You are on page 1of 8

FILIPINO 8

ANTAS: GRADE 9
ORAS:7:30 ng Umaga – 3 ng Hapon
PETSA: Nobyembre 14, 2019

I. LAYUNIN

1. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.


2. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, hinuha at damdamin tungkol sa ilang pangyayari at
detalye mula sa epiko.
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa epiko gamit ang mga larawan sa pamamagitan ng
pagbubuod.

CODE: F9PB-IIIg-h-54

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Rama at Sita (Isang Kabanata) – Epiko ng Hindu (India)
B. SANGGUNIAN: Panitikang Pilipino 9, pahina 185 - 186
C. KAGAMITAN: Kagamitang Biswal (larawan), Libro, laptop, slide presentation, video clip at
telebisyon

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin at Paghahanda

Tumayo ang lahat! (Gagawin ng mga mag-aaral)

(Tatawag ng isang mag-aaral). Iyuko ang ulo at (Magdarasal)


damhim ang presensya ng Panginoon.

Magandang Hapon, Makiling! Magandang Hapon din po, Bb. Linny!

Kumusta naman kayo sa hapong ito, class? Mabuti naman po!

Masaya akong marinig yan, class.

Ngayon, handa na ba kayo sa bagong paksa na ating Opo!


tatalakayin?

Kung ganoon, ipakita ninyo sa akin na kayo’y handa


na. Ayusin ninyo ang upuan at pulutin ang mga kalat (Gagawin ng mga mag-aaral.)
sa sahig.

Maupo na ang lahat! (Gagawin ng mga mag-aaral)

Bago ang lahat class ay nais kong ilahad ang aking


mga alituntunin:

 Makinig nang mabuti.


 Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
 Marunong rumespeto.

Maliwanag ba, class? Opo!


B. Pagtatala ng Liban sa klase

Sino ang liban sa klase? (Babanggitin ang pangalan ng mga mag-aaral na


liban sa klase)
C. Pagbabalik-Aral

Class, noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang


Kohesiyong Gramatikal.

Ano nga ba ang kahalagahan ng kohesiyong Ito po ay ginagamit na pananda upang hindi paulit-
gramatikal sa pagpapahayag ng diyalogo at maging ulit ang paggamit ng mga salitang pangngalan.
sa pangungusap?

Tama!

Ano tawag natin sa panandang panghalili sa


pangngalan upang hindi paulit-ulit ang paggamit ng Panghalip po.
mga ito?

Tumpak!

Kung gayon, anong uri ng kohesiyong gramatikal


ito:

1. Kung ang panghalip na ginamit ay sa hulihan Anapora.


bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
unahan?
2. Kung ang panghalip na ginamit sa unahan bilang Katapora.
pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan?

Okay class, dahil sa inyong ipinakitang husay.


Dapat kayong bigyan ng isang DARNA CLAP.
(Gagawin ng mga mag-aaral)
D. Pagganyak

Name the Picture Game

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na


may kaugnayan sa larawan.

1. Ako ay isang relihiyosa. Pag-ibig


ko’y ipinadama sa tao. Sa taguring
The Living Saint ay nakilala ako Mother Theresa po.
nang ako’y buhay pa. Sino ako?
2. Simbolo ito ng pagmamahal. Gusaling
ipinagawa ni Shah Jahan upang Taj Mahal.
magsilbing libingan ng kaniyang
asawang si Mumtaz Mahal. Ano
ito?
3. Bansa sa Timog-Silangang Asya. India
Bilyong tao dito makikita. Ang
mga pilosopiya ay kahanga-hanga.
4. Ito ay isang tradisyong Hindu. Namaskar o Namastre
Ang dalawang palad ay
pinagdaraop, ulo’y yumuko.

Magaling!

Ang lahat ng inyong sagot ay may kinalaman sa


bansang India. Kung saan ang ating akdang aralin ay
nagmula sa India. Ito ay ibinigay ko sa inyo bilang
takdang-aralin kahapon upang inyong basahin. Opo!
Tama po ba?

2. Pagtalakay

Mayaman ang India sa kultura at paniniwala.


Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan,
katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na ang
pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at
kumikilos nang ayon sa kanilang lipunan. Malimit na
nababasa ang mga kultura nila sa kanilang mga epiko.

Kung kaya’t ating alamin at suriin ang nilalaman ng isa


sa mga epikong natatangi at kilala sa isa sa
pinakamahabang epiko na nagmula sa India. Ang
tinutukoy ko ay walang iba kundi ang Rama at Sita
(Isang Kabanata) na isinalin sa Filipino ni Rene O.
Villanueva.

Si Rene O. Villanueva ay isa sa mga pinakamasigasig na


manunulat na Pilipino. Maraming siyang naisulat na
akda at karangalan na natanggap mula sa iba’t ibang
parangal. Isa sa mga kilalang ang aklat niya ay ang ”Si
Emang Engkantada.”

Gayun pa man kahit na ito ay ibinigay ko sa inyo na


takdang- aralin. Panoorin ninyo muna ang isang video MANOOD ANG MGA MAG-AARLAL.
clip na naglalahad ng istorya ng Rama at Sita.

Narito ang gabay na tanong sa pag-unawa.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa epiko?


2. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng
kabayanihan ng tauhan.
3. Ano ang kulturang Asyano ang makikita sa
epiko?

Matapos ninyong mapanood ang Rama at Sita,


Ngayon ay i-kuwento o ilahad ninyo dito sa loob Ilalahad ng mga piling mag-aaral ang mga
ng klase ang pinakabuod ng epiko. Sa pamamagitan kaganapan sa bawat larawan.
ng mga larawan nasa pisara.
Unang larawan – ang pagdalaw ni Surpanaka ang
kapatid ni Ravana na hari ng mga higante at demonyo,
na nagpanggap bilang babae at tinukso si Rama.

Ikalawang Larawan - Ngunit hindi


siya nagtagumpay at nahagip pa ni Lakshamanan ang
kanyang tenga at ilong na makikita sa ikatlong
larawan. 

Ikaapat na Larawan - Nagsinungaling si Surpanaka


kay Ravana tungkol sa nangyari sa kanya
upang makapaghiganti kay Rama at ito ay sa
pamamagitan ng pagbihag kay Sita ni Ravana upang
gawing asawa. Pinatawag niya si Maritsa, na may galing
na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis,
upang maging parte ng patibong upang mabihag si
Sita. Nagpanggap na isang gintong usa si Maritsa at
nasilaw naman sa patibong si Sita. 

Ikalimang larawan – nakita ni Sita ang isang gintong


usa sa gubat.
Ikaanim - Biglang tumakbo ang gintong usa at hinabol
naman ito ni Rama ngunit sina Sita at Lakshamanan ay
naghintay lang dahil ang bilin sa kanya ay bantayan si
Sita. Nangamba si Sita nang tumagal ng hindi pa
bumabalik si Rama kaya pinilit niya si Lakshamanan na
hanapin si Rama. Ngunit hindi siya pumayag kaya
nagalit pinaratangan ni Sita si Lakshamanan na sakim at
gusto niya lang mamatay ang kanyang kapatid upang
siya ang maging hari. Nasaktan si Lakshamanan sa
narinig niya kaya hinanap niya si Rama at iniwan si
Sita. 

Ikapito - Biglang lumabas si Ravana at nagpanggap


bilang isang matandang paring Brahmin ngunit hindi
siya nakapagpigil kay Sita at inalok siya na limang
libong alipin at gagawing reyna ng Lanka kaya biglang
natakot at tinulak niya si Ravana

Ikawalo – Bumalik sa anyong higante at isinakay si


Sita sa karwahe na may mga kabayong malalapad ang
pakpak. Nasundan naman sila ng isang agila ngunit
pinagtataga lang ito ni Ravana. Bumagsak ang duguang
agila sa lupa at nakita nila ito kung saan sinabi ng agila
ang nangyari. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng
mga unggoy at naghanda upang salakayin ang Lanka.
Nagkaroon ng labanan kung saan maraming kawal
na unggoy ang namatay ngunit mas maraming higante
ang bumagsak na pugot ang ulo. 

Ika-siyam - Matagal na naglaban naman sina Rama at


Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga
higante.

Sampu - Umiiyak na tumakbo si Sita at niyakap ng


mahigpit si Rama at muli silang nagsama ng maligaya.

Mahusay at nailahad ninyo ng buong galak ang


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

3. Paglalahat

Matapos ninyong mapanood ang Rama at Sita at


maibigay ang pagbubod, ating isa-isahin ang iba
pang mga detaye at pangyayaring may kaugnayan
rito.
Rama – isang prinsepe mula sa kaharian ng
Ayodha. Malakas at handang gawin ang lahat para
Sino-sino ang mga tauhan? sa kanyang asawa.

Sita – ang maganda at mabait na asawa ni Rama.

Lakshamanan – kapatid ni Rama, isang


mapagmahal at mabuting kapatid na handang
tumulong sa anumang daguk ang dumating sa
buhay nina Rama at Sita.

Ravana – isang hari ng demonyo na may sampung


ulo. Binihag niya si Sita.

Maritsa- may kakayahan na mabago ang anyo at


hugis.

Surpanaka – kapatid ni Ravana na may maiitim na


budhi.

Natutuwa ako at inyong nakilala ang mga tauhan.

Magaling! Isang patunay na lubos ninyong naunawaan


ang kuwento ng Rama at Sita.
Ang kulturang Asyano na mahahalaw sa epiko ay
Ngayon naman ay iyong ibigay kung ano ang kulturang ang matibay na ugnayan sa dalawang kapatid, o sa
Asyano ang mahahalaw sa epiko. pamilya.

Tama!
Sa kabuuan ng istorya makikita ang pagmamalasakit ng
magkapatid sa bawat isa. Si Rama at Lakshamanan ay
pinoprotektahan ang isa’t isa sa panganib. Pinatunayan
ni Laksahaman ang pagmamahal sa kapatid ng
pagbintangan siya ni Sita.

Si Ravana at Surpanaka naman ay nagkampihan upang


maipaghiganti.
Nang nilabanan ni Lakshamanan ang higanteng si
Ano naman ang mga pangyayaring nagpakita ng Surpanaka nang minsang nagpakita ito sa kanilang
kabayanihan ng tauhan? lupain upang kunin si Sita.

Nang sinundan ni Lakshamanan ang kapatid nitong


Tama! si Rama upang tulungang mahuli ang gintong usa at
Ano pa? dahil na rin sa labis nitong pag-alala na may
nangyaring masama sa kapatid.

Okay!
Isa pa sa mga pangyayaring nagpakita ng kabayanihan
ng tauhan ay nang tinaga at namatay ang Agilang
sumunod sa karwaheng kumuha kay Sita. Pero bago pa
man ito namatay ay nagawa nitong sabihin kay
Lakshamanan at Rama ay kinaroroonan ni Sita.
Nang tinulungan ng Unggoy sina Rama at
Lakshaman upang lusubin ang kaharian ng Lanka,
Sa palagay ninyo, ano pa kaya? kung saan dinala ni Ravana si Sita.

Tumpak!
At isa pa po ay maraming namatay na Unggoy gayundin
ang mga nasawing higante sa labanan. Nagtagumpay
ang paglusob nina Rama at Lashamanan sa tulong ng
mga unggoy at nakuha nilang muli si Sita. Opo!
Wala po!
Naunawaan ba, Makiling?
May tanong po ba o may hindi naunawaan?
Kung ganoon, wala kayong tanong at malinaw na ang
lahat sa inyo kayo ay kumuha ng isang kalahating papel
at maghanda sa maikling pagsusulit.
IV. Pagtataya

Makinig at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat


sa sagutang papel ang pinakatumpak o tinutukoy sa
bawat bilang. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang Makikinig at isasagawa ang maikling pagsusulit.
uri ng pagbubura.

1. Nagpanggap si Ravana na isang? Susi sa pagwawasto.


2. Ano ang narinig ng dalawa pagkatapos ng ilang 1. Matandang Brahmin
oras na wala si Rama? 2. Malakas na sigaw
3. Ano nakita ni Sita sa gubat? 3. Gintong usa
4. Ano ang nahagip ni Lakshaman kay Surpanaka? 4. Tenga at Ilong
5. Siya ang nagging higante sa sobrang galit sa 5. Surpanaka
selos? 6. Ravana
6. Hari ng mga higante at demonyo? 7. Agila
7. Sino ang nakarinig ng sigaw ni Sita at sinundan 8. Hari ng Unggoy
niya ito? 9. Rama
8. Kanino humingi ng tulong ang magkapatid 10. Lakshaman
upang pabagsakin ang higante? 11. 5000 alipin at pagiging reyna ng Lanka
9. At
10. – Ang magkapatid na handang magtulungan ano
man ang dumating na dagok sa kanilang buhay. 11.-15. Ang mga nabanggit sa pagtalakay na
11. Ilang alipin ang alok ni Ravana upang pumayag pangyayaring nagpakita ng kabayanihan ng tauhan
itong maging asawa niya? sa epiko ang kasagutan.
12. Hanggang 15. Magbigay ng dalawang
pangyayaring nagpakita ng kabayanihan ng
tauhan sa epiko.

Binabati ko kayo, sa matagumpay na pagtatapos ng


aralin nating ngayong araw!

V. Takdang-Aralin

Bilang takdang-aralin ninyo kayo ay magkakaroon ng


pangkatang gawain upang higit na mataya ang
naunawaan ninyo sa epikong tinalakay. Magsama-sama
ang mga magkakapangkat at bibigyan ko kayo ng ilang
minuto para pag-usapan ito. Gamit ang mga gabay at
mga materyales, sagutan ang ipnagkaloob na gawain.
Inaasahan ang positibong kooperasyon ng bawat
miyembro. Ang sobrang pag-iingay ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Unang Pangkat – Ayusin ang larawan batay sa wastong


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko at ilahad
ito sa harap ng klase.

Ikalawang Pangkat - Sagutin ang mga tanong at


talakayin sa harap ng klase.

Mga tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa epiko? Ano ang


kanilang ginagampanan.
2. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang
magkapatid na Rama?
3. Nararapat lang ba ang nangyari kay Ravana
sa pagtatapos ng epiko? Ipaliwanag.

Ikatlong Pangkat - Sagutin ang mga tanong at


talakayin sa harap ng klase.
1. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita
ng kabayanihan.
2. Ano ang kulturang Asyano ang makikita sa
epiko? Ihambing ito sa kultura ng bansang
Pilipinas.

Ikaapat na Pangkat – Sagutin ang mga tanong at


talakayin sa harap ng klase.
1. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang
magkapatid na Rama?
2. Matapos mong mabasa ang Rama at Sita,
ano ang mabubuo mong hinuha tungkol
sa sumusunod na pangyayari:

a. Hindi paglaban ni Maritsa sa magkapatid.


b. Ipinaglaban nina Rama at Sita ang kanilang
pagmamahalan.

Maghanda sa pag-uulat sa harap ng klase sa susunod na Opo!


araw. Paalam na rin po at Maraming salamat po Maam
Naunawaan po ba? Linny!
Okay, hanggang sa muli! Paalam, Makiling!

VI. TALA MALVAR BONIFACIO


VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na makakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng remediation
C. Nakatutulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
dito?
D. Bilang ng mag-aaral na nagpatuloy
ng remediation.
E. Aling istratehiyang pagtuturo ang
makatulong ng lubos? Paano ito
makatutulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
sa solusyon sa tulong ng aking
punong guro?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nakuha na nais kong ibahagi
sa kapwa ko guro?

You might also like