You are on page 1of 9

9

Learning Activity Sheet


sa Filipino 9
Kuwarter 3 – MELC 14

Pagbibigay Patunay sa Pagiging


Makatotohanan / Di-makatotohanan ng
mga Bahagi ng Akda

REGION VI-KANLURANG VISAYAS


Kuwarter 3, Linggo 6

Filipino 9
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 14
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 9

Manunulat: Riza G. Togle


Tagaguhit : Jerome Jordan Z. Ponsica
Tagalapat : Eldiardo E. Dela Peña

Division Quality Assurance Team


Diana P. Agupasa Perly M. Mapa
Cynthia C. Caspe Rosie C. Cabus
Marie Antoniette M. Villar Angela Mae D. Lim
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Atty. Fevi S. Fanco, EdD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico EdD, CESO IV
Pedro T. Escobarte, Jr., PhD, CESO V
Elena P. Gonzaga, PhD
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

i
Kuwarter 3, Linggo 6

MABUHAY!

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod
Escalante at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain

ii
Kuwarter 3, Linggo 6

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 14

Pangalan:___________________________Grado at Seksiyon:_______________
Petsa: ___________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Pagbibigay Patunay sa Pagiging Makatotohanan / Di-


makatotohanan ng mga Bahagi ng Akda

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Napatutunayan ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng mga


bahagi ng akda. (F9PB-IIIf-53)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Bahagi na ng pang-araw-araw natin na pamumuhay ang pagbabasa. Ang


isang tao ay nagbabasa dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Maaaring upang
makakuha ng impormasyon at madagdagan ang kaalaman sa mga napakaraming
bagay o kaya naman ay upang malibang at mapalawak ang kaniyang imahinasyon.
Ngunit marapat na isang mambabasa ay maging maingat sa pagpili at pagtanggap
ng mga nasabing impormasyon. Kailangang may karunungan sa pagsusuri ng mga
babasahin o akda upang malaman kung ito ba ay makatotohanan o hindi.
Ang isang akda ay masasabi nating makatotohanan kung ito ay may
posibilidad na mangyari sa totoong buhay at di-makatotohanan kung ito ay batay
lamang sa imahinasyon ng manunulat at walang posibilidad na mangyari sa
totoong buhay.
Samahan mo akong maglakbay sa Timog Kanlurang Asya, puntahan at
alamin natin ang panitikan ng India. Tulad ng maraming bansa sa mundo,
mayaman din ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng epiko. Masasalamin sa
kanilang mga naisulat ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura, at
tradisyon.
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa epiko
mula sa India na may pamagat na “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino ni Rene O.
Villanueva. Bahagi ng aralin ang pagsusuri ng mga bahagi ng epiko at pagbibigay
patunay kung ito ba ay makatotohanan o hindi.

3
Kuwarter 3, Linggo 6

III. Mga Sanggunian

Peralta, Romulo N. et al (2014) Panitikang Ayano, Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino 9, Unang Edisyon,pp. 185-186, Vibal Group, Inc.

IV. Mga Gawain

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang akda at gawin ang mga Gawain sa


ibaba. Gawin ang lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

Rama at Sita (Isang Kabanata)


Epiko-Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
*page 185-186

Sa gubat tumira sina Rama, Sita, at Lakshamanan nang ipatapon sila mula
sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila
alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni
Ravana na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa,” sabi
nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama, “May asawa na ako.” Narinig ni Sita
ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.
Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante.
Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at
agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya! Sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang


espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”
sigaw ni Ravana nang makita niya ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si
Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng
pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana
pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang
kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. “Bihagin mo si
Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili


sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga
Diyos,” sabi ni Maritsa.

Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi
masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng
patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang


gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa
na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalala ni
Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kaniyang
pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit anong mangyari,” bilin ni Rama sa
kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya
4
Kuwarter 3, Linggo 6

napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama.


Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang
bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng
isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si
Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw
ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa
bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid agad siyang sumunod sa
gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si Maritsa,
nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng
kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.
“Bibigyan kitang limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni
Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga.
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni
Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga
kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala
siyang magawa. Lihim na nagsisisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya
na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita.
Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at
duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong
agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay.
Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang
sundan ang hari ng mga higante. Sa Lanka dinala ni Ravana si Sita. Sa Lanka ang
kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako at ibibigay ko sa iyo
ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy. Para salakayin ang
Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal ang napatay pero mas maraming
higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang
dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana. Hanggang sa mapatay ni Rama
ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang
patay ang kanilang pinuno.Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa at nagyakap sila
nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Gawain 1: Palawakin ang isipan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Ibigay ang pinakaangkop


na kasagutan sa bawat katanungan.

1. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?


2. Makatotohanan ba ng kanilang ginawa upang patunayan ang kanilang
pagmamahalan?

5
Kuwarter 3, Linggo 6

Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung ang mga bahagi ng akda na inilahad ay makatotohanan o di


makatotohanan kung ang pagbabatayan ay ang tunay na buhay. Lagyan ng ()
tsek ang patlang ng iyong pinili at ipaliwanag kung ito ba ay makatotohanan o
hindi.

1. Sa paglilibot ni Surpanaka sa kagubatan ay may nakita siyang


napakagandang babae at ito ay si Sita. Kahit na may asawa na ito ay hindi
niya mapigilan ang sarili na mapaibig dito. Ang pangyayaring ito ay
makatotohanan hindi makatotohanan dahil ________________________
_____________________________________________________________

2. Sa galit ni Surpanaka ay nagbagong anyo siya at naging higante.


Ang pangyayaring ito ay makatotohanan hindi makatotohanan dahil
_____________________________________________________________
3. Ipinaglaban ni Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan at pinatunayan sa
lahat na hindi sila basta-basta mapaghihiwalay kahit anuman o sinuman ang
humarang sa kanila. Ang pangyayaring ito ay makatotohanan hindi
makatotohanan dahil ____________________________________________
_____________________________________________________________
4. Nagbagong anyo si Maritsa at naging isang gintong usa. Tinulungan niyang
maisakatuparan ang plano nina Ravana at Surpanaka na kunin si Sita mula
kay Rama at Lakshamanan. Ang pangyayaring ito ay makatotohanan
hindi makatotohanan dahil _______________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Ihanay sa angkop na kahon ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita


ng pagiging makatotohanan o hindi makatotohanan ng pahayag. Magbigay ng
tigdadalawang kasagutan lamang.

MAKATOTOHANANG PANGYAYARI HINDI MAKATOTOHANANG PANGYAYARI


1. 1.
2. 2.

Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik (kung kailangan)

A. Organisasyon ng idea 5 puntos

B. Kaangkupan ng mga pahayag 5 puntos

C. Orihinalidad ng mga kaisipan 5 puntos

KABUOAN 15 Puntos

6
Kuwarter 3, Linggo 6

Tandaan:

Masayang magbasa dahil nakatutulong ito sa bawat isa. Ito ay nagbibigay


aliw at maraming kaalaman sa mga mambabasa. Ngunit marapat na ang isang
mambabasa ay maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga nasabing
impormasyon. Kailangang may karunungan sa pagsusuri ng mga babasahin o
akda upang malaman kung ito ba ay makatotohanan o hindi.
Ang isang akda ay masasabi nating makatotohanan kung ito ay may
posibilidad na mangyari sa totoong buhay at di-makatotohanan kung ito ay
batay lamang sa imahinasyon ng manunulat at walang posibilidad na mangyari
kung ang totoong buhay ang pagbabatayan.

V. Repleksiyon

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong bigyan na sariling wakas ang


Epikong “Rama at Sita,” paano mo ito wawakasan? Sa makatotohanan bang
paraan o sa hindi makatotohanan? Ipaliwag ang iyong kasagutan.
.

____
_______________________________________________

7
8
Gawain 2 Gawain 3
Ang mga kasagutan ay Ang mga kasagutan ay
nakadepende sa pananaw ng mga mag- nakadepende sa pananaw ng mga
aaral mag-aaral
Gawain 3
MAKATOTOHANG PANGYAYARI HINDI MAKATOTOHANANG PANGYAYARI
1. Pagmamahalan nina Rama at 1.Pagsasalita ng Agila.
Sita at pagtanggol sa isa’t isa
kung may gusting manakit
ditto.
2. Ang ginawa ni Lakshamanan 2.Pagsakay nina Ravana sa kabayong may
na pagtulong sa kapatid. malalapad na pakpak.
Maaaring mayroon pang ibang kasagutan ang mga mag-aaral.
Gawain 2
Ang mga kasagutan ay nakabatay sa mga mag-aaral.
Gawain 1
1. Pinatunayan ni Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng
hindi pagsuko at pagbitiw sa isa’t isa. Sinuong nila lahat ng mga banta at balakid
laban sa kanilang pagsasama at ipinaglaban ang isa’t isa. Masasabi natin na siguro
mas naging madala para sa kanila kung hinayaan na lamang nila si Ravana sa
kagustuhan nito upang wala ng mangyaring labanan ngunit hindi nila ito ginawa. Ito
ang mga patunay na kanilang taimtim na pagmamahalan sa isa’t isa.
2.
3. Masasabi nating mayroong mga bahagi sa akda na makatotohan at mayroon din
namang hindi. Makatotohanan sila sa bahaging kanilang nilabananan ang
kagustuhan ni Ravana. Hindi ito naging makatotohanan nang humingi na ng tulong
si Rama sa mga Unggoy upang makuha si Sita mula sa kamay ng mga higante.
VII.
4. VI. Susi sa Pagwawasto
Kuwarter 3, Linggo 6

You might also like