You are on page 1of 13

ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Yunit IV: Pagharap


sa mga Isyu sa
Pakikipagkapuwa

Ikaapat na Markahan
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Aralin 17
15
PAGTAGUYOD AT PAGPAPAHALAGA SA KAPATIRAN
Ang araling ito ay masusing ginawa upang matulungan ka sa mga araling ukol
sa pagtaguyod at pagpapahalaga sa kapatiran. Ipinipakita sa araling ito ang
kahalagahan ng pagtaguyod at pagpapahalaga sa kapatiran. Ang mga pagsasanay at
gawain sa araling ito ay tiyak na mapauunlad at mapagyayaman ang kasanayan ng
mga mag-aaral sa ikawalong baitang.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagtaguyod at pagpapahalaga sa


kapatiran;
b. Naisasabalikat ang pagtaguyod at pagpapahalaga sa kapatiran;
c. Nakagagawa ng isang collage na naglalaman ng mga litrato ukol sa
pagtaguyod at pagpapahalaga sa kapatiran.

MGA KAGAMITAN:

• Laptop/Tablet/Cellphone/Computer
• Lapis/Ballpen/Papel

MAHALAGANG KATANUNGAN:

Paano mo pinahahalagahan at itinataguyod ang kapatiran


na iyong kinabibilangan?
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Kapit Bisig
Ilagay sa mga kamay ang mga salitang nabubuo sa iyong isipan
kapag naririnig mo ang salitang kapatiran. Ilagay sa gitna ng
kamay ang sa tingin mo ang pinaka naglalarawan sa salitang
kapatiran.
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Pamprosesong Tanong:
• Ano ang mga dahilan kung bakit mo inilagay ang mga
salitang iyong isinagot o isinulat patungkol sa salita na
kapatiran?

• Ikaw ba ay mayroong kapatirang sinasalihan ngayon? Ano


ang inyong ginagawa sa loob ng kapatiran na iyon?

• Paano ka natutulungan ng kapatiran sa iyong suliranin


bilang isang mag-aaral?
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Video Analysis
Paanorin at masusing unawain ang bidyo na may kaugnayan sa
kapatiran. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Silent Christmas
https://www.youtube.com/watch?v=Ag1Ewveba-k

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mapanood ang video?

2. Sa iyong palagay bakit kaya nag-alay ng saludo ang mga tao


sa loob ng bahay sa litrato na kanilang Nakita?
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

3. Bilang isang mag-aaral ano kaya sa tingin mo ang


kaugnayan nito sa kapatiran?

4. Sa iyong palagay nagampanan ba ng taong nasa litrato ang


pagtataguyod at pagpapahalaga ng kapatiran sa grupo na
kaniyang kinabibilangan? Patunayan ang iyong sagot?

5. Ikaw ba ay kabilang o kasapi ng isang kapatiran? Paano mo


masasabi na naitataguyod mo at napapahalagahan mo ang
kapatiran na iyong sinalihan?
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

KARAHASAN SA PAARALAN
Lubos na nakakakabahala ang mga nababalitaan natin sa
telebisyon patungkol sa lumalaganap na karahasan sa loob at
labas ng paaralan. Ayon sa Rappler isang pahayangang online
laganap sa mga unibersidad o paaralan ang nangyayaring
fraternity or kung tawagin nila ay frat na mayroong
kinapapalooban na madahas o mapanakit na inisiyasyon upang
matanggap ka sa napili mong organisasyon o grupo. Sinsabing
ang mga kilos o asal nakakasakit sa isang inbidwal ay maituturing
na isang karahasan lalo na’t kung ito’y nagaganap sa loob ng
isang paaralan.
Ang pangbubulas o ang bullying ay isang hindi katanggap
tanggap na ugali o asal mula sa iyong kamag-aral, kasamahan o
isang indibidwal sa paaralan o sa komunidad. Kadalasang ang
mga gumagawa nito ay may layonf ipahiya o pisikal na saktan
isang taong sa tingin nila ay mahina at hindi lalaban sa harap ng
maraming tao.
Mga Uri ng Pambubulan
• Pisikal na Pambubulas
• Pasalitang Pambubulas
• Sosyal/ Relasyonal na Pambubulas
• Pambubulas sa internet/ Cyber Bullying

Kalikasan ng Samahan ng Fraternity/Sorority


Ang salitang Fraternity ay galing sa salitang latin Frater na
ang ibig sabihin at kapatiran, pinupunto nito ang pormal na
depenisyon o kilos ng isang organisasyon at nabubuo sa loob nito
ang kapatiran ng isang grupo. Ang kapatiran sa bawat
organisasyon ay nailalarawan sa pamamagitan ng impluwensiya
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

ng mga miyembro sa mga asosasyon sa mga mahal sa buhay at


mga layunin ng bilateral na may kaugnayan sa dalawang panig.
Gayunpaman, ang isang fraternity/sorority ay nabubuo depende
sa layunin nito maaring ito ay mabuo sa edukasyon sa paaralan,
relihiyon, pulitika at iba pa.
Mga Tunay na Layunin ng Fraternities/Sororities
Sinasabing ang fraternities at sororities ay hindi naiiba sa
makabuluhang mga institusyon o mga grupo. Marapat lamang na
sa isang fraternities o sororities at hikayatin ang bawat isa sa
mabuting adhakain at hindi ikakapahamak ng mga miyembro
nito, ang mga sumusunod ay ang tunay na layunin ng fraternities
o sororities.
• Kapatiran
Sa loob ng isang fraternity/sorority marapat lamang na
hubugin ang pagkakaibigan, katapatan at mabuting adhikain ng
bawat miyembro nito. Marapat lamang na ang layunin ng isang
fraternity/sorority ay pagkakaisa at mabuting pagtrato sa kapwa
nito.
• Pakikipagkapuwa.
Marapat lamang na nilalahukan ng bawat miyembro sa
isang fraternity/sorority ang konsepto ng respeto at pagmamahal
sa bawat miyembro at kapuwa nito. Kailangan sa loob nito ay
aktibong naisasapraktika ang katarunagn at pagmamahal sa
pagpapatatag ng pakikipagkapuwa. Lingid sa ating kaalaman na
ang ginagawa ng isang indibidwal sa loob ng kinabibilangan
nitong fraternity/sorority ay nakakaapekto sa ginagawa ng mga
tao sa paligid nito gayundin na marapat isabuhay ang kabutihan
sa loob at labas ng fraternity/sorority.
• Serbisyo sa Pamayanan
Ang serbisyo sa komunidad o serbisyo sa pamayanan ay
isang donasyong serbisyo o aktibidad na ginagawa ng isang
indibidwal o grupo ng mga tao para sa kapakinabangan ng
pangkalahatang publiko ng pundasyon o institusyon nito.
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

• Pamumuno
Hindi matatatag ang isang fraternity o sorority kung wala
itong magaling na pinuno kung kaya’t sa loob ng isang fraternity
o sorority ay hinuhubog ang kagalingan ng isang nammumuno.
Pinaniniwalaan din nil ana ang bawat miyembro ay may angkop
na kakayahan upang palaguin ang kanilang nalalaman bilang
isang magaling na lider sa hinaharap.
• Akademikong Pag-unlad
Sa loob ng isang fraternity o sorority marapat lamang
maranasan ng mga miyembro nito na hindi sila nag-iisa sa aspeto
ng kanilang pag-aaral, gayunpaman ang mga nakakatandang
miyembro nito na maalam sa mga asignatura sa usaping
akademiko at tinutulungang paunlarin ang nalalaman ng mga
miyembro nito kung kaya’t madalas magsagawa ng mga tutorial
activities o kitaan upang magpaturo ang nangangailangan o
nahihirapang miyembro nito.
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Panuto: Gumawa ng isang collage na naglalaman kung paano


mo pinahahalagahan at itinataguyod ang kapatirang iyong
kinabibilangan. Gamitin ang Rubriks na nasa ibabang bahagi ng
pahinang ito.

PAMANTAYAN 4 3 2
Ang nilalaman ng Iilan sa nilalaman Ang nilalaman ng
collage ay ng collage ay hindi collage ay hindi
NILALAMAN naangkop sa paksa angkop patungkol angkop sa paksa
sa paksa

Mahusay at Iilan sa mga Walang kaugnayan


LITRATO angkop ang mga napiling litrato ay ang mga napiling
napiling litrato na hindi angkop sa litrato na inilagay
iniligay sa loob ng collage sa collage
collage

Maayos na Ilan sa mga litrato Hindi maayos ang


KAAYUSAN nailagay ang mga at nilalaman ng pagkakalagay ng
litrato at mga collage ay hindi mga litarto at
nilalaman ng maayos ang nilalaman ng
collage pagkakalagay collage

Mahusay at May iilan na salita hindi angkop ang


PAGKAMALIKHAIN naangkop ang mga at litrato na hindi mga ginamit na
salita at litratong angkop na gamitin salita at litrato sa
ginamit sa collage para sa collage collage
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Ang Aking Fraternity


Sa gawain na ito gumawa ng sariling fraternity na kung saan ay
may layuning mag-ambag ng mabubuting gawa sa komunidad
sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa loob ng Fliers.
ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

Pamprosesong Tanong:
1. Nahirapan ka bang mag-isip ng isang fraternity/sorority? Bakit?

2. Sa iyong mga isinagot o isinulat patungkol sa idelohiya ng fraternity


na iyong ginawa ano sa palagay mo ang pinaka na gustuhan mo at
bakit?

3. Ano ang mga mabubuting gawa na puwedeng maiambag ng iyong


fraternity sa iyong baranggay?

4. Paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang lider ng Fraternity?


ESP 8: Aralin 17 – Pagtaguyod at Pagpapahalaga sa Kapatiran

sanggunian

Rosales, E. (2021, January 21). [Opinyon] Ang Mga Unibersidad Ay bukas sa lahat, Liban SA
Karahasan. RAPPLER. Retrieved February 13, 2022, from
https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-universities-open-all-except-
violence/

Dannessa Santos Follow. (n.d.). Pambubulas / Bullying. SlideShare. Retrieved February 13,
2022, from https://www.slideshare.net/DannessaSantos/pambubulas-bullying

Fraternity/Sorority. prezi.com. (n.d.). Retrieved February 13, 2022, from


https://prezi.com/n5hmofqor64l/fraternitysorority/?fallback=1

Resula, R., By, OTAKU, R. R. P., Resula, R., & OTAKU, P. (2017, September 20). Ang Mabuti
at Masamang Dulot ng Pagsali sa frat, alamin! PhilippineOne. Retrieved February 13,
2022, from https://philippineone.com/ang-mabuti-at-masamang-dulot-ng-pagsali-sa-frat-
alamin/

IIC, B. (1970, January 1). Ano Nga Ba ang fraternity at Saan Nga Ba Ito Nagsimula? (group 4
II-C). Ano Nga Ba Ang Fraternity At Saan Nga Ba Ito Nagsimula? (group 4 II-C).
Retrieved February 13, 2022, from http://bond-og.blogspot.com/2008/08/ano-nga-ba-ang-
fraternity.html

You might also like