You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
FRANCES NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 9

Learning Area: Filipino- Modyul 4 Date: Mayo 17-21, 2021


MELCs:
 Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggalian (tao vs tao, at tao vs. sarili) sa napanood na
programang pantelebisyon (F9PD-IIId-e-51)
 Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay maaaring
mangyari sa tunay na buhay (F9PB-IIId-e-52)
 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa napakinggang pag-
uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-e-52).
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang
makabuluhang araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang
miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN

 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang pangyayari na


kanilang naranasan sa nakalipas na linggo.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang
papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.

SUBUKIN
Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
hiwalay na papel.

BALIKAN
Piliin sa loob ng panaklong ang pang-uring may pinakamasidhing damdaming ipinahahayag
na aangkop sa salitang binibigyang-kahulugan at gamitin ito sa pangungusap.

TUKLASIN
Mula sa mga pahayag o diyalogong halaw sa napanood na mga programang pantelebisyon,
tukuyin ang uri ng tunggalian (tao vs. tao at tao vs. sarili) taglay nito. Gayahin ang pormat
at isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

SURIIN
Basahin mo at unawain ang nobelang, “Isang Libo’t Isang Gabi (One Thousand and One
Nights)” at alamin mo kung anong transpormasyon ang nangyari sa tauhan na maaaring
maganap sa tunay na buhay. Sagutan ang mga katanungan sa pag-unawa sa binasa.
Basahin at unawain ang mga sumusunod na paksa:
-Nobela
-Tunggalian at mga katangian nito

PAGYAMANIN
Sa pahina 13-14, sagutan ang gawain 1-3.

ISAISIP
Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang pangungusap na naglalahad
ng kaisipang iyong natutuhan sa aralin.

ISAGAWA
Batay sa napanood o napakinggang kuwento sa programang pantelebisyon, (1) suriin ang mga
tunggalian – tao vs. tao at tao vs. sarili, (2) iugnay sa kasalukuyan at (3) patunayan ang mga
pangyayari at/o tranpormasyong naganap sa tauhan ay maaring mangyari sa tunay na buhay.

TAYAHIN
Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng
pagpili ng tamang letra. (pahina 16-18)

KARAGDAGANG GAWAIN
Sumulat ng isang pangyayari sa buhay na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sa sarili sa
panahon ng pandemya. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong
tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

MIKAELLA S. DE JESUS LEVI M. DELA CRUZ MELGEE A. CANARE


Guro Dalubguro I Ulong Guro III Ingles

Mayo 15, 2021 Mayo 15, 2021 Mayo 15, 2021

You might also like