You are on page 1of 21

Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas

Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA

MAG-AARAL NA NAGMAMAYORYA SA FILIPINO

Iniharap nina

Edelyn L. Janaya

Karen J. Ledesma

Angelie L. Menor

Julie Mae D. Pacheco

Kabanata I

Panimula ng Pag-aaral

Ang Kabanata I ay may anim na bahagi; (1) Banghay ng Pag-aaral;(2)

Paglalahad ng Suliranin;(3) Ipotesis ng Pag-aaral; (4) Katuturan ng mga

Katawagan;(5) Kahalagahan ng Pag-aaral; at (6) Saklaw ng Pag-aaral.

Unang bahagi, Banghay ng Pag-aaral, nagtatalakay sa mga pangyayari at

dahilan kung bakit napili at ginawa ng mga mananaliksik ang nasabing pag-aaral.

Ikalawang bahagi, Paglalahad ng Suliranin, dito isinasaad ng mga

mananaliksik ang suliranin na napili nilang pag-aralan at ang mga tiyak na mga

katanungan na nais masagot ng kasalukuyang pag-aaral.

Ikatlong bahagi, Ipotesis, naglalahad ng pansamantalang pagsagot sa

mga katanungan sa pag-aaral na ito.


1
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Ikaapat na bahagi, Katuturan ng mga Katawagan, nagbibigay katuturan sa

mga mahahalagang salitang ginamit s apag-aaral na ito.

Ikalimang bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagpapaliwanag ng mga

kahalagahang maibibigay ng pag-aaral na ito.

Ikaanim na bahagi, Saklaw ng Pag-aaral, nagtatalakay sa hangganan at

Delimitasyon ng pag-aaral na ito.

Banghay ng Pag-aaral

“Dekalidad na Edukasyon”,ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais

tayo na ito’y matugunan ng institusyon kung saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad

na edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang

makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain

na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa

ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan

tungo sa mas maunlad at produktibo na resulta sa performans ng mga mag-

aaral.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa

sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang

asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating

Wikang Pambansa.Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito

dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino.

2
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Ang edukasyon ay upang malaman ang mga bagay-bagay mula sa simula

hangang sa katapusan ng ating buhay. sa pagpapalawak ng kapangyarihan at

kaalaman na ibinigay sa ating pag silang dahil ang edukasyon lamang ang

tanging kayamanan na maaari nating ipagmalaki at hindi mananakaw.

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao.

Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan.

Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay.

Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong

lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na

ang edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya

pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon

daw ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw

ninuman.

Sa dami ng mga asignatura na kinukuha sa kolehiyo, nagsisilbing isang

hamon sa isang mag-aaral ang pagbabalanse ng kanyang mga inaaral lalo pa’t

kung idadagdag ang mga takdang aralin at ilang dagdag na gawain na kailangan

niyang tuparin. Ilan sa mga nagiging resulta nito ay ang pagpupuyat, pagpasok

sa eskwelahan ng walang laman ang tiyan, o minsan pa’y pagtulog sa klase.

Subalit, sa kabila ng mga hamong ito, mayroon pa ring mga natatanging

estudyante na nagagampanan ang kanilang mga tungkulin sa asignaturang

Filipino. Bagamat magkakatulad ang kinakaharap na sitwasyon ng mga mag-

3
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

aaral, may iba’t ibang pamamaraan sila upang matugunan ang mga pagsubok na

ito.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa

sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang

asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating

Wikang Pambansa.Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito

dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino.

Paglalahad ng Suliranin

Hangarin ng Pananaliksik na ito na matukoy ang mga salik na

nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aara na nagmamayorya

sa Filipino sa taong panuruang 2014-2015.

Bilang pagtitiyak, tinangkang sagutin ng pag-aaral na ito ang mga

sumusunod a katanungan:

1. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga

mag-aral sa kabuuan at nang sila ay pinangkat ayon sa: (a) Antas pang-

ekonomiko, (b) Kasarian (c) Edad at (d) Antas/taon?

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa akademikong pangganap

ng mga mag-aaral sa kabuuan at nang sila ay pinangkat ayon sa (a)

Antas pang-ekonomiko, (b)Kasarian, (c)Edad at(d) Antas/taon?

4
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Ipotesis ng Pag-aaral

Batay sa mga inilahad ng mga suliranin, ang Ipotesis ng pag-aaral na ito

ay:

Walang makabuluhang pagkakaiba sa akademikong pagganap ng mga

mag-aral sa kabuuan at nang sila ay pinangkat ayon sa: (a) Antas pang-

ekonomiko, (b) Kasarian, (c) Edad at (d) Antas/taon.

5
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Paradima ng Pag-aaral

Malayang Salik Di-Malayang Salik

Salik na isinaalang-alang ng
mga mag-aaral:
Antas Pang-ekonomiko GPA
Kasarian
Edad
Antas/Taon

Larawan 1. Ang pagkakaugnay ng mga mga salik na nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral na nagmamayorya sa Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan

Depinisyon ng mga Katawagan

Sa ikadadali ng pang – unawa sa pag – aaral na ito binibigyang

kahulugan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa pagkagamit ng mga ito

sa pag- aaral.

Akademikong Pagganap. Ito ay tumutukoy sa kaalamang nakukuha o

kakayahang napapaunlad sa mga asignatura sa paaralan, kadalasang idinisenyo

sa pamamagitan ng iskor sa pagsusulit, ng puntos galing sa guro o sa

pamamagitan ng pareho. (Sarmoy, 2014) .

6
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Sa pag- aaral, ito ay tumutukoy sa kabuuang marka ng lahat ng mga mag-

aaral na nagmamayorya sa Filipino.

Kasarian. Ito ay pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o

babae, na kaiba sa tunay na kasariang biyolohikal(Lugunday,2013).

Sa pag-aaral , ito ay tumutukoy sa babae o lalaki na tagatugon.

Salik. Ito ay nangangahulugan sa anumang pangyayari, pagkakataon na

nagdadala ng resulta. Ito ay elemento na bumubuo sa isang bagay kung no

ito(Dela Cruz,2012)

Sa pag- aaral, ito ay tumutukoy sa mga sanhi o dahilan na

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag – aaral sa asignaturang

Filipino.

Antas Pang- ekonomiko. Ito ay tumutukoy sa buwanang kita na matatanggap.

(Silos, 2012)

Sa pag – aaral, ito ay tumutukoy sa buwanang kita na natatanggap ng

mga magulang ng tagatugon.

Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas. Isang Unibersidad sa

Lungsod ng Himamaylan.

Sa pag – aaral, ito ay nagsisilbing lugar para pagsagawaan ng

pananaliksik.

Antas/Taon.Lebel ng taon na kinabibilangan ng mga mag- aaral sa

paaralan.

7
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Sa pag- aaral, ito ay tumutukoy sa una hanggang ikaapat na taon na

kinabibilangan ng mga tagatugon sa Pamantasang Estado sa Kanlurang

Bisayas- Lungsod ng Himamaylan.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Kung matibay ang pundasyon ng edukasyon ng mag – aaral ay may

maitutulong sa kanyang pagkatuto, ibig sabihin ito ay kapaki – pakinabang na

patibayin ang nasabing pundasyon para maihanda sa pinakamabuting

opurtunidad sa hanapbuhay.

Ang pag- aaral na ito ay nakapagbibigay ng malaking ambag at

kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa mga Pinuno ng Mataas na Paaralan

Ang pananaliksik na ito ay maging gabay sa mga pinuno ng paaralan

upang pagyamanin ang kurikulum ng asignaturang Filipino sa tersyarya. Ito rin

ay makapagbigay ng dagdag na kaalaman para matukoy ang mga salik na

nakakaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga mag- aaral sa Asignaturang

Filipino at makagawang solusyon at alternatibo para mapadali ang pagtuturo sa

Asignaturang Filipino.

Sa mga Guro sa Filipino

Ang pananaliksik na ito ay maging karagdagan sa kaalaman ng bawat

guro sa Filipino. Dahil dito sila ay mahikayat na gumawa ng mga disenyo para sa

8
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

ikainam ng kaalaman ng mga mag – aaaral sa Asignaturang Filipino. Magagamit

nila ang kaalamang ito upang mapaunlad ang kanilang pagtuturo, plano at

makapagpatupad ng malawak ngunit makatotohanang programa na puna sa

yumayabong pangngailangan sa pang – akademiko ng mag – aaral.

Mananaliksik sa Hinaharap

Maraming hagdan ang pag – aaral upang malinang ang asignaturang

Filipino at pagsusuri sa mga ito at maiugnay din ito sa ibang asignatura.

Mga Magulang

Ang resulta ng pag – aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng imahe

ng Akademikong Pagganap ng kanilang mga anak sa paaralan. Ito ay

magsisilbing mahalagang impormasyon batay sa edukasyon ng kanilang mga

anak.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag- aaral na ito ay sumasaklaw sa piniling mag – aaral mula sa

tersyarya na nagmamayorya sa Filipino sa Pamantasang Estado sa Kanlurang

Bisayas sa Lungsod ng Himamaylan. Layunin ng pag – aaral na ito na matanto

ang mga salik na nakakaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga mag – aaral

sa Asignaturang Filipino.

9
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Kabanata II

Kaugnayan na Babasahin

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng

tatlongbagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan;

magkaroonng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paanong

ang mgakatotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas

malawak nahuwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga

katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa

pagsasalita man o sa pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong

pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng

sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain at

maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang.

(Berceno, 2012).

Naipakita naman sa pag-aaral ni Loyola (sa Carandang-Kalaw, 2012) ukol

sa sosyo-ekonomikong estado, mental na abilidad, at kakayahan sa matematika

ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang na ang sosyo-ekonomikong estado ay

may kaugnayan sa kakayahan sa matematika at sa mental na abilidad.

Mga Paktor na Demograpiko

Kasarian:

10
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Ipinalalagay na ang kasarian ay isa sa mga determinant na salik

nanakaimpluwensiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

assignaturang Filipino.. Ayon sa pag-aaral niSibayan (1999) ay nagsasabing ang

mga lalaki at babae ay higit ang pagkakahawig kaysa pagkakaiba ng

akademikong pagganap. Dagdag pa, ang ibapang salik tulad ng konteksto at

paksa ay may malaking impluwensiya sa estilong pag-uusap kaysa sa kasarian.

Sa kanya ding pahayag, pinatunayan din niya namay pagkakaibang leksikal sa

pagitan ng mga lalaki at babae, kalimitan dito ay ayon sa dami at sa uri.

Sa pag-aaral na ginawa ni Chet(2013), tungkol sa epekto ng kasarian sa

pangakademikong pag ganap ng mga estudyante ng Ateneo , ito’y

nagpapahayag na walang pagkakaiba ang kakayahan ng babae at lalaki.

Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita

ngkaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon kay Feingold (2008)

Angkasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang

kayangipakita.Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng

guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay

sapagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang karagdagan, ang pag-

aaral ni Johnson (2006) ay nagpapatibay na ang kasarian ay may kaugnayan.

Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang mga kababaihan ay higit na

mataasang marka kumpara sa mga kalalakihan. Higit na mas mababa ang

kakayahangpang-akademiko ng mga lalaki kumpara sa mga babae

Edad at antas pangekonomiko

11
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Ang edad ng estudyante ay kailangan natanto nga mga tagapangaiwa ng

eskwelahan muladito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang

kanilang pangkabatirangantas (cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon,

opinion at ideya.Gayundin, mas higit nanagiging matibay ang kanilang basehan o

batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay

sinususugan ng pag-aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at

aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may

pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa

kanilang kakayahan sa kahit na anong larangan.Bagamat may mangilan ngilang

mag-aaral na lumalampas sa karaniwang inaasahanag edad, ito ay normal

lamang sapagkat sa mga mag-aaral na nabibilang sa mahihirap na pamilya, di

naiiwasan ang magkaroon ng suliranin osagabal upang maging tuloy-tuloy ang

kanilang pag-aaral. Ngunit, maari dinnaman na ang dahilan ay pagkakasakit o

alin pa mang kadahilan labas sakahirapan.

Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa

mgapangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga

mag-aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na

kapag angkita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at

pangunahingpangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng

edukasyon ay naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya‟t may mga mag

-aaral nanapapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral. Dahil din

sakakulangan ng kita, ang mga magulang ay di nakatutugon sa lahat ng

12
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

mgapangunahin, panlipunan, at pang-akademikong pangangailangan ng

kanilangmga anak sa paaralan. Dahil dito ang ibang mga mag-aaral ay humihinto

paramaghanapbuhay para masuportahan ang sarli at makatulong sa pamilya

(Ipaye,2008).

Ayon kay Sprinthall (2008), ang mga magulang ang nagbibigay ng lahat

ngpangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi lamang personal

napangangailangan kundi maging sa paaralan. Kung hindi matugunan ng

magulang ang mga pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral, ito ay

maaaring mag bunga ng mababang antas ng kakayahang pang-akademiko. Ang

mababang kita at kahirapan ay isa sa mga pangunahing sagka upang

magkaroon ng edukasyong may kalidad ang mga mag-aaral.

Ayon kay Johnson(2006), ang akademikong kakanyahan ay itinutulak ng

mga salik ng sosyo-ekonomiko (socio-economic). Ang kahirapan at mababang

antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pang kakapusan ng ama at ina ay

nagreresulta sa mababang kakanyahan na pang-akademiko dahil hindi nila

natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sabatayang aklat at iba pang

kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ngkaalaman. Ang pangit na

kalagayan na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulakupang dumami ang mga mag-

aaral na bumagsak o huminto sa pag-aaral.Bilang karagdagan, ang kahirapan na

may kaangkop na kakapusan samga sosyal (social) at pang-ekonomikong

pangangailangan ng bata (mag-aaral)ay karaniwang nagbubunga sa mahina o

mababang akademikong kakayahan(Shittu, 2004)

13
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Gayundin ang dulog (approach) o metodong(method) ginagamit ng guro

ay mahina at hindinakakapukaw ng interes ng mga mag-aaral. Maaari ring

maganda at efektivo anginihandang metodo o dulog ng guro subalit hindi

mabatid ng mga mag-aaral angsustansiya o kahalagahan ng paksang araling

inilahad. Ito ay maiuugnay sa Prinsipyo ng Learning Pathology, binibigyang diin

na ang pagkatuto ay wala sa pagiging mabisa ng kagamitang pampagtuturo o

metodo maging istratehiya ngguro kung hindi sa intrinsikong pangangailangan ng

bawat mag-aaral sa araling ilalahad.

Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay

hindinakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa

pagsusuring tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga respondente

angnaging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto.

Ang mga salik na maaaringnakakaapekto sa kanila ay:antas ng

pamumuhay, natapos ng kanilangmagulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay

maaaring mayroong kaugnayan sa pansarili nilang pang-kogtivong kakayahan.

Nararapat lamang na malamannatin kung ano ang kanilang demograpikong

profayl nang sa gayon alam ng gurokung ano ang mailalapat at angkop sa

metodo sa pagtuturo. Kung ang edad angpagbabatayan, ayon kay Machtinger

(2007) ito ay maaaring makaapekto sakanilang kakayahan sa kahit anong

larangan. Ayon naman kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay

isang salik upang malaman ang kanilangkayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa

pag-uugali, personalidad, inaasahan ngguro, at behabyor, pagkakaiba ng

14
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgaysa pagkakaiba ng kasarian sa

kanilang nakukuha.

15
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Kabanata III

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Kabanata III ay binubuo ng tatlong bahagi.(1)Layunin at Disenyo ng

Pag-aaral ;(2)Paraan ng Pag-aaral at ; (3)Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga

datos.

Ang unang bahagi ,Layunin at Disenyo ng Pag-aaral ,ay nagpapaliwanag

at naglalarawan ng disenyong ginagamit sa pananaliksik.

Ang Ikalawang bahagi ,Pamamaraan, ay naglalarawan ng mga kalahok,ng

mga kagamitan sa pagkalap ng datos,at mga paraang susundin sa pag-aaral.

Ang Ikatlong bahagi,Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos ay

tumatalakay sa mga istadistikang ginamit sa pagtataya at pagtutuos ng mga datos

sa pag-aaral.

Layunin at Disenyo ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral na ito na alamin ang mga salik na nakakaapekto sa

Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral sa Assignaturang Filipino.Ginamit sa

pag-aaral na ito ang pamaraang palarawan o deskriptibo. Ayon kay

(Gay,1992,binanggit ni Lazarito,2014 )ang palarawang pag-aaral ay nasasangkot

sa pangangalap ng datos upang suriin ang ipotesis o kaya ay sagutin ang mga

16
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

katanungan na may kaugnayan sa kalagayan ng paksang pinag-aralan. Ang

palarawang pag-aaral ay nagtatakda at nag-uulat tungkol sa mga bagay-

bagay.Ang paraang patawaran ay isang kapaki-pakinabang na pamamaraan sa

pagbibigay impormasyon o kaalamang maaring pagbatayan ng mga maka-

agham na paghatol (Gay,1976).

Paraan ng Pag-aaral

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa tersyarya na

nagmamayorya sa Filipino.Sila ay pinili nang palambang at pinangkat ayon sa

antas pang-ekonomiko(SES),kasarian, edad at kabuuang marka(GPA).

Mga kagamitan sa Pangangalap ng Datos, ang mga datos na

kinakailangan sa pag-aaral na ito tulad ng antas pang-ekonomiko,kasarian at

kabuuang marka ay nilikom sa pamamagitan ng isang talatanungang ginawa

para sa layuning ito.

Pangangalap ng mga datos

Ang mga manananaliksik ay gagawa ng sulat at palalagdaan sa Registrar

kalakip nito ang mga pangalan at lagda ng mga mag-aaral na nagpapahintulot na

kunin ang kanilang mga grado at ang profayl ng mga tagatugon na gagamitin sa

pag-aaral.

Matapos matipon ang mga kinailangang impormasyon ayon sa tagatugon,

ito ay itataya , itatala at itutuos.

17
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Istadistikang Pagtatalakay ng mga Datos

Ang mga natipong datos sa pag-aaral na ito ay tinuos sa pamamagitan ng

mga sumusunod na istadistikang pagtalakay.

Katampatang Tuos. Upang ang pang- akademikong pagganap ng mga

mag-aaral na nagmamayorya sa Filipino.

ANOVA. Ginamit upang matiyak ang makabuluhang pagkakaiba sa salik

na nakaaapekto sa akademikong pa gganap ng mga mag-aaral nang sila ay

pinangkat ayon sa (a) Antas pang-ekonomiko, (b)Kasarian at (c)Edad

(d)antas/taon.

18
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Profayl ng mga mag-aaral

Pangalan:_________________________ _______________ __ Taon at Seksyon:


____________

Edad:_____________ Kasarian:_______________

Buwanang kita ng mga magulang:________________

19
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG

PAGGANAP NG MGA MAG- AARAL NA

NAGMAMAYORYA SA

FILIPINO

Tesis na Iniharap

Sa Komite ng Pananaliksik ng

Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas

Ekstensyon sa Lungsod ng Himamaylan

Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Bilang Bahagi ng Pagtupad

Sa Pangangailangan ng Kursong

Batsilyer ng Edukasyon sa Sekundarya

na Nagmamayorya sa Filipino

Iniharap nina
Edelyn L. Janaya
Karen I. Ledesma

20
Pamantasang Estado Sa Kanlurang Bisayas
Ekstensiyon sa Himamaylan
Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental

Angelie L. Menor
Julie Mae D. Pacheco

21

You might also like