You are on page 1of 7

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pagsusuri ng


panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha ng


sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

==================================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : ___________________________________________________

Pangkat : ___________________________________________________

Talatakdaan : ___________________________________________________

Pangalan ng Fakulti : ___________________________________________________

Bilang ng Modyul : 4 sa 10

Paksa/Aralin : Panitikan hinggil sa Pangmagsasaka (Sanaysaging ni Epifanio G. Matute)

Bilang ng Linggo : 4

Nilalayon ng Kurso sa Pagkatuto

Ang nilalayon ng kursong ito ay ang:


1. Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.

2. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.

1
Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1: Suriin ang pabalat ng libro. Ano ang mga salitang


naiisip ninyo sa pabalat na ito? Iugnay sa salitang obra maestra ang
mga salitang naisip. Gumawa ng isang pahayag mula rito. Ipadala
ang inyong sagot sa platform na sasabihin ng guro.

https://www.google.com/search?

Magtuloy tayo sa pagtalakay! q=Lalaki+sa+Dilim&tbm=isch&ved


=2ahUKEwjr5Jf2wK7rAhX9xIsBHcp

Pagtalakay at Lektura
Nagkaroon tayo ng kaalaman hinggil sa panunuring pampanitikan at kung paano
sinusuri ang isang akda ayon sa pamantayang dapat nating malaman.

Si EPIFANIO G. MATUTE ay isang makata at manunulat. Siya


ay asawa rin ng sikat na manunulat na si Genoveva Edroza-
Matute. Naging tanyag siya sa maraming akdang kaniyang
naisulat. Siya rin ay isang scriptwriter sa Dramatic Philippines.
Siya rin ay patnugot ng isa sa sikat na magasin na Sampaguita at
naging kagawad din sa magasing Liwayway.

Si AMADO VERA HERNANDEZ ay ginawaran na


Pambansang Alagad ng Sining na siyang naging Ama ng mga
Manggagawa. Marami na rin siyang naisulat at patungkol
ito sa mga obrero. Isa sa pinakatanyag niyang likha ang https://www.google.com/search?
q=epifanio+matute&tbm=isch&ved=2ahUKEwj835CXtK7rAh

Luha ng Buwaya at Mga Ibong Mandaragit. Napangasawa


niya ang reyna ng kundiman na si Atang de la Rama.

Suriin natin ang isang kabanata mula sa sanaysay ito. Ang nobela ay kasama sa araling
ito.

SANAYSAGING
Epifanio G. Matute

Hindi po. Ito‘y hindi isang makagimbal-daigdig na pagtalakay tungkol sa saging. Wala
kaming maipagmamalaki sa naturang paksa kundi ang ganap na kawalang-kaalaman sa
bagay na ito...
Katunayan, ang aming kawalang-muwang tungkol sa saging ay minsan nang

2
pinatibayan sa isang paraang hindi mapag-aalinlanganan kamunti man, ng isang
karanasang nakapamumula ng taynga. Noo’y nasa pinakamasidhing yugto ang laganap
na pagsasalat sa pagkain nang panahon ng digmaan at pananakop ng mga Hapon. Ang
sambayanan ay naduyukdok at naduling sa gutom pagkat naubos ang bigas dahil
sinamsam ng hukbong nakasasakop...
Sa paglalakad isang araw ay nakatagpo kami ng isang makabulagtang punong-saging,
na sa malas ay itinapon ng kung sino... nagunita naming bigla ang kwento ng pagong at
unggoy at ng kanilang pakikipagsapalarang kinasangkutan ng isa ring punong-
saging.Kung ang makupad na pagong ay nagtagumpay sa pagtatanim, pagpapatubo at
pagpapabunga ng prutas na ito, kami pa kayang mabilis-bilis naman nang bahagya kaysa
pagong? Kaya noon di’y sinunggaban namin ang punong-saging upang itanim sa likod
bahay.
Pasan ang punong-saging, nag-inut-inot kami sa pag-uwing medyo nanginginig ang
tuhod – hindi dahil sa bigat ng aming pasan, kundi dahil sa daluhong ng gutom na
maagang sumalakay sa aming sikmura, palibhasa’y dahop na dahop na marahil sa mga
bitamina A at D ang aming naging agahan nang araw na iyon. Gaano na bang katigasan
ng tuhod ang maitutustos ng kalahating putol na ginlalaking kamoteng may ulalo pa sa
dulo, at isang tasang kape-mais-na-sinangag-nang-sunog, na bahagya napatamis ng
tatlong ulit na paglulubog at pagsagip sa kapiratiting na panutsa? Ang butil ng panutsa ay
kailangan mapaabot ng pitong araw, hanggang sa dumating na muli ang rasyon para sa
samahang pangmagkakapit-gutom, este pangmagkakapitbahay.
Sa madali’t salita, sumapit din kami sa aming bahay. Matapos makahigop ng kaunting
mainit na sabaw ng nilagang kangkong na kasama pati mga ugat, ay pinagsaulian kami
ng sapat na lakas at sigla upang maihukay at maitanim saka madilig ang puno ng saging.
Pagkabangong-pagkabangon kinabukasan ng umaga, hindi naming nakuhang sumaglit
muna sa kaukulang pook upang tumugon sa tawag ng kalikasan pagkat buhat sa paglabas
sa kulambo ay tuwiraan na kaming sumugod sa kinatatamnan ng punong saging... Sa
harap ng aming humahangang mga mata ay naroon siya, sariwang-sariwa na ang mga
dahon at tila naghuhuminding ang kanyang buong kaanyuan wari’y ipinoproklama sa
buong mundo ang kanyang muling pagkabuhay...
Sapul noon ay nagtining ang lahat ng aming panahon, lakas at sigla sa minmutyang
punong-saging. Hindi na maglalaon, ito’y magpupuso na at mamumunga. Noon pa ma’y
para na naming nakikuta ang malusog na buwig na nagsisikip sa siksikang piling ng
mapipintog na saging. Sa wakas, hindi na magtatagal at mula Lunes-hanggan-Linggong
pakikipagsimangutan sa kamote at kangkong ay masususugan na ng matamis,
malinamnam at naiiba naman sa panlasang prutas. Sa kabilang dako, tila nman may isip
ang punog-saging na masiglang tumutugon sa aming pag-asa at pag-asam. Mabilis ang
kanyang pagtaas at paglaki habang lumalakas ang mga araw, samantalang padagdag
naman nang padagdag ang mga butas ng aming sinturon, na halos dalawang ikot na ang

3
pagkakabigkis sa aming paimpis nang paimpis na baywang....
Ngunit...
Sa aba ng aming kapalaran! Nagsimula nang sumalakay sa himpapawid ang mga
eroplanong Amerikano na sinundan ng paglunsad sa Leyte. Nabigkas na ang bantog na
pangungusap na “Nakabalik na ako!” ng noo’y hindi pa nasisirang si MacArthur...
dumating na ang sinasabing liberasyon, kasabay ng pagdagsa ng mga GI Joe at katugong
pagkakatusak ng mga GI Girls, na ang relasyn ay hindi nakalmpas sa pantalan; bumaha
na ang malalagkit na bigas California; nagparada na ang mga lata ng sardinas, salmon,
chili con carne, luncheon meat, K-rations, pinulbos na gatas at itlog, sigarilyong Virginia
at iba’t iba pang uri ng pagkain at kagamitang siyang nagsilbing pangalawang hukbong
bumihag at sumakop sa panlasa at isipan ng mga dinatnan... ngunit ano mang tanda ng
pagpupuso at pagbubunga ng punong-saging sa aming likod bahay ay hindi pa rin
mabakas...
Bakit kaya? ...Baka kaya dahil sa nakaraang dagundugan ng mga putok ng kanyon at
pagsabog ng mga bomba ay nasindak ang kaawa-awang punong-saging kaya lihim na
nakunan nang wala sa panahon ang pobre. Bakit kaya?
Ngunit kinabukasan lamang ay natuklasan namin... Dumating ang isang naming
amaing lumikas sa timog sa panahon ng digma. Naibalita namin sa kanya ang tungkol sa
nakapagtatakang pangyayari sa aming itinanim...
“Aba nakuuuuu!” ang bulalas niya, “kung hindi ka naman gago e! Paano mamumunga,
e, hindi naman saging yan?”
“Hooooo?” ang buong panggigilalas naming tanong, na parang direct hit ng mag-
asawang nuclear bomb. “Hindi saging?”
“Hindi!” ang patotoo ni Tiyo Ompong.
“E, ano hong klaseng hayop iyan?”
“Tanga! Abaka ‘yan... Hindi namumunga ng saging ang abaka!” ang tukso sa amin ng
aming amaing namimilipit sa pagtawa. “Lubid ang makukuha mo diyan. Itali mo sa leeg
mo, saka ka magbigti, para mapagtakpan ang kabobohan mo!” At sa yugtong iyon ng
buhay, lubusang naghiwalay ang landas namin at ng saging. Sapul noon ay ayaw na
naming makakita, makarinig at makaamoy ng anumang bagay na may kinalaman sa
saging...
Datapwat kamakailan lamang ay nadiskubre naming hindi pala maaaring ignorahin...
at nasabi sa kanyang sarili ng saging. “Ngayon ay ipakikilala ko sa iyong hindi mo akong
maaaring bale-walain. Isinusumpa ko, ipapako mong muli sa akin ang iyong pansin,
hindi lamang ang iyong pansin, kundi pati pansin ng buong bansa!” At kamakailan nga
lamang ay nagbalik siyang taglay ang lahat ng nagpupuyos na paghihiganti!
...Tapat sa kanyang isinumpa, hindi na nga naman pansin lamang namin, kundi
pansin ng buong bansa ang napako sa kanya. Lumikha siya ng humaharurot na ipuipo ng
mainit bakitaktakan sa mga pahayagan, magasin, radyo, telebisyon, kapihan, bangketa at

4
palengke. At sa alimpuyo ng mga pangangatwirang pasang-ayon at pasalungat sa
proyektong kumutan ng saging ang Dabaw, ay lumahok ang mga utak sa lahat ng sangay
na nagpapakilos nang pasulong at maging paurong (nakalalamang yata ang paurong) sa
ating Republika. Mula sa mababatas, hagurin mo nang pakanan, ay nagpaligsahan ang
mga argumento ng mga senador, kongresista, ekonomista, editoryalista, kolumnista,
kommentarista at ng mga nalalabi pang ista, kabilang pati ang mga istambay. Opo, noon
ay narating ng saging ang kaituktukan ng kabantugan sa lahat marahil ng panahon.
Ngunit katulad ng din ng kanyang bungang nalalarot kapag labis na ang pagkahinog,
ang saging na naging popular na paksa ay hindi rin naglaon at lumabas. Sa harap ng
makapangyarihang daluyong ng nagkakaisang damdaming kontra-saging ay ipinahayag
ng Pangulong hindi maaaring pagtibayain ang kondisyones na nakaungaog na sanang
kasunduan, dahil sa mahigpit na itinatadhana ng Saligang Batas, kaya saging na ay
naging bato pa.
Ang pangyayaring iyon ay aming pinanghihinayangan nang malabis... Ang
ipinaghihimutok ng aming kalooba’y ang maaarin sanang mangyari sa Perlas daw na ito
ng Silanganan, kung hindi nabigo ang balak na sagingisasyon ng bansa. Sa bagay na ito,
ang pamuhatan namin ng pananaw ay hindi na pansarili lamang, manapa’y makalilibong
higit na malawak, pambuong kabansaan, sumasaklaw sa mga sumusunod pang salinlahi
sa mga darating pang dantaon.
Sino ang makahuhula, kung ang maunlad at dagsaang produksyon ng saging na
gagawin sana, salamat sa dakilang layunin ng dayuhang kompanya, ay siyang magiging
kalutasan ng wala yatang katapusang paghihikahos natin sa bigas, sa labas-masok ng
mga taon? Pagkaraan lamang ng ilang taon ay daragsa na ang prutas na ito sa lahat ng
sulok ng Pilipinas. Uulan ng latundan, babaha ng lakatan at matatabunan tayo ng
bungulan! Ano ba naman ang hindi kanais-nais, kung sa halip na mailap na bigas ay
maging saging na ang pambansang pangunahing pagkain ng mga Pilipino? Makatitipid
pa tayo ng panahon at pagod. Sa halip na magsaing pa, maggatong, magpakulo’t
magpainin ng kanin, ay wala tayong gagawin sa saging kundi talupan at lantakan. Sa
ganyan, ang ating taunang suliranin sa pagkain ay mawawakasan na nang minsanan at
panghabang-panahon.
...At sapagkat saging ang sana’y nakahango sa atin at nakapagpaunlad ay ito na ang
ating magiging sagisag na pambansa. Halimbawa, ang tatlong bituin sa ating bandila ay
maaari nating palitan ng tatlong saging: Lakatan, Latundan, at Bungulan. Ang
Malakanyang ay maaari nating taguriang Masagingyan. Tayong mga Pilipino’y maaari na
sanang tumidig nang buong pagmamalaki, at sa tila iisang tinig ay may dahilan na sana
tayong magpailanlang sa apat na sulook ng Kasilangang Asya – hindi – sa buong
sandaigdigan man, ng ating sana’y magiging bagong pambansang awit.
“Bayang masaging, Perlas ka ng Sagingan/ Puso ng saging, sa dibdib mo’y buhay.
Lupang sinaging, duyan ka nga latundan/ Sa kontra-saging, di ka padadagan.

5
Sa dagat at bundok/ Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang saging at/ Awit sa
lakatang minamahal....”
Sayang! Opo, sayang na sayang. Dahil sa ilang laos nang tadhana ng Saligang Batas na
maaari namang susugan upang makalikha ng Saligang Butas, ay nawalan ang ating
bayan ng pambihirang pagkakataong maging isang tunay, taal, at dalisay na Republikang
Saging
(Habol: Pagkatapos ng Sandaling Panahon, natuloy rin ang kompanyang Amerikano sa
malawakang sagingan sa Mindanaw. EGM).

GAWAIN 2: Sa gawaing ito, suriin ang dalawang akda (Sanaysaging at Mga Ibong
Mandaragit) at ang tuon lamang ay ang sumusunod: pamagat, manunulat, tauhan,
banghay (bilang kabuuan), at tunggalian. Isaalang-alang ang pagkakabuo ng manunulat
sa akda. Sumangguni sa guro kung ano ang magiging format at plataporma sa pagpasa.

Mungkahing Gawain para sa Pagkatuto

GAWAIN 3: Suriin ang pagkakabuo ng akda at batay sa kaukulang pananaw ng


pampanitikan. Magbigay ng tag-limang (5) at ipaliwanag ang kaugnayan ng bawat isa.
Sumangguni sa guro kung ano ang magiging format at plataporma sa pagpasa.

Pagtataya/ Awtput

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon.


Isaalang-alang sa gawaing ito ang mga naging PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN.
Ipapasa ito sa pamamagitan ng fb group page (inihanda ng guro/propesor).

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-repleksyon/?


fallback=1) upang maunawaan ang paraan ng pagsulat.

6
Pinakamahusay Mahusay Malilinang
Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang
komprehensibo ang nilalaman ng bawat kakulangan sa
nilalaman ng bawat talata. nilalaman.
talata.
Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang
malinaw ang daloy ng ang presentasyon presentasyon ng
paglalahad ng kaisipan. ng ideya. Malinaw mga ideya. May
May tamang ang daloy ng bahaging di
pagkasunod-sunod ang paglalahad ng gaanong malinaw
ideya. kaisipan. na paglalahad ng
kaisipan.
Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses na


nasa ibaba upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay natin.

 Toledo, P. A. M. (n.d.). Talambuhay. Scribd. Retrieved August 22, 2020, from


https://www.scribd.com/doc/121168342/Talambuhay

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

CRISTOPHER S. SOBREMESANA
Guro sa Filipino

Rebecca T. Anonuevo, PhD


NPC President

You might also like