You are on page 1of 3

Filipino 230 – Pagtuturo ng Panitikan

Komprehensibong Pagsusulit

Panuto: Basahin nang buong unawa ang tulang Ang Kawayan bilang input sa klaseng pangwika.
Gumawa ng Isang Banghay - Aralin sa Pagtuturo ng Tula, alinsunod sa paglinang ng wika
bilang:

a. modelo sa mabisang paggamit ng wika


b. maging istimulo para sa gawaing pangwika at
c. konteksto para sa gawaing pangwika.

Grado ng mga Mag-aaral: Grade 10


Aralin: Filipino

I. Tunguhin o Layunin
II. Paksa
III. Istratehiya
A. Panimulang Gawain
B. Paglalahad ng Aralin
C. Kasunduan
ANG KAWAYAN
Anonymous

Nang bata pa ako ngalan ko ay labong


Pagkaing madalas ng bibig na gutom
Noong tumanda na’t gumulang na tuloy
Bisig ko ay naging tangkay ng asarol.

Nang ako’y butasan mga batang pastol


Ang nakapagtayo ng musikong bumbong
At nang may magtayo ng tukod at bubong
Ako ang piniling taga sa panahon.

Ako nang lapatin at maging salakot


Panlaban sa araw’t ulang bugnos-bugnos
At nang maging tiklis sisidlan ng bangus
Talaba at hipon, talong at labanos,

At nang maging balag sa awa ng Diyos


Biyaya’y unahang nagbiting sumipot
Nang maging bilaong sunong ng alindog
Madalas na lama’y mga bungang hinog.

Lumutang sa ilog nang gawing salambaw


Nang pagbiyak-biyakin sahig sa batalan
Tuos at paimpin ang baklad din naman
Paghuli sa isdang nagsilaw sa kristal.

At nang gawing katig ang hamak na tunlan


Nayanig ang Luson, Bisaya’t Mindanaw
Tagdan ng bandilang iwinawagayway
Timbulan ng taong ayaw pang mamatay.

Ihapay man ako sa hanging malupit


Pagsapit ng unos muling magtitindig
Tuntungan ng paang nasa ay matuwid
Timbulan ng alon kung makataliksik.

Sa lawang salamin ginawang pamingwit


Panggatong ng dukhang mga magbubukid
Ginawang pagoda pinakamarikit
Ginawang balantok ng layang nakamit.
Nayari ang parol nang ako’y matilad
At nang mahubog na’y guryong lumilipad
Bitag na panghuli sa ibong mailap
Namugad ang manok sa linalang lapat.

Ginawang pambakod buhay ay tumatag


May punong lumago’t bukong nagsibukad
Ginamit ng bata sa pagtatayakad
Pamalo ng ina sa harot na anak.

Halaman man akong tubo sa bukirin


Sa pampang at tubig at gilid ng bangin
Ang aking siputang dibdib ng lupain
Nagpapakilalang bayang silanganin.

Sugatan man ako ng inyong patalim


Ang ganti ko’y mga bagay na magaling
Gawing sulo ako’t pananglaw sa dilim
Nang gawing organo’y napapataginting.

Sa sinapupuna’y kusang mapupuna


Na balot ng tinik ang buhay ko pala
Sa mga kilay ko sumipot ang mata
Sa mata nagsupling ang lahat ng sanga.

Ang mga dahon kong lagas nang talaga


Tinipo’t ginawang pugad ng pagsinta
Magkasuyong ibon ang siyang tumira
Salo sa pagkain, sabay sa pagkanta.

At nang ako’y gawing duyan ng dalita


Madalas mahimbing ang buko ng tuwa
Kahit sasambiyas alkansiya ng dukha
At kung baitang ma’y panhikan ng madla.

Gabay ng mahirap, tungkod ng matanda


Mapag-adyang suhay sa giray na dampa
Busog at palaso kung nakikidigma
At sa isang sawi’y krus na pananda!

You might also like