You are on page 1of 4

PAGLALARAWAN:

PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga paglalarawang pahayag at kilalanin kung sa anong pandama
(karaniwan o masining) nauugnay ang bawat isa.Isulat ang inyong sagot sa puwang na nakalaan sa
unahan ng bawat bilang. Sa ibaba ng inyong kasagutan,maglahad ng maikling paliwanag kung bakit ito
ang inyong sagot. (2 pts. bawat aytem)

__________1.Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang masasagasaan sa masikip na


daang papasok sa loobang kanyang pinanggalingan.
__________2.Maanghang na ginataang laing, malinamnam na tinampang kabasi, labanos na sawsawan,
tamang-tama sa asim na sinampalukang manok at matamis na kundol ang aming
dinatnang nakahain sa mesa.
__________3.Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig napumailanlang at at kasunod noon ay
tilian ng mga kababaihan….
__________4. Nadama ko ang di pangkaraniwang init ng kanyang palad at pananamlay ng kanyang tinig
idiniit ko ang aking kamay sa kanyang noo at siya ay napatunayan kong nilalagnat…
__________5.Sumama sa kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong sangsang ng umaalingasaw sa labas
at sa nakasusukang amoy na nanggaling sa isang malapit na kanal…

Panuto: Isulat ang DALUMAT kung ang inilalahad ng pangungusap ay Tama at LAMAT naman kung Mali.
Kung Mali,salungguhitan ang salitang nagpamali sa pangugusap.Sa puwang na nakalaan sa unahan ng bawat
bilang ilagay ang inyong mga kasagutan.Pangatwiranan ang iyong sagot sa bawat bilang sa pamamagitan ng
pagbibigay ng maikling paliwanag.(2pts.bawat aytem)

___________1.Ang paglalarawan ay paraan ng pagpapahayag na may kinikilingan pagpapaliwanag.

___________2.Hayup ang nakakaraming paksa ng paglalarawan.

___________3.Magagawa ang pagbuo ng pangunahing larawan sa pamamagitan ng matamangpakikinig.

___________4.Bawat pagsulat ng paglalarawan ay may taglay na layunin.

___________5. Ang Pag-iisa-isa ay isang uri ng paglalarawan.

___________6.Ang batay sa pandama ay isa a tatlong paraan ng paglalarawan.

___________7. Ang Paglalarawan ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng mga

pandama.

__________8.Layunin ng paaglalarawan na hindi ipakita kung papaanong ang isang bagy ay naiiba sa mga

kauri nito.

__________9. Gumagamit ng mga tayutay ang karaniwang paglalarawan.

__________10.Ang pagpapahayag ng recipe ay hindi isang halimbawa ng pagpapaliwanag sa pamamaraang

uri ng paglalarawan
Panuto: Sa isang masining na paglalarawan kalimitang ginagamitan ito ng mga tayutay. Ipaliwanag ang
limang tayutay na nasa ibaba. (5 pts bawat tayutay na ipapaliwanag)

a. Isang bukas na aklat sa nayon ang buhay ni Emie.

b. Kay tulin tumakbo ng panahon.

c. Anaki’y dagundong ng kulog ang nagagalit na boses ng kanyang ama.

d. Lumuwa-sumuba ang mga tao sa kalsada.

e. Putik ang ikinulapol ng anak mo sa ating pangalan

PANUTO: Sa apat na uri ng masining na paglalarawan pumili lamang ng dalawa (2) at ito’y ipaliwanag at
magbigay ng isang talatang aktwal na halimbawa(15 pts. bawat isa, 5 pts sa paliwanag at 10 pts . sa
isang talatang halimbawa).

1. Paglalarawan ng Tao
2. Paglalarawan ng Tanawin
3. Paglalarawa ng isang Pangyayari
4. Paglalarawan ng Damdamin
NARATIBO:

Pagsulat ng Komposisyon:

1. Mag isip ng isang serye ng mga pangyayari para sa pagsulat sa isang naratibong komposisyon itala muna
sa papel ang sikwens ng mga pangyayari

2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may pagsaalang-alang sa mga katangian ng isang mabuting
narasyon at gamit ang sikwens na iyong itinala .

PANGANGATWIRAN:

Ang pangangatuwiran ay tinatawag na pakikipagtalo o argumentasyon. Sa pagsulat ng komposisyon ano ang


kahalagahan ng pangangatwiran dito? Magbigay ng limang kahalagahan ng pangangatwiran sa pagsulat ng
komposisyon at ipaliwanag .
PAGLALAHAD:

Itinuturing ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may
kaugnayan sa kanyang mga gawain pangkomunikasyon.

Magbigay ng limang uri ng paglalahad.

1.

2.

3.

4.

5.

Magsulat ng isang komposisyon gamit ang paglalahad na diskurso mahalagang Makita ang mga katangian at
bahagi ng mahusay na paglalahad.

1. ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-UUGALI NG MGA MAG-AARAL.

2. EPEKTO NG TEKNOLOHIYA NAKAKABUTI NGA BA O NAKAKASAMA ?

You might also like