You are on page 1of 3

LAMBUNAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Lambunao, Iloilo

Mayo 25, 2021

Banghay Aralin sa Filipino 9


I. Layunin
1. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga mahihirap na salitang nakapaloob sa Kabanata
X.
2. Napaghahambing ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon batay sa sariling karanasan.
(F9PD-IVd-57)
3. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa
sa nobela. (F9PB-IVc-57)
a. Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.
(F7PB-Ic-d-2)
b. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa
kalikasan. (EsP10PB-IIIg-12.4)

II. Paksa
Noli Me Tangere
Kabanata X- San Diego
Kagamitan: Noli Me Tangere pahina 76-78, PPT, Visual Aids, laptop

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ang aral na nakapaloob sa kabanata IX?
2. Pangganyak
Pagpapakita ng mga larawan; mga magagandang tanawin o Tourist
Spots na nagpapakilala sa isang bayan.

ISLA GIGANTES DAMIRES HILLS PAKLANG ARCH

LARGEST FLAG IN PANAY TINAGONG DAGAT

3. Paglalahad
Ang mga larawang inyong nakita ay may kaugnayan sa ating bagong
aralin ngayong umaga. Ating tatalakayin ang Kabanata X- San Diego.
B. Pagtalakay
1. Paghahawan ng Sagabal

Talasalitaan
Panuto: Hanapin at itapat sa Hanay B ang kasingkahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa pangungusap na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Diego a. napatungan

2. Ang mga bahay ay karaniwang naaatipan ng pawid na bubong. b. dumating

3. Sa hindi kalayuan ay may dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas. c. kampanaryo

4. Sumulpot ang isang mahiwagang pangyayari. d. nagkunwari

5. May isang nagpapanggap at sila’y binayaran ng matanda ng damit, alahas at salapi. e. nawala

f. lupang

mataas sa patag

2. Pagpapanood sa mga mag-aaral ng inihandang Video Clip ng Kabanata X


3. Pagsagot ng mga tanong batay sa Kabanata X- San Diego
Mga Tanong
a. Ano-ano ang makikita sa paligid ng San Diego?
b. Anong pagkakatulad ng San Diego at Pilipinas?
c. Sino ang matandang kastilang bumili ng mga lupain sa gubat ng San Diego?
d. Ilarawan ang matandang Kastila na si Eibarramendia, anong katangian mayroon siya?
Ano ang kahalagahan ng kanyang katauhan sa nobela?
e. Ilarawan ang mga mamamayang nagpalit ng lupain katumbas ng damit, alahas at salapi
sa matandang kastila. Ano ang kahalagahan ng kanilang katauhan sa nobela?
f. Bakit napamahal si Don Rafael sa mga taga-San Diego?
g. Bakit dumagsa ang mga dayuhan upang manirahan sa San Diego?
h. Ihambing ang lipunan noon at ngayon batay sa inyong sariling karanasan.
i. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pahayag na, “Siguro naengkanto ang
matandang kastila?”
j. Ano ang mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa Kabanata X ukol sa pangangalaga at
pagpapahalaga sa kalikasan?

C. Paglalapat
Pangkat 1- Nakabubuo ng dalawang (2) saknong na tula na may paksang
“Pangangalaga at Pagpapahalaga sa Kalikasan”.
Pangkat 2- Nakapagsasadula ng isang pangyayari kaugnay sa Kabanata X na
kakikitaan ng “Pangangalaga at Pagpapahalaga sa Kalikasan”.

D. Paglalahat
1. Paano nagkakatulad ang San Diego, Lambunao at Pilipinas?
2. Ginamit ng may-akda ang katauhan ni Eibarramendia at mga mamamayang nagbenta
ng lupain. Ano ang kanilang kahalagahan sa nobela?
E. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Ibigay ang
hinihinging sagot ng bawat bilang.

1. Sumulpot ang isang mahiwagang pangyayari. Ang salitang may salungguhit ay


nangangahulugang ____________.
2. Ihambing ang kalagayan ng ating lipunan noon at ngayon batay sa inyong sariling
karanasan sa loob ng dalawang pangungusap.
3. Anong katangian ang mahihinuha sa katauhan ni Eibarramendia?
4. Ano ang kahalagahan ng katauhan ni Eibarramendia sa nobela?
5. Anong katangian ang mahihinuha sa katauhan ng mga mamamayan?
6. Ano ang kahalagahan ng pagkatao ng mga mamamayan sa nobela?
7. Ano ang mahalagang kaisipan a ng nakapaloob sa Kabanata X ukol sa pangangalaga
at pagpapahalaga sa kalikasan?
8. Paano mo mapapangalagaan ang ating kalikasan? Isulat sa loob ng dalawang
pangungusap.

V. Kasunduan
Basahin at unawaing mabuti ang Kabanata XI- Ang mga Makapangyarihan.

Inihanda ni:
Greeiah June P. Lipalim
Teacher Applicant

You might also like