You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

FIL207 – Panunuring Pampanitikan

Paksa: Makalipunang Panunuri: Historikal, Sosyolohikal, at Marxista

Gawain Blg 4. A.

Babasahin:

 Lumbera, Bienvenido (1995). The Nationalist Literary Tradition,” E.A. Ordoñez (ed.) Nationalist
Literature: A Centennial Foru. Quezon City: PANULAT/ University of the Philippines Press,
1995, pp.1-16. https://drive.google.com/file/d/1scWRiUFD8-xHjE2LN0PWcWkfHb32gr-v/
view?usp=sharing

 Gelacio, Guillermo (1995). The New Mass Art and Literature,’ E.A. Ordonez (ed.) Nationalist
Literature: A Centennial Foru. Quezon City: PANULAT/ University of the Philippines Press,
1995, pp.358-78.
https://drive.google.com/file/d/1BsXbHMCzYRa4WNYG8cbB1PZBfiBBNJu_/view?
usp=sharing

 Williams, Raymond (1978). Chapter 3 Literature, Marxism, and Literature. Oxford University
Press. pp.45-54. https://mykelandrada.files.wordpress.com/2011/06/raymond-williams-marxism-
and-literature.pdf

Mga Tanong at Gawain:

1. Bumuo ng Mapa ng mga Konsepto sa Sanaysay ni Lumbera.

Nationalist
Native
Collaborated
Literary Educated
Rebels
natives
with
Tradition
Colonizers
Poem
Writings Plays Tyranny
Novels etc

Nationalist
Consciousness

2. Ano-ano ang mga ideya’t posisyon ni Lumbera na iyong tinanggap? Bakit?


- Bawat sulatin sa bawat panahon ay tunay na nagpapakita ng mga pagbabago. At ito ay
pinatunayan sa ideya at posisyon ni Lumbera sa kanyang sanaysay. Nakatutuwang isipin na
ang pagsulat ay nagbigay ng napakalaking ambag lalo na noong panahon na tayo ay sakop ng

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

mga dayuhan. Nagsimula sa libangan hanggang sa ginamit na sa pakikipaglaban at higit sa


lahat pagbubunyag sa paraang hindi tuwiran. At ang pagbabagong naganap sa atoing
literature ay sumabay din sa pagbabago ng ating kultura. Mula sa pagsulat hanggang sa
pagbuo na ng mga nobela na itinatanghal
3. Kung salungat,ano-ano ang ideya’t posisyong ito? Ipaliwanag ang iyong posisyon.
- Sumasang-ayon ako sa ideya at posisyon ni Lumbera sa kanyang sanaysay sa[pagkat tunay na
Malaki ang nagwa ng literaturasaating kasaysayan.
4. Ano itong tinaguriang New Mass Art and Literature?
- Nagging sandata ang ating panitikan sa pagsisiwalat ng mga karahasan at hindi makataong
nararanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan. Hinuli ang kiliti ng mga dayuhan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga palabas at mga nobela gayundin sa nilalaman ng mga
tula na pinupunto ay mga hirap na nararanasan., mga pagmamalupit na nakatago sa bawat
kwento at bawat salitang nakapaloob sa sulatin.
-
5. Sa anong dahilan maaaring ipalagay na pagpapatuloy ito ng tradisyong Makabayan sa Pilipinas?
araan ng pagmahal sa ating Kultura. Masakit man isipin, pero minsan, nakakalimutan na ng mga
mismong Pilipino ang kanilang tradisyon at kultura. Samantala, mayroon ding mga dayuhan na
silang kinupkop ang tradisyon at kultura natin. Isa sa mga bagay na dapat nating bigyang pansin
ay ang pagiging kritikal sa mga isyung panlipunan na nangyayari sa ating mga komunidad. Sa
paraang ito, ating matutulungan ang pag solba ng mga isyu sa paraan ng mahinahong talakayan,
at mabibigyan ng responsibilidad ang mga taong dapat nakatuon dito. Sa social media na syang
laganap sa panahong makabago maipagpapatuloy pa rin ang tradisyong makabayan sa Pilipinas.

Gawain Blg. 4.B.

Pagbasa ng Kritiko

Pedro L. Ricarte (1988). Pagsusuri sa Estetikang Porma, Sosyolohikong Implikasyon, at Katuturang


Eksistensyal ng Sa Mga Kuko ng Liwanag.’ Panunuring Pamapanitikan II: Mga Nagwagi sa
Gawad Surian sa Sanaysay Gantimpalang Collantes (1984-1988)
https://drive.google.com/file/d/1aayZW3SuUbYbJUqp3niMIf0UGpVnQLQF/view?usp=sharing

Maceda, Teresita G. (1986), Marcel M. Navarra: Mga Piliping Kuwentong Sebwano . Quezon City
University of the Philippines Press. https://drive.google.com/file/d/1p-svx2SAWkDleHbQAy-XJI-
yyB-lDjXZ/view?usp=sharing

Evasco, Eugene Y. (2004). Rekonstruksyon sa Alamat ni Sinukuan. Philippine Humanities Review


https://drive.google.com/file/d/1QJ-Sau9N_D3JxdE9k8IEgtxiLGOhp1d5/view?usp=sharing
Torres-Yu, Rosario. (1986). “Kritisismong Panlipunan sa mga Akda ni Amado V. Hernandez,” Amado
V. Hernandez: Tula at Tudling 1986 https://drive.google.com/file/d/1knL-taQ-
y1tQUiHdXYGyQ_epEcZraBpZ/view?usp=sharing

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

Atienza, Monico M. (1995). Mga Tula ng Pulitika at Pakikisangkot ni Jose Corazon de Jesus, “
Nationalist Literature: A Centennial Forum, E.A. Ordoñez
https://drive.google.com/file/d/1IoeajLXTIaZrmY6MqDjF6kRR4_lUxPnL/view?usp=sharing

Barrios, Ma. Josephine (1997). Ang Bundok bilang Bayan: Mga Dula ng Pagkikibak Laban sa Pasko’t
Karnabal ng Dayo” Daluyan VII
https://drive.google.com/file/d/1zqkoLrOpfxK61ZyLOPixPxXJxNGBeeeK/view?usp=sharing

Mga Tanong at Gawain

1. Sa iyong palagay, ano ang silbi ng pag-alam kung sino ang manunulat at ano ang kalagayan niya
nang sulatin niya ang akdang sinusuri?
- Malaking bagay na alam ng sumusuri sa isang akda kung sino ang manunulat at kung ano ang
kalagayan niya habang isinusulat ang kanyang akda sapagkat ang bawat akda ay salamin ng
konkretong karanasan ng isang manunulat. Higit na maiintindihan ng isang manunuri ang
nais iparating sapagkat konektado ang isang akda sa nararamdaman at nararanasan ng may-
akda. Sa pamamagitanm ng pagsulat nailalahad niya ang kanyang damdamin at nais sabihin
na hindi kayang bigkasin ng kanyang bibig.

2. Ano-anong katwiran at paliwanag ang ginamit ni Ricarte para isulong ang pagbasa niya ng
“nobela ng pagtutol” ang nobela ni Reyes?
- Binanggit ni Ricarte na lumayo si Reyes sa pagsulat sa paraang popular, sinabi niyang
obhektibo ang ginamit na pamamaraan ni Reyes sunalit sinabi niya ring si Reyes ay isang
mahusay na craftsman. Samakatuwid, mahusay ang pagkakabuo ni Reyes ng kanyang obra
kahit pa ito ay hindi sa paraang popular. Dahil sinasabi nga na kung susuriin ang akdang ito,
hindi maaaring tingnan ito sa kalansay na balangkas lamang bagkus sa pangkalahatang
bumubuo rito bilang isang likhang-singing. Sa madaling salita, nasusulat din kasi ang
nobelang ito sa panahong laganap ang suliraning panlipunan at pampulitika na nagpapahirap
sa kalagayan ng bansa.
-

3. Tinanggap mo ba nag pagkikritika ni Ricarte na si Reyes ay “hindi ganap na rebolusyonaryong


manunulat”? Ipaliwanag ang iyong tugon.

- Para sa akin, makikita naman ang rebolusyon sa manunulat. Doon pa lamang sa paglalahad
ng mga pangyayaring tunay na nagaganap sa panahon na iyon ay masasabi ko nang ito’y
naglalantad ng tunay na kalagayan ng mga Pilipino san sariling bayan. Bagamat ang huli ay
yuko pa ring tinaggap ng pangunahing tauhan ang kanyang kalagayan, para sa akin ay mag-
iiwan ito ng katanungan sa mambabasa na tunay na nakuha ang nais iparating ng may-akda.
Tanong na “mananatili na lamang ba tayong tau-tauhan sa ating sariling bayan?” Wala ka
bang gagawin upang ito ay wakasan?

4. Paano ipinaliwanag ni Ricarte ang pagsasalungatan ng dalawang interpretasyon tungkol sa


protagonistang si Julio?

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

- Sa paglalahad ng unang kasalanan ni Julio bilang tao na mali sa paningin nating mga
mapanghusga, na dala ng pasakit na kanyang nararanasan kaya siya nakagawa ng bagay na
kanyang pinagsisisihan. Bilang hustisya sa pagpatay na kanyang nagawa, sunod na inilahad
ang lahat-lahat ng hirap na naranasan ni Julio na aantig sa puso ng mambabasa na parang
kabayaran ng unang niyang nagawang kasalanan. Lumalabas pa ring protagonist si Julio. Pilit
na ipinaintindi sa mga mambabasa at ipinaunawa kung abkit nagawa ni Julio na makapatay.
Minsan sa buhay natin, dala ng hirap at pasakit na hindi na ntin makaya, nakagagawa tayo ng
isang bagay na alam nating mali at pagsisisshan sa bandang huli. Ngunit ito ay dala ng
sitwasyon at alang-alan na din sa mahal natin sa buhay kung bakit natin ito nagagagwa. Tulad
ni Julio bagana’t napakabigat ng nagawa niyang kasalanan, sa huli ay naintindihan pa rin
kung bakit at ano ang dahilan ng nagawa niyang pagkakasala.

5. Anong mga palaisipan tungkol sa katuturan ng buhay ng tao, ang napalitaw ni Ricarte sang-ayon
sa kanyang pagbasa ng nobela ni Reyes? May matutukoy ka ba sa mga ito na mailalapat mo sa
kasalukuyan?
- Sa hirap at pagkasawi ng mga buhay ng tauhan sa kwento, nagkaroon ng tanong eksistensyal
kung ano ang buhay ng tao at ano ang layunin nito dito sa mundo. Gaya ng tauhang si Julio
na sa bandang huli ay kamatayan rin pala ang magiging wakas. Ano ang naging katuturan
kung bakit sya nabuhay, yun ang naging tanong sa pagbabasa ng akda. At kaugnay nito,
kasunod na tanong ay “Mayroon bang diyos?”
- Sa ating buhay, lalo na kung tayo ay nakararanas ng puro hirap at pasakit madalas nating
naitatanong sa sting sarili kung abkit ba tayo naadito sa mundo, ano ang dahilan at ano nag
ating layunin dito sa mundo. At sa gitna ng hirap at kung ano-anong tanong na parang wlag
kasagutan ay kasunod na maitatanong natin kung may diyos nga ba? Na hindi naririnig ang
ating mga dasal. Ktulad ng tauhang si Julio na puro pasakit na lamang ang nararanasan sa
kanyang buhay, natututo tayong kwestyunin ang diyos kung bakit pa tayo isinilang ditosa
mundong ibabaw.

6. Sa “muling pagpapakilala” kay Marcel Navarra na isang Sebuwanong Mnaunulat, ano ang
namumukod na katangian ng kanyang mga kuwento, sang-ayon kay Maceda?
- Si Navarra bukod sa produkto ng Amerikano ay nagtuon pansin sa paggawa ng kanyang obra
sa paglinang ng yaman ng buhay sa baryo sa kanyang mga kuwento. Si Navarra rin ay higit
na kritikal sa paggawa ng kaniyang akda hindi siya gumagawa na nasa mababang kalidad,
hindi gumagawa ng obrang pangkomerisiyo para lamang sa salapi. Siya rin kasi ang
tagapagtaguyod ng modernismo at realismo na panitikang Sebuwano. Nagpapakita ito ng
makatotohanang buhay sa baryo. Tunay na inilalahad niya at itinataas ang tunay na buhay ng
mga Pilipino na nakatira sa baryo.

7. Ano-anong patunay sa panunuri ni Maceda ang masasabi mong nakatulong sa iyo para higit na
malaman ang kung anong klaseng pamumuhay ang dinanas ng mga Sebuwano sang-ayon sa
paglalarawan nito sa mga kuwento ni Navarra?
- Sa kabila ng kahirapan ng buhay sa baryo, dito naman matatagpuan ang tunay na
kaligayahan. Sa katunayan ito ang nagtulak kay Navarra na mula sa realismong akda ay
nagtungo sa romantisismo na siya ring impluwensya ng idealismo. Ipanakikita rin dito ang

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

mukha ng mapang-aping lipunan, pagkakaiba ng langit sa lupa. Pinakamaganda sa suri ni


Maceda para sa akin ay ang pagsilip niya sa bawat obra ni Navarra na magkakamukha ngunit
may pagkakaiba at nagkakasalungat sa bawat gawa na sinusuportahan naman ng pananaw ng
mismong tauhan. Tunay na makatotohana at sa pagbabasa ay mararamdaman mon a para ka
na ring nasa posisyon ng tauhan. Bawat pangyayari at tunay na pumupukaw sa damdamin at
pag-iisip ng mambababsa. Para sa akin, napakagaling na manunulat kapag ang mambabasa ay
para na ring nasa loob ng mundo ng tauhan.

8. Batay sa mga impormasyon tungkol sa paglalathala ng kaligirang pangkasaysayan at panlipunan,


nagbabago ba ang dating pagturing sa panitikang bernakular (sa halimbawa ni Navarra) ng
panunuri ni Maceda? Ipaliwanag ito.
- Tunay na may pagbabago lalo na dala ito ng pagbabagp sa ating lipunan. Iba-iba ang
sitwasyon at pananaw ng tao depende sa panahon. Tiyak na nagbabago ito sapagkat may bago
ring hinahanap ang tao na dala ng sitwasyong kanyang nararanasan at umiiral sa panahong
ito. Tulad na lamang sa bagong henerasyon ng kabataan sa ngayon. Maraming lathalain ang
hindi na nila kayang basahin sapagkat hindi ito pumupukaw sa kanilang interes.
-

9. Sang-ayon sa paliwanag ni Evasco, paano pinahina ng pananakop ang kapangyarihan ng alamat


ni Sinukuan?

- Nawala ang kultura at identidad ng mga Kapampangan sa Alamat ni Sinukuan sa pagsulpot


ng iba’t-ibang bersyon ng alamat. Nahaluan ng kolonisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng
relihiyong katolisismo lalo na sa paglalarawan sa pisikal na katangian ni Mariang Sinukuan,
sa bawat pangyayari na inilahad na kilos at gawi mula sa ibang lugar at hindi na ng mga
Kapampangan. Ang pisikal na katangian ni Mariang Sinukuan ay inihalintulad na sa mukha
ng birhen ng mga katoloko, gayundin ang kilos ni Mariang Sinukuan na mula sa gawi ng
ibang lugar.

10. Binuong muli ni Evasco ang alamat at natukoy niya ang iba-ibang bersiyon nito. Ano ang
kaugnayan ng pagkakaroon ng maraming bersiyon sa kamalayan ng mga Kapampangan?

- Sa pagbuong muli ni Evasco ng alamat natukoy niya ang iba’t-ibang bersyon ng Alamat ni
Sinukuan. Iba’t-ibang bersyon na tumaliwas sa tunay na katangian ni Mariang Sinukuan.
Nahaluan ng relihiyon at kolonisasyon. Mula sa katangian na inihalintulad sa birhen ng mga
katoliko, mga katangian at mga gawain na mula sa ibang lugar. Nawala na ang pagiging
katutubo nito at pagkakakilanlan na mula sa Kapampangan.

11. Bakit naging mahalagang sa pagsusuri ng kahulugan ng alamat ang paglalagay rito sa
kontekstong pangkasaysayan?

- Nararapat na huwag kalimutan ang konteksto ng panitikang-bayan sa ating kasaysayan. Dapat


ilahok ang disiplina sa agham panlipunan para sa pag-aaral ng panitikan at karunungang-
bayan upang matuklasan ang pinagkaiba ng huwad at tunay na panitikang-bayan. Maraming
sumulpot na iba’t-ibang bersyon ng alamat. Ang alamat ni Sinukuan ay pagkakailanlan ng

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

mga Kapampangan. Ito ay sumasalamin sa kanilang kultura at identidad kung kaya’t


mahalaga ang kontekstong pangkasaysayan sa pagsusuri ng kahulugan ng alamat.

12. Isang pag-aaral ng pagbabago ng kamalayan ang panunuri ni Torres-Yu, ano ang naging
pagbabago sa kamalayang pampolitika ni Hernandez?

- Mula sa pagiging romatisismo, nabago ang pananaw ni Hernandez nang malantad siya sa
realidad. Siya na mismo ang nakaranas ng pagmamalupit at hindi pantay na pagtingin sa
bawat tao at higit sa lahat ay ang pagpapahirap. Ginamit niya ang panitikan upang mailantad
ang mga pagpapahirap at pang-aabuso ng lipunan sa mga tao tulad ng mga akda niyanmg
bayang Malaya, bilangguan, luha ng buwaya, mga ibong mandaragit na inisulat niya mismo
habang nasa loob ng bilangguan. Tunay na ang karanasan ay nakapagpapabago sa pananaw
ng isang may-akda.

13. Ano-anong paliwanag ang ginamit ni Torres-Yu upang ilarawanan ang pagbabagong ito at
bigyang katwiran? Mula sa pagsulat ng romantisismo, nagbago ang tema ng mga isinusulat ni
Hernandez, muila nang siya ay makulong, naging tungkol sa hustisya, balintunang lipunan at
buhay ng bilanggong pulitikal ang nagging tema ng kanyang mga akda.

14. Bakit masasabing pinakarebolusyonaryo sa mga akda ni Hernandez ay isang paraan niya bilang
manunulat, na tunggaliin ang namamayaning ideolohiya ng kanyang panahon?

- Saklaw ng kanyng mga akda ang tatlong panahon; Bago sumiklad ang ikalawang digmaan,
poanahon ng digmaan t unang taon ng republika. Sa iba’t-ibang panahon na ito ay nailarawan
niya ang mga kalagayan sa lipunan na nagbigay daan sa kilusan ng bayan, ang paglaganap
nito at pakikitunggaling dinanas. Wala siyang takot na magsulat kung ano ang tunay na
nangyayari at tunay na nararanasan kahit pa ikapahamak niya.

15. Ano-anong katwiran, sa panunuri ni Atienza ang isinalansan niya para kumbinsihi ang
mambabasa na hindi lamang makata ng pag-ibig si De Jesus, manap ay makata rin siyang
nakikisangkot sa kanyang lipunan?
- Si Jose Corazon De Jesus ay sinasabing nakatuon lamang ang kaniyang ilang tula ngunit
walang detalyadong pag-uurirat sa mga kinatawang obra o kaya’y pagtukoy lamang sa ilang
makulay na karanasan sa buhay ng makata. Binaggit din ni Atienza na hindi lahat ng sulatin
ni Batute ay nailathala, hindi lahat ay pumapaksa sa pag-ibig, may mga sulatin itong
pumapaksa rin sa kalalagayang politika sa panahon ngayon.

16. Sa paghusga ni Agoncillo, si De Jesus ay isang “makata ng bayan” ano ang ibig sabihin nito?
Ano ang tinukoy ni Atienza na limitasyon ng ganitong paghusga ni Agoncillo?
- Ang pag-alam kung sino ang manunulat at ano ang kalagayan niya nang sulatin niya ang
akdang sinusuri at ang kanyang mga pinagdaanan ay malaking ang nagagawa sa paghusga sa
kanyang mga sulatin. Yan ang pinatunayn ni Agoncillo kung bakit niya nasabing “makata ng
bayan” si de Jesus. Sa[pagkat kung titingan ay parang makata lamang sap ag-ibig si de Jesus
subalit dahil nga sa malaki ang nalalaman ni Agoncillo kay De Jesus at dahil na rin nayroon

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

siyang koleksyon ng mga obra ni de Jesus kung kaya’t nasabi niyang hindi lamang sap ag-
ibig makata si De Jesus.
17. Paano kinotra ni Atienza ang ibang paghusga sa mga kahinaan ng tula ni de Jesus? Amo ang
palagay mo tungkol dito?
- Binanggit ni Atienza na ang ibang paghusga sa obra ni De Jesus ay mga kilalang tao na
malayo ang agkwat ng panahon kung kaya’t maaaring magkaiba ang pananaw nila sa lipunan
at kasaysayan. Magkaiba rin ang sinunod nilang tradisyon sa panulaan. Naktatawa pa nga ang
binaggit ni Atienza na ang husga ni Almario ay parang isang dalangin na sana si Batute ay
nabuhay na lamang sa panahon ni Almario. Sa anggulong ito ni Atienza, sang-ayon ako
sapagkat naniniwala ako na malaki ang impluwensya ng panahon sa isipan ng tao para sa
kanilang dadalhing papanaw.
-

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna

You might also like