You are on page 1of 14

ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Yunit IV: Pagharap


sa mga Isyu sa
Pakikipagkapuwa

Ikaapat na Markahan
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Aralin 16
PAGGALANG AT PANGANGALAGA SA SEKSUWALIDAD
Ang araling ito ay masusing ginawa upang matulungan ka sa mga araling ukol
sa paggalang at pangangalaga sa seksuwalidad. Ipinipakita sa araling ito ang
kahalagahan ng paggalang at pangangalaga sa seksuwalidad. Ang mga pagsasanay
at gawain sa araling ito ay tiyak na mapauunlad at mapagyayaman ang kasanayan ng
mga mag-aaral sa ikawalong baitang.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kahalagahan ng paggalang at pangangalaga sa


seksuwalidad;
b. Naisasabalikat ang paggalang at pangangalaga sa seksuwalidad;
c. Nakabubuo ng isang brochure na nagpapakita ng panggalang at
pangangalaga sa seksuwalidad.

MGA KAGAMITAN:

• Laptop/Tablet/Cellphone/Computer
• Lapis/Ballpen/Papel

MAHALAGANG KATANUNGAN:

Bakit mahalaga ang tamang pananaw sa seksuwalidad?


ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

BAHAGHARI NG SEKSWALIDAD
Sa bawat kulay ng bahagri na makikita sa pahinang ito ilagay ang
mga bagay na iyong ginagawa upang pangalagaan ang iyong
sarili at seksuwalidad, gamitin ang sariling karanasan sa pagsagot
nito.
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong sagutan o
punan ang bahaghari?

2. Nahirapan ka ba sa pagsagot o pag-iisip kung paano mo


inaalagaan ang iyong sariling seksuwalidad? Bakit?

3. Ano ang mga bagay na iyong isinaalang alang upang


masagutan o mapunan mo ang bahaghari na may
kinalaman sa pangangalaga ng iyong sariling seksuwalidad?
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

PARU-PARO G!
Sa pamamagitan ng isang paru-paro ilagay o punan ang mga
pakpak nito patungkol sa iyong kaalaman sa mga isyung
panlipunan na may kinalaman sa seksuwalidad. Matapos mo
itong mapunan ay kulayan ito base sa iyong nararamdaman sa
mga isinagot mo sa loob ng pakpak.
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong sagutan ang
pakpak ng paru-paro?

2. Sa lahat ng iyong isinagot mayroon ka ba doong naranasan?


O patuloy na nararanasan?

3. Base sa iyong isinagot kanina sa pakpak ng paru-paro bakit


ang mga kulay na napili mo ang nagrerepresenta ng iyong
nararamdaman? Ipaliwanag.

4. Sa iyong palagay mahalaga bang talakayan natin ang


seksuwalidad ng isang tao? Bakit mo ito nasabi?
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Sekswalidad: Pangalagaan at Igalang


Ano ang Sekswalidad?
Matatandaan niyo na sa unang markahan ng Baitang 7 ay
pinag-aralan ninyo sa klase ang inaasahang kakayahan at kilos na
marapat niyong matamo bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata. Ngayong sapat na ang iyong kaalaman sa pagkatao
ng isang tao, mahalagang balikan at pag usapan natin muli ang
tatlo sa mga kakayahan at kilos na ito: Sekswalidad at
Pagmamahal, Kahalagahan ng Pangangasiwa sa Sekwalidad at
ang pagkakaroon ng sekswal na integridad.
Ano nga ba ang seksuwalidad? Ang seksuwalidad ng tao ay
nauugnay sa kaniyang pigging ganap na babae o lalaki. Hindi mo
masasabi na isa kang ganap na tao maliban sa iyong pagiging
ganap na babe o lalaki. Maari ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o
pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao.
Nagbibinata o nagdadalaga ka na, kaya sa lagay na ito ang
iyong interes ay nagbabago rin. Ibig sabihin lamang nito na ang
mga bagay na iyong kinahihiligan noon ay hindi na nakalilibang
sayo ngayon. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay napupukaw na
rin ang iyong seksuwal na interes. Hindi ito dapat na ikabahala o
ikahiya. Bahagi ito ng proseso upang maging ganap ang iyong
pagkabinata o pagkalalaki gayon si pagdadalaga o ganap na
pagkababae. Sinasabing ang prosesong ito ay mahaba at hindi
dapat minamadali, ito ay isang katunayan na nagpapatuloy
lamang ang iyong paglago bilang isang lalaki o babae hanggang
sa ikaw ay tumanda.
Sa ngayon ang iyong tungkulin ay paghandaan ang
pagdating ng tamang panahon upang hanapin ang iyong kapares
o magiging kabiyak sa katapat na kasarian (Kung sa palagay mo
ay pag-aasawa ang iyong magiging bokasyon). Malimit na
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

margining o mapanood ito sa telebisyon na and tamang babae o


lalaki na para s aiyo may matatagpuan mo lamang sa tamang
panahon o kapag ika’y handa na.

Ang Sex Drive o Libido


Tulad ng isang salmon, dadating ang panahon na
kakailanganin nitong umalis sa karagatan upang magtungo o
maghanap ng isang ilog. Sa paglalakbay nito sasagupain nito ang
iba’t ibang pagsubok na maari nitong makaharap, matapos
nitong malagpasan ang malakas na agos ng tubig paakyat sa
bundok ay saka lamang maghahanap ang salmon ng
makakapareha nito, babae at lalaki, lalaki at babae upang
magparami ng kanoilang uri. Marahil naitanong mo kung anon ga
bang kaugnayan ng isang salmon sa iyong sex drive? Ang mga
salmon, ikamatay man, ay patuloy nitong susundin ang dikta ng
kanilang kalikasan (Instinct), sa pagkakataong ito ay
mangingibabaw ang tinatawag nilang sex drive o katutubong
simbuyong seksuwal.
Kailan man ay hindi maaring maikupamra ang katutumbong
simbuyo (Sex drive) ng hayop sa seksuwal na pagnanasa ng tao.
Ang instinct ng isang hayop ay isang awtomatikong kilos o reflex
mode na hindi ngangailangan ng kamalayan. Kaya nga kapag
nasa panahon na, hindi mo maawat ang mga hayop na gawin
kung ano ang likas sa kanila. Kaya nga mas angkop na tawaging
udyok o simbuyo ng damdamin ang seksuwal na pagnanasa
kung tao ang pag-uusapan. May kamalayan at Kalayaan ang
seksuwalidad sa tao. Kung hahayaang mangibabaw, maari itong
magbunga ng kakulangan sa kaniyan pagkatao o maging sanhi
ng abnormalidad sa sekwal na oryentasyon.
Mga Paraan Upang mapanatili ang Sekswal na Integridad
a. Linawin sa sarili at sa katpat na kasarian ang iyong mga
pagpapahalaga at limitasyon.
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

b. Tanggihan ang panghihikayat o alok na gawain ang isang


sekswal na gawain.
c. Ingatan ang iyong kilos at salita
d. Pumili ng mga disenteng bagay na maaring gawin ng
magkasama
e. Tiyakin na palaging may kasamang ibang tao
f. Iwasan ang pornograpiya
g. Sundin ang payo ng magulang ukol sa pakikipag-ugnayan sa
katapat na kasarian.
h. Pagsumikapang bumuo ng pakikipagkaibigan, hindi sekswal
na ugnayan.

Limang (5) Napapanahong Isyu Tungkol sa Sekswalidad:


• Premarital Sex
Ito ay ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal, ito din ay
pakikipagtalik ng hindi pa sa tamang panahon.

• Teen Pregnacy o Maagang pagbubuntis


Kadalasan ang teenage pregnancy ay bunga ng maagang
pakikipagrelasyon at pagsasagawa ng pre-marital sex, bunga
nito ang pagkakaroon ng anak o pagdadalang tao ng isang
babae ng wala pa sa hustong gulang.

• Pornograpiya
Ang pagnood ng malaswang palabas sa telebisyon,
magazines at sa internet, ang salitang pronogrpiya ay
nagmula sa dalawang salitang Griyego na “Porne” ibig
sabihin taong nagbebenta ng panandaliang aliw at
“graphos” na ibig sabihin pagsulat o paglalarawan.

• Pang-Aabusong Sekswal
Ang pang-aabusong seksuwa mas kilala sa tawag na pang
momolestiya ay ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na
seksuwal na pag-uugali o gawain ng isang tao sa iba.
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

• Prostitusyon
Ito ang pagbibigay ng serbisyong seksuwal sa isang tao
kapalit ng bayad. Ang karaniwang pumapasok sa isipng mga
tao kapag nabanggit ang prostitusyon ay babae lamang ang
sangkot, ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao na maraming
uri ng prostitusyon, kagaya ng male prostitusyon, at child
prostitution.
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Panuto: Gumawa ng isang brochure na naglalaman kung paano


mo aalagaan ang iyong seksuwalidad ng may integridad at
nararapat sa moral na kaisipan ng isang tao. Gamitin ang Rubriks
na nasa ibabang bahagi ng pahinang ito.

PAMANTAYAN 4 3 2
Ang nilalaman ng Iilan sa nilalaman Ang nilalaman ng
brochure ay ng brochure ay brochure ay hindi
NILALAMAN naangkop sa hindi angkop angkop sa
seksuwalidad patungkol sa seksuwalidad
seksuwalidad

Mahusay at Iilan sa mga Walang kaugnayan


LITRATO angkop ang mga napiling litrato ay ang mga napiling
napiling litrato na hindi angkop sa litrato na inilagay
iniligay sa loob ng seksuwalidad sa brochure
brochure

Maayos na Ilan sa mga litrato Hindi maayos ang


KAAYUSAN nailagay ang mga at nilalaman ng pagkakalagay ng
litrato at mga brochure ay hindi mga litarto at
nilalaman ng maayos ang nilalaman ng
brochure pagkakalagay brochure

Mahusay at May iilan na salita hindi angkop ang


PAGKAMALIKHAIN naangkop ang mga at litrato na hindi mga ginamit na
salita at litratong angkop na gamitin salita at litrato sa
ginamit sa para sa brochure brochure
brochure
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

Panuto: Sagutin ang tanong na nakapaloob sa kahon sagutin ito


ng buong puso at may katotohanan.

Pamprosesong Tanong:
1. Nahirapan ka bang sagutin ang tanong na nakapaloob sa
kahon? Bakit?

2. Base sa iyong mga kasagutan ito ba ay nagagawa mo bilang


isang mag-aaral? Paano?
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

3. Paano mo babaunin ang iyong mga nalaman o napag-aralan


patungkol sa sekswalidad ng isang tao?

4. Bilang isang mag-aaral ano ang iyong mapangangako


upang mapanitili ang iyong sekswal na integridad? Paano
mo naman tutuparin ang iyong pangako?
ESP 8: Aralin 16 – Paggalang at Pangangalaga sa Seksuwalidad

sanggunian

Ikaapat Markahan Modyul 3 katapatan sa ... - znnhs.zdnorte.net. (n.d.). Retrieved February 12,
2022, from https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/06/ESP8-Q4-Modyul-3.pdf

Ang Sekswalidad ng Tao. SlideShare. (n.d.). Retrieved February 12, 2022, from
https://www.slideshare.net/jaredram55/ang-sekswalidad-ng-tao

Levine, B., Sullivan, K., Swan, S. H., Levine, B., Upham, B., Migala, J., Colino, S., & Pearson,
C. (n.d.). Sex drive: Why it is important to overall health. EverydayHealth.com. Retrieved
February 12, 2022, from https://www.everydayhealth.com/sexual-health/deconstructing-
sex-drive-what-libido-says-about-health/

Guest. (n.d.). ESP GR 10 MODYUL 14. pdfcoffee.com. Retrieved February 12, 2022, from
https://pdfcoffee.com/esp-gr-10-modyul-14-pdf-free.html

ToAZ info a resolution integrate for PDF Viewer. toaz.info. (n.d.). Retrieved February 12, 2022,
from https://toaz.info/doc-viewer

You might also like