You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
LUNA, BOLINAO, PANGASINAN

Pangalan: _________________________ Seksyon: __________________________

2nd Quarter
3rd Summative Assessment
ARALING PANLIPUNAN 9

I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap, Isulat sa patlang ang


PABILI kung wasto ang nakasaad. Palitan ng wastong salita ang
nakasalungguhit sakaling mali ang nakasaad upang maging
tama rin ito.

1. Ang mall, supermarket at tiyangge ay maituturing na pamilihan.


2. Wage rate ang tawag sa presyong katumbas ng serbisyo o trabaho ng isang tao mula sa kanyang amo.
3. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer
ay maraming
pagpipilian.
4. Nangyayari ang kartel o pagkakaroon ng kutsabahan o pagkakasundo ng mga prodyuser o alliances of
enterprises sa ilalim ng
monopolyo.
5. Ang copyright ay ang karapatang-ari na pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
6. Ang MERALCO ay isang monopolistang tagasuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig bayan kaya
naitatakda nito ang presyo
ng kuryente.
7. Sa ganap na kompetisyon, walang pwersa ang mamimili at nagtitinda na magtakda ng presyo.
8. Ang mga sikat na fastfood stores tulad ng McDonalds, Jollibee, Shakey’s at KFC ay halimbawa ng uri ng
monopolistikong
kompetisyon.
9. Nakadepende sa mga sangkot sa pamilihan ang presyong itinatakda ng mga tindahan.
10. Walang hangganan ang kapangyarihan ng pamilihang oligopolyo at monopolitikong kompetisyon.

II. Piliin ang tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Dito itinatakda ang kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami.
a. Sanglaan b. kusina c. pamilihan d. bangko
2. Sa uring ito ng pamilihan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay
ng serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili?
a. Monopoly b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

3. Ito ang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga prodyuser ang kanilang mga
produkto.
a. Agreement b. advertisement c. announcement d. propaganda
4. Ang product differentiation ay nangangahulugang .
a. Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang
b. Eksaktong magkakahawig ang mga produkto
c. Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto
d. May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang katangian ng
mga produktong ipinagbibili
5. Nagkakaroon ng collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal kapag
a. pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili
b. pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa pamilihan
c. pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng kanilang mga
produkto
d. pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng sangkap at sukatan ng
timbang

6. Ang oligopolyo at monopoly ay may pagkakatulad. Tukuyin ito.


a. malayang kalakalan sa bilihan b. may limitadong kapangyarihan sa pamilihan
c. maraming prodyuser at konsyumer d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

7. Kapag ang mamimili ay may sapat na kaalaman sa pamilihan, ____ .


a. Makapagdedesisyon siya ng tama sa pagpili ng produkto
b. Makakukuha ng mas malaking diskwento ang mga mamimili
c. Makakaiwas siya sa mataas na bayarin sa buwis
d. Makatitipid siya ng oras sa pamimili
8. Kapag nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga mamimili sa isang ekonomiya, ito ay
nasa sistemang .
a. Monopoly b. Oligopolyo
c. ganap na kompetisyon d. monopolistikong kompetisyon

9. Ang mga sumusunod, maliban sa isa ay patunay na may masiglang interaksyon ang mga mamimili ang
nagtitinda.
a. Magkakatabi ang mga magkakauri na paninda
b. May takdang araw na maaari lamang makapagtinda
c. May takdang dami lamang ang maaaring bilhin ng mamimili
d. Magkakaiba ang presyo ng mga magkakauring produkto sa pamilihan
10. Ang mga produktong galing sa ibang bansa na makikita sa mga duty free shops ay nabibilang sa pamilihang __
.
a. lokal
b. panrehiyon
c. pambansa
d. pandaigdig

Prepared by: Checked by: Noted :

MAYDA E. RIVERA ZENAIDA B. CARANZA EDGAR C. ORPERIA


Subject Teacher Master Teacher I Principal II

You might also like