You are on page 1of 14

4

Filipino
Unang Markahan - Linggo 1 Modyul 1:
(Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng
Pag-uugnay sa Sariling Karanasan)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pili


3
Alamin

Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;

Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-


uugnay sa sariling karanasan

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang;

 Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.


 Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya
at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Matinding galit a. tutubusin

2. Pala-palagay b. pagpupugay

3. Tumakas nang palihim c. poot

4. Babayaran d. haka-haka

5. Pagbibigay galang e. pumuslit

7
Kahulugan ng salita sa
Z

Aralin

1 pamamagitan ng pag-
uugnay sa sariling
karanasan

Sabi ng guro namin Ang kuhulugan ng


dapat matatag ang matatag ay matibay,
pamilya. Ano ba ang kahit anong pagsubok
ibig sabihin ng ay kakayanin kapag
matatag? sama-sama ang
pamilya.

Balikan

Panuto: Ibigay ang karaniwang pangngalan ng sumusunod na


mga pangngalang tiyak o tangi.

1. Safeguard - _ _

2. Makati City - _

3. Rosas - _ _

4. Colgate - _ _

5. German Shepherd -
Tuklasin

Ayusin ang mga sumusunod na jumbled letters upang makabuo


ng mga salita.

1. ngaalaa -

2. disangan - _

3. tankalunguk- _

4. yampugat - _

5. gaattma -

Ang mga salitang nabuo ay may kaugnayan sa tatalakayin nating


aralin ngayon.
Suriin

Tatalakayin natin ang isang tula na ang pamagat ay “Halaga ng Pamilya”

Halaga ng Pamilya
Ni Arjohn V. Gime
(Yaman ng Lahi 4 p. 27 TG)

Pamilya’y dapat
alagaan Sila’y ating
sandigan
Sa hirap at kalungkutan
Bawat kasapi’y
maaasahan.

Mula pagkabata hanggang


pagtanda Di nagsawa sa pagkalinga
Ipinunlang pag-aaruga
Aning binhi ng pamilya’y masagana.

Pamilyang pinagmulan ay ating buhay


Ama, ina, anak laging magkaagapay
Ugnayang matatag na walang kapantay
Sama-sama sa pag-abot hangad na
1. Ano ang pamagat ng tula?

2. Tungkol saan ang tula?

3. Bakit mahalaga ang pamilya?

4. Bakit matatag ang ugnayan ng isang pamilya?

_ _
Pagyamanin

Panuto: Ilagay ang larawan ng miyembro ng pamilya sa bilog na hugis


at isulat ang pangalan sa ibaba ng bilog.
Isaisip

Ang Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Barrio ng San Carlos, kilala ang pamilya Santilyan bilang angkan


ng mga mayayaman. Kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang
mga negosyo. Si Romeo Santilyan ang haligi ng tahanan, Si Hulyeta
ang Santilyan ang kanyang kabiyak. Mayroon silang nag-iisang anak
na si Markus. Sa kanilang kasikatan sa larangan ng pagnenegosyo sa
pagpapatakbo ng resturan, paupahan, tahian ng damit ay laging
naiimbitahan sila sa mga pagtitipon. Sikat rin ang kanilang pamilya sa
pagtulong sa mga nangangailangan. Sabi ni Markus sa kanyang mga
kaibigan, "Maski di na ako mag-aral tiyak na maaabot ko ang aking
mga pangarap." laking pagyayabang ni Markus. "Marami akong
mamanahin mula sa aking mga magulang." Dahil lumaking mayaman
si Markus, lahat ng gusto niya ay nasusunod, mula sa pagbili ng
mamahaling damit, sapatos, cellphone, at marami pang iba. Di niya
natutunan ang mag-ipon ng pera, lagi lang siyang gastos ng gastos ng
pera at tambay sa paaralan.

Nagkasakit ang kanyang ama ng "Cancer". Unti-unting naubos ang


kanilang pera. Humina ang kanilang negosyo. Nagsara ang mga ito at
ang perang naipon nila sa bangko ang kanilang ginamit. Hanggang sa
mamatay ang kaniyang ama. Ang kanyang ina naman ay matanda na
upang magtrabaho. Noong mga panahon na iyon si Markus ay 1st
year college pa lamang at puro pagbabarkada ang inaatupag. Ang
kanyang ina ay dinala na sa "Home for the Aged".
Unti-unti na siyang nawalan ng kaibigan si Markus. Dahil di natapos ni
Markus ang kaniyang pag-aaral, naiisip ni Markus na sana ay
natutunan niya ang pag-iimpok ng pera noong sila ay mayaman pa, at
ang pagpapahalaga sa pag-aaral upang malayo ang marating sa
buhay.

Kung ikaw si Markus, ano ang gagawin mo? Ilagay ang mga
sagot sa isang semantic map.

Markus
Isagawa

Bumuo ng simbolong guhit na maiuugnay mo bilang


pagpapakita sa pagpapahalaga sa pamilya.
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang kahulugan ng nakasalungguhit na salita.

Hanay A Hanay B

1.Kapag ang pamilya ay nagbubuklod, a. magkatuwang

ito ba ay nagkakaisa?

2.Kapag ang pamilya ay magkaagapay, b. tanyag


ito ba ay magkasama sa hirap at ginhawa?
3.Kapag dakila ang pagmamahal, c. miyembro
ito ba ay may hangganan?
4.Ang bawat kasapi ng pamilya d. sama- sama

ay may tungkuling dapat ginagampanan.

5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan e. makuha

upang makamit ang tagumpay ng bawat kasapi nito.


Karagdagang Gawain

Gumupit ng tatlo hanggang limang (3-5) larawan na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa pamilya. Idikit ito sa kahon.

You might also like