You are on page 1of 3

Asi,Donna May L.

BSED-MATHEMATICS/BLOCK-1i
KUMIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
GAWAIN 3:
PAKSA:FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
LAYUNIN:Nailalahad ang mahahalagang pangyayaring naganap sap ag unlad ng Wikang
Pambansa.

MGA GAWAIN
1.Paano nagsimula ang paglinang sa wikang pambansa?Ilahad ang inyong nalalaman
ukol dito.
Bilang isang mahalagang sangkap ng pagsasarili, pinag-ukulan ng pansin ni Pangulong Quezon
ang paglinang ng wikang pambansa. Naniniwala siya na ang pag-unlad ng bansa ay
nakasalalay sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Iba-iba ang mga wikang ginagamit sa ibat-ibang rehiyon. Dagdag pa rito ang
malawakang paggamit ng wikang Ingles sa buong kapuluan.
Iminungkahi ni pangulong Quezon sa Asamblea na magpatiay ng isang batas na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa. Ang wikang Tagalog ang napili nilang gawing saligan ng wikang
pambansa. Ipinalabas ni pangulong Quezon ang Kautusan Blg. 134 na Tagalog ang saligan ng
wikang pambansa upang mabigyang-daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Naglabas din siya ng
kautusan para sa Pagtuturong Panlahat na ang wikang pambansa ay ituro sa lahat ng antas ng
mga paaralan.
2.Ano ang pagkakaiba ng TAGALOG sa FILIPINO?
Ang ating pambansang wika na Filipino ay hindi lamang Tagalog. Ito’y sumasakop sa lahat ng
wikang sa ano mang parte ng ating bansa. Pero, ang Tagalog ay ang wikang ginagamit sa
maraming parte ng Luzon, ang pinakamalaking rehiyon sa Pilipinas.

Kaya naman, gingagamit ang Filipino bilang wika sa pang-araw-araw na talastasan. Dumaan sa
masusing pag-aaral ang Surian ng Wikang Filipino na naglalayong humanap ng wika na mas
pabor para sa nakararami. At dahil sa pag-aaral na ito, nalaman na mas dominante ang
Tagalog.

Nakapaloob rin sa wikang Filipino ang mga banyagang salita na ating nakuha sa mga
mananakop natin. Samantala, ang Tagalog ay lokal na wika na ginamit ng mga katutubo sa
Luzon.

Bukod rito, ang Filipino ay siya ring tawag sa mga naninirahan sa bansang Pilipinas. Ginawang
wikang pambansa ang Filipino upang mas madali ang pakikipag ugnayan sa mga
mamamayang sakop ng Pilipinas.
3.Ilahad ang nilalaman ng mga sumusunod:
A.Kautusan ng DECS BLG.25,S.1974.(Hunyo 19)(Mga panuntunan sa pagpapatupad ng
patakaran sa Edukasyong BIlinggwal)
isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng
sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang
lipunan ay nakapag-aambag  sa debelopment ng wika.

&  Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay tumutugon sa


instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa hindi
lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika

B.     MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG BILINGUWAL 1974

 panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang pambansa.


 Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang
bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinumang
estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa anumang asignatura/aralin)
 Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive
Order No.202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine Education
(PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon
tulad ng inaasahan. . .ang wika ng pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na
nangangailangan ng atensyon.

B.KAUTUSAN ng decs blg.52,s.1987(Mayo21)(Patakaran sa Eduksyong bilinggwal)AT


KAUTUSAN NG DECS BLG.54,1987(Mayo27)(PANUNTUNAN NG IMPLEMENTASYON
SA EDUKASYON BILINGGWAL NG 1987).

  Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito…”Ang patakarang


Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas
pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng
pagtuturo sa lahat ng antas.”

1987 – ANG ALPABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO

August 6, 1987

DO 81, s. 1987

Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

Sa: Mga Direktor ng Kawanihan

Mga Direktro ng Rehiyon

Mga Superiniente ng mga Paaralan an


Mga Pangulo Pampamahalaang Kolehiyo at Unibersidad

Mga Pinuno ng Pribadong Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad

Kaugnay ng itinadhana ng Konstitustion ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at


pagpapayaman ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaan wika, at pag-ayon pa rin sa
Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 at pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad
at paglaganap ng wikang pambansa, ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating Sutian ng
Wikang Pambansa), sa tulong ng mga linggwista/dalubwika, manunulat, propesor/guro at mga
samahang pangwika, ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng
ortograpiyang Filipino.

Kalakip nito ang sipi ng bagong “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na
magkakabisang kagyat.

Hinihiling ang pagpapaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga
kinauukulan sa larangan.

(LGD.) LOURDES R. QUISUMBING

Minister

Kalakip: Gaya ng nasasaad

Mga Sanggunian: Mga Kautusang Pangkagawaran: Blg. 22, 52, and 54, s. 1987

C.EDCOM REPORT NG 1991

C. EDCOM REPORT NG 1991 MGA IMPORTANTENG PAHAYAG KAUGNAYAN SA


PATAGUYOO NG WIKANG FILIPINOǝ.EDCOM REPORT NG 1991 BLG.3-mas mainam kung
ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ay hindi lang naka limit mula sa baiting 4
hanggang haiskul.a. Alinsunod sa 1987 Konstitusyon Art. 14 Sek. 6 kinakailangan pagyamanin
at payabungin ang Wikang Pambansa, naaayong gamitin ang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo simula baitang I hanngang sa kolehiyo. mas mainam itong paraaan para mas mahasa
tayong mga Pilipino sa pagsasalita ng ating Wikang Pambansa. b. LAYUNIN NG EDCOM
REPORT NG 1991-Ay para mas maayos at maging epektibo ang paggamit ng Wikang Filipino
sa pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum sa pagtuturo. b.mas magiging epektibo ito
kung hindi lamang ang mga deans, Imagtuturo, propesor ang gumagawa ng paraan para ito'y
linangin kundi lahat, mga estudyante at mga karaniwang tao ay kinakailangan gamitin at
linangin ito.

You might also like