You are on page 1of 5

Pahina 1 ng 5

Kwento ni Mabuti Pagsusuri

ni: Genoveva Edroza-Matute

Mga Tauhan:

Mabuti: isang guro sa pampunlikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay


niyang pangalan, nagging mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito
ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay
sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala na siyang masabi o
nalilimutan niya ang mga dapat niyang sabihin.

Si Mabuti ay Lapad sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.

Fe: Ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan
ni Mabuti sa sulok ng silid-aklatan.

Si Fe ay biligan sapagkat dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema,


pakiramdam niya siya na ang may pinakamabigat na rpoblema sa buong
mundo. Ngunit nang makilala niya si Mabuti, na sa kabila ng problema nito
ay mabuti, nagging positibo na ang paningin niya sa buhay.

Tagpuan:

Sa Paaralan

Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktang


sinabi sa akda na sa ganitong lugar ginanap ang istorya.

Tunggalian:

Tao sa Sarili

Para sa akin ito ay tao sa sarili sapagkat si Fe lang naman mismo ang
nagtakda sa kanyang sarili na alamin kung ano ang suliranin ni mabuti.

Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga problema ni


mabuti ay nagging positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay at ang tanging
makapagsasabi lang sa ating sarili kung kaya pa natin ay tayo rin mismo.

Suliranin sa Kwento:

Suliranin ni Fe na alamin ang suliranin ni Mabuti.

Banghay:

This study source was downloaded by 100000840838913 from CourseHero.com on 02-27-2022 19:21:32 GMT -06:00
Sinuri ni: Karen Dave Filipino

https://www.coursehero.com/file/48147236/43853082-Kwento-ni-Mabuti-Pagsusuridocx/
Pahina 2 ng 5

Ito ay tinatawag na paikut-ikot o circular sapagkat nagsimula ang


kwento sa gitna na tinatawag nating “in media res”.

Paningin:

Unang Tauhan

Unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na si Genoveva Matute ang


kanyang sarili sa isa sa mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang patunay ito ang
unang pangungusap sa akda “Hindi ko na siya nakikita ngayon” .

Uri ng Maikling Kwento ayon sa Kabalangkasan:

Katauhan – sapagkat tinitingnan natin ang katauhan ni Mabuti sa kwento.

Teorya:

Humanismo- sapagkat ipinapakita rito ang kabutihang tinagtaglay ni Mabuti


sa kabila ng kanyang mga problema.

Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute

I. Tauhan

Lapad na Tauhan:

Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang


salitang “mabuti”. Matatag sa pagsubok sa buhay.

Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging


manggagamot ni Mabuti.

Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at


pinagtitiisan ang paulit-ulit na kwento ni Mabuti tungkol sa anak.

Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang


kanyang anak para sa ibang babae.

Bilog na Tauhan:

Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti
at naging interesado sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

This study source was downloaded by 100000840838913 from CourseHero.com on 02-27-2022 19:21:32 GMT -06:00
Sinuri ni: Karen Dave Filipino

https://www.coursehero.com/file/48147236/43853082-Kwento-ni-Mabuti-Pagsusuridocx/
Pahina 3 ng 5

II. Tagpuan

Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan

III.Banghay

Panimulang Pangyayari

Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag


nakatalikod dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi.
Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Suliranin

Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok


ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at
kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis
si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng
kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti.
Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa
pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Kasukdulan

Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral


na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging
manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla
niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang
sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti
na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing,
“Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay
nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng
pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng
mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin
ni Mabuti.

Kakalasan

This study source was downloaded by 100000840838913 from CourseHero.com on 02-27-2022 19:21:32 GMT -06:00
Sinuri ni: Karen Dave Filipino

https://www.coursehero.com/file/48147236/43853082-Kwento-ni-Mabuti-Pagsusuridocx/
Pahina 4 ng 5

Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na


kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

Wakas

Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay


Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV. Mga Leksyon o Aral

v Huwag kang makiapid.

v Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.

v Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.

v Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.

v Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.

v Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.

v Ang babae ay matatag sa mga problema lingid sa kaalaman ng mundo.

V. Bisang Pangkaisipan

- Ang kababaihan ay tunay na matatag sa mga problema.

- Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating pangalawang


magulang at dapat natin silang tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng
kanilang mga sakripisyo para sa atin.

VI. Bisang Pandamdamin

- Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga


nakasaad sa kwento, sa harap ng klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis
siya sa sulok ng silid-aklatan. Naitatago niya ang kanyang damdamin at
namamangha ako sa pagiging matatag at positibo niya.

This study source was downloaded by 100000840838913 from CourseHero.com on 02-27-2022 19:21:32 GMT -06:00
Sinuri ni: Karen Dave Filipino

https://www.coursehero.com/file/48147236/43853082-Kwento-ni-Mabuti-Pagsusuridocx/
Pahina 5 ng 5

- Naiinis ako sa asawa ni Mabuti dahil iniwan siya si nito pati na rin ang
kaniyang anak para lang sa ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahil
binalikan siya ng mga kasamaang ginawa niya.

VII. Bisang Pangkaugalian

- Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila
ay kalahati na ng ating buhay.

- Dapat igalang natin ang ating mga guro.

- Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.

VIII. Buod

Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang


kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.

Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil


lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y
binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.

Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-
aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam
na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang.
Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.

Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa


kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa


pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa.
Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata
sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang
buhay.

wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na


kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang
katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.

This study source was downloaded by 100000840838913 from CourseHero.com on 02-27-2022 19:21:32 GMT -06:00
Sinuri ni: Karen Dave Filipino

https://www.coursehero.com/file/48147236/43853082-Kwento-ni-Mabuti-Pagsusuridocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like