You are on page 1of 2

Vision Mission

MABINI COLLEGES provides quality

instruction, research and extension service programs at


MABINI COLLEGES shall
all educational levels as its monumental contribution to
cultivate a CULTURE OF
EXCELLENCE in education. MABINI COLLEGES, INC. national and global growth and development.
Daet, Camarines Norte Specifically, it transforms students into:

______________________________________________________________________________ God-fearing

GAWAIN 2 Nation-lov ng i

1. Ilahad kung ano-anu ang katungkulan ng mga babae ayon kay Rizal. Buhat sa kanyang liham,
buuin ang matatawag na ulirang Pilipina. Kung nabasa na ang nobelang Noli at El Fili, may
maituturing bang ulirang Filipina sa kanyang tauhan sa nobela batay sa tinutukoy sa kanyang
liham sa Kababaihan ng Malolos?

-Ayon kay Rizal ang mga kababaihan ay may tungkuling pangalagaan ang dignidad at reputasyon
na hindi magpapaalipusta sa mga makapangyarihan. Nabanggit sa liham ni rizal na ang mga
babae noong kapanahunan ay may magandang ugali, mahinhin at mabuting asal. Pinuri rin ni
Rizal ang pagiging matapang ng mga kababaihan upang ipaglaban at ilungsad ang kanilang
karapatang magkaroon ng magandang edukasyon dahil noon ang tungkulin ng mga kababaihan ay
maging isang mabuting ilaw ng tahanan, at mabuting ina sa kaniyang magiging supling. Sa aking
palagay isa sa mga ulirang filipina si Maria Clara na siyang pangunahing karakter ni Rizal sa
kaniyang nobela. Pagkat lahat ng katangian na inaasam ng mga kalalakihan sa isang babae ay
natatangi ni Maria Clara isa siyang mabuting ehemplo sa mga pilipina sa panahon ngayon.
Maging si Sisa ay matatawag kong isang ulirang pilipina, siya ang simisimbolo sa mga Ina na
labis ang pagmamahal sa kaniyang mga supling. Tunay siyang Ulirang Filipina sa pag gampana
ng kaniyang tungkulin sa likod ng hirap at pangaalipustang kaniyang dinanas.

2. Ipaliwanag kung bakit matalas ang panunuligsa ni del Pilar.

-Matatalim na balang pampanitikan ang iginawad ni Del Pilar laban sa mga Kastila dahil sa
kagustuhang makawala sa mga Espanyol. Saksi siya sa mga pangaalipustang ginagawa ng mga
makapangyarihan sa mga pilipino at bilang isang tapat na pilipino, ninais niyang magkaroon ng
boses ang mga pilipino upang tuligsain ang mga mapagmataas at mapagalipustang mga kastila.
Sa ilalim ng pahayagang inilungsad ni Del Pilar ito ay naglalayong tanggalin ang mga prayle at
ang sekularisasyon ng mga parokya; Aktibong pagsali ng mga Pilipino sa mga gawain ng
pamahalaan; Kalayaan sa pagsasalita, ng pamamahayag, at ng pagpupulong; Mas malawak na
kalayaan nga mga pilipino sa lipunan at pampulitika; Pagkakapantay-pantay sa harap ng batas;
Asimilasyon; At representasyon sa Espanyol Cortes, o Parlyamento.

3. Magbigay ng konkretong halimbawa ng mga ipinahahayag ni Emilio Jacinto sa kanyang Liwanag


at Dilim.

-“Ang ningning at ang liwanag” Isinaad niya rito na ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng
paningin at ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay.

4. Bakit mahalaga sa kasaysayan ang sining nina Julian Felipe at Jose Palma?
-Ang sining nina Julian Felipe at Jose Palma ay isa sa nagpaalab ng damdaming makabansa sa
ating mga pilipino. Ang kanilang sining ay siyang nagpapaalala sa atin ng katagumpayan ng ating
mga bayani at maging ng ating mga ninuno mula sa kamay ng mga mapang alipustang banyaga.
Si Julian Felipe ang naglikha ng komposisyong Pambansang awit at si Jose Palma ang sumulat ng
tulang " Filipinas". Ang kanilang sining ay patuloy na pinagyayaman upang patuloy na
maipagmalaki ang katapangan at pagiging makabayan ng mga pilipino. Upang maipagmalaki
ang Pagwawagi ng mga pilipino laban sa mga mananakop.

5. Basahin ang talambuhay ni Andres Bonifacio at patunayang kahit hindi gaanong katas ang
kanyang pinag – aralan, daig pa niya ang may pinag – aralan.

-Hindi man nakapagtapos si Andres sa pagaaral dala parin niya ang kagalingan lalo na pagdating
sa panitikan. Kahit na hindi mataas ang kaniyang pinagaralan, natuto parin siyang magbasa at
magsulat ng parehong tagalog at espanyol. Daig niya ang mga may mataas na pinagaralan dahil
kinayang matuto kahit na walang taga turo. Isa pa'y daig ng taong may pagmamahal sa bayan at
may adhikaing pilipino ang mga edukadong walang respeto sa kanilang bansang sinilangan.
Bagamat mababa ang pinagaralan ni Andres, mulat naman siya sa mga pangaalipusta at
pangmamaliit ng mga dahuyan sa mga pilipino. Ninais niya ang kalayaan at karapatan na inagaw
ng mga kastila sa mga pilipino... Kung kaya't paano maikukumpara ang taong may pagmamahal
sa sariling bansa at may angking tapang na magpasimula ng rebolusiyon sa taong hamak na may
mataas na pinagaralan lamang? Kaya't sa aking opinyon daig ni Andres Bonifacio ang taong may
mataas na pinagaralan. Ginamit ni Andres ang kaniyang nalalaman upang gawin ang nararapat.
Sayang ang mataas na pinagaralan kung mananatili silang duwag at nagbubulagbulagan sa mga
karahasang ginagawa ng mga kastila sa mga pilipino.

6. Sa iyong palagay, alin ang pikatampok na mga pangyayari na siyang nagpabago ng takbo ng
panitikan noong panahong iyon?
-Sa aking palagay isa sa mga makabuluhang pangyayari noon na nakapag paalab sa mga pilipino
ay nang hatulan ng kamatayan ang tatlong pari na binansagang GOMBORZA. Isa ito sa dahilan
kung bakit nagising ang diwa ni Rizal sa mga kapangahasan ng mga kastila. Nasaksihan niya ang
pagkamatay ng tatlong pari na siyang nagpaalab sa damdaming makabansa ni Jose Rizal. Isa pang
makabuluhang pangyayari ay ang pagdakip at pag patay kay Rizal, na siyang nagpamulat sa mga
pilipino upang kumilos at lumaban para sa kalayaan at karapatan ng mga pilipino.

You might also like