You are on page 1of 3

GRADE 4: ARALING PANLIPUNAN | 3rd QUARTER

STUDY NOTE #2: TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN


1. LEHISLATIBO
- Ang Lehislatibong Sangay ng pamahalaan ay may kapangyarihang gumawa,
magbago at magpawalang bisa ng mga batas.
- Ito ay pinamumunuan ng Kongreso.

Kongreso – binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.

a. Senado - Tinatawag na “Mataas na Kapulungan” o “Upper House”.


- Binubuo ng 24 na mga Senador.
b. Kapulungan ng mga Kinatawan - Tinatawag na “Mababang Kapulungan” o
“Lower House”.
- Binubuo ng 250 na mga kinatawan o kongresista.

2. EHEKUTIBO
- Ang Ehekutibong Sangay ng pamahalaan ang may kapangyarihang magpatupad ng
batas.

Pangulo - Siya ang namumuno sa Ehekutibong Sangay ng pamahalaan.


- Siya ang pangunahing tagapagpatupad ng mga batas sa bansa.
- Nasa kaniya ang kapangyarihang pangasiwaan ang lahat ng mga kagawarang
tagapagpaganap, kawanihan at tanggapang pampamahalaan.

Pangalawang Pangulo - Ang pangalawang pinakamataas na pinuno ng Ehekutibong Sangay


at ng buong pamahalaan.
- Katu-katulong siya ng pangulo sa pagpapatupad ng batas.

Gabinete - Tinatawag sa Ingles na “Cabinet of the Philippines”.


- Ito ay binubuo ng mga kalihim o pinuno ng mga kagawaran.

MGA KAGAWARANG TAGAPAGPAGANAP NG PILIPINAS


Logo Mga Kagawaran
Department of Science and
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Technology

Department of Education Kagawaran ng Edukasyon

Department of Energy Kagawaran ng Enerhiya

Department of the Interior and Local Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang


Government Lokal ng Pilipinas

Department of Social Welfare and Kagawaran ng Kagalingan at


Development Pagpapaunlad Panlipunan

Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng


Department of Trade and Industry
Pilipinas
Department of Health Kagawaran ng Kalusugan

Department of Environment and Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na


Natural Resources Kayamanan

Department of Justice Kagawaran ng Katarungan

Department of Public Works and Kagawaran ng mga Pagawain at


Highways Lansangang Bayan

Department of Budget and


Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
Management

Department of Labor and Employment Kagawaran ng Paggawa at Empleo

Department of Agriculture Kagawaran ng Agrikultura

Department of Finance Kagawaran ng Pananalapi

Department of Agrarian Reform Kagawaran ng Repormang Pansakahan

Department of National Defense Kagawaran ng Tanggulang Bansa

Department of Information and Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-


Communications Technology impormasyon at Komunikasyon

Department of Transportation Kagawaran ng Transportasyon

Department of Tourism Kagawaran ng Turismo

Department of Foreign Affairs Kagawaran ng Ugnayang Panlabas


3. HUDIKATURA
- Ang Sangay na Tagapaghukom ang sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng
batas.
- Ito ay pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataas-taasang Hukuman at Mababang
Hukuman.

Korte Suprema - tinatawag ding “Kataas-taasang Hukuman”.


- Ito ay binubuo ng isang Punong Mahistrado at 14 na katulong na mahistrado.
- Maaaring manungkulan ang mga mahistrado hanggang sumapit sila sa
gulang na 70.
- Alinsunod sa Saligang Batas ng 1987, ang Kataas-taasang Hukuman ang
tagapamahala ng lahat ng mga hukuman at lahat ng mga tauhan nito.
- Ito ay may kapangyarihang dinggin ang sigalot o suliranin ng mga
mamamayan.
Mababang Hukuman - Ito ay binubuo ng mga trial courts at intermediate appellate courts na
nagbibigay o bumubuo ng desisyon na susuriin ng mas mataas na
hukuman.

Ang mga hukuman ay inaasahang maging malaya mula sa kontrol ng ibang sangay ng
pamahalaan. Sa isang demokratikong bansa, ang kalayaan ay mahalaga upang masiguradong
magagampanan ng hukuman ang pangunahing papel nito na maibigay ang walang kinikilingan at
mabilis na paggawa ng katarungan.

You might also like