You are on page 1of 1

Mga minamahal kong siyentista, pilosoper, at imbentor,

Ako ay nagpapasalamat sa inyo dahil sa mga ambag ninyo na patuloy na


nagagamit sa kasalukuyang panahon. Lubos na nakatulong ito sa amin upang
magkaroon kami ng mga ideya at kaalaman sa iba’t ibang larangan. Lubos kong
ikinatutuwa na dahil sa mga siyentista ay natuklasan ang mga aspekto ng agham.
Isang halimbawa nito ay ang Law of Universal Gravitation ni Sir Isaac Newton na
lubos na nakatulong sa amin sa kasalukuyang panahon sapagkat nagagamit namin
ito sa larangan ng physics. Kasama na rito ang naimbentong teleskopyo ni Galileo
Galilei na kaniyang nagamit upang mapatunayan ang teoryang Heliocentric.
Isinasaad rito na ang lahat ng planeta ay umiikot sa araw. Ipinagpapasalamat ko
naman sa mga pilosoper ang mga mahahalagang kaalamang ibinahagi nila sa amin
na lubos na nakatulong upang maliwanagan ang ating mga isipan. Si John Locke ay
isang tanyag na pilosoper dahil sa kaniyang kasabihan na “Ang kaalaman ng tao ay
hindi makahihigit sa kaniyang karanasan”. Panghuli, gusto kong pasalamatan ang
mga mahuhusay na imbentor dahil sa mga imbensyon nila na nagagamit nang
epektibo sa iba’t ibang larangan. Si Archimedes ay maraming mga naimbentong
mga kagamitan. Isa na rito ay ang lever na mapagpapagaan ng trabaho ng mga
tao dahil ito ay nagagamit upang mabuhat ang mabibigat na mga bagay.
Maraming-maraming salamat sa mga pagsisikap at pagtitiyaga ninyo upang
maibahagi ang inyong nalalaman sa iba’t ibang larangan. Lubos akong tumatanaw
ng utang na loob sa mga ambag ninyo. Ang mga ito ay patuloy na magagamit
hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Nagmamahal,
Jotino D. Guila

You might also like