You are on page 1of 8

Modyul 12: Ramayana

Modyul
Filipino 9
12 Saling-akdang Asyano at Panuntunang Pambalarila

Panitikan: RAMAYANA

 Layunin Natin
 Nailalarawan ang ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko (F9PB-
IIIg-h-54)
 Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa
Kanlurang Asya (F9PT-IIIg-h-54)
 Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng
Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56)

 Simulan Natin
Nakasulat sa 1 Corinto 13:4-7 “Ang pag-ibig ay
matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi
mayabang ni mapagmataas man,  hindi magaspang ang
pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o
mapagtanim ng sama ng loob sa kapuwa. Hindi ito
natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa
katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala,
puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.” Pag-
ibig ang dahilan kung bakit narito tayo sa mundo. Nag-
umpisa ito sa matamis na pagtitinginan ng ating mga
Pagkilala: pinclipart.com
magulang. Nagsumpaang mamahalin ang isa’t isa sa
hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Kaya may mga
pagkakataon na nagtataka ako, kung bakit may mga indibidwal na halos manlimos ng
atensyon at pagmamahal. Lalo na sa social media, minsan mababasa mo sa mga post nila ang
kawalan ng pag-asa, na tila wala nang darating na pag-ibig sa buhay nila. Napagtanto ko,
kung hindi man sila nakararanas o nakasusumpong ng pagmamahal baka naghahanap sila sa
maling lugar.
Baka wala sa social media ang pagmamahal na ‘yun. Baka kailangan lang nating imulat ang
ating mga mata at mag-umpisang tumingin sa tamang dako. Magsimula sa iyong pamilya, sa
iyong ama at ina, sa iyong mga kapatid, sa iyong lolo’t lola, o kaya sa mga kaibigan natin. Sa
totoo lang, ang yaman-yaman natin sa pag-ibig. Minsan hindi lang natin napapansin dahil sa
maling direksyon tayo nakatingin. Hinahanap natin ito sa maling espasyo, sa maling tao.
Kaya kadalasan ito ang dahilan kung bakit tayo nadidismaya, nabibigo, at nasasaktan. Hindi
natin alam ‘yong mga bagay pala na matagal na nating hinahanap ay nasa harap o nasa
paligid lang natin. Kagaya na lamang ng akdang mababasa ninyo sa aralin na ito. Kung paano
sinubok ng tadhana at pagkakataon ang pag-ibig at katapatan ng mga pangunahing tauhan.

1
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

“Ating alamin kung napagtagumpayan ba nila ang hamon na kinaharap. At ikaw,


handa mo rin bang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig?”
 Alalahanin Natin
Buoin ang pahayag sa ibaba batay sa iyong kaalamang natutuhan sa nagdaang aralin:

Natutuhan ko sa Aralin 11 na:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

 Palawakin Natin
Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Itinalagang tagapagmana ng trono ang 5. Buo na ang kanyang pasya na


panganay na anak ng hari. magtapat ng pag-ibig sa babaeng
A. Hinirang sinisinta.
B. Pinagkaila A. Desisyon
C. Tinanggi B. Gusto
C. Saloobin
2. Himukin mo siyang sumali sa ating
kilusan, malaki ang maitutulong niya 6. Kunwari lang pala lahat ang ipinakita
sa ating adbokasiya. niyang kabutihan.
A. Kumbinsihin A. Buwitre
B. Paanyaya B. Hunyango
C. Pasamahin C. Pagpapanggap

3. Lehitimong anak lamang ang may 7. Palihim na nilusob ng mga sundalo


kaparatan sa pamanang iniwan ng ang kampo ng mga rebelde.
nasirang si Don Gustavio. A. Binisita
A. Bastardo B. Pinasyalan
B. Huwad C. Sinalakay
C. Orihinal
8. Si Rama, prinsipe ng kaharian ng
4. Noon ang bansang Filipinas ay bihag Ayodhya at ang ikapitong avatar ng
ng mga dayuhang mananakop. diyos na si Vishnu, ang
A. Alipin pinakamatandang anak nina Haring
B. Bilanggo Dasharatha at Reyna Kausalya.
C. Tangan A. Anino
B. Enkarnasyon
C. Rebulto

2
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

֍ Suriin Natin
Dahil nagmula sa bansang India ang akdang pag-aaralan at babasahin natin para sa
aralin na ito. Sa tulong ng graphic organizer, magbigay ng mga salitang magpapakilala o
may kaugnayan sa India.

India

Nabatid natin na ang India ay mayaman sa kultura, paniniwala, pananampalataya, at


pakikipagkapuwa. Paano kaya naiiba ang bansang ito sa iba pang bansa sa Asya? Bakit
kailangan natin malaman ang mga ito? Paano mo mapahahalagahan ang kultura at mga
paniniwalang ito?

 Basahin Natin
Ano ang Epiko?[2]

Sa tradisyunal na kahulugan, ang isang epiko ay isang uri ng panulaan, na kilala rin


bilang panulaang epiko. Bagaman, sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig ito sa
ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas

3
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo, kung saan may mga tema ang kuwento ng
kadakilaan ng kabayanihan, katulad sa panulaang epiko.

Ramayana

(epiko mula India)


Buod nina Maestro Valle Rey at Abner S. Hermoso
mula sa Salin sa Filipino ni Rene O. Villanueva [1]

Si Rama, prinsipe ng kaharian ng


Ayodhya at ang ikapitong avatar ng Diyos
na si Vishnu, ang pinakamatandang anak
nina Haring Dasharatha at Reyna Kausalya.
Si Rama rin ang itinalagang tagapagmana ng
trono ng kaharian. Iyon nga lamang, hiniling
ng isa pang reyna ni Haring Dasharatha, si
Kaikeyi, na ang anak nitong si Bharata ang
maging sunod na hari. Dahil dati nang
nangako si Haring Dasharatha sa naturang
reyna na ipagkakaloob n’ya ang anumang
hilingin nito, masakit man sa kalooban ay
napilitan siyang ibigay kay Bharata ang
Pagkilala:.exoticindiaart.com karapatan sa trono. Bunga nito, kusang-loob
na napatapon si Rama, ang kaniyang asawang
si Sita, at ang isa pang kapatid ni Rama na si Lakshmana. Hindi naman nakayanan ni Haring
Dasharatha ang paglayo ng panganay na anak; kalauna’y pumanaw siya dala ng labis na
kalungkutan.
Hindi ikinatuwa ni Bharata ang nangyari sa kapatid kaya’t hinabol niya sa kagubatan
ng Dandaka si Rama upang himukin itong bumalik sa kaharian. Tumanggi si Rama at sila
nina Sita at Lakshmana ay nanirahan doon sa loob ng 14 na taon. Samantalang sila’y wala,
inilagay ni Bharata sa trono ang sandalyas ng kapatid na nakuha niya mula rito bilang
pagkilala na si Rama ang lehitimong hari ng Ayodhya.
Hindi nagtagal at nagkagusto kay Rama si Shurpanakha, isang babaeng may
kakayahang magbagong-anyo. Si Shurpanakha ay kapatid ni Ravana, isang demonyo na hari
ng Lanka. Nais ni Shurpanakha na makasal siya kay Rama subalit tumanggi ito sa huli.
Sa selos at galit ay tinangkang patayin ni Shurpanakha si
Sita ngunit sa kabutihang palad ay nailigtas ni Rama ang
asawa. Nagawa namang sugatan ni Laskhmana ang ilong ni
Shurpanakha. Nang makita ni Ravana ang itsura ng kapatid,
nagalit siyang mabuti. Hinimok ni Shurpanakha si Ravana na
bihagin si Sita.Ipinatawag ni Ravana si Maricha, isang
demonyong nagbabagong-anyo, upang tulungan siyang
makaganti kay Rama. Isang araw, nakakita si Sita ng isang
gintong usa at pinakiusapan niya si Rama na hulihin ito.
Lingid sa kanilang kaalaman, ang naturang usa ay si Maricha
na nag-anyong hayop lamang. Sinabihan naman ni Rama si
Lakshmana na bantayan si Sita pansamantala habang wala

4
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

siya. Natagalan sa paghuli si Rama kaya’t nagpasya si Lakshmana na hanapin ang kapatid at
naiwang mag-isa si Sita.
Pagkalayo ni Lakshmana, lumapit ang
Pagkilala:. wikipedia.org nagkukunwaring si Ravana kay Sita at inalok itong maging
reyna ng Lanka. Kinabahan si Sita sa tunay na intensiyon ng
kausap. Biglang naging higante si Ravana at tinangay palayo si Sita. Sa itaas ng bundok,
narinig ng agilang si Jatayu ang sigaw ni Sita. Tinangkang iligtas ng naturang agila si Sita
ngunit tinaga ito ni Ravana. Bago namatay ang agila, nakita nito si Rama at ibinalita sa
prinsipe na bihag ni Ravana si Sita.
Nanatiling bihag ni Ravana si Sita sa loob ng isang taon. Makailang beses na
tinanggihan ni Sita na magpakasal kay Ravana sapagkat mahal na mahal at ayaw niyang
pagtaksilan si Rama. Humingi naman ng tulong si Rama kay Hanuman, isang Diyos, upang
hanapin ang kinaroroonan ni Sita. Sa tulong ng hukbo ng mga unggoy ni Hanuman,
magkasamang nilusob nina Rama at Lakshmana ang kaharian ng Lanka. Naglaban sina Rama
at Ravana, sa huli’y napatay si Ravana.  
Muling nakapiling ni Rama si Sita subalit nag-alinlangan si Rama sa katapatan ng
kaniyang asawa noong bihag pa ito ni Ravana kaya’t pinakiusapan niya si Sita na sumailalim
sa isang pagsubok sa apoy. Sa kaorasan ng pagsubok, nagpakita ang Diyos ng apoy na si
Agni upang protektahan si Sita at patunayan ang pagiging inosente nito. Pagkatapos, nagbalik
na sa Ayodhya ang mag-asawa kasama sina Lakshmana at Hanuman. Mainit silang tinanggap
ng mga mamamayan ng kaharian. Itinalaga silang bagong hari’t reyna ng Ayodhya at
kalauna’y nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki.

 Sagutan Natin
A. Isulat sa puwang na nakalaan bago ang bilang ang letrang T kung wasto ang
ipinahahayag na kaisipan ng mga sumusunod na pangungusap at M naman kung hindi.
_____ 1. Ang Epiko ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan ng mga
pananalita, ito rin ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong
etniko.

_____ 2. Sa panitkan, ang epiko ay kinapapalooban at punung-puno ng mga kagila-


gilalas na pangyayari.

_____ 3. Ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng katangiang


nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos
o diyosa.

_____ 4. Binubuo rin ng mga hindi kapanipaniwalang pangyayari at tagpuang


makababalaghan ang epiko.

_____ 5. Nagmula sa bansang India ang epikong Ramayana, isang bansang mayaman sa
kultura at paniniwala.

_____ 6. Pumapatungkol sa kapalaluan, pagtataksil, at katamaran ang epikong


Ramayana.

5
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

_____ 7. Nagbagong anyo si Maricha bilang isang gintong usa upang malinlang sina
Sita, Rama, at Lakshmana.

_____ 8. Isinalin nina Maestro Valle Rey at G. Abner S. Hermoso sa wikang Filipino
ang epikong Ramayana.

_____ 9. Si Sita ang pinakamatandang anak nina Haring Dasharatha at Reyna Kausalya.

_____ 10. Kadalasan mababasa sa mga panitikan partikular na sa epiko ang iba’t ibang
kultura ng bansang India.

B. Kilalanin sa mga pagpipilian ang pinakawastong sagot na hinihingi sa mga sumusund


na tanong:

_____ 11. Si Rama ay __________ at __________ ng diyos na si Vishnu.


A. Prinsipe ng Ayodhya at Ikaanim na avatar
B. Prinsipe ng Ayodhya at Ikapitong avatar
C. Prinsipe ng Ayodhya at Ikawalong avatar

_____ 12. Siya ay ang babaeng umiibig kay Rama at may kakayahang magbago ng anyo.
A. Maricha
B. Shurpanakha
C. Sita
_____ 13. Sina Rama, Sita at Lakshmana ay nanirahan sa kagubatan sa loob
__________ ng taon.
A. 1 Taon
B. 13 Taon
C. 14 Taon
_____ 14. Inalok ni Ravana si Sita na maging kaniyang __________.
A. Alalay
B. Kanang-kamay
C. Reyna
_____ 15. Naging bihag si Sita ni Ravanna sa loob ng __________.
A. 1 Taon
B. 13 Taon
C. 14 Taon
_____ 16. Nag-alinlangan si Rama sa katapatan ni Sita sa kaniya kaya’t pinakiusapan
niya ito na sumailalim sa isang pagsubok. Anong pasubok ang hinarap ni Sita?
A. Pagsubok sa apoy
B. Pagsubok sa dagat
C. Pagsubok sa katapatan
_____ 17. Siya ang hiningian ng tulong ni Rama upang mahanap si Sita.
A. Hanuman.
B. Haring Dasharatha
C. Reyna Kausalya

6
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

_____ 18. Sa oras ng pagsubok ni Sita upang patunayan ang kaniyang katapatan kay
Rama, ay pinorotektahan siya ni __________.
A. Agni, ang diyos ng apoy
B. Fafnir, ang diyos ng apoy
C. Ifrit, ang diyos ng apoy

_____ 19. Masayang namuhay ang mag-asawa sa kaharian at biniyayaan ng


__________anak na lalaki.
A. 1
B. 2
C. 3
_____ 20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng wastong kahulugan ng epiko.

A. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
B. Ang epiko ay  isang uri ng pagsulat na nagpapahayag ng pananaw o opinyon
ng may akda nito. Ang isang epiko ay nakatuon sa parehong diwa at paksa
C. Ang epiko ay ang mga haka-hakang kwentong bayan tungkol sa pinagmulan
ng isang bayan.

 Gawin Natin
Paano ba masasabi na ang isang
tauhan ay isang bayani o superhero sa
pelikula man o sa mga akdang
pampanitikan? Bukod sa kagitingan at
kabayanihang ipinamamalas ng mga
pangunahing tauhan sa isang epiko.
Nagtataglay rin sila ng mga katangiang
nakahihigit sa pangkaraniwang tao,
matapang, matipuno, may prinsipyong
pinaninindigan ,at handang ipaglaban o
Pagkilala:. Verywellmind.com ipagtanggol ang mga mahal nila sa buhay.
Mahilig din sila sa paglalakbay at magaling sa
pakikipagdigma. Sa kabuuan ay nagtataglay sila ng kagila-gilalas na karakter na karaniwang
hinaangaan natin sa isang indibidwal. Para sa gawaing ito, lumikha ng comics strip at ang
magighing tauhan ay ang pinakahinahangaan ninyong bayani o maaari din namang
superhero mula sa mga piksyunal na palabas o babasahin. Malaya kayong pumili ng paksa o
tema sa paggawa ng inyong comics strip. Lagyan ito ng pamagat. Sundin ang pamantayan sa
ibaba bilang gabay sa paggawa ng aktibiti na ito.

Rubrik
Punto Pamantayan
s
10 Buo ang Kaisipan o Diwa ng Komiks at Nakakaaliw
10 Natutukoy ang Lahat ng Tamang Gamit ng Wika sa

7
Baitang 9 - Filipino
Modyul 12: Ramayana

Usapan sa Komiks
Mahusay ang Pagguhit at ang Komiks ay Kaakit-akit
10
Tingnan
Wasto ang Gramatika, Ispeling, Bantas, at
5
Kapitalisasyon ng mga Salita’t Pangungusap.
35 Kabuoan

© Sanggunian

Panitikan:
[1]
Maestro Valle Rey (2019, Oktubre 29). Buod Ng Rama At Sita – Buod Ng Isang
Epikong  Hindu. Philippine News. https://philnews.ph/2019/10/29/buod-ng-rama-at-
sita-buod-ng-isang-epikong-hindu/
[2]
https://tl.wikipedia.org/wiki/Epiko


Awtor ng Modyul : G. Jonick T. Nalaza
Disenyador ng Template : G. Abner S. Hermoso

8
Baitang 9 - Filipino

You might also like