You are on page 1of 1

Pinagdausan ng Unang Misa

Napakahaba ng proseso para malaman kung saan talaga ginanap ang


unang misa. Ayon kay Antonio Pigafetta, isinulat niya ang pangalan ng
isla na "Mazaua". Sinasabi ng ilang mananalaysay na ito rin ang
"Masagua" na binanggit ni Miguel Lopez de Legazpi sa kanyang
ekspedisyon sa Butuan.Matapos suriin ang mga lumang mapa at
dokumento, nilinaw ng isang monograp noong 1981 ni P. Miguel Bernad
na ang tradisyon ng Butuan ay isang pagkakamali at ang Limasawa ang
talagang tinukoy ni Pigafetta bilang "Mazaua". Ito ay pinatunayan ng
pag-aaral ni William Henry Scott noong 1982 kung paano nagsimula ang
kasalanan sa Butuan ang Unang Misa.

Ang Limasawa ay isang maliit na isla na sakop ng lalawigan ng Leyte


at ito ay mahalaga sa ating kasaysayan dahil ito ang lugar kung saan
nagpunta si Fernando Magallanes pagkatapos ng kanyang unang pahinga
sa Homonhon noong Marso 1521.

You might also like