You are on page 1of 5

SANAYSAY TUNGKOL SA KARAPATANG

PANTAO

ni Johnny Suico

“Bawat tayo ay mahalaga, kaya naman bawat isa ay may karapatan. Kaya tayo, bilang
tao ay may sarili tayong karapatan na dapat nating tinatamasa!”
Ang karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao. Hindi na
kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan o ng batas. Mahalagang mulat tayo
sa karapatang pantao upang tamasahin natin ito. Ang pag-agaw at pagkait ay paglabag
din rito. Maaari itong idulog sa kinauukulan. Ang pagkilala sa karapatang pantao
ay pagkilala at paggalang din sa karapatan ng iba. Kung lahat ng mamamayan
ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa
lahat ng aspekto ng ating buhay sa lipunan. Ang karapatang pantao ay isang
batayang karapatan at kalayaan na “inalienable” at “inherent” sa bawat tao, mula
kapanganakan hanggang kamatayan. Nangangahulugan ang “inalienable” na
karapatan at kalayaang hindi maaaring mapawalang bisa o mapigilan ng ano
mang batas na gawa ng tao samantalang ang “inherent” ay likas at
awtomatiko niya itong nakukuha bilang pribilehiyo o entitlement dahil sa kanyang
pagiging tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang kamatayan.

Ang Karapatang Pantao o Human Rights ay dapat malaman ng isang simpleng


mamamayang Pilipino. Ito ang mga kalayaang nararapat na matanggap ng isang tao.
Dahil sa mga karapatang ito, malalamannatin kung tayo ba ay namumuhay nang
pantay-pantay sa lipunan. Dahilsa lugar na ito, tayong lahat ay pantay-pantay mula sa
batas at kaninoman. Simula nang isilang tayo sa daigdig, bilang tao, kasama na ring
isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong
bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo.

Katunayan naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na


pagkatapos ng mahabang panahon mula nang inilabas ang UN Universal Declaration of
Human Rights, ang mga layunin ng pagsugpo ng paglabag sa karapatang pantao ay
nananatiling mailap. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, sa Pilipinas man o
sa maraming bahagi ng mundo.

Gayunpaman, isa sa mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao


na naipresenta ng mga kaklase ko tungkol sa kwento at awit na tumatalakay sa
karapatang pantao na makikita sa may akda na kanilang binigyang buod ay karapatang
makamit ang kalayaan o ang pag control ng makapangyrihan, pagkawal ng
boses ng sambayanan, karapatang mabuhay, paglabag sa pisikal at sekswal na
pananakit, makapagtapos ng pag-aaral, pag-akusa ng isang kasalanan ng walang
ebidensiya, karapatan sa kalusugan at isang malinis na pamayanan, pagpatay ng
walang proseso, karapatan sa pagsasabi ng katotohanan at gumawa ng tama,
pag-aalipusta sa mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, pagnanakaw at pasira
ng yaman ng bayan, pagkulong sa walang sapat na dahilan, karapatang sa pantay na
paglilitis, karapatang magkaroon na kapayapaan, karapatang mamuhay at
magpahinga, karapatang

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-
This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-
ipahayag ang kanilang saloobin at ipaglaban ang sa tingin nila ay nararapat at tama,
karapatang bigyang pansin ang pananawagan ng kanilang hinihingi, karapatang ibigay
ang kasaganahan para sa mga batang lansangan, karapatang panlipunang seguridad,
karapatang magkaroon ng hanapbuhay, karapatang magkaroon ng maayos na trabaho,
karapatang makakain araw-araw, karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang
pamayanan at pagkilala sa karapata ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya. Ang mga
ito’y sumasalamin sa paglabag sa karapatang pantao na makikita sa mga akda
na binigyang buod na aking mga kaklase kung saan ito ang patunay na kahit sa
mga akdang pampanitikan ay nanatiling nagkakaroon padin ng mga samo’t saring
paglabag sa ating karapatang pantao.

Sa kabilang banda, ito naman ang mga bunga o resulta ng paglabag sa


karapatang pantaong binanggit sa akda na naipresenta na aking mga kaklase. Ang mga
ito ay ang pag-aasam sa kalayaang inaasam na hinahangad maibigay sa sarili,
pag- apak sa karapatang mabuhay ng masaya at mapayapa, patuloy na umaasa na
makamit ang katarungang magkaroon ng maayos na buhay, madami ang nawala
sa kanilang karapatan bilang isang tao, nakalimutan na ng mga nasa
mataas na posisyon karapatan ng mga taong nasa mababang uri ng
pamumuhay, pilit na ipinapaalala sa bawat indibidwal ang tunay na kahalagahan
ng kanilang karapatan, marami ang naghirap at nagdusa sap ag-apak ng kanilang
karapatang pantao, mamulat na sa tunay na katotohan kabila’t kanang pag abuso
sa kanilang mga hinangad na kagustuhang hindi man lang maibigay, takot ang
sambayan na labanan ang huwad na pamahalaan, walang boses o sapat na tapang
upang ipahiwatig sa sambayanan ang mga nararapat na gawin, walang sapat nap
era para upang makapasok sa pribadong pa-aralan, walang tahanan at sapat na
pagkain, naghirap, nagtrabaho sa gabi habang nag-aarala, nagkaroon ng walang sapat
na pahinga at walang sapat na aruga sa magulang, pinatay ang isang inosenting bata,
dinakip na walang dahilan, nakakaranas ng kalupitan at matinding gutom ang
kanilang pamilya, nagdudulot ng malaking problema, pagkamatay ng bata, kawalan ng
karapatang mabuhay ang isang tao, naging sunodsunoran sila nsa sistema ng mga
dayuhan, nahirap ang mga Filipino sa kamay ng mga dayuhan, maraming
namamatay sa gutom, maraming mga mamamayang naghihimagsik para sa kalayang
makapagsalita, kawalan ng pagiging malaya sa kasalanang di ginawa, hindi nabigyan
ng pagkakataong patunayan na siya ay inosente, nasintensiyahan siya ng
kamatayan at pagkabitay, nagging masalimuot ang kanyang buhay, walang pag-unlad
na natatamasa sa kanilang buhay at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kabila ng
paglabag sa karapatang pantao. Ang mga ito ay ilan sa mga naging resulta ng paglabag
sa karapatang pantao na binanggit.

Sumakatuwid, ito’y nagpapatunay na mahalagang malaman natin ang ating


karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang
tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang
walang dahilan ay lumabag as ating karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa
hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa
lipunang Pilipino.

Gayunpaman, para sa aking pananaw at opinyon para maiiwasan o matigil


na ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ay dapat tayong mga tao magkaroon
ng malalim na pananampalataya sa Diyos dahil naniniwal ako na kapag tayo ay
nasa buhay ng Diyos at sumusunod sa kanyang kabutihang taglay ay walang
maitatalang paglabag sa ating karapatang pantao kung tayo ay takot sa Diyos
magkaroon ng kasalanan sa Kanya. Sapagkat naniniwala din ako na kailangang
magkaroon ng isang mas matibay na batas na nagsasaad ng mga karapatang pantao
ng mga mamamayan. Kasabay nito, dapat ay pagmatyagang mabuti ang maigting
na implementasyon ng parusa sa bawat paglabag nito. Ang pamahalaan ay dapat
na laging nakatugon sa anumang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Higit sa
lahat, dapat ay maging mas mapagmalasakit ang bawat isa sa kanilang kapwa at
pakaisiping ang lahat ay may pantay na karapatan sa lahat ng ginhawa ng buhay.

Sumasang-ayon naman ako sa sinulat ni Propesor Jensen Mañebog tungkol sa


mungkahing paraan niya upang malunasan o malutas ang mga paglabag sa karapatang
pantao. Ayon niya ang isa sa mga paraan para malutas ang mga paglabag sa
karapatang pantao ay pagbuo ng public assistance programs, paglikha ng mga
napapanahong bata, istriktong implementasyon ng mga batas, magkaroon ng mabilis at
makatarungang paglilitis, paglagda ng bansa sa mga internasyonal na tratado at
pagpapalakas at pagdisiplina sa sandatahang lakas. Pawang ang mga ito ay isa ding
mabisang paraan para malutas na ang mga paglabag sa ating mga karapatan bilang
tao.

Sa kabuuan, masasabi ko na isa sa mga mabisang paraan para malutas


ang suliranin sa paglabag sa karapatang pantao ay edukasyon. Ang pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa karapatang pantao ay isa sa mga pinakamakapangyarihang
paraan ng paglutas ng mga paglabag sa karapatang pantao. Kailangan dito ang
seryosong pakikilahok ng pamahalaan, paaralan, mga himpilan ng telebisyon at radyo,
at lahat ng sektor ng lipunan. Pangalawa naman ay epektibong pamamahala dahil
nakapaloob dito ang mahusay na pagsulong at pagpapatupad ng pamahalaan sa
mga batas na nagbabantay sa karapatang pantao ng mga Pilipino, kasama na ang
pagiging modelo ng mga opisyal ng pamahalaan bilang tagapagsulong ng
karapatang pantao sa pagganap ng kanilang tungkulin at pribadong buhay.
Panghuli ay pagpapatupad ng Batas dahil matapang at patas na pagpapatupad ng
mga batas sa mga lumalabag sa karapatang pantao mula sa hanay ng pulisya at
mga hukuman. Sapamamagitan nito maaaring magkaroon ng solusyon at mahinto
ang mga tinutukoy na paglabag sa ating mga karapatang pantao.

This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-
This study source was downloaded by 100000820350070 from CourseHero.com on 04-23-2021 00:39:10 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/84138790/SANAYSAY-KARAPATANG-PANTAOdocx/

You might also like