You are on page 1of 6

Pangalan: ___________________________________ Petsa: _________________________

Baitang & Seksyon: ___________________ Marka: ________________________

Week 1: Panitikan : Tanka at Haiku


Gramatika/Retorika: Ponemang Suprasegmental
Ikalawang Markahan

Layunin: Nakikilala ang kasingkahulugan at kasalungat ng salita.


Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang salita na ginamit sa Tanka at Haiku.
Napaghahambing ang sariling damdamin at ang damdamin ng bumibigkas ng tanka at haiku.
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagkakabuo ng tanka at haiku.
Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono.
Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

Simulan Natin

Ano ang saloobin o damdamin mo sa araw na ito? Iguhit ang iyong nadarama sa bilog na nasa ibaba.

Payabungin Natin

Panuto: Hanapin at bilugan ang kasalungat ng salitang may salungguhit mula sa iba pang salita sa loob ng
pangungusap. Pagkatapos ay isulat ang kasingkahulugan nito sa patlang bago ang bilang. Piliin ang
iyong sagot sa loob ng kahon.
hihinto dilat pag-edad
ginaw Tagtuyot paghina

_____________1. Kanina’y mulat ang kanyang mga mata, ngunit sa pagod ngayo’y pikit na.
_____________2. Bago pa lang nagsisimula ang kanyang paghihirap ay naniniwala siyang titigil din ito.
_____________3. Ang lamig na nararamdaman niya kahapon ay naging matinding init ngayon.
_____________4. Sa pagtanda ng kanyang isipan ay siya naming pagbata ng kanyang itsura.
_____________5. Nakalulungkot panoorin ang mga puno sa panahon ng taglagas, ngunit hindi na dapat mag-alala
darating din ang tagsibol.
Basahin Mo

Tanka Paliwanag

Araw na mulat
Isinulat ni Empress Iwa no Hime,sinasabing
Sa may gintong palayan
ang tula ay isinulat ng empress dahil sa
Ngayong taglagas
kabiguan niyang masolo ang pag-ibig ng
Di ko alam kung kelan
emperor.
Puso ay titigil na

Isinulat noong ikapitong siglo ni Princess


Nukata. Isinulat niya ito noong dumalo siya ng
Sa Murasaki ceremonial gathering of the herbs noong May
Ang bukid ng palasyo 5, 668 na inorganisa ni Emperor Tenji. Isa sa
Pag pumunta ka mga consorts ng naturang emperor. Ang tanka
Wag ka sanang makita na ito ay inalay ng prinsesa sa kanyang dating
Na kumakaway sa’kin asawa na si Prince Oama.

Haiku Paliwanag

Mundong ‘sang kulay Ang haiku na ito ay isinulat ni Matsuo Basho


Nag-iisa sa lamig ang tinaguriang master ng haiku.
Huni ng hangin

Isinulat ni Basho ang haiku sa kalagitnaan ng


Ngayong taglagas paglalakbay sa Osaka. Sa panahong ito ay
‘Di mapigil pagtanda unti-unti na siyang nanghihina.
Ibong lumilipad

Lakbay ng hirap Huling haiku na isinulat ni Basho sa banig ng


Pangarap na naglayag kamatayan. Alam niyang malubha na ang
Tuyong lupain kanyang karamdaman ngunit ang pagsulat pa
rin ang kanyang nagging sandigan.
Sagutin Natin

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ano ang napansin mo sa limang tulang binasa? Tungkol saan ang pinapaksa ng bawat isa?
2. Naipahayag ba ng mga sumulat ang kanilang nararamdaman noong oras na isinulat nila ang tula? Patunayan.
3. Sino sa tatlong manunulat ng tula ang may mapait na karanasan sap ag-ibig? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Sino naman ang nagsasalawahan sap ag-ibig?
5. Sa panahon ngayon, saan mo maikukumpara ang ganitong klase ng pagpapahayag ng damdamin?

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinhagang salitang ginamit sa tanka at haikung binasa.

Pahayag Kahulugan
Puso ay titigil na

Ngayong taglagas
‘di mapigil pagtanda
Lakbay ng hirap

Pangarap na naglayag

Tuyong lupain

C. Isipin mong ang tanka at haiku na iyong binasa ay binibigkas ng mga may-akda nito, anong damdamin ang
masasalamin mo sa kanila? Isulat ito sa loob ng puso. Sa ikalawang hanay naman ay isulat ang iyong damdamin.

Damdamin ng May-akda Damdamin Ko

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Mundong ‘sang kulay


Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin

Buoin Natin
Batay sa mga binasang halimbawa ng tanka at haiku suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku gamit ang
graphic organizer sa ibaba.

Tanka Haiku

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Bilang ng pantig

Bilang ng taludtod

Sukat ng bawat
talutdod

Tema o paksa

Isaisip Natin
Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at hinto o antala
(juncture).
1. Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita
maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Halimbawa: BUhay--- bigkas malumanay at may diin sa unang pantig (life)
buHAY--- bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive)

2. Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang
salita, parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang
magkaunawaan ang nag-uusap. Maaaring makapagpahayag ng iba’t-ibang damdamin o
makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon.
Subukin Pa Natin

Panuto: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng pahayag. Isulat ang titik lamang.
a. buNOT b. BUnot
_____1. bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig
_____2. paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan

a. Saya b. saYA
_____3. ligaya
_____4. Isinusuot ng babae

a. LAmang b. laMANG
_____5. nakahihigit
_____6. Natatangi

a. Linga b. liNGA
_____7. paglingon
_____8. buto ng halamang ginagamit na pampabango sa pagkain

a. Aso b. aSO
_____9. Hayop na inaalagaan
_____10. usok
Palawakin Pa

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat nang may tamang diin, tono, at antala.

1. Namamasyal ka sa isang parke na noon mo lang napuntahan. Nais mo sanang malaman kung saan ang labasan. Ano ang
sasabihin mo sa taong nais mong pagtanungan?

2. Nanalo ka sa patimpalak ng pagsulat ng tula. Paano mo ito ibabalita sa iyong magulang?

B. Panuto: Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Bigyang pansin ang kuwit na ginamit.

1. Titser si Mam Cruz.


Paliwanag: ______________________________________________________________

2. Hindi, si Sir Richard ito.


Paliwanag: ______________________________________________________________

Isagawa Mo Ngayon ay pagkakataon mo nang ipakita ang iyong husay sa pagsulat ng tulang
nagmula sa mga Hapones. Bumuo ka ng sarili mong tanka at haiku na kung saan
makikita rito ang ipinapahiwatig ng iyong damdamin. Isulat sa nakalaang espasyo sa
ibaba ang iyong tulang bubuohin.

You might also like