You are on page 1of 8

mga

panalangin
ng mag-anak
sa adbiyento
Pagbabasbas ng Korona ng
Adbiyento at Pagsisindi ng
Kandila ng Adbiyento

Naging tradisyon na ang pagbabasbas ng linggo ng Adbiyento. Ang rosas na kandila ay


Korona ng Adbiyento at pagsisiindi ng mga sinisindihan sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento
kandila nito sa simbahan at sa mga tahanan. na kilala rin bilang “Gaudete Sunday”.
Ang pagbabasbas ng Korona ng Adbiyento ay
ginaganap sa Unang Linggo ng Adbiyento o Kapag ang pagbabasbas ng Korona ng
sa gabi bago ang Unang Linggo ng Adbiyento. Adbiyento ay ipagdiriwang sa tahanan,
Hinihikayat na ganapin ito sa ating mga nararapat na ito ay basbasan ng isang
tahanan kasama ang lahat ng kasapi ng magulang o ng isang kasapi ng pamilya.
pamilya.
Sa pagsisindi ng kandila bawat linggo,
Kadalasan ang Korona ng Adbiyento ay ipapahayag ang Salita ng Diyos at sasambitin
binubuo ng isang bilog na mga berdeng sanga ang panalngin. Ang pagsisindi ng mga kandila
na may apat na kandila. Ayon sa tradisyon, ay maaaring simulan o sundan ng isang
tatlo sa mga kandila ay kulay lila at ang himno ng Adbiyento. Maari itong gawin bago
ikaapat ay kulay rosas. Gayunpaman, maaari maghapunan ang mag-anak.
ring gumamit ng apat na lila o puting kandila.
Pamumunuan ang panalangin ng tatay o
Kinakatawan ng mga kandila ang apat nanay, makikiisa ang ibang mga kasapi ng
na linggo ng Adbiyento at ang bilang ng mag-anak sa panalangin, pagtungon, pag-
mga kandila na sinisindihan kada lingo awit, pagninilay at pagpapahayag ng Salita ng
ay tumutukoy sa bilang ng kasalukuyang Diyos.
2 PAGBABASBAS NG KORONA NG ADBIYENTO

PAGBABASBAS NG Mga kapatid, halina’t ating pakinggan


KORONA ang pagbasa mula sa Mabuting Balita
ayon kay San Mateo:
NG ADBIYENTO
Ganito ang pagkapanganak kay
PASIMULA Hesukristo. Si Maria na kanyang ina
Kapag natitipon na ang lahat ng kasapi ng pamilya, at si Jose ay nakatakda nang pakasal.
pamumunuan ng pinuno ng pamilya ang panalangin: Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa
Espiritu Santo. pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang
taong matuwid itong si Jose na kanyang
Ang lahat ay mag-aantanda ng krus at sasagot:
magiging asawa, ngunit ayaw niyang
Amen.
mapahiya si Maria, kaya ipinasiya
Babatiin ng pinuno ng pamilya ang lahat sa mga niyang hiwalayan ito nang lihim.
sumusunod na salita: Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita
Kapuri puri ang Panginoon na sa kanya sa panaginip ang isang anghel
tumatanglaw sa ating mga puso ngayon ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose,
at magpasawalang hanggan. anak ni David, huwag kang matakot na
tuluyang pakasalan si Maria sapagkat
Lahat:
siya’y naglihi sa pamamagitan ng
Amen.
Espiritu Santo. Manganganak siya ng
Sa mga sumusunod o katumbas na mga pangungusap, isang lalaki at ito’y panganganlan mong
ihahanda ng pinuno ng pamilya ang lahat para sa Hesus, sapagkat siya ang magliligtas
pagbabasbas.
sa kanyang bayan sa kanilang mga
Mga kapatid, sinisimulan natin ngayon kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito
ang panahon ng Adbiyento. Buksan upang matupad ang sinabi ng Panginoon
natin ang ating mga puso sa paghahanda sa pamamagitan ng propeta: “Maglilihi
natin sa pagdating ni Hesus sa ating mga ang isang dalaga at manganganak
buhay at tahanan. Ang mga kandila ng ng isang lalaki, At tatawagin itong
Adbiyento ang magpapaala sa atin na Emmanuel” ang kahuluga’y ‘Kasama
pumarito si Hesus upang pawiin ang natin ang Diyos.’” Nang magising si
dilim ng kasalanan at tanglawan tayo ng Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng
kanyang liwanang na walang hanggan. Panginoon; pinakasalan niya si Maria.
Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS hanggang sa maipanganak nito ang
Mateo 1:18-25
isang sanggol na lalaki na pinangalanan
Ipahahayag ng isang kasapi ng pamilya ang mga nga niyang Hesus.
sumusunod na talata mula sa Banal na Kasulatan.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
T. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
MGA PANALANGIN NG MAG-ANAK SA ADBIYENTO 3

PANALANGING PANGKALAHATAN Lahat:


Ama namin, sumasalangit ka.
Pamumunuan ng pinuno ng pamilya:
Sambahin ang ngalan mo.
Si Kristo ay pumarito upang hanguin Mapasaamin ang kaharian mo.
tayo sa dilim ng kasalanan at nangakong Sundin ang loob mo
muling babalik. Manalangin tayo dito sa lupa para nang sa langit.
upang tayo ay laging maging handa na Bigyan mo kami ngayon
tanggapin siya. ng aming kakanin sa araw-araw.
Lahat: At patawarin mo kami sa aming mga sala
Halika, Panginoong Hesus. para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
Isang kasapi ng pamilya: At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
Upang mabuksan ang ating mga puso At iadya mo kami sa lahat ng masama.
sa pag-ibig ng Diyos ngayong panahon
ng Adbiyento, manalangin tayo sa PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Panginoon. T.
Dadasalin ng pinuno ng pamilya ang panalangin ng
pagbabasbas ng magkadaop ang mga kamay.
Upang tanglawan at pagtagumpayan
ng liwanag ni Kristo ang kadiliman Ama naming mapagmahal,
ng kasalanan, manalangin tayo sa pinasasalamatan ka namin
Panginoon. T. sa pagsusugo mo ng iyong anak
na si Hesus;
Upang ang korona ng Adbiyento ay
Siya ang Emmanuel,
patuloy na maging paalala sa atin na
ang pag-asa ng lahat ng tao;
maghanda para sa pagdating ni Kristo,
Siya ang karunungan na gumagabay
manalangin tayo sa Panginoon. T.
at humuhubog sa amin;
Upang sa panahon ng Pasko ng Siya ang Tapagpagligtas
Pagsilang ng Panginoon mapuno tayo ng ng lahat ng bansa.
kapayapaan at kagalakan sa pagsisikap Pagpalain mo kami sa pagsisindi namin
nating tularan si Hesus, manalangin ng mga kandila ng korona ng Adbiyento.
tayo sa Panginoon. T. Nawa’y ang liwanag nito
ang maging tanda
Pagkatapos ng panalanging pangkalahatan, aanyayahan ng pangakong katubusan kay Kristo.
ng pinuno ng pamilya ang lahat na dasalin ang “Ama
Pumarito nawa siya at huwag magluwat.
Namin” sa mga sumusunod o katumbas na salita:
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na ni Kristong aming Panginoon.
utos at turo ni Hesus na Panginoon Lahat:
natin at Diyos ipahayag natin nang Amen.
lakas-loob:
Sisindihan ang unang kandila ng korona ng Adbiyento.
4 PAGSISINDI NG KANDILA NG ADBIYENTO

PANGWAKAS PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Marcos 1:1-8
Sasambitin ng pinuno ng pamilya na nag-aantanda ng
krus: Ipahahayag ng isang kasapi ng pamilya ang mga
sumusunod na talata mula sa Banal na Kasulatan.
Nawa’y patnubayan tayo ng liwanag ni Mga kapatid, halina’t ating pakinggan
Kristo tungo sa kaganapan ng kanyang ang pagbasa mula sa Mabuting Balita
kaharian magpasawalang hanggan. ayon kay San Marcos:
Lahat: Tuwirin ninyo ang mga landas ng Panginoon.
Amen. Nagsimula ito noong matupad ang hula
ni Propeta Isaias: “‘Narito ang sugo ko
Maaring umawit ng isang angkop na awitin. na aking ipadadalang mauuna sa iyo,
ihahanda niya ang iyong daraanan.’
Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa
ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng
Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang
mga landas!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PAGSISINDI NG T. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
IKALAWANG KANDILA PANALANGIN NG PAGBABASBAS
NG ADBIYENTO Dadasalin ng pinuno ng pamilya ang panalangin ng
pagbabasbas ng magkadaop ang mga kamay.
PASIMULA
Ama naming makapangyarihan
Kapag natitipon na ang lahat ng kasapi ng pamilya, at maaawain,
pamumunuan ng pinuno ng pamilya ang panalangin: sa aming pagsalubong sa iyong Anak
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng huwag mong ipahintulot
Espiritu Santo. na maging hadlang
ang aming mga pinagkakaabalahan.
Ang lahat ay mag-aantanda ng krus at sasagot:
Turuan nawa kami
Amen.
ng kanyang karunungan
Babatiin ng pinuno ng pamilya ang lahat sa mga upang kami ay kanyang makapiling
sumusunod na salita: kasama mo at ng Espiritu Santo
Kapuri puri ang Panginoon na magpasawalang hanggan.
tumatanglaw sa ating mga puso ngayon
Lahat:
at magpasawalang hanggan.
Amen.
Lahat:
Sisindihan ang ikalawang kandila (lila) ng korona ng
Amen. Adbiyento.
MGA PANALANGIN NG MAG-ANAK SA ADBIYENTO 5

PANGWAKAS PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Juan 1:6-8. 19-28
Sasambitin ng pinuno ng pamilya na nag-aantanda ng
krus: Ipahahayag ng isang kasapi ng pamilya ang mga
sumusunod na talata mula sa Banal na Kasulatan.
Nawa’y patnubayan tayo ng liwanag ni Mga kapatid, halina’t ating pakinggan
Kristo tungo sa kaganapan ng kanyang ang pagbasa mula sa Mabuting Balita
kaharian magpasawalang hanggan. ayon kay San Juan:
Lahat: Kapiling ninyo ang Mesiyas na hindi ninyo nakikilala.
Amen. “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit
nasa gitna ninyo ang isang hindi
Maaring umawit ng isang angkop na awitin.
ninyo nakikilala. Siya ang susunod
sa akin, subalit hindi ako karapat-
dapat magkalag man lamang ng tali ng
kanyang panyapak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

PAGSISINDI NG PANALANGIN NG PAGBABASBAS


IKATLONG KANDILA NG Dadasalin ng pinuno ng pamilya ang panalangin ng
ADBIYENTO pagbabasbas ng magkadaop ang mga kamay.

Ama naming makapangyarihan,


PASIMULA tunghayan mo ang pananabik
Kapag natitipon na ang lahat ng kasapi ng pamilya,
ng iyong sambayanan
pamumunuan ng pinuno ng pamilya ang panalangin:
sa Pasko ng Pagsilang
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng ng Panginoon naming mahal.
Espiritu Santo. Pasapitin mo kami sa kagalakang dulot
ng kanyang pagtubos
Ang lahat ay mag-aantanda ng krus at sasagot: at pasiglahin mo kami
Amen. sa pagpapasalamat sa iyong kaloob
sa pamamagitan niya
Babatiin ng pinuno ng pamilya ang lahat sa mga
sumusunod na salita: kasama ng Espiritu Santo
Kapuri puri ang Panginoon na magpasawalang hanggan.
tumatanglaw sa ating mga puso ngayon Lahat:
at magpasawalang hanggan. Amen.
Lahat: Sisindihan ang ikatlong kandila (rosas) ng korona ng
Amen. Adbiyento.
6 PAGSISINDI NG KANDILA NG ADBIYENTO

PANGWAKAS PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Lucas 1:26-38
Sasambitin ng pinuno ng pamilya na nag-aantanda ng
krus: Ipahahayag ng isang kasapi ng pamilya ang mga
sumusunod na talata mula sa Banal na Kasulatan.
Nawa’y patnubayan tayo ng liwanag ni Mga kapatid, halina’t ating pakinggan
Kristo tungo sa kaganapan ng kanyang ang pagbasa mula sa Mabuting Balita
kaharian magpasawalang hanggan. ayon kay San Lucas:
Lahat: Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki.
Amen. “Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at
manganganak ng isang lalaki, at siya’y
Maaring umawit ng isang angkop na awitin.
tatawagin mong Hesus. Magiging dakila
siya, at tatawaging Anak ng Kataas-
taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong
Diyos ang trono ng kanyang amang si
David. Maghahari siya sa angkan ni
Jacob magpakailanman, at ang kanyang
paghahari ay walang hanggan.”

PAGSISINDI NG Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


IKAAPAT KANDILA NG T. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
ADBIYENTO PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Dadasalin ng pinuno ng pamilya ang panalangin ng
PASIMULA
pagbabasbas ng magkadaop ang mga kamay.
Kapag natitipon na ang lahat ng kasapi ng pamilya,
Ama naming makapangyarihan,
pamumunuan ng pinuno ng pamilya ang panalangin:
kasihan mo kami ng iyong pagmamahal
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng
upang kaming nakabatid
Espiritu Santo.
sa pagbabalita ng anghel
Ang lahat ay mag-aantanda ng krus at sasagot: tungkol sa pagkakatawang-tao
Amen. ng Anak mo
ay makapakinabang
Babatiin ng pinuno ng pamilya ang lahat sa mga
sumusunod na salita:
sa kanyang pagpapakasakit
Kapuri puri ang Panginoon na at pagkamatay sa krus
tumatanglaw sa ating mga puso ngayon sa pagsapit namin
at magpasawalang hanggan. sa pagkabuhay niya sa langit
sa pamamagitan niya
Lahat: kasama ng Espiritu Santo
Amen. magpasawalang hanggan.
MGA PANALANGIN NG MAG-ANAK SA ADBIYENTO 7

Lahat:
Amen.
Sisindihan ang ikaapat na kandila (lila) ng korona ng
Adbiyento.

PANGWAKAS
Sasambitin ng pinuno ng pamilya na nag-aantanda ng
krus:

Nawa’y patnubayan tayo ng liwanag ni


Kristo tungo sa kaganapan ng kanyang
kaharian magpasawalang hanggan.
Lahat:
Amen.
Maaring umawit ng isang angkop na awitin.
Archdiocesan Liturgical Commission
Manila

You might also like