You are on page 1of 19

PINAGDAUSAN NG UNANG

MISA NG PILIPINAS
Inihanda ng Unang Pangkat (BSCPE 3-1):
ABAD, Allyson BOLEA, Ma. Isabelle
AGUINALDO, Justine John BORBON, John Mark
BARI, Sheina Marie CAJUILAN, Dan Angelo
BAUTISTA, Auzeilyne
• Dumaong ang pangkat ni Magellan sa Homonhon, isang
maliit na isla sa may bunganga ng Gulpo ng Leyte.
• Sa ikatlong araw ng kanilang pagdating, may dumating na
siyam (9) na katutubo na sakay ng bangka na nagmula sa
kalapit na Isla ng Suluan.
• Noong Marso 28, 1521(March 29 sa Pilipinas) dumating sina
Magellan sa isla ng Mazaua(Limasawa sa Leyte o Masao sa
Butuan)
• Nakipagkaibigan si Magellan kay Rajah Kolambu, hari ng
Limasawa (Mazaua), at sa kapatid nitong si Rajah Siagu,
hari ng pulong Butuan.
• Nagsandugo sina Magellan, Rajah Kolambu at Rajah Saigu.
• Marso 31, 1521 (Abril 1 sa Pilipinas), Linggo ng
Pagkabuhay, ginanap ang unang Katolikong misa sa
Pilipinas.
• Isinagawa ito ni Padre Pedro de Valderrama.
• Nag-utos si Magellan na magtirik ng krus sa tuktok ng
burol na nakaharap sa dagat at nagdasal sila ng Ama Namin
at isang Aba Ginoong Maria.
Ang krus na itinirik sa tuktok ng burol ay nagsisilbing:
• Tanda ng pagkakasailalim ng Pilipinas sa kapangyarihan ng
Espanya.
• Sinasabi sa mga katutubo na maililigtas sila nito laban sa
kidlat at bagyo.
Pinagdausan ng Unang Misa:
• Iginigiit ng ilang historyador na ang pinagdausan ng
unang misa ay ginanap sa Masao, Butuan, Agusan
del Norte.
• Ayon naman sa iba, ito ay ginanap sa Limasawa,
Leyte.
PAG-AALSA SA CAVITE
Inihanda ng Unang Pangkat (BSCPE 3-1):
ABAD, Allyson BOLEA, Ma. Isabelle
AGUINALDO, Justine John BORBON, John Mark
BARI, Sheina Marie CAJUILAN, Dan Angelo
BAUTISTA, Auzeilyne
Pinagmulan ng Pag-aalsa:
• Nagsimula ang pag-aalsa dahil sa pagpataw ni
Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo ng personal
na buwis sa mga manggagawa.
• Isinasaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at
pagbibigay ng polo y servicio o sapilitang trabaho.
Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo
Fernando La Madrid
• Isang mestisong sarhento,
na namuno sa pag-aalsa
noong 20 Enero 1872.
• Kasama ang 200 pilipinong sundalo at ilang
sundalong espanyol ng arsenal ng Cavite.
• Matagumpay nilang nasakop ang Fuerza San Felipe,
ngunit hindi nagtagal ay nagapi sila ng mga pwersa
ng Espanyol sa pangunguna ni Heneral Felipe
Genoves.
• Napatay nila ang mga namumuno sa pag-aaklas at
ang ilang pinaghihinalaan na kasama sa
rebelyon ay ipinatapon sa Marianas o Guam.
G0MBURZA (Ang Tatlong Paring Martir)
• Dahil sa bintang sa kanila sa kaso ng subersyon at
pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa
Cavite noong 1872, ang tatlong pari, na sina Padre
Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre
Mariano Gomez na binitay sa pamamagitan ng
garote noong Pebrero 17, 1872 ng mga Espanyol.
PADRE GOMEZ
• Kura Paroko ng Bacoor, Cavite
• Malaki ang naitulong sa pagkuha ng
reporma sa lupa para sa magsasaka
• Pinaghihinalaan na may kinalaman sa
mutiny dahil sya ay pinanginginahan ng
sama ng loob at pinagkukumpisalan ng
mga manggagawa sa Cavite.
PADRE BURGOS
• Isang insulares Criolle
• Isang aktibista
• Kura Paroko ng Cathedral Maynila
• Tumulong upang makuha ang reporma
ng simbahan.
• Ginamit ang kanyang pangalan upang
manghikayat ng mga sasama sa pag-
aalsa
PADRE ZAMORA
• Kura Paroko ng Marikina
• Isang sekular na Pari
• Kilala sa pagiging malapit kay Padre Burgos
• Sinugod ang kanyang tahanan ng mga
Espanyol at nakuha ang isang sulat na nag-
iimbita sa kanya na magdala ng bala at
pulbura
SANGGUNIAN (Links)
• https://www.coursehero.com/file/99316558/Pinagdausan-
ng-Unang-Misapptx/
• https://southernleyte.gov.ph/latest/2321-nhcp-affirms-
limasawa-site-of-1521-easter-sunday-mass
• https://www.coursehero.com/file/54601071/PAGAALSA-
SA-CAVITEpptx/

You might also like