You are on page 1of 6

ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

Ang bahaging ito ng modyul hanggang sa huling pahina ay naglalaman ng mga gawain at pagtatayang
kinakailangan mong sagutin. Ang mga naunang pahina (Bahagi I-IV) ay mananatili sa iyo at magsisilbing
lektura.
Sagutan ang mga pahina 6-11 at i-save gamit ang file name na: FIL10_M2_BUONG PANGALAN. Ipasa ang
file sa iyong guro sa asignatura gamit ang subject’s MS Teams bago o pagsapit ng Oktubre 23, 2021.

Pangalan: __Cruz, Keith Neomi E.___ Baitang at Pangkat: Gr. 10- St. Dorothea _

V. Mga Gawain

Ikatlong Linggo

A. Panuto: Sagutan ang gawaing matatagpuan sa Pagpupunla A sa pahina 27 ng iyong batayang aklat na
Punla 10. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon sa ibaba. (10 Puntos) Paalala: Isasagawa ito pagkatapos
ng online class.

B. Panuto: Talakayin ang pangunahing kaisipang iginigiit sa akdang iyong nabasa (“Kung Bakit Mukhang
Bughaw ang Langit”) Talakayin din ang mga makatotohanan at napapanahong isyung pandaigdig na
lumutang mula rito. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon sa kabilang pahina. Gawing batayan sa
iyong pagtalakay ang pamantayan sa ibaba at tiyaking ang iyong sagot ay binubuo ng 7 hanggang 10
pangungusap. (30 puntos) Paalala: Isasagawa ito sa oras ng online talakayan.

Pamantayan sa Pagtalakay

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1. May mabisang nilalaman. (X3)
2. Maayos, malinaw, at mabisang naihanay ang mga kaisipan
mula sa umpisa hanggang wakas.
(X2)
3. Naging mabisa at wasto ang pagkakabuo o kayarian ng mga
salita at pangungusap na ginamit.
(X1)
PUNTOS:
KABUUANG PUNTOS:

Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 6 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.
ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

Ikaapat na Linggo

C. Panuto: Isa sa mga tulang nagpapakita ng ugnayan ng tauhan at kalikasan ay ang epiko. Gaya sa
sonetong binasa mo (“Soneto ng Matamis na Hinaing”), isa ring katangian ng epiko ay ang pagkakaroon
ng matibay na ugnayan ng mga tauhan nito sa iba pang nilalang at puwersa ng kalikasan. Panoorin mo
ang naka-videong epiko gamit ang link o QR code sa ibaba. Gamitin ang iyong mga natutuhang
panandang pandiskurso sa pagsusuri at paglalahad ng iyong sintesis buhat sa epikong iyong napanood at
tulang nabasa.
I-scan ang QR
 https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo code na ito
(Hudhud: Ang Epiko ni Aliguyon) upang ma-
access ang video

Mula sa napanood na epiko at tulang nabasa, tukuyin ang bahagi kung saan ang tauhan o mga
tauhan ay nagkaroon ng ugnayan sa anumang puwersa ng kalikasan tulad ng sa tubig o karagatan, sa
mga hindi pangkaraniwang nilalang, kulog o kidlat, at sa mga bagay sa kalawakan at kung paanong ang
pakikipag-ugnayang ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa kabuoan o sa bahagi ng mga akda. Ibuod o
isulat ang bahaging nagpapakita ng ugnayang ito sa nakalaang espasyo sa ibaba. (30 puntos)

Paalala: Isasagawa ito pagkatapos ng online class.

Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 7 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.
ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

VI. Pagtataya

Ikatlong Linggo
A. Panuto: Tunghayan mo naman ngayon ang tatlong maiikling video clip gamit ang mga link at/o QR
code sa ibaba. Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong na kaugnay nito. Paalala: Isasagawa ito
pagkatapos ng online class.

 Anak (Trailer) na pinagbidahan nina Vilma Santos at Claudine Barreto at ipinalabas


ng Star Cinema noong 2000. Tumatalakay ito sa kalagayan ng isang inang napawalay
sa kanyang mga batang anak nang maging OFW siya sa Hongkong. Makikita ang
trailer sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=MPRsTD_tG3Y

 A Mother’s Story (Full Trailer) na pinagbidahan ni Pokwang at ipinalabas ng Star


Cinema noong 2012. Makikita ang dalawang minutong trailer sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=xcnG23HcHwc

 Caregiver (Full Trailer) na pinagbidahan ni Sharon Cuneta at ipinalabas ng Star


Cinema noong 2008. Makikita ang tatlong minutong trailer sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYxJQ

Mga Kaugnay na Tanong:


1. Ano-anong mahahalagang isyung pandaigdig
at panlipunan ang masasalamin sa tatlong
maiikling video clip?

2. Kung makakausap mo ang tatlong ina sa mga


nasabing pelikula, ano-ano ang sasabihin mo
sa kanila?
Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 8 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.
ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

3. Ano naman ang maipapayo mo sa kani-


kanilang mga anak at sa anak na rin ng iba
pang OFW? Magbigay ng limang
mahahalagang payo na maaaring gumabay sa
kanila upang magsumikap silang maging
mabubuti at matitino para naman
matumbasan ang hirap at sakripisyo ng
kanilang mga magulang na nagtatrabaho at
nagpapakahirap sa ibang bansa para sa
kanilang mas magandang kinabukasan.

Ikaapat na Linggo
B. Inaasahang Pagganap
Paalala: Isasagawa ito sa oras ng onlayn talakayan. Papangkatin ang klase sa pamamagitan ng
breakout room session sa Microsoft Teams. Ibibigay ng guro ang tagubilin na naglalaman ng mga gabay
at pamprosesong tanong upang maisagawa ang gawain. Kalakip din noon ang mga pamantayan sa
pagganap.
Andamyong Pagganap Blg.3

Pagsasagawa ng Isang Komprehensibong Pagsusuri


ng Alinmang Akdang Pampanitikang Mediterranean

Isang suring-pampanitikan ang pinaghahandaang isagawa ng Samahan sa Filipino ng Immaculate


Conception School of Malolos – Junior High School Department kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng
Panitikan na dadaluhan ng mga Lady Icon at mga guro sa wika at panitikan. Layunin nitong mapaigting
ang kamalayan ng mag-aaral sa panitikan. Isa ka sa mga naatasang bumuo ng suring- pampanitikan
(critique) ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean. Gawin mong batayan ang iyong mga
natutuhan ukol sa pagbuo ng critique. Mamarkahan ang iyong produkto o pagganap alinsunod sa mga
pamantayang ito: nilalaman, organisasyon, at gamit ng wika.

VII. Katugunan

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang antas ng kalidad ng iyong pagsasakatuparan ng sumusunod na mga
gawain.
Unang Linggo
GAWAIN LUBOS NA NAISAGAWA HINDI HINDI
NAISAGAWA GAANONG NAISAGAWA
NAISAGAWA
Natukoy ang mga salitang
magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan
Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 9 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.
ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

Naitala ang mga impormasyon


tungkol sa isa sa mga napapanahong
isyung pandaigdig
Nabigyang-reaksiyon ang mga
kaisipan o ideya sa tinalakay na akda,
ang pagiging makatotohanan/ di-
makatotohanan ng mga pangyayari sa
akda
Naipaliwanag ang pangunahing paksa
at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo
o iba pang anyo ng media
Natalakay ang mga bahagi ng
pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig
Nagamit ang angkop na mga pahayag
sa pagbibigay ng sariling pananaw

Ikalawang Linggo
GAWAIN LUBOS NA NAISAGAWA HINDI HINDI
NAISAGAWA GAANONG NAISAGAWA
NAISAGAWA
Nahinuha ang katangian ng tauhan
sa nabasang tula
Natukoy ang mga bahaging
napanood na tiyakang nagpapakita
ng ugnayan ng mga tauhan sa
puwersa ng kalikasan
Naibigay ang sariling interpretasyon
sa mga kinaharap na suliranin ng
tauhan
Napangatuwiranan ang kahalagahan
ng epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin sa isang bansa
Naipaliwanag ang mga alegoryang
ginamit sa binasang akda
Naisulat nang wasto ang pananaw
tungkol sa:
a. pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng
mga epikong pandaigdig;
b. ang paliwanag tungkol sa isyung
pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng
mga Pilipino;
c. sariling damdamin at saloobin
tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ng ibang
Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 10 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.
ICSM JHS Filipino 10 Unang Markahan Modyul 2: Sanaysay at Tula

bansa; at
d. suring-basa ng nobelang nabasa o
napanood
Nagamit ang angkop na mga hudyat
sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.
Mga komentaryo:

Ito ay eksklusibong gamit ng ICSM JHS. Walang bahagi ng modyul na ito ang Pahina 11 ng 11
maaaring sipiin o gamitin sa anumang paraan.

You might also like