You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

PROVINCE OF RIZAL ) S.S.


MUNICIPALITY OF SAN MATEO )

SINUMPAANG SALAYSAY NA SAGOT SA HABLA

Ako po si AGUSTIN A. DEDEL / 31 taong gulang nakatira sa


BLK. 18 L1 VILLA SAN MATEO 2 GUITNANGBAYAN2 SAN
MATEO, RIZAL. Matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
malayang nagsasaad ng mga katotohanan.

1. Ako po ay magsasalaysay sa totoong nangyari at upang


pabulaanan ang ipinaparatang sa akin ni SALVADOR E.
SANTOS III (aka ASPAG) sa nangyaring kaguluhan noong
gabi ng Sept. 21 sa ganap na alas 7:00pm hanggang alas
9:00pm ng gabi sa ABUAB, GUITNANGBAYAN2, SAN
MATEO, RIZAL.
Sa bahay ng aming mga kasamahan sa trabaho, kami po ay
nagkaroon ng kaunting salu-salo at kasiyahan. Nang
bandang alas 8:30 pm ng gabi kami ng aking mga kasamahan
ay nagbabastaan nang umuwi. Nang sa dadaan na po ang
grupo ni SALVADOR (aka Aspag) kasama ang kanyang
kapatid na lalaki at bayaw na naka motor at sila ay mga lasing
na. Pagtapat po nila sa amin ng mga kasamahan ko ay bigla
na lang po nila kaming minura ng : “PUTANG INA NYO!”. Sa
nangyaring iyon ay hindi na lang namin sila pinansin ngunit
ang hindi namin alam ay may bato po pala silang hawak at
biglang ibinato sa amin.
Sa pangbabato nilang iyon ay may tinamaan po sa mga
kasamahan ko at naging sanhi ng pagputok ng kanyang ulo;

2. Doon na po nagsimula ang kaguluhan na umabot sa pisikalan


dahil napilitan na po kaming ipagtanggol ang aming mga
sarili. Ang gulo ay umabot sa pagitan ng bahay ng aking
kasamahan at pagitan ng bahay ni SALVADOR kung saan ay
sangkot ang kapatid na lalaki at bayaw ni Aspag. Nang
walang anu- ano ay lumapit ang asawa at kapatid na babae ni
Aspag na may dalang kaldero na siyang ibinato sa amin bago
sila umawat.
Kaya wala pong katotohanan na kami ang nag umpisa ng gulo
at ang kapatid na babae ni Aspag ay hindi din totoo na
nakahandusay. Ang tungkol naman po sa BARIL ay
kasinungalingan din po sapagkat ang trabaho ko po ay driver.
Kaya wala po kaming dahilan para magkaroon o magdala ng
baril. Kung kaya’t masasabi ko na pawang kasinungalingan.
Yung kalderong kanilang sinasabi ay galng po yun mismo sa
bahay nila Aspag at hindi rin po ako namalo ng helmet
sapagkat wala po akong dalang helmet nung araw na iyon
dahil malapit lang naman po ang bahay ko sa lugar ng
pinangyarihan.

Na, aking isinagawa ang salaysay na ito nang malaya at


kusang loob at upang hilingin sa kagalang-galang na Tagausig na
ipawalang bisa ang paratang laban sa akin sapagkat wala itong
basehan sa batas at ebidensya.

SA KATUNAYAN ANG LAHAT NG ITO ay aking nilagdaan


ngayong ika ____ Enero 2022 dito sa bayan ng San Mateo lalawigan
ng Rizal.

AGUSTIN A. DEDEL

SUBSCRIBED AND SWORN to before this _____ day of


January 2022 in San Mateo, Rizal with further certification that I
personally examined and that I am satisfied that he personally
executed and understood the contents of this affidavit.

You might also like