You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ALEXIS G. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 10

Learning Area: Filipino Module No:3 Q2W6 Date: January 31-February 04, 2022
MELCs:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mitolohiya at mensaheng nais iparating nito.
2. Naihahambing ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan.
3. Nasusuri ang mga tauhan batay sa kalakasan at kahinaan ng bawat isa.
4. Natutukoy ang mesahe ng kwento sa sarili, pamilya at lipunan.
5. Naisasagawa ang sistematikong pagsusuri sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon. (internet ,silid- aklatan, at iba
pa)

Araw at
LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
Oras

 Paggising, iayos ang higaan, kumain ng almusal at maghanda para sa isang makabuluhang araw.

 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo kasama ang
miyembro ng pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang alalahanin ang ilang pangyayari na iyong naranasan sa
nakalipas na linggo.
 Matapos ang pagbabalik-tanaw sa iyong mga naranasan noong nakaraang linggo, kuhanin na ang
modyul at ang sagutang papel na iyong gagamitin sa pagsasagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Bago ka magpatuloy ating subukin ang iyong kaalalaman sa paksang –aralin na iyong pag-aaralan.
Dahil ito ang simula sa panibagong kaalaman na iyong malilinang. Sagutan ang pahina 2-3.
 Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong
gayundin ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng guro.
BALIKAN
 Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang konsepto tungkol sa mitolohiya. Ating balikan ang iyong
naunawaan sa nasabing paksa sa pamamagitan ng mga gawain na nasa pahina 4-5.
TUKLASIN
 Basahing mabuti ang mitong,”SINA PEBEO AT RUWAN” na isinulat ni Aguilando, Rose Mae A.
sa pahina 6-9. Matapos basahin ang mito, atin nang susubukin ang talas ng iyong pang-unawa. Sa
susunod na bahagi, makikita ang dalawang gawain na iyong sasagutin. Basahing mabuti at unawain
ang nakasaad na panuto sa bawat pagsasanay bago isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng
mitolohiya.

SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin rito ang
nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa nilalaman ng isang teksto.

PAGYAMANIN
 GAWAIN 1: Paglilinang ng kaalaman sa mitolohiya
Sagutin ang tanong sa tulong ng grapikong representasyon. Isulat ito sa sagutang papel. Paano
naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
GAWAIN 2: Kulturang Pinoy, Ipagmalaki mo!
Sumulat ng isang talata na nakapaloob ang kulturang Pilipino na nakabatay sa tekstong binasa.
Isulat ang talata sa sagutang papel.
Tandaan: Siguraduhing maayos mong masasagot ang mga inihandang pagsasanay. Sundin nang tama ang
bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.

ISAISIP
 Sa bahaging ito, ilalahad mo kung ano-ano ang iyong natutuhan at kung gaano ito kahalaga para sa
isang mag-aaral na gaya mo.
ISAGAWA
 Panoorin at suriin mo ang video mula www.youtube.com. Iugnay mo ang mensahe ng
mitolohiyang napanood batay sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. Isulat sa sagutang
papel ang gagawing pagsusuri.
 Pamagat: The Story of Perseus - Greek Mythology - See u in History Video Link
https://youtu.be/Ku6Y84U7O2c
(INTEGRATION-ENGLISH)

TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan mo ba ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 20-
21.

KARAGDAGANG GAWAIN
 GAWAIN 1: Malikhaing Pagsulat Panuto: Batay sa iyong mga natutunan sa araling ito, ikaw
ay inaasahang makasusulat ng isang sariling mito o mitolohiya. Ang mitolohiyang iyong
isusulat ay maaaring ibatay sa mga pangyayari sa sarili, pamilya, lipunan at daigdig. Isulat sa
sagutang papel ang nabuong kwento.
 Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong sarili nang buong ngiti at may
pagmamalaki. Lalo ka pang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

ANNABELLE H. ANGELES BELEN V. MARTIN LOLITA S. VALERIO


Guro I Pang-Ulong Guro I Punong Guro II

You might also like