You are on page 1of 8

FILDAL 1110

DALUMAT NG/SA FILIPINO

Pangalan: Jashcka Venisse U. del Campo

Kurso/Seksyon: BS Psychology 2-3

IKALAWANG PAMANAHONG PAGSUSULIT

GAWAIN 1. Bumuo ng isang titulong pampananaliksik sa mga sumusunod na paksa. Pumili

lamang ng dalawang paksa mula sa apat na nakatala sa ibaba.
1. Kontemporaryong Awiting Pilipino (saliksikin ang kahulugan ng salitang
kontemporaryo at ang yugto/panahong saklaw nito sa awiting Pilipino)
2. Usapin sa Lokal na Pamahalaan (Barangay/Munisipalidad/Lungsod)
3. Wika sa Edukasyon
4. Feminismo

PAALALA: 1. Ang mga bubuuing titulo ng pananaliksik ay kinakailangang maiugnay sa

kursong tinatahak sa kasalukuyan.
2. Hindi maaaring gamitin ang mga pananaliksik na ginamit sa FILDIS 1110.

GAWAIN 2. Pagpapatibay. Sumulat ng isa hanggang dalawang talata na nagpapatibay na

kailangang saliksikin ang iyong titulo. Gumamit ng mga kaugnay na literatura o
pag-aaral upang higit na mapagtibay ang iyong posisyon sa nabuong titulo.

GAWAIN 3. Itala ang mga pinaghanguan ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral gamit
ang APA format.

Sundang pormat para sa gagawing pagsusulit.

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
TITULO NG PANANALIKSIK 1:

Pananaw Tungkol sa Feminismo ng mga Estudyante ng Sikolohihya na Kabilang sa

Henerasyong Z sa Central Luzon State University

PAGPAPATIBAY

Ayon sa Diksiyonaryo.ph, “Ang feminismo ay ang doktrina na nagtataguyod ng

pantay na mga karapatan ng kababaihan at kalalakíhan sa larangang panlipunan,

pangkabuhayan, at pampolitika var peminismo”. Nagsimula ang feminismo noong 1848

sa Seneca Falls Convention na pinangunahan nina Elizabeth Cady Stanton at Lucretia

Mott na nagtulong upang ipabatid ang karapatan ng mga kababaihan at ito ay tinawag

na Declaration of Sentiments (Wade, 1848). Sa huli, ipinasa sa kongreso ng Estados

Unidos ang Ika-19 na susog noong Hunyo 4, 1919 na naglalayong bigyan ng

karapatang bumoto ang mga kababaihan (History, 2010). Ngunit noong kasagsagan ng

dekada 90, ang sinasabing panahon ng post-feminism o katapusan ng feminismo, ay

idineklara ng iba’t ibang artikulo na ang feminismo ay patay na o hindi na kinakailangan

pa (Ebeling, 1990; Hall et. Al., 2003). Sa kabila ng iba’t ibang deklarasyon na ito,

nagpatuloy ang ika-tatlong yugtong feminismo na naglayong paigtingin ang nabigong

ikalawang yugto ng paglaban sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay (Ohio

Humanities, 2018).

Ngayon ay patuloy pa rin ang kilusang pambabae o feminist movement, ngunit kung

ang mga kabataan ang tatanungin, marami sa kanila ang walang kamalayan sa

feminismo. Sa panahon ngayon, marami sa mga kabataan ang hindi kinikilala ang

ideolohiyang feminismo (Marsden, 2020). Nilalayon ng pananaliksik na ito na alamin

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
kung mayroon pa nga bang kamalayan patungkol sa feminismo ang mga kabataang

kabilang sa henerasyong Z at kung ano ang kanilang katayuan patungkol dito. Ang

pag-aaral na ito ay makatutulong upang magbigay impormasyon sa mga nakatataas

upang mas palawigin ang kaalaman ng mga susunod na henerasyon patungkol sa

pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng aspeto ng buhay.

SANGGUNIAN:

Diksiyonaryo (n.d.). Feminismo. https://diksiyonaryo.ph/search/feminismo

Ebeling, K. (1990). The failure of feminism. Newsweek, 116(21), 9-9.

Hall, E. J., & Rodriguez, M. S. (2003). The myth of postfeminism. Gender &

Society, 17(6), 878-902.

History (2010, March 5). 19th Ammendment.

https://www.history.com/topics/womens-history/19th-amendment-1

Marsden, A. (2020, March 7). The feminist movement: Why is it important to

young people?. We Are Restless.

https://wearerestless.org/2020/07/03/the-feminist-movement/

Ohio Humanities (2018, April 27). Betty Friedan: The Three Waves of

Feminism. http://www.ohiohumanities.org/betty-friedan-the-three-

waves-of-feminism/#:~:text=Feminist%20history%20can%20be

%20divided,with%20women's%20right%20to%20vote.&text=The

%20third%20wave%2C%20beginning%20in,to%2C%20second

%2Dwave%20feminism.

Wade, R. V. (1848). Seneca Falls Convention. Timeline.

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
TITULO NG PANANALIKSIK 2:

Isang Pananaliksik Ukol sa Pananaw ng mga Estudyante ng Sikolohiya ng Central

Luzon State University sa Kontemporaryong Awiting Pilipino

PAGPAPATIBAY

Ang kontemporaryo ay tumutukoy sa isang tao o isang hayop o ibang bagay na

nabubuhay nang sabay, o halos ang nagkapareho ang edad sa kabila ng pagkakaiba

(Nrenzey, 2014). Sa Art o Sining ay nagkaroon naman ng mas malawak na pagtanggap

sa mga iba't ibang uri o genre sa pagguhit, pagsayaw, pag-arte, at panitikan. Kabilang

din dito ang Kontemporaryong Awitin, ang Kontemporaryong Awiting Pilipino ay

kadalasang tumutukoy sa komposisyon na inangkop sa mga ideya at elementong mula

sa kanluraning musika ng ikadalawampung siglo (Santos, 1997). Nangangahulugan na

noon pa man ay mayroon nang bahid ng kanluran ang awiting Pilipino. Ngunit

mapapansin sa ngayon na unti-unti nang nawawala ang kakilanlanang awitin ng

Pilipinas at napapalitan na ito ng ibang kulturang awitin. Dahil dito ay ninais ng dating

Pangulong Corazon Aquino na panatilihin ang pagkakakilanlan ng awiting Pilipino sa

pamamagitan ng pagpapatupad ng Executive Order No. 255 kung saan ang lahat ng

istasyon ng radyo ay nararapat na mag-broadcast ng hindi bababa sa apat na orihinal

na awiting Pilipino kada-oras ng kanilang musikal na programa (The LAWPHil Project,

1987).

Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga magagaling na mang-aawit ay bihasa sa

mga awiting banyaga (Osorio, 2014). Dahil dito, mas nakararami na ang mga

kabataang mas tinatangkilik na sa ngayon ang kanluranin o ibang banyagang mga

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
awitin. Bukod sa pagbibigay depinisyon sa salitang “kontemporaryo”, nilalayon ng

pananaliksik na ito na alamin ang pananaw ng mga estudyante patungkol sa

kontemporaryong awiting pilipino. Ninanais din ng pag-aaral na ito na alamin ang

katayuan ng naturang musika sa mga bagong henerasyon ng kabataan upang

magbigay impormasyon na makatutulong sa pagpapanatili ng musikal na

pagkakakilanlan ng Pilipinas lalo ngayon sa panahong patuloy ang nangyayaring

pagkakahalo-halo ng iba’t-ibang kultura sa Pilipinas at patuloy din ang dahan dahan na

pagkawala o pagkamatay ng kakanyahang awiting Pilipino (Eagle News, 2015).

SANGGUNIAN:

Eagle News (2015, March 10). Is the OPM Dying?. https://www.eaglenews.ph/is-the-

opm-dying/

Nrenzey (2014). Anong ibig sabihin ng kontemporaryo.

Brainly.ph.https://brainly.ph/question/90710

Osorio, L. (2014, March 3). Critical Essay. Blogger. http://cedtle-

1b.blogspot.com/2014/03/leslie-osorio-ced-tle-1b-tangkilikinang.html

Santos, R. (n.d). Contemporary Music. GOVPH. https://ncca.gov.ph/about-ncca-

3/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/music/contemporary-

music/#:~:text=Contemporary%20music%20in%20the%20Philippines,styles

%20in%20the%20entertainment%20industry

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
The LAWPHil Project (n.d.). EXECUTIVE ORDER NO. 255 July 25, 1987. Arellano

Law Foundation.

https://lawphil.net/executive/execord/eo1987/eo_255_1987.html

Toppr (n.d.). Modern World History. https://www.toppr.com/guides/general-

knowledge/world-history/modern-world-history/

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
TITULO NG PANANALIKSIK 2:
Kahalagahan ng Sangguniang Kabataan sa Barangay: Isang Pananliksik

PAGPAPATIBAY

_________________________________________________________________________

______.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______.

SANGGUNIAN:

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
Pagmamarka
Titulo 50pts; Pagpapatibay 70pts; Sanggunian 30pts

This study source was downloaded by 100000843044545 from CourseHero.com on 05-16-2022 04:12:39 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93652333/Ikalawang-Pamanahong-Pagsusulit-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like