You are on page 1of 16

7

Araling Panlipunan
Ika-apat na Markahan – Modyul 1:
Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Silangang Asya at Timog-Silangang Asya

Antas: Baitang 7
Antas: Baitang 7
Markahan: Ika-apat
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Una at Pangalawa
Linggo: Ika-anim na Linggo

GERARDO E. GALAN
ARLIE JUNSAY-VELASCO
JOSE B. CARDENAS MEMORIAL HIGH SCHOOL- UPTOWN
Bucalan HighMay-Akda
School, Canlaon II
May-Akda

i
Araling Panlipunan – Ika-7 Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Silangang Asya at Timog-Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerardo E. Galan


Editor: Germelina V. Rozon
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Panimula
Sa unang yugto ng imperyalismo ay hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya
na taliwas naman sa naging karanasan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang
matinding hangaring makontrol ang kalakalan ng pampalasa, makuha ang mga ginto at
mapalawak ang imperyo ang mga pangunahing dahilan sa malaking interes na ito ng mga
kanluranin. Iba iba ang naging pamaraan ng pagharap ng mga bansa pero lahat sila ay
pawang naging biktima ng kapalastanganang ito. Mula sa mga ari-ariang nawasak, mga
buhay na nasayang, mga pangarap na nasira hanggang sa pagkalagas ng buhay, lahat ng ito
ay naranasan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Paano nga ba hinarap ng
mga bansang ito ang nabanggit na hamon?
Maging ang Pilipinas ay hindi nakawala sa bagsik ng mga mananakop. Masyadong
naging mahaba ang kanilang paghahari sa ating bansa. Naging ganon kalalim ang naging
epekto nito sa ating buhay at kultura sa pangkalahatan. Paano nga ba nagapi ng pagkakaisa
ang mga dayuhan? Tunay nga bang may kapangyarihan ang pagsasama-sama sa gitna ng
pagkakaiba-iba?

https://www.google.com/search?q=timog-silangang+asya&tbm=isch&ved=2ahUKEwjN8-Kvv_TqAhVJzIsBHRgKBDkQ2-cCegQIABAA&oq=timog-
silangang+asya&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB46BggAEAcQHjoICAA QBxAFEB5QzN4EWLLtBGDB8gRoAHAAeACAAZkFiAHoEpIBCzAuMS4xLjEuMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&scli
ent=img&ei=WnwiX83eEcmYr7wPmJSQyAM&bih=657&biw=1366#imgrc=dzkvX4LgE3_I-

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng


mga unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at TimogSilangang
Asya.

1. Nakikilala ang mga bansa sa Silangan at Timog-silangang Asya na minsang naging


sentro ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin,

2. Nakakapaglatag ng sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagkakaisa sa gitna


ng pagkakaiba-iba sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
mga bansa sa Silangan at Timog-silangang Asya.

3. Nabibigyang halaga ang nagawa ng mga Asyano sa unang yugto ng kolonyalismo at


imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

1
Subukin

Pagkumpleto (10 puntos)


Panuto: Buuin ang Triad Web sa pamamagitan ng pagbigay ng kinakailangang
impormasyon. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Kolonyalismo at Imperyalismo
(16 to 17Siglo)

Silangang Asya Timog-Silangang


(16 to 17Siglo) Asya
 bansa (16 to 17Siglo)
 dahilan  bansa
 paraan  dahilan
 epekto  paraan
 epekto

I. Pasanaysay (5 puntos)

Sa kahong inilaan, isulat ang isang pang-uri na maglalarawan sa Kolonyalismo


at Imperyalismo sa Silangan at timog-Silangang Asya noong 16 hanggang 17 Siglo.
Sa dalawang pangungusap, ipaliwanag ang sagot. Ang iyong gawa ay tatayain gamit
ang rubrik sa ibaba:
Nilalaman --- 2.5
Organisasyon at daloy ng ideya --- 1.5
Sulat-kamay --- 1

____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

2
Balikan
I. Tama o Mali (1 puntos bawat-isa)
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Sa mga patlang na nakalaan bago
ang bawat bilang, iguhit ang markang kung ang konseptong ibinigay ay TAMA at
naman kung MALI.
_______1. Sutee ang tawag sa pagpapatiwakal ng biyudang babae.
_______2. Ipinatigil ng mga Kastila ang female infanticide sa India.
_______3. Ang krusada ay isang sagradong digmaan ng mga Kristiyano at mga Muslim..
_______4. Kilala si Mahatma Gandhi sa marahas na pagpapakita ng nasyonalismo.
_______5. Sa Ikalawang Yugto ng imperyalismo at koloyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi
nagkainteres ang mga Kanluranin dahil sakop pa ito ng Turkong Ottoman..
_______6. Ang ahimsa ay nangangahulugang lakas ng kaluluwa.
_______7. Si Gandhi ang nagpasimuno ng civil disobedience laban sa mga Ingles.
_______8. Ang Bahrain ay nagging protectorate ng Great Britain.
_______9. Tinaguriang “Dakilang Kaluluwa” si Mahatma Gandhi
_______10. Si Mohamed Ali Jinnah ay tinaguriang “ama ng Pakistan”.

Tuklasin

Katulad ng Timog at Kanlurang Asya, ang Silangan at Timog-Silangang Asya ay


napasailalim din ng kolonyalismo at imperyalismo. Sa katatunayan, ito ang mga rehiyon na
lubusang naapektuhan ng pananakop ng mga kanluraning bansa. May mga bansang nasakop
hindi lamang ng iisa ngunit dalawa o higit pang mga bansa. Naging dahilan ng pananakop ay
ang merkatilismo, paghahanap ng bagong ruta, paglakbay ni Marco Polo, pagbabago sa
paglalayag at ang krusada.

Gawain 1: Mapanuri ka ba?


Tingnan mo ang mapa ng Asya sa ibaba. Bakatin ito sa isang malinis na papel. Gamit
ang mga pangkulay, kulayan ang mga bansang sakop ng Silangan at Timog-Silangang Asya.
Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

3
https://www.google.com/search?q=map+of+asia&safe=active&sxsrf=ALeKk03L9VUA4ieJSbMdLWNakue6kes1iw:1593566075763&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Lk45xFhrw66NTM%252C9BBQvBm68kJOVM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQ-
q8oqihkZXGeroLXyyGeiWd07_Q&sa=X&ved=2ahUKEwjnu_ye8KrqAhXQzIsBHRnWDkkQ9QEwCHoECAoQQA&biw=1366&bih=657#imgrc=Lk45xFhrw66NTM

Silangang Asya Timog-Silangang Asya


1. China 1. Indonesia
2. 2. Malaysia
3. Japan 3.
4. 4. Singapore

5.

Pamprosesong mga Tanong


1.Ano ano ang mga bansang sakop ng Timog at Kanlurang Asya?
2. Alin sa mga bansa ay may pinakamalawak na lupain? May pinakamaliit?
3. Sa pangkalahatan, paano mo ilalarawan ang lokasyon ng mga bansang ito?
4. Ang pagkakaroon ba ng malawak na lupain at istratehikong lokasyon ay sapat na mga
dahilan upang magka-interes ang mga mananakop sa isang bansa? Patunayan.

Suriin

Kolonyalismo at Imperyalismo
A. Silangang Asya

CHINA, sinakop ng Portugal, England, France, Germany at Russia

Dahilan

4
 May malawak na teritoryo
 Matatag na ekonomiya, kultura at pulitika dahil sa isolationism o ang paghiwalay ng
saliri sa daigdig
 May mga daungang mainam sa pakikipagkalakalan

Paraan:

o Digmaang Opyo
1839-1842 –Pagkumpiska at pagsunog sa opyo na nakuha mula sa barkong pagmamay-ari
ng British.
1856-1860- Pagpigil ng isang opisyal ng adwana na makapasok ang barko ng mga British
na may dalang Opyo. Sumali ang France dahil sa pagpatay sa isang misyonerong Pranses
sa China.
Epekto:

 Humina ang katatagan ng pamahalaan ng bansa.


 Binuksan ang mga daungan ng China sa mga Kanluranin
 Ipinagkaloob sa England ang karapatang extraterritoriality na nagsasabing ang
sino mang British na nagkasala sa China ay hindi maaring litisin sa korte ng mga
Tsino.
 Nahati ang China ayon sa Spheres of Influence noong 1900s na tumutukoy sa
mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang karapatan ng mga kanluranin:
England- Hongkong, Yang Tze Valley at Weihaiwei
France- Zhanjiang, Kwangchow
Germany- Kwantung, Qingdao, Yunnan
Protugal- Macao
Russia- Manchuria
 Ipinatupad ang Open Door Policy na iminungkahi ni John Hay, Secretary of the
State ng Estados Unidos para matiyak ang patuloy na pakikipagkalakalan ng China
sa bansa nito.

JAPAN vs Estados Unidos

Dahilan

 Maunlad ang ekonomiya, matingkad ang kultura at matatag ang pamahalaan dahil sa
pagsasara ng mga daungan sa mga dayuhan.
 May mga daungang mainam sa pakikipagkalakalan

Paraan:

o Pagpapadala ni Pang. Milliard Filmore ng Amerika kay Commodore Matthew Perry


upang hilingin sa emperador na buksan ang kanyang mga daungan para sa mga barko
nito na dumadaan sa Pasipiko para sa karagdagang pagkain, tubig at panggatong.

o Sa pagbalik ni Perry, nakita ng mga Hapones ang mga naglalakihan at armadong


barko na tila nagbibigay ng isang babala.

5
Epekto:

 Ipinatupad ang Kasunduang Kanagawa noong 1854 na nag-uutos sa pagbukas ng


mga daungang Hakodate at Shimoda para sa mga barko ng Amerika.
 Pinahintulutan ang Amerika na magtayo ng embahada sa Japan.
 Nakapasok ang England, Germany, France, Russia at Netherlands sa Japan.
 Nawala sa kamay ng Shogunato ng Tokugawa ang kapangyarihan.
 Nagkaroon ng bagong pamahalaan sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito sa edad
na 15. Tinawag ang kanyang pamumuno na Mejie Era (Enlightended Rule)
 Niyakap ng Hapon ang modernisasyong dala ng kanluranin.

B. Timog-Silangang Asya

PILIPINAS, sinakop ng Espanya

Dahilan:
 Istratehiko ang lokasyon sa Karagatang Pasipiko
 Mainam na mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at pampalasa
 May malaking deposito ng ginto

Paraan:
o Nagpadala ng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan upang maghanap
ng bagong mga lugar.
o Nagpadala ng mga misyonero upang ipakilala sa mga katutubo ang Kristiyanismo.
o Nakipagkaibigan si Miguel Lopez de Legazpi sa mga local na pinuno sa pamamagitan
ng sanduguan.
o Ipinatupad ang ibat ibang institusyong panlipunan

Epekto:

 Lumaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas at naging makapangyarihan ang mga


paring Espanyol
 Nagkaroon ng Sentralisadong Pamamahalaan bilang isang probinsiya ng Espanya na
pinamumunuan ng Gobernador Heneral, ang pinakamataas na pinunong Espanyol.
 Nawalan ng kapangyarihan ang mga katutubo sa pamamahala.
 Nagpatupad ng sistema ng pagbubuwis (tributo)
 Naging malawakan ang monopolyo sa tabako
 Napilitang magtrabaho ang mga lalaking may edad 16-60 (polo y sevicio)
 Natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at nagkaroon ng ibat ibang pagdiriwang
kagaya ng pista ng santo, Santacruzan, Pasko at iba pa
 Naging sentro ng kalakalan ang Kalakalang Galyon

6
INDONESIA, sinakop ng Portugal, Netherlands at England

Dahilan:

 Istratehiko ang lokasyon sa Karagatang Pasipiko


 Mainam na mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at pampalasa
 Mainam na daungan

Paraan:
o Nagtayo ng himpilan ng kalakalan ang Portugal sa Moluccas (1511) at pinalaganap
ang Kristiyanismo
o Gumamit ng Divide and Rule Policy kaya napaalis ng mga Dutch ang mga Portuges
at sinakop ang Amboina at Tidore sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa mga lokal
na pinuno

Epekto:

 Lumaganap ang Kristiyanismo


 Naitatag ang Dutch East India Company (1602)
- Layunin nito na pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa
Asya
- Pagtatayo ng isang hukbo na magtatanggol laban sa pirata, magtayo ng mga
daungan
- Makipagsundo sa mga lokal na lider ng iba pang mga bansa sa Asya
- Nakontrol ang Spice Trade sa Timog-Silangang Asya.

MALAYSIA, SINGAPORE, MYANMAR sinakop ng England

Dahilan:

 Istratehiko ang lokasyon para maging daungan


 Mainam na mapagkunan ng lata at goma (Malaysia)
 Mapapangalagaan ang interes sa Silangang India (Myanmar)

Paraan:
o Kinontrol ang mga daungan ng Singapore na sentro ng kalakalan
o Kinontrol ang produksyon ng lata at goma sa Malaysia at hinikayat ang mga Tsino na
mandayuhan dito para maging mga trabahador.

Epekto:

 Nakilala ang Singapore bilang sentro ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya


 Dumami ang bilang ng mga trabahador na Tsino sa Malaysia na naging dahilan ng
kahirapan at kaguluhan.

7
 Ipinatupad ang resident system (Myanmar) na nagtatalaga sa isang British na maging
opisyal na kinatawan ng pamahalaang England at ang pagbibigay pahintulot na
manirahan dito. Nabawasan ang kapangyarihan ng Hari at ng mga Burmese sa
kanilang lupain na naging dahilan upang magkaroon ng Digmaan Anglo-Burmese –
isang digmaan sa pagitan ng mga British at mga Burmese ng Myanmar.

FRENCH INDO-CHINA (Laos, Cambodia, Vietnam)

Dahilan:
 Istratehiko ang lokasyon para maging daungan
 Mainam na mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at pampalasa
 Mainam na daungan
Paraan:
o Gumamit ng pwersang militar para maisagawa ang mga sumusunod:
-Hiningi ng French ang kaliwang pampang ng Mekong River (Vietnam)
- Nakuha ang Cochin China noong 1862

Epekto:
 Hinawakan ang lahat ng tungkulin at posisyon sa pamahalaan
 Ipinag-utos ang pagtanim ng palay
 Lumaganap ang gutom dahil halos lahat ng ani ay kinukuha ng French.

Pagyamanin
TASK CARD 1: Mapa-Nakop

Panuto: Bakatin ang mapa ng Asya sa iyong kwaderno. Gamit ang mga flaglets sa ibaba,
tukuyin ang mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na minsang sinakop ng mga
sumusunod na kanluranin: (Maaari ring magbigay ang guro ng kopya nito para sa mag-aaral.)

Spain/Portugal France England

https://www.google.com/search?q=map+of+asia&safe=active&sxsrf=ALeKk03L9VUA4ieJSbMdLWNakue6kes1iw:1593566075763&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Lk45xFhrw66NTM%252C9BBQvBm68kJOVM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQ-
q8oqihkZXGeroLXyyGeiWd07_Q&sa=X&ved=2ahUKEwjnu_ye8KrqAhXQzIsBHRnWDkkQ9QEwCHoECAoQQA&biw=1366&bih=657#imgrc=Lk45xFhrw66NTM

8
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga bansang Asyano na nasakop ng mga Kanluranin?
2. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga Kanluranin?
.
TASK CARD 2: Ano sa tingin mo!
Ang nasa larawan ay ang tanyag na mananakop na Europeo na si Ferdinand Magellan.
Dahil sa kanyang panggagalugad sa mundo, maraming konsepto ang napatunayang totoo at
marami din naman ay huwad lamang. Kung ikaw si Magellan, anong bansa ang nais mong
mapuntahan at pamunuan. Ilagay ang sagot sa espasyong nakalaan.Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.

https://tinyurl.com/43ffada6

Isaisip

Gawain 3: Ano sa tingin mo?

Kompletuhin ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Sa linggong ito, napagtanto ko na

1. Ang pinakamahalagang ideya na labis naka-apekto sa akin ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa palagay mo mabuti ba ang ginawa ng mga asyano na paraan laban sa mga


mananakop na Kanluaranin sa unang yugto ng imperyalismo?

_____________________________________________________________________

9
Isagawa

Gawain 5: Reflective Journal

Pansamantala kang tumigil at magnilaynilay. Sa mga bagong natuklasan at


karagdagang kaalaman, ipaliwanag ang konseptong pinagtibay sa ibaba.

“Pagkaka-isa sa gitna ng pagkakaiba-iba, may kapangyarihan sa pagsasama-sama”

Tayahin

I. Pagtatambal (1 puntos bawat-isa)


Pagtambalin ang mga konsepto sa Hanay A sa kung anong bansa ito ipinatupad
sa Asya na makikita sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
_____1. Dutch East India Company A. Pilipinas
_____2. Extraterritoriality B. China
_____3. Resident System C. Japan

_____4. Kasunduang Kanagawa D. Cambodia

_____5. Sanduguan E. Indonesia

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Siya ay isang Potuguese na unang nakarating sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol?
A. Miguel Lopez de Legazpi B. Ruy Lopez de Villalobos
C. Ferdinand Magellan D. Vasco da Gama

2. Ano ang nagging epekto ng Kasunduang Hakodate sa pamamgitan ng mga Hapon at


Amerikano?
A. Ibinigay nila ang mga daungan
B. Buksan ang lahat ng daungan
C. Pagbukas ng Shimoda at Hakodate para sa mga barkong Amerikano
D. Pagbigay ng bansang Hapon sa mga Amerikano
3. Ano ang epekto ng extraterritoriality sa mga Asyano lalo na sa bansang Tsina?
A. Ito ay napakasaklap na pangyayri para sa mga Tsino.

10
B. Naging masaya ang mga British
C. Nabigyan ng kalayaan ang mga British na gumawa na kamalian
D. Nagpapakita lamang ito na mas superior ang mga Kanluranin sa mga Asyano.
4. Ang mga sumusunod ay mga bansang nasakop sa Timog Silangang Asya ng mga
Kanluranin maliban sa isa.
A. Pilipinas B. Indonesia C. Malaysia D. Thailand
5. Ano ang magandang impluwensiya ang naibigay ng mga Espanyol sa Pilipinas sa
panahon ng kanilang pananakop.
A. Paarang pamparokya B. Sistemang Encomienda
C. Kristiyanismo D. Sistemang ng Pamamahala

III. Pasanaysay (10 puntos bawat-isa)


Naging sentro ng ating aralin ang pananakop ng ibat ibang mga bansang kanluranin
sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangan Asya. Sa kasalukuyang panahon ang Pilipinas
ay itinuturing na isang bansang malaya sapagkat may sarili itong pamahalaan, patakaran at
ekonomiya na hiwalay at malaya sa pangingaialam ng anu mang bansa. Bilang isang
kabataang Pilipino, paano mo nagagamit ang kalayaan mo sa pagsusulong ng pagkaka-isa?
Ang iyong sagot ay tatayain gamit ang rubrik sa ibaba:
Nilalaman ---- 5
Organisasyon, daloy at kaangkupang ng mga ideya ---- 3
Sulat-kamay ---- 2

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Hagdan ng Pag-unlad

Sa usaping may kaugnayan sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya, sagutan ang hinihingi ng hanay na Aking Aking Alam at Nais Malaman.
Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng chart pagkatapos ng yunit na
ito.
Tanong
Mga Natutuhan
Nais Malaman Paano nagbago ang
______________ pamumuhay ngmga
Ang Aking Alam
______________ ______________ taga-Silangana at
______________ ______________ ______________ Timog-Silangan sa
______________ panahon ng
______________ ______________
kolonyalismo at
______________ ______________ ______________ imperyalismo?
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ___
______________ ___
___
11
12
Tayain
I.
1. E
2. B
3. D
4. C
5. A
B.
1. C
2. C
3. D Balikan
4. D
1. 
5. C
2. X
3. X
II. 4. X
5. X
Ang mga sagot ay
6. X Subukin
dependi sa istandard ng
7. 
guro. Ang mga sagot
8. 
9.  ay dependi sa
pamantayan at
10. 
istandard ng
guro.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat
Blando, Rosemarie C. et al., Asya: Pagkaka-isa sa Gitna ng Pagkakaiba,
Edurources Publishing, Inc. 2014 (pp.70-96)

Camagay, PhD., Ma. Luisa T., et al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Batayang
Aklat sa Ararling Panlipunan II. (pp. 88-107)

Mateo, PhD., Grace Estela C., et al., Kabihasnang Asyano at


Kultura, Vibal Publishing House, Quezon City, Philippines, 2008
(pp. 84-99)

Electronic Source

https://www.google.com/search?q=timog-silangang+asya&tbm
https://www.google.com/search?q=map+of+asia&safe

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like