You are on page 1of 18

HINDI IPINAGBIBILI

Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2 - Modyul 7:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Larawang-
Sanaysay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 -Modyul 7: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Larawang -Sanaysay
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga
materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga
ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Teresa P. Mingo,PhD, Aileen P. Matundan


Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Sol P. Aceron,PhD
Leonor C. Reyes
Aniceta T. Batallones
Jessah M. Lapore
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Leonor C. Reyes
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Rowena H. Paraon, PhD,CESO VI


Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD
Mga Miyembro:
Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1 , Marisa D. Cayetuna,SSP-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone
Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2 - Modyul 7:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Larawang -Sanaysay

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat
naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng
inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes
only. Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this
module.
Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ......................................................................................................i


Ano ang Inaasahan Mo..................................................................................................................i
Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i
Mga Icon ng Modyul......................................................................................................................ii

Ano ang Nalalaman Mo............................................................................................................... iii

Aralin 1: Akademikong Sulatin:.Pagsulat ng Larawang -Sanaysay

Alamin ……………………………………………………………………………1
Balikan: Paglalahad sa Pananaw
Tuklasin: Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
Halimbawa ng Larawang-sanaysay………………………………...3
Suriin: Pagsagot sa Tanong ......................................................................6
Pagyamanin:Panonood ng Larawang-Sanaysay Video……………………..7
Isaisip: Paghahambing sa dalawang uri ng Sanaysay
Isagawa:Pagbuo ng Sariling Larawang -Sanaysay

Tayahin: Pangwakas na Pagtataya ……………………………………………8

Susi sa Pagwawasto ……………………………………………………………………………..9


Mga Sanggunian..............................................................................................................10
Para Saan ang Modyul na Ito
Matutunghayan sa modyul na ito ang nilalaman at ang mga pamamaraan sa
pagsulat ng isang Larawang- Sanaysay.

Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong kaalaman
sa pagsulat ng paksa. . Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang
ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan
ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konsepto sa wastong
pagsulat ng Larawang- Sanaysay.

Sa aralin ding ito, pinag-uusapan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng mga


karanasan sa paglalakbay at ipinapakita kung paano binabalangkas ang bawat bahagi ng
modyul upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para sa mga mag-
aaral na gagamit nito.

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko . (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa


piniling sulatin.(CS_FA11/12PT-0m-o-90)

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangkasanayan.

 Sundin ang bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.

 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin.Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.
SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang
lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan


ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at


kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

SUSI SA Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay


PAGWAWASTO at mga Gawain

Ii
Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

A. Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul
na ito. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng kawastuan at may
katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan. Isulat ito sa sagutang
papel.

_____1.Ang Larawang- Sanaysay ay laging kinapalooban ng mga konsepto na sanaysay ,


sanay at lakbay.

_____2.Ang Larawang- sanaysay ay isang sulatin kung saan higit ng nakararami ang
larawan kaysa sa salita o panulat.

_____3.Marami ang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.

_____4.Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.

_____5.Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-Sanaysay upang maibatay


sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang
gagamitin sa pagsulat ng kapsyon.

B. Pagpapaliwanag: (5 puntos bawat isa )

1. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng Larawang-Sanaysay?

2. Alin ang mas gusto mong gawin o maranasan , Lakbay - Sanaysay o ang
Larawang - Sanaysay ? Bakit?

iii
Aralin Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Larawang -
1 Sanaysay
Alamin

Inaasahang pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay:

1.Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. CS_FA11/12PB-Om-o-102


2.Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin. CS_FA11/12PT-Om-o-90

Balikan

Panuto: Paglalahad ng Pananaw: Isulat ito sa sagutang papel.

Magbigay ng iyong pananaw kung gaano nakatutulong ang mga programang


pampaglalakbay upang makita hindi lamang ng mga dayuhan ang kagandahan ng bansa
ngunit higit ang mga Pilipino?

Tuklasin
Larawang - Sanaysay
Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang
inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,
mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito ay gaya rin ng iba pang uri
ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay,
maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling
teksto o kapsyon. Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong
ang mga ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita ng larawan . Ang pagtataglay ng larawan ay
dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng
kwento o kaisipang nais ipahayag. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga
larawang may kronolohikal na ayos.

Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-


sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang
gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan
ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

1
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong
sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat
dito.
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-
sanaysay.
 Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging
malikhain.

. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay
madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit
na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na
salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at
pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan
kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay/

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay


1.Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.
2.Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema .
4.Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na
maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5.Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito
ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng
kohirens ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

2
 Halimbawa ng Larawang-Sanaysay: Tunghayan ,Basahin at Unawain ang halimbawa

“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB AT


LABAS NG BGPOP”
ni:Trisha Capulong

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian


Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang
haharapin bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries,
nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,
pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay
ng pagsubok sa kanila.

3
https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang pagsasama


ang bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali,
pananaw, at talento.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga
kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na
pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng tagisan
ng mga natatagong talento.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/
Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng
kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din


sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at magpakumbaba.
Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na
pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang
kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa


kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga
humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo
man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang
bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.
https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/
Suriin

Basahin ang mga katanungan at sagutin ito sa sagutang papel.

1.Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa Larawang-Sanaysay bilang isang


akademikong sulatin? ( CS-FA11/12PB-Oa-101)

2. Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng Larawang-


Sanaysay?

3. Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang larawang-


sanaysay?

4. Ano-ano ang layunin ng Larawang-Sanaysay?

Pagyamanin

PANONOOD NG LARAWANG – SANAYSAY VIDEO:


Panuto:
1.Panoorin ang larawang – sanaysay video sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=M2Thmr3CyJk

2. Pagkatapos mong mapanood , sagutin ang mga katanungan at isulat sa sulating


papel.
a.Ano ang paksa sa larawang-sanaysay na iyong napanood ?
b.May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang karanasan ng mga tauhan sa iyong
napanood sa tunay mong karanasan ukol sa paksa? Isulat ito sa pamamagitan ng
venn diagram.

Isaisip

Paghahambing sa dalawang uri ng sanaysay. Paghambingin ang lakbay sanaysay at


larawang - sanaysay ayon sa katangian, kahulugan, layunin at gamit sa pamamagitan ng
Venn diagram.

(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)
Lakbay- Sanaysay Pagkakatulad Larawang- Sanaysay
Isagawa
Pagbuo ng Sariling Larawang -Sanaysay . Bumuo ng sariling larawang-sanaysay.
Isulat ito sa sagutang papel o bondpaper. Sundin ang mga paraan sa pagsulat nito.
Subuking gumamit ng 8-10 larawan . Sundin ang rubriks sa pagmamarka.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat Larawang-Sanaysay. 10

Nakasusulat ng organisado , malikhain at kahika-hikayat na Larawang-Sanaysay. 10

Nakasusulat ng Larawang-Sanaysay batay sa maingat ,wasto , at angkop na paggamit 10


ng wika .

Makatotohanan ang nabuong Lakbay-Sanaysay. 10

Kabuoang Puntos 40

Tayahin
Pangwakas na Pagtataya:

Panuto:Pagsusuri: Lapatan ng tamang sagot ang hinihingi ng bawat bilang sa tsart


,mula sa kaaalamang natutunan sa pag-aaral ng Larawang-Sanaysay . Sundin
ang pormat na ito sa iyong pagsagot sa sagutang papel.

Larawang-Sanaysay

1.Katuturan

2.Katawagan sa Ingles

3.Materyal na gamitin

4 Mga .kahalagahan

5.Pamamaraan/Ayos

6.Mga Katangian

7.Mga Layunin
8.Tungkol saan ang
paksa?

9.Paano naiiba sa
tradisyonal na sanaysay?

10.Bilang ng paksa

Susi sa Pagwawasto

PANIMULANG PAGTATAYA

1. MALI 2.TAMA 3.MALI 4.TAMA 5.TAMA

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Larawang-Sanaysay

1.Katuturan Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o


limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang
partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag
ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga
: konsepto sa pinakapayak na paraan.
2.Katawagan sa Ingles
Pictorial essay or photo essay
3.Materyal na gamitin larawan

4 Mga .kahalagahan mapaigting ang kaalaman sa paksa gamit ang


larawan makatulong sa pagkilala ng mga
ideya ,kaisipan ,panig sa isyu

5.Pamamaraan/Ayos Kronolohikal o maayos pagkakasunod-sunod ng


larawan

6.Mga Katangian Maayos na pagpili at paggamit ng larawan, mahusay


9

MGA SANGGUNIAN

Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix Publishing 2016

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Internet Sites

https://www.scribd.com/presentation/437310093/LARAWANG-SANAYSAY

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

https://www.youtube.com/watch?v=27b8Cq0NRDA

https://www.elcomblus.com/pag
10
Para sa mga katanugan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like