You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 9
[IKALAWANG MARKAHAN]

I. Layunin:

Pamantayang Pangnilalaman
{Content Standard} : Ang mag-aaral ay…

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


sa sa mga piling akdang tradisyonal ng
Silangang Asya.

Pamantayan sa Pagganap
{Performance Standard} : Ang mag-aaral ay…

Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Kasanayan sa pampagkatuto
{Learning Competency [MELC’s]} :
 Nauuri ang mga tiyak na bahagi at
katangian ng isang dula batay sa
napakinggang diyalogo o pag-uusap;

 Nasusuri ang binasang dula batay sa


pagkakabuo at mga elemento nito.

II. Nilalaman:

Paksang Aralin: DULA: Ang Munting Pagsinta at mga Elemento ng Dula.

Mga Kagamitan sa Panturo:


1. Larawan
2. Telebisyon o laptop {Powerpoint Slide Show}
3. Modyul 5, Quarter 2

Sanggunian: https://www.youtube./vYW5WdSnMzw at Module 5 Quarter 2

Learning Across Discipline: Math, English at Edukasyon sa Pagpapakatao

III. PAMAMARAAN:

PANIMULANG GAWAIN:

-PANALANGIN
-PAGBATI
-PAGBABALIK TANAW

PAGGANYAK:

 “Name it to Win It” ang gawaing ito ay huhulaan ng mga mag-aaral ang mga
larawan kalakip ang mga letra upang makabuo ng isang salita. Ang mga salita
ay nasa Akdang “Ang Munting Pagsinta” na mula sa Pelikulang Mongol: “The
Rise of Genghis Khan” ni Sergei Bordrov na hinalaw ni Mary Grace A.
Tabora. (Ikalawang Markahan- Modyul 5. Pahina 2-3). (2 minuto)
PAGTALAKAY “Interaktibong Talakayan”

 Pagtatalakay ng Guro sa Paksang Aralin gamit ang Power Point Presentation


at Modyul 5 Quarter 2 Pahina 2-3 (Buod ng “Akdang Ang Munting Pagsinta)
at (pagtalakay sa mga elemento ng dula) Pahina 4 gamit ang isang Gawain
na “Ayusin Mo Ako” sa gawaing ito ay aayusin ng mga mag-aaral ang mga
letra na nasa kahon upang makabuo ng isang salita na may kaugnayan sa
paksang tatalakayin. (10 minuto)
“Ayusin Mo Ako”
1. PRKSI - ISKRIP
2. OKRTA - AKTOR
3. ANLTNGAHA - TANGHALAN
4. KIDREOTR - DIREKTOR
5. DONANOMO - MANONOOD
PAGLALAHAD

 Mula sa akdang “Ang Munting Pagsinta” ay bibigyang diin ng Guro ang mga
aral sa Kwento at ang Elemento ng Dula at kung paano ito nauuri sa mga
tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o
pag-uusap at kung paano nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo
at mga elemento nito. (2 minuto)

PAGLALAPAT:

 Ang Panitikang natutunan mula sa Silangang Asya ay hindi lamang


pagpapakilala ng kanilang lahi, kultura at tradisyon ito rin ay nagbibigay aral
sa bawat isa. Makakakuha tayo ng mga bagong kaalaman na makakatulong
sa ating sariling pag-unlad at magtuturo ng tamang asal (EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO).
Mula dito ay gagawin ng mga mag-aaaral ang isang aktibidad na tatawaging
OH-MY-THOUGHTS! (2 minuto)
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?

2. Anong damdamin ang nangibabaw s aiyo pagkatapos basahin ang akda?


Ipaliwanag.

3. Makatotohanan ba ang pagganap ng mga tauhan batay sa diyalogo?


Patunayan.

4. Akma ba ang tanghalan/tagpuan sa mga pangyayari sa akda? Ipaliwanag.

5. Mahusay ba ang iskrip lalo na ang banghay at diyalogo ng dula? Bakit?

IV. PAGTATAYA:
FILL MO BLANKO!
 Isang bagay na natandaan ko sa pagsulat o paggawa ng dula, ito ay
nagbibigay libang, nagbibigay _______________________, pumupukaw ng
__________________________ at humihingi ng pagbabago. (2 minuto)

TAKDANG ARALIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang gagawa ng isang sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

You might also like