You are on page 1of 25

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 2-Week 2:
Pagsusuri sa mga Elemento ng Elehiya
(Elehiya ng Bhutan)

Self-Learning
Module
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagsusuri sa Elemento ng Elehiya (Elehiya ng Bhutan)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Olivyne SM. Ortiz


Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Anne C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban
Kenneth C. Salvador
Tagasuri ng Wika: Marie Anne C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez
Bernadeth D. Magat
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas:
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit:
Kimberly S. Liwag
Tagalapat:
Ma. Olivyne SM. Ortiz
Tagapamahala:
Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka? Masaya akong makasama kang


muli sa pagtuklas ng bagong kaalaman tungkol sa panitikang Asyano.
Kahanga- hanga ang iyong ipinamalas na kahusayan sa nakaraang aralin.

Ngayong araw, ating lalakbayin ang Timog Asya. Ating pupuntahan


ang bansang Bhutan upang mangalap ng mga kaalaman ukol sa kanilang
panitikan partikular na ang tungkol sa elehiya. Halika‟t ating simulan ang
paglalakbay.

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ay malilinang ang iyong


kasanayan sa mga sumusunod:

1. nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan,


tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang
ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin (F9PB-IIIb-c-51); at
2. naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya (F9PU-IIIa-53).

Subukin
Halika! Subukin natin ang iyong kaalaman sa paksang ating pag-
aaralan upang malaman kung may alam ka na tungkol dito.

#SUBOK-KAALAMAN!

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o


guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala
ng isang mahal sa buhay.
A. elehiya C. parabula
B. pabula D. sanaysay

1
2. Ito ang elemento ng elehiyang tumutukoy sa mga paniniwala,
gawi o mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito.
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

3. Ito ang dalawang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng


mga akdang pampanitikan partikular na ang elehiya.
A. patinig at katinig C. tiyak at „di tiyak
B. pamaraan at panlunan D. pormal at „di pormal

4. Ito ay mga elemento ng elehiya maliban sa isa.


A. damdamin C. tema
B. kabanata D. wikang ginamit

5. Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga


ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay;


Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng p

6. Ito ang damdaming nangibabaw sa bahagi ng tulang nasa itaas.


A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkainis D. pagpapakasakit

7. Ito ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan


ni Kuya.”
A. kuya C. nakababatang kapatid
B. manunulat D. nanay

8. Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan, ito ay


kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
A. damdamin C. tagpuan
B. simbolo D. tema

2
9. Ang mga sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng elehiya
maliban sa isa.
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa
buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan
ng mapagnilay na mensahe sa mga mambabasa.

10. Ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng katangiang tinataglay


ng elehiya maliban sa isa.
A. Mapagmuni-muni ang himig ng elehiya.
B. Kadalasang simbolo ang naghahari sa akdang ito.
C. Nakatuon ito sa pagpapahayag ng personal na damdamin.
D. Pag-alaala at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.

Aralin
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
2 (Elehiya ng Bhutan)

Aba, mahusay! Batid kong ikaw ay handang-handa na sa pagtalakay


sa ating bagong aralin. Sa bahaging ito, ating pag-aaralan ang isang
akdang mula sa Timog Asya.

Ngayon ay magsisimula na tayong maglakbay patungo sa bansang


Bhutan. Aalamin natin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa elehiya.
Alam mo ba kung ano-ano ang mga elemento nito?

3
Balikan

Bago tayo magpatuloy sa paglalakbay, atin munang alamin ang


lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng iyong ginawang pag-aaral tungkol
sa, “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.”

Subukin mo ang iyong husay sa pamamagitan ng pagsagot sa


inihanda kong gawain para sa iyo. Simulan mo na!

Panuto: Sumulat sa mga hugis puso ng limang simbolong nangibabaw at


iyong natutuhan mula sa nakaraang akdang tinalakay na, “Ang
Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan.” Gayahin ang kasunod na
pormat at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari


ng Ubasan

Mahusay! Tiyak kong nasagutan mo nang tama ang naunang


gawain, ang Subukin. Ngayon ay atin nang pasyalan ang bansang
Bhutan.

4
Tuklasin

Ang buhay ng tao ay parang isang mahabang paglalakbay.


Maraming nasa at sana, mga tanong na paano at bakit na ibig nating
mabigyan ng mga kasagutan. Marapat na bigyan natin ng pagpapahalaga
ang buhay ng bawat isa lalo‟t higit ang mga minamahal.

Panuto: GAWAIN 1: Basahin at pagnilayan ang katanungan tungkol sa


larawan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na
gabayan ng magulang o tagapangalaga ang mag-aaral sa pagsasagot ng
gawaing ito upang maging bukas ang kaniyang isipan at damdamin sa
katotohanan ng buhay.)

Sino ang taong pinakaayaw mong makita sa loob ng kahong ito? Bakit?

5
Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni


Kuya” na isinalin sa Filipino ni Patrocinio “Pat” V. Villafuerte at alamin
kung paano ito naiiba sa iba pang uri ng akdang pampanitikan.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


(Elehiya ng Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu‟t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Una sa
dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap Di
maipakitang pagmamahal

At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Sa


gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala‟t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan,
aklat, talaarawan, at iba pa.

Wala nang dapat ipagbunyi


Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita Ang
maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
at ang ligayang di-malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang
paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng
magpapaaral Mga mata‟y nawalan ng
luha, ang lakas ay nawala
O‟ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit
na nawala

Pema, ang immortal na


pangalan Mula sa nilisang
tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, Ang
bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-
araw Kasama ang pagmamahal na
inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang
6
masayang panahon ng pangarap

7
Pagbati sa iyo! Tiyak kong naunawaan mo ang akdang iyong binasa.
Muli mo itong basahin at suriin. Pagbutihin mo pa, ha?

Elehiya, kayang-kaya!
Maraming mahahalagang kaalaman tungkol sa elehiya ang iyong
dapat na matutuhan. Halika‟t iyong tuklasin ang ilan dito.

Ano ang elehiya?

 Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng


pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing
damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
 Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga
namayapang mahal sa buhay.

Mga Elemento ng Elehiya

1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay


kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap
ang elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga
nakasanayan na lumutang sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat
sa akda.
6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o
kaisipang nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay
sa dalawang antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at
tinatanggap ng mga nakapag-aral ng wika.
b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-
araw- araw na pakikipagtalastasan.

8
Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang
iyong maging gabay para sa mas mabisa at mas makabuluhang
pagbuo nito.
=

E Emosyon ang palutangin.

Laging isaisip at isapuso ang pagkilala sa taong pag- aalayan nito.


L Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag
E

Hayaang malayang maisulat ang naiisip ngunit marapat na basahing mu


H Isaalang-alang ang paggamit ng wika sa pagbuo nito.
I

Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan


Y ng mapagnilay na mensahe sa mga mambabasa.

A Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.

Pagyamanin
Gawain 1: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa hiwalay


na papel.
1. Ano ang tema ng elehiyang binasa? Paano ito naipakita sa akda?
2. Sa anong panahon naganap ang mga pangyayari sa elehiya?
3. Anong damdamin ang nangibabaw sa tula? Paano naipahiwatig
ng may-akda ang damdaming ito sa kaniyang mga mambabasa?
4. Bakit labis ang pagpapahalaga ng mga tao sa mga bagay na
naiwan ng mga mahal sa buhay na lumisan na sa mundong ito?
5. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng mga akdang
pampanitikan?

Gawain 2: #P2 (Pagdalumat sa Pagkamulat)


9
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa akdang, “Elehiya
sa Kamatayan ni Kuya.” Suriin kung anong elemento ng elehiya ang
ipinahahayag nito. Gayahin ang pormat sa ibaba at sagutan ito sa hiwalay
na papel.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Mga Elemento


1. “Ang isang anak ng aking ina ay hindi
na
makikita, Ang masayang panahon
ng pangarap”
2. “Mula sa maraming taon ng
paghihirap Sa pag-aaral at
paghahanap ng
magpapaaral”
3. “Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at
pighati bilang paggalang sa
kaniyang
kinahinatnan”
4. “Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong
larawang guhit, poster, at
larawan, aklat, talaarawan, at iba
pa.”
5. “Ang lahat ay nagluksa, ang burol
ay bumaba,
Ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw”

Gawain 3: #Dugtula
Panuto: Punan ng angkop na taludtod ang mga patlang sa ibaba upang
makabuo ng isang halimbawang elehiya para sa iyong mahal sa buhay.
Gawing batayan ang kasunod na pamantayan sa pagsulat.

Sa mundong patuloy na nagbabago,


Ikaw ang naging sagot sa maraming bakit at paano.

Sakit at pighati‟y mahirap


ikubli, Bakit patuloy itong
nananatili?

10
Sanayin
Napaka Medyo
Mahusay pa ang
Pamantayan husay Mahusay
4 puntos kahusayan
5 puntos 3 puntos
2 puntos

Nilalaman

Wika at Gramatika

Organisasyon ng
mga Ideya

Pagbati sa iyo, mahusay na mag-aaral! Tunay na naunawaan mo


ang ating ginawang pagtalakay at nasagot ang mga gawain! Ngayon,
subukin pa natin ang iyong kaalaman ukol sa tinalakay.

Isaisip
Panuto: Gamit ang mga “Kahon ng Karunungan,” suriin kung lubos mong
naunawaan ang elehiyang tinalakay. Sagutin ang sumusunod na tanong
at isulat ito sa hiwalay na papel.

1 2 Integrasyon
Reyalisasyon

Ano ang iyong napagtanto matapos mong


Alingmabasa
bahagi ang
ng elehiya
akdang,ang
“Elehiya
maiuugnay
sa mo
Kamatayan ni Kuya?”

11
3 Emosyon

Ano ang iyong naramdaman matapos mong mabasa ang


elehiya?

4 Aksyon

Kungikawangtauhang
nawalan ng mahal sa buhay, ano ang iyong gagawin?

Isagawa

Sa gawaing ito, higit na masusubok ang iyong kakayahan batay sa


iyong mga natutuhan sa araling ito. Ngayon, ikaw ay may pagkakataong
bigyan ng pagkilala ang isa sa mga mahal sa buhay na lumisan na sa
mundong ito.

Panuto: Sumulat ng isang elehiya mula sa sitwasyong nasa kahon. Suriin


ito batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o
tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo at damdamin. Gawing
batayan sa pagsulat ang pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay na
papel.

Nagkaroon ng malakas na bagyong tumama sa inyong probinsya at maraming ari-a

12
Pamantayan sa Pagsulat ng Elehiya

Napaka Medyo Magsanay


Mahusay
Pamantayan husay Mahusay pa
(4 puntos)
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman:
Nailahad nang
tama at maayos
ang tema o paksa
ng binuong
elehiya.
Wika at Gramatika:
May wastong gamit
ng wika at tamang
bantas sa bawat
pangungusap.
Kasiningan:
Malikhain at
masining ang
ginawang elehiya
at nagpapakita ng
pagiging matapat,
matalino at
mapanuri.
Organisasyon:
Maayos na
naipaliwanag ang
pagiging epektibo
ng organisasyon ng
isinulat na elehiya.

13
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan


ni Kuya”?
A. kalungkutan C. katatawanan
B. kasiyahan D. pagkapoot

2. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala,


gawi o mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

3. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?


A. ganap at „di ganap C. ponema at morpema
B. pantangi at pambalana D. pormal at „di pormal
4. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya?”
A. kuya C. manunulat
B. nanay D. nakababatang kapatid

5. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga


ideya o kaisipang nakapaloob sa elehiya?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

6. Anong kaisipan
Malungkotangna
nais iparating
lumisan ang ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
tag-
A.araw
pagkagalit
Kasama ang pagmamahal naC. paghihiganti
B.inialay;
pagpapasakit D. pag-alala sa namayapa
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na
7-8. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan
ni Kuya” na nasa loob ng kahon para sa pagsagot ng mga
tanong.

14
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang
paggalang sa kaniyang kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap,
Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral,
Mga mata‟y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala.
O, ano ang naganap? Ang buhay ay saglit na
Nawala.
7. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob
ng kahon?
A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot
8. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang
nasa kahon?
A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay,
matutong bumangon.
B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng
taong namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam
kung kailan tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na
naramdaman dahil sa pagpanaw ng minamahal.

9. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng


isang elehiya?
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa
buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng
mapagnilay na mensahe sa mga mambabasa.

10. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian


ng isang elehiya?

A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.


B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa
namayapang mahal sa buhay.
D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang
lubos na maunawaan ng mambabasa.

15
Karagdagang Gawain

Pagbati! Napakahusay mo! Ipinamalas mo ang iyong galing sa


pagsasagot ng ating mga gawain. Tunay na naunawaan mo ang ating
aralin!

GAWAIN 1: SAGUTIN SA DYORNAL


Kamatayan Para sa mga Biktima ng Pandemya
Ni: Efren Aquino Reyes Jr.
Nagimbal ang buong mundo, nabalutan ng
takot Marami ang mga naging piping saksi sa
bilis ng salot Hindi mawari kung paano
nagsimula at kumalat Lalong naging
mangmang kung ano ang gamut at Kung
kalian magwawakas.

NCOV o COVID-19 man ang itawag sa Virus na


lumaganap Daang-libong tao ang nagdusa‟t naghirap
Walang pinatawad dukha man o mayaman
Sanggol, matanda, kababaihan o
kalalakihan man.
16
Sino ang ba ang nawalan ng ngiti sa mga
labi? Kundi ang mga biktima ng
pandemyang sakbibi.
Paslit na sana‟y maghahatid ng saya‟t tuwa sa mga tahanan.
Naging resulta‟y pagkabagabag ng pamilya at luksang kamatayan.

Mga nagsakripisyo ng buhay nila‟y bayaning


maituturing. Doctor, nars at iba pang
FRONTLINERS kung tawagin Mga taong nag-alay
ng kanilang buhay
Kapalit man nito‟y pagluha ng mga mahal sa buhay na kanilang nilisan.

Panalangin at pasasalamat an gating ialay.


Paggunita sa kanilang kabayanihan ay
nararapat
Silang walang hinangad kundi ang gumaling at
makaligtas Ngunit hindi nagtagumpay sa
pandemyang, buhay ay inutas.

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa


binasang tula.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng tula?

2. Ano ang mga damdaming naghahari sa tula?

3. Bakit ganoon na lamang ang emosyon na naghari sa akda?

17
4. Bilang indibidwal, paano mo mapapawi ang hinagpis at dusa
na
naghahari sa mga pamilyang namatayan?

5. Ibigay ang mga mahahalagang aral na nais iparating ng tula.

Para sa iyong pagganap ay kinakailangan na maihimig mo ng may angkop


na damdamin ang nakahandang elehiya sa ilalim. Maging maingat upang
maiangkop mo ang wastong damdamin sa pagbigkas.

B. Panuto: Matapos mong malaman kung paano bigkasin ang isang elehiya,
mayroon akong inihandang tula sa iyo. Iyong pag-aralan kung paano ito
bigkasin gamit ang mga emosyon na nangingibabaw sa elehiya. Matapos
mong pag-aralan, bibigkasin mo ang tula nang puno ng emosyon, ibidyo
ang sarili at ipasa ito sa iyong guro.

ELEHIYA KAY
INAY
Kung ang kamataya‟y isang panibagong paglalakbay aking
Inay Sa iyong pagtawid ala-ala nami‟y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Ngayo‟y nakatakas ka na
Habang nakamasid ka sa „ming iyong
naiwan sa mga ibong nakasama mo,
sa mga talangka at sigay na naging laruan
mo sa mga along kahabulan mo
at sa malawak na buhanginang naging palaruan
mo Nawa‟y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo
Mag-isang ninanamnam ang kalinga18
ng kalikasan
habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong
ina sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,
sapagkat ika‟y maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa
magulang Tanging kaibigan naging
takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animo‟y isang sadlak sa dusang nilalang
Pagkat ang isang kaibiga‟y lumisan
Tuluyan nang humalik sa lupa
ang sarangolang dinagit ng hangin,
Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan
mo Nakaukit na ang pangalan mo
Ang naiwan sa ami‟y mga ala-ala mo
Nang isang inang kasabay kong
nangarap, lumipad, kumalinga at sumalo
sa aba ko.
Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga
mo isang munting kaluluwang pinanabikan mo
Konting sulyap lamang sana anak
ko Kahit ako‟y malamig ng tila yelo
Ngunit ito‟y ipinagkait mo
Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay
Baunin mo ang aming pagmamahal
Ihalik sa hangin aming mga
pagmamahal Ibulong sa Diyos na
kami‟y bantayan
Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip
lang Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang
buhay masilayan mo ang kaginhawahang
di natikman sa palad ko

19
Rubriks
Tiwala sa Lakas ng Linaw ng Ekspresyon, Kabuuan
Sarili Pagbigkas Pagbigkas Kilos at (100)
Kumpas
(20) (20) (30)
(30)

C.Panuto: Magsaliksik o magsulat ng isang halimbawa ng elehiya na


maiuugnay sa pinakamasakit na karanasang naganap sa iyong buhay.
Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa mga elemento ng elehiya, suriin mo
ito. Gawin ito sa hiwalay na papel.

20
Pagyamanin Gawain 1 at 3
Ang kasagutan ay batay sa kaalaman ng mag- aaral.
Tayahin Gawain 2
A Tauhan
B Kaugalian o Tradisyon
D Damdamin
D Simbolo
C Tagpuan
D
B
C
A
D
Subukin
A
B
D
B
C
C
C
D
A
B
Sanggunian
Dr. Voltaire M. Villanueva. 2018, #ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT)
Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham
Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino,
VMV11483 Book Publishing House P. Binay St. Bangkal, Makati
City.

Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue,


Pasig City. Department of Education – Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd- IMCS).

Palero, Juan Miguel. 2017, Elemento ng Elehiya.


https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-elemento-ng-
elehiya. Disyembre 23, 2020

21

You might also like