You are on page 1of 5

RepublikangPilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Datu Saliman
Paaralan Baitang 6
Elementary School
MASUSING BANGHAY -ARALIN Guro Nelida L. Collados Kasanayang Pagkatuto Filipino
Ikatlong Markahan,
Petsa at oras ng pagtuturo Kapanahunan
Ikawalong Linggo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapakita ang kagalingan sa pagsulat ng tula
B. Pamantayan sa Pagganap Nakikilala ang elemento ng tula.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Makapagbasa at makakasulat ng tula.
D. Layunin Nakasusulat ng tula at nakikilala ang elemento nito.
II. NILALAMAN
A. Paksa Pagsulat at Pagkilala sa elemento ng tula.
B. Pangunahing Konsepto Nakilala ang elemento at pagsulat ng tula.
C. Pang-unang Kasanayan Naipapakita ang kahusayan sa pagsulat.
III. MGA KAGAMITANG
PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina ng Kagamitang Gabay sa MELC
Pagututuro
2. Mga Pahina ng Kagamitang Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina ng Aklat
4. Karagdagang Kagamitan mula sa LR Tsart
B. Iba pang Kagamitan mula sa LR
Websites
Mga Aklat/Dyornal
C. Kagamitan

Gawaing Guro Gawaing Bata


Basahin ang bawat pangungusap at kilalanin kung anong uri ng
(ACTIVITY) pangungusap ito (pasalaysay, patanong, pakiusap, pautos). Isulat ang sagot
sa patlang.
GAWAING PAGSASANAY ___ 1. Lita kunin mo ang mga aklat na iyan. (isulat ng mga bata ang kanilang sagot)
___ 2. Higit pa raw sa amoy ng mabahong isda ang mga taong hindi
minamahal ang sariling wika.
___ 3. Pakiabot nga ng payong ko.
___ 4. Saan ang bahay mo?
Pagbasa ng mga pares ng salita.
PAGGANYAK dakila – matiyaga
handa – gawa
akin – mahalin
bihis – walis
Mga bata magkasintunog ba ang pares ng mga salita?
Bakit kaya?

PAGLALAHAD Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang elemento at pagsulat ng tula.

PAG-ALIS NG SALITANG Tula – ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog,
NAKASAGABAL paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Ipabasa ang tula.


(ANALYSIS) Ang Bulaklak
ni: Ma. Luisa Lining
PAGSUSURI Bulaklak ay humahalimuyak
Sa tahanan naming payak
Taglay nitong ganda
Tunay na nakakahalina
Kaya ang bubuyog na umaaligid
Dagdag sa ganda ng paligid
Bawat araw ito’y nagbibigay sigla
Sa mga taong nababahala
- Ang Bulaklak
 Ano ang pamagat ng tula? - malaking titik
 Sa anong titik isinulat ang unang salita sa bawat linya tula? - humahalimuyak – payak, umaaligid – paligid
 Ano-ano ang mga salitang magkatugma mula sa tula? - walo
 Ilang linya mayroon ang ating tula?
Ito ay tinatawag nating taludtod.
Ang ating tula ay may dalawang saknong.
Taludtod – ang tawag sa linya ng mga salita sa tula.
(ABSTRACTION) Saknong – ay grupo ng mga taludtod.

PAGTATALAKAY Ang Bulaklak


ni: Ma. Luisa Lining
Taludtod
Bulaklak ay humahalimuyak
Sa tahanan naming payak
Saknong
Taglay nitong dan
Tunay na nakakahalina
Kaya ang bubuyog na umaaligid
Dagdag sa ganda ng paligid
Bawat araw ito’y nagbibigay sigla
Sa mga taong nababahala
(sagutin ng mga bata ang tanong)
Ano ang kahalagahan ng isang bulaklak?
Sa inyong tahanan may bulaklak din ba kayo?
Ano-anong mga bulaklak mayroon kayo?
Basahin ang tula at kilalanin ang element nito gamit ang mga gabay na
(APPLICATION) tanong.

PAGLALAPAT Ang Aking Mga Tala


ni: Eloisa Ana Marie Domingo
Ako ay biniyayaan ng pamilya.
Sa pakikipagsapalaran ko’y kasama
Sila’y nagbibigay ng pag-unawa
Lahat ng kaba ay inaalis nila
Sila’y nagpapaningning ng aking buhay
Sa araw-araw, nagbibigay ng kulay
Sa buhay ko na ito, sila ang gabay
Sila ang mga tala ng aking buhay. - walo
Ilang taludtod mayroon ang ating tula? - dalawa
Ilang saknong mayroon ang ating tula? - buhay – kulay, gabay – buhay
Ano-ano ang mga salitang magkatugma?

PAGLALAHAT Ano ang tawag sa isang uri ng panitikan na nagbibigay ritmo, at mga tunog - tula
na salita?
Ano ang tawag sa bawat linya ng tula? - taludtod
Ito ay tinatawag na grupo ng mga taludtod. - saknong

Kopyahin ang tula at sagutin ang mga gabay na tanong.


(ASSESSMENT) Ang Aking Guro
TAYAHIN Masdan mo ang guro, ang taong dakila,
Mapagtiis siya't laging matiyaga,
sa tungkulin niya'y lagi siyang handa,
Walang tigil siya sa maghapon gawa.

Guro ko ang siyang nagturo sa akin,


Na ang ating lupa ay aking mahalin,
Ako raw'y gumawa at aking sikaping
Mapaunlad itong mutyang bayan natin. - dakila – matiyaga, handa – gawa, akin – mahalin
1. Ano-ano ang mga salitang magkatugma mula sa tula? - apat
2. Ilang taludtod mayroon ang unang saknong? - apat
3. Ilang taludtod mayroon ang ikalawang saknong? - dalawa
4. Ilang saknong mayroon ang isang tula?

(ASSIGNMENT) Magsaliksik ng tula at isulat ito sa isang “Short Bond Paper”


Gawaing Bahay

V. REMARKS/MGA PUNA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya .
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang karagdagang gawain ng pagkatuto na
nakakuha ng 80% pababa
C. Nakatutulong ba ang mga karagdagang gawain
sa pagkatuto, Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa
karagdagang gawain?
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang
nakatutulong nang lubos? Bakit ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang naranasan na siyang
naging dahilan ng pagtulong ng aking punong
guro at superbisor?
G. Anong kagamitang pagtuturo ang aking
natuklasan na maaari kong maibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like