You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region I
PANGASINAN DIVISION I
Lingayen
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bolinao, Pangasinan

2nd Quarter Summative Assessment


Assessment #3
ARALING PANLIPUNAN 9

I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap, Isulat sa patlang ang PABILI kung
wasto ang nakasaad. Palitan ng wastong salita ang nakasalungguhit sakaling
mali ang nakasaad upang maging tama rin ito.

1. Ang mall, supermarket at tiyangge ay maituturing na pamilihan.


2. Wage rate ang tawag sa presyong katumbas ng serbisyo o trabaho ng isang tao mula sa kanyang amo.
3. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming
pagpipilian.
4. Nangyayari ang kartel o pagkakaroon ng kutsabahan o pagkakasundo ng mga prodyuser o alliances of enterprises sa ilalim ng
monopolyo.
5. Ang copyright ay ang karapatang-ari na pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
6. Ang MERALCO ay isang monopolistang tagasuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig bayan kaya naitatakda nito ang presyo
ng kuryente.
7. Sa ganap na kompetisyon, walang pwersa ang mamimili at nagtitinda na magtakda ng presyo.
8. Ang mga sikat na fastfood stores tulad ng McDonalds, Jollibee, Shakey’s at KFC ay halimbawa ng uri ng monopolistikong
kompetisyon.
9. Nakadepende sa mga sangkot sa pamilihan ang presyong itinatakda ng mga tindahan.
10. Walang hangganan ang kapangyarihan ng pamilihang oligopolyo at monopolitikong kompetisyon.

II. Piliin ang tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Dito itinatakda ang kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami.
a. Sanglaan b. kusina c. pamilihan d. bangko
2. Sa uring ito ng pamilihan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay ng serbisyo kung
kayat walang pamalit o kahalili?
a. Monopoly b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

3. Ito ang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga prodyuser ang kanilang mga produkto.
a. Agreement b. advertisement c. announcement d. propaganda

4. Ang product differentiation ay nangangahulugang .


a. Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang
b. Eksaktong magkakahawig ang mga produkto
c. Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto
d. May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang katangian ng mga produktong
ipinagbibili
5. Nagkakaroon ng collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal kapag
a. pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili
b. pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa pamilihan
c. pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng kanilang mga produkto
d. pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng sangkap at sukatan ng timbang
6. Ang oligopolyo at monopoly ay may pagkakatulad. Tukuyin ito.
a. malayang kalakalan sa bilihan b. may limitadong kapangyarihan sa pamilihan
c. maraming prodyuser at konsyumer d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon
7. Kapag ang mamimili ay may sapat na kaalaman sa pamilihan,
.
a. Makapagdedesisyon siya ng tama sa pagpili ng produkto
b. Makakukuha ng mas malaking diskwento ang mga mamimili
c. Makakaiwas siya sa mataas na bayarin sa buwis
d. Makatitipid siya ng oras sa pamimili
8. Kapag nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga mamimili sa isang ekonomiya, ito ay nasa sistemang .
a. Monopoly b. Oligopolyo
c. ganap na kompetisyon d. monopolistikong kompetisyon

9. Ang mga sumusunod, maliban sa isa ay patunay na may masiglang interaksyon ang mga mamimili ang nagtitinda.
a. Magkakatabi ang mga magkakauri na paninda
b. May takdang araw na maaari lamang makapagtinda
c. May takdang dami lamang ang maaaring bilhin ng mamimili
d. Magkakaiba ang presyo ng mga magkakauring produkto sa pamilihan
10. Ang mga produktong galing sa ibang bansa na makikita sa mga duty free shops
ay nabibilang sa pamilihang .
a. lokal
b. panrehiyon
c. pambansa
d. pandaigdig

Prepared by: Checked by: Noted :


MAYDA E. RIVERA ZENAIDA B. CARANZA EDGAR C. ORPERIA
Subject Teacher Master Teacher I Principal II
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
PANGASINAN DIVISION I
Lingayen
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bolinao, Pangasinan

2nd Quarter Summative Assessment


Assessment #4
ARALING PANLIPUNAN 9

I. Uriin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa tungkuling ginagampanan ng pamahalaan. Isulat ang SP para sa
Serbisyong Panlipunan, PK para sa Pagtataguyod ng Kompetisyon at PE para sa Pagpapatatag ng Ekonomiya.

1. Ang pinakamalaking porsyento ng badyet ng gobyerno ay nakalaan para sa edukasyon.


2. Pagbuwag ng pamahalaan sa monopolyo sa kalakalan.
3. Pagbibigay ng ayuda sa mga maliliit na negosyo upang makapagpatuloy.
4. Ang pagkakaroon ng maayos na farm-to-market-road ay nakakatulongpareho sa konsyumer at prodyuser.
5. Pagtataguyod sa mga produktong lokal.
6. Pagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan.
7. Pakikilahok ng bansa sa mga usaping may kinalaman sa pandaigdigang pamilihan.
8. Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa upang makahikayat sa mga namumuhunan.
9. Pangingialam sa presyo para sa kapakinabangan ng mga konsyumer at mga prodyuser.
10. Pagpapatupad ng price freeze sa panahon ng kalamidad.

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong.

1. Anong tawag sa pinakamataas na presyong pwedeng ipataw sa isang produkto o serbisyo?


a. Price ceiling b. Price floor
c. Price freeze d. Suggested retail price

2. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng price freeze sa lahat ng pangunahing produkto kasama na ang mga kagamitang
medikal bunsod ng Covid -19 pandemic. Paano nakakatulong ang ganitong pamamagitan ng pamahalaan?
a. Upang dumami ang mga negosyanteng tumigil na sa pagnenegosyo
b. Upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante sa demand nito
c. Upang mabili ng gobyerno ng mas mura ang mga produkto
d. Upang magamit ng gobyerno ang kanyang kapangyarihan sa pagkontrol sa pamilihan
3. Bakit nagtatakda ng price control/price support ang gobyerno?
a. Upang ipakita ang kakayahan ng pamahalaan sa pagkontrol sa pamilihan
b. Upang tulungan ang mga mamimili na makapagbadget
c. Upang maabot ang layuning maging self-sufficient ang bansa
d. Upang maiayos ang pamilihan ayon sa kapakinabangan ng mga konsyumer at prodyuser
4. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng pamahalaan sa pamilihan?
a. Pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka
b. Pagpapatupad ng price freeze sa panahon ng pandemya
c. Paglalaan ng pondo sa mga proyektong farm-to-market-road
d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga ito ang HINDI kasali sa mga serbisyong panlipunang ipinagkakaloob ng pamahalaan?
a. Pabuwag sa monopolyo sa kalakalan
b. Pagpapatayo ng mga irigasyon, kalsada, tulay at iba pang istruktura
c. Pagdaragdag sa puwersa ng kapulisan upang masugpo ang kriminalidad sa bansa
d. Paglalaan ng malaking pondo para tugunan ang kinakaharap na pandemya
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo?
a. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay ginagawa upang patatagin ang ekonomiya ng bansa
b. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay kasama sa kanyang mandato bilang tagapagtaguyod ng
kapakanan ng kanyang mamamayan
c. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay nagdudulot ng dis- ekwilibriyo sa pamilihan at pagkakaroon
ng implasyon
d. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay para sa parehong kapakanan ng mga konsyumer at
prodyuser
7. Kung ang presyo ng palay ay labis na mababa na maaaring magdulot ng lubhang pagkalugi sa hanay ng mga
magsasaka. Alin sa mga pagprepresyong ito ng pamahalaan ang makakatulong para sa kanila?
a. Price ceiling
b. Price floor
c. Price freeze
d. Clearing price
8. Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magtatakda ng price ceiling?
a. Magkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan
b. Magdudulot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kakulangan
c. Magdududlot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kalabisan
d. Walang epekto ito sa pamilihan
9. Sa papaanong paraan naipagkakaloob ng pamahalaan ang serbisyong panlipunan?
a. Sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob at labas ng bansa
b. Sa pagtataguyod ng mataas na antas ng kamuwangan para sa lahat
c. Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga ospital upang matiyak ang kalusugan ng mga mamamayan
d. Lahat ng nabanggit

10. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan upang mapanatiling matatag ang presyo sa pamilihan,
alin dito ang HINDI kasali?
a. Pagtataguyod sa karapatan ng mga konsyumer at prodyuser
b. Pagtatakda ng price floor at price ceiling kung kinakailangan
c. Pagkakaloob ng subsidiya sa sa mga negosyante o mangangalakal
d. Panghuhuli sa mga lumalabag sa batas

Prepared by: Checked by: Noted :


MAYDA E. RIVERA ZENAIDA B. CARANZA EDGAR C. ORPERIA
Subject Teacher Master Teacher I Principal II

You might also like