You are on page 1of 6

RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
Ikatlong na Linggo

Aralin: El Filibusterismo – Kabanata 11 - 19


MELCs: 1. Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata. (F10PU-IVb-c-86)
2. Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at
iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata) (F10WG-
IVb-c-79)
3. Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda. (F10PN-IVd-e-85)
4. Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,
magulang) (F10PB-IVd-e-88)

Susing Konsepto
Kabanata 11- Los Baños
Buod: Nagtipon-tipon ang Kapitan-heneral, Simoun, Don Custodio, Ben Zayb, mga prayle,
ilang kawani, at opisyal sa isang lugar sa Los Baños. Habang naglalaro ng baraha, marami
silang pinag-usapan, una na rito ang paglipat at pagtatanggal sa mga namumuno sa bayan
at mga panukalang nararapat na ipasa. Pinagtalunan nila ang kahilingan nina Basilio at ng
mga mag-aaral tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Maraming mga pagtutol at pagsang-
ayon ang naganap. Sa tagpong ito ay lumitaw ang katauhan ng Kapitan-heneral kung paano
siya mamuno.

Kabanata 12- Si Placido Penitente


Buod: Plano ni Placidong tumigil na sa pag-aaral na ikinagulat ng kaniyang ina at mga
kababayan. Siya ay taga-Tanawan at kilala bilang pinakamatalino, walang bisyo ni
kasintahan na maaring magyaya ng kasal upang maging dahilan ng kaniyang pagtigil sa
pag-aaral. Tinapik siya ni Juanito Pelaez, ang kaniyang kaklase. Malimit na si Placido ang
tanungan ng tungkol sa leksiyong pinag-aaralan ng buong klase. May hinihinging
kontribusyon kaya nagbigay agad si Placido upang magtigil na si Pelaez at batid rin niyang
ito’y makatutulong upang makapasa sa klase.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral, biglang may nagpapirma sa kaniya ng
‘di pa nababasa ang kasulatan, hindi siya lumagda kaya’t siya ay nahuli sa klase dahil sa
pagpipilitan. Hindi na patiyad ang kaniyang pagpasok sa halip ay pinatunog pa niya ang
kanyang sapatos upang siya ay mapansin ng guro at nangyari nga ito, dahil duon ay lihim
na pinagbantaan nito si Placido.

Kabanata 13- Ang Klase sa Pisika


Buod: Guro ni Placido sa Kimika at Pisika si Padre Millon. Ito ay aralin tungkol sa
paglalaboratoryo. Walang magandang anyo ang silid-aralan. Hindi gumagamit ng mga
larawan na pang-agham o iba pang gamit-pampagtuturo ang guro upang higit na matuto
sana ang mga mag-aaral subalit may ilang kasangkapang nasa aparador ngunit ito’y
nakasusi. Nagtanong ang guro sa isang mag-aaral, binulungan ito ni Pelaez ng maling sagot,
nagalit ang guro kaya’t si Pelaez naman ang tinanong ng guro, naghihintay si Pelaez ng
sagot mula kay Placido, napasigaw si Placido ng tapakan ni Pelaez ang paa nito kaya’t siya
ang

1
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

tinanong ng guro. Nagalit ang guro sa paraan ng pagsagot ni Placido. Binigyan ng labinlimang
liban si Placido, nagpanting ang tainga nito at umalis nang walang paalam. Natigalgal ang
buong klase, nagsermon ang guro hanggang sa tumugtog ang kampanilya.

Kabanata 14- Ang Tirahan ng mga Mag-aaral


Buod: Ang bahay ni Makaraig angp nagsilbing tahanan ng mga mag-aaral. Maaliwalas ang
lugar. Nagkakagulo ang mga mag-aaral sa paninda ng Intsik. May naglalaro ng arnis,
naggigitara, piyano, akordiyon, at kung ano-ano pa. Biglang tumahimik ang mga mag-aaral
ng dumating sina Isagani at Sandoval. Nag-usap-usap tungkol sa kanilang panukalang
pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Biglang dumating si Makaraig, nagbalita ng
naging pag-uusap nila ni Padre Irene. Marami siyang inilahad na kaisipan at gayundin ang
naging payo ng Padre.

Kabanata 15- Si Ginoong Pasta


Buod: Sinadya ni Isagani si Ginoong Pasta ayon na rin sa payo ni Padre Irene. Si Ginoong
Pasta ay kilalang manananggol na sinasangguni ng mga tao tungkol sa mahahalagang
pasiya. Lumapit si Isagani sa kaniya upang magpatulong kung paano makukumbinsi ang
mga nasa katungkulan upang pagbigyan ang kanilang panukala.
Seryoso ang naging pag-uusap nina Isagani at Ginoong Pasta. Hindi man lang
nakaramdam ng kaba si Isagani, nagsimula siyang magpaliwanag ukol sa kanilang
panukala. Ngunit siya’y bigo. Nais ni Ginoong Pasta na ilayo ang sarili sa usapin at
ipagkatiwala sa pamahalaan ang pagpapasiya. Marami pang sinabi ang matandang
abogado subalit lalo itong nagpabigat sa damdamin ni Isagani. Magalang siyang yumukod at
tuluyan nang umalis.

Kabanata 16- Mga Kapighatian ng Isang Intsik


Buod: Hangad ni Quiroga na magkaroon ng konsulado ng Tsina sa Pilipinas at siya ang
nais maging konsul kaya’t nagdaos siya ng handaan. Ito ay dinaluhan ng mga prayle,
kilalang mayayaman, may mga katungkulan, mangangalakal, at ng mga tagatangkilik ng
kanilang negosyo. Dumating rin si Simoun na hinahangaan ni Quiroga.
Mataas ang tingin ni Quiroga kay Simoun dahil sa pagiging malapit nito sa Kapitan-
heneral. Nag-usap ng sarilinan ang dalawa at naidaing ni Quiroga ang pagkalugi ng
kaniyang negosyo. Inalok ni Simoun ng tulong si Quiroga, pahihiram niya ito ng pera at si
Simoun ang maniningil sa mga taong may pagkakautang sa kaniya. Atubili si Quiroga, sa
kalauna’y nakumbinsi rin ni Simoun ang negosyante sa pamamagitan ng panggigipit nito na
bayaran na ni Quiroga ang kinuha nitong tatlong pulseras kay Simoun na nagkakahalaga ng
siyam na libo. Kasunod nito ang pakiusap ni Simoun na itago sa kaniyang bodega ang ilang
kahon ng armas na darating. Takot man ay napapayag siya ni Simoun pagkatapos na
makapagpaliwanag.

Kabanata 17- Ang Perya sa Quiapo


Buod: Masaya ang gabing iyon. Ang labindalawang nag-uusap sa handaan ni Quiroga ay
pumanaog upang panoorin ang mahika sa likod ng palabas ni Mr. Leeds ayon na rin sa
suhestiyon ni Simoun upang mapatunayan kung anong gamit ni Mr. Leeds sa kaniyang
panoorin. May tugtugan, mga makukulay na ilaw, iba’t ibang paninda at higit sa lahat ay ang
naggagandahang dalaga. Marami ang naglabasang mga kabinataan at karamihan ng
taumbayan ay nais maglibang. Lumitaw ang ugali ng mga prayle ng gabing iyon lalo na nang
makita ang kagandahan ni Paulita Gomez na kasintahan ni Isagani. Si Paulita Gomez ay
pamangkin ni Donya Victorina.

2
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Kabanata 18 – Ang Kadayaan


Buod: Bago magsimula aang palabas ni Mr. Leeds siniyasat muna ng grupo nina Ben Zayb
ang mga gamit ng Amerikano, naghahanap sila ng salamin na tulad ng kanilang inaakala.
Nagsimula na ang palabas at lubhang nakapangingilabot ang amoy, nagpatay-sindi ang
ilaw. Kusang nabuksan ang kahon, nais ipasilip ni Mr. Leeds ang laman nito ngunit sa isang
kondisyon: hindi hihinga ang sisilip upang hindi mabawasan ang abo na nasa loob ng
kahon. Walang nagtangka. Naging isang ulo ang abo, nabuksan ang mga mata nito at tumitig
kay Padre Salvi. Nangatal ang Padre. Nagpakilala ang ulo at pagkatapos nito’y ibinunyag
ang kasamaan ni Padre Salvi. Bigla itong nahimatay.

Kabanata 19 - Paglisan
Buod: Masama ang loob ni Placido. Dinalaw ni Kabesang Andang ang anak. Kinausap
siya ng kaniyang ina at pinapayuhang makiusap sa mga prayle upang makatapos ng pag-
aaral. Isinumpa ni Placido ang mga prayle.
Ninais ni Placidong pumunta na lang sa Hong Kong upang doon ay magpayaman at
pagkatapos ay maghiganti. Nagkita sila ni Simoun sa perya. Niyaya siya nitong sumakay sa
karwahe at isinama sa bahay nang gumagawa ng pulbura. Dalawang oras silang nag-usap.
Nagkaunawaan ang dalawa tungkol sa balak ni Simoun na paghihiganti, bumalik siya sa ina
at buong lugod na tinanggap ang mga payo nito.

Alam mo ba na...

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga Pang-ugnay o Panandang


Pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang:
pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at
gayundin.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga,
paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at
kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat, at
kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na
kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy, at bunga.

3
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

GAWAIN 4
Panuto : Ngayong nabasa mo na ang buod ng Kabanata 11-19 ng El Filibusterismo,
sumulat ka naman ng sariling buod mula sa mga ito. Gamitin ang mga tamang mekaniks
gayundin ang wastong pang-ugnay sa pagsulat ng mga pangungusap. Sundin ang
pamantayang makikita sa ibaba.

Rubrik sa Napakahusay (5) Mas Mahusay (3) Mahusay (1)


Pagpupuntos
Nakapagsagawa ng wasto ng sariling Naisagawa ang buod ng Bahagyang naisagawa ang
Nilalama buod ng mahahalagang pangyayari Kabanata 11-19. buod ng Kabanata 11-19.
sa Kabanata 11-19.
n
Gamit ng Nakagamit ng angkop at sapat na Nakagamit ng angkop na mga Nakagamit ng ilang pang-
Pang-ugnay pang-ugnay sa pagbubuod ng pang-ugnay sa pagbubuod ng ugnay na salita sa
(baybay at Kabanata 11-19. Kabanata 11-19. pagbubuod ng Kabanata
11-19.
bantas)
Nailahad ang buod ng Kabanata 11- Nailahad ang buod ng Nailahad ang buod ng
Kalinisan at 19 sa malinis at maayos na paraan. Kabanata 11-19 sa malinis na Kabanata 11-19.
Kaayusan paraan.

Rubrik sa Napakahusay (5) Mas Mahusay (3) Mahusay (1)


Pagpupuntos
Nilalaman
Gamit ng Pang-ugnay
(baybay at bantas)
Kalinisan at
Kaayusan
Kabuoan

Sariling buod ng Kabanata 11-19

_
.

4
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

GAWAIN 2
Panuto: Suriin ang bawat pahayag sa ibaba. Alamin kung ano ang kaisipang lutang dito.
Sa bawat kahon ay isulat ang titik D kung tungkol sa pagmamahal sa Diyos; B kung
tungkol sa bayan; KT kung sa kapuwa-tao; o M kung sa magulang o kapamilya.

1. Nahabag ang Mataas na Kawani sa sinapit ng guro na matapos humingi ng tulong


at sa halip na tulungan ay inalisan pa ng hanapbuhay.

2. Ipinagamit ni Makaraig ang kaniyang tahanan sa kapuwa niya mag-aaral.

3. "Nais kong linisin ang bayan at wasakin ang binhi ng masasama," wika ni Simoun.

4. “Ang mga tulisan ang pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan dahil


nagpapakapagod sila sa araw-araw nilang pagkain," ang pagtatanggol ni Simoun.

5. Kinabukasan ay nakinig si Placido nang may pagpapakumbaba at ngiti sa mga


labi sa pangaral ng kaniyang ina.

GAWAIN 3
Panuto: Mula sa mga pahayag na nakatala sa loob ng kahon ay ipahayag ang iyong sariling
paniniwala at pagpapahalagang kaugnay nito sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod
na mga tanong.
"Ngunit hindi dapat matuto ng Kastila ang mga Indio, hindi ba ninyo naiisip?" pahayag ni Padre Camorra. "Hindi nila ito kailan

1. Naniniwala ka bang ang edukasyon ay matibay na sandata o kalasag upang makamit


ng isang tao o bansa ang inaasam-asam na pagbabago? Bakit?

2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng bukás na isipan at wastong


edukasyon upang ang isang tao o bansa ay manatiling malaya sa
kapangyarihang maaaring umalipin sa kaniya o dito?

3. Bilang kabataan, paano mo pinahahalagahan ang edukasyong iyong tinatamasa sa


kasalukuyan? Sa iyong palagay, paano kaya ito makatutulong sa iyo upang makamit
ang iyong mga hangarin sa buhay?

Gabay na Tanong

1. Bakit mahalagang masupil o mahinto ang mga pang-aabuso o paglabag sa


karapatang pantao? Ano ang tamang hakbang o paraan upang ito’y harapin?
2. Bakit kailangang magpakasakit at pagsikapang abutin ang naisin, pangarap, at
adhikain sa kabila ng masasakit na pangyayari sa buhay?
Paano ito makatutulong sa sarili at sa mga taong nagmamahal at umaasa sa iyo?

5
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

*Mas makabubuting magkaroon ng sariling sipi ng akdang El Filibusterismo upang


mabasa nang buo ang nobela.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 - Iba-iba ang sagot


Gawain 2
1. KT 2. KT 3. B 4. KT 5. M
Gawain 3 – Iba-iba ang sagot

Sanggunian

Marasigan, Emily V, Nestor S. Lontoc, at Ailene G. Basa-Julian. Ikalawang Edisyon


Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2019. 490-570.

Ongoco, Tomas C. Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo. Quezon City. Manlapaz


Publishing Co., Inc., 2001. 2-30.

Inihanda ni:
FLORDELINA O. AVERILLA
Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:


LODEVICS E. TALADTAD

ROBERTO A. GABIA

Sinuri ni:
MARLON L. FRANCISCO
DEPS – FILIPINO (Sangay ng Lungsod ng Calapan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600 Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.phX
6

You might also like