You are on page 1of 27

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 1-Week 1:
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari
ng Ubasan

Self-Learning Module
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kenneth C. Salvador
Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C.
Salvador Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Louie Jim P. Bugay
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD

Alexander F. Angeles, PhD

Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1-Week 1:
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari
ng Ubasan
Alamin

“Kaya‟t ang mga una‟y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna”-


Mateo 20:16. Ito ay isang pahayag mula sa Banal na Aklat – ang Bibliya.
Marahil ay nabasa mo na ito sa maraming pagkakataon, ngunit, ano
nga ba ang ibig sabihin ng pahayag na ito? Anong anyo ng panitikan kaya
ang naglalaman ng matatalinghagang pahayag? Malaki ba ang
kaugnayan at maitutulong nito sa buhay ng tao?
Upang higit mong maunawaan ang pahayag, halina‟t lakbayin mo ang
kakaibang anyo ng panitikang maaaring pagkunan mo ng magagandang
aral o mahahalagang kaisipan. Tutulungan ka ng modyul na ito upang
mas madali mong maintindihan at matukoy ang kahulugan ng
matatalinghagang salitang iyong nababasa.
Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, natutuhan mo ang mga
sumusunod na kasanayan:
1. napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-
50); at
2. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang
pahayag (F9WG-IIIa-53).

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan


mo habang pinag-aaralan ang araling ito. Halina‟t simulang
pagyamanin ang iyong kaalaman.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. “Tigilan mo nga ako Elias, puro ka na lang bola.” Ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit sa pangungusap ay .
A. pagbibiro C. pangungutya
B. paglalaro D. bagay na ginagamit sa paglalaro

2. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.


Ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap ay .
A. bayarin C. pautang
B. kaukulang bayad D. utang

3. Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.


A. kaginhawahan C. kalungkutan
B. kaguluhan D. kasiyahan

4. Nagsakripisyo ang iyong magulang upang makapag-aral ka, pawis


at dugo ang kanilang ipinuhunan. Ang pagpapakahulugang ginamit
sa pangungusap ng mga salitang pawis at dugo ay .
A. espirituwal C. literal
B. metaporikal D. simboliko

5. Siya ay anghel sa aking paningin. Ang metaporikal na kahulugan ng


salitang anghel ay .
A. alipin C. maganda
B. matulungin D. mapagmahal

6. Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at


ang mga pangyayari ay maaaring maganap sa totoong buhay.
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay

7. Ito ang higit na dapat malinang sa isang tao sa pagbabasa ng


parabula.
A. dignidad C. kabutihan
B. espirituwal D. personalidad

2
8. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo
ang aming upa?” Ang pahayag ay nagpapakita ng _
A. kabutihang-asal
B. walang kasiyahan
C. pagiging matulungin
D. pagiging mapanumbat

9. “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang


pahayag sa parabula na nangangahulugang .
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis

10. Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na,


“Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.”
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong handang tumulong nang buong-puso sa
mga nangangailangan
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador
upang pahirapan

3
Aralin
Ang Talinghaga Tungkol
1 sa May-ari ng Ubasan
Marahil ay nakabasa ka na ng iba‟t ibang halimbawa ng parabula. Ito
ay isang anyo ng panitikang maihahalintulad din sa iba pang anyo ng
panitikan tulad ng maikling kuwento, pabula, at iba pa.
Iba‟t iba ang parabula ng mga relihiyon batay sa kanilang mga
paniniwala. Ang parabulang, “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan” ay tungkol sa mga pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat na makikita sa Mateo 20:1-
16.
Naglalaman din ang parabula ng matatalinghagang salita o pahayag.
Sa pagtalakay mo sa aralin, magagamit mo ang paraan ng pagbibigay-
kahulugan sa matatalinghagang salitang tinatawag na metaporikal na
pagpapakahulugan.

Balikan
Sa bahaging ito ng modyul, iyong balikan ang mga anyo ng
panitikang iyo nang nabasa sa mga nakaraang aralin sa ikalawang
markahan.

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang anyo


ng panitikan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Leyenda: A at B- pagkakaiba C- pagkakatulad

A C B
Maikling Kuwento Pabula

4
Tuklasin

“Gayundin naman, ayaw ng iyong Amang nasa Langit na mawala isa


man sa maliliit na ito” – Mateo 18:14.
Ano kaya ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na ito? Halina‟t
basahin mo ang isang maikling kuwentong inihanda ko para sa iyo upang
maunawaan mo ang pahayag.

Lapis at Pambura
Ni Kenneth C. Salvador

“Teng...Teng...Teng...” Tunog na pinakahihintay ni Mario. Hudyat


ito na tapos na ang klase. Para sa kaniya, isang nakababagot na araw ang
mamalagi nang walong oras sa loob ng silid-aralan. Sa wakas,
makakasama na niya ang kaniyang mga kaibigan na kanina pa
naghihintay sa kaniya sa kanilang tambayan.
Si Mario ay labingsiyam na taong gulang na, subalit dahil sa
barkada, ay nahinto sa pag-aaral. Nagpabalik-balik sa ikasiyam at ngayon
ay pangatlong taon na sa ikasampung baitang. Ang kaniyang mga
magulang ay parehong nagtatrabaho sa sikat na kompanya sa karatig
bayan. Kaya pagdating sa pinansiyal na pangangailangan ay masasabing
hindi siya kinakapos. Nabibili niya ang lahat ng nais. Ngunit hindi alam
ng kaniyang mga magulang na hindi siya pumapasok sa paaralan. Halos
lahat ng asignatura ay bagsak. Natakot siya na malaman ng kaniyang
mga magulang kaya inilihim niya ito. Bumarkada siya sa mga taong akala
niya ay maka- iintindi sa kaniya subalit nahikayat lamang siya nito sa
maling daan.

Walang lihim na hindi nabubunyag. Nalaman din ito ng kaniyang


mga magulang kinalaunan. Pinagalitan siya at sinermonan gaya ng mga
nakaraang mga taon. Pinag-enrol muli siya ng mga sumunod na mga taon.
Ngunit para sa kaniya, hindi lamang
pinansiyal ang kailangan niya kundi ang
aruga ng mga ito.
“Uy, „tol. Tagal mo naman. Kanina ka pa
namin hinihintay.” Ang sabi ng kaibigan
niyang si Fred, sabay abot sa isang istik ng
sigarilyo. Sinindihan niya ito kasunod ng
madalas na paghitit dito.

5
“Eh pa‟no nga, katagal magpalabas. Inip na inip na nga ako.
Nagsasawa na ako sa boses ni Bb. Aguirre. Madalas sermon ang inaabot
ko sa kaniya. Wala na akong ginawang tama.” Sagot naman ni Mario na
halata sa mukha ang pagkainis.

Isa-isa nang dumating ang mga kaibigan nina Mario at Fred. Mga
kabataang sanay sa bisyo. Kakikitaan ng mga tattoo ang ilang bahagi ng
katawan, may hikaw ang kanang tainga, at may ahit ang kilay. Ang ilan
ay nakahubad pa, tila init na init dahil sa nakalalasing na inumin.
Kuwentuhan kasabay ng malalakas na hagalpak at hiyawan. Mababakas
ang kalasingan sa mga mata at kilos.

Ikaanim, ikapito, ikawalo. Hindi, ikalabing-isa na ng gabi nang siya


ay nakauwi. Dahan-dahan sa pag-akyat upang hindi makagawa ng
anomang tunog na makapagpapagising sa kaniyang magulang. Subalit…
nagkamali siya. Gising ang kaniyang ama at naghihintay sa kaniyang
pagdating.

“Nakainom ka na naman!”, halata sa mukha ang galit ng ama na


sumalubong sa kaniya. Walang imik si Mario. Alam na niya ang susunod
na sasabihin nito. Tuloy-tuloy lamang siya sa kuwarto. Napabuntong
hininga at pumikit kasabay nang mahinang usal na “balang-araw
ipagmamalaki n‟yo rin ako.”

“Ngayon ay susulat kayo ng isang tula tungkol sa isang bagay na


pinakamimithi o gusto n‟yong makamit sa buhay”, ang sabi ni Bb. Aguirre sa
kaniyang mga estudyante. “Hayst. Anong oras na ba?” sabay bunot sa
cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Napatapik siya sa kaniyang
noo nang malaman niyang mag-aalas onse na ng umaga. Huli na siya sa
oras na napag-usapan ng kaniyang mga kabarkada. Balisa siya, at hindi
mapakali. Napansin siya ng kaniyang guro.
“Mario, maiwan ka mamaya
pagkatapos ng klase”, sabi ni Bb.
Aguirre. Bakas kay Mario ang
pagkainis.

Tumunog na ang bell na hudyat na


tapos na ang klase sa umagang iyon.
Naiwan siya at naupo sa harap ng mesa
ni Bb. Aguirre.
“Mario, kumusta ka? May
problema ka ba? Kung pagkakatiwalaan
mo ako, puwede mo akong sabihan ng
mga problema mo. Bilang iyong guro at
pangalawang magulang, gusto kong
6
mapabuti ka. Alam kong may mabigat
sa

7
kalooban mo na hindi mo mailabas kaya idinadaan mo sa pagsama sa
mga barkada mo.” Sunod-sunod na pahayag ni Bb. Aguirre. Nakayuko
lamang si Mario habang ipinapaikot ang cellphone sa kanang kamay. „Di
makahagilap ng mga salitang sasambitin.

Unti-unting bumalik sa kaniyang alaala ang mga salitang binitawan


ng ina niya. “Wala kang mararating sa buhay mo. Hanggang ganyan ka
na lang. Sayang lang ang mga sakripisyo namin ng tatay mo. Tandaan
mo, hindi habang buhay, nandiyan kami para sa‟yo. Darating ang
araw na mamumuhay kang mag-isa at magkakaroon ng sariling pamilya
at sana huwag mong danasin ang mga bagay na pinararanas na sama ng
loob sa amin ng tatay mo. Mahal ka namin kaya sana pagmalasakitan mo
ang lahat ng ginagawa namin para sa‟yo.”

Nag-uunahang bumagsak ang namuong luha sa kaniyang mga


mata. Sa wakas, may isang taong nakaintindi sa kaniyang
nararamdaman. Ang kaniyang guro na daratnan sa umaga at iiwanan
niya pagkatapos ng klase. Ang guro na sa palagay n‟ya ay puro sanaysay,
tula, maikling kuwento at nobela ni Jose Rizal lang ang alam. Subalit
ipinakita ng gurong ito ang malasakit n‟ya sa kaniyang mga mag-aaral.

Dito na nagsimulang magkuwento si Mario. Kung paano siya


napunta sa ganitong sitwasyon. Bawat araw ay nadaragdagan ang sama
ng kaniyang loob. Gaya ng kanta ni Fredie Aguilar na Estudyante Blues:

Paggising sa umaga,
Sermon ang almusal
bago pumasok sa eskuwela

Kapag nangangatwiran
ako‟y pagagalitan
Di ko alam ang gagawin

“Alam mo anak, ang mga magulang natin, naririyan upang gabayan


tayo. May mga bagay sila na nakikita nating mali kaya ka nila
pinagsasabihan. Lahat ng mga payo, sermon, gawin mong inspirasyon
upang maging isang mabuting anak para sa iyong magulang. Pasasaan
ba at ipagmamalaki ka rin nila, hindi man ngayon pero pagdating ng
panahon. Nagtatrabaho sila, para kanino? Para sa „yo. Kaligayahan nila na
makita kang matagumpay,” saad ng kaniyang guro.

Marami pa silang napag-usapan nang araw na iyon. Tootooot…


toootooot…tootooot… tunog ng kaniyang cellphone. Si Fred ang
tumatawag. Hindi niya sinagot ang tawag nito bagkus ay dumiretso siya
sa kanilang bahay. Inalala ang mga payo sa kaniya ng kaniyang guro.
Isang payo ang tumagos sa kaniyang puso.

8
Sa bahay, nakita niya ang larawan nilang pamilya na naka-display sa
pader ng salas. Kinuha niya ito at ipinangakong mula sa araw na iyon ay
sisikapin niyang magbago para sa kanila at sa sarili.

Pagkalipas ng ilang taon.

“Mario L. Santos, Cum Laude.” Ang tinig na nangibabaw sa


gymnasium ng paaralan. Kasabay nito ang abot-taingang ngiti na
namutawi sa labi niya. Mababakas sa mukha ng kaniyang mga magulang
ang kasiyahang nadarama. Sa wakas, ang sakripisyo ng kaniyang mga
magulang ay masusuklian na katulad ng payo sa kaniya ng dating guro.
Sa pag-akyat niya ng entablado upang tanggapin ang kaniyang
karangalan, natanaw niya sa bandang hulihan ng gymnasium ang mukha
ng taong dahilan kung bakit siya naroroon sa kinatatayuan niya ngayon.
Inihalintulad niya ang kaniyang sarili
sa isang lapis. Siya ang nagsusulat
ng sarili niyang kapalaran. Katulad
ng isang lapis na tuloy-tuloy sa
pagsulat, bubuo rin siya ng sariling
komposisyon. Sa pagsusulat ng
kaniyang kapalaran, madalas siya ay
nagkakamali subalit ang gaya ni Bb.
Aguirre ay isang pambura na
handang itama ang anomang
pagkakamali niya. Hindi man niya
ito tunay na magulang ngunit
pinakinggan niya ito at nirespeto.
Pinakita niya rito ang medalya at
sertipiko kasabay ng pagsambit na
“Ma‟am, salamat.”

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang masasabi mo sa katangian ni Bb. Aguirre bilang isang guro?
Ipaliwanag.
2. Bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ni Bb. Aguirre sa
kaniyang mag-aaral?
3. Paano mo maihahalintulad ang iyong karanasan sa buhay sa mga
pangyayaring naganap sa maikling kuwento? Magbigay ng
sitwasyon.
4. Ano-anong malalalim na salita at matatalinghagang pahayag ang
iyong nakita sa maikling kuwentong binasa?
5. Ipaliwanag ang matalinghagang pahayag na, “Gayondin naman,
9
ayaw ng iyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na
ito” – Mateo 18:14 na may kaugnayan sa kuwentong binasa.

10
Suriin

Magaling! Alam kong naunawaan mo ang maikling kuwentong


iyong binasa. Sigurado rin akong may napulot kang mga aral na iyong
maisasabuhay at nakaugnay ka dahil ito ay nangyayari din sa totoong
buhay.

Gusto mo pa bang mapalawak ang iyong kaalaman? Halina‟t iyong


suriin ang mga impormasyon sa ibaba bilang bahagi ng ating aralin.

Ano ang Parabula?

Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan


gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat.
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga aral
na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang
pamumuhay. Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa
matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa
karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.

Mga Halimbawa ng Parabula

1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)


2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)

Halina‟t iyong basahin at unawaing mabuti ang parabula upang higit na


maunawaan ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan
at ang kahalagahan nito upang mapatunayang ang mga pangyayari dito
ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

11
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong


lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang
ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa
ay pinapupuntaniya sa kaniyang ubasan. Lumabas
siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita
siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke.
Sinabi
niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-
ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang
ginawa niya. Nang mag-ikalima nang hapon, siya‟y lumabas muli at
nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila,
“Bakit tatayu-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” Kasi po‟y walang
magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya‟t sinabi niya,” Kung gayon,
pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala,
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa
huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-
ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon;
ngunit ang bawat isa‟y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak.
Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila,
"Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw,
bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,
“Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba‟t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?
Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli
nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba
akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang
aking maibigan. Kayo ba‟y naiinggit dahil
ako‟y nagmagandang-loob sa iba?”
Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang
nauuna ay mahuhuli”.

12
Mahusay! Ang parabulang iyong binasa ay naglalaman ng mga
matatalinghagang salita at pahayag.

Ano ang Matalinghagang Pahayag?

Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng


panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o
„di kaya‟y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa
literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma,
personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong
mga salita.

Alamin mo naman kung ano ang tawag sa pagpapakahulugan ng


matatalinghagang salita?

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa


salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano
ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na
pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay
Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi
ka mapasma.
b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad
ko sa
tuition fee mo.

13
Pagyamanin

Naunawaan mo ba kung ano ang parabula? Nalaman mo na rin ba


ang paraan ng pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang mga salita?
Kung gayon ay handa ka na sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko
para sa iyo. Halina‟t simulan mo na!

Gawain 1: #Ugnayan sa Buhay


Panuto: Magbigay ng ilang pangyayari sa binasang parabula at
patunayang ito ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Kopyahin ang tsart sa ibaba at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Pangyayari sa Akda Sitwasyon sa Tunay na Buhay

1. 1.

2. 2.

3. 3.

14
Gawain 2: #Kahuluga’y Ibibigay
Panuto: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga matalinghagang
salitang hango sa parabula at gamitin ito nang wasto sa pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. oras
a. metaporikal:
b. pangungusap:

2. manggagawa
a. metaporikal:
b. pangungusap:

3. salaping pilak
a. metaporikal:
b. pangungusap:

4. ubasan
a. metaporikal:
b. pangungusap:

5. may-ari
a. metaporikal:
b. pangungusap:

15
Gawain 3: GAWAIN 1 SAGUTIN SA DYORNAL:“Bintana ng Pag-unawa”

Panuto: Gamit ang bintana ng pag-unawa, ibigay ang mga


impormasyong nakapaloob sa reyalisasyon, emosyon, integrasyon
at aksyon upang patunayang ang mga pangyayari sa parabula ay
nangyayari sa tunay na buhay. Gayahin ang pormat sa ibaba at
isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Reyalisasyon Emosyon
- Gamitin sa pangungusap
- saloobin at naramdaman
ang matalinghagang
sa binasang
pahayag sa parabula.
parabula
(emoji- drawing)

Integrasyon Aksyon
- pangako o tugon sa sarili sa
- kumuha ng isang pangyayari
mensaheng nakuha sa
sa parabula at patunayang
parabula
ito ay nangyayari sa tunay
na buhay sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng
pagsasalaysay.

Gamiting gabay sa pagsagot ang rubriks.

Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Nilalaman
Makatotohanan ang nilalaman
ng bawat bahagi ng bintana.
Ugnayan
Mayroong direksyon ang mga
impormasyon sa bawat
bintana batay sa isang tema o
kaisipan.
Katapatan
Sumasalamin sa damdamin at
angkop na pagkilos ang
inilagay na impormasyon.

16
Kasiningan
Malikhain at masining ang
ginawang bintana na
nagpapakita ng pagiging
matapat, matalino at mapanuri.
Kabuuan

17
Isaisip

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang graphic organizer sa


ibaba at punan ito ng mga angkop na sagot.

Like ko i-share
Tatlong bagay na aking natutuhan sa aralin.

Share ko,
comment mo naman
Dalawang kanais-nais na hakbang na aking isasagawa

Pupusuan ko Isang kaalamang aking ibabahagi sa iba.

18
Isagawa

Panuto: Patunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay


maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan sa pamamagitan
ng pagsulat ng isang kuwento batay sa sariling karanasan. Gumamit ng
matatalinghagang salita o pahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Rubriks sa Pagsulat ng Likhang Kuwento

Mga Kraytirya 10 7 5
Nilalaman Mabisang Di-gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ang ang saloobin hinggil
saloobin hinggil sa saloobin hinggil sa sa paksa.
paksa. paksa.
Talasalitaan Gumamit ng mga Ilan lamang ang Hindi gumamit
angkop na ginamit na angkop na ng
matatalinghagang matatalinghagang matatalinghagang
salita. salita. salita.
Organisasyon Mahusay ang May lohikal ang Hindi maayos
organisasyon at may organisasyon ngunit ang organisasyon
pagkakasunod- hindi masyadong ng mga ideya/
sunod ang mga mabisa ang pangyayari.
ideya/pangyayari. pagkakasunod-sunod
ng mga ideya/
pangyayari.

19
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,


na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang
sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang
ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na bugtong na anak?
A. maalalahanin C. mapagmahal
B. mabuti D. nag-iisa

2. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais


ipakahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. maalalahanin C. masayahin
B. mabuti D. mayaman

3. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo?


Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag?
A. kaguluhan C. kasiyahan
B. kapighatian D. katapusan

4. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay


masyadong mahangin. Ano ang kahulugan ng salitang mahangin?
A. mabait C. mayabang
B. malakas ang hangin D. sinungaling

5. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais


ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
A. pananaw C. sinusulatan
B. posisyon sa buhay D. sinusunod

6. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng mga pangyayaring


maaaring maganap sa totoong buhay?
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay

20
7. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga
sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay
nangyayari sa totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador
upang pahirapan

8. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayondin naman,


ayaw ng iyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na
ito” – Mateo 18:14?
A. maliit man, may bilang din sa Panginoon
B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon
D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng
Panginoon

9. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo
ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang
maihahalintulad sa pahayag na ito?
A. maganda ang performance sa opisina na nabibigyan
ng pagkilala
B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit
sakto pa rin ang kita
C. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa
late pumasok sa trabaho
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa
kanilang natatanggap na suweldo

10. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli


ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli?”
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang
unang aalis.

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga


aral/mahahalagang mensaheng nakapaloob sa parabula. Ipakita ito sa
pamamagitan ng poster o pagguhit ng larawan at ipaliwanag ito gamit
ang matatalinghagang salita. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Rubrik sa Pagguhit ng Larawan

Mga Kraytirya 5 4 3 Puntos

Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong


nagpamalas ng malikhain sa naging malikhain
pagkamalikhain sa paghahanda. sa paghahanda.
paghahanda.
Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaisahan Konsistent, may
konsistent, at sapat na kaisahan, kulang
kumpleto ang detalye at sa detalye at hindi
detalye at malinaw na gaanong malinaw
napakalinaw. intensyon. ang intensyon.
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang Hindi gaanong
Paksa ang larawan sa larawan sa angkop ang
paksa. paksa. larawan sa paksa.
Kabuuang Puntos

22
Subukin
1. A 3. A 5. C 7. B 9. B
2. B 4. B 6. C 8. D 10. C

Balikan

Malayang Pagsasanay 1

1. A- panahon 4. A- taniman
B- limitasyon B- kaharian ng Diyos
2. A-trabahador 5. A- tagapangasiwa
B- mananampalataya B- Diyos
3. A- pera
B- biyaya ng Diyos

Malayang Pagsasanay 2 at 3

Ang sagot ay base sa kasagutan ng mag-aaral.

Isaisip

Ang sagot ay base sa kasagutan ng mag-aaral.

lsagawa

Rubriks

Tayahin

1. D 3. D 5. B 7. C 9. D
2.B 4. G 6. G 8. B 10. B

Karagdagang Gawain

Rubrik
Sanggunian
Dr. Voltaire M. Villanueva. 2018, “#ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT)
Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan,
Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino,” VMV11483 Book Publishing
House P. Binay St. Bangkal, Makati City.

Peralta, R.N. et al. (2014), “Panitikang Asyano 9,” Meralco Avenue, Pasig
City. Department of Education – Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd- IMCS).

21

You might also like