You are on page 1of 2

Ang Maluwalhating Michael Cinco

Si Michael Cinco ang pinakakilalang Filipino fashion designer sa Dubai at isang


napakahalagang pigura sa industriya ng fashion ngayon. Ang kanyang likas na pagkamalikhain
at mahusay na mga diskarte ay naghatid sa kanya sa isang katayuang hindi pa naabot ng isang
Pilipino noon. Ngunit tulad ng maraming matagumpay na kwento, hindi matuwid ang
paglalakbay ni Cinco at kinailangan niyang tiisin ang hirap noong siya’y baguhan pa lamang sa
pagdidisenyo.

Ipinanganak noong Agosto 27, 1971 si Cinco at lumaki sa lungsod ng Catbalogan sa


Samar, milya-milya ang layo sa metro kung saan nagaganap ang mga red carpet at runway
show. Ngunit sa murang edad pa lamang, siya’y nabibighani sa pananamit ng mga kababaihan
sa mga klasikong pelikula ng Hollywood. Kapansin-pansin na walang sinuman sa kanyang
malapit na pamilya at mga kamag-anak na nagtrabaho sa industriya ng fashion, ngunit hindi ito
naging hadlang sa kanyang pagpupursige sa isang karera sa pagdidisenyo.

Ngunit ang seksuwalidad ni Cinco ay nagbanta na sirain ang panaginip na ito. Habang
nasa kanya ang suporta ng kanyang ina, tutol ang kanyang ama na naniniwalang ang eksena sa
pagdidisenyo ay para lamang sa mga babae. Ang kanyang tatay, ayon ni Cinco, ay isang tipikal
na amang Pilipino noon na hindi matanggap ang pag-iisip na magkaroon ng anak na bakla.

Ang paglipat sa Middle East ay isang malaking hakbang para kay Cinco dahil ang rehiyon
ay pugad ng mga kilalang fashion houses. Sa kanyang unang trabaho sa Dubai, muling
inimbento niya ang imahe ng isang medyo makalumang kompanya sa pananamit at
nagtagumpay sa pagbuo ng mga bagong fashion nuances. Ngayon, nakakatuwang malaman na
sa kalaunan ay nakilala ng mga elite fashionista ng Dubai ang talento ni Cinco sa pagdidisenyo.

Noong 2002, pumunta si Cinco sa Paris at London para maghanap ng higit pang
inspirasyon sa fashion. Dahil sa kanyang pagkahumaling sa pinaghalong lumang at
kontemporaryong tradisyon ng London, nagpasya siyang mag-aral sa prestihiyosong Central
Saint Martins College of Arts and Design. Gamit ang mga mas sariwang ideya, bumalik siya sa
Dubai at nagtatag ng sarili niyang kompanya noong 2003.

Sa gitna ng kanyang tagumpay, si Cinco ay palaging nagsasanay ng pagpapakumbaba


na isang bagay na gusto niyang ituro sa lahat. Ayon sa kanya, “Laging maging mapagkumbaba.
Hindi ito nangangahulugang ilagay ang iyong sarili sa ilalim ng iba, kundi dapat mong malaman
kung paano pahalagahan ang mga gawa ng ibang tao. Magdiwang at maging masaya para sa
mga tagumpay ng iba.”

Ang kuwento ni Cinco ay katulad ng marami na naghahangad na makilala ang kanilang


mga talento at makamit ang kadakilaan. Nang tanungin kung may iba pa siyang gustong
makamit, sinabi ni Cinco na habang buhay siyang mananatiling matiyaga at bukas sa mga
mahahalagang regalo sa buhay. "Sa tingin ko marami pa akong magagawa," ang sabi niya.
“Gaya ng maraming tao, hindi ako nauubusan ng mga bagay na gusto kong maabot. Ang
dahilan kung bakit sinusubukan ko pa ring maging makabuluhan ngayon ay dahil gusto kong
makilala ng susunod na henerasyon ang tatak na 'Michael Cinco'."
Global Health Initiatives (GHI) is changing lives around the world by providing high-
quality healthcare in collaboration with local partners to strengthen health systems in
developing countries. Collaboration with members and institutions of the local
community is critical to their success, as health care is most effective when delivered in
a sustainable, culturally-sensitive manner. GHI brings together passionate adventurers,
medical professionals, and those determined to make a difference in remote parts of
the world. These teams collaborate for two weeks to provide health care education and
medical services to those in need. With ten mission trips per year, they are able to
change countless lives and develop interventions that increase local capacity to promote
health.

You might also like