Professional Documents
Culture Documents
Anyo NG Dula Sa Balangkas
Anyo NG Dula Sa Balangkas
Roma 12:4-5
1. Yugto
Yugto
Kung baga sa nobela ay ang
kabanata
Ito ay malalaking hati ng dula
Ang isang dula ay maaaring
magkaroon ng isang yugto lang,
dalawa, tatlo, apat, o higit pa.
Sa tanghalan, ang bawat yugto ay
maaring gamiting panahon upang
ihanda ang susunod pang mga
yugto, upang ayusin ang tagpuan,
upang makapagpahinga sumandali
ang mga tagapagsiganap at mga
manonood.
Tanghal o Eksena
Ang bawat yugto naman ay binubuo ng
kung ilang eksena, kaya ang panahong
nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-
pareho. Maaaring ang unang yugto ng
isang dulang may tatlong yugto ay buoin
ng pitong eksenang maaaring tumagal
ng tatlumpung minuto. Ang ikalawang
yugto ay binubuo ng labindalawa, kaya
maaaring tumagal ng limampu o
animnapung minuto. Gayundin sa
ikatlong yugto, ang bilang ng eksena ay
iba rin at ang panahon ay maaaring
magtagal o sandali rin.
Tagpo
Kung ang yugto ay binubuo ng mga
eksena, ang eksena naman ay binubuo
ng mga tagpo. Ang eksena ay maaaring
magbadya ng pagbabago ng tagpuan
ayon sa kung saan gaganapin ang
susunod na pangyayari.
Ang tagpo rin ay ang paglabas at
pagpasok ng kung sinong tauhang
gumanap o gaganap sa eksena.
Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=lbzq5De5_Uk&t=10
7s