You are on page 1of 5

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ______________________ Petsa: ___________Iskor: __________

FILIPINO 9
Kuwarter 4 – Linggo 2
Kasanayang Pampagkatuto:
➢ Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang binasang akda
sa ilang napanood na telenobela.
➢ Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik.
➢ Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.

NOLI ME TANGERE - Kabanata 8-15

Layunin:
Sa pagtatapos ng pagsagot sa worksheet na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nailalarawan ang tauhan at naiuugnay ang mga pangyayari sa kasalukuyan


B. Naihahambing ang nabasang nobela sa napanood na telenobela
C. Nakasusulat ng sariling opinyong tungkol sa mga nakalap na datos sa pananaliksik

Ang paggamit ng tamang salita ay nakatutulong upang maging


maayos, malinaw, at mabisa ang pagpapahayag. Sa pamamagitan ng
paggamit ng angkop na salita o ekspresyon sa pagpapahayag maayos na
nailalahad ang sariling pananaw, saloobin, paglalarawan at pagpapatunay
upang maging mabisa ang pagpapahayag. Ilan sa mga maaaring gamiting
salita sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ayon, batay, para, sang-ayon,
sa/kay, ganoon din sa paniniwala / pananaw / akala ko at ni / ng. Gamit naman sa
paglalarawan ang pagbibigay ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol
sa isang bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian nito. Ang pag-iisa-isa
naman ay may kaugnayan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kung
nais patunayan ang isang bagay, maaaring gumamit ng mga patunay at magpakita
ng mga ebidensya na magpapatotoong ito ay makatotohanan.

1
Kuwarter 4 : Linggo: 2 Competency Code: F9PD-IVa-b-55, F9PS-IVa-b-58, F9PU-IVa-b-58,
F9WG-Iva-b-57 Kasanayan: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang napanood na telenobela. Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.
Buod ng Kabanata 8-15
Noli Me Tangere

Isang karawahe ang napadaan sa lumang Maynila. Sakay nito ang binatang si
Crisostomo Ibarra na matamang nagmamasid sa kaniyang dinaraanan. Nanumbalik kay Ibarra ang
mga alaala ng kahapon na tila walang pinagbago ang lugar na ito. Sumagi rin sa kaniyang gunita
ang payo ng isang pari bago lumipad pa Europa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa
tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang
karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta
sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga
dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
Dumating sa tahanan ni Kapt. Tiyago si Padre Damaso. Nahalata ng Kapitan na tila may ibang
pakay ang Pari noong hindi nito inabot ang kaniyang kamay para magmano. Ang totoo'y tutol ang
pari na makipagmabutihan si Maria Clara kay Ibarra. Sa kabilang banda, matapos ang misa si Padre
Sibyla ay dumalaw sa isang paring may sakit. Dito nagkuwento ang pari tungkol sa naganap na alitan
sa pagitan ni Padre Damaso at Crisostomo Ibarra. Dagdag pa ng pari si Ibarra ay mabuting tao. Ayon
naman sa paring may sakit dahil sa patuloy na pagtataas ng buwis ang mga Pilipino ay natuto ng
bumili ng lupain sa ibang lugar kasing-inam din ng mga lupain nila rito. Nabalitaan rin ni Padre Sibyla
ang tungkol sa pakikiisa ng Kapitan Heneral kay Padre Damaso ngunit kalaunan ay nalaman din nito
ang katotohanan dahilan para mailipat ng ibang bayan si Padre Damaso. Ang mga kaganapang ito
ay nailathala sa isang pahayagan ng San Diego.
Ang bayan ng San diego ay hindi naiiba sa mga bayan sa Pilipinas. Ito ay simple bayan na
nasa baybaying ng isang lawa, malawak na bukirin at palayan. Kung tatanawin ito sa pinakamataas
na bahagi makikita ang isang gubat na nasa gitna ng isang bukirin. Ito ay nababalot ng isang
sinaunang alamat tungkol sa isang bangkay ng lalaki na nakabitin sa puno ng baliti. Isang araw isang
binata ang dumating sa lugar at sinabing anak siya ng matandang namatay. Ang kaniyang pangalan
ay Saturnino, masipag at mapusok. Siya ang nagsinop at nangalaga sa gubat. Hindi kalaunan
nakapag-asawa siya ng babaeng taga-Maynila at nagkaroong ng isang anak na pinangalanan
Rafael. Si Don Rafael ang sumunod na nangalaga sa gubat, mabait at kinagigiliwan ng lahat kaya
naman ang dating gubat at isa na ngayong bayan. Ang kura pa noon ay isang Indyo, ngunit ng ito
ay namatay si Padre Damaso ang pumalit dito.
Sino nga ba ang tinuturing na makapangyarihan casique sa bayan ng San Diego? Ito
ay inihalintulad sa Roma at Italya na mahigpit ang agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno sa
bayan. Sa kabilang banda hindi naman kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang
namumuno sa pamahalaan. Bagaman si Don Rafael ay itinuturing na pinakamayaman, iginagalang
ng lahat, at pinagkakautangan ng marami ay hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan
sa bayang iyon. Si Kapitan Tiyago na may mga ari-arian din, kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay hindi ring
nabibilang sa mga makapangyarihan. Kung tatanungin kung sino ba talaga ang makapangyarihan
sa bayan ng San Diego, ito ay walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na
siyang puno ng mga guwardya sibil. Si Padre Bernardo Salvi ang kura paroko at batang pransiskano
na mukhang masasakitin ang siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit siyang may kabaitan kumpara
kay Padre Damaso. Ang Alperes naman ay lasinggero. mapambugbog sa asawa at malupit sa
kanyang mga tauhan. Siya ay nakapag-asawa ng isang Pilipina at ito ay si Donya Consolacion na
mahilig magkolorete sa mukha. Bagama’t mahigpit na magka-agaw sa kapangyarihan ang kura at
alperes, sila naman ay nagbabatian at mapitagang nagkakamay kapag nagkikita sa pumbulikong
mga lugar.
Sa lahat ng mga taong kinikilala sa bayan ng San Diego, mayroong bukod tangi sa kanila na
kahit saang sulok ng bayan ay hindi mo siya matatagpuan. Minsan na siyang sinubukang hanapin
ng kaniyang anak sa sementeryo ng San Diego. Matatagpuan ito sa dakong kanluran sa gitna ng
isang malawak na palayan na nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at
makipot ang daan patungo sa sementeryo. . Maputik kung tag-ulan at maalikabok naman kung tag-
araw. Isang gabing napakalakas ng buhos ng ulan.

2
Kuwarter 4 : Linggo: 2 Competency Code: F9PD-IVa-b-55, F9PS-IVa-b-58, F9PU-IVa-b-58,
F9WG-Iva-b-57 Kasanayan: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang napanood na telenobela. Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.
Dalawang tao ang abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay matagal nang
sepulturero samantalang ang katulong nito ay bago pa at hindi mapakali sa kanilang ginagawa.
Iniahon ng dalawa ang bangkay na kanilang hinukay na dalawampung araw pa lamang naililibing
mula ng mamatay. Ang utos na paghukay sa bangkay at paglipat nito sa libingan ng mga Intsik ay
mula sa kurang malaki na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon.
Kasama ang isang matandang utusan, nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San Diego
upang hanapin ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael. Ayon sa katiwala, ang libingan ng
kaniyang ama ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga. Sa daan ay nasalubong
nila ang sepulturero at tinanong nila rito kung saan naroroon ang libingan ng kanyang ama.
Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang bangkay ng
kanyang ama sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik. Dagdag
pa ng sepulturero, ang utos na kanyang sinunod ay galing sa kura paroko. Matinding galit at poot
naman ang naramdaman ni Ibarra kaya iniwan nito ang kausap. Nang makasalubong niya si Padre
Salvi ay agad niya itong sinunggaban at humingi siya ng paliwanag dito, nalaman ni Ibarra na si
Padre Damaso pala ang nag-utos nito.
Si Don Anastacio o mas kilala bilang Pilosopo Tasyo ay nagmula sa isang mayaman na
pamilya. Siya ay pinahinto sa pag-aaral ng kaniyang ina dahil sa taglay niyang katalinuhan.
Natatakot ang kaniyang ina sa makalimot siya sa Diyos dahil sa sobrang katalinuhan. Nais din ng
kaniyanh ina na siya ay magpari. Ngunit ito ay labag sa kaniyang kahustuhan kaya't mas pinili na
lamang niyang mag-asawa. Makalipas lamang ang isang taon, namatay ang kaniyang asawa. Mula
noon ay iniukol niya ang kaniyang atensyon sa oagbabasa hanggang sa napabayaan niya ang
kaniyang mga ari-arian. Mula noon siya binansagang Pilosopo Tasyo o taong may toyo sa ulo o
baliw. Sa kabila ng malakas na kulog at kidlat makikita ang saya sa mukha ni Pilosopo Tasyo. Aniya,
ito ang kaniyang pag-asa matagal na siyang nagsabi sa kapitan na humanap ng tiga-huli ng kidlat
ngunit siya ay pinagtawanan lamang. Nakausap din ni Pilosopo Tasyo ang mag-asawang Don Filipo
at Aling Doray napag-usapan nila ang purgatoryo. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa
purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito
sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang
purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Matapos ang kanilang usapan ay
siyang-siya niyang iniwan ang kausap. Nakataas ang dalawang kamay habang at nahsisigaw
habang naglakad palayo.
Sa loob naman ng simbahan matiyagang pinatutunog ng magkapatid na Crispin at Basilyo
anh kampana. Sila ay sinabihan ni Pilosopo Tasyo na umuwi na dahil pinaghanda sila ng hapunan
ng kanilang ina na si Sisa. Makikita anyo ng dalawang bata na slila ay hikahos sa buhay. Si Crispin
ay pinalo ng ng kura at pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa. Gustuhin man itong bayaran
ni Basilo ngunit ang kaniyang suweldo ay dalawang piso lamang sa isang buwan. Tiyak na
magagalit ang kanilang ina kapag nalaman ito. Hindi alam ng magkapatid ang kanilang gagawin
lalo't pinagmumulta si Basilyo ng sakristan mayor dahil sa hindi tamang pagtugtog sa kampana. Si
Basilyo ay mananatili sa simbahan hanggang ika-10 ng gabi samantalang si Crispin naman ay
kinaladkad sa hagdanan ng sakristan mayor hanggang mawala sa paningin ni Basilyo. Walang
magawa si Basilyo, nakakuyom ang palad habang naririnig niya ang sampal ng sakristan mayor na
susundan ng malakas na halinghing ng kaniyang kapatid. Nilagot ni Basilyo ang tali ng kampana at
nagpadausdos sa bintana ng kampanaryo.

3
Kuwarter 4 : Linggo: 2 Competency Code: F9PD-IVa-b-55, F9PS-IVa-b-58, F9PU-IVa-b-58,
F9WG-Iva-b-57 Kasanayan: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang napanood na telenobela. Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.
GAWAIN 1

4P’s (Pananaw, Paglalarawan, Pag-iisa-isa, Pagpapatunay)


Panuto: Itala sa ibaba ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa binasang kabanata ng
Noli Me Tangere. Pagkatapos, magbigay ng iyong sariling pananaw at konklusiyon hinggil sa
naging bisa nito sa sarili at nakararami.

P1 P2 P3 P4

Pag-iis-isa ng Pagpapatunay sa
mga mga pangyayari
Pananaw ng Paglalarawan sa pangyayaring na maiuugnay sa
May-akda mga Tauhan maaaring kasalukuyan
maiugnay sa
kasalukuyan

Sagot: Sagot: Sagot: Sagot:

Sariling pananaw at konklusyon sa naging bisa ng binasang buod ng akda sa sarili at


nakararami:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Tele-Hambing
Panuto: Pumili ng isang palabas o telenobelang napanood at ihambing ito sa nabasang buod
ng nobela. Magtala ng iyong mga patunay na may pagkakatulad ang nobela sa iyong napiling
palabas.
Kabanata 11-13 Telenobela

Pagkakaiba

Pagkakatulad

4
Kuwarter 4 : Linggo: 2 Competency Code: F9PD-IVa-b-55, F9PS-IVa-b-58, F9PU-IVa-b-58,
F9WG-Iva-b-57 Kasanayan: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang napanood na telenobela. Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.
Patunay:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

GAWAIN 3

TALAMBUHAY! (ITALA Mo ang Buhay)


Panuto: Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa isang kilalang makapangyarihang tao sa
ating bansa. Pagkatapos, sumulat ng tatlong talataan batay sa mga nakalap na datos hinggil
rito. Gumamit ng mga angkop na salita o ekspresyon sa paglalahad ng sariling pananaw,
paglalarawan, pag-iisa-isa at pagbibigay patunay. Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng
marka.
Pamantayan sa Pagmamarka

Malinaw na nailahad ang mga ----------------------------------------- 10 puntos


impormasyong nakalap sa pananaliksik.
Nagamit ang mga salita o ekspresyon sa ----------------------------10 puntos
pagpapahayag.
Maayos ang pagkakabuo ng pangungusap/talataan --------------- 5 puntos
KABUOAN --------------------------------------------------------------------25 Puntos
SANGGUNIAN:
Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 (with Talasalitaan) (pinoycollection.com)
mga ekspresyon nagpapahayag ng mga pananaw halimbawa ayon,batay,para,sang-
ayon,sa/kay,ganoon din sa - Brainly.ph
Wika at Panitikan: ANG PAGLALARAWAN NA PAGPAPAHAYAG (siningngfilipino.blogspot.com)

Inihanda ni:

JENNILYN D. SASI
(Addition Hills Integrated School)
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Maribel A. Diaz
_____________________ Marvin A. Valiente ___________________________
_____________________ Ignacio L. Salvador Jr.
Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

WERLITO C. BATINGA
Superbisor, Filipino/MTB-M

5
Kuwarter 4 : Linggo: 2 Competency Code: F9PD-IVa-b-55, F9PS-IVa-b-58, F9PU-IVa-b-58,
F9WG-Iva-b-57 Kasanayan: Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang
binasang akda sa ilang napanood na telenobela. Nailalahad ang sariling pananaw,
kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik. Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan -
paglalahad ng sariling pananaw - pag-iisa-isa pagpapatunay.

You might also like