanggap.

"Hindi naman."
Nilingon ako ng driver. "Naku, Hector! Malaking problema ito! Wa'g kang gumaya sa
Tita Carolina mo! 'Hindi naman'. Alam kong may nakapagsabi na sayo nito... na
talagang di mapagkakatiwalaan ang mga Alde, pero gusto ko lang sabihin ulit sayo
para tumatak ito sa kokote mo, Hector. Wa'g mo sanang masamain ito."

Iyon ang naging bukambibig ng mga tao. Maging ang ama ni Koby ay pinagsabihan na
rin ako tungkol dito.

"Hindi ko maintindihan! Bakit ka nila pinagsasabihan tungkol kay Chesca gayung


halata naman na sakin siya may gusto." Naiiritang sinabi ni Koko sa akin.
"Koko, sigurado ka bang may gusto si Chesca sayo."

Natigilan siya at mukhang nabigo ko. "Hector, baliw ka ba? Hindi mo ba nakikita?
Page 471
Jonaxx - End This War
Kulang na lag maghubad iyon sa harap ko!"

Nag igting ang panga ko sa sinabi niya.

"Inggit ka lang ata, e. Sinasabi ng lahat na manggagamit siya? Ha! Kung


manggagamit siya, dapat ikaw yung hinahabol niya, hindi ako!"

Iritadong iritado ako sa mga sinabi ni Koko! Kaya hinayaan ko siya sa mga
paniniwala niya! Tangina niya, bahala siya kung iyon ang tingin niya! Porke't
nagpapahiwatig si Chesca akala niya siya na agad. Makikita mo't babagsak iyan sa
akin. Kung hindi ko man siya makuha dahil Dela Merced ako, pwes makukuha ko siya
dahil ako si Hector.

"Alam mo bang nagugustuhan ko ang pagtataray mo?" Sinabi ko isang beses nang
tinarayan niya ako.

Umangat ang labi ko nang nakita kong namula siya. Shiiiit! Bakit nagugustuhan ko
ito?

"Ha? Anong nagugustuhan ang pagtataray? So ibig mong sabihin gusto mo si Kathy?
Mukhang mataray yun!"

Shit! Naghuramentado ang dugo ko. Ramdam ko ang init nito sa pagdaloy sa mga ugat
ko. KInagat ko ang nakangisi kong labi.

"Bingi ka ba? Sabi ko 'pagtataray mo'. Hindi pagtataray niya."

Oo na't nagdiriwang ako dahil sa sinabi niya. Tunog selos kasi.

"W-Wa'g mo nga akong bolahin!" Pagalit niyang sinabi.

Tinitigan ko siya at nakita kong umirap siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang
ngiti ko.

"Sige pa, Chesca, magtaray ka pa. Mamaya agawin kita sa kanya."

Damn right, this girl is going to be mine! Dela Merced ka diba? Iyon ang gusto mo
diba? Sakin ka... Akin ka dapat at hindi sa taong inakala mo! I'll do anything
mabaling lang ang atensyon mo sakin. Kung sabihin ko sayo ngayon na ako ang Dela
Merced, hindi ba tatakbo ka patungo sakin?

Page 472
Jonaxx - End This War
Nagulantang ang mundo ko nang tinanggihan niya si Koko isang araw. Alam kong sa
ngayon, kilala niya na kung sino ako. Alam kong napagtanto niya na ako ang Dela
Merced. Kaya mas lalong tumitindi ang hinala ko na totoo ang mga akusa nina Aling
Nena sa kanya! Nagkagulo at tinaboy siya ng mga kaibigan namin!

"Respetuhin mo, Koko. Alam ko. I'm sorry kung pinaasa kita pero akala ko biruan
lang yun lahat. Hindi ko alam na seseryosohin mo. At ngayon ayoko na!"

Nanginig ang sistema ko. Oo gusto ko siya. Oo na't nahuhumaling ako sa kanya pero
hindi ko maitanggi na pagkakamali itong ginagawa niya. Binabawi niya ngayon kasi
alam niyang ako at hindi si Koko ang Dela Merced.

"Chesca, nagpapakipot ka lang." Sigaw ni Koko.


"Hindi ako nagpapakipot. Hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo dahil hindi
kita gusto." Singhal naman ni Chesca. "Isang linggo pa lang, Koko. Don't tell me
you're already in love with me."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Chesca. Ano ang batayan ng pagkakahulog? May
oras ba? Kailangan bang umabot ng ilang taon? Hindi ko alam kasi hindi ko pa
naman iyon nararanasan. Ngayon pa lang ako nahumaling sa babae ng ganito!

"Nagmamaganda naman masyado."


"Karmahin sana."

"Sino ba siya? Alde? May pinsan pala si Teddy na babae? Akala ko yung Craig
lang."
"Ang laki ng ulo. Porket taga Maynila feeling agad na kayang paikutin ang mga
taga probinsya."

Pinaulanan siya ng mga nakakaabusong mga linya. Kita ko ang hindi niya paglaban
sa mga ito. Nakinig lang siya kahit bakas sa mukha ang galit at pagka irita.

"Tumigil nga kayo!" Sigaw kong umalingawngaw at nagpatigil sa kanila.

Ni dribble ko ang bola at unti unting lumapit kay Chesca. Nanginginig siya sa
lahat ng mga tinanggap niyang salita kay Koko at sa mga kaibigan namin.

"Hector! Wa'g kang lumapit sa Chesca na yan! Baka mamaya, tayo naman ang maloko
niyan! Kapal ng mukha. Porket Alde. Papalubog na ang negosyo niyo oy, kaya wa'g
kang feeling." Sabi ni Kathy.

I know, Kath. But you shut your mouth coz this is my girl you are talkig about.

"Shut up, Kathy!" Sigaw ko.


Page 473
Jonaxx - End This War

May masamang sinabi pa si Koko bago naiiyak at umalis si Chesca. Gusto ko siyang
habulin pero magulo ang isipan ko ngayon. Gusto ko siya pero bawal sa akin ang
isang Alde. Tanginang nahuhumaling ako sa kanya pero kailangan ko siyang layuan!
Para akong isang insektong nahuhumaling sa init ng apoy, kahit alam kong
pagmasyado na akong malapit, mamamatay ako, lalapit parin ako. Stubborn, yes. Too
stubborn.

Masarap ang bawal. Sobrang sarap kaya masyado akong nahuhumaling dito.

"MAMATAY SANA ANG MGA LALAKI!" Nadatnan ko siyang nagpapaulan sa kalsada at


sumisigaw nito.

May bag siya sa likuran at mukhang kanina pa siya dito dahil basang basa na siya
at nanginginig pa ang mga balikat. Anong nangyari sa kanya? Ibinaling ko si
Abbadon sa kanya at pinatakbo patungo roon.

"Mamatay ka!" Sumigaw siya at pumikit.

Nang nakalapit na ako at nakita niya na ako ay umiling siya at nag iwas ng
tingin. Para bang naiinis siya sa presensya ko. Lumakas pa lalo ang ulan. Malamig
pero nasanay na rin ang katawan ko dahil madalas ko itong ginagawa. Nakita kong
gumala ang paningin niya sa katawan ko. Inantay kong iangat niya ang mata niya sa
mga mata ko at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ano? Uuwi ako sa amin!" Untag niya sa nagtatanong kong mukha.

Ngumuso ako. "Bakit ka nagpapaulan? At saan ka galing?"


"Tss. Anong pake mo?" Matapang niyang sagot.

Wala pang nakakasagot niyan sa akin lalo na pagseryoso ang tanong ko. Ang babaeng
'to, mapangahas talaga! Nakababa na ako sa kay Abbadon dahil alam kong sa tono
niya ay kailangan kong gamitan ng puwersa.

"Chesca!" Tumaas ang tono ng boses ko.

"ANO? Lubayan mo nga ako!" Ginawa ko itong hudyat para higitin siya at iharap
sakin.

Huli ka! Di kita papakawalan ngayon.

"Tigilan mo ako, Hector." Sabay hawi sa kamay ko.

Page 474
Jonaxx - End This War
At sa unang pagkakataon sa buhay ko, tinalikuran ako ng isang babae. Kahit na
dayo ay hindi ako kailanman tinalikuran. HIndi ako makakapayag. Hinigit ko siya
at nairita niya akong hinarap.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong bakat na bakat ang kanyang kaluluwa sa
kanyang basang damit. Naiirita ako. Gusto ko siyang titigan ngunit naiirita ako
dahil alam kong maaring di lang ako ang makakakita sa kanya na ganito kung
papabayaan ko siya rito. Naiirita ako dahil ayaw ko na dapat ngunit isang titig
ko lang sa kanya, bumabalik ulit ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan siyang
mabuti. Basa lahat. Basa ang kanyang buhok, kanyang mukha, kanyang damit. Damn
ang damit! Kitang kita ko ang nipis ng kanyang katawan. Sobrang nipis na para
bang hindi siya kumakain. Kitang kita ko ang panginginig nito sa lamig ng ulan.
Kung yayakapin ko ba siya, madudurog kaya siya? Ang mga labi niya? May nakahalik
na kaya? Mukha itong malambot, talaga bang malambot ito? Kung ikukulong ko siya
sa maiinit kong bisig, mapapaso kaya siya? How would she moan and sigh when I
kiss her? DAMN IT! Stop your thoughts, Hector! This is insane!

Pumikit ako sa gilid at napamura ng malutong.

"Minumura mo ba ako?" Tanong niya.

Kinuha ko ang t-shirt sa gilid ni Abbadon. Basa ito pero hindi ko mapigilang di
ibigay sa kanya. Dahil gusto ko siyang tulungan pero paano ko siya matutulungan
kung tuwing tinitignan ko siya ay nayayanig ang sistema ko?

"PWEDE BA! KITANG KITA KO DITO ANG PULA MONG BRA!" Sigaw ko dahil ayaw niyang
tanggapin ang t-shirt.

Napatalon siya sa gulat sa sigaw ko. Oh Shit! Pinilig ko ang ulo ko. Gusto ko
siyang yakapin na lang ng mahigpit at dalhin sa bahay para daluhan. Mapapaso ba
siya pag ikinulong ko siya sa bisig ko? Pipiglas ba siya pag sinabi kong gusto ko
siya at wala akong pakealam sa mga apelyido namin? Kasi alam kong hindi niya ako
inaakit. Alam kong hindi ang apelyido ko ang habol niya. Alam kong kung ano itong
ipinapakita niya sakin ngayon ay ito ang tunay na siya. Wala akong pakealam sa
sabihin ng ibang tao. Kung kailangan kong magbulagbulagan at magbingibingihan
gagawin ko. Dahil alam kong kung tunay na inaakit niya lang ako para sa lupa
namin ay hindi siya ganito umasta. Baka sa oras na akitin niya ako ay talagang
ibibigay ko na sa kanya ang buong rancho. Tangina ngayon lang ako nakaramdam ng
ganito.
dalas ang gusto mo at ang dapat mong iwasan ay parehong bagay lang. Payo ko sayo,
iwasan mo na lang para hindi ka na magkaproblema pa. Una pa lang iyan. Unang pag
ibig, kaya wa'g mo masyadong seryosohin." Ani Aling Nena.
"Hindi na po ako makakaramdam ng ganito sa ibang babae. Pakiramdam ko sa kanya
lang. Kaya wala akong pakealam kung anong mangyari Aling Nena."

Lahat ng tao sa rancho ay ganoon ang iniisip. At lagi kong sinasabi na gusto ko
si Chesca at wala na silang magagawa. Oo nga't may konting kaba sa puso ko, pero
mahirap talaga pag puso ang kalaban. Laging nasusunod.

"Tapos na akong magpaliwanag. Nalaman mo na ang lahat. May plano ako na akitin
ang tagapagmana noon. Yun na yun. Diba?" Aniya isang gabi nang nagkaliwanagan
Page 475
Jonaxx - End This War
kami.

Alam ko na ito pero mahirap palang tanggapin pag inamin niya na.

Ako. Hindi ko pa nalalaman ang lahat. Ngayon, isang tanong, isang sagot, Chesca
Alde. Ginamit mo ba ako? Dahil ako ang tunay na Dela Merced? Ginamit mo ba ako?"
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko, hindi ko na kayang ulitin! Lumubog na kung
lumubog hindi ako manggagamit ng tao! Kung ginamit kita, sana sinagot na kita
agad at hindi na ako nagpaligaw sayo! Sana ngayon ay tayo na at hindi na kita
tinarayan pa!" Inirapan niya ako pagkasabi niya noon.

Siniil ko siya ng halik. Doon ko napagtanto na matagal ko ng ibinuhos ang lahat


sa kanya. Na simula pa lang, kahit na may kaonting pagdududa ako sa kanya ay
ibinigay ko parin ang buong tiwala ko. This cannot fail me. Hindi maari. Dahil
walang matitira sakin pag lolokohin niya ako.

"Wala akong pakealam sa lupa ninyo. Hindi ko aangkinin iyon. Ikaw, Chesca, ikaw
ang gusto kong maging akin."

Kaya naman nang inihatid ko siya sa bahay nila noong kami na at nakita ko siyang
lumabas nang di nagpapaalam sa akin, nabaliw agad ako. Oo. Pero hindi diba? Hindi
niya ako niloloko! Hindi pwedeng lokohin niya ako dahil gaya ng sabi ko, walang
matitira sakin!

Sinundan ko siya at nakita kong pumunta siya sa gazebo. Damn it! Anong meron at
bakit doon siya pumunta? Uminit ang pisngi ko sa galit nang nakita kong may
lalaking naghihintay doon. Malayo ako kaya hindi ko dinig ang pinag usapan nila.
Sino ang lalaking iyon?

Bumuhos sa akin ang alaala kay Tita Lina at kay Tito Francis. Ang alam ko ay may
ibang mahal si Tito Francis nang pinaniwala niya si Tita Lina na mahal niya ito.
Nang di niya na kaya ay doon niya lang siniwalat na may iba siya at nakipagtanan
na lang agad siya sa babaeng mahal niya! Is it... happening again? For us? At ako
ang nasa sitwasyon ni Tita Lina? Umibig pero ginamit lang?

Nagtagpo ang labi nila. Kitang kita ko ang pagiging pamilyar nila sa isa't-isa.
Para bang hindi ito ang unang pagkakataong nagkahalikan silang dalawa. Para bang
matagal na nila itong ginagawa at palagi!? SHIT! PUTANG INA! The sight makes me
want to vomit! Hinalikan ko rin ang mga labing iyan! Kanina! Hinalikan ko siya!
Pero heto siya at nagpapahalik sa isang llaaking hindi ko kilala!

"No... You still love me. Bakit ka umiiyak kung ganun?" Umalingawngaw ang sigaw
ng lalaki pagkatapos ng mainit nilang halikan.

Nag igting ang bagang ko at nagdilim ang paningin ko. Walang pumasok na
eksplenasyon sa utak ko. All I know is that she cheated on me... That it's
happening again! Na iiwan ulit ng isang Alde ang isang Dela Merced and I won't
Page 476
Jonaxx - End This War
let that happen! Ako ang mang iiwan dito! Ako! Hindi siya! Hindi na mauulit pa
iyong noon!

"So... Totoo pala yun?" Panimula ko nang sa wakas ay nakarating ako sa likod
nila.

Mabilis akong hinarap ni Chesca. Nakita ko ang lumuluhang mga mata niya. Pinipiga
ang puso ko. Hindi ko kayang makita siyang u

"So... Totoo pala yun?" Panimula ko nang sa wakas ay nakarating ako sa likod
nila.

Mabilis akong hinarap ni Chesca. Nakita ko ang lumuluhang mga mata niya. Pinipiga
ang puso ko. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Gusto kong punasan ang bawat
luha na lumandas sa mga mata niya pero kung ang kapalit ng pagpunas ko sa luha
niya ay ang pasakit para sa akin ay hindi ko iyon matatanggap.

"Hector!" Sigaw niya.

"Diyan ka lang at hindi ko kailangan ang babaeng tulad mo!"

"Oh my God! Wa'g kang maniwala sa kanya! Ikaw ang mahal ko-"

"SHUT UP, FRANCESCA! Kung mahal mo ako, ba't ka naglihim, ha?" Mariin kong
sinabi. "Kung mahal mo ako, ba't nandito ka ngayon at nakikipagkita sa kanya?
HA?"

Dahil kung totoong mahal niya ako, hinding hindi niya ako lolokohin. Kahit ilang
beses niyang sabihin na mahal niya ako, pero kung kaya niya akong lokohin, hindi
niya ako mahal.

"Simple lang, dude, mahal niya ako. Ako yung tunay dito. Ako ang nauna." At
sumawsaw pa ang lalaking ito!

Umiling ako. "Talagang ikaw ang nauna? Sigurado ka ba diyan? Mas mahal nito ang
lupa nila kesa sayo, eh. "Mas mahal niya ang pera kesa sayo kasi ako yung inuna
niya, diba? Iniwan ka ba?"

Naiirita ako. Gusto kong patas kaming dalawa. Kung hindi kami ni Chesca ang
magkakatuluyan, hindi rin sila pwedeng magkatuluyan! Tangina kung di ko siya
maangkin, walang mang aangkin sa kanya!

"You are nothing but a whore, Alde." Utas ko sa galit ko sa kanya.

Agad lumubog ang puso ko nang nakita ko ang pag awang ng kanyang bibig.

Page 477
Jonaxx - End This War
"Ano pa? Sige pa! Ubusin mo pa yung kasinungalingan mo, Chesca. Alam ko eh...
Alam ko nung una pero nag bulagbulagan ako dahil nagustuhan kita! Pero ngayon?"
Tumawa ako dahil nababaliw na ata ako. "You are just my first. Hindi ikaw ang
magiging last ko. Let's just say... 'experience' ka lang..." Sabi ko at nakita ko
ang pagkabigo sa kanyang mukha nang talikuran ko siya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay namuo na ang luha sa gilid ng mga mata
ko. Nanginig ang binti ko dahil alam nitong hindi ko kayang palayain siya, hindi
ko kayang pinapalaya niya ako. Hindi ko siya kayang talikuran at iwan. That I
still love her. That I'll forgive her for anything and yes, I will forgive her
for this.

Nilingon ko siya para daluhan pero nahuli na ako. May dumalo na sa kanya at hindi
ko makakaya na makita siyang may iba. Hindi ko kayang may humahawak sa kanyang
ibang kamay. At kailangan kong matuto. This love is overwhelming and crazy.
Nakakatakot! Dahil guguho ang mundo ko sa oras na makita ko siyang may iba. At
dapat hindi ganun. Dapat kaya kong tanggapin. I need to learn things... At pag
papabayaan ko ang sarili ko sa kanya ngayon, baka mawala ko na ng tuluyan ang
sarili ko.

"Mas lalong bumaba ang tingin ko sayo." Pumikit ako at lumayo na lang sa kanya.

Bawat paghakbang ko palayo ay mas lalo kong napagtatanto na hindi lang siya ang
iniwan ko doon, kundi pati ang puso ko, ang buong pagkatao ko. Pero alam kong
kailangan kong matuto. Na siya ang una ko at maaring hindi siya ang magiging
huli. Na sa mundong ito, sa mga libro lang iyong una at huli, dahil dadating ang
araw na mabubuwag kayong dalawa. Dahil sa ibang tao, dahil sa mga sitwasyon,
dahil sa mga desisyon. Kailangan ko iyong tanggapin.

"Hector, hindi maganda iyong ginawa mo kay Chesca." Ani Tita Lina.

Oo! Alam ko! At hindi niyo na kailangang ipamukha sa akin iyon!

"Hector, talaga bang aalis ka?"

"Tita," Natigilan ako sa pag iimpake. "Sa Maynila, malawak ang oppotunidad. Gusto
ko pong mag expand ang rancho. Gusto kong may mag invest na mga business bukod sa
mga investors natin ngayon. Gusto ko po yung inaatupag na lang muna ang future at
hindi iyong ibang... bagay..."

Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa maleta ko.

"Pero Hector, paano si Chesca? Si Mama? Mabibigo iyon. Nasa Maynila si Mama
ngayon at ngayon mo pa naisipang magdesisyon?"
"Tita, magkikita na lang kami ni Lola sa Maynila at doon ko ipapaliwanag sa kanya
ang lahat ng gusto kong mangyari. Para din naman ito sa rancho."
Ginawa kong dahilan ang rancho dahil sa kagustuhan kong umalis doon.

Page 478
Jonaxx - End This War

"Hector, sigurado ka ba? Kita ko ang relasyon niyo ni Chesca. Ayaw ko sanang
maniwala na totohanan iyong naramdaman niya sayo dahil sa mga sinasabi ng ibang
tao pero ako mismo ang nakasaksi sa inyong dalawa. Ngayon ka pa ba magdududa?"
Sabi ni Mang Elias habang tinutulungan ako sa mga maleta.
Umiling ako. "Buo na po ang desisyon ko."

Bago ako umalis ay dumaan muna ako kina Harvey. Hindi ko alam kung bakit pero
kailangan ko ang tulong nila. Alam ko na pag iinitan si Chesca dahil sa pag alis
ko. Naabutan ko silang nagbabasketball ni Mathew sa court nina Harvey. Tumigil
silang dalawa nang nakita ako sa likod na nakapamulsa.

"Hector!" Tinapik ni Mathew ang likod ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ako ngumisi o gumalaw.

"Harvey..." Sabay baling ko sa likod ni Mathew kung saan naroon si Harvey na


pinapaikot ang bola sa kanyang daliri.

"Saan lakad natin?" Natatawang sinabi ni Mathew.

"Mag Ma-Maynila ako."

"HA? Sasama ka kay Oliver?" Napatanong si Mathew.


"Iiwan mo si Chesca?" Iyon naman ang tanong ni Harvey.

Hindi ako sumagot. Diretso ang tingin ko sa kanya.

"Iiwan mo si Chesca, Hector?" Mariin niyang tinanong ulit.


"Hindi. Lilinawin ko, hindi ko iiwan si Chesca. Kung ano ang pag aari ko, iyon ay
akin parin. Nandito ako para magpaalam sa inyo. At pinagkakatiwalaan ko kayong
dalawa. Sana ay habang wala ako, protektahan ninyo si Chesca. Alagaan niyo siya-"

"So? Mas gusto mong kami ang mag alaga sa kanya kesa ikaw, ganun ba iyon Hector?"
Medyo marahas na tanong ni Harvey
Kumunot ang noo ko at nag igting ang panga ko.

"Kung ako lang rin naman ang mag aalaga sa kanya, edi gagawin ko na siyang akin!"

Nanginig ang kamao ko at agad dumiretso sa mukha niya.

"Uy! Easy! Tama na!" Pumagitna si Mathew pero huli na ang lahat. Nasuntok ko na
si Harvey.
"Subukan mo at magkakamatayan tayo."

"Ang hirap sayo, Hector, inaangkin mo kahit na hindi mo pinapanindigan!" Sigaw ni


Page 479
Jonaxx - End This War
Harvey habang hinahawakan ang kanyang mukha.
"Pupunta akong Maynila para magpalamig! Para protektahan si Chesca! Bibilhin ko
ang lupa nila atsaka ako kikilos! For once, I don't wanna be impulsive!"
"Ewan ko sayo, Hector, pero sa oras na umalis ka, para sakin, Chesca's free. At
pwede ko siyang angkinin kung gusto ko!" Sigaw niya at tinalikuran ako.

Nagngingitngit ako sa galit habang iniisip buong byahe ang sinabi ni Harvey.
Hindi ko maaasahan ang isang iyon! Naiirita ako! Nabubwisit! Paano ako
mapapanatag?

"Hello, Knoxx."
"Oh? Anong karangalan ito at napatawag ang isang Hector Dela Merced sa akin?"
Tumatawa siya pero hindi ako natutuwa.
"Paalis ako ng Alegria. Baka anim na buwan pa bago ako bumalik. Paki bantayan si
Chesca."
"Oh? Ba't di ikaw ang magbantay sa reyna mo? Bakit kailangang ibang tao?"

"Just do it, Knoxx!"

Iritado ako. Wala akong mapagkakatiwalaan sa mga kaibigan ko. Gusto ko ay yung
mabantayan si Chesca nang nirerespeto parin ako. Ayoko ng pinopormahan siya.
Nagseselos ako! Tangina! Tatagal kaya ako ng Maynila?

Oo. Hindi ako makapaniwalang nagtagal ako! Nagawa ko lahat para makapag libang
ako! Nag bar, nakisalamuha sa ibang tao, at kung anu ano pa.

"Hector, dalhin mo naman kami ng Alegria." Sabi ng mga babaeng kilala ko.
Ngumisi na lang ako at umiling.

Sa oras na makaapak ako sa Alegria, baka di na ako aalis doon nang di siya
nakakasama.

"So... today... nag punta siya sa school at umuwi. Iyon lang Hector." Tumatawang
sinabi ni Knoxx.

"Okay. Yun lang ba talaga?"


"O? Bakit? Baka gusto mong pumasok ako sa buhay niya para malaman ko pati ang mga
iniisip niya?"

"Shut up, Knoxx!"


Humagalpak siya sa tawa. "Basta yung pabor na hinihingi ko. Don't forget."

Umiiling ako habang umiinom sa isang bar. Mag isa ako at kanina pa ako dito.
Tinititigan ko lang ang inumin ko at hinihintay malusaw ang ice bago ko
Page 480
Jonaxx - End This War
nilalagok.

"To really love a woman, to understand her

You gotta know her deep inside


Hear every thought, see every dream

An' give her wings when she wants to fly


Then when you find yourself lyin' helpless in her arms
You know you really love a woman..."

Tulala ako at umalingawngaw ang kantang ito sa buong bar. Damn it! Bakit ko siya
pinakawalan? Mahal ko siya at pinapatawad ko siya sa mga pagkakamali niya? At di
ko matanggap na marami akong nasabing masasakit na salita sa kanya.

"Hey there, handsome." May biglang umupo sa tabi ko na babaeng nakaitim.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Kilala ko ito, ah? Ito iyong pinag uusapan nina
Oliver na taga kabilang school daw. Halata sa mukha niya ang pagiging foreign.
May konting freckles pero over all maganda talaga. Matangos ang ilong, malalim
ang mga mata, kulay brown ang buhok, maputi, matangkad, at mabango.

Ngumisi ako dahil ang tanging naaalala ko ay si Chesca. Francesca damn Alde!

"Hi." Walang gana kong sinabi.

"Kilala kita, ah? Ikaw iyong sikat na player at transferee. My name is Amanda
Myers." Ngumisi siya at naglahad ng kamay.

Tumango ako at tinanggap iyon.


"You are Hector Dela Merced, right?"

"Yup!" Sabi ko.


"Sabi nila suplado ka raw. Masungit at suplado. Is that true?" Humagikhik siya. A
very girly laugh at that.
"Medyo." Ngumisi ako.

"Bakit?" Sabay landas ng kanyang daliri sa braso ko.

Pumikit ako at nakikita ko si Chesca na ginagawa iyon sa akin. Tangina! Miss na


miss ko na siya ng sobra sobra! Gustong gusto ko na siyang yakapin at iuwi sa
akin! Gusto ko siyang balikan at wa'g ng pakawalan. Nakikita ko na na papaliguan
niya ako ng sampal at iiyak siya. Parang kinukurot ang puso ko habang iniisip na
iiyak siya at mananampal, pipiglas sa bawat paghigit ko at sasaktan ako sa
pagmamakaawa ko.

Page 481
Jonaxx - End This War
"When you love a woman
You tell her, that she's really wanted
When you love a woman you tell her that she's the one

'Cuz she needs somebody


To tell her that it's gonna last forever

So tell me have you ever really


Really, really ever loved a woman?"

No girl can ever replace her. Kahit na anong mangyari, alam kong sa kanya babalik
ang damdamin ko. At wala akong pakialam kung pipiglas siya at masasaktan ako. I'm
gonna get her again. I'm going to make her mine, again. Wala akong pakealam kung
masasaktan niya ako, tatanggapin ko ang lahat ng pasakit niya sa akin.

Tumayo ako at ininom ang alak.

"Alis na ako." Sabi ko sa babaeng nasa tabi ko.

Napawi ang ngisi niya. "Huh? Sayaw muna tayo, bago ka umalis. Tsaka maaga pa,
ah?"
Umiling ako at tinalikuran siya.

"Are you gay?" Mariin niyang tanong.

Nag igting ang bagang ko sa tanong niya. Nilingon ko siya.

"I'm married, miss Myers."

"Oh!"

Yes. Married sa isang baliw na babae. Nararamdaman ko na ang kalmot niya sa balat
ko, pinaplano ko pa lang na bilhin ang lupa nila napapangiti na ako. I'm sure
magagalit iyon. Uusok ang ilong noon sa akin at talagang masasaktan ako. Pero
bakit natutuwa ako? Bakit tumitindig ang balahibo ko tuwing naiisip na ganun?
Pinipiga at nag iinit ang puso ko, bakit? Siguro dahil alam ko na kahit anong
gawin niyang pantataboy sa akin, hindi ako aalis hanggang di niya ako mapatawad,
hanggang di siya bumigay ulit. Yes, I have been a jerk. But this jerk is going to
kill for your love... I want you to love me back again. At sisiguraduhin kong sa
oras na mangyari iyon, hindi kana makakawala pa ulit. I'm gonna stay even if you
want me to leave.

Kinakabahan na ako. Patungo pa lang kami sa bahay nila kasama si lola, Tita Lina
at Tito Thomas ay sobra sobra na ang kaba ko. Ito ang unang pagkakataon na
magkakaharap ulit ang pamilya naming dalawa.

"Chill, Hector. Mamamanhikan pa lang tayo. Hindi pa kayo ikakasal." Tumatawa si


Page 482
Jonaxx - End This War
Tita Lina.

Nilingon ni lola si Tita. Kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Lola. May gusto
siyang sabihin pero di niya ginawa. Imbes ay bumaling siya sakin. Ngumisi ako.

"Tingin mo nandoon silang lahat?"


"Opo. Lagi silang nandoon. Iyong mama at papa niya, tiyahin, tiyuhin, at ang lola
niya. At nasabi rin po niyang umuwi ng Alegria ang kapatid niya at ang pinsan
niya."
Tumango si Lola at sinulyapan ulit si Tita Lina.
"Andito na tayo." Sabi ni Mang Elias nang nasa tapat na kami ng bahay nina
Chesca.

Huminga ako ng malalim. Ganun din ang narinig ko kay Tita Lina. Agad kong
binuksan ang pintuan. Binuksan din ni lola ang kanyang pintuan. Ngumisi agad ako
nang nakita ko si Chesca na nag aabang sa gate nila. Tumakbo siya patungo sa
pintuan nila at nakita ko ang sumasayaw niyang buhok na umaalon sa bawat pag
landas ng hangin.

"Andito na po sina Hector!" Sigaw niya at bumaling sakin.

Tinitigan ko siyang mabuti at kinagat ko ang labi ko. Naka dress siyang kulay
pink na may mga bulaklak. She looked classic. Kitang kita ang kanyang collarbone
at pati ang nipis ng kanyang braso. Bakit pakiramdam ko mababasag ang katawan
niya sa oras na hagkan ko siya? Ilang beses ko na siyang niyakap pero bakit ganun
parin ang iniisip ko?

Nakita niya ang paninitig ko sa kanya kaya inayos niya ang damit niya. Nilagay
niya rin ang umaalong buhok niya sa harap ng collarbones para pagtakpan ang balat
niyang kitang kita dahil sa damit niya. Nag taas ako ng kilay at ngumisi. Kinunot
niya naman ang noo niya.

Bakit mo ipagkakait sa akin ang akin?

"Pasok po kayo." Aniya nang nasa gate na si lola.

"Chesca!" Sabay yakap ni lola sa kanya.

Mahigpit iyong yakap ni lola. Kitang kita ko ang pagkakaipit ng katawan ni


Chesca. Nag iwas agad ako ng tingin. Tangina, ano ito?

"Chesca!" Bati ni Tita Lina sabay yakap naman ng marahan sa kanya.

Page 483
Jonaxx - End This War
Bumukas ang pintuan ng bahay nila at bumungad ang mama ni Chesca. Mabilis niyang
natagpuan si Tita Lina. Ngumisi ang kanyang mama kay Tita. Ngumisi din pabalik si
Tita sa kanya.

"Pasok kayo." Aniya.

"Halika na, Lina!" Sigaw ni lola at pumasok na sila sa loob kasama si Tito
Thomas.

Ngumisi ako.

"Tara Hector." Ani Chesca at hinila ako sa loob pero di ako nagpatianod. Imbes ay
bumalik pa siya sa kinatatayuan ko dahil hindi niya ako mahila. "Bakit?"

Bumuntong hininga ako nang tinagilid niya ang ulo niya. "Ang ganda ganda mo
talaga."

Nanliit ang kanyang mga mata. "Ang manyak mo."


Ngumuso ako. "Bakit manyak? E, sinabi kong maganda ka."

"Ah! Ewan ko sayo, Dela Merced! Basta! Kita ko kanina yung paninitig mo sa
katawan ko!"
"Ano ngayon? Akin yan, e. Di mo pwedeng ipagdamot kung anong akin." Hinigit niya
ako palapit sa kanya. "Pasyal muna tayo. Hayaan muna natin sila sa inyo."
Nakita kong pumula ang pisngi niya. "Ha? Saan naman tayo?"

"Ewan ko? Mangangabayo?" Humalakhak siya.

"Mangangabayo? Pero namamanhikan kayo!" Aniya.

"Babalik din naman tayo." Sabi ko. "Please."

Tumingin siya sa bahay nila pabalik sa akin. Dahan dahan siyang tumango at
ngumisi.

"Mang Elias, pakihatid po samin sa Rancho." Sabi ko at sumunod si Mang Elias.

Magkahawak kamay kami buong byahe patungong Rancho. Hindi ako mapakali at panay
ang laro ko sa kamay niya. Hindi ako makapaniwalang magkakatotoo na kaming
dalawa. Na sawakas ay maikukulong ko na siya sa bisig ko gabi gabi. Na araw araw
ko ng makikita ang masaya niyang mukha. Na araw araw niya akong tatarayan at araw
araw ko rin siyang susuyuin hanggang sa bumigay siya.

"Isang kabayo lang, Hector?" Angal niya nang nakita si Abbadon.

"Syempre! Hindi tayo magkakarera ngayon, Chesca. Mamamasyal tayo!" Giit ko.

Page 484
Jonaxx - End This War
Ngumuso siya at humalukipkip. Kinindatan ko naman ngunit inirapan lang ako ng
maarteng ito. Tumawa ako ng sumakay siya kay Abbadon. Hinawi niya ang kanyang
palda kaya kitang kita ang binti niya dahil sa pag angat nito. Tinaas ko ang
kilay ko at pinagmasdan siyang mabuti.

"Sakay na!" Aniya.

Ako pa talaga ang sasakay, huh? That's my girl! Humagalpak ako sa tawa at sumakay
na sa likod niya.

"Alright!" Inayos ko ang sarili ko sa likod niya.

Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko ang likod niyang may nakatattoo'ng pangalan
ko. May pangalan ko talaga kaya walang duda na akin siya. Nanginig ang sistema ko
nang dahandahan kong pinulupot ang braso ko sa kanya.

"HECTOR!" Sigaw niya.

"Ano? Kakapit ako, baka mahulog, e!" Di ko mapigilan ang pagtawa.

"Okay f-fine!"
showall.png

Mas lalo kong kinagat ang labi ko nang naramdaman ko kung gaano siya kaliit. She
is tall, alright. But her waist is really small. Pakiramdam ko pag di ako mag
iingat ay mapipiga ko siya.

"Hold on tight, then." Aniya at sinimulan ang pangangabayo kay Abbadon.

Mabilis na siya kung mangabayo ngayon. Fierce and strong lady. Sumabog sa mukha
ko ang buhok niya. Tumawa ako sa bango at sa lambot nito. Hinawi ko iyon at
nilagay sa kabilang leeg niya ang mga buhok. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa
kanyang leeg at unti-unting hinalikan ito.

"Holy shit, Hector! Don't you dare do that to me! Nangangabayo ako!"
Humalakhak lang ako.
"Mahuhulog tayong dalawa!" Sigaw niyang nag papanic na.

"I really like it when you're frustrated, Chesca. Marami akong gusto, yung
pagtataray, yung pagseselos, yung pagiging galit mo at higit sa lahat ang
paglalambing mo." Bulong ko sa tainga niya.

Hinalikan ko ang tainga niya nang dumaan kami sa maisan. Tumagilid ang kanyang
ulo sa kiliti. Humalakhak ako at kinagat ang kanyang tainga.

"Freaking.. shi-"

Page 485
Jonaxx - End This War
"Shhh... Yung mura mo nakakapang akit. Sige ka, ipapatigil ko ito tapos aangkinin
kita ngayon, dito."

"Hector!" Sigaw niya habang hinahaplos ko ang tiyan niya pababa pataas habang
hinahalikan siya.

Hinaplos ko pataas sa dibdib niya at pinaglandas ko ang kamay ko sa mga parteng


alam kong mag iinit siya.

"Hector~" Kinagat ko ang labi ko nang narinig ko ang pag ungol niya. Lalo na nang
nakita kong pumikit na siya at hindi na ininda ang dinadaanan naming dalawa.

Binawi ko sa kanya ang lubid at hinila ko ito para tumigil si Abbadon sa


pagtakbo. Unti unting tumigil ang kabayo. Agad akong bumaba para saluhin ang
kanyang pagbaba. Kinulong ko siya sa bisig ko at sinimulan ko ang pagsisiil ng
halik sa kanya habang nawawala kaming dalawa sa lawak ng kagubatan malapit sa
ilong patungong Tinago.

"Mahal na mahal kita, Chesca. At akin ka! Wala akong pakealam kung mawasak ako
pag nagdesisyon kang ayaw mo na sakin." Bulong ko habang mabilis na hinawi ang
kanyang panty.

Pumipikit na siya at nakaawang ang bibig niya. Damn it! We will really end the
war! Aangkinin ko siya at ito ang solusyon sa lahat, sa alitan, sa agawan, at sa
naghuhuramentado kong puso.

Page 486

You might also like