You are on page 1of 2

Prayer For 40 Days After Death

Ialay natin ngayon ang nobenang ito para sa minamahal nating si _________na yumao na sa
mundongito.At ngayon ay nagbabalik saw Iyo.
O Panginoon, sa Iyong awa, tanggapin mo siya sa makalangit na kaharian Mo.
Nagtungo na siya sa kanyang pamamahinga.Umaasa siya ngayon na bumangon kasama Ka.

O Panginoon, sa Iyong pag-ibig na bumabalot sa amin


dalhin Mo siya sa liwanag ng Banal na Presensya Mo.
Buong kababaang-loob na nananalangin kami, O Panginoon,para sa aming
mananampalatayang yumao na si _______

Makatagpo nawa siya ng walang hanggang kapayapaan sa piling Mo.

Makamit nawa niya ang mapagmahal na pagpapatawad Mo.


Makita Ka niya nawa ng harapan.
Oo, ikaw ang pag-asa namin sa mundong ito.
Ikaw ang aming pagkabuhay na maguli at buhay. Panginoon, buong kababaang loob kaming
nagsusumamo sa Iyo:
Maging maawain sa paghatol Mo at ipagkaloob kay _______ ang ipinangakong kaligtasan.

Kalimutan ang mga pagkakamali niya at linisin ang mga kasalanan niya
at ipagkaloob sa kanya ang panghabang-panahong gantimpala.
O Panginoon, iparating kay ___________ang tagumpay Mo laban sa kasalanan at
kamatayan.
Huwag Mo siyang hayaang mapahiwalay sa Iyo.
ngunit pagkalooban mo siya ng lugar sa Iyong walang hanggang tahanan.
Hesus, Panginoon ng mga nangabubuhay at mga nahihimlay,aliwin ang mga napapagod at
nagdadalamhati.
Manlulupig ng kamatayan at kasalanan,akayin ang mga kapatid naming yumao.
Sa pagdating niya sa katapusan,kanyang paglalakbay, akayin Mo siya pabalik sa Iyo.
Sa pagwawakas ng buhay niya,hayaan mo siyang mabuhay kapiling mo.
Sa pagtindig niya sa harap Mo para sa paghuhukom,
banggitin Mo ulit ang mga salitang ito:
“Halika, ikaw na pinagpala ng Aking Ama.Kamtin ang kahariang inihanda para sa iyo.”
Pagkalooban nawa siya ng Panginoon ng paghuhukom na puspos ng awa,at pagmasdan siya
nang may pagmamahal.
Panginoon, sa pamamagitan ng awa Mo ay nakakatagpo ng kapahingahan ang mga
mananampalatayang yumao,
isugo mo ang Iyong mga banal na anghel upang bantayan ang (libingang) urn in kryzz na ito.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.
Idinadalangin namin ang paghilom ng mga nalulungkot at nasasaktang damdamin na
idinulot ng kamatayan sa mga puso namin.
Samahan mo kami, Panginoon, sa mga sandali ng lungkot at lumbay.
Ikaw ang aming bato, aming tanggulan,at aming lakas.
Amang makapangyarihan,
Ang krus ay ginawa mo para sa amin bilang simbolo ng lakas at tinatakan mo kami bilang Iyo
sa sakramento ng pagkabuhay na maguli.
Ngayon na pinalaya mo na si _______ mula sa mortal na buhay,
Gawin mo siyang isa sa mga banal sa kalangitan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. AMEN

You might also like