You are on page 1of 16

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Paniniwala ng Pamilya Ko, Sumusunod
Ako!
ESP-Ikaunang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat Markahan – Modyul 3: Paniniwala ng Pamilya Ko, Sumusunod Ako!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann V. Talaue
Editor: Eva O. Dela Cruz
Tagasuri: Eva O. Dela Cruz
Tagaguhit: Roldan R. Rivero
Tagalapat: Roldan R. Rivero
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Phd, CESO V
Jessie L. Amin, EdD, CESO V
Octavio V. Cabasag, PhD
Rizalino G. Caronan
Richard O. Ponhagban
Samuel P. Lazam, PhD
Emelyn L. Talaue
Eva O. Dela Cruz

Department of Education – Region 02

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur,


Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Paniniwala ng Pamilya Ko, Sumusunod
Ako!
Alamin

Ginawa at isinulat ang modyul na ito para sa mga


batang mag-aaral upang malaman at matutuhan ang
mga aralin o leksiyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1.

Matapos mong pag-aralan ang araling ito,


makakaya mo nang gawin ang: Nakasusunod sa mga
gawaing Panrelihiyon (EsP1PD-IVf-g-3)

Subukin
Bago mo simulan ang pag-aaral sa araling ito. Basahin
ang tula nang may damdamin.
Dakilang Lumikha
ni: Mary Ann V. Talaue
Dakilang Ama
Huwaran ng madla
Kaloob Niyang biyaya
Nilikha ay pinagpala

Sa mga nilalang Niya


Hindi Siya nagpapabaya
Kaya ang hiling ng bawat isa
Ay dinidinig Niya.

1
Panuto: Bilugan ang letra ng iyong sagot.
1. Sino ang tinutukoy na Dakila sa tula?
a. ang Diyos
b. ang tatay mo
c. ang lolo mo
2. Bakit Siya tinawag na Dakila?
a. dahil Siya ay hindi nakikita
b. dahil Siya ang lumikha sa lahat
c. dahil Siya ay malakas
3. Paano Niya ipinadarama ang pagmamahal
sa bawat isa na Kanyang nilikha?
a. biyaya ang ipinagkakaloob
b. problema ang ipinagkakaloob
c. kalungkutan ang ipanagkakaloob
4. Ano ang Kaniyang dinidinig sa Kaniyang mga
nilikha?
a. kahilingan
b. kayamanan
c. kapangyarihan
5. Bilang isang bata, ano ang iyong gagawin para
masuklian ang kadakilaan ng Diyos sa iyo?
a. sirain ang kanyang mga nilikha
b. huwag pansinin ang kanyang mga nilikha
c. alagaan ang kanyang mga nilikha
2
Aralin
Paksa: Paniniwala ng Pamilya
1 ko, Sumusunod Ako!

Mahalaga na matutuhan mo na ang pagkakaroon


ng paniniwala ng isang pamilya sa Dakilang Lumikha at
pagsunod ng tama sa mga gawaing panrelihiyon ay
nakatutulong upang magkaroon ng matibay na
pagsasama at pagkakaroon ng pagmamahalan ng
bawat kasapi ng pamilya.

Balikan

Isulat ang sa patlang kung wasto ang isinasaad


ng pangungusap at naman kung di-wasto.
_______1. Sama-sama ang bawat kasapi ng mag-anak na
nagpupuri sa Dakilang Lumikha.
_______2. Pinapangunahan ni Tricia ang pagdarasal
bago ang pagkain ng mag-anak.
_______3. Tinatawanan ni Joanna ang ate habang
ito ay umaawit ng papuri sa Lumikha.
_______4. Iginagalang ni Joshane ang paniniwala ng
kanyang kaibigan na Muslim.
_______5. Nakikinig si Grace sa pangaral ng kaniyang
ama at ina tungkol sa Dakilang Lumikha.

3
Tuklasin
Pag-aralan ang larawan at sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang ipinapakita sa larawan
a. sama-samang pagsamba ng mag-anak
b. pamamasyal ng mag-anak
c. trabaho o hanapbuhay ng mag-anak
2. Ang mga tao ay hindi na dapat tumutungo sa pook
sambahan.
a. Oo
b. mali
c. wasto
3. Ano ang ginagawa ng mga tao sa pook dalanginan?
a. naglalaro
b. nagdadasal
c. natutulog

4
4. Dapat ba na magkaroon ng matatag na paniniwala sa
Diyos?
a. dapat
b. di-dapat
c. mali
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang may
matatag pananampalataya sa Panginoon?
a. pagtungo at pananalangin ng tahimik sa mga pook
dalanginan
b. pagsulat sa mga pader ng pook dalanginan
c. paglalaro sa pook dalanginan

5
Suriin
Ang pagkakaroon ng matibay na paniniwala sa
Dakilang Lumikha ay naipakikita sa pamamagitan ng
pagsunod sa paniniwala ng pamilya. Ang bawat kasapi
ng mag-anak ay kailangang magkaroon ng
pagkakasundo-sundo at pagpapadama ng
pagmamahal sa anomang pagkakataon. Pagmasdan
ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod ng
bawat kasapi ng pamilya sa panininiwala sa Dakilang
Lumikha.

6
Pagyamanin
Gawain 1:
Panuto: Piliin ang larawang nagpapakita ng paniniwala
sa Diyos na Lumikha. Lagyan ito ng (/) sa loob ng kahon.

7
Gawain 2:
Panuto: Kopyahin ang letra ng larawan na nagpapakita
ng mga pagsunod sa mga gawaing panrelihiyon. Isulat
ito sa sagutang papel.

A. B. C.

D. E. F.

Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita na


bubuo sa pangungusap.

paniniwala Diyos pamilya


pagsunod paggawa ng
tama
Ang _____________ang lumikha sa lahat ng nakikita.
Ang pagkakaroon ng matatag na__________ng bawat
kasapi ng_________ay naipapakita sa__________at
___________sa kapuwa.

8
Isagawa

Sa talahanayan, lagyan ng tsek (/) ang kolum sa tapat


ng salitang Oo kung ginagawa mo ang nakasaad sa
sitwasyon at ang kolum sa tapat ng salitang HINDI kung
hindi mo ito ginagawa
Mga gawain OO HINDI
1.Taimtim akong nagdarasal sa
loob ng pook dalangina
2. Nakikipagkuwentuhan ako sa
aking katabi habang nakikinig
sa salita ng Diyos.
3. Nakikiisa ako sa pag-awit ng
mga papuri sa Diyos.
4. Natutulog ako sa loob ng
pook dalanginan.
5. Nakikipaglaro ako sa mga
kaibigan ko sa loob ng
simbahan.
6. Sumisigaw ako sa loob ng
pook dalanginan.
7. Tahimik akong nakikinig sa
mga pahayag tungkol sa
mga salita ng Diyos.
8. Nakikipaghabulan ako sa
loob ng pook sambahan.
9. Sinusulatan ko ang mga
dingding ng pook sambahan.
10. Iniiwasan ko ang pag-iingay
sa loob ng pook dalanginan.

9
Tayahin

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) sa patlang kung ang


isinasaad na gawain ay tama at tatsulok ( )
naman kung mali.

_________1. Tahimik na nakikinig sa mga salita ng


Diyos.
_________2. Pinagtatawanan ang mga
nagsasagawa ng pagsamba.
_________3. Sinasabing mas maganda ang aral ng
iyong relihiyon kaysa sa relihiyon ng
iyong kapuwa
_________4. Iginagalang ang paniniwala ng iba
tungkol sa Dakilang Lumikha.
_________5. Laging sumasama sa pamilya tuwing
araw ng pagsisimba.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat sa loob ng mga kahon ng iyong mga


ginagawa na nagpapahayag ng pagsunod sa gawaing
panrelihiyon. Isulat sa sagutang papel.

10
11
Subukin Balikan Tuklasin
1.a 1. 1. a
2.b 2. 2.b
3.a 3.b
3.
4. a 4. a
4.
5. c 5. a
5.
Pgyamanin Isaisip Isagawa
Gawain 1 Sariling sagot ng mga bata
1. / x 1. Diyos Tayahin
2. x
2. paniniwala
/
3. pamilya
4. pagsunod 1.
5. paggawa ng 2.
Gawain 2
tama
Tignan ang naangkop na 3.
larawan
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Department of Education


Material
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog
Binagong Edisyon 2017

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like