You are on page 1of 11

“DULOT NG MAAGANG PAKIKIPAGTALIK NG MGA KABATAAN”

INTRODUKSYON

Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa mga dulot ng maagang kaalaman sa

pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan. Pinili ko ang paksang ito sapagkat upang

malaman ang mga posibleng maging dulot ng maagang pag aasawa. Ang paksang ito ay kaugnay

sa iba’t-ibang aspeto(pisikal,mental,atbp.) at sa pag-aaral,kalusugan at kinabukasan ng mga

kabataan.

Sa kasalukuyang panahon, marami nang mga kabataang napapariwara bilang isang

epekto ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik. Ang iba ay kinokonsidera nila ito na parang

isang simpleng bagay na maaaring gawin sa anumang oras. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin

ng pakikipagtalik?

Ayon sa biolohikal na kahulugan, ang pakikipagtalik ay isang paraan ng isang babae at

isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang

maselang bahagi ng katawan. At ayon naman sa bibliya, ginamit ang salitang nakilala, kung

kaya’t ang pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa, gayon din ng babae sa

kanyang esposo.Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong natamo

na ang sacramento ng kasal; kung kaya ito ay masasabi na sagrado. Ito rin ay isang paraan ng

pagpapakita ng pagmamahalan ng isang mag-asawa lamang. Hindi ito dapat ginagawa ng mga

kabataan, lalo na angmga minor de edad. Ngunit, kadalasan may mga kabataan pa rin na

pumapasok sa ganitong gawain dahil sa hindi tamang paggamit ng kaalaman sa pakikipagtalik.

Ang kaalaman ito ng mga kabataan ay mahalagang malaman para maiwasan ito. Ang maagang

pagbubuntis ay napapanahon ngayon. At ang papel na ito ay makatutulong upang masugpuan


ang dumaraming bilang ng mga kabataang napapasali sa gawaing pakikipagtalik. Ito rin ang

gigising sa isipan ng mga kabataan sa kadahilanan ng dumarami nang bilang ng mga kabataang

naliligaw sa landas. Minsan alam nila na naliligaw na sila ng landas, at minsan naman ay wala

silang kamalay-malay dahil na rin sa dulot ng kanilang kapaligiran. Matagal na isyu na ang

maagang pagbubuntis na siyang isang dulot ng maling paggamit ng kaalaman sa pakikipagtalik,

at habang tumatagal, lalo itong lumalala, kung saan siyang nagging dahilan ng pagpili ng

paksang ito upang mapag-aralang mabuti. Sa pagtatalakay ko ng paksang ito malalaman ninyo

ang mga magiging bunga ng maagang pagaasawa.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

` Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman at maintindihan ang posibleng

dulot ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan.

Ang tiyakang layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Upang malaman ang maaaring epekto ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik ng mga

kabataan.

2. Upang malaman kung anu-ano ang mga posibleng dulot ng maagang kaalaman sa

pakikipagtalik.

3. Upang malaman kung anu-ano ang mga epekto nito sa mga aspetong pisikal, mental,

emosyonal, espiritwal at sosyal.

4. Upang malaman kung anu-ano ang mga pinagmulan ng maagang kaalaman sa pagkikipagtalik

ng mga kabataan at,

5. Upang gisingin ang mga kabataan sa mga katotohanang nakapalibot sa kanilang kapaligiran

nang lalong maiwasan ang sitwasyon gaya ng maagang pagbubuntis.


6. Upang mabigyan o magkaroon ng rekomendasyon sa maaring negatibong epekto nito sa buhay

ng mga kabataan.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mayroong nais ipaabot para sa mga estudyante, mga magulang,

mga guro at tagapayo, lipunan at pati na rin mismo sa mga mananaliksik.

Sa mga estudyante, ang pag aaral na ito ay ginawa upang maimulat ang kanilang isipan sa

ganitong isyu upang maiwasan ang maaring masamang dulot nito.

Sa mga magulang naman, ito ay binuo upang magabayan pa ng husto ang kanilang mga

anak at mapigilan ang maagang pag-aasawa gayun din ang pagbubuntis.

Sa mga guro’t tagapayo naman, ito ay upang makagawa ng isang programa o aktibidad

ukol sa isyung ito at mahikayat ang mga kabataan sa mga bagay na kapaki-pakinabang bukod sa

pagtatalik.

Samantalang sa mismong lipunan naman, ito ay upang maiwasan ang lumalalang bilang

ng panggagahasa at iba pang krimeng kaugnay nito at isa pa ay upang maipaabot sa pamahalaan

ang mga posibleng sanhi nito at maiwasan ang problema ng komunidad hinggil dito. At syempre,

para na rin sa mga mananaliksik, upang makapagbigay ng magandang solusyon ukol sa isyu na

ito at makapagbigay ng kaalaman sa sino mang makababasa nito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa maagang kaalaman at pagkamulat ng isipan ng mga

kabataan.. Ang kadalasang hanguan ng kaalamang ito na posibleng makaapekto sa pisikal,

emosyunal, mental, sosyal at espiritwal na aspeto ng mga kabataan, at kung anu-ano ang maaring
maging aksyon ng mga nakatatanda upang ang kaalamang iyon ng mga kabataan ay hindi

maghatid sa maling landas. Ang pagaaral na ito ay umiikot sa edad mula labing isa(11) hanggang

labing siyam(19) na taong gulang. At ang iba pang posibleng magdulot ng problema ng kabataan

at iba pang hindi nabanggit sa pananaliksik ay sakop ng pag-aaral na ito.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

WHO- World Health Organization

STD- Sexually Transmitted Disease

AIDS- Acquired Immune Defieciency Syndrome

Premarital Sex – mga menor de edad na maagang nakikipagtalik

Live-in – ang pagsasama ng dalawang tao na hindi pa ntatanggap ang sakramento ng kasal

Aborsyon – pagpapatangal ng nabuong sangol sa sinapupunan ng ina

Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae

Teenage pregnanacy – ito ang maagang pagbubuntis ng isang dalaga

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

DAYUHAN NA PAG-AARAL

Ang dayuhang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga dulot ng maagang kaalaman sa

pakikipagtalik sa mga kabataan gaya ng maagang pagpasok sa pakikipagtalik, maagang

pagbubuntis, pagtigil sa pag-aaral, pagkasira ng kinabukasan at iba pa:

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay

nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya naman,

may legal na depinisyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung
siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang ito,

sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad, na

nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo, na nabubuntis.

Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang

dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon sa

etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi regular

hanggang ilang buwan matapos ang “menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na edad ng

menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na

manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindipa rin dapat isawalang

bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng isang dalaga.

Sa isang pananaliksik ni Robertson et. al, nagawa niyang alamin ang mga impormasyon

na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga mayayamang bansa.

Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng

mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang bansa, ang “teenage pregnancy”

ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at

kultura. Sa mga dahilang ito, nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin

ang mga dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at

kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa, ang teenage pregnancy ay

saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.”

May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na ang maagang

pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging ginagampanan ng kasarian

sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng

maagang nagbubuntis. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag-aasawa, ang
maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga

kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol

sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang

nagsabingnahihikayat sila na makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal

ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay

gumagawa ng mga sekswal na gawain”, at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi

naman nila talaga gustong gawin”. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga

ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa mga

dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na Gawain

Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad, ang mga

kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay

“nakakatanggal ng hiya at sakit.”

Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang “maternal” at

“prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa mga dalagang

nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas

sa mga dalagang ina. Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na

nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o ang karampatang

pagaalaga bago manganak, at kadalasang nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng

pagbubuntis. Ang Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na dalaga

ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na

dumaranas ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina.

Marami sa mga nagbubuntisna dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional

deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o hindi


masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali na ang mga

ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang oras, at iba

pa.

Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking

problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa. Ang

mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga

dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization

(WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis sa mga

babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito

ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20

pataas.

Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa ay

isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may

mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag-alaman

sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa man sila

mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad

ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na

nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya10-12%

ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga

babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30.

Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa

kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng

mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang
lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at problemang

pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga

relasyon.

Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social stigma”. Ang

kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina tungkol sa

kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga

negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng

pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.

Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao,

mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser Family Foundation, ang

masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa paglaki ng sanggol. Ang

pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-ugali ay

mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag-aaral ang nagmungkahi na ito

ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan-minsan lamang ginigising ang

pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak, pagngiti,

pakikipag-usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng kanyang

sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi gaanong magandang

pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal lamang, ang iba naman ay hindi

nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at

marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na

babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin sa kanyang paglaki.

Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa

ibang sitwasyon ay nakukulong pa. Sa pangkabuuan, hinihingkayat sa lahat na gamitin ang


kaalaman sa pakikipagtalik sa mabuti upang hindi makaranas ng mga dulot nito gaya ng

nabanggit.

Ayon sa OPP-PAPERS.COM ang mga bunga ng maagang pag aasawa ay ang sumusunod.

1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, maaring hindi pa kayanin ng

kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa

kanya.

2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin

sa kanilang ugaling bata pa.

4. Kung mag-kakaanak agad, hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga anak. Hindi

maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.

5. Sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang

paglaki ng kanilang anak.

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang disenyo ng pananaliksik, respondente, instrumento ng

pananaliksik, pamamaraan ng pangangalap ng mga datos, istatistikal tritment ng mga datos at

istratehiyang ginagamit sa pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik ay nagsasaad ng proseso kung saan ang pag-aaral ay may napiling

populasyon para isagawa ang sarbey. At kung anuman ang magiging resulta ng sarbey ay siyang

magiging batayan ng pag-aaral tungkol sa paksa.


Ang ginamit na disenyo sa pangangalap ng mga datos at impormasyon sa pag-aaral na ito ay ang

deskriptib na pananaliksik dahil ito ay mas naaangkop para sa pananaliksik tungkol sa “Dulot ng

maagang kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan.”

Ang deskriptib na pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik kung saan ang primaryang sakop ay

ang paglalarawan sa mga kondisyon at abot-saklaw na ayos ng isang “written report”, kung saan

walang dinoktor na mga impormasyon.

“MGA INSTRUMENTONG GINAMIT SA PAGAARAL”

1. Internet- Sa tulong ng bagong Teknolohiya,ang paggamit sa Internet ang pinagmulan ng

aking pananaliksik at mga datos na aking nakuha. Sa intenet ko rin nakuha ang at nahanap ang

bawat detalye ukol sa aking paksang tinalakay. Nakatulongito ng malaki sapagkat naibahagi ko

ang aking pag-aaral tungkol sa dulot ng maagang pag aasawa ng mga kabataan.

2. Libro- Sa libro ko naman nahanap ang bawat detalye ukol sa aking paksang tinatalakay.

Nakatulong din ito ng malaki sapagkat naibahagi ko ang mga pag-aaral ko tungkolsa dulot ng

maagang pag aasawa ng mga kabataan na siyang pumukaw sa aking atensyon upang mabuksan

ang aking kamalayan kung anu ng buhay ang maghihintay sakin kung ako ay maagang

magaasawa.

BIBLIOGRAPIYA

www.yahoo.com

http://blog.taragana.com/health/2009/11/05/foreign-students-need-sex-educationaustralian-

www.abante.com.ph/isssue/oct0608/op_sf.htm

http://en.wikipedia.org/wiki/Sex_education#United_States

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagtatalik
“DULOT NG MAAGANG PAKIKIPAGTALIK NG MGA KABATAAN”

ISANG NAPAPNAHUNANG PAPEL NA IPINASA BILANG

PAGTUPAD SA MGA PANGANGAILANGAN

SA ASIGNATURANG PILIPINO

Ipinasa kay:

CHERYL ROSE ALIPONGAN

Ipinasa ni:

JIMMY BORNALES

You might also like